FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

867K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 23

9.3K 402 62
By TitaAmor07

KABANATA 23

“Kat, please answer me.”

Tinatawagan ni Red si Katleya habang nagmamaneho. Ang kanang kamay niya ay hawak ang kanyang cell phone na nakadikit sa kanyang tenga. At ang kalewang kamay naman niya ay mahigpit na nakahawak sa manobela ng sasakyan niya.

Binilisan ni Red ang pagmamaneho. Hindi pa rin kasi sinasagot ni Katleya ang tawag niya. Sobrang nag-aalala siya at hindi na mapakali dahil sa nangyari.

Napasigaw na siya sa sobrang inis. “B*wesit!”

Dahil sa inis ni Red sa kanyang sarili ay tila nawala ang atensyon niya sa pagmamaneho. Bumalik lang ito nang pumasok ang liwanag na nagmula sa malaking truck sa loob ng kotse niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil imposibleng makailag pa siya mula rito.

Nawalan na siya ng pag-asa.

Sa oras na ito, ang tanging nasa isip niya ay ang mga mahal niya sa buhay; sina Katleya, Rosa, mga magulang niya at si Blue. Tumulo naman ang luha niya nang maalala si Blue. Ang ngiti nito na kumukumpleto sa buong araw niya. Ang paglalambing nito na laging hinahanap niya. Ang mahigpit na yakap nito na nagpapagaan ng loob niya. Ang mga biro nito na sobrang benta sa kanya. At ang pagiging matampuhin nito sa simpleng pang-aasar niya. Napahagulgol siya nang mapagtantong bilang na lang ang oras na meron siya.

“Lord, ‘wag mong pababayaan ang mga mahal ko sa buhay, lalo na si Asul,” hiling niya sa Panginoong Diyos.

Napanga ang binata nang may nag-overtake sa kanya. Nang matamaan ito ng ilaw ng sasakayan niya. Nakita niya ang isang lalaking sobrang mahal niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

“Asul!” sigaw ni Red.

Nagsalpukan ang kanilang sasakyan. Sa halip na ang sasakyan ni Red ang matamaan ng truck. Ang sasakyan ni Blue ang bumangga rito. Tumilapon paitas ang sasakyan ni Blue habang patagilid ang sasakyan ni Red. Paikot-ikot ito hanggang sa sumalpok sa isang poste dahilan para mauntog nang malakas ang ulo nito sa sasakyan. Nagdulot ito ng sugat at pagdurugo.

“Asul!” sambit ni Red. Halos wala na siyang makita dahil sa malagkit na dugo na pumasok sa mga mata niya.

Sinubukan ni Red buksan ang kanyang sasakyan kahit nanghihina na siya. Pagbukas niya, siyang pagkahulog nito sa sahig. Hinihingal siya dahil nahihirapan na siya, pero kailangan niya puntahan ang kapatid niya. Pinunasan niya ang mga mata niya para kahit papaano ay may makita siya. Nang makita niya ang sasakyan ng kapatid na bumaliktad ay pinilit niyang tumayo. Nagsimula na siyang maglakad papunta roon.

“Asul, lumaban ka,” mahinang sambit ni Red. Natumba na ito. Kahit anong pilit niyang tumayo, bumibigay na ang tuhod niya. “Tulong. Tulungan niyo ang kapatid ko.”

Wala pang nakakakita sa insidente dahil sobrang tahimik na ng kalsada.

“Asul! Hintayin mo ako, pupuntahan kita riyan,” ani Red. Sinubukan niyang tumayo, pero natumba lang siya. “Asul! Sorry! Kasalanan ko ito.” Tumayo itong muli, pero natumba na naman siya at nabagok ang ulo niya sa kalsada. “A-asul.”

Gusto muling tumayo ni Red ngunit sa kasamaang palad, hinimatay na siya. Hindi na niya nakayanan ang epekto ng aksidente sa kanya.

•••

Nagmamadaling tumakbo sina Crezelda at Zander papasok sa hospital habang walang humpay ang pagtulo ng kanilang mga luha. Bitbit nila ang kaba sa posibleng mawalan muli sila ng anak. Hindi nila makakayanan kung mangyari muli iyon.

Pagdating nila roon, hindi sila pinapasok ng mga doctor. Umupo muna sa labas ng operating room silang dalawa. Tanging pagdadasal lang ang ginawa nila.

Minuto ang lumipas, may isang doctor na lumabas mula sa loob ng operating room kaya agad itong tinanong ni Crezelda.

“Kamusta, doc? Please gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo,” hiling ni Crezelda. Nanginginig ang boses niya.

“We will Ms. Montenegro. Kailangan lang namin nang maraming dugo. Marami-rami rin ang nawala sa kanilang dalawa. Most especially your son, Pierce Blue. Mas grabe ang tama sa kanya.”

Humagulgol si Crezelda nang marinig ang sinabi ng doctor. “Please doc, ‘wag niyo po silang pababayaan.”

“We will. May kukunin muna ako.”

Pag-alis ng doctor, may dumating namang mga pulis at kinausap ang mag-asawa. Sila iyong inatasan sa insedenteng nangyari.

“Mr. and Mrs. Montenegro?” bungad ng isang pulis.

“Yes.”

“Sa aming ginawang imbistigasyon sa insidente. Napag-alaman namin na nakainom ang iyong dalawang anak.”

Nagpakawala nang malalim na hininga si Crezelda. “Sorry for that, we should take the responsibility. Chief, ano’ng nangyari sa driver ng truck? Okay lang ba siya?” pag-aalala ni Crezelda.

“Yes. Wala namang masamang nangyari sa kanya.”

“Thank you for the information. Saan siya? Puwede ba namin siya makausap?”

“Yes. You can.”

Pinuntahan nina Crezelda at Zander ang driver na nagmaneho sa truck. Kinausap nila ito na maaaring huwag ng magsampa ng kaso sa mga anak nila. Babayaran lang nila lahat ng damage na natamo ng kanyang sasakyan. Pinangakuan din nila ito ng tulong katulad ng full scholarship sa mga anak nito, groceries, at trabaho. Pumayag sa alok ang driver kaya wala na silang problema rito. Tinawagan na rin ni Zander ang kaibigan niyang heneral para pagtakpan ang insidente. Nilabag kasi ng kambal ang isang batas ng gobyerno at iyon ay ang magmanehong lasing. Pero dahil makapangyarihan ang pamilya Montenegro ay nalusutan nila ito. Ang tanging pinagdadasal na lang nila, ang kaligtasan ng kanilang dalawang anak.

•••

Dalawang araw ang lumipas. Nagising na si Red mula sa coma. Nagkaroon kasi ito ng penetration dahil sa pinsala na natamo niya sa aksidente. Nakatulala lang ito sa kisame habang walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Naaalala niya kung paano sinakripisyo ni Blue ang sarili nito para siya ang mabangga.

“Pula!” sigaw ni Grey nang makitang nagising ang kaibigan.

“I will call the doctor,” sabi ni Green. Tumayo ito at nagmamadaling lumabas.

“Red?” sambit ni Crezelda. Napatulo ang luha nito nang makitang gising na ang anak.

“Salamat sa Diyos,” wika ni Rosa.

Tumayo si Katleya at tahimik na umalis nang makitang mabuti na ang kalagayan ng kasintahan niya. Wala man lang nakapansin sa pag-alis nito.

Nang makita ni Red sa kabilang higaan si Blue at nanatili pa rin itong tulog, humagulgol ito. Gusto niyang bumangon para yakapin ito, pero masakit ang katawan niya.

“Kasalanan ko ito,” mahinang sabi ni Red. Nanginginig ang kamay nito.

“Red, aksidente lang 'yon. Wala kang kasalanan,” paliwanag ni Crezelda.

“Pinigilan niya akong umalis. Pero nagmamatigas ako,” giit nito.

“Red, magiging okay rin ang lahat. Gigising iyang kapatid mo. Malakas pa 'yan sa kalabaw,” wika ni Zander. Positibo itong magigising ang kanyang anak.

“Ako dapat iyong mabangga ng truck. Pero hinarangan niya.” Lalo lang itong humagulgol nang maalala ang huling ngiti ng kapatid niya bago ang aksidente.

Dumating na ang doktor at sinuri na si Red. Nakatingin naman ang lahat sa kanila.

“Hi, Mr. Montenegro,” pagbati ng doctor.

Tiningnan ni Red si Blue sa kabilang higaan. “Gamutin niyo po ang kambal ko.”

“Yes. Ginawa na namin ang lahat. Ang hinihintay na lang namin ay ang paggising niya. Ikaw may masakit pa ba sa iyo? Pakigalaw nga ng right arm mo.”

Iginalaw ni Red ang kanang kamay niya. Napangiti naman ang doctor nang masaksihan ito.

“Now, move your left arm. Igalaw mo rin ang dalawang paa mo.”

Nang magawa lahat ni Red ang inutos ng doctor. Napangiti ang lahat dahil alam nilang mabuti na ito.

“You’re okay. Maybe tomorrow, puwede ka ng makalabas. Kailangan mo munang mananatili rito for the follow up check up. Huwag mo munang piliting tumayo baka mabigla ka.”

“Okay po. Salamat.” Muling tiningnan ni Red ang natutulog na kapatid. “Please do everything, doc. Huwag niyong pabayaan ang kambal ko.”

Tiningnan din ng doctor si Blue. “Nakita ko iyong kuha ng CCTV sa aksidente. I salute your brother. I am moved. Tumayo nga ang balahibo ko dahil hanggang ngayon nag i-exist pa rin pala talaga ang ganoong ugali. He’s selfless. You’re lucky to have a brother like him.”

“Simula noong bata pa kami. Ganoon na siya. Wala siyang pakialam sa sarili niya. Ang mahalaga sa kanya ay ang mga taong nakapalibot sa kanya,” sabi ni Red. Nangingilid na naman ang luha nito.

“Ang sarap magkaroon ng ganyang kapatid kaso only child lang ako,” natatawang sabi ng doctor. “Mabalik ang usapan sa iyo, Mr. Montenegro. Congrats dahil nagising ka na. Huwag mo masyadong isipin ang kambal mo, gigising siya. Malakas ang pakiramdam ko. Anyway, huwag mong kalimutan kausapin ang kapatid mo, ha? Makakatulong ’yon sa kanya.”

“Yes po.”

“Sige, lalabas na muna ako. Magpahinga ka muna.” Tiningnan ng doctor ang mga mahal sa buhay ni Red. “Mauna na ako.”

Pag-alis ng doctor. Nagpalinga-linga si Red sa buong kuwarto. Pagkatapos, tumingin sa pintuan.

“Dinalaw po ba ako ni Kat?” pag-aalalang tanong niya.

“Nandito siya kanina. Nakakapagtaka nga kasi bigla na lang nawala. Nandito siya araw-araw. Pagkatapos ng klase, didiretso siya rito,” sagot ni Grey.

“Red, aalis na muna kami. May importante lang kaming pupuntahan,” sabi ni Crezelda. Tiningnan niya ang mga kaibigan ng anak niya. “Grey, Green kayo na muna bahala sa mga kaibigan niyo, ha?”

“No problem, Tita,” saad ni Green.

Bumuntonghininga si Red at tiningnan si Rosa. “La, yakapin mo muna ako bago ka umalis.”

Lumapit sa kanya si Rosa at niyakap siya nang sobrang higpit. “Salamat dahil nagising ka na. Pinag-aalala niyo kami. Huwag mo pabayaan ang kapatid mo, ha?”

Pumunta si Rosa kay Blue at hinalikan ang pisngi nito. “Wake up, baby.”

Pag-alis ni Rosa, siyang pagtulo ng luha sa mga mata ni Blue. Hindi na nila ito napansin dahil abala sila sa ginagawa nila.

Nang sila na lang magbabarkda ang natira sa kuwarto. May oras na silang mag-usap ng walang iisipin na may makarinig.

“Ano pala talaga ang nangyari, Red?” tanong ni Green.

“Galit sa akin si Katleya. Akala niya pinagtataksilan ko siya. Sa party kasi roon kina Teressa. Nalasing ako. Pagkatapos, may mga babaeng dinala ako sa bodega,” panimula ni Red. Bumuntonghininga ito nang inalala ang mapait na sinapit sa kamay ng mga babae. “Hinubaran nila ako. Gusto ko naman pumalag, pero wala na akong lakas. Doon, binaboy nila ako.”

“What the f*ck!” inis na sigaw ni Grey.

“Kung nandoon lang kami, edi sana wala ng hahalay sa iyo. Kami na sana ang bahala roon,” giit ni Green.

“Mag solo ka. Ayaw ko na,” mabilisang sagot ni Grey.

Tiningnan ito ni Green na may pang-aasar sa mukha. “Ayaw mo na kasi iba na ang gusto mo?”

“Iba na ba talaga, Grey?” tanong ni Red. Kahit nalulungkot ito, nagagawa pa rin makisali sa asaran ng dalawang kaibigan.

“Hindi, ah. Grabe kayo!” Tiningnan ni Grey si Blue. “Ikaw kasi nagsimula niyan! Tingnan mo! Gumising ka na nga. Para kang virgin na bangkay riyan!”

Nagtawanan ang tatlo nang mapagtantong mukhang birhen na bangkay ang kaibigan nila.

“Kaya nga Blue, gumising ka na. Pagtutulungan pa natin si Selena,” sabi ni Green.

“Green, Grey,” seryosong sambit ni Red.

Napalingon ang dalawa rito. Natahimik naman sila nang makita itong muling umiiyak.

“Bakit?” tanong ni Green.

“Virgin pa ba ako? Kahit sinubo nila ang alaga ko? Para kay Katleya lang sana ito,” pag-aalala ni Red.

“Oo naman. May bumaon ba?”

“Bibig lang nila.”

“Virgin ka pa, Red.” Huminga nang malalim si Grey bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “With experience.”

Humalakhak si Green. “Virgin with experience! Bago iyon, ha?”

“Pinapainit niyo lang ang ulo ko. Umalis na nga kayo!” inis na sabi ni Red.

“Bawal. Kami ang bantay niyong dalawa,” giit ni Grey. Tumayo ito. “Nagugutom ka na ba? Bibilhan ka namin ng pagkain sa labas.”

“Hindi pa naman. Magsabi lang ako. Salamat sa inyong dalawa,” ani Red.

“Small thing. Ano ba! We’re family here,” sabi ni Green.

“Tama si Green,” pagsang-ayon ni Grey.

“May alam ba kayo tungkol sa phone ko? Okay pa ba?”

“Yes, pero nandoon kay Tita. Gagamit ka?” Inabot ni Grey ang phone niya. “Gamitin mo muna.”

Kinuha na ito ni Red. “Thank you.”

Pagbukas ni Red sa Facebook ni Grey, palihim niyang kinilabit si Green. Mukhang may sasabihin ito sa binata. Hindi ito nakita ni Grey dahil nandoon siya kay Blue at kinakausap ito. Pagtingin ni Green sa Facebook ni Grey, diretso ito sa profile ni Black. Senyales na tinitingnan ito ng binata. Humalakhak ang dalawa sa katatawa na nagpalingon kay Grey na may tandang pananong sa mukha.

“Ano ang meron?” takang tanong ni Grey.

“Stalker ka na pala ngayon, ha?” anang Green.

“Stalker ka riyan!” inis na sabi ni Grey.

“Ano ito?” Pagpapakita ni Red sa phone.

Agad napatayo si Grey at hinablot ang kanyang cell phone. “Ano ba! Aksidente ko lang napindot 'yan.”

Nagtawanan ang dalawa dahil hindi sila kumbinsido sa sinabi ng kaibigan nila. Alam nila na sinadya talaga ni Grey na bisitahin ang profile ni Black.

“Aminin na kasi,” pang-aasar ni Green.

Namumula na ito sa hiya. “Nope. It was an accident.”

“Fine,” natatawang sabi ni Red. “Pahiram na muna, tatawagan ko lang si Kat.”

Inabot na muli ito Grey. “Take your time.”

Pagtanggap ni Red. “Nag chat si Kuya Black.” Agad itong kinuha ni Grey sa kamay niya. Napatawa naman si Red. “Joke lang. Pahiram na.”

Inabot muli ito ni Grey at makikita sa mukha niya na nahihiya siya sa pinaggagawa niya. “Tawagan mo na si Kat.”

“Thanks. Grey, may chat muli si Kuya Black. Joke,” pang-aasar ni Red.

“Ano ba! Kainis ito!” pagrereklamo ni Grey sabay upo. Humarap siya kay Blue. “Gumising ka na nga. Pinagtutulungan ako ng mga g*go. Ikaw lang naman talaga ang tunay na kakampi ko.”

“Hi, Kuya Black,” pagbati ni Red.

“Shut up! Hindi niyo ako maloloko. Kainis kayo! Lagi niyo na lang akong ginagawang bading!” inis na sabi ni Grey. Umakbay sa kanya si Black nakakarating lang. “Ano ba, Green! Tanggalin mo nga ang kamay mo!”

“Green na pala ang pangalan ko?” tanong ni Black.

Nanlaki ang mga mata ni Grey sa narinig na boses. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Nahihiya siya.

“Miss mo na ba ako?” bulong ni Black.

“Oo, sobrang miss ka na niya Kuya Black,” anang Green.

“Green!” inis na sambit ni Grey.

Inilipat ni Black ang kamay niya sa sa bewang ni Grey. “I'm hungry.”

Napalingon si Grey rito. “Then?”

“You have said to me, ikaw ang pinakamasarap sa menu. I want you to know that I want to eat you.”

Napangiwi ang mukha ng binata. “Yuck.”

“Black?” bungad ng babae na bagong pasok sa kuwarto.

Nang magtama ang mga mata ng babae at ni Green.

“Ikaw!” sigaw nilang dalawa.





~~~

Continue Reading

You'll Also Like

81.6K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
21.6K 313 7
Rose Givesbell Every male wants to taste Rose , a young lady with angelic beauty. Kaya ganon nalang ang ingit ng mga kalalakihan na syang nakakakilal...
1M 4.1K 7
On a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This s...
8.9K 157 2
Polyamory Series #3 Mariella is the only woman among her friends. Her friends know how much she loves them, to the point that every problem she's fac...