She's a Secret Mafia Leader

By XXJaheraNXX

115K 3.1K 84

She's trying hard to hide her identity,but when she met him everything changed. More

Prologue
CHAPTER 1: welcome back
Chapter2
CHAPTER 3: First Day of School
Chapter 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHAPTER 11: car racing
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16: First kiss
CHAPTER 17
CHAPTER 18
Chapter 19: Acquaintance party
Chapter 20: Acquaintance party
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Author's Note!!
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46-47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE!!

CHAPTER 39

1.3K 43 1
By XXJaheraNXX

Geo Terrence POV

Maaga pa lang ay sira na ang araw ko dahil sa ingay ng music na pinapatugtug ni Noona kaya inis ako bumangon at naligo.

"Mag wawakas lang ang salitang Handsome pag namatay na ako"  nakangising saad ko habang pinag mamasadan sa salamin ang napakagwapo kong mukha. "Pero syempre hindi mangyayari yon dahil maraming babae ang mag luluksa. HAHAHAHAHA"

"Iho bakit  mo kinakausap ang sarili mo?" Narinig kong tanong ni manang sa labas kaya napabaling ako sa pinto ng banyo. " Naihanda ko na ang mga gamit mo kaya bumaba ka na pagkatapos mong mag handa "

"YES MANANG!" sigaw ko saka narinig kong lumabas na siya.

Matapos akong magbihis ay agad akong bumaba at naabutan ko si Noona na nakaupo sa sala at natatutuk sa laptop niya at malakas pa ring nag papatugtug kaya mabilis akong bumaba ng hagdan at pinahinto yun.

"Why did you stop it?" Mataray niyang tanong at pinidot agad ang speaker.

"Noona ang aga aga nambubulugog ka!" giit ko pero parang wala itong narinig at tutuk pa rin sa laptop niya

"Iho pabayaan mo na yan at pumarito ka na" saad ni manang ng nakadungaw sa kitchen kaya sumunod naman ako kay manang.

"Wala bang duty si Noona?" Tanong ko kay manang habang abala siya sa lababo.

"Mamayang gabi pa kaya hayaan mo nalang ang ate mo iho"

"Nakakainis naman kasi siya. Payapa akong natutulog sa taas kanina tapos bigla biglang pag papamusic ba pagkalakas lakas" reklamo ko sabay subo ng fried rice

"Hoy kung hindi pa kita iningay baka malate ka na kaya dapat ka pang magpasalamat sa akin noh" biglang sulpot niya at upo sa harap ko saka ako inirapan.

"Tss kala mo kinaganda ang pag irap" bulong ko

"What did you say?" Pagtataray niya

"Sabi ko"Huminga muna ako ng malalim bago siya tingnan"DI KA CRUSH NG CRUSH MO!" Saad ko at binilisan ang pag kain.

"Damn you!" saka inambahan akong babatuhin ng baso pero pinigilan siya ni Manang.

"Tama na yan.. sige na iho baka malate ka pa" saad ni Manang kaya nginisian ko lang si Noona saka uminom ng tubig at umalis sa kitchen.

"Wag kang gagawa ng gulo Terrence kung ayaw mong sermon ang pasalubong mo sa pag uwi nila Mom " paalala ni Noona ng papalabas na ako kaya nilingon ko siya.

"I know right!" Sabay kindat at naglakad na palabas.

Nang makasakay ako sa trailblazer ay pinagmasdan ko pa ang isa kong kotse bago ako umalis.

Habang nasa daan ako ay idinial ko ang number ng mga kaibigan ko at tanging si kurt lang ang sumagot.

" bakit hindi sumasagot sina tim?" Tanong ko sa kanya habang naka focus ang mapining ko sa kalsada.

"Ewan ko baka nalaligo pa ang mga yun"sagot niya.

"Saan ka na?"

"Papalabas pa pang ng condo"

" Bilisan mo jan! Malapit na ako sa school"

"Ito na nga pasakay na ng kotse." Pag mamadali niya at narinig ko naman ang pag sara ng kotse niya.

"Sige na kita na lang tayo room" saad ko saka pintay ang tawag.

Nang maka pag park ako sa parking spot ko ay agad akong lumabas at nakita kong ni isa sa mga kotse ng mga kaibigan ko ay wala pa sa parking spot nila. tss masyado lang akong napaaga dahil kay Noona.

Paalis na ako sa parking lot ng may isang sports car na dumating at nag parking sa spot ni dexter kaya napangisi ako at hinintay siyang lumabas.

"It's too early for you huh!"  Banat niya agad sabay sara ng pinto ng kotse niya at naglakad palapit sa akin.

"Mukha mo! Kanina ko pa kayo tinatawagan walang sumasagot sa inyong mga gago" asik ko kaya natawa lang ito.

"I was in kitchen that time and I left my phone in my room" paliwanang niya at naunang mag lakad.

"Tss!" Singhal ko saka naka pamulsa akong sumunod  sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Dexter sa corridor ay sumalubong naman ang kakabingin tilian ng mga babae at animong mamamatay na sa kilig.

Di pa ba sila napapagod? Araw araw na lang kakabingi na ang mga boses ng mga to. Parang mauubusan na sila ng lalaki sa mundo. Sabagay sino naman ang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan ko.HAHAHAH

"Ang aga mo ata ngayon Terrence" malanding salabong ni Ashley sa akin.

"Di ko hiningi ang opinyon mo kaya lumayas ka sa dinadaan ko" galit kong saad kaya napa atras naman siya.

Napailing nalang si Dexter sa ginawa ko at lumakad na muli. Habang nag bulong bulong naman ang mga babae dahil sa pag pahiya ko kay Ashley. Tss Campus bitch!

Nang makarating kami sa room ay medyo marami na ng estudyante kaya maingay na rin. Agad namang dumeretso si Dexter sa spot niya ay inilabas agad ang books niya para magbasa.

Wala ng ginawa ang isang to kundi magbasa at kulang nalang kainin na niya ang mga libro. Tss!

Tahimik akong naka upo habang pinaglalaruan ang cellphone ko ng ma touch ko ang message inbox. "Love" teka kahapon nung umalis bigla si Crystal hindi na siya bumalik ah! Saan kaya nag punta ang nerd na yun?

Agad kong pinindot ang Dial at halos maubos ang ring nito ay walang sumagot kaya inulit ko agad ngunit wala pa rin. Kala mo maganda na hindi sumasagot.

Dahil inis ko ay inilapag ko ang cellphone ko sa desk ko at pumikit. Ilang sandali pa ay may umakbay na sa akin at napamulat na ako.

"Oh! nasan si Nathan?" Tanong ni kurt at nag palinga linga pa at doon ko na kita na kasama niya  si timothy at si tristan.

"Ewan ko doon hindi naman sumasagot ang gago" saad ko.

"Dadating din yon" paninigurado ni timothy sabay saksak ng earphone niya at naupo sa spot niya.

Tahimik namang upo tristan habang si kurt naman ay nakatingin sa akin at nag ngingiting aso.

"Problema mo?" Walang ganang tanong ko at inilagay ang paa ko  sa desk ko.

"Pinahiya mo na naman si Ashley HAHAHA" malakas na tawa niya.

"Kasalanan niya yon masyado siyang malandi"

"Hayy nako dre! Kailan ka ba makakahanap ng girlfriend mo? puro na lang fling fling"  sabay iling niya.

"Lumayas ka nga sa harap ko kurt" sabay hablot ng cellphone ko at ibabato ko na sana sakanya pero bigla itong nag ring.

"Si Montefalco na ba yan?" Tanong ni kurt pero nung tignan ko ay umiling ako at sinagot ang tawag ni Crystal.

"Ano?" Biglang tanong niya.

" Ano? Ano?" Pabalik kong tanong.

"Bakit ka tumawag kanina?"

"Wrong call lang yun"

"Tss! Wrong call tapos dalawang beses? Sino ang niloloko mo?" Sigaw niya kaya nailayo ko ang phone ko.

"Wag ka ngang sumigaw para kang nasa ibang bundok"

" wala ka ng ibang sasabihin?" Cold niyang tanong. Bipolar ba to?

" Ah wala nam-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang patayin ang linya.

Kingina!napakabastos ng nerd na yun ah.kala mo ang ganda ganda.

"Sino yun?" Usisa ni kurt kaya inambahan ko agar siya ng suntok pero umalis agad sa harap ko

Natapos na ang morning class namin pero wala pa rin si Nathan kaya pumunta muna kami sa private room namin upang mag pahinga at pagkarating namin doon ay agad na sumalampak si kurt sa malaking sofa.

"Umusog ka nga don kurt" utos sa kanya ni tristan at agad naman niyang ginawa kahit labag sa kalooban niya.

"Sumagot na ba siya tim?" Tanong ni Dexter kay timothy na kanina pa niya tinatawagan si Nathan.

"Still ringing" saad ni timothy at nilapag ang cellphone niya sa center table saka naupo sa single sofa.

"Di naman ugali ng mokong na yun na hindi sumagot at mag absent" saad ni kurt.

"Baka may pinapagawa lang sakanya si Tito Alvares kaya hindi siya sumasagot" kampanting saad ni tristan saka pinatong sa center table ang paa.

"Siguro naman mag tetext din yun kahit papaano" dagdag ni dexter.

"Gagong yun may balak talaga siyang pag alalahin tayo" saad ni Kurt at kinuha ang phone niya.

Lumipas  ang oras ay nanatili kami sa private room namin. Nang matunog na ang ring sa loob ay nag ayos na kami para pumasok sa afternoon class namin.

____________________________
___________________

Continue Reading

You'll Also Like

94.4K 4.3K 38
LOVELY BUT DANGEROUS. [📚BOOK #1: COMPLETED][STILL UN-EDITED] 📚BOOK # 1 Title: The General Gangster Academy. ✒Genre: Action-Romance. 📌Finished Date...
372K 14.1K 26
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"
36K 1.4K 57
She's an assassin. Playing with fire is her thing. A queen without a king. Her life will change because of a mission. The past that already forgotten...
54.7K 1.9K 30
This story is mostly one short or short stories . This story starts after neil broke the engagement with aaru . What happened after that is the stor...