FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 21

10.7K 413 23
By TitaAmor07

KABANATA 21

“Teressa,” muling sambit ni Blue.

Napalingon sa kanya ang lahat ng mga kasama sa mesa. Nang magtama ang mga tingin nila ni Teressa, hindi niya napigilan ang sarili na hindi tumulo ang luha mga mata niya. Alam niyang malaki ang kasalanan niya rito. Sa pagkakataong ito, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na makahingi ng paumanhin sa mga nagawa niya. Lumapit siya sa bagong dating na pamilya, tiningnan niya ang lahat bago yumuko at himingi ng kapatawaran.

“Sorry po...”

“Blue, okay na ’yon. Tanggap ko na ang nangyari,” nakangiting sabi ni Teressa. Hinawakan niya ang mukha ng binata at hinarap sa kanya. “Pinapatawad ka na ng lahat.”

Tiningnan ni Blue ang mga magulang ni Teressa. Nang nginitian siya ng mga ito, parang nabunutan siya ng tinik.

“Pinapatawad ka na namin. Noong una, galit talaga kami, pero hindi lang sa iyo, pati na rin sa anak namin. Magulang kami at masakit sa amin iyon. Pero nangyari na ang lahat,” sabi ng ina ni Teressa, si Karidad.

“Tama ang tita mo, Blue. Kaya ’wag ka ng umiyak,” sabi ng ama ni Teressa, si Jorge.

Niyakap ni Blue si Karidad dahil sa sobrang saya. Isinunod naman niya si Jorge at panghuli si Teressa, pero nanlaki ang mga mata niya nang dumikit ang tiyan ni Teressa sa kanya.

Bumuwag siya sa pagyakap at tiningnan ang dalaga. “Buntis ka?”

Nakangiting tumango si Teressa. “Yes, ninong ka ng anak namin, ha?”

“Walang problema sa akin ’yan.” Tiningnan ni Blue ang pamilya ng dating kasintahan. “Umupo na muna tayo roon tita, tito.” Nang makahanap na ng upuan sila. Napatingin si Blue sa mga kasama niya kanina. Tumayo muna siya. “Tita, puntahan ko muna ang kapatid ko. Babalik lang ako agad.”

Pumunta na si Blue kung saan nakaupo sila Red. Pagdating niya roon, agad siyang umupo sa tabi nito.

“Pula, sasamahan ko muna sila Tita roon. Kat, Kuya Black, doon muna ako, ah?” pagpapaalam ni Blue.

“Si Teressa ba iyon, Blue? gumanda siya,” pagpuri ni Katleya.

“Oo. Mukhang ingget ka? Normal lang. Panget ka kasi,” pang-aasar ni Blue.

Humalakhak si Black sa narinig. Natutuwa kasi siyang makita na inaasar ang kapatid niya.

“Asul,” suway ni Red.

“Half joke,” sagot ni Blue sabay takbo.

Bumalik na si Blue sa kinuuupuan ng pamilya ni Teressa. Tinabihan niya ang dalaga at nakipag-usap ng kumportable sa mga taong naging bahagi sa buhay niya.

“Kamusta ka na, Blue? Okay na ba kayo ng parents mo?” tanong ni Teressa.

“Oo, kung hindi lang ako na hospital? Baka hindi pa kami okay hanggang ngayon.”

“Okay ka na ba? Ano pala ang nangyari sa iyo?”

“Oo. Stress lang siguro iyon. Pinalayas kasi ako nila mom noong panahong iyon. Sinagot-sagot ko kasi sila,” pag-amin nito.

“Pero mabuti bati na kayo.”

“In God’s will.” Napangiti si Blue at tiningnan ang dalaga. “Ikaw? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nabuntis ka? Bubuntisin pa sana kita,” natatawang sabi nito.

Tumawa ang mga magulang ni Teressa na nasa harapan niya. Natutuwa lang sila sa bibig ng binata. Noon pa lang ay nagustuhan na nila ang ugali nito.

“Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago, iho,” natatawang sabi ni Jorge.

“Miss ko na po kayong lahat,” sabi ni Blue. Ngumuso ito at tiningnan ang dalaga. “Pero sino ang ama ng dinadala mo? Kano ba? Sino ang mas magaling? Half joke.”

“Baliw ka talaga kahit kailan,” natatawang sabi ni Teressa.

“Pero bakit pala kayo umuwi? Parang biglaan.”

“1 week lang naman kami rito, Blue. 70th birthday kasi ni Lola. Anyway, how’s your lala?”

“She’s doing fine. Malusog pa rin.”

“Salamat naman sa Diyos kung ganoon.”

Nag-order na muna sila ng makakain. Minuto ang lumipas, dumating na ito. Nagsimula na silang kumain at nagkuwentuhan muli. Gusto lang nilang sulitin ang oras na magkasama sila.

“Si Katleya ba iyong babaeng nandoon?” tanong ni Teressa. Tiningnan pa niya ito.

Napatingin si Blue kay Teressa. “Kilala mo pala siya?”

“Sino bang hindi makakakilala sa kanya. Noong nasa Montenegro pa ako, kilala na ’yan sa Engineering Department. At isa pa, nakita ko pictures niyo together online. Akala ko nga girlfriend mo.”

“Hindi, ah. Para kay Pula ’yon. At isa pa, best friend ko lang iyon.”

“Pero bagay kayo. Kinilig nga ako sa mga stolen pictures niyo. Grabe ka makatitig sa kanya. Hindi ka naman ganoon noon.”

Napangiti si Blue. “Masaya lang ako nang mga panahon iyon kasi nakilala ko siya. She’s open-minded kasi, nasasabayan niya ang talas ng dila ko. Parang ikaw.” Hinawakan ni Blue ang tiyan ni Teressa at kinausap. “Ikaw baby na nasa loob. Dapat good ikaw, ah? ’Wag kang tumulad sa mommy mo.”

“Grabe ka talaga sa akin!” singhal ni Teressa.

“Half joke. Pero baby, seryoso, magpakalusog ka riyan sa loob para happy ang mommy Teressa mo.”

Napangiti si Teressa nang marinig iyon sa binata. Tiningnan niya ang magulang niya. “Mom, puntahan ko muna sila Red doon.” Nilingon niya naman si Blue. “Samahan mo ako.”

Tumayo na ang dalawa at pumunta kung nasaan nakaupo sila Red. Nang dumating sila, nadatnan nilang kumakain pa rin si Red.

“Hi,” pagbati ni Teressa.

“Hello, Teressa,” sagot ni Katleya.

Tumayo si Red, pero nang nakita niya ang tiyan ng dalaga, hindi siya makapaniwala.

“Buntis ka, Teressa?” tanong nito.

“Hindi Pula, busog lang siya,” natatawang sabi ni Blue.

“Oo,” sagot ng dalaga sabay hawak sa tiyan niya.

“Ah. So tumigil ka muna sa pag-aaral? Tama ba?” tanong ni Red.

“Oo.”

“Ganoon pala. Okay lang ’yan, hindi naman tumatakbo ang paaralan. Bumalik ka na lang kung puwede na.”

“I will,” nakangiting sagot ni Teressa. Napatingin ito sa may counter. “W-wait, si Zyrielle Grey ba iyon?”

“Oo. Tara puntahan natin,” anang Blue sabay hawak sa kamay ng dating kasintahan.

•••

“Mom, pupunta po ako kina Teressa mamayang gabi,” pagpapaalam ni Blue habang kumakain sila ng agahan..

Kagabi, inimbitahan siya ng dating kasintahan na pumunta sa kaarawan ng lola nito. Hindi naman nagdalawang-isip na pumayag si Blue dahil malakas sa kanya ang dalaga. Maliban sa dati niya itong kasintahan, namiss niya rin ito makasama.

“Your ex? Nagkabalikan kayo? Nandito na pala uli sila?” tanong ni Crezelda.

“Hindi, ah. She’s pregnant po. Nandito lang sila kasi 70th birthday ng lola niya.”

“Ah...” Tiningnan nito si Red. “Isama mo ang kapatid mo.”

Nagtinginan ang dalawa.

“Sasama ka ba, Pula?” tanong ni Blue.

“Ano pa ba ang magagawa ko?” kibit-balikat nitong sagot.

“Good. Ikaw ang pumili ng susuotin ko, ah? Dapat parehas tayo.”

“Required ba iyon?” natatawang sagot ni Red.

“Para sa akin, oo, kasi mahal kita.”

Napangiti sina Zander at Crezelda habang nakikinig sa dalawa. Ang saya lang nila na lumaking sweet sa isa’t isa ang mga anak nila.

“Paano ’yan? May mahal na akong iba,” pang-aasar ni Red.

“Sino? Iyong panget kong best friend?” Nag-iisip pa ito. “Edi kami na lang dalawa ang mahal mo.”

“Kayo naman talaga. Kaya ikaw, huwag na huwag mong pagseselusan iyon, ha? Napapansin ko kasi, lagi mo na siyang inaasar. Hindi ka naman ganoon dati sa kanya.”

Napangiti si Blue. “Napansin mo pala?”

“Syempree. Hindi naman ako manhid. Pareho ko kayong mahal.”

“Nakakainis lang kasi dahil wala ka ng oras sa akin.”

Napatawa si Red. “Tayo naman lagi magkasama rito sa bahay, ha? Nagyayakapan pa nga tayo kapag matutulog. Kay Katleya, hindi ko iyon ginagawa.”

“Hindi lang kasi ako sanay na makita kang sweet sa iba.” Ngumuso ito.

“Sanayin mo na ang sarili mo. Kasi hindi naman habang buhay magkasama tayo.”

Napatitig si Blue sa kanya. “Nope. Hindi ko hahayaan iyon. Magsasama tayo habang buhay.”

“What if—”

“Stop. 'Wag ka ng magsalita nang ganyan, okay? Nasasaktan ako,” sabi ni Blue. Umusog ito ng upuan palapit sa kambal niya. “I love you.”

“Mas mahal kita nang higit pa sa buhay ko, Asul. Ilang beses mo na itong narinig, pero hinding-hindi ako magsasawang sabihin iyon sa iyo nang paulit-ulit. You are my soul.”

“Ang aga pa, Pula. Pero ang drama na nating dalawa.”

“Ipinakita lang naman natin kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Ang iba kasi nahihiyang sabihin iyon sa mga kapatid nila. Ibahin mo ako. You taught me to be expressive. I love you.”

“Ang sweet. Ang sarap kaya sa pakiramdam na marinig iyon. Paki sabi nga ulit,” hiling ni Blue.

“I love you. You are my soul.”

Napangiti si Blue. “Password?”

Hinalikan ito ni Red sa pisngi. “I love you.”

“I love you too.”

“Saan ang kiss mo?” tanong ni Red.

“Mangangamoy ang pisngi mo.”

“Wala akong pakialam.”

“Pakialam mo mukha mo,” sagot ni Blue sabay halik sa pisngi ng kanyang kapatid. “Mwahhh. I love you.”

“Thank you!”

“Thank you mo mukha mo. Tara na, mahuhuli na ako. May quiz pa tayo.”

Tumayo na ang dalawa at hinalikan isa-isa ang mga magulang nila sa pisngi.

“Mauna na kami,” sabay na paalam ng dalawa.



~~~

Continue Reading

You'll Also Like

9K 159 2
Polyamory Series #3 Mariella is the only woman among her friends. Her friends know how much she loves them, to the point that every problem she's fac...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
84.1K 4.4K 43
Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love even to her own flesh and blood. And then...
1M 4.1K 7
On a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This s...