Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 26

370 14 0
By gazery

Rj's POV

Pagkapasok ko palang sa loob ng CBA. Syempre, bida nanaman ang reyna ng karagatan! Hindi naman na sa'kin bago 'yon dahil aware naman akong may kagandahang taglay ang katawan kong lupa. Gustuhin ko man o hindi, may angking kagwapuhan ang fez na 'to!

Habang papalakad sa mga hallway, kita ko sa harap ba makakasalubong ko ang mga Campus Princess.. Still.. Acting like A CAMPUS QUEENS!

Napangiwi kaagad ang labi ko dahil sa tingin ng mahaderang espasol na si Laraine.. "Hi, babe!"

Napa-ikot ko ang mata dahil sa landi ng boses niya.

'My gosh! Ang tapang-tapang ng pabango niya! Ang sakit sa ilong!'

"Support mo ako sa darating na pageant for Campus Queen.."

Tinarayan ko siya kaagad at pahagis na inalis ang kamay niya.. "Dont. Touch. Me.. Bitch!" mataray na sabi ko at pinaikot ng bongga ang eye balls ko!

'Nakakadiri ka!'

"Ang sungit sungit mo naman, Baby.. Mas lalo kitang nagugustuhan! Grr!" malanding sabi niya.

'Psh.. Malandi!'

"Pwede ba! Hindi ko alam kung bakit naging Campus Princess kayo dito... Tsk! " problemadong sabi ko. Naramdaman ko namang may mga good presence na nasa likuran ko kaya napalingon ako doon para tignan kung sino ang mga 'yon sa likod ko.

Lumingon ako at napangiti nang makita ang mga bakla na nakataas ang kilay sa mga Campus Princess!

'My friends are here now..'

"Hi, baby!"

"Ewww!" sabay,sabay na sigaw nilang mga bakla.

"Ang aarte talaga nila! At ang susungit pa!"

Nagsalubong naman ang kilay ko

'Wala ba silang hiya sa katawan nila?!'

"Yah.. Maattitude pa! Pero mas nagiging like ko si Baby ko Alline!" malanding sabi ni Caseylyn at kinindatan ang Alline na nandidiri na, hindi matago sa fezlak.

"Hindi namin kayo type! Yak!"

"Sino type niyo?! Yung tomboy na mayabang? P---"

Hindi niya natuloy ang sasabihin kaya nagtataka kaming tinitigan siya.

Tumingin kaming mga bakla sa mga gaga at doon na din kami tumungin sa tinitignan nila. Nang makita si Tomboy ay napatigil kaming lima.  tinitignan niya at napatigil nang makita si Tomboy.

Hawak niya si Lotlot sa isang palad at ang isang kamay ay may envelope siyang hawak na hindi ko alam kung para saan. 

At palagi naman.. Walang kwentang fez 'yan! Blangko nanaman..

"Grabe talaga.." kunwari'y mangha niyang sabi at tumabi sa'min. Kaming mga bakla, nakatitig lang sakaniya.

"Oh! She's here! The tapang-tapangan.." tatawa-tawa pero naaasiwa na sabi ni Laraine.

"Oh, bakit? Ikaw yung paiyak na nung nakaraan sa field, 'di ba?" nalilitong sabi niya at pinanliitan ng mata si Laraine.

Di nakasagot ang gaga at napapaawang ang labi na napayuko.

"Hoy, Tomboy! Ang lakas mong manumbat, ah! Matapang ka na ba?!" kompronta naman na sabi ni Loraine..

'Kala mo matangkad, e!'

"Tss.." ngisi niyang singhal.

"Akala mo kung sino ka! Huh?! Ano?!" sigaw nanaman ng pandak at akmang hahawakan si Tomboy nang hawakan siya nito at hinawi pa..

"Sa susunod ka ng kumanti sa mga katulad ko, bata.."

"B-bata?! S-sinong bata! At isa pa! Bakit sa susunod pa!"

"Eh, ang liit mo.. Gloxy mo 'yan,"

Napuno naman ng tawanan ang paligid. Ultimong kaming mga bakla.

"Atemommy, sino sila?" inosenteng tanong ni Lotlot habang nakatingala kay Tomboy.

"Anak mo?" ngising tanong ni Caseylyn..

"Oo, bakit?"

'What?!'

Nagkatinginan kaming mga bakla at sabay-sabay na tumingin kay Tomboy na kalmado lang na nakatingin sa mga prinsesa ng putik.

"Ikaw pala ang maagang lumandi, eh.."

Napasimangot ako nang tulakin ni Casey ang balikat niya na naging malatik pa. Pero tinignan lang siya ni Tomboy at ni hindi man lang napaatras.

'Tapang 'yorn?'

"Ako ang ina sa papeles pero hindi biological.. Legal ba."

"Ha? Parehas lang naman 'yon!" mayabang na sabi ni Caseylyn habang nakangisi, natawa naman silang lahat..

"Iba ang legal, sa biological.. Ang legal ay pwedeng hindi ako ang nagluwal sakaniya pero ako ang nag-alaga sakaniya pwedeng tawag do'n, second legal mother.. Siguro naman nakikinig ka sa mga magulang mo since kasali sila sa alam mo na." ngisi ng Tomboy at umiling-iling.. "Remember always.  Before you speak, think carefully.. Use your fvcking brain, unless..."

"Unless, what?!"

"..you don't have a brain."

Napatawa nanaman ang paligid..

'Prangka 'yarn?!'

"Marahil sa bansang 'to walang ganoon pero kasama sa batas 'yon ng bansa na kinalakihan ko noon.. Naiintindihan mo ba?"

Halata naman ang inis sa mga princess at basta na lang tinulak ang balikat ni Tomboy na hindi parin napaatras.

"'Yan lang kaya mo?" hamon ni Tomboy.

Ngumisi si Kira at Caseylyn.

*BLAG!*

Nanlaki ang mga mata namin nang itulak ng dalawa si Lotlot na napadapa sa magasgas na part ng kinatatayuan namin.. Pinanood kong itayo ni Tomboy si Lotlot na umiiyak na dahil siguro sa pagkakatumba.

Ngumiti si Tomboy sa dalawa na nagulat pa dahil ang akala nila ay napikon nila si Tomboy. Pero ang ginawa ni Tomboy ay ngumisi lang na parang walang nangyari..

Pero akma pa ulit nilang tutulakin si Lotlot nang pareho silang hawakan sa necktie gamit lang ang isang kamay dahil ang isang kamay ni Tomboy ay nakahawak sa envelope.

"Tsk tsk.." takla ni Tomboy at pinaikot ang necktie sa dalawa at sabay na pinatid kaya sabay din silang napatumba..

Nakakagulat dahil mabilis nagawa ni Tomboy 'yon. "Ano? "

"Ang yabang mo, ah!" sabi nung natira pa.

Akmang susugudin si Tomboy pero umiwas siya kaya ayon hagalpak ang tatlo pero hinampas nila ang paa ni Lotlot.. Sa inis ni Tomboy ay tinadyakan niya ang braso ng tatlo kaya napadaing sila..

Napasapo ko ang bibig dahil sa ginawa niya. Para siyang taekwondo player na napakaexpert! Umupo siya na parang siga at tinaas ang mukha ni Laraine..

"Alam niyo.. Badtrip ako kanina pa, dumagdag pa kayo. Nag-iinit ang ulo ko sa inyo. Kung wala lang yung bata? Binalibag ko na kayo.." tinaas pa ni Tomboy ang dalawang kilay at tumawa ng mahina.. "Tandaan niyo, hindi ko anak sa dugo 'yan pero anak ko sa puso ko 'yan. Oras na saktan mo 'yan sa ospital ka aabutin ng kinabukasan."

Ngumisi si Tomboy sakaniya at sinapo ang pareho niyang panga na siyang ikinadaing nito, pati kami. Naramdaman 'yon kaya napaatras kaming mga bakla.

"Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niyo."

"Isusumbong kita sa parents ko!" sigaw niya..

Ngumisi si Tomboy at mas hinigpitan pa ang hawak sa panga nito..

"Go ahead.. Samahan pa kita. Ako mismo kakausap sa magulang mo.." at tumayo na siya. Tinignan niya ang mga Campus Princess na nakaupo na at nanghihina.. "Kung gusto niyo ng away, sabihin niyo kasi oras-oras handa ako.. Bigyan niyo ako ng laban yung tipong walang atrasan.." pinutol niya ang sasabihin at lumapit sa mga merlat sabay upo ulit.."..magkamatayan man.."

Ang ngisi niyang punong-puno ng angas ay dahan-dahang nawala. Tumayo siya ng maayos at hinawakan si Lotlot.

Tumingin muna siya sa amin at naglakad na palayo..

"'Yan dapat ang ginagawa sa salot!"

"Oo nga, eh! Ang tatapang kase! Porket mga Campus Princess!"

"Pathetic!"

"Buti nga! Mga bully kasi kayo! Anong napala niyo? Hahahahahaha!"

"Oooh, pare.. Mukhang may nanalo na, ha!"

"Oh, 'di ayan nakatikim Hahahahahaha!"

Tawanan ng iba..

Tumayo ang mga merlat at tumakbo papalyo

Sinundan naman namin ng tingin ang Tomboy. Nakita ko kung paano siyang tumigil sa paglalakad at pagluhod niya para magpantay sila ni Lotlot.

Umiiyak parin si Lotlot kaya sobra na akong naaawa. Bata pa lang siya, mga gaga talaga yung mga Campus Princess na 'yon.

Napatitig ako kay Tomboy na tinignan pa ang tuhod niya at inihipan ang sugat doon na hindi ko napansing meron pala. Hinalikan niya sa noo si Lotlot at naglakad na ulit.

Anella's POV

"What brought you here, Miss Repzimo?" ngiting bungad ni Dean nang makarating kami sa opisina niya.

"Ie-enroll ko lang ho sana itong kinder ko at yung grade 5 ko.."

Balak ko talagang pag-aralin sila Letlet at Lotlot. Nabalitaan ko kasi noon na gustong mag-aral nila Letlet pero hindi pa sapat. Malaki ang mga isinusweldo sakanila nila Mommy, siguro ay ginagastos ng hayup na tatay-tatayan nila 'yon.

"Oh, really? May I see?" kaagad nitong sabi, tinutukoy ang envelope.

Ibinigay ko sakaniya iyon at pinanood siyang igala ang mga mata niya, seryoso siyang nagbabasa.

"You are the second legal mother?" gulat na sabi nito, tumango lang ako.. "Okay? Pwede na silang pumasok bukas. But, Miss Repzimo.. Can I ask you a question?"

"Sige ho.."

"Bakit mo naisip na maging second legal mother nila?"

Tumingin ako kay Lotlot na inosenteng nakatitig sa'kin na para bang inaabangan ang sasabihin ko. Ngumiti ako ng tipid kay Dean at sinagot ang tawag niya..

"Dahil ang nanay nila ay matanda na.. Buti nga ay nakapagluwal pa ng anak na walong buwan.. Gusto kong ako na ang magpaaral at maging pangalawa nilang ina. Ayokong maging ate lang nila, gusto ko maging ina nila.." ngiting sabi ko.

Ngumiti naman siya.. Bumaling siya kay Lotlot na nakangiti sakaniya

"Hey, young man.. You're lucky dahil siya ang naging pangalawa mong nanay.."

Niyakap naman ako ni Lotlot na naging dahilan para mapangiti ako.

"Oh here.. Eto ang uniform nila. Special para sa inyo!" ngiting sabi nito at inabot sa akin ang uniforms..

Iniabot ko sakaniya ang tuition fee na agad niyang pinaayos sa secretary niya.

Tumayo na ako matapos non ay nagpaalam na aalis para ihatid ang bata.

Pinasakay ko ito sa motor at sumakay narin ako at pinaharurot sa mansion.

Nang makarating ay binigay ko kila Yaya ang envelope at uniform.. Si Litlit daw ay natutulog saka si Letlet kaya hindi ko na pinuntahan.

Sumakay na ulit ako sa motor ko at humarurot papunta sa school.

CBA•

Kaso ang bungad ay ang daming studyante. Nang tuluyan akong pumasok ay parang may artista? Ano meron?

"Excuse me.. Good morning, students! This is Dean Balmaceda.. May I call, Miss Repzimo.. Here at my office and also Mr. Balmaceda and his friends.. Thank you!" announce sa speaker..

Taka naman akong tumingin sa paligid. Ang iba sakanila ay napapatingin sa'kin pero hindi ko na lang pinansin.

Kahit nagtataka ay dumeretso ako sa opisina ng Dean at pagkadating ko doon ay napatingin silang lahat sa'kin..

Nahagip kaagad ng mata ko ang limang bakla na maarteng nakaupo sa tapat ng mga Campus Princess na masama ang tingin sa'kin, kasama nila ang mga magulang nila.

Nagulat pa sila nang makita ako..

"I call you all here dahil nagreport sa akin itong ating Campus Princesses.. Ang sabi nila ay pinatid, sinaktan mo daw sila.. Is that true, Miss Repzimo?" seryosong sabi ni Dean.

Umupo ako sa tabi ni Alline at natawa. Napatitig sila sa'kin. Patuloy parin ako sa pagtawa hanggang sa dahan-dahang mawala 'yon.

"Oo, Dean.."

"See! Umamin siya Dean!" Agad na ingay nila na akala mo nakapanalo ng jackpot at nginisian pa ako.

"But! Miss repzimo!" galit na sigaw ni Dean, ngumisi silang lahat sa akin. "Inaasahan kitang maging isa sa mga magiging good influence sa mga estudyante dito sa Paaralang ito, Miss Repzimo! But then, you ruin my expectation."

"I don't care about that expectation of yours, Dean.." ngiti ko, nagulat naman ito sa sinabi ko."Wala naman ho akong sinabi na magkaroon kayo ng expectation sa'kin dahil una sa lahat, simpleng estudyante lang ako."

"See.. Dapat d'yan ini-expell, Dean! We must not allowed this kind of person na makapasok sa paaralang ito! I, as the leader of Campus Princess, I'm concerned to my fellow students mentality status!" madrama na ani ni Kira, may paawa effect pa 'yan..

"Dean, I want this kid out of this school! Please! Sinaktan niya ang anak ko! Dapat lang na paalisin siya dito!" inis naman na aabi nung nanay ni Kira at Caseylyn, pinigilan naman sila ng mga asawa nila sa pagbulusok ng galit sa'kin.

"Pero.." bigla kong sabi at tumingin kay Dean.. "Bago ko gawin 'yon.. May dahilan ako. Hindi naman ako pwedeng manakit ng tao nang walang dahilan.. Edi nagmukha akong baliw non, hindi ba?"

"What happened, Miss repzimo! Tell me!" sigaw ni Dean kaya napaatras ko ang ulo at napakuskos sa tenga ko.

"Chill lang, Dean.." tango ko dito.. "Yes.. Saksi ang APO niyo at mga kaibigan niya bago ko sila saktan.. Sinaktan muna nila ang ANAK ko.."

Napatigil naman silang lahat..

"You mean, the kid? Si Brent Kit?" gulat na sabi ni Dean sa akin, tumango ako at tumitig doon sa mga magulang nila na gulat ang napipinta sa mukha.

"Sa simpleng tulak, hampas niyo sa ANAK ko. Pwede kong kasuhan ng child abuse ang mga ANAK niyo.. Kung gugustuhin ko." pagmamayabang ko at mariing tinitigan sila. "Dahil sa pagtulak niyo, may sugat si Brent.. May pasa sa simpleng HAMPAS niyo lang." inis na sabi ko, tumingin ako sa mga lalaki at dalawang babae. "Alam niyo naman ang mangyayari sa inyo sa oras na.. malaman ng media na ang mga anak nila ay kriminal.." nakapangalumbaba na sabi ko, doon ko naman sila nakitang napalunok..

'Sige lang.. Matakot lang kayo,'

"Aba't! Wala kang respeto! Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakausap mo?!" bulalas sa'kin ng nanay ni Laraine..

"Kilala ko at KILALA din ako ng asawa mo. 'Di ba, Mr. Manlibat?" baling ko sa Daddy ni Laraine na nagpagulat sakanila, tumingin maman ako sa mga Campus Princess at ngumisi. "Kilala ako ng mga magulang niyo.." at saka ako tumayo. "Dean, sa tingin ko tapos na ang usapan na 'to.. Tapos na. See you on court." malumanay na sabi ko..

"N-no, please! Miss repzimo..no please! Please!" pagmamakaawa ng mga magulang ng Campus Princess kaya napangisi ko ng palihim ang labi.

"Fine. Madali akong kausap pero sa oras na saktan ulit ng anak niyo kung sino man sa pamilya ko.. Hindi na ako magdadalawang isip pa na ipakulong kayo.."

Jp's POV

Napatanga kami dito nang makitang gano'n ang reaksyon ng parents ng mga Campus Princess...

"Hon, bakit ka ba nagmamakaawa doon!" rinig naming angil nung Mommy ni Laraine at ni Kira.

"Hon! Do you know yung batang babae na tumulong sa akin para maging maunlad ang negosyo natin?"

"Yes! And anong connect ng sinasabi mo?!"

"Siya yung batang 'yon.."

'What?!'

'Paanong nangyari 'yon?!'

"Parents, sorry sa attitude ni Miss Repzimo hehehe." nahihiya na paumanhin ni Dean, napasulyap naman ako kay Jona na bumuntong-hininga lang habang naka-cross arm at cross legs..

Alam kong napahiya si Dean kanina. Binasag ba naman siya ng Tomboyish, eh.. Totoo naman kasi, hindi niya kasalanan kung may expectation sakaniya si Dean.

"N-no, it's okay hehe.. Hindi ko naman alam kung anong ginagawa ng princess namin dito, eh.. Ang alam lang namin ay nag-aaral sila ng mabuti.." napapalunok na sabi ng Mommy ni Camille, kinakabahan na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Thank you, thank you.  Students, you can go now on your classrooms.."

'Hooh!'

...

Good eveningggg! Heh, 🤗🖤

Continue Reading

You'll Also Like

139K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
192K 8.7K 101
Kilalanin si Caroline Salvador. Maganda Matalino Mala-anghel ang mukha Mabait? Hindi siya basta bastang babae dahil mahilig siyang makipagbasag ulo...
744 56 8
Mula sa babaero, naging matinong tao dahil sa isang boyish na babaeng misteryoso. Sa loob ng tatlong buwan lamang na pag-iibigan. Magiging sila kaya...