Perilous Kismet

By velaskinswife

16.6K 1.2K 204

Behind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter... More

▪︎ c a s t ▪︎
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xli
xlii
xliii
xliv
xlv
e p i l o g u e
ii/ii

xxi

322 28 4
By velaskinswife

"Hello, Shaquille? Napatawag ka?" Tanong ko agad pagkasagot ko ng cellphone ko. Nasa opisina ako, napatingin ako sa wall clock ng mapansin kong lunch break na pala. "O sige pare, bababa na ako." Sabi kasi ni Shaq ay nasa baba daw ito at mananghalian na.

Wala akong baon ngayon eh. Hindi nagluto si Izzy, hindi ako pinabaunan ngayon. Ano kaya kung umuwi na lang ako para makapag-usap na din kami? Tatlong araw na nya akong iniiwasan, pang-apat na ngayon. Hindi ko na yata kayang tiisin.

Hindi niya ako hinahayaang kausapin siya. Kapag dumadating ako sa bahay, it's either nasa kwarto na siya at nagkukulong o pag naman inaabutan ko ito sa sala ay hindi mo makakausap dahil may pinapanood at kahit anong pagpapapansin ko ay wala lang. Kung tutuusin ay para syang batang nagtatampo pero alam kong galit sya.

Kahapon ay inabutan ko itong nagluluto ng hapunan, matamlay sya... sinadya kong umuwi ng maaga para makausap ko sya. Usap ako ng usap, naibuhos ko na lahat ng sentiments ko sa buhay, yun naman pala ay hindi ako naririnig... nalaman ko na lang na may nakapasak sa tenga nya ng bigla syang kumanta. Nagulat pa sya na nasa likuran pala nya ako.

"Kumain ka na..." yun lang ang sinabi niya ng makabawi sa pagkabigla.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko. Umiling lang sya.

"Mamaya na ako, busog pa." Sabi nito at iniwan akong mag-isa sa kusina.












"Oh, pare... asan na ang luto ni Miss Belle?" tanong agad ni Shaquille. Paano kasi kaya ako hinahanap ng gunggong na ito ay dahil sya ang umuubos ng luto ni Izzy.

"Hindi nagluto ngayon eh." Matamlay kong sagot. Wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon.

"Ha? Si Belle, hindi nagluto ng agahan?" Nagulat ako ng makita ko si Gette. Bakit nandito 'to? "May business kami ni Shaq." dugtong pa nito ng mapansin siguro na napakunot ang noo ko. Tumango na lang ako.

"Hindi ako pinabaunan eh." Parang batang sumbong ko ng makaupo na kami sa cafeteria. Wala din naman akong ganang kumain... hahanapin lang ng panlasa ko ang masarap na luto ng asawa ko...

'Asawa ko', napakalaki kong tanga kasi... bakit hindi ko napansin na she was trying to make things work between us...

"Magkaaway ba kayo?" Tanong ni Gette. Tumingin lang ako sa kanya ng malungkot. Hindi ko na kailangang sagutin iyon. "Bakit?"

"Nagalit kasi ako sa kanya nung tinawagan nyo akong binalikan nyo sya sa cemetery tapos wala." sabi ko ng nakatungo. Alam ko kasing napaka childish ng ginawa ko... hindi ko din masabi ang tungkol sa mas ikinagalit ko na hickey sa leeg ni Izzy...

"You what?", "Ano?!" sabay pang tanong ni Shaq at Gette. Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere tanda ng pagsuko. Napabuntong hininga ang mga ito habang napapahilamos naman ako ng kamay ko sa mukha. I'm so frustrated, I missed her... so much.

"Nag-alala lang naman ako sa kanya." Sabi ko trying to save myself.

"Hindi mo ba nabasa ang reply ko sayo ng sinabi mong nakauwi na sya?" It was Shaq. I remember texting him dahil hinahanap nito at ni Gette si Izzy dahil sila nga ang magkakasama. Umiling ako. "Damn man!!" Napamura ito.

"Shaq told you sa text na dumating si Joaquin at dinalaw si Thea. Sinabi mismo iyon ng guard ng mausoleum." Gette was trying to calm herself while telling me that. Napahinto naman ako. "Nagalit ka sa kanya, baka mamaya ay kung ano ng ginawa sa kanya ni Joaquin doon tapos inuna mo yang galit mo?" Panraratrat pa sa kanya ni Gette. "Kaloka ka ha." Umirap pa ito. May sasabihin pa sana si Gette dahil sa gigil sa kanya pero tumayo na ako at iniwan ang mga ito. Naririnig ko pa si Shaq na tinatanong kung saan ako pupunta pero hindi na ko lumingon kakamadali. I need to get home.

I am such a jerk... that explained the bruises on her arms.

Gagong Joaquin yon...

At tamang tama!! Nakita ko syang papasok ng lobby. Hindi ko na hinayaan pang makita nya ako at makaiwas pa sya. Agad ko syang sinugod at sinuntok ng ubod ng lakas sa mukha na pati ang kamao ko ay sumakit. Agad nakalapit sa amin ang guards at inawat ako habang inalalayan ng mga itong tumayo si Joaquin na pinupunas pa ang dugo sa mukha.

"Stay away from Isabelle, Joaquin!!" Galit na sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang sya.

"Tell your wife to stay.away.from.me..." sabi nito ng may diin na mas ikinagalit ko pa. Kung wala lang pumipigil sa akin ay baka pinatay ko na ang gagong pinsan kong ito.

"Sa tingin mo may maniniwala sayo? Isang katulad mo lalapitan ng isang Belle Aguirre?" I countered him. Napalinga ito sa paligid at nakita nito ang mga empleyadong pinagtatawanan lang ito. "See? Sa susunod na malaman kong kinanti mo ni dulo ng daliri ni Izzy, hahanapin kita kahit saan ka magtago." Yun lang at kumawala ako sa mga guards na pumipigil sa akin at tinungo ang sasakyan ko.











"Izzy..." tawag ko agad nang makapasok ako. Knowing na ganitong oras kasi ay kumakain din sya, sinasabayan nya ako noong okay pa kami through face time... pero wala sya sa living room... wala din sa kusina.

Kanina pa akong umaga nagtataka... walang breakfast... at kahit galit sya sa akin ay nagluluto pa rin sya ng ipapabaon nya sa akin katulad nung nakaraang tatlong araw. Kahapon nga ay inabutan ko pa syang nagluluto ng hapunan hindi ba?

Umakyat ako sa taas... sinubukan ko kung bukas ang pinto ng kwarto nya pero nakalock iyon. Sinubukan ko din ang pinto ng closet sa kwarto ko pero nakalock pa din iyon.

Paano ako nakakapagbihis? Well, she really make sure she's still doing her responsibilities as my wife. Inaasikaso pa rin niya ako kahit na may nagawa akong mali sa kanya. Sa nakalipas na tatlong araw ay nagsasabit ito ng mga damit ko sa knob ng pinto ko sa closet. And she is actually good at styling. Napansin iyon ng mga stockholders and executives namin at sabi pa nga sa akin ay ibang mag-alaga ang isang Belle Aguirre. Totoo naman kasi. Magigising ako sa umaga na nakahanda na ang susuotin ko, pagbaba ko ay nakahain na ang kakainin ko at kukunin ko na lang ang lunch ko, pag-uwi ko sa gabi ay may damit na din akong nakahanda at malinis at maayos na din ang kwarto ko.

Pero kaninang umaga ay hinihintay ko kung anong oras ito maglalagay ng damit sa doorknob pero 7am na ay wala pa din itong inilalagay. Hindi ako natulog dahil gusto ko syang makita... bagsak ang mga balikat kong kinuha ang damit ko sa kotse na pang emergency at yun ang sinuot ko. Sinilip ko sya sa kusina pero wala sya at wala din akong breakfast. Pero hindi naman iyon ang mahalaga sa akin, ang gusto ko ay magkausap kami at magkaayos na dahil hindi ko na kaya.

Bumaba ako at kinuha ko ang masters key sa drawer na nasa may paanan ng hagdan at tumakbo pabalik sa kwarto nya. Nataranta pa ako kaya hindi ko agad nabuksan ang pinto. Sabik na sabik akong makita sya at makahingi ng tawad.

Nabuksan ko at tuloy tuloy ako sa loob... may small living room pa kasi ang master's bedroom na bago ang mismong kwarto. Doon madalas tumambay si Izzy pag nagbabasa ng libro. Gusto daw nito ung isang couch na bilog dahil pwede syang mahiga, maupo, at magtaas ng paa... simple things she loves.

And then I saw her still on her bed. Balot na balot pa ito ng makapal na comforter. Hindi naman kalakasan ang aircon at mainit nga kung tutuusin. Kinabahan ako dahil doon. Agad ko syang nilapitan... gusto kong maiyak sa saya... sa loob ng isang linggo ay nakalapit na ako sa kanya ng hindi niya ako itinataboy.

Isang linggo dahil nasa convention ako ng ilang araw. Nagmamadali akong umuwi para makita sya... hindi ko kasi sya matawagan noong nasa malayo ako, naduduwag kasi akong baka isipin niya ay nakadipende na ako sa kanya... simula ng matulog kaming magkalapit sa sarili niyang kwarto sa mansion ng mga Aguirre, napanatag na ang buhay ko. Wala na akong bangungot maging ng mga sumunod na araw knowing that she was just next door. I always make sure na masisilayan ko ang mukha niya bago ako lumipat sa kwarto ko... Hindi ko man sinasadya ay nasanay na kaagad ako at narealize ko habang nasa convention na hindi ko na kayang pakawalan si Izzy... kaya pag-uwi ko ay ipagtatapat ko na sana sa kanya... susubukan ko syang kausapin na why not we try to make it work between us... pero iba ang nangyari, alam ko naman na umalis sya ng bahay at nagpunta kay Thea kasama si Gette dahil nagtext sya pero tumawag sa akin si Shaquille at sinabing binalikan nila si Izzy pero wala na ito. Hindi niya ito matawagan kaya sa sobrang pag-aalala ko ay nasigawan ko sya ng dumating sya. Idagdag pa ang hickey sa leeg nya... nagseselos ako, aaminin ko na... knowing she never denied that she has a boyfriend. Nakalimutan ko tuloy ang mga pasa sa braso niya.

"Izzy..." hinaplos ko ang noo nya. Mainit ito at alam ko na agad na may sakit ito. "Izzy..." Ulit ko. Sinubukan kong alisin ang comforter sa katawan niya pero pinigilan niya ako. Bahagya siyang nagmulat pero pumikit din kaagad.

"Basti... a-ayokong makipag-away sayo ngayon... masama ang pakiramdam ko..." She said and I can really hear it from her voice. She sounds so exhausted.

"Izzy... hindi ako makikipag-away." Sabi ko at sinubukan ulit kunin sa kanya ang comforter. Basang-basa na kasi siya ng pawis, baka lumala pa ang sakit niya.

"Basti... malamig... ano ba..." Naiiyak na nyang angal... dahil nga nanghihina na sya, hindi sya nanalo sa akin. "Kasi naman eh..." Parang bata pa nyang pahabol at niyakap ang sarili.

"Hon, basang basa ka na ng pawis. Magpalit ka ng damit." sabi ko pa. Tinignan lang nya ako at pilit naiaangat ang isa pang layer ng comforter sa kama. She must be really cold.

"Hon... hon... hon mo mukha mo. Umalis ka na nga..." Sabi pa nya. Napailing na lang ako at pumunta sa closet para kumuha ng pamalit nya. I felt awkward ng makita ko ang mga underwears niya pero anong gagawin ko? Kailangan... Pagbalik ko ay nakasalukbong na naman sa kanya ang comforter.

"Nakakainis... kunwari concern... pano daw kaya ako magpapalit ng damit? Hindi na nga ako makatayo dito eh..." humihikbing bulong pa nito. Hindi siguro nito inaasahan na hahablutin ko na naman ang kumot kaya hindi nito nakapitan ng mahigpit. "Ano na naman?" inis na inis na ito, I was amused... nakukuha pa rin nyang magsungit eh hinang hina na sya.

"Magpalit ka na..." sabi ko habang inaalalayan syang makaupo ng maayos. Tumingin sya sa akin na parang hindi alam kung anong sasabihin. Inabot nito ang mga damit na dala ko at kagat-labing dadabog-dabog sa akin. Brat!! But she's cute. "Ano, ako ba ang magpalit ng damit mo?" namula ito sa tanong ko.

"D-dun ka sa likod ko.. tapos tumalikod ka." Sabi niya. Sinunod ko na lang ay hindi na ako kumontra. Hindi na din ako nang-asar pa.

Mga dalawang minuto na siguro ng maalala ko ang basang towel na hawak ko... pupunasan ko sana sya... wala sa loob ang napaharap kaya kitang kita ko ang buong likod nya... kahuhubad pa lang niya ng tshirt nya... napalunok ako... likod pa lang nito ay ika nga... ulam na.

Hanggang makapagsuot na ulit ito ng tshirt ay nakatunganga pa din ako kaya huling huli nya ako ng lingunin niya ako. "Akina yan..." sabi niya na masama ang tingin sa akin habang hinihingi ang basang towel.

"Ako na..." magpipilit ko. Pero hindi sya pumayag.

"Ako na lang Basti. Bumalik ka na sa opisina bwisit ka." Hindi na niya napigilan ang pagmumura but why does it sound like a sweet word coming from her?

"Ako na... Izzy. Humiga ka na lang." Pero inis na inis na sya sa akin.

"Ako na Basti, wala akong bra... alam kong nakita mo kaya sige na lumabas ka na." Pagtataboy nya sa akin. Napahiya naman ako sa sinabi nya, mukha tuloy akong manyakis kaya hinayaan ko na lang muna sya at tumungo sa baba para magluto ng soup at kukuha na din ako ng gamot.

Pagbalik ko ay nakahiga na ulit sya at nakapikit. Akala ko tulog na... kaya lumapit ako ng tahimik at inilagay ang tray sa ibabaw ng sidetable.

"Izzy... kumain ka muna, baby." Napaingos ito. Gising pa pala.

"Tama na, Basti. Sabi ko di ba, don't concern yourself with me na..." Pwede ba naman yon?

"Tama na, Izzy." Pangagagaya ko sa kanya, nagmulat sya ng mata at tinignan na naman ako ng masama. "Hindi pwedeng ikaw lang ang nag-aalaga." Sabi ko pa.

"Hindi naman kita inaalagaan ah." Umayos na ito ng upo at inabot ko sa kanya ang pagkain. Natawa na lang ako, ayaw talagang paawat eh.

Pinanood ko lang syang kumain.. naubos nya ang sopas na niluto ko... "Gusto mo pa?" tanong ko habang iniaabot sa kanya ang gamot at tubig. Umiling lang ito.

"Basti, I appreciate it. Pero sige na... iwan mo na ako. Wag mo akong sanayin sa presensya mo please." Sabi nitong nakapikit na ulit. Imbis na sumagot ay tumabi ako sa kanya sa kama. Hinapit ko sya para mapahiga sa tabi ko ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"I missed you..." bulong ko. Naramdaman ko ang pag-uga ng balikat nya, katunayan na umiiyak na ito. Pinihit ko sya paharap sa akin.

"Basti, wag mo namang pahirapan ako ng ganito." She said habang nakasubsob sa dibdib ko.

"Hindi kita pinapahirapan, Izzy. Aalagaan kita, hon.." I told her honestly.

"Paano mo ako aalagaan. Hindi mo pa nga alam ang sasabihin ko, hinuhusgahan mo na ako." Umiiyak na talaga sya kaya minabuti kong sabihing saka na namin pag-usapan dahil baka lalo syang magkasakit.

"Wala naman kasi akong boyfriend... ikaw lang 'tong lagi na lang nag-aassume. Tsaka kung meron man, anong akala mo sa akin, two-timer? Syempre bago ako magpakasal kahit pa peke lang, tatapusin ko muna kung ano man ang commitment na meron ako sa iba." Natulala ako... so all this time, nasa akin ang problema? "Ikaw nga 'tong may girlfriend eh." Sinubukan niyang lumayo at itinulak pa ang dibdib ko pero hinapit ko lang sya ulit. Sobrang saya ko sa nalaman ko para mapikon sa iniaasal ni Izzy... and anyways, nasabihan naman na din ako ni Gette through phone na Izzy could be the most hard headed kapag may sakit, tinawagan ko kasi siya at tinanong kung ano ba ang pwede kong ipakain kay Izzy.

"Stay still..." I sternly said. "Sa hospital ka na magigising kapag hindi ka titigil, sinasabi ko sayo." Banta ko sa kanya. Turo din iyon sa akin ni Gette. Takot daw sa hospital ang babaeng ito eh... and true to her words, natakot nga kaya hinayaan na lang akong nakayakap sa kanya. "Saka mo na ako awayin kapag magaling ka na."

"See... gusto mo pa awayin kita? Anong karapantan ko?" She asked.

"I am giving you all the rights on me, my wife... Lahat lahat..." I said truthfully. Napatingalan ito sa akin ng may pagtatanong sa mga mata. I smiled at her... "Yes, I mean it, I am giving you all the rights na makialam sa buhay ko... awayin mo ako hanggang gusto mo pero gusto ko magbabati pa rin tayo bago matulog. Give me another chance. Izzy... honey... baby... wifey... let's make it work... totohanin na lang natin..."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 111 20
Hindi siya madaling intindihin, alam ko na yun from the start. It's never been easy to understand the duality of Celise even when I first struck up a...
20.1K 897 35
It pains her to know that she was never enough. Never worthy of his time... his affection... and most importantly... his love and respect. But she...
38.3K 1.6K 63
A home-wrecker. A gold-digger. A filthy bitch. A slut. Yan ang bansag ng mga taong nakapaligid sa kanya. She was icy, sinful, lustrous, and a fearles...
Wattpad App - Unlock exclusive features