FIXING AITANA BOOK 1 (COMPLET...

Per -Stephenlie-

41.2K 8.8K 8.1K

"Fixing Aitana" is a delightful rom-com that revolves around Aitana, a renowned actress who recently went thr... Més

Characters
Disclaimer and Reviews
PART 1
Part 2
Part 3
PART 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 10
PART 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50

Part 9

786 246 165
Per -Stephenlie-

-Aitana POV-

Tahimik akong nagdridrive papuntang shoot at katabi ko naman si Evie na kanina pa nag aayos ng sched ko para bukas.

Wala kaming imikan.. Wala kaming tinginan. Parang casual lang na pupunta sa shoot.

Huminga ako ng malalim at nagsalita, pangbasag lang ng aming katahimikan "After shoot anung next??" Tanung ko sa kanya at ramdam ko ang pagtigil ng mga daliri nya sa pagtatatype.*See Multimedia for better imagination*

"I move your interview tomorrow morning." Sabi pa ni Evie at hindi naman ito tumingin sakin.

Nagsimula nanaman kaming balutin ng katahimikan.. "Hindi ka man lang ba magtatanong?" Isa pang mahinang tanong ko sa kanya.

Hindi ako sanay na ganito katahimik si Evie sakin.. Oo tahimik siya pero parang ang awkward ngayun.

"May dapat po ba akong malaman?" napatingin siya sakin at napalunok naman ako. "I'm just your secretary Ms. Aitana... Hindi ko po ugaling panghimasukan ang buhay ng amo ko."

Natigilan ako sa mga sinabi niya... Ang sakit na marinig ko ang mga katagang un galing sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa manobela at napapatingin sa kanya.

"I see... Maswerte talaga akong nandyan ka as my secretary..." Sarkastikong sabi ko at nakadating din kami sa set.

Bumaba ako at unang bumungad sakin si direk na kinakausap ang isang camera man.

"I've been worried about you Aitana. I thought you're not feeling well. Pupuntahan na sana kita sa unit mo." nag aalalang sabi ni direk habang hawak niya ang magkabilang braso ko. "Buti na lang tinawagan ako ni Evie at sinabi niyang kasama ka nya." At napatingin siya kay Evie sabay ngiti. " Alam ko kasing kapag kasama mo siya ligtas ka. (^~^)"

Ngumiti ako kay direk at napabitaw naman siya sakin.

"Now get ready mag sisimula na tayo." sabi ni direk at pumasok na ko sa tent.

Nakita ko si Jago at ngumiti ito sakin. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang ako sa isang side.

Ito nanaman siya. Nang makita ko siya sa salamin at papalapit sakin hila ang isang upuan. Itinabi niya ang upuan sakin at tinignan ako. Nagpatuloy naman ako sa pag aayos ko ng buhok.

"You know, You're still beautiful kahit na hindi ka mag ayos ng buhok o magmake up.." Sabay upo nito sa tabi ko at hindi ko sya pinansin. "I see... Mukhang hindi mo ata kasama yung lalaking niligtas mo kahapon." Mapanuksong tingin niya sakin at natigil naman ang pagsusuklay ko ngunit hindi ko pa din siya sinagot. "What was his name again? Doctor duck???? Doctor quack???? hmmm.."

Napatingin ako sa kanya ng masama at inilapag sa table ang suklay.

"Oh i remember!! Doctor quack quack!! Hahha..." nakangising sabi nito sakin pero natigilan siya ng akoy magsalita.

"Why are you interested to him? Are you gay?" Nakapoker face na tanung ko sa kanya.

"Whoah.. Ako? Gay? Bakit sobrang gwapo ba nun para magustuhan ko at bumaliktad ako?" sabi niya pa habang nakaturo sa sarili niya.

"Hindi ka naman magtatanong sakin ng ganyan kung hindi ka interesado sa kanya..." Inis na akong tumingin pa sa kanya.

"hindi porket tinanung ko pangalan niya ay interesado ako. Gusto ko lang malaman kung may kaagaw ako sa puso mo." Natigilan ako at napalunok.

Tss!! Alam kong matagal ka na sakin may gusto Jago. Sorry pero kahit kelan hindi ako magkakainteres sayo dahil sa kayabangan mo.

"Kahit kelan naman hindi naging sayo ang puso ko Jago. At kahit kelan ay hindi din magiging sayo to." nakangising sagot ko at biglang pumasok ang assistant nya.

"Sir jago and ms. Aitana ok na po yung set." Tumayo ako naglakad palabas nang bigla akong matigilan sa sinabi niya.

"I talked to the Chairman." sabi niya at dahan dahan siya lumapit sakin at  inakbayan ako. "Hinahanap ka nga nya sakin. I think he likes for you."

Napakuyumos ang kamay ko at tumingin sa kanya "Kung gusto ka nya eh di siya ligawan mo." pagtataray na sabi ko at tinanggal ko ang  kamay nyang naka akbay sakin sabay lakad palayo na may pahawi pa ng buhok ko.

" I really like you Aitana.." bulong nya ngunit narinig ko pa din.

-Aeson POV-

Umuwi ako ng wala sa sarili.. Nakayuko nanaman akong nag isip sa mga nangyare kanina..

Bakit ganun nanlang ang reaksyon niya sakin! Bakit bigla na lang siyang natakot sakin? Yung panginginig habang siya ay nagsasalita ng Get out... Yung panginginig nya nung palabas kami... Anung nangyare? Takot ba sya sakin?

"ANG AGANG UMUWI NI LOVER BOY AH!!" sigaw ni Liam at napatingin ako sa kanya.

"Liam.." sabi ko na parang wala sa mood.

"Bat ang aga mong umuwi ngayun?" Tanung nito at napatingin naman siya sa dala ko. "Oh? Bat hindi mo nabigay yang bulaklak na nabili mo sa Anghel natin?"

Tss! Anung angel? Eh mala sa demonyo nga un pag kasama ako (>.<) . Bumili ulit ako ng bulaklak pero this time hindi na lavander as per Evie said. Bumili na lang ako ng White flower at food coloring na purple. I know it takes time but I guess it will be worth it. (^.^)

"Pano gagawin mo dyan?" Tanung ni Liam sakin.

"Tinuruan ako ni ate dun sa flower shop." Mayabang na sagot ko sa kanya sabay ngiti. "Pwede daw tong maging purple pag nilagay sa tubig na may coloring.."

"Huh? Isasawsaw mo yang bulaklak don? (O.O)"sabay turo pa sa white rose na dala ko.

"TONGAKS! Hindi! yung tubig na food coloring yung magiging tubig nya! Sisipsipin niya yung foodcoloring para maging purple rose sya! (>.<)" inis na sabi ko

"At kelan ka pa nag effort  ng ganyan sa isang babae?" Pagtatakang tanung sakin ni Liam sabay crossarms nito.

Sa totoo lang, first time ko talaga gawin to sa client ko... (-.-) Sobrang naawa lang ako sa kanya. I just want her to be happy.

"Wag ka na ngang epal dyan at tulungan mo na lang ako.." sabay hawak ko sa balikat nya at naglakad papasok ng bahay..

"Tss! Bakla.." Bulong ni Liam na maririnig ko pa din.

"Si Drei?" Tanung ko habang inaayos ang mga bulaklak.

"Ngayun na last day niya kay Meryl. Kaya feeling ko gagabihin un."Sabi ni Liam at napatingin ako sa kanya. Yan nanaman ang tawa nyang may kalokohang dala.

"Anung connect naman nung lastday niya sa gabi na uuwi aber?" at napamewang pa ako sa harap niya.

"Syempre sinusulit ni Meryl ang bawat katas ni Drei. hahahaha (^.^)"

"Ugok ka talaga! Haha" malakas kaming nagtawanan at biglang..

"Anung sinusulit?" Tanung ni Drei at napatingin kami sa kanya.

"Drei? Aga mo umuwi?" Si Liam

"Ah kasi nakipag usap lang ako sa kanya. Nagulat pa nga ko kasi umiyak pa sya sa harap ko."

"Tss ang gwapo!!" sabi ko at napatingin naman siya sa ginagawa ko. "Ah ito ba? hehe ibibigay ko to kay Aitana pag naging purple na (^.^)"

"Ahhh. Ayos yan ah." sabi ni Drei sakin sabay ngiti nito. "Sige magbihis lang ako."

"Oi, ang damit na ipang bihis mo yung pang basketball ah..." sabi ni Liam sa kanya at napatingin naman ako kay Liam.

"Ah kasi.... lagi kayong wala dito sa bahay kaya wala akong nakakalaro.. Kung gusto niyo lang naman. (^.^)"

"Sige ba! Hihingi din kasi ako ng tulong sa inio pre." sabat ko naman.

ilang sandali pa ay nagbabasketball na kami..

"Anung tulong pala yung kailangan mo pre?" Tanung ni Drei sakin sabay bato niya ng bola papuntang ring at pasok naman ito.

"Ah kasi pre.." Natigilan ako at nagseryoso naman silang dalawang tumingin sakin. "Meron ka bang naging kliyente na sobra kang naawa sa kanya?"

"Huh?" Pagtatakang tanung sakin ni Drei."Hindi ko magets pre."

"Eh kasi yung isa kong kliyente.." Sabi ko at napababa naman ang balikat ko sa lungkot.

"Si Aitana ba yan?" Tanong ni Drei sabay pasa niya sakin ng bola at napasalong tingin ko naman sa kanya.

"Oo.."

"Hala! Anung nangyare sa anghel natin dre?" Tanung ni Liam sakin at napakunot naman ang nuo ko na tumingin sa kanya.

"Nung first time kong pumunta sa condo niya" Sabi ko pa at napayuko na ko. "Sobrang kalat ng condo niya. Nagkalat ang upos ng sigarilyo maging ang mga bote ng alak sa sahig at kung sansan pa."

"Hala talaga? Eh di ibig sabihin lagi siyang umiinom?" tanung pa ni Liam at napatingin naman ako sa kanya.

"Oo. Puro alak nga ang nakita ko sa ref niya. Ni isang tubig wala kong makita."

"Aww hardcore!"

"Tapos wala din siyang stock ng mga pagkain. Para ngang hindi siya kumakain.." Sabi ko pa at Binato ko na ang bola sa ring. "May time din na nakakita ako ng sleeping pills sa kwarto niya." Napapangisi na lang ako sa sobrang awa ko sa kanya. " Tinanung ko si Evie, yung secretary niya. At sinabi na lagi niya yun iniinom dahil gusto niyang makatulog agad nang hindi iniisip ang lalaking un."

"Ouch ang sakit naman nun." sabi ni Liam na napahawak pa sa puso niya. Lumapit si Drei sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Yeah.. Pero parang hindi kami magkakasundo.. Tulad kanina nag away kami." Nakangusong sabi ko pa.

"Kaya ko nga siya binigay sayo kasi alam kong magagawa mo. (^.^)" Napatingin ako kay Drei na parang may kahulugan ang sinabi niya. "I mean.. baka nakatakda talaga na mapunta ka sa kanya. I know you Aeson. Hindi mo basta basta sinusukuan ang isang tao lalo na kung kailangan niya ng tulong mo. "

Napangiti ako sa sinabi ni Drei at lumapit naman si Liam samin. "I think our angel really need your help Aeson."

"Bat hindi mo muna siya pag aral. Obserbahan. Para naman magkasundo kayo." Sabi ni Drei sabay shoot ng bola.

Nanlaki ang mga mata ko. (O.O) Tama ang sinabi niya! baka kaya hindi ko sya makasundo kasi hindi ko pa alam ang timpla ng ugali niya... Iba siya sa mga naging kliyente ko, na  konting ngiti ko lang ay ok na sila.

"Thank you pre! Thank you sa iniong dalawa! Nakakuha na ko ng Idea." sabi ko at nagpatuloy na kami ng paglalaro.

K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N

"Good morning pogi!!!" sabi ko at napatingin nanaman ako sa salamin. Tinignan ko ang muscles at mga nagtitigasan kong abs (^~^) ang yummy ko tae!

"Ang bakla mo talaga dre.."

(O.O) Natigilan ako at napalingon ako sa pinto..

"L...I....A.....M!!!!!!!! POTA KA NANDITO KA NANAMAN!!! (>.<*)"

"Pano..hindi mo sinasara yang pinto mo!!"

"BAT KO NGA ISASARA EH MGA LALAKI NANAMAN TAYO!!!" Isa nanamang malakas na sigaw ko na rinig sa buong bahay. Kinuha ko lahat ng unan ko at isa isa kong binato kay Liam!

"Sige pag ikaw talaga sinugod ni aling Nena pagtatawanan na lang kita!!"

"YAN KA NANAMAN EH!! LUMABAS KA NGA DITO SA KWARTO KO!"

"OO NA!! SASABIHIN KO LANG NA KAKAIN NA!" Isa pang sabi niya at umalis na siya.

ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na ko sa pag aayos at pagkain.

"Bango natin brad ah! Parang aakyat lang ng ligaw.." Pang aasar ni Liam sakin sabay singhot niya sa damit ko.

"Pwede ba tigilan mo nga ko. (>.<)"

"Yung bulaklak mo may pagkapurple na pero hindi pa lahat.." Sabat naman ni Drei sabay inom niya ng kape. Tinignan ko ang bulaklak at tama nga ang sinabi niya.

"Hindi ko na lang muna dadalhin yan." Mahinang usal ko at nagpaalam na ako sa kanila.

-Evie POV-

Hi all! It's me Evie Park. I'm a half korean and half filipino like ms. Aitana (^.^). First time ko mag POV so please support me. Fighting!

Araw araw ay maaga akong pumupunta sa condo ni Ms. Aitana para icheck sya at para sabay kaming pumasok.

Bumaba na ko ng jeep galing guadalupe.. 8am.. Ang aga ko palang nakapag ayos para makapunta ng 8 dito. Nang makita ko ang oras sa relos ko at tumingin pa ako ng bahagya sa mga mamahaling mga sasakyan na nakapark. Pupunta kaya si Doctor Quack Quack ngayun? Nakakagulat din kasi yung nangyare kahapon sa kanya.. Kasalanan ko un eh. Dapat sinabi ko na wag na wag lalapitan si ms. Aitana! Tss..Lalaki pa naman siya.

Nagpatuloy ako ng paglalakad ng bigla akong matigilan.

"Oo na bibilhin ko na yang tinda mong sampaguita pero wag ka na gagala dito. Magagalit sayo yung mga security baka kung ano pang gawin nila sayo." Sabi ng lalaki na nakatalikod sakin. Pinagmasdan ko lang sya habang kausap ang batang gusgusin na nagtitinda ng sampaguita.

May malapit kasing simbahan dito sa rockwell pero sa Makati ave pa. At satingin ko ay hindi pa nakabukas ang simbahang un ng ganitong oras. Kaya siguro dito sya nagbebenta para may pang almusal siya. Mabuti na lang at mabait yung lalaking nalapitan niya (^.^) Pagkatapos ng nangyare ay umalis na ang lalaki. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad.

Pakiramdam ko hindi pa gising si ms. Aitana. Nakakainis kasi! kung nahabol ko lang yung elevator kanina siguro nandun na ko sa floor na un (>.<)

Dumating ang elevator na hinihintay ko at agad ko naman pinindot ang 26th floor. Ilang segundo lang ay bumukas na ito. Nagmadali akong lumabas at naglakad sa unit ni ms. Aitana.

"Doctor Quack Quack.." Sabi ko ng makita ko syang sumisilip sa peephole ng pinto. Napatingin siya sakin at ngumiti.

Tsss.. Mukha syang tanga (-.-) Kitang kita pa naman siya sa cctv..

"Ang dami mo atang dala ngayun?" Tanung ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Wala kasing stocks si Aitana kaya binilihan ko sya. Mga prutas at mga frozen food. (^,^)" Nakangiti pang sabi niya at binuksan ko naman na ang pinto.

"Kanina ka pa?" Tanung ko at pumasok na kami ng unit.

"Hindi naman kakarating lang." nakangiting sabi nito sakin. Napansin ko ang dala niyang plastic labo na may lamang sampaguita.

"Ang ganda naman ng bulaklak na pinalit mo sa lavander.." Panunuksong sabi ko sa kanya.

"Ahh.. Hindi kasi yung nasa.." Hindi na nya natapos ng bigla akong magsalita.

"Oo na...alam ko. (^.^) dun yan sa batang lalaki kanina. Nakita kita bago ako pumasok. Ngayun ko lang narealize na ikaw un." Sabi ko at pumunta na ko ng living room.

Natigilan ako.. Alam kong nakita ako ni Aeson kaya naman sumunod siya sakin.

"AAAIIISSSHHH!!" sabi ni Aeson sabay cross arms niya.

Napatingin ako kay aeson at kay ms. Aitana.

"Tsss! ang lawak lawak ng kama pero sa sofa natutulog!!" Isang malakas na sigaw ni Aeson ngunit hindi naman nagising si Ms. Aitana.

"Hayaan muna natin siyang matulog." Sabi ko at napansin ko ang titig ni Aeson kay Ms. Napayuko ako nang dahan dahan syang lumapit kay Ms. Aitana. Tinignan niya ito.

"Para syang anghel kung matulog." sabi ni Aeson at napangiti naman ako.

"Kinakabahan nga ako kanina kasi baka hindi ka na bumalik ngayun."

"Imposible. hehe. Hindi ko susukuan ang babaeng nasatapat ko ngayun. (^.^)" Sabi niya pa sabay pasok sa bulsa ang dalawang kamay nya.

Nakaramdam ako ng tuwa. Sa wakas may taong tutulong na sa kanya. May taong mag aalaga na sa kanya.

Kung iniisip niyo kung bakit hindi ako.. hmm.. Lets just say na mahigpit ang mga taong nag mamay ari sakin. At alam nila ang mga ginagawa ko kay Ms. Aitana.

Dahan dahang umupo si Aeson sa lapag at nagligpit nanaman ng mga kalat ni Ms.

"Wag mo nang ligpitin yan.. Pwede ko naman ipaligpit sa iba yan." at napangiti nanamang tumingin sakin si Aeson.

"(^.^) Ok lang. Nililigpit ko lang tong sleeping pills niya. D ba sabi mo importante to sa kanya para hindi niya maisip yung lalaking minahal siya.." sabi ni Aeson habang hawak ang bote.

"Aeson. I know everything." sabi ko at napalingon siya sakin. "Alam ko ang fixer lover app."

Napatayo siya ngunit parang hindi naman siya nagulat sa mga sinabi ko.

"Oo eh.. Inorder ako ng lola niya sa kanya."

Napangiti ako at tumingin kay ms. Aitana. "Ganito ka rin ba sa ibang kliyente mo?"

"Oo naman." Sagot niya at napaharap ulit siya kay ms. "Pero sa lahat ng naging kliyente ko siya ang pinakakakaiba. Pakiramdam ko nga mahihirapan ako sa kanya. (^.^)"

HI THANK YOU FOR READING!
*PLEASE DO VOTE AND COMMENT (^•^)*

Continua llegint

You'll Also Like

2.7K 144 57
Ang tula ng kabanata, Ay siyang inspirasyon ng may-akda. Tula na ang bawat salita'y, Tumatagos sa puso ng nagbabasa. Kabanata ang siyang nagsisilbing...
2.1M 51.8K 72
She's not the old nerd you used to know. ©girlypandaunicorn
18.8K 259 161
Lists of best of the best Wattpad stories!
139K 1.1K 73
Exiceting riddles with answers