Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 16

407 23 0
By gazery

Jonathan's POV

M O N D A Y

Nandidiri talaga ako sa suot ko, mukha akong otokong-otoko.. Wala naman akong problem dito kasi I admit na my face is handsome in the same time. The fact na I can pull both gender. Makapagmake-up na nga lang--ang kaso! May vlog pala ang payat na Julzia..

Sige liptint, eyeliner and eyebrow na lang.. Para kahit papaano naman makakuha ng gwapings ang maganda kong fezlak sa vlog ni Julzia..

"Ayaaaan! Perfect! I'm beautiful na! Where's my perfume!"

Kinuha ko yung perfume ko at pinaligo sa sarili ko, charr lang..

"Ang bango bango!" tili ko at ngumiti sa salamin ko, pagkababa ko ay nandoon ang buong family ko..

"Hi, Ate! Hi, Kuya! Mwah!" ngiting bati ko sa kambal kong brother and sister at hinalikan sila sa mga pisnge nila.

"Hi, Mom and dad!" bati ko din kila Mommy and kiss sa cheeks..

Pagkaupo ko ay hinanda agad ni Yaya Marin ang foods ko..

"Bakit ang tapang ng amoy mo?" tanong ni Kuya sa'kin kaya napairap ako sakaniya.

"Matapang ka d'yan! Sweet kaya ng amoy!"

"Psh! How's your school? May girlfriend or boyfriend?"

"Wala pa. Magkakaroon palang siguro." maharot na sabi ko at nagsimulang kumain..

"Really? Girl or Boy?"

"S'yempre boy! Dzuh!"

"Sayang ang lahi, bunso!"sabi ni Kuya, napairap naman ako..

"I don't care! Nand'yan ka naman, eh.. Gora mo na 'yan, go go!"

"I like M for you." biglang sabi naman ni Ate na sinang-ayunan ni Kuya Jelo.

"Who is M?"

"It's the daughter of mommy's bestfriend! Dzuh!"

•C B A•

Kekembot-kembot akong pumasok sa loob ng CBA at napangiti sa mga students na bumabati sa'kin at nagcocompliment pa sa'kin, s'yempre. Maganda talaga ako..

Hindi pa man nagsisimula ang day ko.. Nasira na kaagad dahil ayan nanaman ang kaaway kong beki! Napataas ko ang kilay nang taasan nila ako ng kilay at nagcross-arm pa..

'Akala mo naman magaganda.. Ang chachaka!'

"Anong drama mo?" mataray na kompronta ko sa baklang 'to.

"Tch! Paharang-harang ka kasi sa daan.."

"Ano naman?"

"Umalis ka sa dadaanan ng pinakamagandang bakla sa school na 'to!"

"Excuse me! How dare you to yell at me, ugly duckling?! Ha! Ang kapal ng fezlak mong sigawan ako! Hoy, baklitang binudburan ng harina sa mukha! Remember! I'm the GRANDCHILD of The DEAN and the OWNER of this Academy.. You have no authority to yell at me, understand!"

"I don't care kung ikaw ang apo ni Dean or owner of this school.. Ang mahalaga! Mas maganda ako sa'yo! At ang mga chaka na katulad mo, hindi dapat dumadaan sa harap ng mga magagandang katulad ko!"

'Nakakainis!'

"Like duh! Just get out of my sight!"

"Hisss! You're so freak!"

"And you're so UGLY!" pagdidiin ko sa ugly.. Nanlaki ang mata niyang chaka at ang bibig niyang mabaho ang hiningers!

Akmang sasampalin niya ako nang may pumigil sakaniya gamit ang paghawak sa pulsuhan niya.

Sabay kaming napalingon doon.. Napataas ang kilay ko nang makitang si Tibo 'yon na nakatagilid ang ulo habang nakatitig sa chakang bakla.

Hindi ko maialis ang mata ko sakaniya dahil talagang ibang-iba siya. Naka-uniform na din siya na bumagay naman sakaniya kahit papaano..

Ngumisi siya at tumango.. "Sayang ang mukha nito tapos sasampalin lang ng isang kagaya mo?"

Napatingin ako sa baklang chaka na nagulat.. Dahan-dahang binitawan ni Tibo ang pulsuhan nung bakla at umiling-iling.

"Girrrrl! Ang ganda niya sobra!"

"'Yan ang tinatawag nating transformation!"

"You're right! Ang dating lalaki kung manamit ay nagtransform bilang dyosa of the academy and also her friends!!!"

"She's here!!! Ang couple natin!"

"KYAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"Ganda ng tarayan niyong dalawa, ah?" ngising sabi niya, napaikot na lang ako ng eyez..

"I-is that you? Anella? The famous maangas girl at Julzia's vlog?!" namamanghang sabi ng bakla.

"Oh, siya nga!" singit ni Julzia

"Miss Julziaaa! Oh! Pangarap kong makita ka! Finally! Nameet din kita personal!"

"Thank you, sister! Mwah!" flying kiss ng Julzia kaya naparoll eyes ako.

"Tara." gulat akong tumingin kay Tibo na hinawakan ang pulsuhan ko at hinatak papalayo doon.

"A-ano ba! Tibo! Bitawan mo nga 'ko!" angil ko pero parang wala siyang narinig at hinatak lang ako.

"Kyahhhhhh! Girl, loook!!!!"

"Omyghadddd! "

"I hate to say this but.. ! They look so very veeeeery! Cute together!"

"Kyaaaaaaaaah! Ayan nanaman sila!"

Binitawan lang ako ni Tibo nang makarating kami sa tapat ng canteen, inis ko naman siyang sinigawan. "Ano ba!" at hinampas pa siya.

"Ano nanaman? Nagsusungit ka nanaman?"

"Nandidiri ako!"

"Bakit ako, hindi?" Pabalang na sabi niya at namulsa..

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"May manipis bang mukha?"

"I hate you!"

"I hate you more, Bading.."

"Argh!" padyak ko at inis siyang tinignan. "Bakit ba kasi tayo napicture-an!"

"Tss. Ewan ko.."

"Bakit pumayag kang makasama ako sa vlog, ha? Siguro you like me or you have a crush on me, 'no?! Hay nako, girl! 'Wag mo akong inaano! Ayoko sa'yo!"

Napatawa siya ng mahina at tinitigan ako. "Hoy.. 'Wag kang umangal na akala mo naman ay gustong-gusto kita."

"Ano?!"

"Ayoko sa maingay na kagaya mo."

"Ayoko din sa babaeng tahimik na kagaya mo!"

"Ayoko sa baklang masyadong maarte.."

"Ayaw ko naman sa babaeng masyadong pa-cool!"

"Tss.. Ayaw ko sa baklang pumapatos sa kapatid ko.."

"Ano kamo, Tibo?! Kanina ka pa! Napipikon na 'ko?! Crush mo talaga ako, 'no!"

"Ha! Tigas din ng mukha netong Bading na 'to eh, 'no?" bulong niya pero rinig ko.. RINIG NA RINIG KO!

"Ano kamo?!"

"Tss.. Sira ka ba? Alam mo kung bakit ako pumayag?" tanong niya at unti-unting lumapit sa akin kaya napaatras ako..

'T-teka, wait.. 'Wag po.. 'Wag--CHOSS! Itsosera kayo, 'wag nga ako!'

"B-bakit ka l-lumalapit.." kinakabahan kong sabi at patuloy sa pag-atras dahil patuloy din siya sa paglapit.."T-tibo! Tumigil ka!"

"Tanongin mo kung bakit."

"A-ayoko!! Isa!! Tibo!!"

Napatili ako nang maramdaman ko na sa likod ko yung pader. Napatitig siya sa'kin at inilagay ang palad niya sa gilid ng ulo ko at mas tinitigan ako..

'Shoot, mommy ko.. Bakit ang ganda ng mata niya? Beh, anong brand niyan? Charot..'

Napalunok ako at napatitig din sakaniya.. Parang kinilabutan yung katawan ko nang magtama ang mga mata namin, pakiramdam ko nangangausap ang mata niya..

"Tanongin mo."

Napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata na nakikipagtitigan sa mga mata niya. Napakuyom ko ang palad nang maramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko mula sa paa ay umabot sa tenga ko..

"W-why?" napataranta ako nang ilapit niya ang mukha sa'kin.. "A-anella!"

Napasinghap ako nang hapitin niya ang bewang ko dahil napansin niyang parang nababali yung tuhod ko. Napalunok nanaman ako nang titigan niya ulit ako..

"Dahil ang sabi ni Julzia.. Bibilhan niya ako ng Dutch Mill at chocolate.." inosenteng bulong niya at unti-unting lumayo habang nakapako parin ang mga mata sa'kin.

Ang pagtanggal ng palad at braso niya sa bewang ko ay hindi lang basta pagtanggal! Gumapang iyon mula sa bewang ko at sa likod hanggang sa humiwalay na iyon. Pero pakiramdam ko ay ang dulo ng daliri niya ay nagdulot pa ng electric shock na dumaloy sa buong katawan ko.

At iniwan niya akong nakatulala at parang hindi pa natauhan. Napatingin ako kay Julzia at sa mga kaibigan pa nila na nakangisi sa akin..

"B-bakit gan'yan kayo makatingin?"

Itinuro niya ang camera na nakatutok sa'kin.. Napasinghap ako at napalunok..

Tatawa-tawa silang tumakbo paalis kaya hindi na ako nakahabol pa dahil nanghihina na rin ang tuhod ko.

'Why are you doing this to me, Lord?'

Napalingon ako sa mga frenny ko nang tawagin nila ako, "Oh, bakit haggardus ka 'ata today?"

"Nothing!" inis na sabi ko at pumaunang pumunta sa classroom. Sakto namang nakita ko sila Babecakes, nahuli siguro ang Tibo..

'Eh, bakit ko siya hinahanap?! Baliw ka ba, Jona?!'

Dismiss

Dismiss

Dismiss

Recess..

Nang makarating sa canteen ay syempre sanay na ang ears ko sa bulungan, tilian at hiyawan nila. Sino ba kasing hindi magsasawa, 'di ba? Alam kong maganda ako, oo na nga!! Nakakainis na, ah!

Nakita ko na sila Julzia na vinivideo-han si Tibo.. Pumunta doon sila Babecakes at umupo pati ang mga bakla.. Kaya ako.. eto! Punta doon! S'yempre! Ang usapan ay usapan! Siguraduhin lang talaga ni Julzia na worth it ang ibibigay niya sa'king kapalit matapos nito!

"Oh, ayan na pala ang mahabaging Jonathan!" pagpansin sa'kin ni Julzia, suot ang bwisit niyang ngiti.

Tinarayan ko muna siya at napipilitan na umupo sa tabi ni Tibo kaso ang Tibo nakayuko sa paanan niya at parang may inaayos.. Tumingin ako sa camera at ngumiti sabay tingin ulit sa merlat na 'to.

'Ano bang ginagawa niya!? Tsk!'

"Anong ginagawa mo, gurl!?"

Napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin.. "Nagsisintas.."

"What!?"

"Nagsisintas."

"Ano?"

"Nagsisintas.."

"Anong nagsisintas?"

"Nagsisintas... Nagbubuhol? Tss.."

'Grabe! Sarap mo po kausap, Be!'

"Nagsisintas? Bakit? Rubber shoes ba yang sapatos mo?"

"Hindi.. De'sintas yung ribbon."

"'Di ko alam na mahilig ka pala sa ribbon. Hindi ka nagsasabi!" pang-aasar ko sakaniya, suot ang mapanuksong ngiti..

"'Di ko rin alam na kailangan ko na palang sabihin sa'yo na mahilig ako sa ribbon.." pambabara niya sa'kin kaya agad bumaba ang ngiti ko.

'Pahiya nga d'yan, guys! Patutumbahin ko na 'to, eh!'

"At saka.. Hindi talaga ako mahilig sa ribbon. Sad'yang nakahiligan ko lang dahil ganito palagi ang binibili ng ermats ko." pagdadahilan niya at umayos ng upo.."Kumain ka na ba?"

"Hindi pa.. May nakita ka bang pagkain dito?"

"Oo. 'Yan, oh." turo niya sa lamesa gamit ang ulo niya. Tumingin ako at..

'Ang bilis naman nila um-order nang hindi ko man lang napansin!?'

"Ano? Pahiya ka, 'no?"ngising tanong niya, 'nagtanong ka pa, ah..'

"Psh!"

"Tinatanong kita sumagot ka.."

"Hindi pa nga! Ang kulit mo!"

"Ang taray taray mo.. May regla ka today?"

"Wala, dzuh!"

"Sabagay.. Pa'no ka magkakaregla kung wala ka nga palang---"

"Shut your dirty mouth, Tibo!"banta ko na agad sakaniya, nagmake-face lang siya na pinaikutan ko ng mata.

Habang nasa gitna kami ng pagkain ay may lumapit na dalawang babaeng students.

'Oh! Grade 10 din 'to, ah..'

Kaso ibang section and also kaklase niya yung mga baklang chaka!

"Oh, 'Te. Bakit?" tanong agad ni Tibo doon, nakapatay na yung camera kasi chikahan time kami kaya okay lang kahit ano pang pag-usapan namin.

"Halika, saglit. Pwede hiramin muna namin si Anella?" paalam niya kila Dimple..

"Ah, sige lang po. Heheheheh!"

Nang umalis sila ay napakamot ako sa head ko, pinagmasdan ko muna si Tibo na sumulyap sa'kin bago siya tuluyang tumutok sa magkapatid.

"Oh ano, bakla?" baling sa'kin ni Julzia kaya napabaling din ako sakaniya.

"Ano din!?"

"Girl! Bakit gano'n ugali ng kaibigan niyo, 'no!?" si Negra

"Anong ugali?"

"Mas'yadong maangas!"

"Kaya nga siya ang tinaguriang maangas girl sa kanila, eh." singit naman ni Fafa Kevin at Babecakes!

"Yeah!"

"Siya ang pinakamaangas, tahimik, minsan may pagkaloka-loka! Totally na panget! Pinakasexy, pinakapilosopo,
pinakasuplada, pinakapabalang kung makipag-usap kailangan matalino ka kapag kausap mo siya dahil kung hindi mo gagamitin 'yon? Good luck! At higit sa lahat pinakamaalaga. In short.. Astig "

'Daming sinabi ni Julzia, tsk..'

"May iba't-ibang tawag kasi ang mga tao sakanila!" singit naman ni Fafa Gerald..

"Ano-ano naman 'yon?"

"Si Meane! Beshhy wap! Yes Hahahahaha! Tinagurian siyang Sweetest Girl dahil siya ang pinakamahinhin kung magsalita at pinakamabait sakanila.. Pinakamalambing at cute." pang-uuto ni Fafa at nakipagfist bumb kay Dimple

"Si Dairsy naman ay tinaguriang Pretty Fierce, kasi look at her face.. Mataray pero maganda!" matapos sabihin ng Fafa Kevin 'yon ay tinaas niya ang dalawang kilay at nakipag-apir doon kay Dairsy.

"By the way! May K ka sa akin maya, 'tol!" tuwang sabi ni Merlat..

"Gusto ko yannn! Ge maya!"

Uhmm, tama naman sila.. Si Chubby ay may malakas na appeal at totally fierce.. Chubby at cute din.. Kahit si Dimple, she has a cute and sweet smile sakanila dahil sa tuwing ngingiti siya ay lumalabas ang malalim niyang dimple.. Nawawala ang mata, lahat naman sila. Si Julzia naman ay may malakas na aura! Like her Chubby Cheeks! It looks cute! Charming and then, si Tibo.. Ibang-iba ang ugali sa mga kaibigan. Nakakadiri man pero aminado akong siya ang nangingibabaw na ganda sakanila.. Yes, they're pretty pero umangat ng umangat ang Tibo kaso.. tomboy! Tsk tsk!

"Ang Julzia naman ay tinaguriang Bunny Cheeks dahil nga kapag ngumingiti siya ay mukha siyang rabbit.. Chubby cheeks ba, dapat nga dalawa ang tawag kay Meane, eh. Bunny Smile Hahahahahahahahahaha!" biro ni Fafa Lance, natawa naman kami.

"Ang kay Anella naman.. 'Yon nga ang Maangas Girl! Dahil sa kaangasan niya, kayabangan niya! Wala siyang arte sa katawan! Alam niyo kasi 'yon si Anella? Nasobrahan sa pagkasuplada! Minsan nga iniisip ko kung hindi lang siya kapatid ng barkada ko ay baka pinatapon ko na siya sa ilog, eh!" madaldal na paninira ni Kenlite kay Tibo.

Napatingin ako sa likod niya nang makita ang bulto roon, at napalapat namin ang mga labi sa pagpipigil ng tawa..

"Nakikita niyo naman! Psh! Talo na ako do'n! Saka alam niyo ba 'yon, si Anell! Lagi akong kawawa do'n! Ha! Lagi akong binubogbog non.. 'Di ba kaaway niyo 'yon?" madaldal pading sabi niya kaya tumango na lang kami. Pinigil namin ang mga tawa naming lahat dahil nga nasa likod niya si Tibo na nakakunot na ang noo habang nakapamulsang nakatingin sakaniya, nakikinig.. "Tulungan niyo akong lunurin sa ilog 'yon, guys! Pleaseeee?"

"P're, g-gusto mo bang ikaw ang maunang malunod sa ilog? Pfft!" pigil ang tawa na sabi ni Babecakes..

"H-huh?"

"Gusto mong mauna sa impyerno?"

Napalingon si Kenlite sa likod niya nang magsalita si Tibo.. Napahagalpak na kami ng tawa! Dahil yung mukha ni kenlite ay parang natatae na ewan-AYOKO NAAAA!!

"A-anell! Hehehehe kamusta??? Hehehehehe!" pilit na tawa niya na mas nagpatawa sa amin.. Binigyan siya ng pambabatok ni Tibo at pinitik sa ilong niya.

"Eh, kung lunurin kita sa bowl? Gusto mo? Tss.. Tumalikod lang ako, kung ano-ano na 'yang pinagsasabi mo d'yan. Babangasan ko 'yang mukha mo."

"Sorry na! Joke yun! Yie, love you!"

Anella's POV

Nang mahatak na ako nila Ate Jeanine sa labas ng canteen ay nagtanong ako kaagad ako, biglaan kasi.

"Bakit, 'te?"

"Eh, mamaya na yung practice natin eh.."

"Hanggang anong oras ba?"

"6 pm, eh okay lang ba sa'yo? Hays.. first year mo palang dito ay gan'yan na pasensya na, ah?" pag-uumanhin ni Ate Jeanine na agad kong ikinailing.

"Okay lang, 'Te.. Anong oras start?"

"Mga 3! Vacant na yata yun."

"Ah, sige sige.. By the way, ano bang theme? I mean kasali ba tayong Dance Group sa romance na sayaw nila?"

"Yes naman! Syempre.. Pagkatapos nating sumayaw ay magbibihis na tayo para sa love dance na 'yon "

"Hayss okay.. Ano palang damit natin?"

"Hm, fatigue na lang? Igigitna kasi kita kaya kailangan ikaw ang naiiba.. Ang sa'yo is croptop na white tapos patungan mo ng fatigue at tsaka cargo pants and boots yung england women shoes, ah!"

'May choice ba ako?'

"S-sige lang.. hehehe.."

"By the way, you look good in our uniform!"

Napasulyap ako sa uniform ko at ngumiti sakanila, "Ah, thank you.. Hehe!"

"So, alis na kami?"

"Sige sige.."

"Maya, ah!"

"Sige. Bye!"

Sinundan ko muna sila ng tingin hanggang sa malayo na sila sa'kin saka na ako pumasok sa loob at naabutang nagkukwentuhan silang lahat. Nang makalapit ako sa likod ni Kenlite para sana doon na dumaan ay narinig ko nanaman ang pangalan ko..

"Nasobrahan sa pagkasuplada! Minsan iniisip ko kung hindi lang siya kapatid ng barkada ko ay baka pinatapon ko na siya sa ilog!" madiing pagkukwento niya.. Napangisi ko naman ng sarkastiko ang labi, napaglaro ko naman ang dila ko sa loob ng bibig ko.

'Eh, kung ikaw ipatapon ko sa ilog?!'

"Nakikita niyo naman! Psh! Talo ako do'n! Saka alam niyo ba 'yon si Anell? Lagi akong kawawa do'n! Ha! Lagi akong binubogbog non! 'Di ba kaaway niyo 'yon?" tanong niya do'n sa mga bakla, walang emosyong nilagay ko ang pareho kong kamay sa bulsa.. "Tulungan
niyo akong lunurin sa ilog 'yon guys! Pleaseeee!"

"P're, g-gusto mo bang ikaw ang maunang malunod sa ilog? Pfft!"

"H-huh?"

"Gusto mong mauna sa impyerno?" iritang sabi ko, napalingon naman siya sa akin.. Nagsitawanan naman ang mga kasama namin dahil sa mukha niya.

"A-anel! Hehehehe kamusta??? HEHEHEHE!" pilit na tawa niya, binatukan ko naman siya at inis na umupo.

"Eh, kung lunurin kita sa bowl? Gusto mo? Tss.." singhal ko sakaniya.. "Tumalikod lang ako, kung ano-ano na 'yang pinagsasabi mo d'yan. Babangasan ko 'yang mukha mo."

"Sorry na! Joke yun! Yie, love you!"

'Ang lakad ng loob mong hamunin ako, ikaw tong duwag!'

...

Yiee, I'm done with the Chapter 16! Yipee!

♡︎♡︎♡︎

Continue Reading

You'll Also Like

393K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
357K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...