Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

127K 3.1K 797

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[6]

2.4K 77 26
By redvelvetcakes

Tumambay muna ako sa may canteen at umupo doon mag-isa. I don't know if anyone really noticed I was gone but I didn't care. I just needed this alone time with myself.

Umupo ako dito habang tinitingnan ang mga taong kumakain na may kasama. It reminded me of my childhood. Madalas din ako kumain mag-isa nung bata ako dahil may mga trabaho sina Mama at Papa.

Sinandal ko ang ulo ko sa kamay ko. I was just fumbling with my phone when someone sat in front of me. Agad ko naman napansin kung sino yun.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" Mason asked.

I gave him a small smile.

"Why are you here? Hindi pa tapos ang open mic, ah?" I answered.

Noon pa man, mabait na siya sa akin. Lagi niya akong dinadaldal at kinakausap. Alam niya kase na mahiyain ako at hindi ako ang uunang kakausap sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin. Tinaas ko naman ang kilay ko sa kanya.

"Bakit ka tumitingin?" tanong ko.

"Malungkot ka," puna niya.

"Ha? Hindi ah," sabi ko. Inayos ko rin ang upo ko at ngumiti sa kanya. "Eto oh, ngumingiti ako oh,"

Tumawa siya ng mahina. "Hindi naman abot mata."

Tumikhim ako at binalik ang tingin sa cellphone ko. I just kept thinking about what happened earlier. Totoo nga kaya? May gusto siya na iba? Kung totoo man, ano naman sa akin?

"Gusto mo sumama mamaya?" he asked. I twitched my lips and raised one brow at him. Wondering what he meant. "Iinom mamaya."

I swallowed, suddenly remembering what happened to me the last time I was drunk.

Umiling ako. "Seventeen lang ako,"

"Sus, hindi naman kailangan ng ID!" he said.

Sa totoo lang, madalas kami ni Emma uminom. Kaso, pag kasama lang siguro namin yung iba namin kaibigan o pag kaming dalawa lang.

Pero hindi ko alam kung bakit ko gustong uminom ngayon. I don't know if it's to soothe the loneliness in my heart? I know alcohol can't really fix anything but at least it makes you temporarily forget about it.

"Mukhang gusto mo rin eh, yiee pinagiisipan!" Mason teased.

I chuckled. "Sige na nga!"

A drink wouldn't hurt. I think.

Pagkatapos nung open mic, tinapos ko lang muna saglit ang mga responsibilities ko sa org at inayos ang mga gamit ko. Sabi naman ni Mason didiretso na daw sila doon. I wonder kung kasama si Gray? I guess, I should start getting used to seeing him and ignoring him.

"Uwi ka na?" Yasmin asked.

"No. May pupuntahan pa ako." sagot ko.

Tumaas ang kilay niya. "Sa gabi?"

I nodded. "Yes. Gabi."

Hindi naman niya ako tinanong pa at umalis na rin ako. I chatted Mason and he told me to wait by the street. I quickly spotted him and smiled.

"Umiinom ka pala, Lia?" Blue, our blockmate asked me. "Akala ko, innocent ka at mahinhin." he says chuckling.

Natawa naman ako doon. Ganon ba talaga ang tingin nila sa akin?

Pagdating namin sa table ay nagulat ako at halos kokonti lang pala kami. Mga tatlong babae lang siguro kami dito.

"Uy, Lia! Buti nakahabol ka!" bati ni Alice.

Umupo ako sa tabi niya. The bottle of alcohol is already in the middle. I am guessing they take turns in taking shots. Agad naman naglagay si Mason sa isang baso.

"Oh, shot mo." he told me.

Kinuha ko naman yun at ininom agad. The taste of alcohol awakened my senses. I am confident that I have high tolerance so I guess I can still manage to go home.

"Lakas!" sabi ni Derek.

Napansin ko naman na wala si Lester at Gray dito. Si Mason at Derek lang ang magkasama. Siguro nasa concert pa yung dalawa.

I drank more shots. I can feel the alcohol entering my systems, taking over my mind.

"Lia, may pag asa ba ako sayo?" tanong ni Mason.

Naghiyawan naman yung mga kasama namin. Naintindihan ko ang tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

Natawa ako. I don't know why I feel like laughing when he asked me that. Maybe it's the alcohol.

Medyo malabo na sa akin ang mukha niya ngayon.

"Joke lang! Sandali, kuha lang ako ng bote." paalam niya.

Umalis si Mason at naiwan ako kasama ng mga iba namin blockmates.

Mas tumawa naman ako lalo. Hindi ko alam kung bakit tawa nalang ako ng tawa. Medyo gumagala na rin yung mundo ko.

"Lia," Derek called.

"Oh?"

"May pag asa nga ba si Mason sa'yo?" he asked.

Tumawa ako ulit. "Wala." sagot ko.

"Oh shit, pre." sabi ni Jacob.

Nararamdaman ko na ang pag-ikot ng mundo ko at natatawa nalang habang ngiting-ngiti. Buti nalang talaga bumaba saglit si Mason.

"Hindi ko siya type... kase may iba akong gusto." sabi ko.

I couldn't see their faces clearly. Pero kita kong tumingin silang lahat sa akin.

"Gusto? Nasa block ba?" tanong ni Alice.

I nodded and smiled. "Oo!"

Bumalik na si Mason at nilapag ang bagong bote. Lahat sila napatingin sa kanila habang ako naman nakababa na ang ulo sa table.

"Pre, lasing na ata." rinig kong sabi ni Derek.

Mason looked at me. "Hindi pa," I said, sitting up straight.

"Oh, di pa daw. Inom pa!" Mason cheered.

Ngumiti ako at tinanggap naman yung binigay niya sa akin. I saw Alice, face-palm habang si Derek naman ay umiling-iling lang naman.

Maya't maya naman ay bumaba na kami at umuwi na daw. Medyo lasing na rin yung iba kaya kailangan na umuwi. Halos makalimutan ko naman na may event pa ako bukas. Nakakatamad.

Inaalayan lang ako ni Diane at Mason habang pagewang-gewang ang lakad ko. I just kept laughing habang palakad kami sa LRT station. Balak pa namin na habulin ang last trip.

"Pasampal ako please..." I said. Kailangan ko mahimasman. Wag sana ako pagalitan ni Mama, pag-uwi.

"Ha?" si Diane.

"Sampalin niyo ako!" pamimilit ko.

Naramdaman ko naman ang mahinang sampal sa pisngi ko. It wasn't that strong pero medyo nahimasmasan naman ako. I smiled.

"Uy, bakit mo naman sinampal?" sabi ni Derek.

"Nagpapasampal eh!"

Hawak-hawak lang ako ni Hansel, isa rin namin na blockmate hanggang sa nakarating kami sa LRT station.

"Bye guys, ingat!" bati niya habang hawak ako. My head is still spinning.

"Ingatan mo yan, Hansel ah!" rinig kong sabi nila.

"Oo nga!"

I tried to compose myself. Umiikot pa paningin ko pero pakiramdam ko naman kaya ko. Nakauwi na ako dati ng lasing kaya ko 'to!

"Okay na ako." sabi ko nung kaming dalawa nalang.

Sumampol ako ng lakad papasok. "Okay na ba?" bulong ko sa kanya.

Tumawa lang naman siya. "Baliw ka talaga,"

Hindi ko na namalayan na nasa LRT na pala kami nakaupo. Nakasandal din pala ako sa balikat niya.

Ginising niya naman ako nung nasa station na kami. I fixed myself and tried to make myself steady. Nakaalalay lang naman siya sa akin.

Naglalakad kami papunta sa sakayan ko nung lumayo ako sa kanya.

"Uwi ka na. Mapapalayo ka pa. Kaya ko na 'to." I said.

"Talaga? Sure ka?" he questioned me.

Tumango ako. Medyo nasa katinuaan naman na ako. "Basta! bye!"

Dire-diretso naman ako ng lakad. Napansin ko rin naman na umiling siyang naglakad na rin sa daan niya. Kaya ko naman na talaga.

I suddenly felt like I'm about to vomit kaya pumasok ako sa isang fast food at nagsuka sa CR. Damn it!

Hindi ko na maalala ang nangyari at nakaupo na pala ako dito sa floor. Halos madikit ko na rin yung mukha ko sa bowl sa sobrang pagsusuka. Hindi kase ako kumain bago uminom, tsk.

I brought out my phone and saw some messages. Hindi na ako makatayo dito. I started panicking.

Nakita ko naman na nag-message si Emma kaya nireplyan ko siya. Siguro kanina pa yun.

Sinubukan ko naman ayusin yung kalat ko dito sa stall. I cleaned up my mess with the wipes I have in my bag, buti nalang.

I suddenly heard someone banging on the door. I probably look like a dead person here with the way I am sitting.

I was so scared to go out kaya hindi ako gumalaw. I still managed to put my phone in my bag at inayos ang sarili ko. I need to go home!

Paglabas ko ng stall, I just washed my face para lang magising ako. I wasn't successful though. Naglakad nalang ulit ako sa labas. I didn't know if I was walking straight but at least I'm conscious.

I walked past people who were also drinking. Dire-diretso lang naman ako hanggang sa makarating ako sa may jeep.

"Kuya, bayad po!" I shouted.

Sinandal ko na ang ulo ko sa may dulo. Konti nalang nakasakay dito. I suddenly felt like chatting something again to assure I am now fine kaya naman ginawa ko yun at binalik rin ang phone sa bag.

Bigla ko naman naramdaman na naman ang suka kaya nilabas ko ang plastic na meron ako at sumuko doon. Buti nalang meron ako!

I didn't know what happened but I woke up on my stop! Ako nalang din ang tao dito!

Agad naman akong bumaba. Tinapon ko rin sa basurahan ang plastic ko. I have to cross a road and walk. Fuck, I am never drinking again without assuring I have someone to go home with.

I managed to arrive at home safely naman at nabuksan ko pa naman ang pinto namin. Pagbukas ko nakita ko kaagad si Mama.

"Liliana, ano? Lasing ka na naman?" salubong sa akin ni Mama.

"Luh, hindi ah!"

I felt like vomiting again so tumakbo ako sa CR at sumuka doon. Nanatili naman nakabukas ang pinto ng CR kaya nakita ni Mama.

"Nako, ikaw talaga." rinig kong sabi niya.

Medyo conscious na ako. Naghubad nalang din agad ako ng damit at inutos kay Mama ang damit kong pantulog dahil liligo ako.

Pagkapasok ko naman maligo ay dumiretso na ako sa kama. My head is still spinning and I can't believe I just did that! I managed to go home in that state! Though, I'll never do that again.

I was about to sleep when I checked my phone and saw a message from one of my superiors, asking me to edit something.

"Fuck," I said, getting my laptop and doing what I had to edit. My head was still spinning but I'm still operational.

I did what I had to do and fell asleep after.

When I woke up the next morning, I could feel the heaviness of my head due to how much I drank last night.

"Pucha." I cursed and grabbed my phone.

Nagulat naman ako sa dami ng messages! Most of them were from our GC. Napansin ko rin na wala pala ako nasend na message kay Emma kaya ang dami niyang messages sa akin.

Yasmin Fortalejo: oh my, what happened

Alice Muerte: kasama namin uminom haha

Yannie Reyes: lasheng

I scrolled more and saw a pic of me na naka sandal sa balikat ni Hansel sa may LRT! Mukha akong lasing na lasing.

I scrolled up and saw that the messages I was supposed to send to Emma were sent in the GC. Ang dami na nakakita!

Lia Dela Fuentes:
shit i'm stuck here sa CR
idont kkod howninwould get out
alam mo, im borieksnnheatts
maskskan huhu

Diane Santos: anyare

Mason Hernandez: huy, @/Hansel bat mo iniwan?

Hansel Dolid: hala sorry, sabi niya ok na siya eh

Lia Dela Fuentes:
nvm, pauwi na ako
kasakay na jeep

Napasapo ako sa noo nung nakita yun. What the fuck, nakakahiya!

"Oh, ano. Gising ka na ngayon?" sabi ni Mama.

Napapikit ako ng mariin at sinandal ang ulo ko sa headrest ng kama ko. Umiling-iling lang naman si Mama. May nilapag siyang inumin sa tabi ng kama ko kaya napatingin naman ako doon.

Parang ayaw ko na magpakita ngayon! Masyado nakakahiya kaya! Maiintindihan naman siguro nila diba kung may sakit ako? It's a valid reason. Ang sakit kaya ng ulo ko. Pakiramdam ko di na ako makakabangon.

"Yas, I don't think I can go today."

"Oo talaga, gaga! Bakit ka kase uminom? Grabe, yung mga picture mo oh, lasing na lasing ka. Sabihin mo nga sa akin? may problema ka ba?" tanong niya sa akin.

"Wala. Na-feel ko lang talaga uminom." sagot ko.

"Sige, ako na bahala sa'yo. Pahinga ka nalang dyan." she told me.

Pagbaba ng linya ay nakatulog ako ulit. Nagising naman ako nung hapon na. Halos di na ako nakakain, nakaligo at nandito ako sa kwarto mula kagabi pa. Agad ko naman pinilit ang sarili kong maligo kahit medyo hirap.

Mabilis lang naman ako naligo at nag-ayos nalang ng mabuti. Paglabas ko naman ng kwarto, nakita ko si Mama na nasa dining at kausap si Tito Remy. Si Tito Remy, yung kaibigan ni Mama na madalas nandito. Ang lakas din niyang magbigay ng mga regalo sa akin. Dito na rin siya natutulog minsan.

"Oh, tingnan mo 'tong si Liliana. Nakalabas ka rin ng kwarto. Gusto mo ba kumain? May ulam dyan." sabi ni Mama. Tuamngo nalang ako.

Hindi naman ako tanga. Alam ko posibleng may something sa kanila. Pero siyempre hindi sasabihin sa akin ni Mama yun.

"Sa kwarto na ako, kakain." paalam ko sa kanya.

Hindi naman niya ako pinansin at patuloy na nakipagusap kay Tito Remy. Umiling nalang ako at dinala ang pagkain doon. Sanay naman ako na kumakain ako mag-isa. Nothing new.

I decided to check my IG story habang kumakain ako. Agad naman na bumungad sa akin ang IG story ni Sheryl. Kasama niya ang mga blockmates namin... at nandun din si Gray. Ngayon siguro 'to. I hate that I missed this day dahil lang sa nangyari sa akin. Partially, kasalanan ko naman.

I thought about my feelings for Gray. I must do everything to not think about him. To stop liking him. I'll only end up breaking my own heart kung itutuloy ko 'to.

Pagbalik ko nung Tuesday, pakiramdam ko ayaw ko na pumasok. Nakakahiya talaga! Yung itsura ko pa dun sa picture! Grabe, nakakahiya talaga. Tapos yung mga drunk texts ko. Naikwento ko na rin lahat ng yun kay Emma at tinawanan niya lang ako. Yung gagang yun! Pag sa kanya nangyari yan ha! Tingnan natin!

"Oh! Lia, kamusta. Hindi ka na nakapunta nung sumunod na araw ah?" tanong ni Blue. "Ayos ka na ba?"

I nodded. "Ayos lang ako."

Ngumiti lang siya kaya umupo naman ako agad sa upuan namin. Kinusot ko lang ang mga mata ko habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Si Allie palang kase ang nandito. Makulit din 'to pero busy siya ngayon sa phone niya.

Naramdaman ko naman na may dumaan sa harap ko at gumalaw ang upuan sa tabi ko. Agad naman ako humarap doon, dahil akala ko si Yasmin, pero laking gulat ko at si Gray pala!

We had eye contact kaya agad naman ako umiwas ng tingin. Nakakahiya naman kase! I feel like it's scarred me now! Hindi ko na ata makakalimutan 'to.

Nakita kong pumasok si Mason. Agad naman din siyang lumapit sa akin. Halatang magtatanong.

"Kamusta?" he asked.

"Ayos lang." sagot ko.

I glanced at Gray. Tahimik lang niyang ginagamit ang phone niya. Hindi naman ata siya nakikinig at mukhang abala sa phone.

"Pasensya na, dapat hinatid nalang kita. Sorry." nahihiya niyang sabi. Hinarap ko naman siya at ngumiti.

"Ano ka ba? Okay lang yun! Kaya ko naman eh," I said, assuring him.

"Basta, next time! Ako na bahala sa'yo!" he told me before he went to his seat.

I felt awkward. Isipin mo nalang Lia na normal na classmate lang yan. Hindi mo siya crush. Mas lalong hindi mo siya gusto. He's nothing to you, just a friend. Just a blockmate.

Nagawa ko naman na hindi siya tingnan buong oras na may klase. Hindi ko alam kung bakit sa lahat sa akin pa siya tumabi. Wala naman kami seating arrrangement.

"Lia," tawag niya.

Napatingin naman ako sa tawag niya. He only had a neutral expression on his face.

"Pahiram ulit ng ballpen..."

Binuksan ko ang pencil case at binigyan siya ng ballpen. Wala na naman ba siyang dala? Anong klaseng estudyante ba 'to? Pabor naman sa akin pero—

Wait, Lia.

Hindi nga sabi diba! Hindi nga.

Tinakpan ko ang mukha ko at sinubukan hindi tumili out of frustration. Nakakainis! Bakit parang iba yung sinasabi ko sa mga gusto kong isipin! Parang may sarili silang buhay na dinadala ako kay Gray. Eh, sa hindi ko nga siya crush! Gwapo lang siya, pero hindi ko siya crush.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Gray, who looked at me with concern. Agad naman akong ngumiti.

"Yes."

Binuksan ko ang phone at doon nalang inabala ang sarili. I noticed that he would glance at me kaya mas lalo ako nadistract! Bakit ba siya tingin ng tingin?

"Lia." tawag niya ulit. Pakiramdam ko alam ko na kaya binigay ko na kaagad sa kanya. Nagulat naman siya at binigay ko sa kanya yung sasabihin niya ata.

I smiled. "Alam ko na."

Binalik ko naman ang tingin sa phone. Nice job, Lia. Ang galing mo talaga!

Hindi na kami nagusap pagkatapos non. Binalik niya nalang ang ballpen at umuwi din naman ako kaagad.

The next day, may movie daw na ipapanood sa amin kaya naman kailangan namin pumunta sa school.

Medyo hirap pa nung sumakay ako ng jeep kase ang daming nakasakay. Tapos, traffic pa! Sana talaga umabot ako!

"Tagal naman." bulong ko sa sarili ko.

Kitang-kita ko rin ang pag tulo ng mga pawis namin dito sa jeep. Ang init-init na nga! Traffic pa! Kung sinuswerte nga naman oh!

Nilabas ko nalang ang phone ko at nagtwitter. Kahit doon man lang malibang ako.

I suddenly felt uncomfortable when I noticed na yung siko nung lalaki sa tabi ko ay nakadikit na sa right boob ko at medyo gumalaw pa. I glanced at him at nakatingin lang naman siya ng diretso. Mas dumikit pa siya sa akin at pinatong ang braso niya sa braso ko.

Agad ko naman tinanggal yun at gumalaw sa kaliwa. Baka naman kase masikip lang kaya ganon. Mas gumalaw naman yung nasa kaliwa ko pa kanan kaya mas napalapit ako sa lalaki.

Pinasok ko na ang cellphone ko sa bag dahil medyo malapit na. I tried not to judge people too easily, baka naman kase aksidente niya nga lang naipatong ang braso sa akin at nasikuhan ang boobs ko.

Nakapatong ang kamay ko sa hita nung naramdaman kong inaabot niya yun. I tried to be chill about it. Pero ramdam ko na ang bawat kabog ng dibdib ko.

Naipatong niya ang kamay niya sa kamay ko kaya naman mabilis ko din itong inalis. Malapit naman na... I can just walk faster.

Pagdating sa babaan, kabado akong bumaba ng jeep. I could feel my heart beating fast out of nervousness na parang kakawala na ito. I didn't even spare him a glance at dire-diretsong naglakad sa nilalakaran ako.

I felt relieved nung nakalayo na ako... but then someone tapped my shoulder.

It's the guy earlier.

"Miss, ako nga pala yung nakasabay mo sa jeep kanina. Pwede malaman pangalan mo?" he asked.

Umiwas agad ako ng tingin at mabilisan na na naglakad. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

"Miss... pwede ba malaman pangalan mo? Ako yung katabi mo sa jeep."

Konti nalang... Lia.

Napatingin ako dun sa guard. I badly wanted to say something pero hindi ko magawa. So... did he purposely touch me?

Mas binilisan ko na ang lakad hanggang sa hindi ko na namalayan na tumatakbo na ako, instead of taking the stairs, I took the elevator. Dali-dali akong pumasok in case na habulin niya ako.

I whipped out my phone and felt like anytime I could cry. First time na nangyari sa akin yun... as much as I want to shout at him at isumbong siya hindi ko magawa. I couldn't speak.

Paglabas ko ng elevator, I quickly ran inside the station at dali-daling pumasok at umakyat sa LRT Station. Hindi ko pa rin mapakalma ang puso ko sa kaba.

I tried to breathe normally pero hindi ko magawa.

I suddenly saw a familiar figure sa may bandang platform. Abala siya sa kanyang phone at siya lang ang nag-iisa sa part na yun.

I slowly walked at sinilip kung tama ba ako na siya nga yun, and I was right. I felt relieved. Napansin naman niyang sumilip ako at lumingon siya sa akin.

"Gray." naluluha kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

10K 345 39
SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from PUP College of Communication, never got...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
122K 4.6K 43
The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris Segovia, it is also the home of her dream...
95.9K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...