Mixtapes and Broken Promises

By allthelovehan

544 55 14

Avrey wrote a song for her boyfriend, Chase. They break up. A year later, she decides to release the song for... More

Mixtapes and Broken Promises
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

103 11 2
By allthelovehan

"Okay, class. Igrugrupo ko kayo sa tatlo para sa performance task niyo rito sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Since 35 kayo sa klase, mayroong isang pair tapos the rest trio na." Hay. Peta na naman.


"As Ms. Clemente is my best student sa klaseng ito and she takes part in the school paper, siya at ang isang maswerte sa inyo ang mag-pair. Okay, draw lots tayo." Avrey Clemente. She ranks first in the class. Kapag ba ka-pair siya, chill na at walang gagawin? Ang saya naman kung ganun!


"And the lucky one is... Mr. Espinosa!"


"'Yun! Yes!" Tinitigan ako ng buong klase. Shit. Nakahihiya naman 'to.


"Masyado ka atang masaya sa ka-pair mo, Mr. Espinosa?"


"Guys! Hindi niyo lang alam pero crush kasi talaga ni Chase 'yan si Avrey e!" Tinignan ko nang masama si Isaac. Mamaya ka sa'kin.


Tinignan ko si Avrey sa kaniyang inuupuan. "Laging kinukuwento ni Chase sa'kin si Avrey kesyo ang ganda raw t'yaka—"


"Isaac, utang na loob. Grade 11 ka na. Stop acting like a ten-year-old kid." Tinignan ko ulit si Avrey pero wala siyang imik simula kanina. May emosyon ba 'tong babaeng 'to?


"May point si Mr. Espinosa. Tapusin na natin 'yung draw lots para maibigay ko na sa inyo 'yung instructions para sa peta and we'll agree on the deadline later." Blah blah blah... Basta ang takeaway ko lang sa lahat ng sinabi ni Ms. ay maswerte ako sa partner ko. Hahaha.


"Class dismissed." Yes!


Nagmamadaling lumabas ng classroom si Avrey kaya pinigilan ko siya sa pinto. "Wait lang. Ano... Tungkol sa peta natin, hindi ba tayo magmimeeting para dun ngayon?" I smiled at her.


"We have a whole month to accomplish it. At kailan ka pa naging interesado sa peta? Ngayon lang ata kita nakitang pursigido ha."


"So ibig sabihin ba nun, pinagmamasdan mo ako lagi kaya napansin mo 'yan?"


"In your dreams. May iba ka pa bang itatanong? I have to go." Sungit naman nito. Wait, actually, hindi naman siya masungit. Naka-poker face lang talaga siya magdamag.


Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng pagkain ta's dumiretso na rin sa court. "Huy, Isaac! Halika rito. May kasalanan ka pa sa'kin."


"Babaligtarin mo pa ako e ikaw 'tong nagkwento tungkol kay Avrey noong isang araw. Sabi mo pa nga beauty and brains. Pa'no kung naniwala 'yun? Mamaya umasa pa."


"Ang kapal ng mukha mo, ano? Puro acads lang 'yun si Avrey. NBSB nga 'yun e. At kung magkakagusto man siya, malamang hindi sa katulad mong habulin ng girls. Hassle kaya nun! Daming kaagaw!"


"Alam mo namang wala akong ineentertain na kahit sino sa mga lumalapit sa'kin. Ayoko nga maging team captain kasi takaw-atensyon. Ikaw naman kasi Isaac, ang bano mo maglaro! Galingan mo naman para ikaw na ang piliing team captain next time. Hassle, lagi na lang ako."


"Maiba tayo. Grade 11 na tayo tapos pinayagan ka naman niyang mag-STEM imbes na ABM. Gusto ka pa rin bang mag-Business Ad ni tito?"


"Oo. Hindi na ata magbabago 'yung isip ni papa e. Mukhang disididong ipamana sa'kin 'yung kumpanya."


"'Wag kang sumuko. Papayag rin 'yan na mag-Architecture ka. May halos two years ka pa naman para subukang pilitin sila e."


Binuksan ko 'yung phone ko. Nagsscroll lang ako sa Facebook nang makita ko sa Suggested 'yung account ni Avrey. Hindi pa pala kami Facebook friends? 90% ata ng population ng babae sa school, inadd na 'ko.


"Huy, ano 'yan? Ay, si Avrey! Facebook friend mo na ata lahat ng babae sa buong school tapos hindi kayo friends? Si Avrey lang malakas!"


"Makapagsalita ka diyan. Akala mo naman friends sila sa Facebook."


"Oo. Inadd ko 'yan. Inaccept ako after 1 hour." Chineck ko at nakita ko 'yung mukha ni Isaac sa mutual friends namin. Binilang talaga ng loko kung gaano katagal siyang inaccept.


Inadd ko si Avrey. Tignan mo, wala pang 5 minutes, naaccept na niya 'yan.


Pero diyan ako nagkakamali. Natapos na 'yung klase namin sa Intro to Philo pero hindi pa rin niya ako inaaccept. Aba.


"Kanina ka pa check nang check ng phone mo diyan, may kachat ka sigurong babae no?" Wish lang nila na ka-chat nila 'ko. Napailing na lang ako sa sinabi ni Isaac.


Habang hinihintay 'yung next teacher, hinihintay ko pa rin 'yung notification.


Ginagamit niya naman ngayon 'yung phone niya. Ibig sabihin sinasnob niya talaga 'yung friend request ko? Makikipagsabunutan ata 'yung ibang babae para lang iaccept ko sila tapos sa kaniya wala lang?


Inaya ko munang lumabas saglit si Isaac. May 10 minutes pa naman.


Bumili lang kami ng tubig pati candy kasi Pre-Calculus 'yung next subject. Boring e.


Papasok na kami sa classroom nang...


"Huy, Avrey! Kanina mo pa tinititigan 'yang friend request ni Chase sa'yo. May balak ka bang iaccept 'yan? Kapag 'yan nicancel pa niya, naku!" Hahaha. Cute.


"Tara bro, CR muna tayo. Naihi ako bigla." Naihi sa kilig. Joke.

———

Inaccept ko na 'yung friend request ni Chase. Natakot ako sa sinabi ni Krystal e!


Chad Sebastian Espinosa: Hi, partner. :)


Halos mabitawan ko 'yung phone dahil sa notif. Kinurot ko 'yung pisngi ko. Baka mamaya nananaginip lang pala 'ko!


"O! Napano ka? Para kang nakakita ng multo." Naku, Krystal. Mas malala pa 'to sa multo. Hindi ko sineen 'yung message niya kasi hindi ko rin naman alam kung anong irereply.


"Avrey! Tawag ka ni Ms. De Guzman. May announcement raw siya sa klase."


"Shocks! Baka absent siya! Yes! Walang Pre-Calc! Hindi mangangalawang ang utak ko today!" Baliw talaga 'tong si Krystal. Pero sana true na wala si Ms.


Palabas na ako ng pinto nang...


"Aray!" Ano ba 'yan! Nauntog pa! Sino ba 'tong—


"Are you okay?" Shit. Of all people, si Chase pa talaga?!


"Okay lang ako. Sorry! Tinatawag na ako ni Ms.!" Kumaripas na ako ng takbo.


Dahil matangkad si Chase, hindi naman kami nagkauntugan sa ulo. Sa chest lang niya tumama 'yung ulo ko. So he works out, huh?


Jusko naman Avrey. 'Yun pa talaga ang naisip mo, ano? Umayos ka nga.


Pagdating ko sa faculty office, agad na binigay ni Ms. 'yung instructions para sa activity niya for our class. Tama nga si Krystal. Walang Pre-Calc today kasi may sakit si Ms. "Okay Ms. I'll disseminate the activity to the class. Thank you po. Get well po! "


Paglabas ko ng faculty, nagulat ako sa nag-aabang sa tapat ng pinto. "Anong ginagawa mo rito?"


"Edi hinihintay ka." Lah guard, may pa-fall!


"I wasn't able to say sorry kanina. I feel bad. Okay ka lang ba talaga? Baka kailangan mong mag-clinic. Tara, sasamahan na kita." Gusto ko pero hindi kailangan. Sana nilakasan mo pa 'yung pagkauntog natin para need ko talagang mag-clinic. Char.


Is this how he treats everyone? With care? Kaya ba hulog na hulog na lang ang lahat ng babae sa kaniya?


Buti pa ako hindi! Slight lang. Char.


Pero sino nga ba ang hindi mahuhulog sa isang Chase Espinosa?


Matangkad, gwapo, matalino, mabango, neat, mabait, gentleman... Tapos basketball player... Aminin na natin na 'yun talaga 'yung main reason ng karamihan ng girls.


"I'm really okay. Sorry ulit." Sabay kaming naglalakad ngayon pabalik sa classroom. Buti na lang talaga nasa first floor 'yung faculty room tapos sa third floor naman 'yung room namin. Kung sinuman ang nakaisip ng floor plan, salamat nang marami...


"Ano ba 'yan?" Kinuha niya sa kamay ko 'yung papel na galing kay Ms. "Ako na lang mag-aannounce nito. Isusulat ko lang naman 'to sa board diba?" I just nodded at him. Hawak na niya e. Alangan bawiin ko pa?


Pagdating namin sa room, nagsimula agad siyang magsulat nung instructions ni Ms. Ang ganda ng sulat niya. Mas maganda pa ata sa sulat ko. Bihira lang 'to sa lalaki. Sulat-doktor halos lahat e.


Tatayo na sana ako para basahin 'yung nasa board pero inunahan ako ni Chase.


"Hi guys! Walang Pre-Calculus today pero iniwan 'to ni Ms. Sagutan raw natin tapos ipasa kay Sir Villamor sa faculty bago tayo umuwi. Isaac, picture-an mo nga ta's isend mo sa gc. Para proof kay Ms. na nakarating sa buong klase 'yung pinagagawa niya."


I heard he hates being in front of the class kasi ayaw niya ng attention. Crush siguro ako nito kaya nagtitiis siya ngayon dun sa harap. Char. Pero sana true.


Ayokong mag-thank you in person kasi baka makatanggap ako ng death threats este death glare sa mga babaeng kaklase ko. So minessage ko na lang siya ng: Thank you.


Chad Sebastian Espinosa: You're welcome. :)


Hay. Chase Espinosa, isa pang smiley mo, naku! Ewan ko na lang talaga.


"Avrey! For sure, isang titig mo pa lang sa problem, na-solve mo na agad. Baka naman pa-share it ng sagot mo! Friends naman na tayo diba? Hehe."


"Isaac! Ano ba 'yan. Mahiya ka nga. Sayang tuition nina tito Alfred sa'yo kung mangongopya ka lang." Yabang. Porket laging perfect score sa Pre-Calc at Gen Math.


"Oo nga pala! Bakit pa 'ko hihingi ng tulong sa iba e best in Math nga pala since nursery 'tong best friend ko. Kaya mahal na mahal ko 'tong si Chase e. Labyu bespren!"


Nagsimula na rin kaming magsagot ni Krystal. Madali lang naman 'yung first two problems pero medyo challenging na 'yung mga kasunod.


Chad sent a photo.

Chad Sebastian Espinosa: Pareho ba tayo ng sagot, Ms. top 1?


Ang bilis? Nasa no. 3 pa lang kami pero tapos na niya hanggang no. 5? Hustisya!


Avaleigh Reanna Clemente: Yabang. Sana all Math Lordxscz.


Biglang tumawa nang malakas si Chase sa likod. Napatingin sa kaniya lahat at nagtaka. Pero bumalik lang siya sa ginagawa niya na parang walang nangyari.


Chad Sebastian Espinosa: Jejemon ka pala. Buti hindi ka nagkakalat sa school paper, no? Haha.


"Huy, girl! Tama na kaka-phone! No. 3 pa lang tayo. Dalian na natin please. Gusto ko nang umuwi. Manonood pa tayo!" 'Killjoy' has seven letters... and so does 'Krystal'!!!


Chad Sebastian Espinosa: Ibigay mo na nga 'yung sagot ko kay Krystal. Mukhang atat na atat nang umuwi e. Hahaha.


E ikaw ba? Bakit hindi ka pa umuuwi e tapos ka naman na kanina pa? Naku, Chase ah. Nakahahalata na ako. Char.


Avaleigh Reanna Clemente: Ayoko nga. Baka mamaya sabihan mo pa 'kong sayang tuition ko kung mangongopya lang ako e.


Sinend ni Chase 'yung activity niya sa private gc ng klase namin. Lahat naman naghiyawan. "Tara na, Chase. Ipasa na natin 'to sa faculty room nang makauwi na tayo."


After mga 10 minutes ata napasa na rin namin ni Krystal 'yung activity sa faculty. "Tara na, uwi na tayo! May new episode na nung kdrama na pinanonood natin!"


"Mauna ka na, Krystal. Hinihintay ka na ng oppa mo. Hahaha. Dadaan pa ako sa journalism club room e. May sasabihin raw sa'kin si Ate Claire."


Dumiretso na 'ko sa journ club room namin. "Ate Claire!"


Siya lang mag-isa ang andito tapos busy na naka-laptop at seryosong-seryoso siya sa pag-layout niya sa Photoshop. "Uy! Sorry. I'm sure gusto mo nang umuwi. Mabilis lang naman 'to. Don't worry!" She smiled at me.


"Bale, intrams na kasi next week diba? Sa totoo lang, torn kaming lahat kung anong iaassign namin sa'yo kasi magaling ka sa lahat! Writing, photography... pati nga layouts mo magaganda rin! Favorite ka ni Lord e! Haha."


I smiled and thanked her. "Pero ikaw ba, Avrey? Anong bet mo?" 'Yung isang basketball player po, bet ko. Char.


"Magsusulat ka ng article or magte-take ng photos?" Ano nga ba?


"You know what? Sige, no pressure. We'll give you time to decide. Kaya ba tomorrow? I-message mo na lang ako. No need na dumaan ka pa rito." I nodded and smiled at her. Then we bid our goodbyes.


Paglabas ko ng gate ng school...


"O? Akala ko umuwi na kayo?"

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...