Please Be Mine [Completed]

By chimchimimi

244K 7.2K 234

Gabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Please Be Mine - Special Chapter

Chapter 18

2.9K 101 1
By chimchimimi


Chapter 18

"Good evening 😊 " basa ko sa naging text ni Jerome sa akin.

Halos everyday siyang nagtetext pero ni isa sa naging text ay wala namang tungkol sa mga raket na sinasabi niya. At halos hindi ko naman pinapansin ang mga text niya sa akin. Sa susunod na magtetext siya sa akin ay iba-block ko na siya.

"Baba mo muna Ged iyang phone mo tapos tingin ka sa taas para malagyan kita ng Mascara" sinunod ko naman ang sinabi ng akong ka-boardmate.

"Mas maganda talaga pag-nakalugay ang buhok mo" sabi niya sabay ayos sa buhok ko "..pero kinulot ko sa dulo para mas sosyal" dagdag niya pa.

After few minutes ay tapos na ang make over na ginagawa niya sa akin. Sunod naman ay sinuot ko na ang balck off shoulder na cocktail dress na binili sa akin ni Gab last week.

Today ang wedding anniversary ng parents ni Gab at gusto niyang mag-attend ako sa celebration na iyon. Muntik na nga akong hindi sumama dahil naaalala ko ang huling pagkikita namin ng mga magulang niya sa presinto. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako.

Pero pinilit ako ni Gab na mag-attend lalo na't pinadalhan pa pala ako ni Tita Euphy ng invitation. Gustong-gusto raw ni Tita na naroon ako. Bibili nga sana ako ng susuotin pero nag-insist si Gab na siya na ang bibili. Hindi na rin ako nakatanggi lalo na't mapilit ang lalaking iyon.

Nagpatulong akong masuot ang off shoulder na cocktail dress ko. After nun ay sinuot ko na rin yung heels ko at kinuha na rin ang purse ko. One last look at the mirror and I'm ready to go. Binilisan ko na dahil naghihintay na raw sa baba si Gab according to Tiya Neli.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Gab na nakasandal sa kotse niya na tutok na tutok sa pinapanood niya sa phone niya kaya hindi ako napansin.

"Gab" kung hindi pa ako nagsalita ay hindi niya ako mapapansin. Napansin ko namang napatulala siya sa akin nang makita.

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Ano ba yang pinapanood mo at napakabusy mo?" lumapit ako sa kanya at nashock sa nakita ko.

Pinapanood niya lang naman yung bago kong release na commercial nung brand ng isang cologne. Napangisi naman ako.

"Ganda ko riyan no?" biro ko sa kanya.

"Super. Pero mas maganda sa personal" biro niya.

"May mga lalabas pa akong commercial. Abangan mo na lang" and speaking of, hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa toothpaste commercial na ni-shoot ko last week. Baka bukas ko na lang sabihin kasi kung sasabihin ko ngayon baka ma-spoil ko lang ang gabing ito.

Okay na kami. We promised to each other na magiging understanding kami sa isa't-isa. Ayaw na namin maulit ang iyong simpleng away namin last week.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Naupo na ako sa front seat, siya naman ay umikot at pumasok na sa driver's seat. Pero bago niya pinaandar ang sasakyan niya ay may kinuha muna siya sa tabi niya. Isang maliit na rectangle box at binigay sa akin.

"Wear that tonight" binuksan ko ang box at nakita ko ang isang silver necklace na may pendant na moon. Itinaas ko iyon at nakita ang pagniningning nito. Hula ko'y napakamahal nito.

"Mahal ata ito..."

"It doesn't matter. Para sa'yo iyan" kinuha niya naman ang kwintas at isinuot sa akin. Tiningnan ko kwintas na suot ko. Ang ganda.

"Thank you"

"Anything for you. At para maalala mo ako palagi"" then he cupped my face and kiss me on my cheeks. Namula tuloy ako.

"Mag drive ka na. Baka ma-late pa tayo" utos ko pero deep inside hindi ko mapaliwanag ang kilig na nararamdaman ko.

Nakarating kami sa bahay nila. Sa bakuran ng bahay nila gaganapin ang party. Pag dating namin doon ay marami nang mga bisita ang naroroon. Halos lahat ay mararamdaman mong may kaya sa buhay.

Hindi naman binitawan ni Gab ang kamay ko. Pagpasok namin doon ay agad naming pinuntahan ang mga magulang niya.

"Ged! You're here!" agad kaming sinalubong ni Tita Euphy nang makita kami ni Gab. Niyakap niya ako at sunod naman si Gab. Kasama rin niya ang asawa niya.

"Happy Anniversary po Tita and Tito. And I'm sorry po about last time-"

"Ano ba. Wala na iyon. And thank you for coming" Tita Euphy hugged me again. Nag-smile naman sa akin si Tito Charles. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang napag-usapan ng mga magulang namin pero ang importante ay nakalaya na si Gab at hindi naman sa akin galit sila Tita.

After akong yakapin ni Tita ay may narinig akong tumawag sa akin at nakita kong papalapit sa akin si Zera.

"Ate Ged! Nice to see you again!" yumakap siya sa akin kaya niyakap ko na rin siya.

"Hello Zera! You're so pretty!" parang gusto kong panggigilan ang batang ito. She's really pretty and she looks cute sa damit niya.

Maya-maya'y nag-paalam na sa akin si Zera dahil babalikan niya daw yung mga pinsan niya. Ako nama'y hinila ni Gab para ipakilala sa iba pa nilang kamag-anak.

"Lo, Tito, si Gertrude po. Girlfriend ko" pakilala sa akin ni Gab sa lolo at tito niya. Nagmano siya sa dalawa kaya nagmano rin ako. Napag-alaman kong pareho pala silang pari pero ang tinawag ni Gab na lolo ay retired na. Pamangkin niya si Tita Euphy at siya rin daw nagpalaki sa kanya.

"Huwag mo munang buntisin" sabi ng Tito niya. Nagulat ako doon. Pari ba talaga ito?

"Si Tito talaga. Syempre hindi" natawa naman yung lolo niya. Gab mouthed 'Im sorry'.

"Kuya Gab, sino siya?" napalingon naman ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang binatang kamukha ni Gab. Kung si Gab ay may vibe ng pagka seryoso, ito naman ay may vibe ng manloloko. Pero may aura sila na pareho, iyon ang pagiging playboy. Napatawa na lang ako sa isipan ko.

Napabuntong-hininga si Gab bago ako harapin.

"Uhm, this is my girlfriend, Gertrude. Gertrude, this is my brother, Michael. Mike for short" naglahad ng kamay sakin si Michael na tinanggap ko naman. Siya pala ang ikatlo sa kanilang magkakapatid. Nakipagshake hands sakin si Michael pero bigla naman itong pinutol ni Gab.

"Kuya Raf! Gab's girlfriend is here!" maya-maya'y may sumulpot na isang binata na mas matanda kay Gab and Mike. Well, his aura is different than his brothers. He has this intimidating and dangerous look. Pero overall, napaka-gwapo niya. Parang nakikita ko si Gab sa kanya in the next few years.

"Hi! I'm Raphael" nilahad ko ang kamay niya kaya inabot ko naman. "I'm Gertrude" after ng pagpapakilala ay nag excuse na yung Raphael dahil may iba pang bisita.

"Ang gwapo ng kuya namin no?" sambit ni Michael sakin.

"Michael enough" saway ni Gab sa kapatid niya.

"I'm just kidding" nagpaalam naman si Michael na lilipat sa kabila.

"My crush ka kay Kuya?" tanong ni Gab sakin.

"Wala ano ka ba! Gwapo ang kuya Raf mo pero ikaw din kaya. Actually ang ga-gwapo niyong magkakapatid. Manang-mana kayo sa tatay niyo" nakuntento na siguro sa sinabi ko kaya hindi na siya nagsalita pa.

Sinama niya naman ako sa kabilang table para ipakilala sa iba pa niyang kamag-anak. Naabutan namin doon ang mag-asawang halos kaedaran lang ng parents ni Gab.

"Gab!" tawag nung babae. Agad namang lumapit sa kanila si Gab habang hila-hila ako.

"Tita! Tito!" bati ni Gab sabay halik sa pisngi ng babae at yumakap naman siya doon sa lalaki.

"Kuya Gab!" bigla namang sumulpot ang isang dalaga na agad ko namang namukhaan. Si Kristina! Isa siya sa mga reason kung paano kami nagkakilala ni Gab. Bigla ko namang naalala ang araw na iyon.

Tumingin naman sa gawi ko si Kristina.

"OMG! Tama nga yung narinig ko sa mga 4th year. Kayo na ni ate Ged!" napapalakpak pa niyang sabi. "Kung hindi pala nagback-out yung partner ni ate Ged, hindi ako makikiusap sa'yo then hindi kayo magkakakilala. Tadhana nga naman!" tawa nang tawa naman si Gab sa sinabi ng pinsan niya. Kung alam lang ni Kristina kung anong naging kalokohan ng pinsan niya nung araw na iyon.

"By the way Tita, Tito. This is Gertrude my girlfriend" I smiled at them. Sila ata parents ni Kristina.

"Gertrude, this is my Tita Kelly, pinsan ni Papa and her husband, Tito Henry na pinsan naman ni Mama"

"Good evening po" nakipag-shake hands sa akin ang Tito Henry pero yung asawa niya ay nginitian lang ako.

May iilang bisita rin kaming nakakasalubong at tinatanong si Gab kung ako ng girlfriend niya. Si Gab naman ay proud na proud akong ipinapakilala sa kanila.

Moments later ay nagsimula na ang party. Hindi lang pala wedding anniversary ang tungkol sa party na ito kundi ang pagtake-over ng kuya ni Gab sa kanilang kumpanya. Ang iilang bisita sa party ay mga familiar ang mukha dahil siguro sa madalas makita ang mga mukha nila sa mga business magazines.

Nakaupo ako sa harapan kasama si Gab. Nasa iisang table din kami kasama ang mga kapatid niya. Nasa kabila naman ang mga kamag-anak nila.

Napapansin ko rin ang madalas na pagtingin sa akin ng Tita Kelly niya pero hindi ko na iyon pinansin.

May mga oras din na iniiwan ako ni Gab kasi tinatawag siya sa stage. Lalo na nung pictorial ng family nila pero nagulat ako nung after ilang shots ng family picture nila ay umalis siya at lumapit sa akin. BIgla niya akong hinila ay sinama sa picture nila. Ngiting-ngiti naman ang mga magulang niya at ang mga bisita naman ay nakatingin sa amin. Nahihiya man ay sumama na lang ako sa picture nila.

Ewan ko ba kay Gab. Hindi naman ako part ng family.

After nun ay bumalik na kami sa table namin. Napansin ko naman na diretsong naglakad sa likod si Gab at may binati. Dun ko nakita na binati niya yung mga kaibigan niya. Napatingin naman sa akin iyong isang kaibigan niya na si Mark. Nginitian ko naman siya lalo na't medyo kilala ko siya. Isa siya sa mga estudyante ni Ma'am Millena.

After nung party ay isa-isa nang nagsiuwian ang mga bisita. Pagtingin ko ng oras ay malapit nang mag 12 am. Monday bukas at mukhang hindi ako makakapag-duty ng umaga.

"Pagod ka na?" tanong ni Gab sa akin.

"Hindi naman" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa may swimming pool nila. Medyo malayo ang pool sa place nung party pero may mga bisitang nakarating rito kanina

Pagdating namin doon ay bigla niya akong niyakap sa likuran. Inihilig niya naman ang ulo niya sa balikat ko.

"Pagod ka no? Kaya mo ko dinala rito. May mga bisita pa kayo oh" kita mula rito ang mga bisita.

"Let's stay like this for a while" hindi na ako nagsalita. Nakayap siya sakin sa likod and it feels so right.

"Gab" sabi ko. Hindi siya sumagot. I think this is the right time to say this. Baka kasi makalimutan ko pa. "Remember nung nagshoot ako ng isang commercial last week?" hindi siya sumagot pero alam kong nakikinig siya.

"Huwag ka sanang magagalit. Ano kasi... may mga sweet scenes kami nung co-lead ko. T-tapos may kissing scene kami..."

"Pumayag ka?!" sigaw niya. Di na ako nagulat.

"Eh, utos yun nung director!" I pouted. "Saka h-hindi naman iyon matagal"

"You like the kiss?"

"Of course not! Trabaho lang iyon!" mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Make sure na sakin ka lang kikiligin" my heart started beating so fast. Gabriel suddenly kissed my cheeks at maya-maya'y lumipat na sa lips ko ang pagkakahalik niya. Tumagal ito ng ilang minutes at naramdaman ko na lang na mas lumalim ito. Hiniwalay niya ang labi namin at sinimulan nang halik-halikan ang leeg ko.

Hindi pa ata nakuntento si Gab kaya hinarap niya na ako sa kanya. Binalik niya ang mga labi niya sa mga labi ko at nang lumalim nang lumalim ang mga halik niya ay natigilan ako nang may marinig akong sunod-sunod na click ng camera. Natigil rin sa paghahalik si Gab nang marinig iyon.

Nakita namin sa may kabilang side ng pool ang kapatid ni Gab na may hawak na DSLR na kinukunan kami!

"Jhud! Go away!" nang sigawan ni Gab ang kapatid niya ay bigla na lang ito kumaripas ng takbo palayo.

"Gab yung brother mo"

"Hayaan mo na siya!" pinagpatuloy niya ang paghahalik sa leeg ko

"Kinunan niya tayo ng pictures!"

"Eh di ikalat niya" kinurot ko siya sa bewang niya. Kung anu-anong kalokohan ng lalaking ito.

"Uwi na ako. May pasok pa bukas" pumayag naman siya.

Nauna na siyang lumabas para kunin ang kotse niya. Ako naman ay hinanap sina Tita Euphy para magpaalam na. Nang makita ko na siya ay agad naman akong lumipat.

"Bye po Tita. Alis na po ako" paalam ko sa kanya.

"Okay pero ihahatid ka ba ni Gab? Nasan na ba ang batang iyon?"

"Kinuha niya lang po yung kotse niya"

"Ingat kayo ha. Thank you for coming. I'm so glad na sinagot mo na anak ko" bigla akong nag-blush sa sinabi niya.

Tumalikod na si Tita nang may isa pang bisita ang nagpaalam sa kanya. Ako naman ay nanatiling nakatayo malapit sa kanya dahil sabi ni Gab ay hintayin ko siya rito para makapagpaalam din sa Mama niya na ihahatid ako.

Nakatayo lang ako nang hindi ko inaasahang may narinig ako mula doon kila Tita Euphy.

"Euphy, I can't believe that you're letting Gab to date that girl"

"Kelly please" narinig kong sabi ni Tita Euphy. Di na ako lumingon pero alam na alam kong yung Tita ni Gab ang kausap ng Mama niya.

"If I were you, hindi ko hahayaang mahulog ang loob ni Gab sa tulad niya. God, kita mo ang ginawa ng tatay niya at pinakulong pa ang anak mo!"

"I understand Kelly but please hindi naman kasalanan ni Gertrude at saka..." hindi na natapos ang pakikinig ko kasi nakita ko si Gab na paparating na.

Hinawakan niya kamay ko at muling pumunta sa Mama niya.

"Ma, ihahatid ko lang po si Ged" tumango naman ang Mama at muling nagpaalam sakin. Ang Tita niya naman ay nakataas ang kilay sakin.

Siguro nalaman niya ang tungkol sa pagpapakulong kay Gab kaya badshot na siya sakin.

Anyway, as long as tanggap ako ng parents ni Gab ay wala namang problema.

"Good night" sabi ko kay Gab nang makarating na kami sa tapat ng boarding house ko. Tumango siya pero hindi niya naman nagsalita. Nagtaka naman ako.

"Galit ka ba dahil sa sinabi ko kanina? Uy sorry na" hinawakan ko braso.

"I'm jealous but it's your work. At the end of the day akin ka" natawa naman ako sa sinabi niya.

"That's my boyfriend!" hinalikan ko siya sa lips at pagkatapos nun ay bumaba na ako ng kotse niya. Nakita kong pangiti-ngiti pa siya habang pinanadar paalis ang kotse niya.

Nagba-bye pa ako kahit di naman niya nakita.

At narealize ko ngayon na ang landi ko pala.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.3K 25
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na s...
1.8M 27.7K 55
What if you woke one morning, having a massive head ache, and... married?! That's what happens to Craig and Yana, who both don't have any idea how th...
59.7K 2.4K 28
Aldemar Denreich Richards and Maisie Daine Mendoza, the couple that captivated our hearts... their story goes on. Alden and Maine are back. Will thei...
1.3M 38.2K 68
Maureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyan...