Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 23

385 20 2
By gazery

Alline's POV

Today is P.E namin.

Ang laro namin is Basketball. May iba't ibang schedule yung mga laro namin. Minsan, nagbabAseball kami and table tennis. Ang iba naman is Volleyball, football, badminton, soft ball and many more.

Lima kaming mga bakla na naglalakad papunta sa court, hindi kami kasali sa pila kasi sabi ni Baklang Jona. Kapag gusto niya, gusto niya. Shala!

Pinili kami ni Sir Algapa sa first game. Ang kalaban ay ang mga fafa namin. Kahit naman ganito kami kalambot na mga bakla ay magaling naman kami sa basketball, 'no..

"First game kayo.. paunahan maka-score ng 10 walang 3 points, walang 2 points! Puro 1 point lang kahit makashoot kayo ng pang 3 points ay 1 lang 'yon.. Okay!?"

Tumango kami

"So, guys.. Jump ball tayo!"

Si Baklang Jona ang nakapwesto sa jump ball dahil siya ang mas mataas sa'ming mga bakla sa kabila naman ay si Aldrin..

Nang pumito si Sir ay si Aldrin ang nakapalo. Kinuha ni Gerald ko.. Tumakbo siya habang nagdidrible kaso naagaw ko naman at pinasa sa Baklang Rj.. Pumwesto siya sa 3 points at shinoot!

'1 lang naman ang point leche!'

Agad kaming pinahinto ni Sir para pagpahinga ng konti at habang nasa gitna kami ng pag-inom ng tubig ay lahat kami napatingin sa mga kaklase naming mga babae na nakataas ang mga kilay..

Nakatingin sila sa pintuan ng entrance ng court kaya tumingin kami doon.

Napatigil ako nang makita si Anella na nakatitig sa'min, hindi ko alam kung kanina pa siya doon pero kasi nakasandal lang siya sa pinto nang punong-puno ng angas!

Aaminin ko ng napakaangas nga niya. Kahit hindi naman intensyong magmukhang maangas, natural lang..

"Oh!" gulat na asik ni Sir Algapa at kumaway kay Anella.. "Hi, Miss Repzimo!" ngiti nang bati ni Sir Algapa.

Tumango naman sakaniya si Anella at naglakad papunta sa'min.. "Akala ko kung sino yung nag-iingay, kayo pala."

"Kanina ka pa ba d'yan, Miss Repzimo?"

"Actually, ho.. kararating ko lang din.. Dahil may lahi akong chismosa, tinignan ko.."

"Aba'y, magaling! Wala ka bang klase?"

"Wala naman, ho.. Ay, Sir, pwede pahiram bola?"

"Aba, oo naman! Basta't pakitaan mo ako, ha!"

"'Yon ba ang gusto niyo?"

Tumingin agad ako kay Jona na napataas ang kilay at mataray na pinagmasdan si Anella..

"Yeah, yeah!"

"Okay.. Watch me,"

Napatili sila Rc nang biglaang ihagis ni Sir Algapa ang bola sa gawi ni Anella.

'Oh, shoot.. Paano niya nagawa 'yon?'

Ang akala ko hindi masasalo ni Anella dahil talagang biglaan 'yon. Kasi kung ako ang ginano'n t'yak na matatamaan kaagad ako sa mukha. Pero siya hindi.

Sinalo niya kaagad 'yon at ngumisi pa kay Sir Algapa na nakangiting umiling-iling..

"Baka naman paglaruan mo lang 'yan?"

"Oo nga baka 'di siya marunong!"

"Hahaha oo nga!"

"Hahahahaha! Pasikat!"

Napatingin ako kay Anella na dinidribble sa harap namin ang bola at pumwesto sa point 3 line at..

HULOG!

'3 points!'

Napabuka ko ang bibig at napatingin kay Rc. Muntikan pa akong matawa dahil sa pambihirang mukha niya.. Nakangiti na abot tenga!

"Girls, try niyo ngang kalabanin si Miss Repzimo!" hamon ni Sir Algapa.

Naglakad naman ang mga babae sa amin na parang nagmomodel habang hawak ang buhok nila.

"Sir, masyado silang marami!" singit nung lalaking kaklasenamin.

Ang dami nung merlat. 15? Laban sa isa? Ano malakas...

"Tignan niyo lang kasee!" tila nagyayabang na sabi ni Kevin at ngumisi...

Pumito si Sir Algapa at nagsimulang i-corner nila si Anella, akapalibot at nakangisi.

Pero si Anella ay kalmado lang habang nagdidribble. Focus masyado sakaniya ang mga merlat. Ngumisi siya at nagpatuloy sa dribble..

"Alam niyo, dapat 'di kayo nakafocus sa akin.." ngising sabi niya sa mga merlat..

"At bakit hindi?!"

"Kasi may mga gwapong nanonood, oh!" pang-uuto ni Anella kaya nagsitinginan ang mga gaga. Pagbalik nila kay Anella, nagulat pa sila nang mawala na.

Tatakbo pa sana sila nang i-shoot na ni Anella ang bola. "P-paano mo nagawa 'yon? Ang b-bilis naman!"

Ngumisi lang si Anella sakanila. Binigay niya yung bola doon sa pinakamaarte naming kaklaseng merlat..

Ngumisi yung mga babae at tumakbo sa court nila pero nagulat kami ng kalmadong nakatingin lang sakanila si Anella at nakapamulsa...

"Bakit hindi mo kami inaagawan ng bola?!"

"Oo nga! Hindi ka ba marunong?"

"Marunong.."

"Oh, bakit hindi ka humahabol?"

"Tumakbo ka, i-shoot mo. Pinagbibigyan ka na nga, umaangal ka pa.. binibiro niyo ba ako?" nawawalan ng ganang sabi niya at ngumisi. Pumunta siya doon sa mga babaeng nakatulala at kinuha ang bola.

"Sir, pwede pakituruan 'tong mga estudyante mo.. Hoy, Kuya.. Tara dito dali! Laban tayo!" mayabang na hamon niya kay Aldrin, ngumisi naman yung kuya niya at pumwesto. "Oh, bola mo!"

Ngumisi naman si Aldrin at nagsimulang magdribble. Una, matagal pa nagtititigan pa nga sila na parang binabasa ang mga nasa isip nila. Pinakatitigan ko silang dalawa at hindi ko na halos makita kung sino ba si Aldrin at si Anella, kung sakaling pareho silang maiksi ang buhok, magtataka ako kung sino sakanila si Anella at Aldrin.

Nagulat si Aldrin nang isang kurap niya lang ay nakuha na ni Anella ang bola sabay shoot sa three points. Parang pinaglaruan labg siya ni Anella at pinagod sa pagdi-dribble..

Inis na kinuha ni Aldrin ang bola sa kapatid, binigyan naman siya ng mapang-asar na ngiti ni Anella at maglalakad na sana papaalis nang ibato ni Aldrin ang bola sa gawi niya.

Napalaki ang mata ko nang sipain 'yon paitaas ni Anella at..

HULOG!

'Oh, my shoot!!!'

Nagkatinginan kami ni Sir Algapa na nakanganga, 'tulo laway mo, Sir.. Chour..'

Nakangising humarap si Anella kay Aldrin na nagulat din.. "Wish you luck, bro!" at umupo.

"Okay class. 1st game na!" agad na tikhim ni Sir Algapa na nagpablik sa'kin.

Pumwesto kaming lima at ang nga fafa na lima. Bola nila.. Tumakbo sila papunta sa court nila at akmang ishu-shoot ni Kevin nang tapikin ni Rj ang bola matapos ay ipinasa kay Baklang Jona..

Tumakbo habang nagdidribble si Jona sa court nila kaso naagaw ni Aldrin at shinoot.

'All 1'

Lumipas ang ilang oras ay nag-all 9 kami... Ang bola ay nakila fafa.. Nagdidribble si Lance at binigay kay Gerald, tumingin siya sa matako at ngumiti sabay pasa kay Kevin..

Ini-dribble at binigay kay Kenlite, malapit na siya sa court nila nang maagaw ni Rj ang bola at pinasa sa akin..

Tumakbo kaagad ako sa court namin at akmang ishu-shoot nang biglang maagaw ni Gerald at pinasa kay Lance at nagdribble. Binigay niya kay Kenlite na ipinasa kay Aldrin na nakapwesto na sa ring sabay shoot!

Nakipag kamay sila sa amin at ngumiti.. Napatawa ako ng mahina at tumango kay Lance na tinapik ang likod ko. Umupo na kami at uminom ng tubig dahil sa pagod at hingal.

"Ang galing niyo pala maglaro, eh.." napalingon ako at si Anella na nasa tabi ko pala!

'Paano nakarating 'yan dito? Nakila Aldrin 'yan kanina, ah?! Nagteteleport?!'

"Hindi naman pero thank you!" ngiting sabi ko.. "Ikaw din ang galing mo kanina.. Pa'no mo nagawa 'yon kahit kami hindi namin na pansin na nasa kabilang court ka na. Hindi nga namin narinig yung bola, e.."

"Kaya kong hindi patunugin ang bola habang nagdidribble pero matagal ko rin 'yong inaral.. Yung kanina kaya nakatakas ako dahil nga ang atensyon nila wala sa akin kaya dumaan ako sa may malaking space saka tumakbo.."

"Sino nagturo sa'yo non?"

"Ako lang.. Ang nagturo sa akin magbasketball si Kuya tapos yung teknik na 'yon, ako lang.. Ako lang ang nakakakaya non.."

"Ang yabang mo!"

"Hindi, ah.. Nagpapakatotoo lang."

Napatitig ako sakaniya kaya tumitig din siya sa'kin. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay pareho kaming natawa..

"Grabe!"

Napatigil lang ako sa pagtawa dahil sa paglingon ko sa mga bakla, tumikhim bigla..

"Bakit?"

Tinaasan ako ng kilay ni Rc..

"Psh!" singhal nila kaso napalitan sila ng ngiti pwera kay Rj at Jona na nakataas parin ang kilay..

Napatingin ulit ako kay Anella pero sa saktong paglingon ko noon ay nabigla ako.

Isang napakagandang mukha ang malapit ngayon sa mukha ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa mata ko na para bang nagtataka sa'kin. Tumingin siya sa mga bakla hanggang sa manliit ang maga niya. Para niya kaming inuusisa..

Natigil lang siya nang mapatingin siya sa phone niya at kaagad iyong sinagot.

"Manang? Bakit?" seryoso niyang bungad.. "Ha?!... Osige sige... Aalis na kami sige sige ho!" tarantang sabi niya at tumayo..

May dinial pa siya sa cellphone niya at inis na nakipag-usap roon.. Matapos non ay patalon siyang bumaba sa gawi nila Aldrin na nakita kong nagulat.

Nagkatinginan kaming mga bakla at sinundan ng tingin si Anella na tumakbo papalabas ng court..

"Eksena non?"

Anella's POV

Pinanliitan ko ng mata yung mga bakla. Ano bang problema nila?'

Iba ang mga kinikilos ng mga lokong 'to, ah..

Natigil lang ang pag-uusisa ko sakanila nang magring bigla ang cellphone ko. Nang makitang si Manang Peni ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot..

"Manang? Bakit?"

"[A-anak! Ang mga anak ko nagtext! Wala daw ang ama nila pwede mo bang sunduin sila? N-ngayon Nakikiusap ako.. Hangga't maaga pa!]" umiiyak na sabi ni Manang.

Kaagad naman akong nakaramdam ng taranta.. "Ha?! Osige sige!"

"[Anak! Ingatan mo sila! P-pakiusap.. pakiusap!]"

"Aalis na kami, sige sige ho!" tarantang sabi ko at tumayo sabay dial sa number ni Madrigal.

"[Miss, ikaw po ba 'to?]" parang tanga na sabi niya.

"Oo ako 'to, Madrigal! Sino pa ba?"

"[Ay, Miss! Hehehe!]"

"Ano bang ginagawa mo? Samahan mo kami! Daliaan mo sasakalin kita makita mo!"

"[Saan po ba, Miss? Sa dating tagpuan.. Ngayon na talaga, Miss? As in?]"

"Ah, hindi bukas pa? Oo ngayon!"

'Bwisit!'

Bumulong ako kay Kuya at nagpaalam naman siya kay Sir Algapa.. Nang payagan kami ay tumakbo kaming dalawa sa parking lot.

Sumakay siya sa kotse niya, ako naman ay patalon na sumakay sa motor ko't walang pagdadalawang-isip na pumaharurot.

Binilisan namin ang pagmaneho at pumunta sa malapit sa mansion, nandoon si Madrigal. Sumakay siya sa motor niya at sumunod sa akin pati si Kiya.

'Mapapatay ko yung tatay nila sa oras na makita ang bugbog ng mga bata!'

Mas pinaharurot ko pa ang pagmaneho at lumiko sa may shortcut. Hindi ko alam kung saang parte yung dinadaanan namin pero yun ang isinuggest ng motor ko.

Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang hikaw ko, senyales na may tumatawag. Lumabas naman sa salamin ng helmet ko ang pangalan ni Madrigal, kaya agad kong sinagot 'yon..

"Ano?!"

"[Miss, dahan-dahan naman! Baka mahuli tayo niyan! Ang bilis mo magmaneho, eh!]" angal niya

"Sa oras na makita kong may pasa o 'di kaya may sugat yung mga bata dahil sa kabagalan mo.. Pahihirapan kita, Madrigal!"

"[Hindi na nga miss, e..sabi ko nga bilisan mo--]"

Nang lumipas ang trenta minutos ay pinarada ko ang motor ko sa tabi..

Nandito na kami sa Maynila.

"Madrigal, bantayan mo 'yang mga kotse." utos ko at pumunta na doon sa maliit na eskenita yata 'to o lote..

Nang matanaw ko yung bahay nila Manang at hindi nag-atubiling pumasok, nakita ko yung mga bata na umiiyak.

"Pst!" pagtawag ko.

Napatingin sila sa'min at agad tumakbo sa amin ni Kuya, yumakap..

"Ate! Huhuhu! Alis na po kami.. Sama kami sa inyo! Ate!" umiiyak na sabi pa ni Lotlot.

Si Lotlot ang pangalawang anak ni Manang, limang taon na. Si Letlet naman ay sampung taong gulang at ang panganay.

"Letlet. Asan ang ama niyo?" tanong ko.

"W-wala po si Tatay.. Nasa sabungan po,"

"Kuhanin niyo na ang mga damit at gamit niyo.. Aalis tayo. Pupunta tayo kay Nanay Peni, okay?"

Sabay silang tumango at umakyat sa itaas.. Habang hinihintay sila ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng tinitirahan nila. Hindi malaki, hindi rin maliit.. Kumbaga ay sakto sakanilang magpapamilya. Ang bahagi nilang ito ay napupuno na ng mga basura't iba pang bagay na hindi maganda sa paningin.. Aalingasaw din ang iba't ibang amoy ng usok.

Ilang minuto lang ay kita ko na ang mga batang marahang bumababa, si Kuya ang umalalay sa dalawa..

"Sino kayo!?"

Napalingon kami ni Kuya doon sa sumigaw. Napabuntong-hininga ako nang makita ang pangalawa nilang tatay. Kaagad kong tinago sa likod ko ang dalawang bata ngunit napatigil nang makita ang isang batang bata na halos nasa walong bwan palamang..

"Kami ang amo ni Manang Peni at nandito kami para kuhanin ang mga bata."

"Anong karapatan niyo, ha!?" lasing na sabi niya.

"Wala tayo sa karapatan dito, Mister.. Lasing ka na.."

"Wala kang pakielam! Bitawan mo ang mga anak ko, putangina! Kakasuhan ko kayo ng trespassing!"

"Pwede kitang kasuhan ng child abuse naiintindihan mo at isa pa.. Step father kalang ng mga bata. Wala kang anak dito! Ikaw lang ang bagong nobyo ni Manang.. Kaya 'wag kang putak ng putak riyan! Alis.." sigaw ko at tinulak siya kaya napaatras siya at tuluyan kaming nakalabas..

"Saan niyo dadalhin ang mga hayup na 'yan, ha?! Ibalik niyo 'yan sa'kin!!!"

Agad akong humarap doon at pinagtaasan siya ng kilay. "Ikaw! 'Wag na 'wag kang hihingi ng pagkain o 'di kaya pera kay Manang Peni. Lapayagan kitang tumira d'yan pero 'wag na 'wag kang hihingi ng benepisyo kay Manang.."

"Ano bang karapatan mo, ha?! Wala kang pakielam! Sa'yo ba 'tong bahay na 'to ha?! Ikaw ang gumawa!"

"Oo. Ako ang nagpagawa at gusto mo bang ipalamon ko pa sa'yo ang papeles o gusto mong isapak ko pa sa'yo?! Huh?! 'Wag kang sumigaw na akala mo naman may inambag ka sa buhay ng mga bata, gago! Bigwasan kita d'yan, eh! "

Kaagad kong ipinasakay sila Letlet sa sasakyan at binigyan ng masamang tingin ang lalaki.

'Ang tigas ng mukha niya! '

•Mansion•

"Oh, baby!" bungad ni Mommy sa'kin, nang makita niya ang mga bata ay nabigla siya. "Anak ni Manang 'to, ah!"

Napabuntong-hininga ako at umupo sa harap ni Lotlot na naka-upo na sa sofa, katabi niya si Letlet na buhat-buhat yung bunso.

"Ya! Kuhanin mo yung first aid kit.. Gamutin mo yung sugat ni Lotlot saka Letlet.."

"Yes, Miss."

"Napakawalanghiya ng lalaki na 'yon, ang tigas ng mukhang bulyawan ako.. Bwisit!" inis kong asik.. "Kung wala lang yung mga bata doon ay pinatay ko na 'yon!" napabuntong-hininga naman sila dahil sa pagbulusok ko ng inis. "Tignan niyo yung mga bata! Ang daming pasa at sugat! Napakawalanghiya! Feeling ng lalaking 'yon, asawa niya si Manang.. Nasobrahan sa pagkasira-ulo!"

Kaagad akong tumingin doon sa bunso na nakatitig sa'kin. Napakainosente ng mukha niya na para bang kanina pa ako pinagmamasdan. At habang tinititigan ko siya ay tila dahan-dahang kumalma at nawala ang inis ko bigla.

Umangat ang mga braso niya at nagsarado't bukas ang mga palad niya, senyales na nagpapakarga siya sa'kin. Marahan naman siyang binigay sa'kin..

"Siya po si Litlit.."

Napangiti ako dahil doo ,"Wala kayong totoong pangalan?"

Umiling sila.. "Mga nicknames lang po.." si Letlet, ngumiti ako ulit..

"Pwede ko ba silang pangalanan, Mom?" baling ko kay Mommy.

Nakangiti namang tumango si Mommy..

"Gusto kong ipangalan kay Letlet ay LerJane Pearl Cristobal-Repzimo.." seryosong sabi ko, nagulat sila pero ngumiti din sa huli..

"T-talaga po, Ate? Ang ganda naman po ng pangalan ko!" tuwang-tuwa na sabi niya..

"Ako.. Gusto kong ipangalan kay Lotlot, Brent.." si Kuya

"Brent Kit Cristobal-Repzimo.." ngiti kong sabi at nakipagfist bumb naman siya sa akin.

Bumaling ako sa bunso na nakatingin sa akin at pinisil ang pisnge niya...
"At ikaw naman. Ang ipapangalan ko sa'yo.. Mintlezei Quine Cristobal-Repzimo!" ngiting sabi ko at tinaas siya..

'Ang cuuute!!!'

"M-m-mommy!" nanlaki ang mata namin nang marinig na magsalita siya!

"Mommy na ang baby ko!" tuwang-tuwa na sabi ni Mommy at pumalakpak pa.

"Mom? Pwede pakipaliguaan yung tatlo.. Lalo na 'tong si Litlit! Papasok na kasi ako, e.. May klase pa ako. Baka i-patawag ako sa office ni Dean dahil sa palaging pag-alis ko Hahahaha!"

Tumango sila at hinalikan ang mga pisnge namin ni Kuya. Napatingin naman ako kay Madrigal na hinaharot ang butler ko na naiirita sakaniya..

"Madrigal! Tigilan mo nga 'yang si Elyzza!" Saway ko kaya huminto siya..

"Miss naman, ee!" nakangusong maktol niya, inirapan ko lang siya at sumakay sa motor at pinaharurot na.

•CBA•

"Saan ka galing?" bungad sa'kin ni Julzia na binatukan pa ako.

Nasa canteen na sila Dahil oras na rin ng pagkain. "May inasikaso kami ni Kuya. Bukas nga Julzia, Mamshe, Meane samahan niyo ako kay Dean.. May sasabihin lang ako."

"Ha? Bakit?"

"Malalaman niyo bukas.." nakangiting sabi ko.

"Pwede naman ngayon!"

"Pwede rin namang bukas.." pambabawi ko. "Nagpractice pa ba kayo?"

Tumango naman sila.

"Pinanood kami ni Miss Avegail kanina.. Hinahanap ka kaso sabi na lang namin may inasikaso ka at talagang may inasikaso ka.." si Meane

"Sabay-sabay naman?"

"Mm, medyo nasasanay na kaming 'di mo kami tinuturuan.."

"Good. Dahil hindi ako sasali doon sa sayaw niyo.."

Kaagad umarangkada ang mga kilay nila sa pagtataas na naging dahilan para matawa sila Kuya at barkada niya. "Bakit?!" sabay-sabay nilang sabi

"Balak niyo ba akong patayin?" sarkastikong sabi ko.

"Kung pwede lang, eh!" pang-aasar ni Julzia..

"Sira ulo ka talaga."

...

Ahe.. bukas naman, guys ha? Sowy.. Bumabagsak na yung mata ko, huhu!

Wish me luck, guys.. Mapasa ko sana 'tong year na 'to! 1st quarter palang, pahirap na. Paano pa kung 3rd na?

😵🖤

Continue Reading

You'll Also Like

192K 8.7K 101
Kilalanin si Caroline Salvador. Maganda Matalino Mala-anghel ang mukha Mabait? Hindi siya basta bastang babae dahil mahilig siyang makipagbasag ulo...
744 56 8
Mula sa babaero, naging matinong tao dahil sa isang boyish na babaeng misteryoso. Sa loob ng tatlong buwan lamang na pag-iibigan. Magiging sila kaya...
38.6K 1.4K 59
"Lasciate ogne speranza, voi ch'intrate. " Leave all hope, you who are entering.
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...