She's Dating The Crown Prince...

By sassyabhie05

38.2K 845 166

"I'm willing to take off my crown and step down from my throne, just please stay by my side and be with me fo... More

PROLOGUE~
Chapter ONE: The deal.
Chapter TWO: I got caught.
Chapter THREE: The real deal.
Chapter FOUR: A mistake!
Chapter FIVE: Rejection.
Chapter SIX: Mad Czarina.
Chapter EIGHT: Her Secret.

Chapter SEVEN: The bad actor.

2K 48 5
By sassyabhie05

 dedicated sa kanya, bagong fan ko daw at love niya ang She's Dating the Crown Prince. Ayiie. Salamat :">

PM nlang ulit ung mga nagpapadedic para hindi ko makalimutan. Wooo. Kalerkey! comment naman kayo hah ^_^

Vote na din :)) Salamat.

--sassyabhie05

***************************************************************************************

[KAIZER’S POV]

“Mirko!Mirko!” tawag ko kay Mirko habang pandalas akong nagsuot ng sapatos ko. Kunot noo naman siyang lumingon habang nakamasid sa ginagawa ko. Masanay na kayo dyan kay Mirko, Man of few words kasi yan, kaya puro facial expressions lang ginagawa niyan, hindi palá salita amuyin niyo hininga, ambaho. Hahahaha, de joke lang -.-

“Yung tungkol sa isang linggo, yung Party, kailangan ko ba talagang pumunta?” tanong ko sa kanya. Alam niyo kase, may HANGUK-Philippine friendship day party lnext week, at dahil andito kami ni Mirko, naatasan kaming umattend, hindi na lang kami gaanong ieexpose sa media pero kailangan naming pumunta para i-meet ang president ng Pilipinas gayon na din ang Korean Ambassador namin dito sa Pinas. Taon-taon ang ganitong pagtitipon, kaya lang, ito ang unang beses na dadalo ako, karaniwan kasi si Mirko lang ang naattend, dahil kung hindi ako nasa Hanguk Empire, may sakit ako. Hindi yun palusot hah -.- may sakit talaga ako. Hahahaha, defensive? XD

“Uh-huh” walang kabuhay buhay na sagot niya, asa pa akong sisigla yang si Mirko. Tsk.

“Osige. Magdadala ka ba ng Date mo?? ^_^/” tanong ko na naman sa kanya.

“-____- hindi.” Tapos tumalikod na siya.

“Hoy! Hoy! Mirko... May itatanong pa ako.” Pero mabilis na nakalabas si Mirko mula sa pinto ng bahay namin. Anak ng tokwa naman oo. Bastusin talaga, may sasabihin pa ako eh, lumayas agad >_<

“magsasama ba ako ng date?” tanong ko sa sarili ko. Baliw ako eh, pasensya naman. Hahaha

“Kamahalan!”

“Ay Kabayo!” napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang matang humarap sa tumawag sa akin, “Mr. Kim, bakit naman ho kayo nanggugulat? Papatayin niyo ho ba ako sa nerbiyos? Sayang lahi ko Mr. Kim, ‘wag ganun.”

*kamot ulo* “Pasensya na kamahalan, narinig ko kasi yung tungkol sa Party next week.” Sabi ni Mr. Kim habang nakatungo.

-.- hindi din Tsismoso si Mr. Kim ‘diba? Mana sakin. Tss

“Oh? Anong meron dun Mr. Kim?” tanong ko naman sa kanya.

“hindi ho kaya mas magandang magdala kayo ng date? Balita ko may anak na dalaga si Mr. Aguilar, yung Presidente ng Pilipinas, eh patay na patay daw ho sa inyo yun eh.” Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

Makuto si Mr. Kim =_= “Alam ko namang maraming patay na patay sa akin, pero hindi ko akalain na pati anak ni Mr. President ee nadala sa Charisma ko. Delikado nga ako sa party na iyon, baka pikutin ako.” Naiiling na sabi ko.

“Oo nga Kamahalan, kaya kung ako sa inyo, magdala na lang kayo ng date niyo. Sayang kasi kamahalan no? Wala dito si Miss Miles, wala na tuloy---”

“HEP!HEP!HEP! ang daldal mo na Mr. Kim, alis na ako.” Tapos madali akong tumalikod sa kanya at tinungo ang pinto palabas.

Tss. Pasaway iyong si Mr. Kim hah, ang ingay masyado. Tsk. Tumingin ako sa relo ko, 7:15. 7:15 palang naman---- “7:15??? Osyet! Late na ako!”

***

[CZARINA’S POV]

“Good morning Bespren!” sabi ni Carmela at umupo pa sa upuan ni Kaizer, na katabi ko -.-

“Anong good sa morning kapag nakikita ko yang pagmumukha mo? =_=” nakasimangot na tanong ko sa kanya. Nag-pout naman si Carmela at umabrisyete sa akin >_<

“grabe ka naman Bes, bakit ganyan ka? Hindi ka marunong mag-appreciate ng maganda?” naka-pout padin na sabi ni Carmela. Sa inis ko, inalis ko yung kamay niyang nakaabrisyete sa akin and glared at her. “Marunong ako makaappreciate ng maganda kaya nga hindi kita naaappreciate eh =_=” sabi ko sa kanya tapos naglabas ng notebook at kunwari’y busy sa pagbabasa.

“Les-shee ka Bespren! Nako. Sa ganda kong to, bulag lang ang tatanggi sa beauty ko.” Sabi na naman ng baliw kong bestfriend at naglabas ng salamin at iniinspeksyon ang pagmumukha niyang maganda daw.

“Edi bulag pala si Xiu Min? Hahahahaha.” Napapangiting banat ko sa kanya.

*gasp* “OMYGHAD! Wag mo ngang mabanggit banggit sakin ang pangalan na yan, isinusumpa ko ang buong pagkatao niya! Badtrip!!! ARGH!” tapos nagpapadyak pa ang loka-loka. OA naman ‘tong si Carmela. Hahahaha

“Hey! Wag kang ganyan, maya mo mainlove ka kay Xiu Min lulunin mo lahat ng mga pinagsasabi mo eh. Ikaw din, crispy yan kapag nagkataon. Hahahaha” pang-aasar ko pa sa kanya, pinukol niya ako ng masamang tingin at pagkaraan ay tinampal sa braso.

“Aray hah! Masaya ka, nananakit ka! Gusto mong ako manghampas sayo?” nakataas ang kamay ko at nakaamba na sa kanya ng sabihin ko yun.

Umasim na naman ang mukha ni Carmela, “Ang galing mo talaga mag-asar! Bruha ka talaga!” tapos hinigit niya yung buhok ko. Sumosobra na to sa pananakit -.-

“Ipukpok ko kaya sayo tong notebook ko Carmela hah?? Gusto mo? Bangasan ko yang kagandahang sinasabi mo hah??” nanlalaking mata kong amba sa kanya habang nakataas ang notebook ko hawak ng isang kamay ko. “Saka, may usapan tayo Carmela, remember, hahahaha. Isang date lang naman, yung akin nga isang buwan akong *ehem* alila. Badtrip!” tapos umayos na ako ng upo at inilagay ang magkapatong na braso ko sa harapan ko.

“Bespren. Iba na lang puh-lease?? T^T” sabi ni Carmela habang hinihigit-higit pa yung uniform ko. “maawa’t mahabag ka na sa akin, tulungan na lang kitang ipasalvage si Prince kung gusto mo.” Sabi niya habang naka-pout na naman sa akin, ang hilig magpout hah? Pacute lang Carmela? -.-

“magandang idea, pero, kaya ko namang ipasalvage si Alien mag-isa eh, kaya makipagdate ka na kay Nerdy. Hahahaha” natatawa na namang sabi ko sa kanya. Padabog na tumayo si Carmela at nagmartsa palabas ng classroom. Pikon talaga, sabe ko na eh. Si Xiu Min lang katapat nitong bruha kong bespren eh. Hahahaha

Nagbuklat na lang ako ng notebook ko, baka sakaling may mapala pa ako kesa intindihin mga tao sa paligid ko na walang ginawa kundi dumaldal at magtsismisan. >:DDD

*Buklat, Buklat, Buklat* ok? Accounting. Dahil mahina-hina ako dito, eto na lang basahin ko, para naman kahit papaano eh hindi ako mapahiya kapag tinawag ako sa recitation later.

“Ok?? Debit, Credit, debit, Credit. Kapag Increase in Asset, debit, Increase in Liabilities, Credit. Ahhh. Ganun lang pala kasim--”

“Ano yang ginagawa mo?”

“Nag-aaral na--” napakunot noo ako at lumingon sa pinanggalingan ng boses na nagsalita.

O_____O -- Ako

>____> -- Siya

O____O -- Ako

-____- -- Siya

“AAAAAAAAAAAAAAAAh!” tapos itinulak ko siya, napatayo ako, habang siya naman natumba at napasalampak sa mga upuan, particularly sa pwesto nina Carmela, nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, waring nagulat siya sa pagkakatulak ko sa kanya >____<

“BALUGA KANG ALIEN KA! ANONG GINAGAWA MO HAH? BASTOS KA! MANYAK!” litanya ko habang hinahagis sa kanya ang mga gamit na nahahagip ko at siya naman ay todo ang sangga at ilag sa mga tinatapon ko.

“Teka naman Cza, wag ka ngang OA---ARAY! Teka nga, hindi naman kita inaano dyan eh---ARAY! Tinatanong lang kita eh—ARAY!” sabi niya habang binabato ko siya, hanggang sa....

*GASP*

Nanlaki ang mata ko, Yung malaking libro yung nabato ko sa kanya at tinamaan siya sa ulo. Nanginginig ang kamay na nabitawan ko yung susunod ko dapat na ibabato sa kanya. Napasigaw yung iba kong kaklase at agad na dinaluhan si Kaizer. Samantalang ako, nakatulala lang akong nakatingin sa kanila. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maalis yung mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Nang mahimasmasan, Agad ko siyang nilapitan, at tumabi ang mga kaklase ko.. “Uy, Alien---este, Kaizer! Gising! Hindi ko sinasadya! Ikaw kasi eh. Bakit kasi ang lapit lapit mo sa mukha ko, tapos, tapos... Sorry na.” Sabi ko sa kanya, habang inaalog-alog siya. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.

“Hala ka Czarina, patay na ata si Prince, panigurado papatawan ka ng death penalty ng Hanguk Empire, Lagot ka! Pinatay mo Prinsipe nila.” Sabi ng isang classmate ko.

Pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako.

“K-kaizer...” nilapit ko yung mukha ko sa kanya para tingnan kung humihinga pa siya. “Kaizer?? Bakit hindi ka nahinga?” hinawakan ko yung pulso niya. “nagbibeat pa naman yung pulso mo.” Tapos inilagay ko yung kamay ko sa tapat ng dibdib nya. “Oh? Natibok pa naman puso mo. Bakit hindi ka na nahinga??” naiiyak na talaga ako. Ayoko ng ganito. Sorry na talaga. Hindi ko naman sinasadya eh.

“bakit mo kasi hinagis yung mga gamit sa kanya? Ayan, nasaktan tuloy siya, kapag may nangyari sa kanyang masama lagot ka talaga, nako, baka---”

“kaysa puro daldal ang ginagawa niyo dyan bakit kaya hindi niyo na lang siya dinala sa clinic ‘diba?” napalingon ako sa nagsalita. Blangko ang expression sa mukha ni Mirko. Lumapit siya sa tabi ko. “sumama ka sa clinic.” Sabi na lang niya tapos binuhat niya si Kaizer.

Nanginginig ako ng sumunod ako sa kanya. Hirap akong igalaw ang buong katawan ko para makalakad pasunod sa kanila. Medyo nahuhuli ako sa kanila.

“grabe talaga si Czarina, parang walang puso, nakita niyo yung reaction niya kanina, parang ewan lang, parang kasalanan pa ni Kaizer yung nangyari. Nako. Malala na talaga siya.” Narinig kong sabi nung isang babae. Hindi ko na lang iyon pinansin at sumunod na lang kay Mirko, nakasalubong namin si Carmela, nagtatakang tumingin siya sa akin. Tapos biglang nagbago yung expression niya, parang bigla siyang nag-alalala. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Czarina, anong nangyari??” nag-aalala ang tono niya, nanatili akong tahimik, hinawakan niya ang braso ko. “ok ka lang??” tanong niya sa akin. Nanatili parin akong tahimik.

Hinarang ako ni Carmela at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Czarina Sy! Ok ka lang ba?” medyo mataas na ang boses ni Carmela ng tinanong niya ako. Tumingin ako sa kanya. Naiiyak na ako, pero ang mas matimbang sa nararamdaman ko ay parang nahihilo ako... hanggang sa, nag-itim ang buong paligid ko.

“CZARINA!” tawag sa pangalan ko ang huling narinig ko...

***

[MIRKO’S POV]

“CZARINA!” napalingon ako sa likod ko, nakita kong nasa kandungan na ni Carmela ang walang malay na si Czarina. Napatingin ako kay Kaizer. Aish. This guy, really.

“Pwede bang pakidala si Kaizer sa clinic? Ako na ang bahala dito sa mga kaklase ko, salamat.” Sabi ko sa dalawang lalaking nasa malapit ko na nagmamasid lang sa nangyayari. Agad naman nila akong tinulungan para makuha nila si Kaizer at agad silang tumalima sa ibinilin ko. Tumakbo ako pabalik kina Carmela.

“Anong nangyari?” nakatingin ako kay Czarina, namumutla siya. Agad ko siyang binuhat.

“b-bigla na lang siyang nawalan ng malay, marahil sa sobrang nerbiyos.” Naiiyak na sabi ni Carmela.

“bilisan na natin.” Sabi ko at nagmamadaling bumaba sa may ground floor.

“Mirko!” napahinto ako at kunot noong tumingin kay Carmela, “sa parking lot tayo.Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“bakit?? Malapit na tayo sa clinic.” Naguguluhang tanong ko sa kanya.

“basta, sa Ospital ko siya dadalhin. Pasuyo na lang please.” Tumango na lang ako sa kanya at sinundan siya patungo sa kotse nila.

“Sasama ako.” Sabi ko sa kanya ng maisakay ko na si Czarina sa kotse nila.

“hindi na Mirko, si Kaizer na lang ang intindihin mo. Salamat.” Tapos sumakay na siya sa kotse at inutusan ang driver nila na paandarin ito.

Nakatingin na lang ako sa papalayung pigura ng sasakyan nila.

“Anong nangyayari kay Czarina?? Bakit ganun na lang kung mag-alala si Carmela??”

***

[KAIZER’S POV]

“sa tingin ko naman Ms. Principal, hindi sinasadya ni Ms. Czarina Sy ang nangyari. Bakit hindi na lang ho natin hintayin na magkamalay si Kaizer para po mas malinaw ang nangyari? Besides, siya lang po ang makakausap natin ngayon, nasa Hospital po si Ms. Sy.” Nagmulat ako ng mata, sa tabi ko, nabungaran ko na nag-uusap si mirko at si Ms. Principal.

Napalingon sa side ko si Ms. Principal at dali-daling lumapit sa akin, “Prince Kaizer, are you ok??” halata ang pag-aalala sa boses ni Ms. Principal.

Alangan akong ngumiti sa kanya, “Ah. Opo, nakatulog lang naman po ata ako? Hehehe. Pero, wala pong masakit sa akin.” Nagkakamot ang batok na sagot ko sa kanya.

“Mabuti naman kung ganoon. ‘wag kang mag-alala, nakahanda na ang ipaparusa ko kay Ms. Sy para sa bagay na ito. Nararapat lang na---”

“WAG PO MA’AM!” putol ko sa sinasabi ni Ms. Principal. Gulat siyang napatingin sakin dahil sa sinabi ko. “I, I mean, wala naman po talaga siyang kasalanan, ako po, ako po ang may kasalanan, sobra ko po kasi siyang inasar noon, hindi naman po niya sinasadya, ako po talaga ang nagsimula nito Ma’am, kaya kung pwede po, ako po ang parusahan niyo.” Sabi ko sa kanya, napatingin ako kay Mirko. Napapailing na lang siya.

“pero kahit na, I can’t tolerate her violence over this matter. Look at you, muntik ng kung ano mangyari sayo dahil sa pagiging pikon niya. Eh paano pala kung may masamang mangyari sayo? isa pa, kasiraan ng buong paaralan iyon. Nasa isang kilalang paaralan kayo kung saan tinuturuan kayo ng magandang asal, tapos ay ganito ang gagawin niya. I think nararapat lang na patawan siya ng mabigat na parusa para matuto siya.” Sabi ni Ms. Principal. Patay na talaga. Kasalanan ko to eh >_<

“kung ganon po, dapat ay managot din ako, dapat ay parusahan niyo din po ako, ako po ang pinag-ugatan ng nangyari nararapat lang na sa akin po ang mabigat na parusa at hindi sa kanya Ma’am.” Determinadong sabi ko kay Ms. Principal. Kumunot ang noo nito

“Seryoso ka ba Prince Kaizer?” naniniguradong tanong niya.

“Opo.” Matatag na sabi ko sa kanya.

“*ehemm* Okay, I’ll review the case and let’s see what punishment you will receive as well as Ms. Sy. I’ll go ahead Prince Kaizer, Prince Mirko.” Paalam niya sa amin ni Mirko. Sinundan na lang namin siya ng tingin hanggang sa lumabas na siya sa silid na kinahihigaan ko.

Lumapit sa akin si Mirko, “Can you explain what just happen a while ago? And please, be honest.” May awtoridad sa tono ni Mirko, umandar na naman ang pagiging mas ‘matanda’ niya kuno sa akin.

“Wala naman talaga, nagtanong lang ako sa kanya, hindi ko naman sinasadya na napalapit ako sa kanya kaya nung lumingon siya sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa, and then, ayun, nag hysterical na siya, hanggang sa maibato niya sa akin ang libro at---”

“nagpanggap kang nawalan ng malay.” Dugtong niya sa sinasabi ko.

“Oo, yun nga, hanggang sa nagpang--- Teka?? Alam mo?? O.o” nanlalaking matang tanong ko kay Mirko.

Nagsmirk siya, “You’re not a good actor Kaizer, you can’t fool me. At ang tatag mo talaga no? Hindi ka manlang natinag kahit nahimatay na si Czarina.”

O.o?? “Nahimatay siya??”

“Yes. Kaya kita ipinabuhat sa iba, syempre mas tutulungan ko yung NANGANGAILANGAN talaga ng tulong ko, kesa sa nangangailangan KUNO ng tulong.” Sabi ni Mirko, naiiling na tumalikod na lang siya sa akin.

Teka... hindi ko alam iyon ah, akala ko, wala lang yung kay Czarina, akala ko naman kung bakit lang nagpalahaw si Carmela, nahimatay pala si Czarina, at iyong dalawa namang nagbuhat sa akin, puro reklamo ang narinig ko, hindi manlang sila nag-usap sa nangyari... tapos, ayoko pa naman ng kung anong gamot ang pinapainom o tinuturok sa akin, nakakatulog kasi ako eh, kaya nung tinurukan ako ng kung ano ng nurse, nakatulog na ako. >__________<

Patay. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang nagawa ko. Err. Kokonsensyahin ko lang naman talaga si Cza eh, pagtitripan ko lang naman talaga siya, masakit naman talaga yung pagkakatama ng libro, pero, hindi naman ako nahimatay...

Nagpanggap lang ako.

*******************************************************************************

 AUTHOR'S NOTE:

ulit? hahahaha. Ayan, kung mapapansin niyo lame yan. LOL. hahahaha, wala pa akong matinong plot, nag-iisip pa ako ng matino, puro puchuu na ba naman story ko. hehehe. Mianhae~

basta, salamat sa patuloy na sumusuporta. pabasa na rin ng iba kong stories hah. Thank you :****

--sassyabhie05

Continue Reading