Bag of Thoughts ni Ertho

By erthou

1.5K 144 57

My Watty Diary, Randomness, Rants, ang mga pagpupumilit ko sa pag-i-english and many more... Kung anong maisi... More

Simbang Gabi
Premonition
Paranormal to Non-fiction
My New Years Revolution
Your Fortune This 2015
An Lamid
PGW Series II: Status Update
Chinese Nae Nae Year :)
White Lady Encounter
Shout Out!!
I miss myself being here

Tomguts

186 14 2
By erthou

"Tomguts na ko!!!"

Nalipasan na 'ata ako ng gutom kaya ko ginagawa ito ngayon.

Bago pa ko tuluyang takasan ng katinuan, ito at napili kong busugin ang sarili sa pagsusulat. (...na naman.)

Marunong naman ako magluto, yung paprito-prito. Madali lang naman yun, tuturuan ko kayo. Para ka lang nagtataob ng bato gamit ang paa.

Hintayin mong mag-golden brown yung niluluto mo (sabi yun sa mga cooking show), malalaman mo yun kung naibabaliktad mo na sya, kung madikit pa sa frying pan it means di pa sya ready. Ayaw pa nya. Wag mong pipilitin, dahil wiwisikan ka nya ng mainit-init na mantika sa mukha, sa mata, sa ilong at malamang sa tagyawat mong galit na galit.

Be ready. Kailangan isipin mong isa ka sa mga spartans ng 300, gamit ang sandok pangluto bilang sword at takip ng kawali bilang shield. Hindi mo kasi masasabi kung kelan aatake ang kalaban, minsan dumampi na sa balat mo.. delayed reaction ka pa.

Di naman kami nakaka LL, tama lang. Tama lang para palamunin ang tambay na tulad ko.

Nagugutom lang talaga ako at tinatamad ako magluto.

Pero paano ako mabubuhay?

Di naman ako napapakain ng ginagawa ko dito. Utak lang ang binubusog ko sa pagsusulat at pagbabasa, paano yung katawan ko?

And then i realized, kailangan ko talagang kumilos para mabuhay.

Maraming batang nagugutom sa lansangan, tapos ito ako... basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapita-ahahan.

Nasa harapan ko na, iluluto ko na lang di ko pa magawa. Kung tutuusin maswerte ako kasi nakahanda na ang kakainin ko samantalang yung ibang tao nagpapakahirap magbanat ng buto para lang kumita ng piso.

Tama. Di ko na gugutumin ang sarili ko. Maswerte ako, ikaw, tayo, dahil hindi natin nararanasan ang buhay ng ibang taong nagugutom.

Sa oras na gutumin ka naman, doon mo maiisip na importante pala ang mga bagay na araw-araw mong ginagawa, tulad ng pagkain.

Hindi mo napapansin kasi pangkaraniwan lang sayo ang pagkain. Yung iba pini-piktyuran pa ang mga kakainin, pero di naman uubusin. Tsk...tsk.. (kung sana tini-take out yung tira-tira at ibinibigay sa mga namamalimos sa labas, eh di nasulit pa yung binayad.)

Pero hindi ako ganung tao, kasi inuubos ko ang pagkaing nasa harap ko.

Papahalagahan mo lang ito pag wala na sayo. Pumapag-ibig lang eh 'no? Because i love to eat! I love foods!

Masasabi mo rin namang pagmamahal yon di ba?

Hayyy... nagugutom nga pala ako. :)

Kain po??? *kindat* *kindat*

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 207 21
Ang istoryang ito ay R-13. Kung hindi po kayo open-minded please lang 'wag niyo na pong basahin. Salamat po. PS : Rated SPG. Parental Guidance is adv...
59K 445 30
Wala akong magawa eh. Punong puno memory ng phone ko kasi hindi ko naman naiggm lahat ng quotes na sinesave ko kaya eto, shinare ko na lang sa inyo...
72.3K 595 10
SPG ALERT! READ IN YOUR OWN RISK. Kung may pagkakahawig man sa story na to sa ibang story, ang mga lugar, character, at kaganapan ito po ay d sinasad...
95 0 10
This is my Third story at sana magustuhan nyo po itong istorya na ito. I hope na maging interesado kayo sa storya na ito. Sorry nalang po if ever na...
Wattpad App - Unlock exclusive features