SDTG

By kjdmontefalco

1.6K 0 1

DELETE KO PO AFTER BASAHIN HIRAP KASI PAG DI WATTPAD PROMISE :( More

CHAPTER 1
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50

Chapter 8

35 0 0
By kjdmontefalco

Chapter EIGHT

I've known him for 26 days and we've been a 'couple' for 19 days. Great.

"Athena!! GISING NA!!"

'Sino ba tong istorbo na to.. nakita ng natutulog yung tao eh..' I said to myself.

"HUY GUMISING KA NA! MAY BISITA KA!"

"Sara.. Inaantok pa ko.. wala naman pasok eh.. let me sleep.. so tired.."

"Megaphone tanghali na!"

'Megaphone? Isang tao lang tumatawag sakin nun ha..' again I said to myself

Pagkarinig ko ng 'megaphone' unti unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Sara naka smile sakin.

"GOOD MORNING SUNSHINE!!"

"Haaa... I'm still sleepy.. sabihin mo sa bisita balik na lang siya.." tapos ipinikit ko ulit yung mga mata ko tapos nag patong ng unan sa ulo ko.

"Gumising ka na!! ano ka ba! Pag hinde ka gumising makikipag date ako sa ibang babae!!!!"

Napabangon ako sa kama. BAKIT NANDITO SIYA SA LOOB NG KWARTO KO?!

"EDI MAKIPAGDATE KA! PARA NAMANG MAY PAKIALAM AKO!"

"Hay nako ang aga aga nag aaway na kaagad kayo! Ganyan ba batian niyo ng 'good morning'? Ang sweet ha! sige maiwan ko na kayo."

Lumabas na ng kwarto ko si Sara, so ako at si gangster na lang ang natitira.

"Bakit nandito ka? Ang aga-aga eh.."

Umupo siya sa may couch, "Wala akong magawa eh.. alam mo naman na wala akong kasama sa bahay. Kung hindi si peanut lang! yung maid kasi boring.. hinde makausap ng matino.."

"Ahh.. so may sense pala akong kausap? Kenji ok lang naman kung sasabihin mo sakin na namiss mo ko eh."

"Ang kapal talaga ng mukha nito. Baka AKO NAMISS MO. Aminin mo na! Hinde ko ipagkakalat." OMG. He's being conceited again.

"Kapal ng mukha mo. Sige matutulog na muna ako." tapos humiga ulit ako sa kama tapos tumalikod na sa kanya.

"Paano naman ako??? GUMISING KA!!"

"Bahala ka. Magcomputer ka kung gusto mo, oh kaya manood ka ng tv sa may living room, pero mas ok kung uuwi ka na lang ng bahay mo at wag ka ng bumalik pa dito. Kahit kelan."

"Tss."

Narinig ko siyang tumayo tapos nakarinig din ako ng foot steps.. lalabas na ata siya ng kwarto. I won again!

Maya maya tinulak niya ako pausog ng kama tapos humiga siya. OMG! ano bang ginagawa niya!

"Sige, inaantok na din ako eh. Tulog na muna tayo." Tapos kinuha niya yung kumot ko, "Hati tayo! Ang lamig sa kwarto mo eh! todo ka kung mag aircon!"

Habang nakahiga kami pareho nakatingin lang ako sa kanya. Ano bang promblema niya? Nakakainis naman! Ang tindi niya mambwiset!

Pinagmasdan ko siya.. nakapikit na siya.. matutulog ba talaga tong bwiset na to? Nakakaasar naman!!!! Bumangon na ko ng kama, nawala antok ko! nakakaasar! Pinuyat na nga ako kagabi tapos ganito pa! mang-gigising pa!

"LUMABAS KA NA NG KWARTO KO!!"

Bigla siyang napadilat. Nagulat ata siya

"AMP! Ang aga aga sumisigaw ka na naman!"

"Paanong hinde ako sisigaw eh ang aga-aga binibwiset mo na ako! lumabas ka na! maliligo na ko!"

"Mag pants ka ha! wag kang mag shorts o mag skirt!" Aba!! Conservative siya?

"Sino ka para magdecide sa susuotin ko?"

"Boss mo. Pati ang pangit kasi ng legs mo eh! nakakadiri tingnan."

Ano daw?! Madami ngang nagsasabing maganda legs ko eh! Siya pa lang nagsasabing panget yung legs ko..

"BOSS KA DYAN! OO NA! PANGET NA! LABAS! Maliligo na ko! at ayaw kong magbihis sa tapat mo!"

"Sa tingin mo ba gusto kong magbihis ka sa tapat ko? ano bang makikita ko dyan?! Buto't balat?! Para ka ngang TINAPAY EH!"

Tinapay?! Paano ako naging tinapay? Dahil ba payat ako? bakit naman sa lahat ng pwedeng i-compare sa akin tinapay pa?! hinde ko talaga gets.

"Tinapay?"

"Hinde. Sige, FLATscreen na lang." flat screen? AAAHHH!

"STFU! LUMABAS KA NA NGA! Napapatagal lalo eh!"

Lumabas na siya ng kwarto ko.

FLAT screen kasi flat chested ako!? chinecheck out niya ba ako!? ang kapal naman ng mukha niya! Mas may laaman naman yung akin kesa kay Sara noh! Bakit, yun ba nagustuhan niya kay Abigail? Kasi malaman yung kanya? Tinapay.. flat screen.. kapal talaga niya! UGH.

After 1 hour lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko siya sa may living room nanonood ng tv, basketball. Oo nga pala, varsity siya eh. No wonder ang aga niya pumasok tuwing Tuesday at Thursday, practice pala nila yun.

Umupo ako sa dulo ng sofa, habang siya patuloy pa rin sa panonood.

"Saan ba tayo pupunta? 11:30 am pa lang oh! An gaga mo mambulabog ng bahay!"

Pinatay niya yung tv tapos tumayo, "Kakain tayo. Tara na."

Lumabas si Sara galing sa kwarto niya, "Oh san kayo pupunta? hinde ba kayo kakain dito?"

"Hinde, pahiram muna si Athena ha? babalik ko rin siya mamayang gabi." GABI?! Bakit gagabihin kami?? Ano bang kakainin namin at aabutin kami ng gabi sa pagkain??

"Sige! Ingat kayong dalawa!" nag wave siya saming dalawa.

"Sige, tatawag na lang ako mamaya pag pauwi na ko.."

Nag nod lang sakin si Sara, si Kenji naman lumabas na ng bahay.

Habang nag lalakad kami sa pupuntahan namin nag lakas loob akong kausapin siya..

"Kenji.. saan ba kasi tayo pupunta?"

"Kakain nga."

"Eh bakit tayo gagabihin? Gano katagal ba lutuiin yung pagkaing yun?"

"Basta. Ang tanong mo naman!!! Sumunod ka na lang sa akin!"

Ginawa ko yung sinabi niya, ayoko ng magtanong. Natatakot na akong kausapin siya dahil naalala ko kagabi nung nasa Merge kami may babaeng lumapit sa kanya sa may labas, nung pumasok siya sa loob sumunod pa rin yung babae. Ang hinde ko lang maintindihan bakit sumusunod yung babae sa kanya.. hinde pa dun nag tatapos yung kwento, biglang hinalikan nung girl si Kenji sa tapat naming 4 (Jigs, Kirby, Sara and I) mga naging itsura namin nung time na yun..

Sara and I -> O_O

Kirby -> ¬_¬

Jigs -> (-_- ) ( -_-) (-_- ) ( -_-)

Anyway, biglang tinulak ni Kenji yung babae tapos biglang sinampal. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya, tapos bigla niya pang sinabi sa babae na

"Wala kang karapatang halikan ako sa tapat ng girlfriend ko."

I thought to myself that time 'pag wala ba ako sa harap nila pwede siyang halikan nung kung sinong babae?' again, wala akong pakialam. Kasi ang role ko lang naman ay ang tulungan ko siyang mapagselos at mapabalik sa kanya si Abigail.

Suddenly he stopped infront of a house..

"Dito ka nakatira?"

"Oo." he pressed the doorbell, after 5 seconds may lumabas na maid tapos binuksan yung gate.

"Pasok ka." Pumasok kami ng bahay.

Dito pala siya nakatira, mga 5 mins away sa bahay namin.. I think.. o baka 8 minutes? Ay ewan! Kung ako pag nilakad ko yung bahay papuntang school 15 minutes.. siguro sa kanila 20 minutes.

Pag ka pasok namin sa MISMONG bahay, "KENJI!!!! WE'VE BEEN WAITING FOR YOU!!! I MISSED YOU BABY BOY!" naglakad papalapit yung babae then he hugged Kenji.

Nakatingin lang ako sa kanila, unconsciously I smiled.

'Mom niya siguro' I thought.

"Ma! May bisita ako!" Mom niya nga.

He pulled away then napatingin sakin yung mom niya. "HI!!"

"TITA!!! TITO!! Nandito na kami!"

Napatingin ako kay Kenji, "Si Jigs yun ah!"

He sighed.

Pagpasok ni Jigs lumapit kaagad siya sa mom ni Kenji at naghug.

"Babes! How are you?? You're so big na!!"

Nagsmile na naman ako, babes din tawag niya kay Jigs! How cute!

"Kirby! Come here! give your aunt a hug!" lumapit si Kirby tapos hinug yung mom ni Kenji, kasama pala si Kirby.. hinde ko napansin! Tahimik kasi to minsan eh. minsan nga lang pag nasa mood pasimuno ng gulo!

"Grabe! Ang lalaki niyo na! dati ang totoy niyo lang eh.." sabi nung lalaki, siguro dad to ni Kenji, magkamukha sila eh. yun nga lang hinde mukhang gangster yung dad niya.

"Tito naman! 6 months lang tayong hinde nag kita eh! ibig sabihin totoy pa kami sa paningin niyo 6 months ago?" nagcross ng arms si Jigs. Para talaga siyang bata! Ano kaya nagustuhan sa kanya ni Sara?!

"Tito, nakilala niyo na ba yung girlfriend ni Kenji?"

"Girlfriend? Oo naman! Napakilala na samin ni Kenji yun! Si Athena diba?" tapos nag smile yung dad ni Kenji.

Kilala na niya ako? kelang niya ako napakilala sa dad niya? Nakukwento niya ba ako?

"Ahh napakilala napa kilala na pala ni Kenji. Akala ko hinde pa eh!"

"Tama na nga! Hinde niya pa kilala si Athena! Nag mamarunong lang yan!"

"Kenji yah.. have you already forgotten? We met her already.." sabi ng mom niya

"Oo nga, Athena Abigail Tizon name niya diba?" Sabi naman nung dad niya. Oh boy. Hinde nga ako yun. I knew it.. si Abigail pa rin yung kilala nila.

"Ay Tita, tito, iba ho yun." hinila ako ni Jigs para humarap sa parents ni Kenji

"Hi.." tapos nag bow ako.

Kenjis parents -> o_O

Jigs -> ^_______^v

Kirby -> ^___^

Kenji -> ¬_¬

"GIRLFRIEND PO NI KENJIE!" sabay na sinabi ni Jigs at Kirby. Tumingin ako sa kanila, nag smile lang sila tapos nag peace sign ganito ^____^v

Nag smile yung mom ni Kenji, "dong shinun ah joo yeo ppu da!" [You're very pretty!]

"Kamsahamnida" nag bow ako sa mom niya. [thank you -formal]

"Oh! Hankuksarameyo?" [Oh! Are you a korean?]

"Aniyo." I shook my head. [No]

Tumingin si Kirby at Jigs kay Kenji

"Ano daw?"

"Kenji anong pinaguusapan nila? Bakit parang hinde ata tagalog yun.."

"Aba anong malay ko. Ang naintindihan ko lang 'thank you' at 'no' eh. Bilang lang ang alam ko sa Korean." tumingin siya sa daddy niya, "Dad ano pinag uusapan nila?"

Tulala lang rin yung daddy niya sa amin.

"Dad, anong sinasabi nila?"

"Aba, ikaw tong may lahing Korean eh! dapat alam mo."

Nagtawanan kami ng mom ni Kenji, half Korean siya pero hinde siya marunong mag Korean? Weird.

"Sabi ko, maganda siya kaya nag thank you siya sakin, tapos tinanong ko kung korean siya, sabi niya hinde."

"AAAAHHH.." sabay nilang apat sinabi.

Ano nga pala ulit ang pangalan mo iha?" Tanong ng mom niya sa akin.

"Athena Dizon po."

"Dizon? May kilala kaming mga Dizon eh, kaya lang nasa Korea sila.. sa bagay, baka hinde kayo mag kamaganak nun." Sabi naman ng Dad niya.

"Teka, bakit nga ba kayo nandito sa bahay ko?" humarap siya sa parents niya "BAKIT KAYO NASA PILIPINAS?"

"Tinawagan kami ni Tita eh."

"Wala lang. Gusto lang namin magpahinga. Pati namimiss na namin kayo ni Kendi eh." Sagot ng Dad ni Kenji sa kanya.

"Tara na! ready na yung lunch" sabi ng mom ni Kenji na lumabas galing kusina.

Kumain kami ng lunch, habang kumakain hinde nila maiwasang hinde mag usap. Hinde close si Kenji sa parents niya, I mean close sila pero not that close.. weird.

After nung lunch nagkwentuhan pa rin sila, si Kenji halatang medyo bored na, si Jigs lang ata yung tuwang tuwa sa mga kwento nila eh. Mayaman pala sila Kenji, may business sila sa dito sa Philippines, Korea pati New Jersey. Mag partner naman yung parents nilang tatlo sa business sa UK. Bigtime pala talaga sila. Ano kaya yung business nila Kenji sa Korea..

Nauna kaming umalis ni Kenji, ang sabi niya may importante lang daw kaming gagawin, eto naman si Kirby, nasa mood ata. Inasar kami, yung importanteng gagawin daw namin at date! Nung tinanong ko naman si Kenji paglabas naming kung saan kami pupunta, ang sabi niya hinde daw niya alam.

Nag lakad na naman kami ng mga 10 minutes. Grabe to, walang ibang alam gawin kung hinde mag lakad, feeling ko yung mga kinain ko wala na sa tiyan ko, nasa paa ko na! nakikita ko na naman yung building na dati naming pinuntahan, tama nasa PG kami (planet games) as usual bumili siya ng token at nag laro na naman siya ng tekken!

10 minutes na siyang nag lalaro, bored na ako. ayoko naman siyang panoorin mag laro ng maglaro, pati kelangan ko na rin mag punta ng washroom! Full tank na ko!

"Kenj, punta lang ako ng washroom."

"Anong gagawin mo dun?" tanong niya habang nakatingin sa nilalaro niya

"Bakit kelangan mong malaman?"

"Gusto ko lang."

"Wag na." tumayo na ako

"ANO NGA?!"

"IM GOING TO PEE, YOU @SS!" tapos umalis na ko papuntang CR

Ilang minutes na akong naghahanap pero hinde ko parin mahanap yung mahiwagang cr!

"San ba yung cr dito.." patuloy pa rin ako sa pag hahanap.

Malaki pala tong PG, hinde ko masyadong naexplore to nung unang punta eh. habang nag hahanap ako, may nakita akong pamilyar na mukha, lumapit ako para tingnan kung kilala ko nga talaga yun.

Tumayo yung lalaki tapos nakita niya ako.

OMG siya nga yun! 

Continue Reading

You'll Also Like

658K 34.9K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
4.1M 259K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1M 48.4K 28
1950s. ***Story contains mature scenes and Hindi phrases in initial chapters which are not translated in english*** Abhigyan Singh, a Sarpanch of the...
530K 18.6K 93
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...