FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 20

11.8K 424 111
By TitaAmor07

KABANATA 20

Kakauwi lang ni Grey galing sa hotel kung saan nila pinagsaluhan ni Green si Selena. Sa sandaling ito, tahimik siyang nagpapahinga sa kanyang higaan habang iniisip ang ginawa nila. Hinawakan niya ang naninigas pa niyang pagkalalaki. Hindi mapagkaila na nakulangan ito. Pero nang biglang pumasok sa isipan niya si Black, napamura ito nang wala sa oras.

Bumangon ito sabay tapon sa kanyang unan.

“Sh*t!” sigaw niya.

Kaninang tanghali, pinadalhan siya ni Black ng larawan na naka-lipbite habang naka-oppa sign. Inakusahan kasi siya na may gusto rito dahil sa pagtanong niya kagabi kung ano ang ginagawa nito. Hindi naman daw kasi sila close para magtanong nang ganoon ang binata.

Lumabas muna si Grey sa kanyang kuwarto para maligo sa kanilang pool. Gusto niya lang magpalamig ng ulo. Hindi niya kayang matulog na mabigat ang pakiramdam.

Pagdating niya sa pool, agad itong tumalon at pinagod ang sarili sa paglangoy. Minuto ang lumipas, nang dinapuan na siya ng pagod, napag-isipan na niyang tumigil. Pag-ahon niya, isang napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Ang kanyang ina.

“Zyrielle,” kaswal na sambit ni Melchora.

Tiningnan ni Grey ang ina niya. “What?” Nagsimula na siyang humakbang patungo sa kung saan nakalagay ang tuwalya niya. Nang makuha na niya ito, isinabit niya ito sa leeg niya at muling tiningnan ang ina. “Mukhang napaaga kayo sa pag-uwi?”

“Cancelled ang shooting. Anyway, iyong Kuya Brown mo hindi makakapasok sa restaurant bukas kasi may lagnat iyong pamangkin mo,” sabi ni Melchora.

“Then?”

“Alam mo na.”

“No!” inis na sigaw si Grey.

“No allowance next week?” pagbabanta ni Melchora.

“Fine!” inis na sagot ni Grey sabay sipa sa upuan na nasa gilid niya.

“Galit ka?” May pagbabanta sa boses ni Melchora.

“Nope. Am just practicing karate. Mauna na ako,” sagot ni Grey sabay alis.

“Pagkatapos mong magbihis, bumaba ka na agad. Kakain na tayo.”

“Okay!” pasigaw nitong sagot sabay sipa muli sa bagay na nadaanan niya. Pero natumba ito nang napalakas niya ang sipa. Hinawakan niya ang paa niya. “Ouch!”

Dumaan si Melchora sa gilid ng anak niya sabay kurot sa tenga nito. “Karma, Zyrielle.”

Hindi na sumagot ang binata at hinayaan na makaalis ang kanyang ina. Bumuntonghininga siya sa sobrang inis sabay tayo at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng mansion nila.

•••

“Simba tayo mamaya, Yellownora. Isama mo na rin si Red,” anang Black na umiinom ng gatas sa kinauupuan niya.

Nasa pool area silang magkakapatid sa kanilang bahay.

Tiningnan ni Katleya nang masama ang kanyang Kuya. “Okay.”

“Ano’ng ibig sabihin ng tingin na 'yan?” takang tanong ni Black. Wala siyang ideya kung bakit mainit ang timpla ng kapatid niya sa kanya.

“Do you like, Grey?”

Napangiti ang binata. “Are you crazy? Inaasar ko lang ang batang iyon.”

“Totoo?” nakangiting tanong ni Katleya.

“Yup. Do you think magkakagusto ako sa kapwa ko lalaki?” Napatawa ito. “Hinding-hindi iyon mangyayari.”

“Okay,” kibit-balikat na sabi ni Katleya. Nilingon niya si Purple na nagpalutang-lutang sa pool sakay sa isang salbabida. “Ate, gusto mong sumabay?”

“Pardon?” maarte nitong sabi.

“Sasama ka ba? Magsisimba kami mamaya,” pag-ulit ni Katleya.

“Sorry. May date ako later,” irap nitong sagot.

Nagtinginan sina Black at Katleya sabay tawa. Alam kasi nilang dalawa na mauuwi lang iyon sa wala. Maliban sa mapili ito sa lalaki. Walang lalaki rin na magtatagal sa ugali nito. Daig pa kasi nito ang isang amazona.

•••

“How old are you?” mataray na tanong ni Purple.

Hapon na at nandito siya sa isang restaurant dahil may panibago siyang nakilala sa isang dating website.

“19,” kalmadong sagot ng binata.

Napatayo ang dalaga sa kanyang upuan. “Gosh. You’re still a baby. Mauna na ako.”

“But, I already know how to make a baby,” kampanteng sabi ng binata.

“Ew!” sigaw ng dalaga sabay alis.

“Miss!” pagtawag ng binata. Hinabol niya ito at hinarangan. “I’m Jeygreen Xris.”

“The hell I care? Bye!” Dinaanan lang ito ng dalaga, ngunit natapilok ito dahil natamaan niya ang paa ng binata. Ang hindi niya alam, sinadya ito ni Green para sa gagawing moves. “Ouch.”

Pumunta sa harapan si Green at inabot ang kanyang kamay. Tinanggap ito ni Purple, pero hinila siya ng dalaga hanggang sa masubsob ang binata sa sahig.

“Akala mo, ha! You cannot defeat me, young boy.” Sinipa niya ito. ”Don't forget to drink your milk. Bye.”

Habang paalis si Purple, nanlisik ang mga mata ni Green sa galit. Hindi siya makapaniwalang may babaeng inayawan siya.

“Humanda ka sa akin sa susunod nating pagkikita,” gigil na sabi ng binata.

•••

Nasa labas na ng church sina Katleya at Black ngunit hindi pa sila pumasok dahil hinihintay pa nila si Red. Minuto ang lumipas, nang makita na ni Katleya ang pulang sasakyan ng kasintahan niya, napangiti na ito.

“Nandito na siya,” ani Katleya. Tiningnan niya ang kapatid niya. “Maganda pa rin ba ako, Kuya?”

“Kailan ka ba gumanda?” seryosong sabi ni Black.

“Kainis ito!” irap na sagot ni Katleya.

Paglabas ni Red sa sasakyan niya, sumunod si Blue rito. Napangiti naman si Katleya nang makita ito. Hindi niya inaasahan na isasama pala ito ng kasintahan niya.

“Hey! Hi, Kuya Black!” pagbati ni Blue. Kung makabati ito sa binata, para bang matagal na silang magkakilala.

Napangiti si Black dahil sa inasal ni Blue. “Hindi ko alam may kakambal ka pala, Red.”

“Mas guwapo, ’di ba, Kuya?” tanong ni Blue.

“Mas guwapo ang kasintahan ko. Periodt,” irap na sagot ni Katleya.

“Oo na lang. Happy?” pang-iinis ni Blue. Inilapit niya ang mukha kay Katleya at inulit ang sinabi. “Hap—”

Hindi natapos ni Blue ang sasabihin dahil hinablot ito ng kapatid niya. Tumawa naman sina Black at Katleya.

“Pula naman, e!” reklamo ni Blue. Pagkatapos, nakasimangot itong tiningnan si Katleya.

“Masyado ka kasing maingay,” natatawang sabi ni Katleya

“Maingay mo mukha mo!”

Pagpasok nilang apat sa simbahan, naghanap na sila ng mauupuan.

“Hindi ka ba naiinitan, Blue?” mahinang tanong ni Katleya.

Napahinto si Blue at nilingon si Katleya. “Hindi. Ang daming ceiling fan, oh.” Tinuro pa niya ang mga ito.

“What I mean is hindi ba demonyo ka?” ani Katleya.

“Demonyo mo mukha mo!” sagot ni Blue na nagpalingon sa mga tahimik na mananampalataya sa loob.

“Bibig mo,” pagsuway ni Red. Napalakas kasi ang boses ng kapatid niya.

“Iyong girlfriend mo kasi lagi akong inaaway,” naiiritang sagot ni Blue. Tiningnan niya si Katleya at sinamaan ng tingin. “Ikaw! Lagot ka talaga sa akin!” Napatingin si Black sa kanya kaya agad bumawi ito. “Joke lang, Kuya. Peace be with me.”

Umupo na sila. Nasa pinakadulo si Black, katabi nito si Katleya, na sinundan nina Red at Blue. Nang makita ni Red na naglabas ng cell phone si Blue, agad niyang hinampas ang kamay nito.

“Aray! Magse-selfie with you lang naman, e!” giit ni Blue.

“Nasa simbahan ka. Huwag maging bastos,” pagpapa-alala ni Red.

“Oo na... Plus point ka na sa langit.”

Itinago na ni Blue ang kanyang cell phone at seryosong nakinig sa misa hanggang sa sabihin ng pari ang ‘And now, let us show the sign of peace’.

“Peace,” sabay nilang sambit.

Hinalikan ni Red sa pisngi ang kapatid niya. “Peace. I love you, Asul.”

Gumanti rin si Blue ng halik dito. “Peace. I love you more.” Tiningnan niya si Katleya. “Ikaw.”

Napangiti si Katleya. “Peace, best friend.”

“Peace mo mukha mo,” sagot ni Blue. Napalingon si Black sa kanya. “Peace, Kuya.”

“Peace,” sagot ni Black at muling itinoon ang atensyon sa altar.

Hinalikan ni Red sa noo ang kasintahan. “Peace, my princess. I love you.”

Nakanguso na nakatingin si Blue sa kanila. Nang magtama ang mata nila ni Katleya ay dinilaan siya nito kaya naiinis ito. Lumipat si Blue ng puwesto, tumabi siya kay Black.

“Mabait ka po na kapatid, Kuya?” biglang tanong ni Blue.

“Hindi gaano,” sagot ni Black.

Napangiti si Blue habang kumikinang ang mga mata nito. “Talaga po? Sipain ko si Katleya, ha? Kainis kasi talaga.”

“Shh. Mamaya na. Nasa simbahan tayo,” sagot ni Black.

Umayos ng upo si Blue at humarap sa altar. Pero dahil hindi ito mapakali, tiningnan niya muli si Katleya. Nang nakita niya itong nakangiti, muli siyang nainis. Ang ginawa niya, ginapang niya ang kanang kamay sa likod ni Black para maabot at makurot ito. Nang mahawakan niya ang balat nito, hindi ito nagdalawang-isip na kuritin ito nang malakas.

“Ouch,” sigaw ni Black.

Nanlaki ang mga mata ni Blue. “K-kuya, sorry.”

“Ang kulit mo.”

“Asul,” suway ni Red nang makitang nakipag-usap ito kay Black.

“Tatahimik na po,” sagot ni Blue sa kapatid.

Muli ng humarap sa altar si Blue at nakinig sa misa ng pari. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at humingi ng kapatawaran sa kinilos niya. Kahit pilyo ito, marunong din ito humingi ng patawad.

Pagkatapos ng misa, napagdesisyunan nilang kumain. Nag-suggest si Blue na doon sila pumunta sa restaurant ng De Elleonor na pagmamay-ari nila Grey dahil masarap daw ang mga pagkain doon. Sinang-ayunan naman iyon ng lahat kaya walang problema.

Pagkalabas nila sa simbahan, inakbayan ni Blue si Black at hiniling na sa binata sumakay. Wala namang problema roon dahil pumayag din naman si Red sa gusto ng kapatid niya. Sumakay na rin si Katleya kay Red at magkasabay na ang dalawang sasakyan na umalis. Nauna lang nang kunti sila Blue.

Minuto ang lumipas, dumating na sila. Pagpasok na sila sa loob, agad silang sinalubong ng mga babaeng crew kaya grabe ang ngiti nina Black at Blue.

“OMG! Si Black!” sigaw ng isang costumer. Napatili pa ito nang makita ang iniidolong modelo.

“Si Pierce Blue ba 'yong kasama niya? Where's Red?” Iginiya ng babae ang tingin sa paligid. At nang makita niya si Red. “OMG! The Montenegro twins!”

“Hi,” pagbati ni Blue.

Nagsigawan ang magbabarkada dahil sa kilig na dulot nang pagbati ni Blue sa kanila. Tumayo ang mga babae sa kinauupuan nila at nagpakuha ng litrato.

Nang wala ng nagpakuha ng litrato, naghanap na silang apat ng mauupuan. Nang makakita na sila, umupo na silang apat. Lumapit na muli ang mga crew sa kanila. Habang namimili ng pagkain ang apat, nahagilap ni Blue si Grey na kakalabas lang sa isang kuwarto mula sa restaurant.

“Abo!” pagtawag ni Blue.

“Hey!” nakangiting sambit nito. Papunta ito sa kinaroroonan nila Blue, pero nang makita niya ang mukha ng isa sa kasama nito, lumiko siya pabalik. “Busy pala ako, Blue.”

Natapos nang mag-order ang apat. Hinila naman ni Blue si Black papunta sa counter. Gusto niyang asarin ang kaibigan sa pamamagitan ng lalaking kasama niya.

Nakatalikod si Grey na may kasalukuyang ginagawa sa counter ng restaurant nila.

Pagdating nina Blue at Black sa counter...

“Ikaw na ba si Mr. Right. Ikaw na ba ang love of my life?” natatawang pagkanta ni Blue ng Mr. Right ni Kim Chiu.

Napalingon si Grey nang naka-kunot ang noo.

“Hi,” pagbati ni Black. “You did not reply my messages. Nakakatampo ka.”

Inirapan ito ni Grey. “Shut up! Bumalik na kayo roon,” inis na sagot nito. Tiningnan niya nang masama si Blue dahil panay tukso ito sa gilid.

“Ganyan mo ba tratuhin ang crush mo?” tanong ni Black.

Napalingon ang mga trabahador sa counter dahil sa tanong ni Black sa kanilang amo.

“Kainis ito. Doon ka na nga! Blue, paalisin mo na nga ’yan. Grabe kayo sa akin,” pagrereklamo ni Grey.

“Shake hands muna,” sabi ni Black sabay abot ng kanyang kamay.

Hindi maitsura ang mukha ni Grey. Makikita ang labis na inis nito dahil sa ginagawa ng dalawang lalaki sa harapan niya. Bumuntonghininga si Grey at tinanggap ang kamay ni Black.

“Nakakakaba, nakakaaliw, nakakakilig, nakakabaliw,” pagkanta ni Blue ng Oh, Pag-ibig ni Bailey May at Ylona Garcia.

Gusto ng tanggalin ni Grey ang kamay niya, ngunit hinigpitan ni Black ang paghawak dito. Nginitian siya ni Black, pagkatapos, intensyong kinagat ang labi sa harapan niya na katulad nang ginawa sa picture na ipinadala nito sa message box niya sa Instagram.

“Hindi ako bakla, okay!” sigaw ni Grey. Pinagtinginan siya ng mga taong nasa paligid nila. “Ano ba! Bitawan mo na ang kamay ko,” mahina niyang sabi dahil nahihiya na siya sa pinaggagawa niya.

Tinanggal ni Black ang kanyang kamay. Pagkatapos, kinindatan ang binata sabay basa ng kanyang labi sa pamamagitan ng kanyang dila.

Tumakbo si Blue papunta kay Grey sa loob ng counter. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.

“Gamitin mo rin kaya kay Kuya Black ang kapangyarihan mo? Nakalimutan mo na ba?” bulong ni Blue.

Napangiti si Grey. “Tama.”

Lumabas si Grey sa counter at tinabihan si Black. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ng binata. Napatayo ang kanyang balahibo sa katawan dahil sa ginawa niya.

“Tapos ka na bang mag-order, Kuya Black?” tanong ni Grey. Pinisil pa niya ito. “Ako pala ang pinakamasarap sa menu.”

Hindi makasagot si Black at mukhang natulala ito sa ginawa ni Grey. Hindi niya inaasahan na sasabayan siya nito.

“Ano, Kuya? Ako ba?” tanong muli ni Grey. May ngiting tagumpay naman na nabuo sa kanyang labi. Nakita niya kasi ang reaksyon ng binatang inaasar niya.

Binulungan ito ni Black. “Available ka ba?”

Nanlaki ang mga mata ni Grey, pero senenyasan ito ni Blue na ’wag magpapatalo.

“Syempree.” Tiningnan ito ni Grey sa mga mata. Seryoso niyang tinitigan ito. Ang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Ngumiti ito. “Kapag ikaw ang bibili. Bibili ka ba?” tanong niya sa husky niyang boses.

Tawang-tawa ang traydor na si Blue sa gilid. Kung kanina inutasan niya si Black na asarin si Grey, pero ngayon ay siya naman ang nagpupumilit kay Grey na sabayan si Black sa ginagawa nito.

Hindi nagpatalo sa titigan si Black. “Magkano ka ba?”

Tiningnan ni Grey ang mapulang labi ng binata. “Free.” At muling tinitigan ang binata sa mga mata. “Kung ikaw, Kuya.”

Nagtitigan lang ang dalawa. Walang magpapatalo sa pahabaan ng pride nila. Pareho na silang kinakabahan. Pareho na silang naiilang.

“Hoy! Ano’ng ginagawa niyong dalawa!” sigaw ni Katleya. Nakapamewang pa ito dahil sa inis nang makita muli ang dalawa. Mas lumakas ang kutob niya na may kakaiba. Tinuro niya ang nakatulalang si Grey. “Ikaw! Crush mo ba talaga ang Kuya ko?” Sinunod niyang tinuro ang kapatid niya. “O, ikaw Kuya! Crush mo ba si Grey?”

“Yes. Say, yes,” bigkas ni Blue.

Nang makita ito ni Grey. “Yes!”

Napakurap ang mga mata ni Black. “What?”

Napakamot sa kanyang ulo si Grey dahil kung bakit iyon ang sinagot niya. Ito kasing si Blue, magaling man sulsol.

“Ang order niyo, oh. Ready na! Kumain na kayo,” pag-iba ni Grey sa usapan. Napabuntonghininga na ito dahil sa kahihiyan.

“Grey, ayusin mo ang desisyon mo sa buhay! Kainis ka,” anang Katleya sabay alis.

“You like me, ha?” pagbulong ni Black sabay alis.

Lumapit si Blue sa kaibigan niya at tinapik. “Good job.”

“Inuuto mo ako,” reklamo ni Grey.

“Hindi, ah. I want to see your strength again. Namiss ko na ang Abo na malupit,” nakangising sabi ni Blue.

Tumawa si Grey. “Kumain ka na nga roon.”

“Okay. Pero dinamihan mo ba ang order namin? Alam mo naman iyong kambal ko.”

“Triple 'yon.”

“Good.”

Tumakbo na si Blue papunta sa table kung saan ang mga kasama niya. Pag-upo niya ay siyang pagbukas ng pinto ng restaurant. Napalingon siya roon kaya nakita niya ang pagpasok ng isang napakagandang babae kasama ang pamilya nito. Nanlaki ang mga mata niya.

Ang tagal niyang hindi nakita ang babae. At aaminin niyang hanggang ngayon ay may konsensiya pa rin siyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanila.

Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang luha.

“Teressa...”



~~~

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...