Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

128K 3.1K 797

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[1]
[2]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[3]

3.5K 105 27
By redvelvetcakes

Ayokong magpadalos-dalos ng desisyon.

Kung totoo man na gusto ko siya, edi dapat kong gawin yung lagi kong ginagawa pag nagkakagusto ako sa isang tao.

I always set myself to believe na malaki ang chance na hindi ako gusto ng taong gusto ko. Kaysa naman sa umasa ako. Ganoon ang ginagawa ko lagi para di ako masyado ma-attach at masaktan. It is somehow a way of protecting myself from a heartbreak.

I don't wanna decide yet kung paano ko i-hahandle 'tong feelings ko. I have to be sure first. Baka naman kase ilusyon ko lang talaga. Baka sa panunukso nila sa akin, iniisip ko na rin na gusto ko siya.

I had... crushes before.

My first crush was back in pre-school. Boto sa 'kin ang lolo niya dahil lagi nalang kami partners sa mga pageant. Tuwing kailangan ko ng partner at kailangan niya rin, siya ang lagi 'kong kinukuha. I always wanted to be around him before, at lagi ko rin siyang gusto makita. I even call him sa landline! Pero when he graduated early than me, doon na rin naputol ang connection namin.

The next one I had was in high school. It was one of those interaction. Natural lang naman na ma-attract sa pinaka-gwapo sa batch nila.

He was not in my group, but nonetheless, he is eye-catching. Fourteen ako non at doon ko uli naramdaman that I liked someone. However, nung naging sila ata ng batchmate ko, I made myself believe that I never liked him in the first place. Kaya ayun, I didn't do anything about it na.

Sumunod yung sa SHS. Basketball player siya, idol ng lahat at ang daming nagkakacrush dahil gwapo at malakas ang dating. My best friend, Emma would bring me to their games dahil doon naglalaro ang Kuya at ang crush niya. He was also a friend of her brother.

We followed and added each other sa social media, dahil na rin sa mutual friend namin. Kaya lang, that's when I knew that he is still hung up on his crush. Gustong-gusto niya pa rin yung babae kaya para hindi na ako masaktan, I forced myself to move on. Hindi naging madali though, dahil compared to the other two, he was the one I actually... cried about. The one I liked the most.

"So... you think you like him na?"

I nodded. It was weekend, kaya naman niyaya ako ni Emma na maghang-out sa mall. She studies in a different school. Just like me, she wants to be a doctor kaya pre-med course ang kinukuha niya. The only difference between the two of us is, she's rich while I'm not.

She sipped in her milk tea. "Who is this guy ba? Is he gwapo? Surely he is, because all of your crushes are so gwapo, except for the other one.." she rolled her eyes at that.

She leaned and tapped my arm to get my attention.

"Show a pic nga!"

I rolled my eyes. "Wala kaming picture," sabi ko at iniinom ang milk tea ko.

She pouted. "Daya! Hindi ko naman aagawin sa'yo! Loyal kaya ko sa current crush ko!"

Natawa naman ako dun.

"Pero do you really feel that you like him nga?" she asked.

Umiling ako. Iniisip ang tungkol doon. "I don't know... I just don't want to go through the process of liking someone and disappointing myself once again."

She sighed. "Seeing you last time, cry for a guy really broke my heart, Lia. I just hope that... this time if you really do end up liking him, hindi ka na masaktan."

I nodded. I remember how she stayed with me in my room for a long time. Dinalhan niya pa ako ng mga ice cream at fries at niyayang manood ng movie. She even offered a trip abroad na siya na ang magbabayad, but then I declined.

"Speaking of him, blockmate ko siya. He even asked me, how are you daw kase hindi na tayo nanonood sa mga laro nila and since I hated him na, tinarayan ko lang siya." kwento niya habang naglalakad kami.

"He asked about me?"

"Yeah! I was surprised nga eh, like sobrang sudden. He even asked me bakit di na ka na daw pumupunta and all, and I was like why do you care? Tapos I left him na." she continued.

I sipped on my drink as she told me all that. Before college, I thought I'd still be liking him. Pero mukhang na-erase na ang lahat ng feelings ko sa kanya at wala na akong maramdaman.

Emma has been my support system since we were 5. We have been best friends for years, kaya ganoon nalang talaga siya ka over protective sa akin. She was there when my parents separated, my first heartbreak and almost in all of my milestones in life.

"You know, you should've really enrolled in my school, Lia. Hindi ako sanay na wala ka!" Emma complained.

I chuckled. "You'll get used to it. Hindi naman at all times, lagi tayong magkasama."

She sighed dramatically. "It's much better when you're there!"

Pagtingin ko sa harap ay parang mawawalan ako ng dugo. He is here. I blinked twice to confirm it, and yes hindi siya isang illusion.

He really is here.

"Shit." I whispered.

Kumunot ang noo ni Emma. Tumingin siya sa tinitingnan ko. "Why?"

I tried to cover my face at tumalikod but it was too late, he was already walking towards our direction at nakangiti siya sa akin.

"Siya yun," I whispered to Emma.

Her eyes widened looking at him. "What? Ang gwapo nga!" she mouthed.

"Lia?"

Inaayos ko sarili ko at nagkunyaring hindi ko siya nakita kanina. I felt that beat again. That beat that I wish would just disappear right now! I hate that I feel this nervous around him!

"Oh... hi." I smiled.

Emma sipped on her drink while looking at the two of us. She's giving me meaningful looks at sinusubukan na hindi ipakita yun.

"Bakit ka nandito?" I asked. Shit! Lia, parang pinapaalis mo naman siya.

Nilagay niya ang isang kamay niya sa ulo niya at ang isa naman sa pocket niya. He is wearing a black denim jacket, white t-shirt and jeans.

"Ah... kasama ko—"

"Tito Dad!"

A little girl ran towards him at binuhat naman niya ito. She looked so cute with her little red dress and white doll shoes. Nakabraid din ang kanyang buhok.

"Tito Dad, gusto ko ng candy, please!" The little girl pouted.

"Ha? Sabi ni Ate, bawal daw eh. Malalagot ako sa Mama mo."

She pouted. Tumingin naman siya sa 'kin at may binulong kay Gray. May binulong naman si Gray sa kanya. Bumulong naman din ulit yung bata. Gray glanced at us bago tumango. Binaba niya yung bata at bigla naman 'tong lumapit sa amin.

"Hello! I'm Grazielle! Kilala niyo po ba si Tito Dad ko?"

I crouched down and smiled at her. I am not good with kids but I'm trying to. Ang cute kase nitong batang 'to.

"Classmate ko siya," I answered. "How old are you, Grazielle?"

"Five," she raised her five fingers. Emma and I giggled because of her cuteness.

She intently stared at me with a sweet smile on her face. Nginitian ko siya at umawang naman ang labi niya.

"Ang ganda niyo pong dalawa!" She cheerfully said.

"Thank you, baby." I muttered.

She looked at Gray bago bumalik ng tingin sa amin. She had this mischievous smile on her face.

"Wala pang girlfriend si Tito—"

Bago pa man makapagsalita yung bata ay binuhat na siya ni Gray at tinakpan ang bibig nito. Grazielle tried to remove it pero masyadong malakas ang Tito niya para magawa niya yun.

"Pasensya na kayo, madaldal eh." sabi niya sa amin.

I chuckled. "Okay lang, cute kaya."

Emma gave me a nudge. Agad ko naman na-gets yung sinasabi niya.

"Uhm, nga pala. Emma, this is Gray, blockmate ko. Gray, si Emma, best friend ko."

Emma waved at him. He nodded and smiled.

"Gray!"

Lumingon si Gray sa isang magandang babae na kamukhang kamukha ni Grazielle. It must be her mother and Gray's sister. I guess... good genes does run in their family huh?

"Ah...sige mauna na ako. It was nice meeting you... Lia and Emma." he smiled.

"Bye!" Grazielle waved.

We both waved at Grazielle as they walk towards her mother.

Nung makaalis na sila ay niyugyog ni Emma ang braso ko. Buti nalang nasa kabilang kamay ko yung milk tea na iniinom ko.

"You didn't tell me, na he's that handsome!" Iyon ang unang sinabi sa akin ni Emma pagkaalis ni Gray.

"Sinabi ko naman ah,"

"Damn, Lia. I know you don't have any experience in boys but if you do like him, go and make a move! Walang mangyayari kung tutunga-nga ka lang!" she lectured me.

Umiling ako. "Ayoko, napaka out of character naman kung gagawin ko yun,"

She rolled her eyes. "So, ano? Hihintayin mo nalang na magically magustuhan ka niya pabalik? Life doesn't work that way, Lia! Minsan kailangan kumayod para makuha ang gusto!"

I pursed my lips. "I told you, hindi ko pa nga sure kung—"

"Sa akin ka pa magsisinungaling, Liliana Madeline? I've seen you have crushes on boys and it's the same look in your eyes when you saw him earlier!"

I blinked. According to Emma, madali akong basahin. Matagal niya na akong kasama at parehas naming alam kung ano ang itsura ng isa't isa pag may nagugustuhan.

"Of course, di naman sa pinapangunahan kita. To me, it really looks like you do like him."

I blinked twice. Totoo ba? Do I really have feelings for him? Isang buwan ko palang siya kilala...

Hindi na ako nagsalita at hindi na rin naman pinilit ni Emma yung topic na yun. She knows how sensitive I am when it comes to that. Gusto ko kase lagi yung sigurado na ako.

Gagalaw lang ako kung sigurado na ako.

Pag-uwi ko ng bahay, nadatnan ko naman si Mama na abala sa trabaho. Maraming mga papel na nakakalat at nakasuot rin siya ng salamin.

"Napaaga ka ata?" Tanong niya.

"May family dinner daw si Emma, kaya napaaga kami." Sagot ko. Tumango lang siya at tinuloy na ang trabaho.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis na ng pambahay. Umupo ako sa kama habang nagscroscroll sa FB.

Pinindot ko rin yung mga stories. Pero nung kay Gray na, lalong lumawak yung ngiti ko sa picture na nilagay niya.

Picture ni Grazielle na tuwang-tuwa habang binibigyan niya ng ice-cream. Napakacute talaga na bata!

"Lia." Tawag ni Mama.

Nagulat ako ng makita si Mama na nasa may pintuan at may hindi ako mabasang ekspresyon sa mukha niya.

"Ngiting-ngiti ka dyan ah, may boyfriend ka na?" She asked. Hindi naman siya galit.

"Ha? Wala, Ma! Ang cute lang nung bata kase." Dahilan ko.

Lumapit si Mama sa akin. "Wala naman kaso sa akin kung mag boyfriend ka pero kung—"

"Wala nga, Mama! Ano ba 'yan! Ayaw maniwala."

"Defensive?" She said. "Oh siya, tatawagin lang sana kita kase kakain na." Sabi niya at umalis na ng kwarto ko.

Bigla naman akong nakatanggap ng message.

Yasmin Fortalejo: Lia, sa monday ah! Yung interview. :)

Shit! May interview nga pala sa org na sinalihan namin ni Yasmin! Ano naman sasabihin ko? Mukhang mali ata 'tong pinili ko!

Pagdating ng Monday, dinala naman agad ako ni Yasmin sa office nung Org. Pinilit niya lang naman talaga kase ako para may kasama siya.

"Masaya 'to! Sila daw kase yung nag-oorganize ng foundation day! Kaya diba parang yung mga production teams lang nung high school."

Tumango nalang ako. Sasakyan ko nalang trip niya, tutal wala din naman akong ibang gagawin.

"Pasok na kayo." sabi nung secretary.

Pagkatapos nung interview, nalaman naman agad namin na tanggap kami. Meron na rin mga tasks para sa amin at binigyan na kami ng mga dapat ayusin.

"Yay! Thank you Lia!" she said, hugging me. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Nag-apply rin pala kayo dito?"

Lumingon kami ng makita si Sheryl na nakangiti sa amin. Kasama niya rin si Nikka. Yung isa sa mga kaibigan niya.

"Oo, She. Kamusta? Tanggap ka rin?" Tanong ni Yasmin.

Sheryl nodded and smiled. Isa rin si Sheryl sa mga pinakamabait na nakilala ko. Magaling siyang leader at alam niya talaga kung ano ang sinasabi niya. Minsan ko na rin 'to nakasabay pauwi.

"Yes! Kaming dalawa ni Nikka." sabi niya.

"That's good! At least, may kasama naman kami ni Lia!" Yasmin giggled.

Sabay-sabay na kami pumunta ng classroom dahil malapit na rin magsimula ang next class, nadatnan ko naman sina Gray at Lester na naglalaro sa labas.

"Oh, ayan! Tama! Tama!" sabi ni Lester.

"Hoy! Malapit na ata dumating si Prof. Nandito pa rin kayo sa labas?" sabi ni Sheryl.

"Sandali lang, Pres." Si Gray na nakangiti.

Umiling lang si Sheryl at pumasok na ng classroom. Tumingin ako kay Gray, at nag-angat siya ng tingin sandali sa akin.

Hindi ko nalang pinansin at pumasok na ako.

Wala naman seating arrangement kaya kahit saan nalang din ako umupo. Nireserba naman pala ako nina Tina sa may bandang dulo kaya di ko naman kailangan maghanap pa. Nakita ko rin na may bag sa tabi nito.

"Sino dito?" Tanong ko kay Allie.

Sasagot na sana si Allie nung dinaanan ako ni Gray at umupo dun sa upuan na nasa tabi ko. Medyo di ako nakagalaw nung dumaan siya dahil sa gulat. Sa bandang likod naman namin umupo si Lester at Derek.

"Siya." Allie smiled teasingly.

I took a deep breath at umupo na sa upuan ko. Sinubukan kong hindi tumingin kay Gray dahil ayaw ko ng discussions. Nandito ako sa school, para mag-aral. Hindi para lumandi.

Pagdating nung prof, sinubukan ko makinig ng mabuti, pero nadidistract ako. Bakit ba kase katabi ko pa siya? Hindi ako makakapag-aral nito e.

"Lia," tawag niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. Isang tawag niya lang parang nakakaramdam na agad ako ng kaba. Good job, Lia! Hindi ka namumula.

"May extra ka bang ballpen?" tanong niya.

Nakita niya siguro na pencil case ang dinadala ko kaya tinanong niya kung may extra ako.

"Oo. Sandali." sabi ko at kinuha yung pencil case. Binigay ko naman sa kanya ang ballpen at ngumiti.

"Salamat."

Tumango lang ako. Pinipigilan yung puso ko na parang tumatakbo sa loob.

"Uy, Lia. Pahiram din. Pasensya na, nakalimutan namin eh." sabi ni Derek.

"Ako din!" Si Lester.

Nilingon ko sila. Ano ba 'yan? Mga estudyante ba sila? Hindi nagdadala ng ballpen?

Dahil mabait ako na tao, at marami-rami naman din 'tong ballpen ko. Pinahiram ko na rin sila.

"Salamat!" parehas nilang sabi.

Nagsulat na kami nung pinapagawa nung prof. Hindi rin naman gaano kahaba yun kaya natapos ko rin agad.

Tatayo na sana ako para ipasa, pero nauna na si Gray.

"Papasa mo ba? Ako na." he said with a smile.

"Uh, sige." sagot ko.

Hinayaan ko naman siyang ipasa yung papel namin.

"Huy, pre kami rin." rinig kong sabi ni Lester.

"May paa kayo diba? Kayo magpasa." sabi ni Gray at naglakad na papuntang harap para ipasa yung papel namin.

"Daya! May favoritism." sabi ni Derek at tumayo na para ipasa yung papel nila ni Lester.

Pagkapasa nilang dalawa, nagkulitan muna si Derek at Gray bago umupo sa upuan. Nanatili lang naman akong nakatingin sa may bintana, tinitingnan lang ang labas.

"Okay ka pa ba, Lia?" tanong ni Allie na may halong panunukso.

I turned to her and rolled my eyes. Tumawa naman siya. "Tumigil ka nga."

Tumawa siya. "Nagtatanong lang naman."

Umiling ako at binuksan ang phone ko. Hindi ko naman napansin na nakatingin pala si Lester sa cellphone ko mula sa likod.

"Uy, sino 'yan! Boyfriend mo?" tanong niya at lumapit pa sa akin.

Nagulat naman ako at muntikan pang mabitawan ang cellphone. He looked at my wallpaper like a usual curious person.

Nakalimutan ko nga pala! Picture pa namin nung huli 'kong crush yung nasa lockscreen! Tinamad din kase ako palitan kaya nandun pa rin. It was a pic of me and him after nung game nila. Nakaakbay siya sa akin at ngiting ngiti pa ako.

"H-Hindi." I stuttered.

"Talaga? Ex mo?"

"Oo... ex-crush."

I glanced at Gray na nakatingin lang naman sa akin. Ang ingay kase ng dalawang 'to! Bakit ba sila sumilip nung binuksan ko phone ko?

"Ex-crush? Gusto mo pa rin?" tanong ni Derek.

"Hindi na... kaya nga ex-crush diba." pabara kong sabi.

Tumawa naman silang dalawa. Nanatili naman tahimik si Gray at nakikinig lang naman sa amin, habang kinakausap ako nitong dalawa.

"Nga naman, pre." sabi ni Lester.

"Eh, bakit lockscreen mo pa rin?" usisa ni Derek.

Pakiramdam ko ang dami na nakikinig sa usapan namin. Maski si Allie at ang mga iba kong kaibigan nakiusyoso na rin.

"Kase..." I drawled. Umirap ako. "Wala. Tinamad lang ako, palitan."

"Yun lang? Pero bakit mo naman in-uncrush?" tanong ni Allie.

I gave out a bitter smile. "Kase may gusto siyang iba."

"Aray."

"Awit, pre."

Umiling iling sila at hinawakan ang dibdib para ipakita kung gaano kasakit yun. Ang kulit talaga. Tumawa naman ng mahina si Allie sa mga itsura nila.

Ngumiti naman ako ulit. Naalala ko tuloy yung sakit nung nalaman ko yun. Anyway, it's all in the past now. Nakamove-on na rin naman ako.

Hindi man lang namin napansin na umalis na pala yung prof. Lumapit sa amin si Mason, curious siguro sa pinaguusapan namin.

"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ni Mason nung makalapit siya sa amin.

"Wala pre, yung ex lang ni Lia." sagot ni Lester.

"Ex-crush." pagtatama ni Gray.

Tiningnan ko naman siya dahil kanina pa siyang hindi nagsasalita. Nakikinig pala siya sa buong usapan? Akala ko nagpapanggap lang siyang nakikinig at nakatingin lang sa amin.

"Ex-crush?" kunot noo na sabi ni Mason.

"Wag na nga natin pag-usapan yun!" sabi ko dahil masyado naman ata silang invested sa past ko.

Inayos ko nalang yung gamit ko dahil medyo nakakalat sa table ko. Ganoon din naman ang ginawa nina Allie dahil malapit na ang uwian.

"Pero, Lia. Kung sakali. Kung sakali lang naman na meron may gusto sa'yo. Bibigyan mo ba ng chance?" biglaang tanong ni Lester.

Wala naman masama sa magbigay ng chance. Pero kung umpisa palang tingin ko wala na talaga, hindi ko naman sasaktan yung taong yun.

"Depende. Kung nakikita ko na baka magustuhan ko rin siya." sagot ko.

Tumango ang dalawa. "Paano kung umpisa palang kaibigan lang ang tingin mo?" Derek asked.

"Edi, basted." diretso kong sagot.

Nakita ko naman ang muntikan ng pagtawa nung dalawa. Seryoso lang naman ang mukha ni Gray at Mason.

"May nagugustuhan ka ba ngayon?" pahabol na tanong ni Lester.

Natigilan ako. Naisip ko si Gray. Tahimik lang siya na nakatingin sa akin dahil kinakausap ako ng dalawang 'to. Maski si Mason nag-aabang sa sagot ko. Pakiramdam ko tuloy lahat sila nakatingin sa akin. Inaabangan lang ang isasagot.

Di ako sigurado.

"Di ako sure."

"Ha? Anong di mo sure?"

"Di ko sure. Kung gusto ko ba siya o ano."

Kumunot naman ang noo nila.

"Ano ba 'yan! Ayusin mo naman sagot mo, Lia!" sabi ni Allie.

"Luh, may alam ka, Allie 'no? Kung sino gusto ni Lia?" tanong ni Derek kay Allie.

Tumingin naman sa akin si Allie na may mapanlokong ngiti. I sighed at umiling nalang. Alam ko naman ang sasabihin niya. Yun lang naman ang tingin nila palagi.

"Kung ano iniisip mo, Allie. Hindi 'yon." I told her. Kinuha ko na ang bag ko para umalis. "Alis na nga ako, bye."

Mabilis na akong naglakad patungo sa labasan para 'di na nila ako tanungin pa. Tinawag pa nila ako ulit pero 'di na ako lumingon. Bahala sila dyan.

"Allie, sino nga?" usisa nila.

"Wala. 'Di ko rin sigurado, e." rinig kong sagot ni Allie.

Dire-diretso naman ako na naglakad palabas. Hindi na bale kung may kasabay, gusto ko lang talaga makauwi na ngayon. Medyo pagod na din kase ako.

Napatigil ako saglit dahil narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Nagmessage lang naman sa 'kin si Emma ng tungkol sa crush niya.

Umiling nalang ako at nagreply sa kanya bago binalik ang phone ko sa bag. Pagtalikod ko naman nagulat akong makita si Gray na nakatayo doon.

"Nandyan ka pala..." I murmured.

Lumapit siya sa akin ng konti. My heart skipped a beat.

"Sabay na tayo?"

Continue Reading

You'll Also Like

283K 10.2K 40
Phaedra Divinagracia always lived her life in a selfless way. Nang maghiwalay ang nga magulang niya, she let them marry other people for the sake of...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
807K 23.9K 49
Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa...
38.6K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...