Gabb's P.O.V
It's been a week here in Japan, at ngayon na nga ang pinaka engrandeng event ng Scholastica Universe. Kasama ko ngayon si Akin at si Ate Sela.
" Gabb, Ella tatlong palit kayo sa araw na ito, this morning, you'll be wearing the kimono, later this afternoon, you'll be wearing your uniforms representing MNL Scholastica. (Manila Scholastica) and during night time, Casual Party outfit." Sambit ni Ate na aligaga kaka prepare ng mga susuotin namin at tinutulungan naman siya ni Ella.
" Okay Ate, how bout you? are you not coming to the event?." Sambit ko
" This morning makakasama nyo ako, but later since teacher na ako ng Scholastica, eh sa grupo ko ng mga teachers pati mamayang gabi." Sambit niya
"Awwee nakakaproud naman po kayo Ate Sela." Sambit ni Ella
" Thanks Pretty Ella." Sambit ni Ate Sela
" Tara na guys, let's Prep up." Sambit ni Ate kaya nagsimula na kami mag ayos.
Nandito na kami ngayon sa First event, nakasuot kami ng kimono. Kakatapos lang namin sa Individual Pictorial.
Sa morning event, may program tungkol sa simula ng Scholastica, It started here sa Tokyo, the name is AKB Academia De Scholastica, hanggang sa nagtayo na rin ng ibang sister schools, at isa na dun and school namin which is MNL Academia De Scholastica. Pagkatapos ng program ay nag alay naman ng traditional Japanese Fan Dance ang mga Chosen AKB Scholastica Students. After that ayy sabay sabay kaming nagsalo kumain ng masarap na Japanese Buffet.
Sa afternoon naman ay nagpalit na kami ng aming 2nd outft, which is ang aming school uniform. Si Ate Sela namin andun na sa mga grupo ng teachers, since Mentor na siya ng Arts and Culture sa School namin. matapos namin magpalit ay bumaba na kami kasi magsisimula na ang event. Siyempre may pictorials pa rin before the start of the program. Pero nagulat kami ni Ella nang biglang lapitan kami ng isang babae, sabi niya kasali daw kami sa fashion show. since kami ang magrerepresent ng MNL Scholastica, kaya no choice kami.
Sela's P.O.V
Inaabangan kong rumampa ang dalawa, naeexcite ako. unang rumampa sa catwalk ay si Gabb, ang pogi at ang ganda ng kapatid ko jusko, sumunod naman ang dyosang si Ella. Ay bagay nga talaga tung dalawang toh. magagandang lahi. Kinikilig ako, kinuhanan ko sila ng pictures.
Sa second set of outfit naman ay sabay na.silang rumampa. yes naman proud ate here. hahaha.. MNL Scholastica yan! Naging instant photographer ako ng dalawa.
Bagay na bagay, lakas ng chemistry eh.
Kakatapos lang ng pagbibigay pugay sa mga excellent students ng Scholastica at siyempre isa na dun ang Kapatid ko since 5x excellent student awardee yan. Si Ella din ay binigyan ng award dahil siya lang ang nakakuha ng perfect score sa lahat ng mga nag take ng scholarship exam. Oh diba? Beauty and Brains ang magjowang ito. Siyempre mana sa Ate, Hahaha.. And here I am again instant photographer ng dalawa.
Panay naman ang tilian ng mga ibang students na girls dito sa iba't ibang countries, kinikilig sila kay Gabb, haaay nako Chic magnet talaga itong kapatid ko, kaya naman itong si Ella, di na maguhit ang mukha sa selos dahil maraming lumalapit kay Gabb para magpapicture.
Naglalakad ako palabas ng CR nang may di ako inaasahang naririnig.
" Akin naman wala ka yata sa mood." Sambit ni Gabb
"Bitawan mo ako, dun ka sa mga chics mo. ayun oh, mukhang hinahanap ka." Sambit ni Ella, nako nagseselos nga hahahaha
Nagtago ako sa may curtain at pinipicturan ang dalawa, wala kinikilig ako eh, bakit ba?
" Di ko naman gusto yung mga yun, alam.mo namang sayo lang ako patay na patay eee.. " Sambit ni Gabb habang hinahawakan ang kamay ni Ella, pero itong si Ella nakatingin pa rin dun sa direksyon ng mga babaeng may gusto kay Gabb, kung nakakasunog lang ang mga titig ni Ella, na lechon na yung mga yun. Picture lang ako ng picture nang may di ako prepared na nangyari. Biglang hinalikan ni Gabb si Ella sa lips. Waaah gusto kong sumigaw sa kilig enebeee bakit ang sweet ng kapatid ko, namimiss ko tuloy si Abibe ko. at nakuhanan pala yun ng phone ko.
Tiningnan ko yung phone ko at halos mapisigaw na ako sa kilig, kaya dahan dahan akong lumayo, ayoko rin naman maki-usyoso pa lalo sa moment ng dalawa noh. basta I'm the happiest kasi nagkabalikan ang mga mahal ko.
Ella's P.O.V
Student's Party na ngayon, kakatapos lang ng program at dinner kanina, kaya nagbihis na kami ng casual party attire ni Gabb. naiinis pa rin ako kasi sa tuwing dumadaan kami ni Gabb ay hinihila siya ng mga students na babae at nagpapapicture sila, kaya naman pinili nalang namin dito sa private area, malayo sa crowd.
" Buti pa dito, iwas sa mga babaeng yun." Sambit ko
" Sus, ayan na naman po siya, ang cute mo magselos Akin, wag kang mag-alala, inangkin mo na ako, kaya sayong sayo na ako." Nakangisi niyang sambit
" Promise, hinding hindi ka na titingin sa iba." Sambit ko na nakatingin sa kanya
" Bukas man ang mata kong makakita ng iba, sarado na naman ang puso ko kasi nandito ka na." Sambit ni Gabb sabay turo sa dibdib niya, eeeee akin naman eee, kinikilig ako, lumapit ako sa kanya at nag side hug ako sa kanya, habang inakbayan niya naman ako, haaaay my safest haven.
" Alam mo ba akin, nung naghiwalay tayo, nawala ako sa landas ko, Oo nandiyan si Coco para damayan ako, pero wala eh, I lost my luminous light, kaya ang dilim dilim pa rin." Sambit niya, tumingala ako sa kanya
" Ikaw lang ba? Ako rin kaya, nawala ako sa focus, nagalit ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko sayo. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana ngumiti." Sambit ko habang nakatingin sa kanya
" I'm really really sorry for all the heartaches and headaches I've caused you, My love." Sambit niya na nakatitig sa mga mata ko
" Wala na yun, ang importante, ipinaglaban ulit natin ang pagmamahalan natin, and this time we will never ever let go okay?." Sambit ko sabay ngiti.
" Oo naman, wala na pong bibitaw. Mahal na mahal kita Amat." Sambit niya sabay ngiti ng napakatamis
" Mahal na mahal din kita Skribikin." Sambit ko sabay sumiksik ng yakap sa kanya
" Gusto mo round 2 Akin?." Nakangisi nyang sambit kaya napabitaw ako ng yakap, at nag pout na nakatingin sa kanya
" Huy ayan na naman yang kapilyahan mo Gabrielle!." Sambit ko
" Round 2 ng picture taking? luh, anong nakakapilya dun?, ikaw ha? kung anu-ano iniisip mo Ella." Nakatawa niyang sambit, Oo nga pala witty nga pala tung jowa ko.
" Ahh hehe sabi ko nga, oh dali picture tayo." Sambit ko sabay posisyon ng phone.
" Ako na hahawak akin." Sambit niya at sumegway pa ng kiss sa cheek ko.
At yun na nga nag picture taking na kami.
Pinuntahan muna ni Gabb si Ate Sela at nandito ako nakaupo ngayon sa sofa, nasa hallway na kami ng ground floor ng hotel. tinitingnan ko mga pictures namin, at di ko mapigilang di mapangiti.
" Kilig na kilig ah." Napalingon ako
" A-Ate Sela?." Nanlaki ang mata ko kasi nasa likod ko pala siya, at nasa tabi niya si Gabb
" Sus, alam ko na mga babies hahaha." Sambit ni Ate Sela
" Wala talaga akong malulusot nito kay Ate Sela, Akin. nahuli niya kasi tayo kanina." Sambit ni Gabb sabay tawa
" Pa-panong nahuli po?." Pagtataka ko.
Nanlaki ang mata ko ng pinakita sa akin ni Gabb ang isang picture na nakuha ni Sela kanina sa event. halos mamula ako, kasi yan yung nagtatalo kami dahil sa andaming nag fi-flirt kay Gabb, nang bigla niya akong halikan.
" Ang cute mo magselos Sis, ayan tuloy hinalikan ka ni Gabby." Kilig na kilig na sambit ni Ate Sela
" Hala nakakahiya." Sambit ko sabay takip ng mga kamay ko sa mukha ko.
" Pero Ate, tayong tatlo lang muna makakaalam nito ha?." Sambit ni Gabb
" Yes Gabby, I agree with your decision hangga't di pa natin nalulutas ang problema." Sambit ni Ate Sela.
" Salamat po Ate Sela." Sambit ko
" No biggie mga minamahal, Oh sige na akyat na kayo, may 1 day pa tayo dito sa Japan, bago tayo bumalik sa Philippines. kaya magpahinga na kaya at mamamasyal tayong tatlo bukas, thirdwheel nyo ako hahahaha." Sambit ni Ate Sela
Hinatid muna namin si Ate Sela sa room niya at niyakap at bineso ko siya. habang si Gabb ay niyakap din siya at hinalikan sa noo, saka kami magpaalam na aakyat na kami sa room namin. Sobrang swerte lang talaga namin at naryan si Ate Sela lagi para sa amin ni Gabb, Ginampanan nya talaga ang pagiging Fairy Godsister niya sa amin, at sobrang blessed kami nun. Si Ate Lei naman supportive din yun sa amin, kaya nga sobrang nalungkot yun nang maghiwalay kami ni Gabb, pero sa ngayon the secret will be kept by me, Gabb and Ate Sela, kasi yun ang dapat. Haaay sobrang special na sa akin iton Japan, kasi natupad ulit yung desire ng puso ko na maging kami ulit ni Gabb, kumbaga para siyang fortune cookie na sabay naming kinain ni Gabb kaya sabay ring natupad ang hinihiling ng mga puso namin, Oh Japan, Ang Aming Fortune Cookie.