Ran's P.O.V
2 weeks na lumipas, at napapansin ko talagang iniiwasan ako ni Gabb. Have I done something? Namimiss ko na siya. Sobrang mahal ko siya talaga eh. I decided to stalk her sa instaface but then may pinost pala sya.
" Can't wait to marry you my one and only. Iloveyousomuch My Gorgeous Fiancé, My Ella.✨ "
Naiinis ako! ako dapat yan eh! Ako yan! Gusto ko magwala! Hindi ako papayag! Gabb is MINE! Kung dati tinatanggap kong di na talaga pwede. pero hindi eh, I deserve Gabb, and I will do my best to own her.
Inagahan ko dito sa Hospital at since may access ako sa clinic niya eh nakapasok ako. 1 hour after dumating na si Gabb.
" R-Rans?." Gulat niyang sambit
" Hi, I bought coffee for you." Sambit ko
" O-Oh, Thank you." Sambit niya at nilapag ang gamit niya sa table.
" Namimiss na kita Skribikin." Sambit ko
" Ahh sorry ha? busy lang sa wedding preparations eh." Sambit niya
" Pasyal tayo after this?." Sambit ko
" Uhm, sorry Rans, nakapromise na kasi ako kay Ella na maaga ko siya susunduin sa office niya eh." Sambit niya, this is the first time she turned down my offer.
" How bout tomorrow?." Sambit ko
" May schedule kami the whole week eh." Sambit niya habang naglalaptop, she's no longer paying attention.
"Excited ka na talaga sa kasal nyo ni Ella noh?." Sambit ko
" Oo naman, I really can't wait my one great love." Sambit niya, Ouch, so ano ako? Pampalipas oras ganun?
" Gabb?." Sambit ko
" Yes?." Sambit niya habang naglalaptop pa rin
" I still love you." Nakita kong natigilan siya at napatingin sa akin
" Rans, no way!." Sambit niya sa akin
" Kidding! hahahaha, eto naman masyadong seryoso di mabiro." Sambit ko, kailangan ko muna mag-isip ng plano, kasi baka iwasan mo ako bigla pag nalaman mong mahal pa rin kita.
" Baliw!." Sambit niya at balik sa laptop niya
" Pero kung single ka ngayon baka hahaha." Sambit ko
" Ewan ko sayo, May Ella na ako, why don't you date others? total single ka naman." Sambit niya
" not interested for now hahaha." Sambit ko, Coz I'm only interested in you.
Meron kaming Team Building mga Doctors this coming weekend, Friday kami aalis and we'll be back monday morning. This is it! this is the perfect time para mapasaakin ka Gabb.
Ella's P.O.V
" Team Building? Saan?." Sambit ko
" I really don't want to go mahal ko pero pinipilit ako ng Director namin." Sambit niya habang nakabackhug sa akin
" Saan naman yun Akin?." Sambit ko
" Batangas Akin, Friday morning kami aalis, babalik kami dito Monday morning." Sambit niya
" Hmmm.. Kasama siya diba?." Sambit ko, Malamang Doctor si Rans dun eh
" Unfortunately Yes Akin." Sambit niya
natahimik ako kaya pinaharap niya ako at hinawakan ang mukha ko
" Trust me, sayo lang ako patay na patay. Hindi lang talaga pwede na di ko siya papansinin kasi kasamahan ko siya. pero pangako mahal ko, Ikaw lang." Sambit niya habang tinititigan ako sa mata.
" Iloveyou." Sambit ko
" Iloveyoumost mahal ko." Sambit niya sabay higit ng bewang kaya napayakap ako sa leeg niya.
Biglang nag ring ang phone ni Gabb kaya sinagot niya ito pero nakayakap pa rin ang isang kamay niya sa bewang ko. ni loud speaker niya ito kaya naririnig ko.
" Ecka? napatawag ka?." Sambit ni Gabb
Phone Convo:
Ecka: Gabo! Success tayo! Kulang na yung manyak! non bailable pa.
Gabb: Talaga? Sure ba yan?.
Ecka: Yes Gabb, sangkot din pala sa droga at human trafficking ang manyak na yun. siya pinaka leader.
Gabb: Buti nga sa kanya, narinig mo yun mahal? Habang buhay daw na kulong yung manyakis.
Me: Oo mahal, Ecka, salamat sa inyong lahat. Sobrang saya ko.
Ecka: Naku Ella, wag ka sa akin magpasalamat kundi diyan sa kabiyak ng puso mo, yan ang gumawa ng lahat ng paraan para mahuli si Diaz.
Gabb: Sa tulong niyo rin siyempre.
Ecka: Hahaha oo naman, palagi lang kaming nandito para sa inyo. Pano, baba ko na ha? papakainin ko pa si Becka eh.
Gabb: Sige Ecka! salamat talaga.
Me: Bye Ecka! Regards kay Belle at kay inaanak. Sobrang thank you talaga.
End of Convo
" Thank you sobra Akin! Gumaan ng sobra lahat. yung bigat ng takot at galit gumaan na mahal ko." Sambit ko sabay sumiksik ng yakap sa kanya
" Sabi ko naman sayo diba? For as long as I exist, walang sino man ang makakapanakit at makakabastos sayo. Hinding hindi ko hahayaang makalusot talaga. Nobody hurts my Ella. Wag na wag nila susubukan!." Sambit niya habang kinikiss yung tuktok ng ulo ko
" Naalala ko tuloy yung ginawa mo dati sa Scholastica." Sambit ko
" Ganyan kita kamahal Akin, I'll protect you at all cost." Sambit niya habang sinasayaw ako habang nagyayakapan kami.
Sana magtuloy tuloy na ito, ayoko na maulit yung sumbatan namin ni Gabb, gusto ko ganito lang kami.
Coleen's P.O.V
Magkasama kami ni Cole ngayon kasi business partners kami sa aming milktea business, pero siyempre alam na niya na kami na ni Brei.
" Akala ko may pag-asa pa ako sayo Small baby." Sambit ni Cole
" Naku, tumigil ka nga Big Baby." Sambit ko
" Anong baby ha?." napalingon ako at napangiti
" Hi my Babi" Nakangisi kong sambit
" Binibiro lang, haay diyan na nga kayo hahahaha." Sambit ni Cole sabay umalis.
" Dinalhan kitang Chocolate mousse drink Babi." Sambit ni Brei sabay halik sa noo ko
" Yieee, you really know my favorite babi." Sambit ko
" Hahahaha Oo naman I will always know all your favorites." Sambit niya habang nakakandong ako sa kanya
" But you're my most favorite Babi hihihihihi." Sambit ko
" Nako po, ayan naman tung girlfriend ko, sumesegway na naman." Sambit niya hahahha ang cute mo.
" Hihihihihi totoo naman kashi." Sambit ko
" Oo na po. Kinikilig na ako." Sambit niya nakukyutan talaga ako pag ngumingiti sya tas nawawala amg mata nya.
Nasa Bahay na ako ngayon kasama ko pa rin si Babi.
" Dito ka nalang kaya matulog Babi." Sambit ko
" Hmm... Please muna. plus lambing." Sambit niya
" Hala sya hihihihi." Sambit ko sabay siksik sa kanya ng yakap
" Pweash Babi dito ka shweep. pweety pweash." Sambit ko
"Ikaw talaga. Siyempre Papayag ako ang cute mo talaga." Sambit niya.
Nakahiga na kami ngayon at matutulog na. pero bago ako matulog. pinost ko muna ang pics namin kanina.
" You we're always there for me when I needed someone the most. you never gave up on me, despite of you seeing the worst in me. Thank you for loving me so much Babi. Iloveyousomuch too, my babilove ❤ @breinuya "
#CocoBrei
nang ma post ko na yung pic. natatawa naman ako sa mga nag cocomment.
@skribikin.gabbo: HOOOYYY! MGA BATA MATULOG NA KAYO! 😜😜
@sibecka: luh, mga bata may daycare class pa kayo bukas, tulog na! 😂
@brualdana: Ismol but Teribol! 🤣
@amat.ella: Omgeee 🙈 Stay strong my loves. 🥰
@queensela: Baby girl @coconaaat Don't grow too fast please. Brei baby ko pa yaaan! 😁
@skribikin.gabbo: @breinuya @coconaaat mga anak wag kalimutan gatas nyo ha? tulog na.😝 😜
Mga baliw talaga tong mga toh.
@coconaaat: MGA BALIW! HAHAHAHAHAHA love you guys! 😘
Nilapag ko na phone ko at yumakap kay Brei.
" Mga baliw talaga sila." Sambit ko
" Mas baliw naman ako sayo babi." Eeee.. sa kilig ko sumiksik ako ng yakap sa kanya
Sela's P.O.V
Maaga hinatid ni Gabb si Ella sa mansion, dito daw muna si Ella dahil may team building siyang pupuntahan.
" Ate ikaw na muna bahala dito sa mahal ko ha?." Sambit ni Gabb
" No biggie gabby, kelan ko ba pinabayaan si Sissy?." Sambit ko
" Kaya nga sa inyo ko muna siya iiwan eh. thanks ate." Sambit niya sabay halik sa noo ko
" Gabby ha? andun si Rans. " Sambit ko
" Don't worry Ate, I got this." Sambit niya
" Wala ka na bang naiwan Akin?." Sambit ni Ella
" Wala na Akin. Ay may isa pala." Sambit ni Gabb
" Hala! naku! ano yun?." Sambit ni Ella
" Yung puso ko iiwan ko sayo." Nakangising sambit ni Gabb, haaay naaaliw akong pagmasdan ang dalawa.
" Sus! dapat lang iiwan mo yan kay Ella, dahil kay Ella naman talaga yan." Sambit ko
" Oo na ate, wag na strong hahaha." Sambit ni Gabb
" Akin, mag-iingat ka dun, tawagan mo ako ha?." Sambit ni Ella sabay yakap kay Gabb
" Opo Mahal ko, pagkarating ko dun, tatawagan kita agad promise." Sambit ni Gabb sabay halik sa noo ni Ella
" Ano ba kayo, namimiss ko tuloy asawa ko." Sambit ko
" Luh, Ate talaga. lika nga dito." Sambit ni Gabb sabay hila sa akin. niyakap niya kaming dalawa ni Ella.
" Mahal na mahal ko kayong dalawa. Sige na ha? Kailangan ko na umalis." Sambit ni Gabb sabay halik sa mga noo namin. Siyempre lumayo akong konti para makapagpaalam ng maayos si Gabb kay Ella.
Gabb's P.O.V
" Mahal ko, I have to go ha? baka ma late ako eh." Sambit ko
" Mag-iingat ikaw, basta yung mga bilin ko ha?." Sambit niya
" Opo. Wag ka na mag-alala sa akin. at pangako IKAW LANG." Sambit ko sabay halik sa lips niya.
" I really have to go Akin. Iloveyousomuch." Sambit ko at hinalikan noo niya bago ko kunin ang gamit ko
" Ingat Mahal ko. Iloveyoumost." Sambit niya
" Ingat Gabby." Sambit ni Ate Sela
Nakasakay na ako ngayon sa Coaster papunta sa Batangas. no choice ako kasi katabi ko si Rans. kaya nag earphones nalang ako at tinawagan ko si Ella para kahit nasa biyahe ako kausap ko siya. kahit di kami nag-uusap basta nandyan lang siya sa tawag, okay na.