7 years ago.....
Nasa loob ako ng aking kwarto nang marinig ko ang sigawan nina Mom at Dad.
"Dennis, nambabae ka na naman, paulit-ulit kitang binabalaan ngunit hindi ka nakikinig." sigaw ni Mommy kay Daddy.
"Hindi ako nambabae Dawn, maniwala ka sakin, hindi ko magagawa yun sayo, ikaw lang Dawn at wala ng iba." sabi naman ni Daddy.
"Manloloko!"
Paaaakkk!!!!!!!!
Dinig kong sinampal ni Mommy si Daddy. Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko dahil maya-maya lang at sisigaw na ako. Ito ang unang beses na nag-away sina Mom at Dad. Hindi ako sanay na ganito sila. Kaya ganun nalang ang pagkabigla ko.
"Sinungaling ka Dennis, kala ko pa naman pagkakatiwalaan kita," dinig kong umiiyak si Mommy, "Nakita ko kayo ng babae mong naglalakad sa gilid ng kalsada, sobrang saya nyo, na para bang wala kang asawang naghihintay sayo Dennis," dun na ako nagsimulang umiyak.
"Galing ako ng trabaho nun, nang makita ko kayo, pero hindi lang yun ang unang beses na nakita ko kayong magkasama, madalas ko kayong nakikitang magkasama, tapos ngayon sasabihin mo sakin na ako lang! Ako lang??? Sinungaling ka!!!
Humagulgol ako sa pag-iyak. Niyakap ko ang mga tuhod ko at dun umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako sa lagay ni Mommy ngayon.
"Nagtatrabaho ako para sa ating pamilya Dennis,tapos ito lang ang ibibigay mo sakin?" sigaw ni Mommy.
"Dawn, mahal ko siya." sagot ni Daddy.
Mas tumindi pa ang aking pag-iyak.
Nasasaktan na nga, sinabi pa yun. Walang kwenta.
"At lumabas din!!!!!" sigaw ni Mommy."Ang kapal ng mukha mo Dennis! Nasan ang pangako mo?Nasan ang pangako mong hindi mo kami iiwan ng anak mo?" sigaw ni Mommy.
"Noon, yun Dawn,noon yun pero ngayon hindi na, nagbago na." sagot ni Daddy.
Dinig kong umiiyak si Moomy. "So sana hindi ka nalang nangako, kung dito lang hahantung, lahat Dennis." halos mapiyok na sagot ni Mommy.
"I'm sorry, Dawn, but I want to break you up. Walang saysay pa, kung ipagpapatuloy natin to."
Hindi sumagot si Mommy. Dahil alam kong kahit anong pilit ni Mommy ay hinding-hindi papayag si Daddy.
"Aalis ako." sabi ni Daddy. "Pero kasama ang anak ko." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo ako sa kama. Hindi agad ako makapagsalita.
"Dennis!!! Please, pakiusap, wag mong dalhin ang anak ko, sampung taon pa lang siya Dennis." pakiusap ni Mommy.
"Sorry Dawn, but my decision is final, hindi mo na mababago yun."
At narinig ko ang mga yabag ni Daddy na paparating sa kwarto ko. Agad ko namang ni-lock ang pinto upang di siya makapasok. Napasandal ako sa pinto.
'Tok,tok,tok'
Katok ni Daddy sa pinto. "Anak,si Daddy mo to, aalis na tayo, mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo, mag-impake kana."
Hindi ako sumagot. Tinakpan ko ang bibig ko dahil malamang maririnig niya ang hagulgol ko.
Narinig kong paparating si Mommy. "Please Dennis, don't get her from me." pakiusap ni Mommy. "Mawawala ka na nga sakin pati ba naman siya kukunin mo?"
"Stop me, Dawn, you cannot change my mind. Anak,bilisan mo."
Hindi pa din ako sumagot. Hindi ko na kaya ang sitwasyon na to. Para akong sinaksak ng maraming kutsilyo sa dibdib ko.
"Chloe, anak, please wag kang sumama kay Daddy, please stay with me anak." dinig kong pakiusap ni Mommy.
Mas humagulgol ako sa pag-iyak. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Nahihirapan na ako.
Lumanghap ako ng maraming hangin at pinunasan ang mga luha ko. Kailangan kong makumbinsi si Daddy na huwag akong sumama, ayokong sumama sa kanya.
Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan. At dahan-dahan din akong lumingon sa kanila. Nagliwanag ang mukha ni Daddy nang makita ako. Habang si Mommy naman lumuluha habang ang mukha nagmamakaawang wag akong sumama. Hindi ko kayang iwan ang Mommy ko.Ayoko siyang maiwang mag-isa.
"Anak, aalis na tayo," ngiting sabi ni Daddy.
"Hindi ako sasama sayo Dad," sabi ko ng deretso sa kanyang mata. "Ayokong mag-isa si Mommy." Dun na namuo ang mga luha sa mga mata ko.
"A--nakk," dinig kong tawag sakin ni Mommy. Pero hindi ko siya nilingon.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Daddy.
"No, you have to come with me,or else,---
"Or else what?" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ako. "Or else,sasaktan mo si Mommy?" mangiyak-ngiyak na tanong ko kay Daddy.
"Anak, please don't say like that to your Dad." maluha-luhang sabi ni Mommy.
Tiningnan ko siya. "Mom,sinaktan ka niya Mom, ayokong makita kitang nasasaktan." lumuluhang sagot ko.
Tumungo siya..
Tumingin uli ako kay Daddy.
"Hindi ako sasama sayo Dad, mas gustuhin ko mang mabuhay ng walang ama, kaysa sasama ako sayo kasama ang babae mo." galit na sabi ko.
Simula nung tumuntong ako sa ten, ay ganito na talaga ako magsalita. At ang sabi naman ni Mommy, nagmature na daw ako sa murang edad. Kaunti lang na mga bata, ang nagkakaroon nito. Kaya ganito ako kung magsalita,mag-isip.
Hindi sumagot si Daddy.
"Umalis na kayo Daddy," sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. Hinila ko din yun agad.
"Anak, please,sumama ka sakin, bibigyan kita ng magandang buhay." sabi ni Daddy.
Napangisi ako." Hindi ko hinihiling yun sayo , Dad,kasi alam ko kung ano ang makakabuti sakin." inis na sagot ko.
"Alis na Dad."
"But, Anak pl--"
"Sabi ko alisss!!!!!" hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Wala siyang nagawa kundi ang umalis ng walang salita. Gusto ko mang magkaroon ng Daddy, pero niloko niya kami eh. Ayoko nang makita pang nasasaktan si Mommy. Hindi ko kaya.
Nang marinig ko ang busina ng kanyang kotse, ay agad ko namang nilapitan si Mommy.
"Anak" maluha-luhang sabi ni Mommy. Hindi ako nagsalita at niyakap siya ng mahigpit.
-------------------
Natinag ako nang magring ang phone ko.
Kinuha ko iyon agad at nakita ko sa screen na nagtext si Kylie, isa sa mga matatalik kong kaibigan.
To:Chloe
Hey, asan ka ngayon??? Pwede punta ako sa bahay mo? Boring kasi eh. Pwede ba??
Napangiti ako. Nireplyan ko agad.
To:Kylie💜💜
Nasa bahay ako. Oh,sure punta ka dito, boring din kasi dito eh. Hihintayin kita.
Sent!
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Agad ko namang nilapag ang cellphone ko sa mesa at naghanda.
It's been more than a year since lumipat kami. Ayaw kasi maalala ni Mommy ang mga nangyayari sa dati naming bahay. Ayoko ding maalala. I am 17 years old now. At senior high school na ako. Nang lumipat kami, hindi ko nasabi sa kanila na lumipat kami. Kasi wala akong oras para sabihin sa kanila. Sobrang miss ko na sila. Sina Cody at Kourtney.
By the way, I'm Chloe Lace Monteverde.
I have a friend before, Cody Sid Anderson isang boy, at Kourtney Kate Mendes isang girl. Sila ang mga matatalik kong kaibigan since maliit pa ako. Lamang sila ng isang taon sakin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pag nagkita kami. Malamang magagalit yun. Sana naman ay maiintindihan nila ako dahil malalaki narin kami.
Natauhan ako ng may kumatok sa pinto.
"Iha, nandyan na po ang kaibigan niyo." sabi ni Manang Nelsa.
Napangiti ako. "Sige po Manang, bababa na po."
"Sige Iha."
Narinig ko ang yabag niy papalayo. Bumangon ako dahil humiga ako saglit. Saka ako bumaba.
Nakita ko agad si Kylie na ang lawak ang ngiti, parang nanalo sa lotto. Haha.
"Hiiiii, bestfriend" bati niya sakin at yumakap siya. Ginantihan ko din siya.
"Hello," sabi ko. "Oh anong gagawin natin ngayon?" tanong ko.
"Manood tayo movie, may maganda ba kayong movie?" tanong niya ng papalapit siya sa may lalagyan ng mga tape, at magsimulang maghalungkat ng magagandang palabas.
Maya-maya pa ay lumabas si Mommy. "Oh, anak may bisita ka daw" ngiting sabi ni Mommy.
"Ahh opo Mom, si Kylie" sabi ko sabay turo kay Kylie malapit sa tv at abala sa paghahanap ng magandang palabas.
"Oh, hi Kylie," bati ni Mom. Napatayo naman si Kylie at halatang nagulat.
"It's nice to see you again, iha." ngiting sabi ni Mommy.
"Mmmmm" yun lang ang nasagot ni Kylie dahil sa sobrang gulat.
Natawa naman ako.
Agad namang niligpit ni Kylie, ang mga nagkalat na tape." Ahh sorry po tita, naghahanap po kasi ako ng magagandang movie, kasi po manonood kami ni Chloe, eh ang boring po kasi sa bahay, wala sina Mom at Dad may inasikaso, sorry po dahil ginagalaw ko po ang mga gamit ng walang paalam. Sorry po." pagmamakaawa ni Kylie kay Mom.
Parang gusto kong humiga sa sahig at tumawa ng malakas.
Natawa naman si Mommy, sa sinabi ni Kylie. "Ahh, you don't have to say sorry, Iha, parang anak ka nga kung ituring ko eh, it's ok alam ko namang mahilig ka sa movies kaya mamili ka lang dyan."
Nagliwanag naman ang mukha niya.
Para ngang nanalo sa lotto.Sira.
"Sigurado po kayo tita?" paglilinaw ni Kylie.
Tumango naman si Mommy.
"Salamat po Tita."
"Your welcome iha, oh siya maiwan ko muna kayo may bibilhin lang ako. Enjoy."
"Oh anak, ikaw na bahala dito ha? Nandyan naman si Manang para maghanda ng meryenda." ngiting sabi ni Mommy.
"Sige po Ma, ingat po kayo."
"Ingat po kayo Tita." pahabol ni Kylie.
Kinawayan lang kami ni Mommy at mabilis na umalis.
"Oh may napili ka na ba?" tanong ko.
Napabuntong-hininga naman siya." Wala pa eh, pero don't worry, maghahanap pa ako."
Nginiwian ko nalang siya.
Kung palabas pinag-uusapan halos wala ng makakapigil sa kanya, pero kapag assignments na ang kaharap, parang madaming ginagawa sa isang linggo. Pagod na pagod. Hanep.
"Oh sige kukuha muna ako ng meryenda." sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa.
Naghanda ako ng orange juice,three silce of chocolate cake,dalawa kay Kylie, isa sakin alam mo na, matakaw yang si Kylie, hindi naman tumataba.
Pero si Manang talaga ang naghanda.Hehe.
Dinala ko na ang meryenda at pumunta na sa sala.
Alam kong may napili na si Kylie, dahil sa malawak na ngiti.
Nang ilapag ko ang pagkain sa mesa ay agad siyang lumapit sakin.
"Eto, bes eto na ang hinahanap ko, hindi ko pa ito napanood noon pa, buti nalang meron kayo." ngiting sabi niya.
"Ano naman yan?" takang tanong ko.
Binigay niya sakin ang tape. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Train to Busan??! Nasiraan na ba ng ulo tong kaibigan ko??
Binigay ko uli sa kanya ang tape. "Ayokong panoorin yan, ikaw nalang, inaantok na ako." pagsisinungaling ko.
Ang totoo takot ako, sa zombie, wahbhh.
Tatayo na sana ako ng hilahin niya ako pabalik. "Ano kaba, alam kong takot ka sa zombie, pero fiction lang ang mga ito."
Nangunot ang noo ko. "Basta ayoko, yan ang biggest fear ko diba? Ayoko nyan, natatakot ako, kahit fiction yan ayokong panoorin yan.!"
Napabuntong-hininga siya."Look, think positive, Chloe, hindi ito totoo, nandito naman ako, hindi kita pababayaan."
May tiwala ako kay Kylie kaya napapayag din ako.
Nang magsimula ang palabas ay hindi ako mapakali, sadyang natatakot ako. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa takot. Eto namang kaibigan ko ang saya-sayang nanonood ng palabas.
Hindi talaga ako mapakali. Lilingon sa labas baka may zombie, titingin sa tv, lingon sa kaibigan, kakain ng cake, lingon uli sa labas, inom ng juice, lingon uli sa tv.
Nasisiraan na ba ako?
Hanggang sa dumating ang bida sa train kasama nung buntis niyang asawa, at isang anak. Hanggang sa mapasukan iyon ng mga zombie.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at biglang,,,,
Waaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!
Tinakpan ni Kylie ang bibig ko. Hindi ko na napigilan ang takot.
"Wag kang maingay nanonood tayo." banta sakin ni Kylie.
Hinawi ko ang kamay niya sa bibig ko, hindi ako halos makahinga.
Hanggang sa dumating ang punto na kagatin ng zombie, ang kamay ng lalaki. At paniguradong magiging zombie siya maya-maya. Hanggang sa kinulong niya ang kanyang anak at lumabas ang ama dahil alam niya na magiging zombie siya, kaya ginawa na niya yun. Panay tawag ng bata sa kanyang ama. Pero hindi niya ito pinakinggan. Hanggang sa naging zombie nga siya, at hindi siya nagdadalawang isip na tumalon. Ginawa niya yun para hindi mapahamak ang mag-ina. Hanggang sa nakaligtas ang mag-ina. Habang naglalakad ang mag-ina sa tunnel ay may nakaabang na sundalo sa dulo, babarilin na sana ng sundalo ang mag-ina pero biglang kumanta ang anak.
Kaya naligtas sila.
Ayy,ganun? May mapupulutan palang aral. Pero takot pa din ako.
Natinag ako ng humagulgol sa Kylie sa tabi ko. "Hoyy, anyare sayo?"
"Yung palabas kasi eh nakakaiyak. Huhuhuhuhu."
Ginulo ko ang buhok niya. "Sira."
"Oh, maglakad-lakad muna tayo sa labas." sabi ko.
Sumang-ayon naman siya. Nagpaalam naman kami ni Manang at lumabas na.
Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa park. Umupo kami sa dalawang swing, at nagsimulang magduyan-duyan.
Panay tawanan lang kami, minsan naghahabulan pag may napipikon, nag-aasaran, tas tawanan ulit, habulan ulit, tawanan, at bumalik sa swing.
Habang nagpapahinga kami sa swing may nakita kaming lalaki papunta sa park. Tiningnan namin yun ni Kylie, hanggang sa makalapit siya sa may slide sa harapan namin pero malayo sa amin.
"Hoyy, chicks,oh." sabi ni Kylie.
Napatingin naman ako sa kanya. "Eh, ano naman ngayon?"
"Suyuin mo na."
"Ha? Anong ako? Ikaw, kasi magaling ka dyan."
"Hay naku hanggang kailan ka magkakaganyan?"
"Ha? Anong ganyan."
"Yan yang pagiging, mahiyain mo."
"Eh ano naman kong mahiyain ako?"
"Hindi ka magkakajowa."
"Eh hindi naman ako nagmamadali Kylie."
"Bakit, siya parin ba?"
Natahimik ako bigla.
Lahat ng nakaraan ko alam ni Kylie. At alam din niya na hinihintay ko siya.
"Hindi mawala sa isip ko eh."
"Learn to move on Chloe."
"Pano ko sisimulan Kylie, naguguluhan ako kung saan ako magsisimula"
"Naguguluhan ka o ayaw mo lang talagang kalimutan siya?"
Natahimik ulit ako. Talagang kilala ako nitong kaibigan ko.
"Ahhh, pwede magtanong?"
Naiangat ko ang ulo ko nang may magsalita. Hindi ko gaanong naaninag ang mukha niya dahil nakasumbrero siya.
"Ako? Ako ba tinatanong mo?"takang tanong ko.
Ngumiti siya. "No,yung kaibigan mo."
Para akong naging estatuwa sa kinauupuan ko.
Eh ,pano naka sumbrero hindi ko makita kung saan siya nakatingin. Hanep.
Tumungo lang ako.
"Ahhhh, ano po itatanong mo, Kuya?" nakangiting tanong ni Kylie.
"Ahhh, nasan ang coffee shop?" tanong niya.
Muntik na akong tumawa ng itanong niya iyon.
Dinaanan lang niya kanina ang coffee shop. Hanep.
"Ahhh, yun katabi ng barhouse." turo niya.
"Thanks."
"Your welcome."
Saka siya tuluyang makalayo.
Saka ko lang inangat ang paningin ko.
"Ahhhhh, Chloe ang gwapo niya as in."pigil na tili ni Kylie. "Kitang-kita ko na ang gwapo talaga niya."
Nangunot ang noo ko. "Lapitin ka talaga ng mga lalaki noh." sarkastiko kung tanong.
Hindi siguro nakuha niya ang punto ko dahil nagdadaydream na naman.
"Talaga, lapitin talaga ako,"
Sira.
"Tara na nga malapit ng dumilim may pasok pa tayo bukas. "sabi ko at tumayo na.
"Tara na, teka may assignments ba tayo?" tanong niya.
Tama ba narinig ko. Nagtatanong kung may assignments? Himala. Hanep.
"Ahh wala naman." sagot ko.
Naglakad-lakad kami hanggang sa marating namin ang bahay.
Hindi na siya tumuloy pa dahil malapit nang dumilim. Kaya pumasok nalang ako at dumiretsosa kwarto.
Bumaba saglit, at naghapunan, tas balik sa kwarto. Tulog. zzzzzzzzzz
-PROMISE