(GIA'S POV)
"Aray!" Impit na sigaw ko ng naramdaman kong may bumangga saakin sa hallway namin.
WTH?! My books!!! At dahan dahan na ngang nalaglag ang books ko, bwisit!
Nag bell na kasi, sign na paakyat na ang teachers. Kaya halos lahat ng students ay nag mamadali nang pumasok sa kani kanilang room.
Inis na pinulot ko ang mga libro ko.
"Sorry!" Sigaw nya, sabay nag mamadaling umalis. Di man lang ako tinignan. Tinignan ko sya hanggang sa makapasok sya sa classroom namin. Hayst. Kahit boses nya alam na alam ko talaga na sya yun. Be thankfull I love you. Hmpt!
Kailan mo ba ako titignan ulit? Just one freaking glance only! Mahirap na yun ha?
"Arey!" Napatingin naman ako kay Lila na kaibigan ko nang gayahin nya ako pero pabebe nga lang.
"Arte mo." Sinamaam naman nya ako ng tingin.
"Alam mo, bakit di kaya umamin ka nalang sakanya? Malay mo dahil doon mapansin kana nya o kaya magustuhan kadin nya! Masaya kaya yun. Kesa ganyan ka lang hanggang palaging tingin tapos pag di napansin ako sisisihin." Malungkot na sarcastiko ko syang tinignan.
Tinignan naman nya ako ng masama. "Jusko naman Gia 6 years ka ng patay na patay dyan baka may balak ka namang kumilos dyan." Seryoso lo syang tinignan.
"Baliw kaba? Ako aamin? Ni hindi nga ako kilala nyan. Baka pag umamin ako dyan for sure kinabukasan limot na ako kaagad nyan. Tulad ng dati nu, tsaka baka mapahiya lang ako tama na yung mga letters." Sabi ko sakanya at pumasok na sa room namin at umupo sa pwesto namin.
"Hay nako Gia! Daming paraan para di ka nya malimutam after mong umamin sakanya! At ano naman kong mapahiya ka? Ang importante nakaamin kana after ilang years!" Sabi nya saakin habang inaayos ang gamit nya sa upuan.
"At ano naman yun ha? Kasi wala talaga ako maisip. Nabili ko na ata lahat ng klase ng special paper para mag padala ng mga love letter sakanya pero see? Wala padin! Di padin ako nanotice." Pag rereklamo ko sakanya.
"Totoo kaba girl?" Tinignan nya ako na para bang hindi sya makapaniwala sa mga pinag sasabi ko.
"Taga saan kaba? Bundok? Di mo ba alam ang facebook,instragram at messenger? Chat mo o kaya hingin mo number kay Queen tutal close naman kayo ng kapatid nya."
Sabi nya at tinarayan ako.
"Mapapansin nya kaya? Kasi for sure madaming nag chachat sakanya, baka matabunan lang." Malungkot kong sabi.
Katulad ng kung paano ako kaagad natabunan sa memorya nya.
"Alam mo, ang nega mo! Bahala ka dyan. Forever ka nalang pangarap dyan." Inis na sabi nya saakin. Bakit ba? Is it my fauly that after that day kinalimutan nya na nag eexist ako sa mundo?!
May sasabihin pa sana ako kaso dumating na ang teacher namin kaya tahimik na kami.
Pasimpleng tumungin ako sa pwesto kung saan sya naka upo, katabi ng mga kaibigan nya.
At doon, nakita ko kung paano sya pasimpleng nakikinig sa mga kaibigan nyang nag kwekwentuhan at tumatawa. How I wish na sana dumating din kami sa point na ganyan. Yung ngingiti sya everytime I'll tell him a story about my day.
Napangiti naman ako ng makita ko syang ngumiti. Gwapo talaga kainis!
Jiro Kael Dela Cruz
Alam mo ba, gusto na kita
Unang beses palang kitang pagmasdan,
Gusto na kita mag mula ng mga bata palang tayo,
Tandang tanda ko noon,
Grade 5, June 3 2014
First day of classes yun, natatakot ako pumasok sa room dahil nandoon si Kiamaldita, yung galit na galit saakin, kahit wala naman akong ginagawa sakanya.
Palibhasa lagi ko syang nalalamangan sa grades namin.
"Uy!" Napatingin naman ako sa lalaking tumawag saakin.
"Ayos kalang ba? Bakit di kapa pumapasok? Paakyat na si Ma'am. Mapapagalitan ka nun pag naabutan ka nyang di pa pumapasok." Ang gwapo nya at ang bango nya tsaka mukhang ang bait nya din. Sino ba itong gwapo na'to?
"Sorry haha, I'm Jiro Kael Dela Cruz pala, ikaw anong pangalan mo?" Tanong nya saakin. Nagulat naman ako sakanya. Narinig nya kaya yung tanong ko sa utak ko? Weird.
"Gia, Gia Alcantara." Mahinang sabi ko. Bakit ba ako nahihiya? Di naman ako mahiyain ah?! Ang arte ko!
"So, Gia? Bakit di kapa pumapasok?" Nakangiting tanong nya. Napatulala naman ako habang nakatingin sakanya. Sobrang bait siguro ng Diyos sakanya at pinag pala nya ito na sobrang gwapong mukha.
"Ahh, ano kasi, nandoon si Kia. Uhhm ayaw nya kasi saakin. Natatakot ako pumasok baka awayin nya ako." Nauutal at nakayukong sabi ko. Bayan ang shy ko naman!
Pero nagulat ako ng bigla nya akong pinat sa ulo ko. Kaya napa angat ako ng tingin sakanya. Nakahawak padin sya sa ulo ko. Nagkatinginan naman kami. Ang ganda ng mga mata nya. Kumikislap at tumitingkad lalo dahil sa sinag ng araw at sa mga ngiti nya.
"Ahh, si Kia. Sabagay mataray naman talaga yun pero pasok kana, don't worry ako bahala sayo. Pag inaway ka nya. Pag tatanggol kita. okay?" Ngumiti sya saakin kaya ngumiti din ako pabalik "Ano tara na?" Pag aya nya saakin at kaagad naman akong tumango at pumasok.
Ang saya ko nung araw na yun akala ko magiging mag kaibigan na tayo after nun kaso kinabukasan, wala na, di mo na ako pinapansin. Dinadaan daanan mo nalang ako. Parang di mo ako kilala. Simula noon hanggang ngayon fourth year highschool. Wala na. Di mo na ako pinansin ulit.
Kahit palagi tayo mag classmate. Parang di mo padin ako kilala. Parang ang sarap sumigaw ng 'Hello?! Nag eexist po ako!
Di ko naman alam yun na pala ang una at huling beses na titignan mo ako. Sana sinulit ko na
Marco's POV
"Uy!" Nagulat ako ng bigla akong hinampas ng libro ni Edwin.
Tinignan ko sya ng masama at kinuha ang libro para hampasin sana sya kaya lang hinatak na nya kaagad ang libro.
"Alam mo, di ka lang tanga, napaka torpe mo pa." Tinignan ko sya ng masama at bumalik na sa pag tingin kay Gia, ganda nya talaga.
"Wala kang pakealam." Simpleng sabi ko.
"Psh! Sabagay ano nga naman ba magagawa mo eh patay na patay yan kay Jiro, consistent mag bigay ng love letters. Eh ikaw? Aware naman kaya sya na nabubuhay ka sa mundong to?" Aambahan ko na sana sya ng biglang may mag salita sa likod ko.
"Marco," Si Jiro lang pala. Oo si Jiro yung mahal na mahal ni Gia since elementary. Hayst!
"Ikaw pala, bakit? May sasabihin ka?" Tanong ko sakanya. Kahit naman karibal ko to kay Gia kaibigan ko padin to. Kaya i'll treat him nice.
"Nag aaya sila Dane ng Basketball daw tayo after class, kung gusto nyo daw sumali ni Edwin. Para mas marami tayo." Palagi namin tong ginagawa pag maluwag ang sched sa school works.
"Ahh, Sino makakalaban natin?" Tanong ko sabay tayo na at kinuha ang bag ko tutal recess na naman.
"Taga kabilang school. Sila Alex."
"Mag kano pustahan?" Tanong ni Edwin.
Tinignan ko ng masama si Edwin. "Mukha ka talagang pera."
"What? I need money p're!" tumatawang sabi nya.
"Mamaya daw pag uusap. Hayaan nyo na yun alam nyo naman yung mga yun. Game naman yung mga yun kahit mag kano." Sabi pa nya. "Ano game ba kayong dalawa?"
Nag tinginan muna kami ni Edwin bago sabay na tumango sa kanya.
"Great! Then let's meet after class." Sabi nya sabay alis kasama nila Dane.
Paalis nadin kami ni Edwin kaso nakita ko yung maliit na envelope na pink na nasa gilid ni Gia, habang busy sya sa pag susulat doon sa pink din na papel. Hasyt! Love letter na naman. Kailan naman nya to ibibigay kay Jiro?
Lumapit ako at pinulot ang envelope at inabot sakanya.
"Nahulog mo." Sabi ko habang nakatingin sakanyang nag susulat ng kung ano ano sa papel nya puro puso! Corny! Psh! Pero sana ako din kahit sa maliit lang na papel, kahit nga scratch paper lang eh tapos kahit isang puso lang masaya na ako doon hehehe. Basta galing kay Gia.
"Hmm, palagay nalang dyan salamat." Sabi nya habang nakayuko at nag susulat padin.
Grabe! Di man lang ako tignan. Ang lupit talaga ng babae na'to saakin.
Inis akong lumapit kay Edwin na nag aantay sa may pintuan habang natatawa akong tinitignan.
Palabas na ako at mag sasalita sana sya kaso pinigilan ko na.
"Kung gusto mo pang mabuhay manahimik ka nalang." Sabi ko at nilagpasan sya. Sinundan naman nya ako habang tumatawa. Sira ulo talaga to eh.
"Torpe Hahahaha." Bulong pa nya. Di ko na pinansin at dumeretcho na sa canteen.
°°°°°°°°°°°°°°°
"Grabe! Swerte talaga natin panalo tayo Hahahaha woooo! Tara kain tayo!" Aya ni Klen. Kakatapos lang ng laro namin at medyo malaki ang pustahan kaya naman ginalingan namin at ayun naipanalo naman namin.
"Marco, Edwin sama kayo ha!" Sabi nya saamin na tinanguan ko lang habang sila ni Edwin ang nagkw- kwentuhan ng kalokohan.
Nakita kong kakalabas lang ni Jiro galing sa shower kaya naman umalis na kami para pumunta sa lockers area.
Pag karating naman namin doon nang akmang bubuksan na ni Jiro yung locker nya ay pinigilan sya ni Klen.
"Wait lang! Huhulaan muna namin kong gaano karami natanggap mo na love letter ngayon. Hehehehe." Ganyan talaga sila. Pinag pupustahan nila ilan yung laman na love ltter ang locker ni Jiro. Sana all, pero kahit isang letter lang basta galing kay Gia masaya na ako.
Kaso wala. Hayst
"Anong silbi ng pustahan nyo eh alam nyo naman ang daming babae nababaliw dyan. Malamang madami yan." Sabi ni Dane kay Klen.
"Sabagay, pero kahit gaano naman karami natatanggap mo na letter isang letter lang maman lagi mong binasa, si Ms. Pink envelope HAHAHAHAHA." Sabi pa ni Klen.
"Ewan ko sayo." Sabi ni Jiro at binuksan na ang locker nakatingin lang ako sa loob ng locker nya. Grabe! Ang daming letter!
Nakita ko syang may kinuha lang na isang letter ang ang iba ay tinapon na nya. Grabre talaga.
Tinignan ko ang hawak nya na envelope. Teka, parang pamilyar yung envelope ah.
Napabaling ang tingin ko kay Jiro ng binabasa nya ang laman ng envelope. That envelope, its Gia's evelope! Yung pinulot ko kanina.
"Isa lang talaga binabasa nya palagi?" Tanong ko kay Klen na katabi ko lang nakatayo.
"Oo, isa lang sa halos dinami dami ng letters na natatanggap nya isa lang talaga kinukuha at binabasa nya."
Tinignan ko naman si Jiro at pasimpleng tumikhim para makuha ang atensyon nya. Nang tumingin sya kaagad ko naman syang tinanong.
"A-ahm, k-aninong letter yan?" Pahina ng pahina ang boses ko habang nag tatanong.
"Itong letter? Kay Gia to galing. Gia Alcantara. Yung classmate natin si Ms. Top 1. Bakit?" Tanong nya saakin. No need to illaborate. Kilalang kilala ko sya psh.
"So kilala mo pala sya," Nag tatakang tumango sya saakin. "Malamang pre, anim na taon ko din yung classmate eh." Nakangiti nyang sabi.
"Ah, kase pag naririnig namin ni Marco sila mag usap ni Lila lagi nyang sinasabi na di mo sya kilala or you don't know that she's existing." Sabi ni Edwin na tinanguan ko lang.
"Really? Hahaha cute." Nakangiti nyang sabi. Cute?! Cute bayun? Edi wow!
"Kung ganon. Jiro, gusto mo ba si Gia?" Kinakabahang tanong ko.
Tinitignan ko sya ng maigi habang nag dadasal na sana wag. Dahil alam kong wala na talaga akong magiging laban sa oras na gusto nya din 'to.
Please wag, paubayan mo nalang sya saakin.
"Si Gia?" Nakangiti nyang sabi habang dahan dahan na sinasara ang locker nya. Nakita ko namang nakangiting umiiling iling si Dane habang nakatingin kay Jiro.
I've seen him took a small glance behind me kaya dahan dahan ko ding tinignan yun at doon nakita ko si Gia at lia. Napatingin ako kay Gia, tutuk na tutuk sya sa pag tingin kay Jiro na para bang pag pumikit sya mawawala na si Jiro sa paningin nya habang buhay.
Gia, ako naman tignan mo kahit mapadaan lang yung tingin mo saakin masaya na ako kaya pls, Gia, kahit isang tingin lang.
Tumingin ako pabalik kay Jiro. Nakayuko sya habang nakangiti.
"Yeah, Gusto ko sya dati pa."