Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 50

3.3K 150 10
By NhamiTamad

Chapter 50
        
         
         
Adi's POV
    
       
     
"Oh! Tapos na!" Sabi ko pagkatapos kong talian ang buhok ni Zach.

"Bakit tatlo?" Tanong niya ng hawakan niya ang buhok niya.

Tatlong magkakasunod na tinali ko ang buhok niya. Hahahaha

"Para maganda" natatawang sabi ko.

"Eh bakit ka tumatawa?" Inis na sabi niya at nilingon ako.

"W-wala. Bagay na bagay nga sayok" Nag-iwas ako ng tingin habang nagpipigil ng tawa.

"Ang cute ni zaaaach!"

"Yiiieeee....ang cute"

"Oo nga! Kyaaaaahhh"

Napalingon ako sa mga babaeng nagsisigawan. Pati narin si zach napalingon don.

"Kyaaaahhh!! Lumingon siya!"

"Napansin niya tayo!"

Kumunot ang noo ko sa mga babaeng to. Bakit hindi nalang nila panindigan ang pagiging takot kay zach? Tch!

"You look cute, Zach" mahinhing sabi nitong katabi ko na sobrang kapal ng mukha at hindi pa umaalis dito.

"Tatanggalin ko na lang! Hindi pala bagay sayo!" Inis na sabi ko at akmang aalisin na ang mga ito, pero lumayo siya at iniwas na ang ulo niya.

"Wag na! Okay nang ganito!" Nakangiting sabi niya.

Tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya "hindi mo nga gusto, diba?" Inis na sabi ko.

"Gusto ko na ngayon!"  Ngumisi siya at tinalikuran na ulit ako para humarap sa court.

"Edi wag!" Binato ko sa ulo niya ang towel kaya natakpan ang buong mukha niya.

"Ano ba yan!" Nilingon niya ako na masama ang tingin"May galit ka ba sa'kin?" Inis na tanong niya.

Hindi ako sumagot at inirapan lang siya.

Hindi na ako kumibo hanggang sa malapit ng matapos ang laro. Hindi nakapasok sa 2nd at 3rd quarter si Zach dahil suspended siya dahil sa kaguluhan kanina. Pito lang sila na andito dahil umalis ang iba dahil may laro na sila. At dahil suspended pa si zach, si kris na lang ang naiwang pwedeng mag sub. Halatang pagod na sila kaya hindi na sila masyadong makafocus sa laro. Nangunguna na ang Criminology ngayon. 68-50 end of 3rd quarter.

"Wrong timing din. Bakit kasi napagsabay sabay pa ang mga laro natin" ani Fred pagkatapos uminom ng gatorade.

"At nasuspend pa ang ugok na to." Tukoy ni Gavin kay Zach.

"Ang sabihin niyo, hindi talaga kayo marunong maglaro. Asa lang kayo sa'kin" mayabang na sabi ni zach.

"Nagyabang pa ang may kasalanan! Ikaw na lang maglaro mag isa dun. Magpapahinga na lang kami dito!" Natatawang sabi ni Andrew.

"Inspired yan. Kaya paniguradong mananalo yan kontra sa lima!" Natatawang sabi din ni Ethan pagkatapos uminom ng Gatorade.

"Wooooohhhh!!! Oo nga no! Kayo ah! Ang sweet sweet niyo! Kayo na ba?" Malawak ang ngiti ni Fred na tanong sa'min ni zach.

"Nilalanggam na nga kami dito sa sobrang kasweetan ng dalawang yan eh!" Singit naman ni Kris na katabi ko.

"Anong sweet? Kanina pa nga ako binubugbog ng babaeng to!" Natatawang sabi ni Zach.

"Jan naman nagsisimula yan. Sa bugbugan hanggang sa nagkadevelopan! Yiiiiieee!!!" Kantyaw ni Owen.

"Shut up! Hindi kami pictures para idevelope!" Inis na sabi ko na tinawanan nilang lahat.

"Galit na ang baby mo, Zach. Suyuin mo!" Ngising aso na sabi ni Gavin.

"Bilhan ko na lang mamaya ng cerelac, kanina pa kasi gutom--

Hindi natapos ni zach ang sasabihin niya dahil binato ko na siya ng bote ng gatorade na walang laman.

"Kita niyo na! Pano naging sweet yan!" Sabi niya habang hawak ang noo niya na tinamaan ng bote.

Naghudyat na para sa 4th quarter kaya tumayo na sila. Papasok na si Zach kaya inabot na niya sa'kina ang towel niya.

"Wala bang goodluck kiss jan?" Bulong niya pagkaabot niya sa'kin ng twalya niya.

"Sapak, gusto mo?" Inis na sagot ko.

Tumawa lang siya at tinalikuran na ako para pumunta sa court. Agad namang nagsigawan ang mga kababaihan dahil papasok na ulit si Zach.

"Goodluck, Zach!" Sigaw nitong katabi kong libro na sobrang kapal.

"Tch!"

Nagfocus na lang akong manood ng laro at hindi na pinansin ang nasa tabi ko.

"Kung inaakala mong maaagaw mo sa'kin si Zach! Nagkakamali ka" seryosong sabi niya.

Hindi ko siya nilingon at nasa court lang ang paningin ko.

"Kahit ikaw pa ang gusto niya, walang parin siyang magagawa, dahil sa huli, sa'kin parin ang bagsak niya" aniya na nagpakulo ng dugo ko.

Salubong kilay ko na nilingon siya "Wala akong aagawin sayo, Dahil hindi naman sa'yo si Zach" tamad na sabi ko sa kanya at binalik ko na ang paningin ko sa kanya. "Isa pa, pag may gusto akong isang bagay, kahit pumatay pa ako para lang makuha yon, gagawin ko" nilingon ko siya ulit at tinignan ng seryoso sa mata.

Medyo nagulat siya sa sinabi ko pero nakabawi rin siya agad at nagkasalubong ang kanyang mga kilay. "W-what do you mean?" Pilit na sabi niya.

"Hmm.. wala naman. Wala akong ibig sabihin, bakit? Ganun ka rin ba? Pumapatay ka rin ba?" Nakangising tanong ko sa kanya na mas lalong nagpapitlag sa kanya.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Inis na sabi niya at tumayo na. "Tseh!" Tinalikuran na niya ako at tumakbo pa kabilang benches kung saan nandun yung mga alipores niya.

Binalik ko na lang ang tingin sa court dahil sa nagsisigawan na naman ang mga tao. Naka three point pala si zach kaya sobrang sigawan ng mga manonood. 75-70 na ang score at last two minutes na lang ang natitira.

Tumawag ng time out ang team namin at tumatakbong bumalik sila dito.

"Sabi sainyo eh! Inspired si loverboy!" Natatawang sabi ni Ethan at tinapik si Zach sa balikat.

Kumuha sila ng kanya kanyang gatorade at uminom.

"Panalo na baaaaaa!!!" Malakas na sigaw galing sa entrance ng gym.

Sabay sabay kaming napalingin dun at nakita naming ang mga kaklase naming tumatakbo palapit. Pawis na pawis sila at mukhang pagod dahil sa mga laro nila kanina.

"Ay! Ano ba yan. Natambakan kayo?" Napapailing na sabi ni Perry pagkatapos niyang tumingin sa scoreboard.

"Swerte lang nila dahil na suspeng dalawang quarter tong si Zach" mayabang na sagot naman ni Fred.

Sabay sabay silang nagreact dahil sa narinig.

"Nasuspend?" Si makapaniwalang tanong ni Ryle.

"Kakasabi lang. Bingi!" Binatukan ni Owen si Ryle.

"Bakit? Himala yan ah?" Takang tanong naman ni Bryan.

"Mamaya na namin ikwento! Sige na balik na kami" binitawan na ni Gavin ang gatorade niya at nauna ng naglakad pabalik sa court dahil pumito na ang referee.

"Goodluck!" Nakangiting sabi ko kay Zach na kanina pa tingin ng tingin sa'kin.

Malaawak ang ngiti niyang lumapit sa'kin at ginulo ang buhok ko "Kanina ko pa yan hinihintay eh!" Seryosong sabi niya at saka nakangiting tumakbo pabalik ng court.

Nanatili lang ako sa ganong posisyon, magulo ang buhok at nakatulala lang sa direksyon na pinanggalingan ni zach.

Bakit ganito yung pakiramdam ko. Kahit maliit na bagay na gawin niya, lumalakas palagi ang tibok ng puso ko.

Bumalik ako sa wisyo dahil sa sigawan ng mga manonood. Naagaw ni Zach kay Ivan ang bola saka ito tumakbo at pabalik sa ring nila at nagthree point. Ringless pa ito kaya mas lalong nagsigawan ang mga tao. 75-73 na ang score at 30 seconds na lang. Nasa kalaban ang bola at kasalukuyang nagdidrible nito ay yung no.8 na binabantayan ni Fred. Lumapit dun si Gavin kaya dalawa na ang nagbabantay sa kanya. 20 seconds na lang ang natitira ng maagaw ito ni Ethan na biglang sumulpot kaya hindi namalayan nung no. 8. Pinasa ni ethan kay zach ang bola na agad namang dinribble ni Zach papunta sa ring nila. 5seconds na lang ng ishoot ni zach galing sa threepoint line ang bola kaya pigil hiningang sinundan namin ito ng tingin.

"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

Dumagundong ang buong Gymnasium dahil sa sigawan ng mga Tao. Nashoot ni Zach ang bola kaya panalo kami.

Agad na nagtakbuhan papuntang court sina Ryle at nagyakapan at talunan sila don. Hinila naman ako ni Cayden papunta don para makisali sa kasiyahan nila.

Hindi ko namalayan na nadito na pala si Cayden. Palagi kasi siyang busy dahil sa mga pinapagawa sa kanya ni prof. Alonso, kaya hindi siya nakakapanood ng mga laro namin.

"CHAMPION! CHAMPION! CHAMPION!" nagform sila ng bilog habang nakaakbay sa isat isa at tumatalon talon.

Sobrang saya nila at ayaw tumigil sa kakasigaw.

"WE ARE THE CHAMPION! WE ARE THE CHAMPION!" sabay sabay nilang kanta maliban kay Zach at Cayden na tawang tawang lang sa ginagawa nila.

Lumapit naman sila kay Zach para buhatin ito.

"MVP! MVP! MVP!" sabay sabay din nilang cheer.

Tawang tawa si Zach na pilit bumababa  sa pagkakabuhat nila. Binatukan na sila ni zach isa isa kaya binaba na rin nila siya.

Ang saya saya nilang panoorin. Para akong nanay na proud na proud na pinapanood ang mga anak niya.

"Syempreeee... ang inspirasyon!" Hinila ni Fred ang kamay ko at saka ako tinulak papunta kay zach.

Tumama ako sa matigas na katawan ni zach. Basang basa na siya ng pawis kaya dumikit ito sa katawan ko.

"Eeew! Pawis!" Nandidiring sabi ko at saka lumayo sa kanya.

"Ang arte!" Natatawang sabi niya at akmang tatanggalin na ang jersey niya pero pinigilan ko agad.

"Wag mo nang tanggalin. Maraming tao, nakakahiya!" Pigil ko sa kanya.

Ngumisi siya at yumuko para pantayan ako. "Nakakahiya? O ayaw mo lang makita nila ang maganda kong katawan?"

"Edi wag! Jan ka na nga!" Tinalikuran ko na siya at naglakad palapit kina Owen para icongratulate din sila.

"Congrats!" Masayang bati ko sa kanila.

"Asan na yung MVP? Bakit mo iniwan?" Natatawang tanong ni Fred at sinilip si Zach na nasa likuran ko

"Bahala na siya. Inaasar lang ako" inis na sabi ko.

"Yung tali ng buhok niya kasi yung pampaswerte." Tawang tawa na sabi ni Gavin.

"Oo nga no? Ngayon ko lang napansin ang tali ng buhok ni zach? Anong nakain niya?" Tanong ni Cayden na tinitignan din ngayon si Zach.

"Ewan nga rin sa ugok na yun. Gaya gaya sa'kin" sagot ni Owen saka tumawa.

Nilingon ko si Zach dahil nakakapagtakang hindi siya sumunod palapit dito. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Nandun na si Kaitlyn na malawak ang ngiti at nakahawak pa sa braso ni zach.

Parang nag uusap sila, pero hindi namin marinig dahil sa ingay ng mga tao na palabas na ng Gym.

Tumingin sa direksyon ko si Zach kaya inirapan ko siya at nilingon ko nalang ulit sina Cayden.

"Mamaya, laro naman ni Adi. Dapat Champion ka rin, para lahat ng sinalihan nating laro, Champion tayo!" Ani Dexter na sinang ayunan naman ng lahat.

"Para double double double celebration!" Sigaw ni Kris.

"Ang dami namang double yun!" Sabi sa kanya ni Ryle.

"Para sa lahat yun ng Championship natin!" Proud na sagot naman ni kris.

"Kain na tayo! Nagugutom na ako!" Ayah samin ni Walter.

"Naglaro ka ba, para magutom? Eh kumakain ka nga lang habang nanunood ng laro ko kanina" binatukan siya ni Perry kaya tumawa na naman ang mga baliw.

"Sige sige! Kain na tayo! Libre ni Adi" excited na sabi ni Ryle, kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Anong ako?" Inis na sabi ko.

"Sige na. Hindi mo pa kami nalilibre eh! Premyo mo narin samin" nakikiusap na sabi naman ni Kris.

"Libre! Libre! Libre!" Sabay sabay nilang sigaw kaya wala na akong magawa.

Magpapadeliver na lang ako ng fried chicken. Matagal na rin kasi akong nagkecrave nun. Kahapon pa ako nakakain nun.

Umorder ako ng sampung box ng fried chicken at softdrinks na rin. Alam kong gutom na gutom ang mga baliw na to dahil 12 noon narin. Mamayang 1:30 pa ang laro ko sa chess at 2:30 naman sa dart. Parehong championship games yun at magkakasunod pa. Kung magaling ang makakalaban ko sa chess, kulang ang isang oras para sa laro na yun pero mukhang wala namng magaling sa mga 2nd year. Dahil wala pang dalawampung minuto, talo na agad sila.
     
       
    
Naglalakad kami papunta sa may field ngayon dahil dun nila naisipang kumain. Mabilis silang naglakad dahil sa excitement na kumain. Nasa hulihan ako ngayon at kasunod ko naman si Zach na kanina pa ako kinakausap. Hindi ko siya pinapansin dahil naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit,  pero bigla na lang akong nakaramdam ng inis nung nakita ko silang magkausap ni kaitlyn, at mukhang tueang tuwa pa siya na kausap ang babaeng yun. Tch!

Alam kong bestfriend sila mula pagkabata, pero, sa ugali ni kaitlyn, hindi ko alam kung bakit pa siya natatagalan ni Zach. Tch.

"Bakit ba ayaw mo akong kausapin?" Naiinis na sabi niya. Tch! Bahala siya. Kausapin niya dun yung kaitlyn niya.

"May nagawa na naman ba ako?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Wala" tipid na sagot ko.

"Don't lie to me, Ms. Montreal. Alam ko pag nagsisinungaling ka" Seryosong sabi niya.

"O? Tapos? Ano naman pag nagsisinungaling ako?" Inis na sabi ko at nilungon ko na siya sa pagkakataong ito.

"Wag kang magsisinungaling sa'kin, dahil--

"Dahil?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Hahalikan kita" seryosong sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

"Wag kang magsisinungaling, dahil hahalikan kita" ulit niya.

Hindi ako makapagsalita at parang estatwa lang akong nakatayo dun.

"Ngayon, sabihin mo? May nagawa ba akong mali, kaya ayaw ko akong kausapin?" Seryosong tanong niya.

Tinignan ko lang siya dahil hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Baka kasi totoo ang banta niya. Takte!

"Sabihin mo sa'kin, please. Ayokong ganitong hindi mo ako kinakausap!" Nakikiusap na ang tono niya ngayon.

Pag siya ang hindi namansin sa'kin, okay lang. Tapos pag siya ang hindi ko pinansin, hindi okay? Huh! Buset talaga ang Raulong to.

"Wala!" Inis na sagot ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Pero hinawakan niya ulit ako sa kamay para iharap ulit sa kanya.

"I told you, don't lie to me, dahil hahalikan kita" nakangisi na siya ngayon at inilapit niya ang mukha niya sa'kin.

Tangna! Mali ba yung nasagot ko? Aiish!

Napapikit na lang ako dahil hindi ko magawang makaalis sa kinakatayuan ko.

"One lie, One kiss" bulong niya bago ako halikan sa noo.

"Don't worry, I won't kiss you on the lips, not until you're officially mine." Bulong niya pa at hinila na ako para maglakad papunta sa mga kasamahan namin.
       
         
         
      
-----------------------------
          
     

AN//

Chapter 50 na pala? Di ako makapaniwala na makakasulat ako na aabot sa chapter 50. Hahahahaha...

Grabe guys! Thank you sa suporta. Maraming maraming thank you sa inyong lahat.

I tatry kong mag update ng mabilis. Sorry sa mga naghihintay. Hehehe!

Happy reading guys! 😘😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

191K 4.4K 49
(Alferez Series 2) (Agent Series 1 ||Part 1|| ) Started Writing:June 22,2019 Finish Writing:Sept.30,2019 Written By:Shireroseee
104K 2.1K 33
Ang tahimik na buhay ni Norilyn ay biglang nag bago ng dumating sya sa ika-18 taong gulang nya. Nag iba ang pangangatawan nya, naging muka na syang t...
28.3K 903 72
Si Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong g...
196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.