Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 24

374 18 0
By gazery

Jonathan's POV

It's Saturdayyyy!

Today ay practice namin for Nutrition Month Dance Contest. S'yempre, hindi rin kami papakabog, 'no! Kami kaya ang champion palagi!

Sabay-sabay kaming mga bakla na pumunta sa school, friendship goals!

Ang mga grade 9 na kaklase ni Tibo ay naabutan naming naghahanda na para sa practice nila.

"Nasaan ang kaibigan niyo?"maarte kong baling kay Julzia na napatingin sa'kin.

"Ah, nasa byahe palang. Bakit?"

"Wala lang.."

"Ikaw, ah.. Hinahanap mo talaga?? Miss mo?"

"Yuck! Miss your fez! Mandiri ka please!"

Napatawa siya at pinalo ako pero mahina lang naman. "Bakit ba kasi galit na galit ka sa kaibigan ko?"

Napa-ikot ko ang eye balls ko. "Sino bang wiz?! My gosh! Ang kaibigan niyo na 'yon ang pinakapaepal na tao!"

"Sus.. Parang hindi pinantasya, ah."

"Dzuh! Sinong papantasyahin siya?! Napakaganda kong nilalang!"

"We?! Hahahahaha!"

Inirapan ko na lang siya. Nakarinig kami ng samut saring tunog galing sa parking. Parang mga luxury car ang mga gano'n, ha!

"Nand'yan na sila.." rinig kong bulong ni Julzia.

Napataas ang kilay ko at inabangan ang papasok. Pero agad akong napangiti nang makita..!!

'Ang babecakes koooooooooo!!!!'

Napakagwapo talaga niya.

Imagine.. Yung suot niya, simple lang pero pakak! Nakakahatak ng attention. Para silang mga prince sa isang fairytail habang naglalakad. Tapos parang nags-slow motion ang paligid!

"Hi, girls!" bati ni Fafa Kenlite, kumaway naman kami..

Tumingin ulit kami sa entrance, doon na nawala ang maganda kong ngiti nang makita ang panget na Tibo.

Akala mo, may patay palagi.

Nakasuot lang naman siya ng itim na over sized t-shirt na walang design. Itim na ripped jeans at itim na boots. Nakatali ang buhok niya sa low ponytail style habang nahuhulog ang mga bangs niya.

Pero..

Naagaw niya pansin ko nang makita ang karga-karga niyang baby girl na nakasuot ng pink jumper na nagpabusilak sa heart ko!

'Oh, my gosh! A baby!!'

Sa likod ni Tibo ay yung isang lalaking bata at medyo dalagang babae.. Maybe, nasa grade 6? Or what.

"Sino 'yan, Babecakes?" bulong ko kay Babecakes na tumingin sa'kin.

"Yung lalaki, si Lotlot, Brent Kit.. Yung babae.." turo niya doon sa batang babae. "Si Letlet, LerJane Pearl at iyong hawak ni Anella.." tinuro yung hawak ni Tibo. "Si Litlit, Mintlezei Quine.."

"Pst, Bading!" tawag ni Tibo, lumingon kaming lima, napasimangot naman ako nang makitang sa'kin siya nakatingin.

"Andiyan si Dean?"

Umiling ako at umiwas ng tingin..

"Pano 'yan, Kuya?"

"Sa Monday na lang.."

"Alline, hindi daw pupunta yung ibang classmate natin.. Masakit daw katawan nila " rinig kong sabi ni Joi.

Sabay-sabay kaming napalingon kay Joi na nakangiti. 'Yang mukha niya na 'yan na para bang may pinlano sila. Or ano, eh.. demonyita talaga!

"Ha?! Ano ba 'yan!! Ang ayos-ayos ng usapan na magpapractice ngayon, tapos ipa-prank niyo kami?! My gosh!"

"Saan niyo gusto pumunta?" rinig kong tanong ni Tibo sa mga kids.

"Sa field muna tayo, Anella.. Andoon sila Julzia."

Gulat akong tumingin sa tabi ko. Wala na ang Julzia, ang bilis naman non? Kanina lang nagchichikahan kami, eh..

Naiwan kaming mga bakla dito nang dumeretso na sila Tibo sa field..

"Ang cute ng mag-ina ko mga bakla!!" si Rc

'Nabaliw na 'ata 'to, eh!'

"Assumera mo, bakla!"

•FIELD•

Syempre.. Dahil ang hilig ko sa babies lalo na sa doon sa mga baby girl, pumunta ako sa tabi ni Tibo dahil siya parin ang may hawak doon kay Litlit. 

Tumingin sa'kin si Tibo pero hindi ko siya pinansin at tumingin doon sa baby na tumingin sa'kin. Matagal akong tinitigan nung baby bago dahan-dahang ngumiti.

'Oh, my goooooosh! My heart!'

"Ang cute mo naman, Baby!" kagat ang labing sabi ko at tumingin kay Tibo na nakatingin kay Litlit.

"Gusto mo sumama sakaniya, Litlit?"

Tumango-tango si Litlit at itinaas ang dalawa niyang braso. Kaagad ko siyang binuhat at napangiti lalo.

"Ang cute cute mo talaga!!"

Ngumiti ako kay Tibo na nakatingin parin kay Litlit.

"D-d-daddy!"

Napatawa ang beauty ko nang nabubulol niya 'yong sinabi.. "Ang cute cute mo naman, baby.. Pakiss!"

Narinig ko naman ang atungal ng mga fafa at mga bruhilda nang bigyan ako ng kiss sa lips ng baby, binelatan ko sila at natawa.

"Mukhang natuwa sa mukha mo, bading!" natatawang sabi ni Tibo.. Tinarayan ko naman siya. "Wala ka kasing make-up.. ano? Hahahahaha!" nang-aasar na sabi niya pa.

"Manahimik ka nga! Duh! Anak mo 'to?!"

"Hindi."

"Ha?"

"Anak natin."

'Loh. Ewww!'

"AYIEEEEEEE!!"

"NAKS NAMAN! YOWN OH!"

"Sanaooool! NellThan for the wiiiin!!"

"Kilig nanaman 'yan si Jonathan!"

"Anak pa nga.."

"Anak natin. YUNNN! KILIG TO THE BONES!

"Hahahahahahaha! Yieee! Kilig!"

Napatitig ako sa Tibo pero nakatitig lang siya sa baby.. Binuhat niya yung baby at hinile pero yung panlaro-laro lang.

"Guys, wala ako sa sayaw niyo ha?" biglang sabi niya sa mga kaklase niya..

"Halah? Bakit??"

"Balak niyo ba akong patayin Ta-try ko kung kakayanin kong umabot, okay?"

Napatango na lang sila. Ilang oras lang ay nagpaalam na yung mga kaklase niya at nagpaalam na uuwi.

Kami naman ay sinama ni Babecakes.. Sumakay kami sa kanya-kaniyang kotse kaso ang mga bakla kong kaibigan ay leche! Sasabay sa akin dahil nga iisang kotse lang ang gamit namin, si Rj ang magdadrive..

Yung mga bruhilda ay sa mga fafa sumakay.. Yung dalawang bata nasa bruhilda habang yung baby, hawak ko! Sa akin sumama eh!

Nasa harap namin si Tibo na nakahelmet at nakasakay sa motor.. Inayos niya yung pagkakatayo ng motor niya at habajg pinapainit niya yun ay pinapanood lang namin siya hanggang sa sumulyap siya sa'min saka na siya pumaharurot.

Sumunod naman kami at paderetso ito sa isang sikat na hospital, ang Cell Hospital.

Habang nagdadrive ang Baklang Rj ay nilalaro ko si Baby Litlit.. Nakakalibang kasi, ang cute cute.. "Ang cute cute naman ng baby!!!! Apir apir!" nakipag-apir naman siya. "Wow, very good!"

Dati talaga, gusto kong mag-alaga ng baby girl para may napagti-trip-an ang beauty ko. Hahaha! Mukhang tinupad ni Lord!

"D-d-daddy!!!" tuwang-tuwa na sabi niya, tinapat ko sa pisnge ko ang kamay niya at ang bango bango!

"Baklang Jona, pahawak naman nung baby namin ng asawa ko!" kalabit sa'kin ng Rc

Napataas ang kilay ko.. "Anak ka d'yan!? Hindi mo ba narinig sinabi ng Tibo! Anak daw namin! Mang-aagaw ka ng ana----"

Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig mismo ang sinasabi.. Nakatingin sila sa aking lahat at parang nababaliwan sa sinabi ko.

"J-jokie jokie lang yun hehehe!"

Umiwas sila ng tingin at tumingin sa kalsada. Ilang minuto pa ay bumaba na si Tibo sa motor niya at dumeretso sa amin..

Binuksan niya ang pinto sa may gilid ko kaya napatitig agad ako sakaniya.. Nakangiting tumingin lang siya kay Baby Litlit..

Napaawang ko ang labi nang gumapang sa ilong ko ang amoy niyang matamis pero hindi masakit sa pang-amoy, may pinaghapong fresh at candy iyon na tipo kong amoy.

"Tara na!" sumama kaagad sakaniya si Baby Litlit at hinawakan niya ang ulo sabay alis.

Lumabas naman kami at sinundan sila.. Nang makarating kami sa second floor at room 18, kakatok sana siya nang lumabas ang isang doctor na nagpabigla sa'kin.

"Oh you're here, guys.."

"Kamusta siya?" tanong ni Tibo

'Walang po?'

"Okay na siya and nakakamangha dahil mabilis na naghihilom ang sugat niya.. Pwede na siyang umuwi anytime!" ngiting sabi ni Doc..

Tumingin ako sa name tag niya at siya si Doc. Sieven Repzimo? Ang may-ari ng CH. Tumingin ito sa amin at tumingin kay Tibo na tumaas ang kilay.

'Anong meron?'

"Sino sa inyo ang nobyo ng apo ko?"

Si Babecakes at mga kaibigan nila ay pigil ang tawa, si Tibo naman napasimangot.

'What?! Apo?! Maglolo sila?!!'

"L-lo naman!" nahihiyang sabi ni Tibo at napakamot sa tenga.

"Apo, ikaw! Ang ganda ganda mong bata, wala kang nobyo! Magnobyo ka na, disisyete ka na eh!" pang-aasar ng lolo niya at ginulo ang buhok sabay alis.


Anella's POV

Nakakahiya promise.

Binigay ko kay Julzia si Baby Litlit dahil ako muna ang papasok sa loob pero ayaw sumama ng bata. Inabot ko siya kay Meane pero ayaw din, nakayakap lang siya sa'kin.

"Baby, sama ka na kay Tita Meane oh!" mahina kong sabi pero ayaw niya parin.

"D-daddy!"

'Kakaiba 'tong bata na 'to.. Walong bwan palang, nagsasalita na. Yun, oh..'

Pabuntong-hininga na bumaling ako kay Bading at binigay sakaniya si Litlit na sumama na at tuwang-tuwa pa. Bumuntong-hininga ulit ako at saka pumasok sa loob.

"Hi, Manang!" ngiti kong bati at humalik sa noo niya..

"Anak! Kamusta? "

"Ayos naman ho.. Ang sabi ni Lolo ay pwede ka na daw umuwi anytime dahil gumagaling na ang katawan at sugat mo.."

"Mm.. Mabuti na iyon para makapagtrabaho na ulit ak---"

"Hindi pwede, Manang.. Magpahinga ka muna."

"Pero ang mga anak ko.. Kailangan nila ang pera! Hehehe!"

"'Yun na nga.. Kahapon, pinakuha mo sa akin ang mga bata.. Lasing ang nobyo mo, Manang, galing sabungan." napabuntong-hininga naman siya at parang nahihiya pa. "'Wag kang malungkot! Kasi tignan mo.."

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Kaagad na pumasok ang mga bata nang senyasan ko na sila. Nang tuluyan silang makapasok ay pinagmasdan ko silang ibaling ang tingin sa gawi ni Manang na nanlaki ang mga mata sa bigla.

"Nayyyy!" sigaw nung dalawang bata sabay takbo payakap kay Manang..

"Mga anak ko!" iyak na agad na sabi ni Manang at tinugunan ang yakap ng mga anak.

"Punong puno ng pasa at sugat ang mga bata, Manang.. Nag-aadik ba yung nobyo mo?" seryosong tanong ko, bumuntong-hininga lang siya.

Pumunta ako sa pintuan at pinapasok si Bading na hawak si Baby Litlit. Nagulat si Manang at kinuha ng dahan-dahan si Litlit.. "Ang bunso ko! Ha salamat! At okay ka!" mangiyak-ngiyak na sabi niya..

"N-n-nanay!! N-nanay!!!" tuwang-tuwa na sabi ni Litlit, hindi ko maiwasan ang mapangiti ng tipid dahil sa nakikita ko ngayon.

"Nay, alam mo ba?! Si Atemommy binigyan kami ng buo pangalan!" tuwang-tuwa na kwento ni Lotlot, tumingin sa akin si Manang ng may gulat sa mukha..

"Yes, Manang.. Kung ano man ang iniisip mo, yes. Bukas ay ipapaasikaso ko kay Madrigal yung birth certificate nilang tatlo.. Bibinyagan natin sila. Since nabanggit mo sa akin na hindi pa sila nabibinyagan at tanging si Letlet lamang.. Ngayon, mabibinyagan na lalo na itong baby ko.." ngiting sabi ko at pinisil ng marahan ang pisnge ni Litlit..

Kaagad kong pinunasan ang pisnge ni Manang nang tumulo ang luha niya doon.. "A-anak, H-hindi ko alam kung p-papaano magpasalamat sa iyo.. Ang l-laki ng tinutulong mo sa akin--sa amin ng mga anak ko!" hikbi ni Manang, niyakap ko siya at hinagod ang likod niya para pakalmahin siya.

"Ako ang dapat magsabi niyan. Hindi ko alam kung papaano magpasalamat sa'yo, Manang.. Sa pag-aalaga at pagtitiis sa ugali ko.."

"Miss?" napalingon ako kay Rein nang bigla siyang sumingit.

"Oh?"

"Boyfriend niyo po?" inosente niyang tanong at may tinuro. Nang tumingin ako doon ay napaangat ang kilay ko nang makita na si Bading iyon.

"H-ha?! No! I'm a gay, girl! Aishhh! Lalabas na nga ako!" maarteng sabi ni Bading at lumabas nga, kumendeng pa ang bewang niya sa ginawa niyang paglabas.

Nakangiwing tumingin ako kay Manang nang marinig ang tawa niya.. "Masyadong mapagpatol ang kaibigan mo, Anella.." natawa na lang ako dahil doon.

"Manang, ipapasyal ko lang yung mga bata pero kung gusto niyong dito muna sila? Sige, bukas na lang---"

"Hindi! Sige ayos lang! Mamaya ay uuwi na rin ako.."

"Osige, Manang.."

Binuhat ko si Litlit na binigyan pa ng halik ni Manang sa ulo at saka ko na hinawakan sila Lotlot at Letlet palabas.

Andoon sila nagk-kwentuhan, pumunta sila Lotlot at Letlet kila Julzia at kila Kuya ako naman ay pababa na.. Sumunod agad sila sa likod ko at habang naglalakad..

"Sama ulit kayo? Ipapasiyal kasi namin yung mga bata.' rinig kong sabi ni Kuya, nagsang-ayon naman ang lahat..

Katulad kanina, binigay ko kay Bading si Litlit at sumakay sa motor ko. Pagkasakay nila ay inisa-isa ko muna ang pag-check sakanila bago pinaharurot ang motor ko papunta sa mall nila Bading para malapit lang..

Nang makarating ay pumunta ako sa kotse ni Bading at nakita kong nakay Rj si Litlit..

"M-mommy!" masayang sabi ni Litlit nang makita ako, Pumasok ako sa loob ng kotse.

"Tara na dali.. Kakain tayo. Gutom na ikaw?" pang-aaliw ko, sumama naman siya sa akin. "Baba kaya kayo, 'no?" walang ganang sabi ko kay Rj, bumaba naman siya. Hinawakan ko yung ulo ni Litlit at dahan-dahang bumaba.

Hindi na nakapaghintay sila Kuya at sila Julzia, naauna ng pumasok sa loob.. Tumingin ako kay Litlit at napangiti nang makitang nakatingala siya sa mall, parang namamangha na natatakot.

"Gutom na ikaw? Hmm?" malambing kong tanong at napangiti nang tumango-tango siya. "Edi tara na.."

Pagkapasok ay ramdam ko na agad ang lamig at bango ng mall.. Sila Julzia ayon! Parang mga bata akala mo ngayon lang nakapunta sa mall, e..

Pumunta kami sa gawi nila at tuwang-tuwa sila Lotlot at Letlet. Tumingin ako kay Kuya at nagsalita. "Kain na tayo nagugutom na 'to si Litlit oh!"

Tumango naman siya pumunta na kami sa Jollibee at um-order ang mga barkada ni Kuya pati sila Julzia, ang mga bakla din.. Kaya naiwan kami nila Bading, Rc at Alline pati na rin si Lotlot at Letlet.

Binigyan ako ng upuan nung staff para sa baby kaya inupo ko na doon si Litlit.. "Ate, oh! Gatas ni Litlit!" tawag-pansin sa'kin ni Letlet, hawak niya ang bote ng gatas ni Litlit.

Inalog ko muna iyon bago binigay kay Litlit na agad kinuha iyon at sinimsim. Buti na lang at nasa private room kami ng Jollibee dahil magiging maingay na panigurado.

Habang naghihintay ng pagkain, dinial ko muna ang number ni Manang at sinagot niya agad iyon.

"[Hello, 'nak? Musta??]"

"[Eto ho, nag-iintay ng pagkain.. Nakauwi na ho ba kayo?]" at tumingin sa mga kasama kong nagce-cellphone at iba, nagseselfie kasama yung mga bata..

"[Eto nag-aayos palang.. Musta ang mga bata?]"

"Ayos naman na ho.. Ang mga bata ay tuwang-tuwa dito sa mall hahaha!"

"[Ngayon lang kasi sila nakapunta sa mall, Anak at saka alam mo namang walang masyadong pera ang manang kaya hindi nakakapagmall o 'di kaya'y mamasyal.. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil pinaranas mo iyon sa mga anak ko..]"

"Ikaw talaga, Manang! Wala po 'yon! Saka mamaya bibili na rin ako ng school supplies nung dalawa dahil baka sa martes ay magsimula na silang mag-aral.."

"[Salamat, 'nak.. Osige na, aalis na kami! Mag-iingat kayo riyan..]"

Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang mga pagkain namin. Doon naman na kami nagsimulang magsikainan pero bago 'yan, and'yan s'yempre ang mga photographer ng barkada.

Sila Julzia. Hindi mawawala 'yan kapag gumagala kami.. Pinagmasdan ko lang sila na magsipicture-an at isinali pa ang mga bakla na todo aura sa camera.

"Saan naman gusto niyo, Lotlot?" ngiting tanong ko kila Lotlot na uminom muna ng soft drinks bago ako sinagot.

"Sa laro po! Hehehe!"

"Oh, sige.. Si Tito Aldrin saka sila Tita Julzia kasama mo, ha?" tumango-tango siya at napawagwag ang mga paa sa ilalim ng lamesa. Bumaling naman ako kay Kenlite na nasa tabi ko lang.  "Kenlite, samahan mo kami ni Letlet sa books store mamaya. Bibili na ako ng school supplies nila."

Tumango siya at ngumiti kay Letlet na ngumiti din sakaniya.

"Ikaw naman, Gerald, kayong dalawa.." turo ko sakanila ni Kevin, Lance.. "Bilhan niyo ng mga laruan yung mga bata.. Yung matino, ah.. Baka naman yung madaling masira yung kuhanin niyo!"

"Kami nalang bibili ng laruan ni Baby Litlit hehehe!" biglang sabi ni Jp, tumango lang ako.

Matapos kumain ay nagpahinga muna kami saglit at sabay-sabay ng umalis pero bago 'yon sinuot muna ang cap at mask ko. Gano'n din sila Julzia sabay alis.. Binuhat ko si Litlit at binigay kay Letlet ang bote ng gatasna naubos na niya. Pumunta kami sa Pandayan at pumasok doon agad-agad.

Kumuha kami ng basket at dumeretso sa bawat dadaanan..  "Kumuha ka ng mga kailangan sa school, samahan mo, Kenlite.." utos ko.. Pumunta naman sila doon sa mga notebooks at Pens.

Ako naman ay naglakad papunta roon sa mga books.. Napansin kong may tinuturo siya kaya tumingin ako doon at mga pambatang story. "Gusto mo 'yan?"

Tumango-tango si Litlit.. Kumuha ako ng limang libro at saktong nandoon na rin sila Kenlite. Pinlastic na ng cashier yung mga pinamili namin.

"5,610 pesos, Ma'am.." ngiting sabi nito, binigay ko ang credit card na ini-swipe niya't binalik sa'kin..

Lumabas na kami doon at ako naman 'tong dinial ang number ni Kuya.

"[Hello?]"

"Asaan na kayo?"

"[Nasa parking na kami.. Kayo na lang hinihintay..]"

"Sige, punta na kami.." at binaba ang tawag, kabilang kamay ko ay nakakarga si Litlif at sa kabilang kamay ang mga pinamili namin habang si Kenlite ay hawak si Letlet.

Nang makarating kami sa parking ay nandoon na nga sila. Binigay ko kay Kuya yung pinamili namin at ini-check yung mga bata na nasa loob na agad ng kotse.

Binigay ko naman kay Meane si Litlit na sumama na. At habang sumasakay ako sa motor ay napatigil ako nang makitang may limang paper bag ang bumungad sa harap ko..

Tumingala ako sa nagmamay-ari non at napataas ang isang kilay nang makita uung mga bakla.

"A-ano 'yan?"

Nakita ko ang stuff toy na favorites ko.. Ang kay Rc ay Minion, ang kay Jp naman ay Elmo, kay Alline naman ay Sponge bob, yung kay Rj naman ay Pooh at ang kay Bading ay Stitch.

"Uuyy! Naman talaga!"

"Tanggapin mo na!"sabay-sabay na sabi nila. Tinignan ko lang sila ng maigi at napatingin kay Julzia.

"Woops! Mga kumpadre.. Akin na ang mga 'yan.. Ako na ang maghahawak!"

Sinundan ko ng tingin si Julzia na lumakad papasok sa kotse. Saka ako bumaling ulit sa mga bakla at sinuot ang helmet ko, nakatingin lang silang lima sa'kin.

Sinupladahan ko na lang sila at pumaharurot papunta sa bahay. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap sa salamin ko para sulyapan yung limang beki. Napabuntong-hininga ako at umiling.

Pagkadating sa mansion ay agad akong bumaba at tumango kila Elyzza at Opie, inutos ko sakanila na ipasok na lang ang motor ko. At aktmang aakyat na sana sa itaas nang biglang sumigaw si Julzia.

"Hoy, Bunganga! Ano? Etong mga stuff toys mo?!"

Napatigil naman ako at dahan-dahang lumingon sakaniya. Binaba ko ang tingin sa mga paper bags at pairap na kinuha iyon saka nagpatuloy sa pag-akyat..

...

For the suplada ang ferson, ah.m Wews! Anyways, hii!! 🙄🖤

Continue Reading

You'll Also Like

17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
GUNS By DEMGEL_28

Teen Fiction

6.9K 456 34
(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
76.5K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...