Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

29K 1.4K 104

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 37

385 16 0
By gazery

Anella's POV

Nandito ako sa harap ng bahay ni Cj at kanina pa kumakatok.

'Nakanang teteng, oh!'

Kumatok na ako na parang gigibain na ang pinto para siyempre agadsiyang lumabas. Sakit sa balat nung sikat ng araw, eh.. Parahas niyang binuksan 'yon at kunot ang noo pero unti-unting nawala nang makita ako..

"Oh. Bakit nandito ka?" nabibiglang sabi niya, pinapasok niya ako at umupo na kami sa sofa.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Irene?"

Nung sabihin ko yun ay doon na siya napabuntong-hininga at nangibit-balikat.. "Hindi ko rin alam, eh.. Basta nag-away kami kahapon mismo, kesyo daw ng babae nanaman ako.." nakangusong sabi niya.

'Baka nambabae ka nga?'

"Eh, baka tama siya---"

"Hindi nga! Isa ka pa, eh!" angal niya kaya natawa ako ng mahina, mukha eh..

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo? Kahapon, umiiyak na pumunta sa akin.. Ang sabi niya nakita ka daw niyang may kayakap na babae.. Alam mo namang selosa syota mo, may payakap yakap ka pa? Kung mambababae ka, try mong humanap ng magandang lugar, 'yong tipong walang makakakita, hindi ka mahuhuli ng syota mo. Tss.." sarkastikong sabi ko..

Napanguso naman siya lalo pero napalaki ang mata.

"Oh? Ano! Nagmumukha ka nanamang kwago! Ang laki lalo ng mata mo!" pigil na tawang sabi ko..

"Sira! Naalala ko na! Yung babaeng kayakap ko!"

"Oh, ano?"

"Gan'to kasi 'yan, Pre! Pumunta si Crystal sa akin.."

"Crystal? Si Jade?" nalilitong sabi ko, Tumango siya."Eh, anong ginagawa niya do'n?" dagdag ko pa

"Tinawagan niya kasi ako.. Sabi niya gusto niya akong kausapin. Syempre dahil nga kapatid ko 'yon nakipagkita ako. Nakita ko siya namumugto 'yung mga mata, tinanong ko.. 'Bakit namumugto 'yang mata mo?' Ang sabi niya nakipagbreak sakaniya si Jerick. Ayon niyakap ko siya para hindi na siya umiyak.." kwento niya.

'Ahhhhhhhhhatdog!'

"Ahhh.. Ibig sabihin, yung babaeng kayakap mo kahapon ay si Jade?"

Tumango siya..

"Eh, bakit hindi mo sinabi ang mga 'yan sa syota mo?"

"Sasabihin ko sana..." putol niya sa sasabihin

"Kaso?"

"Puro sampal ang inabot ko sakaniya. Ni hindi niya nga ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at magkwento sakaniya. Basta sinampal at binungangaan niya lang ako, eh!" nakangusong sabi niya.

"Tss.. Ewan ko sa inyong dalawa! Nadadamay pa ako! Os'ya! Aalis na ako, Man!"

Sabay kaming tumayo at nag-bro hug bago niya ako hinatid sa gate..

Sumakay ako sa motor ko at ini-start iyon.. "Balitaan mo na lang ako kapag ayos na kayo, Cj.. Ha?"

"Ge ge, makakaasa ka.. Ingat sa pagdrive.."

"'Lamat.. Kitakits.."

Isinuot ko na ang helmet ko't tumango pa sakaniya bago umalis na..

Naabutan ko sa bahay iyong mga bakla na nandoon pa din, nasa sala padin sila.. Nandoon din naman sila Kiya Aldrin kaya hindi ko na sila pinansin, hindi ko naman sila bisita. Ayos sana kung bisita ko sila, eh..

Pagkapasok ko sa dining area ay nandoon sila Manang Peni, Lew at Rein, kumakain ng carbonara.. Nung napatingin sila sa akin ay dapat yuyukod sila nang senyasan ko silang 'wag na gamit ang palad.

"Bumalik ka na pala, nak.. Gusto mo ng makakain? O kaya carbonara?" tanong ni Manang, umiling lang ako at pumunta sa ref..

Ini-tap ko ang pintuan nito at kusa na iyong nagbukas. Kumuha ako ng gatas at saka ng cookies. Masarap kaya 'to.. Ni hindi ko natikman 'to noong mga bata ako kaya ngayon ko na susulitin.

"Miss, sa'n ka po galing?" tanong bigla ni Lew.

"Kay Cj lang. Nag-away daw sila ni Irene kahapon.." paliwanag ko at uminom ng gatas.

"Ahhh, gano'n po ba?" tumango ako.. Nanahimik ulit kami at kain lang ng kain "Ah, Miss.. Sino po ba sa mga kaibigan ni Sir Aldrin ang boyfriend mo?"

Agad akong napaubo nang sabihin niya iyon. Agad naman silang napatayo na tatlo saka hinagod ang likuran ko..

"Dahan-dahan naman kasi, nak.." alalang sabi ni Manang Peni..

"Sorry, Miss! S-sorry! Sorryyy!'

Tumango-tango lang ako at sinenyasan na umupo sila.. "B-bakit mo naman natanong 'yan?" nasasamid paring sabi ko, ngumuso naman siya

"Eh, kung makatingin po kasi sila sa inyo eh, wagas. Bongga! Type ko pa naman yung isa.."

"Saan do'n?"

"Yung moreno po, hehehe." napatigil at gulat ko siyang tinignan. Nanahimik kaming tatlo nila Manang Peni at Rein habang nakatitig kay Lew.

'Seryoso siya?'

"Bakit gan'yan po k-kayo makatingin?"

Si Lew ang pinakabatang yaya namin dito sa mansion sumunod si Rein. Halos kasing edad ko lang 'to si Lew, eh.

Kumagat ako sa cookies at tumingin ulit sakaniya.

"Ikaw." at tinuro pa siya habang hawak ang cookies."Sinasabihan na kita, Lew.. Ang baklang 'yon ay NUKNUKAN ng suplado at sama ng ugali, lalong-lalo na yung Bading na maarte na 'yon na may hawak kay Litlit tsk tsk.." singhal ko, napanguso naman siya. "At isa pa..Ayaw ko namang mapunta ka sa mga gan'yang klase ng tao.. Wala pa akong tiwala lalo na't nakatalo ko 'yan.."

"Eh, Miss.. Sigurado ka po ba,ng mga beki 'yan? See! Ang ga-gwapo oh!" nakangusong sabi niya at kumain ng carbonara.

"Wala naman sigurong masama sa pagiging bakla kahit pa gwapo ka.. 'Di ba? Katunayan nga, mas lumalamang pa sila sa iba.. Hindi ko nilalahat, ah? Pero.. yun!"

"Ehhhh! Basta ako, type ko yung isa.. Yung pinakamatangkad! Hihihi! Yung may hawak kay Baby Litlit, yiee! Gan'yan type ko, eh!"

"D'yos ko mga bata kayo! Puro kayo type-type riyan! Mamaya iyang mga type -type niyo 'kuno, eh nanliligaw pala dito kay Anella!" nanunuksong sabi ni Manang na nagpangiwi sa akin..

"Never, Manang. Remember that! Never na never, tss... Ayoko magkaro'n ng Bading na boyfriend na ubod ng arte sa katawan!" nakangising sabi ko..

"Gwapo naman, Miss!"

"Maarte parin!"

"Miss naman! Bitter ka!" pang-aasar ni Lew

"Ano naman? Totoo naman sinasabi ko.. Gwapo nga, mga maarte at napakasusuplado.." inis na sabi ko, nanahimik naman sila at pinaglapat ang mga labi..

Napatigil tuloy ako sa pagnguya at napatitig sakanila dahil para silang makananigas sa kinauupuan nila at hindi na halos makatingin sa akin. Si Manang naman ay malaki ang ngisi sa labi pero nakatingin sa Carbonara na nilalantakan kanina lang.

"Nanahimik 'ata kayo?" malumanay na tanong ko pero nanatili parin silang tahimik. "Bakit ba?? Kanina ang inagy-ingay niyo tapos bigla kayong nanahimik.."

Tumingin yung dalawa sa akin at napangiwi.

"Bakit?" takang tanong ko padin.

Sabay nilang tinaas ang hintuturo at tinuro sa taas ko.. Taka akong tumitig sakanila at dahan-dahang tumingin sa likod ko na tinuturo nila. Gano'n na lang ang pag-atras ko nang makita ang mga baklang nakakrus ang mga brasong nakatingin sa akin.

Wala sa wisyo na napalunok ako at tumingin sa nga maids na unti-unting lumayo sa akin, ultimong si Manang kaya pinandilatan ko sila ng mga mata.

"Anak.. Punta muna kami sa main room namin ha? Mga hijo--este mga hija, alis muna kami babye!"

Napapikit ako saglit nang maiwan kaming anim at sadyang nanatili lang sila sa pwesto nila, nakatitig sila sa akin habang nakataas ang kilay..

Napakapit ako sa lamesa at halos hindi na makaharap sakanila.. Gusto ko tuloy magpalamon na lang sa lupa dahil kung ano-ano ang pinagsasabi ko, nasa likod ko na pala sila..

Tumikhim ako at nilagay sa parehong bulsa ang mga kamay..

"Alam mo ikaw, Tibo.. Napakayabang mo talaga!" naiinis na sabi ni Bading, napalingon naman ako sakaniya at napangiwi nang makitang magkasalubong ang mga kilay niya..

'Sasabunin ako ng mga 'to, eh.'

"Ang lakas mo kaming siraan sa mga yaya dito, ah! Kapal talaga, 'no? Hindi ko na alam kung anong gagawin sa'yo.. Okay na sana, eh medyo okay na tayo tapos gan'to..Tsk! Nakakairita ka!" nangangalaiting sabi niya, tumango naman ang mga kaibigan niya bilang pagsang-ayon..

"Yeah!" mataray na sabi ni Rj.

"E-eh bakit kasi nandito kayo?"

"Kakain kami, kasi sabi ni Fafa Aldrin ay may hinanda daw dito yung mga maids.. Tapos ayan ang maaabutan namin, 'no? Nasaan ang mga foodangs?"

Napakamot naman ako sa sentido ko dahil talagang ang lalapit nila sa akin.. Agad akong tumabi at sumandal na lang sa may counter ng sink at tumikhim.

"Sige.. Alis na.."

"At bakit? Pumunta nga kami dito para kumuha ng foods!"

Napa-irap naman ako ng malatik sakaniya at tinitigan siya.. "Kaya nga.. Umalis na kayo, ako na ang bahala.. Ang mga maids namin ang bahala sa inyo.."

"Paano? Tatawagin namin? Ha? Nagpagod pa kami? Eh, wala ngang mga yaya'ng nakapalibot dito.. Tatlo lang dito sa dining tapos sa labas tatlo lang din. Pnagsasabi mo?" mataray na sabi ni Bading kaya napabasa ko ang labi..

Matagal ko muna silang tinitigan bago Dumaan sa kaninang pwesto ko saka pinindot ang gilid ng pader dahilan para may lumabas na caller doon. Ayaw ko sanang gawin iyon sa harap nila dahil ayaw ko namang magmukhang mayabang dahil lang puno ng technologies ang bahay na ito.

"Pakihandaan ng mga pagkain yung kaibigan nila Kuya.."

"[Sila Sir Jonathan po?]"

"Yes. Lima sila.. Pakibigyan na rin yung iba.." malumanay ko pang pag-uutos habang nakatingin sa mga bakla na napapabilog ang mga bibig dahil sa pagkamangha..

"[Yes, Miss..]"

Kita ko sa limang bakla ang pagkagulat nung may nagsilabasang limang maids sa main room at dere-deretsong kumilos sa buong kitchen. Ako naman ay nakakrus ang mga braso na tinitigan yung mga bakla..

"Kaya nga may caller sa bawat pader, eh. Tss." singhal ko at inirapan sila. "Hindi niyo na kailangan pang pumunta dito sa dining areao kaya d'yan sa kitchen kung gusto niyong kumain.. Ang pumupuntalang sa dining area ay iyong mga bisitang pakakainin ng tanghalian o 'di kaya'y gabihan."

"A-ano 'yon? Hotel ba 'to?"

"Masasabi kong hindi, pero parang hotel nga.. Sa bawat paligid ng bahay na ito ay may makakapa kayong mga caller, ultimong sa banyo ay mayroon.. Alam niyo ba kung bakit may ganoon?"

"B-bakit?"

"Dahil kailangan iyon dito.. Hindi lang naman kasi kami ang nakatira dito.. Sa oras na umuwi ang angkan ng Repzimo ay dadami na ang tao dito at sa sobrang dami ng tao, magkakanda lito ang mga maids dito.."

"Ibig sabihin, may iba't ibang groups ang maids dito?" tanong ni Alline kaya tumango ako at tumingin salimang maids na abala lang sa paghandang pagluluto.

"May groups ng Food service. May groups ng service mismo.. May groups sa garden, may groups sa parking lot.. Sa cleaning.. Napakarami.. Kaya kung kailangan niyo ng meryenda o snacks, may caller sa gilid lang ng sofa o kaya sa lamesa.. Doon lang kayo tumawag."

"H-hindi din naman kasi nasabihan ni Aldrin, eh.. Naabala pa namin kayo.."

Ngumiti lang ako ng tipid.. "Humble 'yan, kaya hindi niya sasabihin.. Sige na, bumalik na kayo doon.. Pasensya pala sa mga sinabi ko kanina.." sinsero kong sabi, marapat ko naman talagang gawin dahil mali padin iyong ginawa ko.. "Sinadya ko yun kaya hindi ko sasabihing hindi ko sinasad'yang sabihin.."

Matagal nila akong tinitigan bago sila pumunta sa sala na pero nagpaiwan si Alline na nakatingin lang ng deretso sa akin.

"Oh, ikaw? Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko nang makaupo.

"Pwede dito muna ako? Maingay kasi sa living room niyo, eh.."

Tumango na lang ako, tumabi siya sa akin at tinignan ang mga yaya na nagluluto na."Grabe pala dito, 'no? Kaya pala palaging gusto nila Julzia dito kasi grabe service ng maids niyo.."

"Totoo 'yan.. Hindi lang naman kasi sila basta maids lang.."

"What do you mean?"

"Bago sila tuluyang ihalal bilang kasam-bahay ng Repzimo family ay ineensayo muna sila.."

"M-may gano'n?!" gulat niyang wika at habang nasa gitna siya ng pagkabigla ay biglang kumabas sila Manang, Rein at Lew..

Pinanood ko namang tumabi sa akin si Manang, katulad nung dalawa pa at nagpatuloy sa pagkain..

"P-paano 'yun??!" gulat pading wika ni Alline kaya hindi ko maiwasan ang mapatawa ng mahina sa itsura niya..

Inaasahan ko na na iyon ang magigibg reaksyon niya dahil wala pa siyang nakikita na gano'n, siguro sapalabas, oo.. pero sa real life, ay kakaonti lang ang mga gano'n..

"Hindi basta-basta ang papasukan ng mga maids kaya kailangan nilang ma-ensayo sa bawat dibisyon na kahaharapin nila.. Kaya din nagkaroon ng mga groups ang maids ay dahil doon sila pinakamalakas o pinakamagaling.. 'Di ba, Manang?"

"Tungkol ba sa mga maids?"

"Opo.."

"Ahh.." tango nito at tumingin kay Alline saka tumigil muna sa pagkain.. "Tama ang nadinig mo, Alline.. Gano'n kasi dito sa mansion.. Makita mo naman kung gaano kahigpit ang securities, 'di ba? Hindi ka makakapasok kung wala kang kasamang myembro ng pamilya.."

"G-grabe naman po.. Pero kung marami kayong maids dito, bakit kakaonti lang ang nakikita namin?"

Nagkatinginan naman kami ni Manang at bumuntong-hininga.. Sinenyasan ko siyang ipagpatuloy lang.. "Ahh, kasi.. Ang iba ay hindi naman kailangang magpakita dito sa loob dahil madalas sila doon sa mga lugar na in-assign sakanila.. Makikita mo din iyon kung palagi kayong pupunta dito."

Nanahimik naman ang paligid namin nung sabihin na iyon ni Manang.. Doon ko na din napansin ang tingin nung dalawa kay Alline na tila natulala.. Nung ilipat ko ang tingin kay Alline ay halatang naiilang siya dahil na din sa pagkutkot niya sa kuko niya..

"Pwede bang tigilan niyo ang katitig sa baklang 'to?" malumanay kong saaay sa dalawa habang ngumunguya sa cookies ko, nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtikhim nila at pag-ayos pa ng upo.

"Miss, ang gwapo!" bulong ni Lew kaya ngumiwi lang ako sakaniya..

Tumitig ako kay Alline na inosenteng inilibot ang paningin niya sa bawat haligi ng kusina at dining area.

Hindi ko maitatanggi na gwapo talaga si Alline. Napakalakas ng charisma niya, dumagdag pa ang dimple niya't galing sa pagsasayaw. Nakakaginhawa pakinggan ang boses niya kapag nagsasalita dahil napakagaan niya sa pagbibitaw ng mga salita at may kasamang lambot na tila nag-iingat.. Maganda rin ang kurba ng panga niya na pinagmumukha siyang lalaking-lalaki.

Si Alline yung tipo ng isang lalaki o bakla na tahimik lang pero paminsan-minsan ay nakikisakay. At isa 'yon sa mga nagugustuhan ng kababaihan.

"Ah, Alline..Mga yaya namin.. Si Yaya Lew.." pakikilala ko at tinuro pa si Lew na ngiting-ngiti, ngumiti din si Alline. "Eto naman si yaya Rein, yung kasama ni Manang sa ospital."

"Hello sa inyo.."

Pinanood ko namang ibigay ng mga maids ang mga pagkain kay Alline na nagpasalamat at nagsimulang kainin iyon. Tahimik ko naman siyang pinagmasdan lang at napabuntong-hininga.

Napansin ko lang na nahihirapan siyang kumain dahil nabababaan yata siya sa lamesa, matangkad din kasi siya. Kung para sa akin ay sakto lang iyon, sakaniya ay hindi dahil masyado siyang mataas sa akin.

Tumayo ako na naging dahilan para mapatingala sila sa akin, nagtataka kung bakit ako tumayo pero hindi ko sila pinansin at pumunta sa likod ni Alline at may pinindot doon kaya nag-iba ang kulay non, naging itim..

"H-hey, anong ginagawa mo?" nabibigla na sabi ni Alline pero hindi ko siya pinansin at may pinindot pa ulit sa upuan dahilan para kaonting bumaba iyon at doon na niya tuluyang naabot ang kinakain.

Doon na din ako bumalik sa upuan ko at tinitigan siyang namamangha sa inuupuan. "W-wow! May gano'n pala!"

Nang matapos kami kumain ay sabay na kaming pumunta ni Alline sa living room..


Rc's POV

Hinihintay naman ang pagkain namin na pinahanda ng aking lovelove. Ang cool ng bahay nila, may caller bawat sulok.. Ang taas din ng bahay nila siguro nasa 6th floor or 20th? Ang dami kasi nila.. Seryoso, hindi lang siya mataas, ang lawak din.

Grabeh! Maganda, mayaman, astig at iba pa.. Ang style kasi ng bahay nila is parang kay Elsa. Charot! Ang hagdanan kasi nila. May pa-red carpet tapos ang hawakan is Mirror or glass siya. Tapos siguro, bawat hallway 20 rooms? Or 10 rooms. Gano'n siya kalawak at kalaki. Parang kapag titignan mo sa labas. Mga tatlong block ang katumbas o tatlong bahay na medyo may kalawakan. Para ka na ngang nasa palasyo, eh. Medyo pamilyar din sa'kin ang mansion na 'to.

"Asan si Anell?" tanong ni Dairsy kaya napatingin kaming mga baklushing sakaniya.

"Nasa dining.." mataray na sagot nung Jona at Rj..

"Ang tataray, ah.. May mens kayo?" natatawang sabi nito kaya natawa din ako..

"Shut up!"

Ilang minutes ang nakakalipas at! Dumating na ang mga foods! Jusme! Kanina pa jumujulo ang tyanena ko!!!

Pagkalapag ng pagkain ay lumafang agad kami. Kailangan ba pabebe pa? Hindi na, norr! Libre 'to, sayang!

"Si Anella ang nagpahanda niyan, 'no?" biglang tanong ni Fafa Aldrin kaya napalingon kaming apat na bakla sakaniya, tumango-tango kami..

"Sabi na, eh. Twing may bisita kasi dito. Siya palagi ang nag-uutos na magluto at maghanda ng pagkain."

"Psh! Ikaw ang nagsabi sa'min na may foodangs na sa dining, wala naman! Sabi ni Tomboy sa amin na kailangan lang naming mag-call sa caller.. Hindi mo sinabi!"

"Ay, sorry.. Nakalimutan ko din.. Akala ko kasi may inihanda sila Manang Peni dahil may naamoy akong Carbonara.. Ayun, sorry ulit!"

"Hays! Kung hindi ka lang gwapo, baka kanina pa kita.. talaga!"

Natawa naman si Fafa Aldrin na nawawala pa ang mata pero gwapo padin.. Gano'n na lang ang pagttig ko sakaniya dahil pakiramdam ko ay sandaling nasa harap ko si Tubercio dahil kamukhang-kamukha talaga..

Ang tanga tanga naman yata namin nila bakla dahil hindi namin nahalata na magkapatid dila! Magkahawig na magkahawig, eh..

Lahat kami ay napatingin sa may dining area nang may madinig na naglalakad doon. Napataas agad ang kilay ko nang makita si Alline at Anella na magkasamang lumabas doon.

Nakamulsa lang si Anella habang tumatango-tango, nakikinig sa sinasabi ni Baklang Alline..

Umupo silang dalawa sa sofang katabi lang namin habang kaming apat na bakla ay nakatingin lang sakanila, pinapanood sila.

Tinapos namin ang pagkain at uminom ng tubig.. Wala sa wisyo na napairap ako at dali-dali akong tumabi kay Tubercio saka naman niya ako napansin.

Tinignan niya lang ako at nakipagkwentuhan kay Alline..

"Naalala mo yung kinwento ko sa'yo kanina?" tanong ni ni Alline.

Napaisip naman si Tubercio at tumingin kay Alline. "Alin do'n?" nalilitong sabi niya.

Bumulong sakaniya si Alline at natawa siya at hindi sinasadyang natulak si Alline kaya humagalpak ang bakla.. Nagpigil ako ng tawa..

"Ay, sorry!" nakangising sabi ni Tubercio, umupo si Alline sa tabi niya at sinamaan siya ng tingin.

Lumingon sa naman akin si Tubercio.. "Anong ginagawa mo dito?" mahinahong sabi niya.

"Bawal ba makiupo?" nakangusong sabi ko

"Pwede naman.."

Napangiti ako at napatingin sa tatlong bakla.. Tinarayan lang nila 'ko lalo na ang Baklang Jp..

'Inggit lang kayo! Wala kasi kayong mga jowabels!'

"Atemommy!!!" napalingon kaming lahat sa sumigaw, si Lotlot na hinahabol ni Letlet..

Agad akong napalingon kay Tubercio na nakatingala sa may hagdanan bago siya dali-daling tumayo at tumakbo sa second floor at kita namin samay clear glass na hinawakan ni Anella si Lotlot sa braso ay dere-deretsong bumaba..

Nagulat na lang kami nang makita si Letlet na ang daming pintura sa damit saka sa mukha...

"Ate! Si Lotlot! Nilagyan ng pintura yung damit kooo!" nagpapadyak na sabi ni Letlet.. Tatawa-tawa naman si Lotlot habang nakakapit sa t-shirt ni Tubercio at tatago-tago sa likod nito.

"Isa, tama na.. Letlet.." malumanay na saway ni Anella at pilit na iniiwas si Lotlot sa panganay na kapatid nito dahil nababasa nila sa mukha nito na gustong-gusto na nitong mahablot ang nakababatabg kapatid..

Akmang hahablutin ulit ni Letlet si Lotlot nang tumakbo ito palabas, agad namang hinabol ni Letlet iyon. Napakamot na lang si Tubercio sa sentido niya at sumunod doon sa mga bata..

"Ang kukulit talaga.." iiling-iling na sabi ni Fafa Aldrin.

Sumunod naman kaming lahat doon kila Tubercio at papunta na sila sa likod.. Pumunta kaming lahat doon at gano'n na lang ang pagkamangha namin nang makita namin ang napakalaking pool na clear na clear ang tubig at halatang oras-oras nililinisan. Maraming bench doon at may pa-cottages pa! Wow! Ano ba 'to?! Kanina, hotel! Ngayon, naging resort na!

Nakita namin sila Tubercio na naghahabulan sa cottage.. Nahablot sila ni Tubercio at hinatak papunta sa amin.

"Ano ba, Letlet, Lotlot?" malumanay na sabi niya..

"Si Lotlot po kasi, Ate eh.. Tinapunan ng pintura yung damit ko.. Eh, regalo niyo po sa akin to, eh.." sumbong ni Letlst

"Bibilhan na lang ulit kita. Maligo na kayong dalawa.. dali!"

Umakyat yung dalawang bata sa taas at sinunod ang utos ni Tubercio na napatingin sa amin at aalis na sana nang harangan siya ng mga friends niya.

"Ano, bakit?"

"Swimming tayo." sabay-sabay na sabi ng apat..

"Kayo. Magswimming kayo aasikasuhin ko pa yung mga bata.." seryosong sabi niya at tuluyan ng umalis..

Nagkatinginan ang mga fafa at mga bruhilda sabay..

"TARAAA!!!!" Sigawan nila sabay takbo sa pool..

Sumunod na lang kami at nakitang isa-isa na silang nagtitinalon at nagbabasaan.

Balak lang sana naming panoorin sila pero nagulat kaming lima nang biglang may tumulak sa amin.. Kaya no choice dahil nasa pool na kami. Tumingin kami sa tumulak sa amin at ang Tubercio na nakangisi sabay lakad papunta sa loob.

'Wala akong extra'ng t-shirt naman, ih! Gown na lang. Charreng!'

Naglaro-laro kami nila fafa aldrin at mga bruhilda ng iba iba..may taya-tayaan meron din namang lunudan.

...

Huhu, sowwy if mabagal ang revision! Tinambakan kasi ako activities, huhu! 😭😭🖤

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 659 32
➪UNDER EDITING✍︎ Tyrone Jeist Villalus the cold hearted man at the same time a billionaire he didn't expect that he will fall inlove with a girl tha...
334K 7.9K 76
Mataray na lalaki ??!! Maganda na lalaki?? Pretty Boy!? Moody na babae?! #BPMCP??❄
694K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
118K 4.6K 71
"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES