Carrying Mr. CEO's Child✔

By KILLEROXX

1.1M 20.7K 978

What if anak pala ng CEO ang dinadala mo.. Date Started: May 15,2018 Date Finished: May 13,2020 More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue

Chapter 35

15.3K 276 11
By KILLEROXX

3rd Person

SABAY na umalis sina Mika at Ace para puntahan at iligtas sina Jane at Adrian. Sakay nila ang kotse ni Ace.

Maya-maya ay nakita na ni Mika sa di kalayuan ang isang malaking bahay kaya gad niyang pinahinto si Ace.

"Dito lang po tayo Sir Ace." Pigil ni Mika sa akmang pagmamaneho rito. Nang makita ni Mika ang mukha ni Ace na nagtataka kaya ipinaliwanag niya ito.

"Hindi tayo pwedeng magpakita sa kanila. Delikado silang tao at pumapatay rin." Napapalunok na sabi ni Mika. Hindi niya nakitaan si Ace ng takot. Labag sa loob na tumango nalang ito.

Naunang lumabas si Mika at sumunod naman si Ace. Dahan-dahan silang naglakad patungo sa bahay kung saan nakakulong sina Jane at Adrian. Agad silang nagtago sa puno ng may biglang lumabas na isang lalaki sa gate at nagtungo sa puno kung saan sila nagtatago.

Nanginginig ngayon si Mika at ramdam niya na pinagpapawisan ito habang si Ace naman ay napapalunok narin.

"B-baka alam niya na nandito tayo." Nanginginig na bulong ni Mika sa kanyang amo.

"Shh. Huwag kang maingay." Sambit niya rito. Nang makalapit ang lalaki sa kanila ay yumuko ito at ipinagdikit ang kanilang katawan para hindi sila makita. Nakaginhawa nalang si Mika ng makita niyang umiihi lang pala ang lalaki.

"Hays! Akala ko makikita na niya tayo." Nanlaki ang mata ni Mika dahil sa lakas ng pagkakasabi niya rito. Sinamaan siya ng tingin ni Ace.

"Sino iyan?! May tao ba diyan?!" Sigaw ng lalaki  at palinga-linga sa paligid. Hinanda na niya ang armas nito at baka may kalaban.

"Meow, meow." Saad ni Mika. Nanlaki ang mata ni Ace sa ginawa ni Mika. Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Meow, meo--" Hindi nakapagtapos ng pagsasalita si Mika ng may humablot sa damit nito at marahas na pinatayo.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong ng lalaki at madiin na isinandal sa puno. Napaigik naman si Mika sa sakit. Hindi napansin ng lalaki si Ace na ngayon ay kumuha ng kahoy at pumewesto sa likod ng lalaki.

"Bitawan mo siya." Mariin ngunit malamig na wika ni Ace. Dahan-dahang humarap ang lalaki sa kanya at bago pa siya nito makita, hinampas ni Ace ng malakas sa ulo ng lalaki ang hawak-hawak nitong kahoy.

Napabitaw naman ang lalaki sa pagkakahawak ni Mika kaya tinadyakan niya ito sa parte kung saan lumalabas ang ihi nito. Napahiyaw naman sa sakit ang lalaki.

Ginawa na ni Ace ang nararapat kaya bago pa ito kumuha ng armas ay hinampas niya ulit ito ng kahoy sa batok nito na ikinawalang malay ng lalaki. Napatalon naman sa tuwa si Mika dahil sa ipinakitang galing ni Ace.

"Saan mo 'iyon natutunan Sir Ace?" Nakangiting tanong ni Mika.

"We don't have time to explain." 'Yun na lang ang initugon ni Ace bago niya kinuha ang armas ng lalaki.

"Kumuha ka rin ng kahoy Mika. Hindi pwedeng palagi ka nalang umaasa sa akin." Walang magawa ito kundi ang maghanap ng matibay na kahoy. Dahan-dahan silang nagtungo sa gate. Kumatok naman si Ace at ilang saglit pa ay may biglang bumukas.

"Sino ka? Bo--" Bago pa ito makasigaw ay hinampas na ni Ace ang hawak-hawak nitong kahoy sa ulo ng lalaki. Dumugo naman kaagad ang ulo nito at nakahandusay habang namimilipit sa sakit. Tinadyakan pa ito sa sikmura ni Ace hanggang sa mawalan ito ng malay.

Sa kabilang banda naman ay todo hampas si Mika sa lalaking kaharap nito pero kahit anong hampas nito, nakakaiwas ang lalaki.

"Tch. Sinasayang mo lang oras ko binibini." Nakangising saad ng lalaki. Nanginginig sa takot si Mika dahil wala siyang alam sa pakikipaglaban. Kinuha nito ang baril at bago niya ito ipinaputok sa direksyon ni Mika, may biglang sumipa sa kamay nito para mabitawan ang baril. Ginawa na ni Mika ang kailangan. Labag sa loob niyang hinampas ang hawak nitong kahoy sa mukha ng lalaki para mapadaing ito sa sakit at sumuka ng dugo. Hinampas niya pa ito ng paulit-ulit hanggang sa humiga na ang lalaki at hindi na gumagalaw.

"Itigil mo na yan Mika. Baka makapatay ka." Pagpapatigil ni Ace sa akmang paghahampas ulit ni Mika sa lalaki. Bigla naman itong natauhan at nanginginig na tumingin sa lalaking hinampas niya.

"H-hala. Sorry kuya." Mangingiyak na paumanhin nito at sinubukang lumapit pero pinigilan kaagad siya ni Ace.

"Umalis na tayo rito bago pa sila makahalata." Sumunod nalang si Mika kay Ace at sabay silang nagtungo sa pinto. Tumigil si Ace sa paglalakad.

"Dito ka pumasok, sa likod ako." Utos ni Ace kay Mika na ngayon ay nagulat sa sinabi ng lalaki.

"P-pero Sir Ace! H-hindi ko alam paano lumaban." Lumuluha na ito ngayon dahil sa takot. Bumuntong hininga si Ace at binigyan siya ng baril.

"Kunin mo ito."

"H-hindi. Hindi pa ako nakakahawak niyan." Pigil ni Mika habang tumitingin sa baril.

"Kaya nga ngayon ka makakahawak nito. Gusto mo bang maligtas ang buhay mo? Kunin mo nalang ito." Nanginginig parin ang kamay ni mika at kinuha ang baril na bigay ni Ace. Agad tumakbo si Ace at iniwan si Mika na nakatayo.

Huminto si Ace ng nasa likod na siya ng bahay. Napakunot ang noo nito na walang makitang pinto maski isa.

"Shit?! Paano ako makakapasok rito?!" Inis na bulong nito ha ang palinga-linga sa bahay. Napatigil na lang siya sa kanyang ginawa ng may naramdaman siyang bagay sa kanyang ulo.

Nakatayo ang lalaki sa likod ni Ace habang nakatutok ang baril nito sa ulo.

"Ace." Bulong ng lalaki sapat na para marinig ni Ace. Hindi na makapag-isip ng tama si Ace.

"Gusto mo bang makita ang mahal mo sa buhay?" Nakangising tanong ng lalaki at humalakhak. Hinampas ng lalaki ang batok ni Ace gamkt ang likod ng baril nito. Napasubsob naman si Ace sa damuhan habang namimilipit sa sakit. Napapapikit pa ito.

"Nakakaawa kang tignan Ace Montefalcon. Ang hina mo! Paano mo malikigtas ang mahal mo sa buhay kung hindi ka naman lumalaban?" Pang-iinsulto ng lalaki. Galit na iniyukom ni Ace ang kanyang kamay. Patalikod niyang sinipa ang lalaki at natamaan naman iyon sa paa. Patalon na tumayo si Ace at susuntukin sana ito ng mahagip ng lalaking ang kamao nito.

"Tch! Anong silbi ng kamao mo ku--" Hindi nakapagtapos ng pagsasalita ang lalaki ng mabilis niya iton sinuntok sa panga. Nabitawan naman siya ng lalaki habang nakahawak ito sa kanyang panga na napuruhan. Umigting ang panga nito at galit na tinignan si Ace.

"Hayop ka! Wala kang karapatan na saktan ako!" Galit na wika ng lalaki at tumakbo papalapit kay Ace. Bago siya masipa ng lalaki ay dumapa na ito kaagad at hinawakan ang paa nito. Marahas niya itong hinila hanggang sa masalampak sa damuhan ang lalaki. Kaagad na pumaibabaw si Ace rito at sinuntok. Todo ilag naman ang lalaki. Hindi namalayan ni Ace ang kamay ng lalaki kaya nasuntok siya nito sa mata.

Nakatayo na ang lalaki at nagpalit sila ng posisyon ni Ace. Siya naman ang pumaibabaw rito at binigyan siya ng malakas na suntok na hindi kayang iwasan ni Ace. Napaubo nalang si Ace at nahihirapang huminga.

"Ano?! Lalaban ka pa ah?!" Sigaw ng lalaki at tumayo. Sinipa niya ng paulit-ulit ang tiyan ni Ace hanggang sa sumuka ito ng dugo. Hinila niya ito patayo gamit ang buhok ni Ace. Ididilat na sana niya ang mata nito ng malakas siyang siniko ng lalaki ng ikinawalang malay niya.

Sa kabilang banda naman ay hindi alam ni Mika kung papasok ba siya sa bahay o hindi. Inilagay niya nalang sa kanyang bulsa ang baril at mahigpit na hinawakan ang kanyang kahoy. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya gagamit ng baril dahil labag sa kanyang kalooban ang makapatay ng tao. Dahan-dahan itong pumasok at nakita niya sa di kalayuan ang grupo ng lalaki na masayang nag-iinuman. Hindi siya nito mapapansin kaya mahina itong umakyat. Pagkatapos ay napakagat na lamang siya ng labi habang tinitignan ang mga kuwarto. Sobrang dami nito at kung ibibilang niya ay nasa dalwampu't isa ang kuwarto.

Ngumiwi ito bago isa-isahin niyang pagbuksan ang pintong nadadaanan niya. Hanggang sa bigla na lamang may humila rito at titili na sana ito ng tinakpan ang kanyang bibig.

"Huwag kang sumigaw. Hindi kita sasaktan." Bulong ng lalaki sa kanyang tenga. Parang biglang may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan ng maramdaman niya ang katawan ng lalaki sa kanyang likuran.

Binitawan naman siya ng lalaki at pinaharap siya.

"Ako si Mark at nandito ako para iligtas kayo." Nalaki ang mata ni Mika ng makilala ang lalaki.

"'Di ba ikaw 'yung lalaking nagbigay ng pagkain sa akin?" Tanong ni Mika. Piansadahan lang siya ng tingin ng lalaki.

"Oo ako nga. Kapatid ko ang may kagagawan ng lahat ng ito at hindi ako umaayon sa desisyon niya kaya tinutulungan ko kayo."

"P-pero... Bakit?" Naguguluhang tanong ni Mika.

"Hindi ito ang gusto ko. Hindi ko gusto ang makapanakit ng tao." Mahinahong wika ng lalaki. Napatingin naman si Mika sa mapupulang labi nito at may umudyok sa kanyang halikan ito.

'Shit Mika! Umayos ka, nasa labanan ka ngayon!' Saad nito sa kanyang isip at umiling-iling.

Nagtaka ang lalaki sa inasta nito. Bigla siyang tumingin rito at agad namula ng mapagtanto ang kanyang ginawa.

'Nakakahiya ka Mika!'

"Ayos ka lang?"

"O-oo." Hindi siya makatingin sa lalaki.

"Nakikita mo 'yun." Turo niya sa pinakadulong pinto na may nagbabantay na dalawang lalaki. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil sa katangahan nito. Hindi niya nakita ito kanina at kapag makakapunta siya sa pinakadulo, tiyak na ikamamatay niya.

"Oo, nakikita ko." Sabay tingin ni Mika sa mukha ng lalaki. Nagtatakang tumingin rin ang lalaki sa kanya.

"Huwag kang tumingin sa akin. Alam kong gwapo ako." Mayabang nitong sabi na ikinairap niya at agad umiwas ng tingin.

"Bakit mo tinuturo 'yang pinto?"

"Nandiyan nakakulong si Jane." Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa kanyang narinig.

"Nagbibiro ka ba?"

"May panahon ba ako para magbiro?" Sarkastikong tanong ng lalaki, o di kaya'y Mark. Napapahiyang nag-iwas muli ng tingin si Mika.

"S-sige na, ipagpatuloy mo na ang naudlot mong kuwento."

"Lalapit ako sa kanilang dalawa." Tukoy niya sa mga lalaking panay ang tingin sa paligid. Malalaki ang katawan nito. "Habang abala akong nakikipagkuwentuhan sa kanila, papasok ka kaagad sa pinto. Naintindihan mo?" Tumingin si Mark kay Mika na ngayon ay wala sa sariling napatango. Pinitik niya ang noo ni Mika na ikinabalik ng diwa nito.

Dahan-dahan silang naglakad patungo sa pinakadulong pinto. Hindi sila makikita ng mga lalaki dahil may kadiliman ang nilalakaran nila. Namg nasa tapat na sila rito ay agad lumabas si Mark sa pinagtataguan niya at nagsimulang magkuwento sa mga lalaki para ilibang ito. Ginawa naman kaagad ang plano ni Mika at agad niyang binuksan ang pinto pero nakalock iyon.

Biglang tumingin ang isang lalaki ng matamaan niya sa mata na may nagpupumilit ng buksan ang pinto.

"Huy! Sino ka?!" Sigaw ng lalaki. Bumuntong hininga si Mark at hinawakan ang balikat nito.

"Huwag mo na siyang pakialaman." Mahinahon ngunit seryosong sabi nito sa lalaking nakakita kay Mika.

"At bakit boss?" Nagtatakang tanong nito kay Mark. Ngumisi ito at sinuntok ng malakas ang mukha ng lalaki. Naramdaman ni Mark na may papalapit sa kanya kaya sinipa niya ito sa mukha. Napasandal naman sa pader ang lalaki dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Mark sa kanya.

Hindi namalayan ni Mark na nakatayo na pala 'yung lalaking sinuntok niya kaya hindi niya nasangga ang suntok na ibinigay ng lalaki. Tumama iyon sa labi nito at naramdaman niya ang dugo rito. Susuntukin na sana siya ulit nito pwro nasangga iyon ni Mark at ginawaran ang lalaki ng mas malakas na suntok. Ramdam rin ni Mark ang sakit at hapdi ng kamay niya dahil sa tigas ng mukha nito.

Natatarantang naghanap si Mika ng bagay para tulungan si Mark. Nang may nahanap siyang flower vase na nakadisplay sa gilid ay agad niya itong kinuha at lumapit sa lalaki na ngayon ay nasa likuran ni Mark habang may hawak-hawak itong kutsilyo. Isasaksak na sana niya ito ng malakas niyang ipinukpok ito sa ulo ng lalaki. Nawalan naman ito kaagad ng malay. Napansin ni Mark ang pagkakabagsak ng lalaki sa likod nito. Seryoso niyamg tinignan si Mika.

"Salamat." Sambit ni Mark at nginitian si Mika. Agad namang namula ang buong mukha nito at umiwas ng tingin. Pareho ng walang malay ang dalawang lalaki kaya lumapit si Mark sa isang lalaking may naaksabit na susi sa leeg nito. Agad niya itong hinila at ibinigay kay Mika.

"Buksan mo na kaagad ang pinto bago pa may makakita sa 'yo. Ako nalang bahala rito." Mahinang sabi ni Mark. Tumango si Mika at agad binuksan ang pinto.

Si Ace naman ay naalimpungatan dahil may nararamdaman itong bigat sa kanyang katawan. Nanlaki ang kanyang mata dahil nakatali ito ngayon habang nakaupo.

"Gising na pala ang duwag na Ace.."

Sinamaan ni Ace ang lalaki na ngayon ay prenteng nakaupo sa sikya habang pinagmamasdan siya. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng lalaki. Puro mga sirang bagay ang nandito at may mga sasakyan na nakaparada. Napagtanto niyang naa garahe siya.

"Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Ace at pilit na iginagalaw ang kanyang katawan.

"Ops! Huwag kang malikot at baka mapilitan akong pasabugin ang bungo mo." Nakangising sabi ng lalaki.

Ang nasa isip ngayon ni Ace ay ang makatakas rito, pero... Paano siya makakatakas? Sino ang tutulong sa kanya?

Nawawalan na ng pag-asa si Ace kung mabubuhay pa ba siya. Hindi niya gustong mamatay dahil gusto pa niyang makasama ng matagal si Jane at makitang lumaki si Adrian.

"Bakit mo ginagawa ito sa amin?" Seryosong sabi ni Ace sa kanyang kaharap. Tumayo naman ang lalaki at nilapitan siya. Mariin itong hinawakan ang kanyang panga.

"Bakit ko ginagawa ito? Simple lang ang sagot. Gusto ko lang makapaghiganti."

"Makapaghiganti sa saan?"

"Sa pagkamatay ng Mommy ko." Napakunot ang noo ni Ace dahil sa narinig na sagot ng lalaki.

"Gago ka pala eh! Ano bang kinalaman namin sa pagkakamatay ng Mommy mo?!" Mura niya rito. Matalim siyang tinignan ng lalaki.

"Wala kayong kinalaman pero ang magaling mong ama ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang Mommy ko!" Sigaw niya rito habang dinuro-duro niya si Ace. Hindi naman ito makapalag dahil hindi niya rin maigalaw ang buo nitong katawan.

"Imposible! Nasa ibang bansa si Daddy! At hindi niya magagawang pumatay ng tao!"

"Nasa ibang bansa? Nagpapatawa ka ba? Hawak ko ang daddy mo Ace."

Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Galit niyang tinignan ang kanyang kaharap. Nanalilisik na ang mata nito sa galit.

"Huwag mong gagalawin si Daddy! Papatayin kita kapag nakalabas ako rito." Banta ni Ace. Tumawa lang ito.

"Go on." Marahas niyang binitawan ang panga ni Ace at 'tsaka umalis sa garahe. Sinara niya pa ito at tanging dilim na lang ang nakikita nito.

"Somebody help me." Hinging tulong nito pero alam naman niyang walang makakarinig sa kanya maski isa.

~TO BE CONTINUED~

Thank you sa mga sumuporta parin ng story ko. Don't forget to vote and I wanna know your thoughts kaya comment kayo.
Enjoy Reading!

Continue Reading

You'll Also Like

68.7K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.5M 78.9K 122
Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong binata...
41K 2.4K 41
《Akesha x William》 "I hate everything from you.... but why i can't deny that i love you so much" Akesha Pearl Rodriguez is a normal girl, with a norm...
147K 2.9K 48
Magka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.