Mistakenly Yours (Mistake Ser...

By JEYL_Purple

250K 7.5K 1.3K

THIS STORY IS EXCLUSIVELY AVAILABLE ON DREAME Mistake Series #1 (Completed) "Let's talk about how other peopl... More

Mistakenly Yours
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Finale
Author's Message
SPECIAL CHAPTER

Three

8.2K 270 39
By JEYL_Purple

Three

MAINGAY NA tawanan at hagikhikan ang sumalubong kila Yasha nang makapasok siya sa kanilang pamamahay. Zaccheo was behind him, walking silently.

Matapos nitong sabihin na hindi ito natutuwa sa plinanong kasal ng kanilang mga ama ay hindi na siya nagtanong pa. Natatakot siya dala na rin ng itsura nito kanina.

"Ah! Ayan na ang aking panganay." Tumayo ang ama niya nang makitang pumasok sila sa malawak na dining area.

"Papa," bati niya at sinalubong ang yakap ng ama. Tinapik naman siya nito sa likod.

"Mabuti na lang talaga at pumayag ka ng umuwi. Masyado mong inaabala ang sarili mo sa trabaho," nakangiting sabi nito bago binalingan ang nasa likuran niya. "Mabuti at hindi mo pinahirapan si Zaccheo na pilitin kang i-uwi."

Nag-init ang kaniyang mga pisngi. Hindi naman matigas ang kaniyang ulo!

"Maraming salamat ulit, Zaccheo. Si Ephraim sana ang pakiki-usapan ko pero busy na siya sa pakikipag-usap kay Bleu n'ong makita ko sila kanina."

"It's nothing, Sir. Don't mention it," mababa ang tonong sagot ni Zaccheo.

Binigyan ng pansin ni Yasha ang mga nasa lamesa. Andoon ang kaniyang ina na masayang nakikipag-usap sa isang matandang babaeng nakita na niya sa larawan. She's wearing that gentle smile na nakita rin niya sa litrato. Ang matandang lalaki naman na hula niya ay si Mauricio Cordova ay mataman siyang tinitigan. Gaya ng mga anak nito, matigas rin ang itsura nito na parang hindi marunong tumawa o ngumiti man lang. Magkatabi naman si Armee at Bleu at sa tabi ni Bleu ay ang lalaking may kulay asul na mga mata. Salubong ang mga makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kaniya.

She raised her brow. What's with his stares?

Tumawa ang ama niya at iginaya silang dalawa sa bakanteng upuan. Sabay silang umupo ni Zaccheo nang magkatabi.

"Ang swerte mo, Ramon at may tatlo kang naggagandahang mga anghel," makangiting komento ng asawa ni Mauricio.

"Salamat, Marie. Hindi lang magaganda ang mga anak ko. They are also intelligent and so good in handling our companies. Kaya may tiwala ako sa kanila lalo na rito sa panganay ko," nakangiting sagot ng ama niya. Proud na proud ito habang nagku-kwento.

Napangiti si Yasha dahil doon. Kung tutuusin, masaya rin siya na nakikitang pinagmamalaki sila ng kanilang ama. Nakagagaan sa kaniyang loob pakinggan.

She smiled awkwardly when Ephraim's mother looked at her with her intense blue eyes. Para siya nitong inaalisa pero sa malambing na paraan.

"By the looks of her, siya iyong tipo ng boss na talagang seryoso at istrikto sa trabaho," the woman said, showing a sweet smile. "Ilang taon ka na ba sa AS, hija?"

Gusto niyang magtaas ng kilay. Bakit siya ang pinag-uusapan? Hindi ba dapat sila Bleu at Ephraim ang topic ng dinner na iyon?

"I started when I was twenty, Tita. Five years na po akong acting CEO ng company," magalang na sagot niya.

Nagsipasukan ang mga maids sa dining at may kaniya-kaniyang bitbit na mga putahe. Inihanda ng mga ito ang dala sa mahabang mesa. Lumapit sa kaniya ang isa sa mga katulong na may bitbit na wine.

"Wine, Miss Yasha?" magiliw na tanong nito.

"Yes, please," sagot niya.

Matapos magsalin ng wine sa kaniyang baso ay si Zaccheo naman ang tinanong ng katulong na tinanggihan nito.

"Just water. I can't drink wine right now," anito sa baritong boses.

Tumaas ang kilay niya. "Being a good boy, huh? Wine is not that hard, you know."

Tinignan siya ng katabi. "Ayaw ko lang uminom. Isa pa, may planong uminom sila Dad at Tito Ramon mamaya."

Tumango siya at hindi na muling pinansin ang katabi. Bakit ba siya nagkomento?

Nagsimula na silang kumain habang patuloy na nagku-kwentuhan. It's like they are all getting to know each other, forcing themselves to be close as soon as possible.

Tinignan niya ang kapatid at si Ephraim. Tahimik lang ang mga itong kumakain. Walang umiimik sa dalawa at ni isang one-on-one conversation ay wala pa atang nangyari.

She sighed. Alam niya kung gaano kahirap sa kapatid ang nangyayari. Gusto na lang niyang sabihin sa harap ng mga bisita na tutol siya sa mangyayaring kasal. Pero hindi niya pwedeng ipahiya ang kaniyang ama. Kahit na minsan ay mainit ang ulo niya rito, malaki pa rin ang respeto niya dahil ama niya ito.

"Sa Ilocos ang main branch ng Alpha Azul, 'di ba, Ramon?" tanong ni Mauricio.

"Oo. Taga-roon kasi ang Lolo ko kaya naisipan niyang doon magsimula ng hotel and resort business."

"Isa pa, maganda ang mga beaches sa Ilocos," dagdag ng ina niya. "And aside from beach activities, marami pang pwedeng gawin doon like hiking, trekking, skydiving and many more. Kaya maraming pumupunta sa Alpha Azul dahil sakto lang ang location nito sa mga activity sites."

Tumango ang mag-asawang Cordova na mukhang nagustuhan ang narinig.

"Gusto kong mamasyal doon! Kahit nakakapunta na kami sa Ilocos ay puro trabaho naman ang ginagawa namin," sabi ni Tita Marie at binalingan ang asawa nito. "What can you say, honey?"

"That's a great idea! Ano, Ramon? I-tour mo naman kami sa Ilocos. Malay mo makahanap tayo ng magandang simbahan para doon ganapin ang kasal nila Ephraim at Bleu," wika ng matandang lalaki.

Natigil sa pagkain si Yasha at sinulyapan ang kapatid. Tahimik lang ito habang panay naman ang pag-nguya ng katabi sa kinakain. Parang wala itong pakialam kung ipapakasal ito sa kapatid niya.

Sabagay, sino pa ba ang tututol kung sa isang Bleu Ellijah Suarez ka ipagkakasundo? Bukod sa dala nitong apilyedo at yaman, napakaganda rin nito at napaka-puro ng ugali. She wanted to be proud about her sister pero hindi iyon ang tamang oras para ipagmalaki ito.

Sunod niyang binalingan ang lalaki. Kahit gusto niyang maghanap ng pangit na parte sa mukha nito, ay wala siyang makita. He's just so perfect! He's like the son of Adonis that came from Heaven.

Ang panga nitong gumagalaw tuwing ngumunguya ay nagbibigay kay Yasha ng kakaibang pakiramdam. She felt like there's an energy that's pulling her near the man to touch his perfect jawline. Parang napakasarap nitong hawakan at halikan—

Napakurap siya at wala sa sariling napatayo. Lumikha iyon ng ingay kasabay ng pagtingin sa kaniya ng mga kasama sa hapag. Nakakahiya!

"Yasha! Okay ka lang?" Napatayo na rin si Zaccheo at inalalayan siya.

Pakiramdam ni Yasha ay sobrang pula na ng kaniyang mukha. "A-ayos lang ako. May gumapang lang sa paa ko paakyat."

What a bullshit reason!

Nagtaka siya nang biglang tumawa ang mga matatanda na kasama nila. Hindi niya alam kung ganun na lang kapalpak ang dahilan niya para tawanan nila.

"Ang mga bata talaga ngayon. Marunong na," natatawang komento ng ina niya. Mas nagsalubong ang kilay niya dahil doon.

"Zaccheo, anak, dahan-dahan lang," sabi ng tito Mauricio niya sa anak. May kakaibang paninitig ito sa anak.

Tumingin siya kay Zaccheo na may pagkalito rin sa mukha.

"What?" He sounded so confused.

"Calm down your bone, Zaccheo. That's what Dad means," matigas na wika ni Ephraim kaya sabay silang napatingin dito.

Sinalubong ng binata ang mga tingin niya. His ocean blue eyes dug deep inside hers. Para bang binabasa nito kung ano ang nasa loob ng isip niya. Nakakahilo. Nakakapaso.

Agad siyang nag-iwas at bumalik sa pagkakaupo. Nanatili namang nakatayo si Zaccheo sa kaniyang tabi.

"What the hell are you saying, Ephraim?" naiiritang tanong nito. Masama itong nakatitig sa kapatid na naka-upo sa tapat nila.

"Tama na 'yan," suway ng ina ng mga ito. "Zaccheo, umupo ka na so we can talk about the Ilocos trip and your brother's wedding."

Natahimik ang lahat nang muling nabanggit ang kasal. Padarag na umupo si Zaccheo sa tabi niya. Bumubulong ito ng mga mura na sa tingin ni Yasha ay para sa kapatid nito. Kung ano man ang kinaiinisan nito, hindi na niya alam.

"Oo nga pala, sa Sabado ang luwas ni Bleu papuntang Ilocos para ayusin ang Alpha Azul," panimula ng ama niya. "Sabay-sabay sana kaming lahat kaso may trabaho pa si Yasha sa AS. Kahit may tiwala ako kay Bleu ay hindi ko pa rin naman maiwasang mag-alala. Lalo na ngayon at pinatanggal na niya ang kaniyang security guards."

"Hindi ko naman na kasi kailangan iyon, Papa. I can handle myself now. Please don't make me a baby anymore," Bleu answered for the first time.

"Alam ko naman iyon, anak. Hindi ko na ibabalik ang mga security guards mo." Ngumiti ang ama sabay tingin sa mga kaibigan. "Kaya naisip ko, tutal ay nagpa-plano etong Tito Mauricio at Tita Marie mo ng bakasyon sa Ilocos, pwede namang mauna na rin si Ephraim doon para samahan ka."

"That's great!" pumalakpak pa na komento ng Tito Mauricio niya. "Maganda iyan para makita nang mas maaga ni Ephraim ang Alpha Azul. Hindi ba nabanggit mo sa akin na ire-renovate niyo ang resort? My son can suggest some ideas."

"Hindi na kailangan, Tito," sabat ni Armee ng may ngiti sa labi. "Matagal ng may plano ang board para sa renovation ng resort. In fact, nakagawa na rin ako ng blueprint para sa mga bagong idadagdag sa swimming pools near the main building. Naka-plano na rin po ang mga designs ng idadagdag na hotel rooms para roon."

Yasha wanted to laugh. Kitang-kita niya ang pagpipigil ng kapatid na i-pormal ang boses kahit na naririnig pa rin ang pagkairita nito. Well, a Suarez will always be a Suarez. Diyan sila kilala.

"Pero baka may gustong i-adapt ang Papa niyo na nasa idea ni Ephraim—"

"I already saw the structures of your resort, Tito. Na-amaze po ako sa designs and concepts. Pero napansin kong 90% ng Cordova Resorts ay kaparehas rin ng meron sa Alpha Azul. So if Kuya Ephraim will suggest something, I'm sure nasa checked list ko na iyon," Armee stated.

Nagbukas-sara ang bibig ni Tito Mauricio na mukhang may sasabihin pa. Pero sa huli ay natawa na lang ito at napa-palakpak.

"Yadela! Saan mo ba ipinaglihi ang mga anak mo? Masyado silang magaling sa career nila."

Natawa naman ang ina nila at umiling. "Hindi ko alam, Mauricio. Nasa dugo na siguro talaga nila iyan."

"Your youngest is so good, Ramon!" Nakangiting bumaling ang matanda sa kapatid niya. "Do you already have your license, hija?"

Maagap na umiling ang kapatid at sinulyapan siya. "Graduating pa lang ako, atito. But some of my designs are being presented and used in AS by Ate Yasha. Hinihintay nalang namin ang license ko para makapag-trabaho na ako sa kumpanya."

"Is she really not graduated, yet?" Tanong sa kaniya ni Zaccheo. Mukhang namangha na rin ito sa kapatid.

"Hindi pa. Ngayong taon pa lang. Kaya nag-aalala ako kung sasama siya sa Ilocos para sa renovation ng Alpha Azul." She sighed.

"Pwede namang hindi na siya sumama," Zaccheo suggested.

Kung pwede lang talaga. Pero ang ama na nila ang nagsabi na kailangan silang lahat para sa renovation ng resort. Napaisip bigla si Yasha. Speaking of renovation...

"Saan tutuloy sila Tito Mauricio kung under renovation ang resort habang nandoon tayong lahat, Papa?" tanong niya sa ama.

Bahagya naman itong natigilan na parang hindi niya naisip iyon. Maya-maya pa ay ngumiti ito ng malawak at bahagyang natawa.

"How can I forgot?" natatawang sabi nito. "Ganito na lang. Hindi na kayo sa Alpha Azul tutuloy pa. Doon na lang kayo sa hacienda De Puro tumuloy. Para walang sagabal sa pagpa-plano ng mga kailangan sa kasal."

"Oo nga pala at may malawak kayong hacienda sa Ilocos. Sige, doon na lang tayo," Tito Mauricio agreed.

"Bleu, Ephraim, doon na lang ang deretso niyo sa Sabado, ha? Malapit lang naman iyon sa resort kaya ayos lang. At huwag ka ng dumalaw agad sa Alpha Azul, Bleu. Magpahinga na lang muna kayo roon sa mansiyon at hintayin mo na lang sila Yasha na makaluwas," bilin ng ama nila sa kapatid.

"Pero Pa, sayang ang araw," tutol ni Bleu.

"Hindi naman minamadali iyon, anak. Isa pa, mas magandang magpahinga muna kayo ni Ephraim bago pumunta sa resort. Sabay na rin kayong magplano tungkol roon, tutal, ikakasal naman na kayo."

Hindi na nakaimik ang kapatid dahil sa sinabi ng ama nila. Napasandal siya sa kaniyang upuan at bahagyang pumikit. Pilit na talagang nitong sinasali ang mga Cordova sa plano nila sa buhay.

"Papa," tawag niya sa ama. "Kung saka-sakali man na may plano nga talaga si..." She can't even say his name! "si Mr. Cordova, masasayang ang naka-ayos na designs ni Armee. Matagal niya iyong pinaghirapan."

"Pwede namang dagdagan at bawasan ang nasa designs, hindi ba Armee?" Nilingon ng ama nila ang bunsong kapatid. Hindi ito umimik pero nakakuyom ang mga kamao nito.

"If he has a new plan, siya na lang po ang gumuhit niyon. Tututok na lang ako sa finals kaysa magbura pa sa blueprint ko." Padarag itong tumayo mula sa upuan. "Excuse me po."

Armee left the dinner. Mukhang sumama ang loob nito sa pagpipilit nila sa mga ideya ni Ephraim. Gusto man niyang sundan ang kapatid pero nahihiya siya sa mga Cordova. Instead, she gave them her apologetic smile dahil mukhang hindi pa nakakabawi ang ama niya sa ginawa ng kapatid.

"Pasensya na po, Tito, Tita. Pagod lang siguro si Armee sa dami ng nangyayari ngayon," she said.

"Ayos lang, hija. Naiintindihan namin iyon," magiliw na sagot ng matandang babae.

"Yasha," tawag ng ama niya sa matigas na boses. Mukhang nagtitimpi ito ng galit.

"Sabihin mo sa kapatid mo na bukas, sasama siya sayo sa AS. Kung ayaw niya, mauuna siyang lumuwas sa Ilocos para ihanda ang mansiyon." Tumayo ito at lumapit kila Bleu at Ephraim. "Halina kayo sa garden. Mag-iinuman tayo."

Pipigilan niya sana ang ama nang tumayo si Ephraim at maglahad ng kamay kay Bleu. Natigilan siya sa nakita. He's a gentleman, huh?

Tumayo na rin ang mag-asawang Cordova at lumakad na palabas. Sumunod ang ina niya. Hindi pa rin umaalis si Bleu at Ephraim dahil hindi makagalaw si Bleu sa ginawa ng lalaki.

"Hindi sasama si Bleu sa iniyo," pigil niya at tumayo na.

Binalingan siya ng tingin ni Ephraim. Nakagat niya ang labi at inilipat ang tingin sa kapatid. Hindi niya kayang titigan ang asul nitong mga mata.

"And who are you to decide for her?" he said in a deep voice. "She can join us if she want to. Don't stop her."

Tumaas ang kilay niya. "I am not stopping her. Hindi ko lang gustong sumasama siya sa mga nag-iinuman."

Tumayo ng tuwid si Ephraim at pinagkrus nung mga braso sa harap ng dibdib. He let out a soft chuckle while looking at her. Bigla siyang naasiwa sa tingin ng lalaki.

"It's not like she's still a minor, Engineer Suarez. Hindi na masamang tignan ang katulad niya na napapasama sa mga inuman." Ephraim smirked. "Isa pa, nandoon ang mga magulang niyo. Hindi lang kaming dalawa ang mag-iinuman. Kaya kung wala kang tiwala sa 'kin, magtiwala ka na lang kay Bleu."

Hindi siya nakasagot. May point ang binata. Pero ayaw niyang ipakita na talo siya sa sagutan na iyon! She's not the boss of AS Design Group if she just let that short conversation passed without her, winning.

"Can't you see? Pinagkakasundo kayo ng mga magulang natin. Isn't that enough reason para planuhin nila na iwan kayong dalawa lang habang nag-iinuman? Oo may tiwala ako kay Bleu, pero sa 'yo... wala kahit konti," she reasoned out.

Nagpabaling-baling ang tingin ni Bleu sa kanilang dalawa. Tumayo ito at akmang magsasalita nang biglang lumapit sa kaniya si Zaccheo sabay umakbay sa kaniyang balikat. Binigyan niya ito ng matalim na tingin. Kung umakbay ito sa kaniya, parang close naman na sila.

"Tama na 'yan. Kayong dalawa pa ang nagkakainitan," sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Umirap lang siya.

"Engineer Suarez, kung sabihin mong wala kang tiwala sa akin, parang hindi naman kami magkadugo ng kapatid ko," Ephraim said in a mocking tone.

"What?" takang tanong niya at binalingan si Zaccheo. Nagkibit balikat lang ito na parang hindi alam ang sinasabi ng kapatid.

"Wala kang tiwala sa akin, pero ipinagkatiwala mo naman ang hita mo kay Zaccheo." Ephraim, then, smirked. But his smirked doesn't told her that he's joking. It was a dangerous one.

"Excuse me!?" Hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Ano ba'ng sinasabi nito at sobrang dumi kung pakinggan niya?

"What the hell, dude?" naguguluhang tanong na rin ni Zaccheo.

She wanted to storm out. Pero hindi niya maalis ang matatalim na tingin sa lalaking may asul na mga mata. Hindi niya gusto ang sinabi nito. Nabastusan siya!

"Stop being a fool, little brother," Ephraim said in a very serious voice. "Next time, huwag mong binibigla ang mga babae. Especially when it's their first time to be touched sensually."

Hindi na napigilan ni Yasha ang pagsabog ng galit. Lumapit siya kay Ephraim at akmang susuntukin nang may kamay na humablot sa braso niya. Bubulyawan na sana niya ang pumigil sa kaniya nang nakilalang si Bleu iyon. Masama ang tingin nito sa kaniya kaya bigla siyang nagtaka.

"Sa taas, Ate Yasha. Pag-uusapan natin ang ginawa ni Zaccheo sa 'yo," anito at binigyan ng masamang tingin si Zaccheo na gulat rin sa bintang ng kapatid.

Napanganga siya. Pati ba naman ang kapatid niya, naniwala sa sinasabi ng lalaking iyon?

Binalingan niya ng tingin si Ephraim na prenteng nakatitig lang sa kaniya.

May araw ka rin sa'kin, Ephraim Cordova!


***
JEYL_Purple

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 51 33
Aya is the prim and proper type of daughter. She was raised to be always at her best all the time. She can't afford to be distracted and must always...
112K 3.3K 33
"He just is, I just am and we just are." -Lang Leav After a one hell of a ride, Celestine and Slade are finally together. And everything seems to be...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
65.6K 2.3K 59
COMPLETED✔️ Deborah Viviane Solegracia was the hard-headed daughter. She likes making fun or teasing with this particular boy who came from a well-kn...