Something That Will Last

By Starine

55.6K 2.9K 2.3K

It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think... More

Prologue
1 // The Coffee That Started It All
2 // The Warfare
3 // Dimmed Sunshine
4 // Trap That's Yet To Work
5 // Eerie Constantin
6 // Sabotage Responsibly
7 // Careful, You Might Tell the Truth
8 // What a Circle of Friends
9 // Mess They All Want
10 // Like A Viking
11 // Break Like a Ceramic
12 // Describe Amused
13 // Caffee Sospeso
14 // White Flag
15 // Peek Before Hiding
16 // Dreams and Other Things
17 // Anything's a Wingman
18 // When He's Counting Pixels
19 // Coffee and Palpitation
20 // The Withdrawal
21 // Truth Under The Stars
23 // Cheap Champagne
24 // Banned Coffee
25 // My Hand Smells Like Coffee
26 // A Brand New Era
27 // The Sort Out
28 // Unplanned War Zone Ceased
29 // Expresso Espresso
30 // A Bucket Full of Wishes
a cup of coffee for you ☕️
Epilogue

22 // Tell Me Something I Don't Know

1.2K 88 116
By Starine

22 // Tell Me Something I Don't Know

Pinalabas ako ni Jules ng kwarto niya after what felt like a million year. Inayusan niya kasi ako ng buhok para sa intimate celebration ngayon sa café.

Akala mo naman kung ano ang ginawa sa akin ni Jules. I still looked the same. If this wasn't a celebration of the café's milestones, I would have stayed in my room instead.

"Congratulations, Tita!" I greeted lovingly as I kissed her on the cheek.

"Oh, Viennica." She looked at me with similar expression. Hawak niya ang magkabila kong balikat. "Go greet some guests for me."

I just nodded. That's how we were to our parents, an extension to represent them. So during functions like this, we're expected to behave. Tita Lar is indeed my second mother, that's why I also do this for her.

From the café to our house, all guests schmoozed. Marami akong tinanguan na dumalo. Syempre binigyan ko rin sila ng sweet smiles ko because, diba nga, I can be a charmer myself.

I'm about to enter the real world, so I need connections. Kaya kahit hindi ko nakasanayan ay sinubukan kong makipagusap sa ibang bisita for a casual conversation.

"You finished Hospitality Management?" asked Mrs. Tolentino, isa sa business partners ni Tita.

"Yes po."

"If you ever need anything, you can come to me," mabait niyang sabi. I smiled and thanked her.

"Good evening, Mrs. Tolentino," bati ni Nolan pagkalapit sa amin.

Umatras ako to give them space.

"Wait, Viennica..."

Um-exit pa rin ako mula roon at naghanap ng susunod na kakausapin. Nahagip ng mata ko si Jerrick, nakikipagtawanan siya sa isang grupo.

Ang alam ko ay nakasama sa Sagada ang mga iyon. They're part of Nolan's creative team, I think. I saw Jerrick took out his phone as he talked to one girl. Iyong babae naman ay kinuha rin ang phone niya. Now it seemed like they're exchanging numbers.

Umikot ako kaagad para umiwas ng tingin. It's not the type of television series that I'd like to watch. But then may tao akong nabangga.

"Sorry..." sabi ko kaagad.

"Easy there." It's Nolan. He caught my shoulders. "Okay ka lang ba?"

Pilit akong ngumiti at tumango. He stopped me when I tried to exit again.

"Kamusta ka, Vie?" subok niyang magsimula ng conversation.

I took a quick glance behind me. I saw Jerrick now looking at me. Binalikan ko ng tingin si Nolan.

"I'm good. Congratulations din. I saw your works, everything looked great."

He's honestly good. I saw some of the promotional materials for the upcoming coffee branches that he did. Hindi rin naman nakakagulat dahil Tita Lar only works with the best people. Like me.

"Really? So I finally made an impression to you?" Napatungo siya at ngumiti.

I clasped my hands together. Anong sasabihin ko? Ahh! Why are conversations like these so darn complicated?

Hindi pa ako nakakasagot ay dumating si Tita Lar para tawagin si Nolan.

"Nolan, let's present your team to my colleagues."

Nag-alangan pa siya kay Tita, but because he's working for her he doesn't exactly have a choice choice. I then claimed this chance to bolt.

"Uhm, bye!" I quickly said with a lousy wave.

Nagmadali rin akong maglakad palabas ng café. All those talking wore me out. Naubos na rin ang social energy ko. I just wanted to sleep and be alone now, but I couldn't do that exactly at home.

I settled in an empty table to rest for a while. Mula rito ay kita ko kung ano ang nangyayari sa loob. People in there were just talking and talking and talking, really putting those saliva in action.

Pinaglaruan ko ang centerpiece sa table dahil wala akong magawa aside from spectating around the place.

Nakita ko si Jerrick na tila may hinahanap. Pagkakita niya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin.

He stood beside me not knowing what to do. He was reaching the back of his head while trying to think of what to say.

"Vie..." he started. Hindi ko siya tiningala. Hinila niya ang katabing upuan para lapitan ako.

Kinuha niya ang kamay ko mula sa paglalaro sa bulaklak.

Luh, epal? Doon na lang siya sa loob, bigay niya number niya sa lahat ng babaeng nandoon.

Binawi ko lang din ang kamay ko kasi sa akin naman 'to. Dalawa naman ang kamay niya, bakit hindi iyon ang hawakan niya?

"Anong meron, Vie?" tanong niyang nakangisi. "Are you okay?"

"Grabe! Ang daming tao sa loob. Ka-stress!" said Jules after arriving to our table.

Napaayos tuloy ng postura si Jerkrick. Sumandal kaagad siya sa upuan niya.

Nagsunuran dito sa table namin sina Lesly at Cara. Si Pol naman ay nahuli pa sa paglalakad, parang reluctant pa siyang lumabas dito.

Now, we're a crowd.

Maingay na lumabas ang ibang bisita rito. Tita Lar and also her partners went out. May nakasunod sa kanilang mga tauhan na nagaalok ng wine glass sa mga bisita.

Isang tauhan ang nagbigay sa amin ng wineglass that's half-full. Oh, we're having cheers? So, malapit na bang matapos ito?

"Uy, Nolan! Tara dito!"

Siniko ni Jules si Cara. "Bakit mo tinawa—uy hello, Nolan, join us..."

Nag-sorry nang mahina si Cara kay Jules. Pero naging mabait naman sila sa mga dumating sa table namin.

Lahat kami ay nakatayo na, ready na sa cheers. Dahil hindi ako nakakatulog nang maayos lately, ready na talaga akong lumaklak. Baka nga magtago pa ako ng matitirang wine mamaya pagkatapos ng party.

Nakataas ang wine glass ng lahat habang nagbibigay ng speech si Tita Lar. Nagpasalamat siya sa bumubuo ng Mostaccio at sa mga business partners na dumalo.

Napapababa ang kamay ko sa ngalay. Kita ko sa gilid ko na nangingisi si Jerkrick sa akin. Ginilid ko ang katawan ko para hindi siya makita.

Ang tagal kayang magspeech ni Tita! Parang naga-attendance na siya sa pagpapasalamat niya sa mga tao.

Pero ito kasi ang moment niya to shine, kaya ginalingan ko talaga sa paghawak ng wine glass ko. Sana maging proud si Mom sa akin dito. I could elegantly hold a wine glass—

I sighed. What am I even saying?.

"Nangangalay ka na?" Mahinang tumawa si Nolan pagkapuna sa braso ko.

"Haba magspeech ni Tita, e." Nahihiya akong ngumiti.

Natatawa siyang umiling. "I'll support your elbow."

Sinalo talaga ni Nolan ang siko ko, pero napaatras ako dahil sa malakas na ubo ng isa ko pang katabi. Nung nilingon ko naman, mukhang okay naman siya.

Muling nagpasalamat si Tita Lar sa lahat ng dumalo, and finally... finally, nag-cheers na ang lahat.

Alrighty, time to laklak!

"Uhaw na uhaw si ate girl," kumento ni Cara.

Nagpatugtog ng music pagkatapos ng mga speeches. May mga naiwan dito sa labas para sumayaw sa gitna, at ang mga matatandang business partners naman ay muling pumasok sa loob.

Dumating din sa pwesto namin iyong mga kasamahan ni Nolan. Iyong babaeng kausap ni Jerkrick kanina ay sumingit sa gitna namin.

Saktong noong may dumaan na tauhan, humablot kaagad ako sa tray ng punong wine glass kahit hindi huminto sa pwesto namin si kuya.

"Sorry! Sorry ulit..."

Medyo nabasa ang polo ni Nolan dahil natalsikan siya ng wine pagkahablot ko.

Dinampian ko kaagad ng tissue ang likod niya. Doon kasi sa may batok niya ang nabasang parte. Pero pinigilan niya ako sa pagpupunas.

"It's fine, it's fine. Viennica..." Hinuli niya ang kamay ko. "I have spare clothes in my car. Hindi rin naman basang-basa," he said, tumawa siya. "You're really cute and clumsy."

I bowed my head. Kinagat ko ang labi ko. Ano ba 'yan, hindi ko kaya pinangarap maging cute at clumsy! Pang-Kdrama lang naman kasi 'yan.

"Tara, sa gitna tayo?" yaya ni Nolan.

Mukha kasing masaya doon sa gitna. Nagsasayawan 'yung iba sa team niya habang umiinom ng wine.

"Okay lang ako dito." Ngumiti akong kaunti.

"Tara na..."

Kinuha niya ang palapulsuhan ko para mahigit ako sa gitna. Dinala niya ako sa bilog ng mga kasamahan niya.

"Woooh!" hiyaw ng isang lalaki kay Nolan.

Tinanguan lang niya iyon. Umiinom lang ako ng wine habang natitimang dito sa gitna. 'Di ko naman alam ang gagawin ko dito. Ayoko lang talagang maging mean kay Nolan. Bisita at katrabaho rin naman kasi siya ni Tita.

I twisted my body to look for my friends, but I saw someone else. Muntik na akong mauntog sa dibdib niya.

"Jerrick, dito tayo..." sabi noong babae kanina. Kasama na naman niya ngayon.

Humarap na lang ulit ako kay Nolan. Kaso binalik ni Jerrick ang katawan ko sa kanya.

"Ano ba," I mumbled. Bakit ang hina ko? Hindi dapat ganyan, Viennica! Tinulak ko siya. "May tumatawag sayo."

Umiling siya. Dinungaw niya ako para abutin ang tenga ko.

"Dance with me," he whispered. "Why are you with someone else?" mapait niyang tanong.

I looked at him with challenging stare, "Why are you with someone else?"

Napangisi siya sa pagbalik ko ng tanong. Hinulog ko na lang ulit ang tingin ko at napakagat ng labi.

"I can't believe this place is jam-packed," he murmured on my ears. "Should we bounce—"

"Yeah, we should!" sagot ko kaagad nang wala sa sarili.

Shit. Napatakip ako ng bibig ko. Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko!

Dinala niya ako papunta sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan niya. Madilim na rito sa lugar. Anong oras na rin kasi. Pinagtataasan na ako ng balahibo dahil ang creepy ng paligid.

"Buksan mo agad ang pinto ha," I said. Nasa likuran niya ako, nakakapit ako sa laylayan ng polo niya.

He looked back at me, tinawanan pa ako. "I will. Pero sa unahan ka uupo."

Noong naglakad kami ni Jules dati, hindi ganito ang aura ng paligid. Para talagang may something sa mga puno!

Nakarating na kami sa sasakyan niya. Ngumiwi ako. "Buksan mo na kasi..."

Pinisil niya ang ilong ko. "Cute mo."

Ginalaw ko ang ilong ko para matanggal ang kamay niya. That's two similar commentaries in one night. I don't like it.

Sa unahan niya ako pinasakay. Sumakay naman ako kahit 'di ko alam kung saan kami pupunta. Kinukulit ko siya buong drive pero hindi niya ako sinasagot.

Nang makarating kami sa isang building tsaka ko nalamaan kung bakit 'di niya ako sinasagot. We're entering the building of his condo unit.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya.

"Wholesome lang, Vie! Jess is there, don't worry. We share the unit so it's neat."

Okay, but who is Jess?

Tahimik kaming tumaas ng elevator. And after a few walks and turns, we stopped in front of a door. Binuksan niya ang kaunting ilaw sa loob ng condo.

Tanaw ko kaagad ang balcony sa kabilang parte. Malaki ang space para sa living area rito. Kahit hindi maliwanag ang ilaw na binuksan ni Jerrick ay halatang puro puti, itim, at grey ang kulay ng lugar at ng mga gamit nila.

Nawala si Jerrick sa paningin ko. Iniwan niya akong nakatayo dito sa may pinto. Hindi ko naman alam dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ko rin alam talaga bakit hindi ako nagwawala ngayon. Kung nasa dati kaming sitwasyon, magkakamatayan at mafflat-an muna siya ng gulong bago niya ako madala dito!

Lumabas siya sa isang kwarto na may dalang comforter. Nilingon niya ako at sinabihang sundan ko siya sa labas ng balcony.

Dahil may command na, sumunod na lang ako.

Nilatag niya muna ang comforter sa sahig, pagkatapos ay bumalik sa loob. Pagkalabas niya ulit ay may dala na siyang malalaking unan.

"Lika na dito," tinapik niya ang tabi niya pagkaupo niya sa comforter.

Umupo ako, pero hindi sobrang tabi sa kanya. Wala pa rin akong tiwala sa kanya, 'no!

Tsaka ano... sa sarili ko rin... wala na.

"Wala akong pinopormahan kanina, Vie. Halika na, lapit ka na sa 'kin," malambing niyang pang-iinis.

Humalukipkip lang ako. "'Di ko naman tinatanong? Tsaka wala akong napapansin. Magkausap kasi kami ni Nolan."

Awktomatikong bumagsak ang magkabilang gilid ng labi niya. Hindi siya natutuwa nang hinila niya ako palapit sa kanya.

Mas malakas siya, e, so nakuha niya ako.

Nakasandal ang mga unan sa laylayan ng sofa na nandito sa balcony, tapos sa unan naman kami sumandal. Sandal-ception ba.

"'Wag ka dun, 'di 'yun gwapo!"

Hindi naman sobrang malamig pero cozy pa rin sa loob ng comforter.

"Hindi ko naman kailangan ng gwapo."

"Right, right." Tumango siya. "Ang kailangan mo ay ak—" he just abruptly stopped.

Bakit hindi niya itinuloy? Umiwas ako ng tingin at ngumiwi.

"Who's Jess?" tanong ko na lang. Bigla kasi siyang tumahimik.

"My younger sister. Tulog na yata, may summer class, e. Or nagpa-party, I don't know."

"Bakit hindi mo alam?"

"Matanda na 'yun. Kaya na niya sarili niya."

Sumipol ang hangin kaya nagulo ang buhok ko. Sinasalikop ko buhok ko pero, wala, magulo pa rin. Kinuha ni Jerrick ang nakatakas na buhok at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Baka may iba pala akong iniistorbo, e..."

He chuckled. "Do you want me to tell all the girls that I was involved with, rumor-wise and not?"

I jutted my chin slightly. "'Wag na. Baka abutin pa tayo ng next year bago matapos listahan mo."

Hinigit niya ang kamay ko para paglaruan niya. Okay lang naman. Basta iyan lang ang paglalaruan niya.

"But I'd like to tell. I will tell, hmm? I wanna defend myself to you. Hindi ako lady-killer."

"As if you're not."

Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa siya. Hinigit naman niya ako para maakbayan. Hindi ko siya matulak-tulak dahil nanghihina ako.

I could smell his perfume, and this was the one I knew. The one my olfactory had memorized since the beginning.

He proceeded to tell. "I'll just clear up my image with Fiona and Wannie. Just a summary."

Oh, ang dalawa sa top i-don't-know-don't-care. 'Di ko alam kung ilang babae ba ang kasama sa top niya, pero basta narinig ko 'yan kina Cara dati.

"Si Fiona, she's kind. I really had no plan to lead her on. Nakita ko lang siya isang beses na pauwi ako, naglalakad siya sa gitna ng ulan. Walang payong, basang basa."

Mahilig ba sa kdrama si Fiona? Pang-drama na scene 'yon uy.

"Noon isinabay ko siya pauwi, nalaman kong may financial problem ang family nila because her mom got hospitalized. That's why she had to walk home, she had no money left to pay for fare. Nang malaman ko 'yon, hinatid ko na siya pauwi sa kanila. Tuwing papasok ako, nakikita ko siya sa daan kaya magkasabay kami palagi. Pareho rin naman kami ng first period."

Unfortunately, life like that for other people exists. May mga nakilala rin akong students na pinipilit talagang makapag-aral kahit kapos sa buhay. Iyong makikita mong hindi sila kumakain dahil pamasahe lang ang dala nila, o kaya ay nagtitipid dahil may kailangang bayaran na requirements, or to save for tuition fees. Marami 'yan, hindi nauubos na dahilan. Ngunit hindi rin sila nauubusan ng pag-asa.

I admire people like that. I didn't want to romanticize it because for sure they're, in ways, victims of social injustices. Nevertheless, I still admire the perseverance they hold in their heart, and the thinking that education is still one key to success.

"Buti isinabay mo siya," I said sincerely.

"Maliit na bagay."

I like kind people. Hindi ko naman alam na ganito si Jerkrick ko.

"But small act of kindness like that can lead to disappointing things," he continued. "Fiona fell in love. That's what she said when she confessed, but I immediately said no."

"No kaagad?"

"What better way to put out a fire like that? For me, if it's a no from beginning to end, I'll say it straightaway."

I guess I have to agree.

"I only seemed to be the heart breaker because they willingly give their hearts to me. And the only way for me to give it back was to break it."

"Why break it? Couldn't you do it nicely?"

Napanguso ako. Masakit kayang ma-heartbroken. Parang pati bones mo, broken din.

Hinila niya ang dalawang gilid ng labi ko para gawin iyon na pilit na ngiti. Umakma ako na kakagatin ko siya kaya tinanggal niya kamay niya. He just laughed.

"No matter how I do it, it's still going to hurt their feelings. And if they were hurt, in a way, they're already broken. People may take it in different intensity and they heal relative to that, but they do heal anyway. So there is no other way, Viennica. Either break it or accept it, and if I accept it without wanting it, then it's still breaking."

Itinaas ko hanggang sa dibdib ko ang comforter.

"May sense ka rin palang kausap minsan."

"Oo, kaya ako lang ang kakausapin mo. 'Wag ka sa mga taong parang 'umulan' ang tunog ng pangalan."

I gave him a look. Minsan nakaaaliw din siyang ma-insecure.

Minsan lang.

"Yeah, yeah. Eh si Wannie? She a rumor or..." I ended in a questioning tone.

Napapikit siya nang mahinang natawa. "Definitely a rumor."

Why do I feel like I want to exhale in relief? Parang biglang gumaan ang dibdib ko? Or baka dahil sa malamig na hangin lang 'to.

"Wannie likes Kurt, not me," he revealed.

Sinukat ko ang tingin niya. Baka kasi mamaya niloloko na naman niya ako.

Ginaya niya ang paniningkit ng mata ko at nilapit ang mukha niya sa akin.

"Alam kong gwapo ako, pero maniwala ka sa 'kin."

Gamit ang hintuturo ko ay nilayo ko ang noo niya sa akin. At tulad ng lagi niyang ginagawa, kinuha niya ang kamay ko.

"Wannie is pretty. Hindi ka ba na-fall sa kanya?"

Umiling siya. "Girls fall for me, it's never the other way around."

Hindi makapaniwalang pinanlakihan ko siya ng mata. Binitiwan niya sandali ang kamay ko para itaas ang kanya parehas. He even said, "I'm just sayin' statistics don't lie."

Just how many girls was it?

Pagkababa niya ng kamay ay dumapo ulit iyon sa akin. He's caressing my palm with his thumb.

Ayoko kaya sa ginagawa niya, 'no! Pero siya... kung gusto niyang gawin, uhm... edi gawin niya.

"Kahit hindi mo tinatanong, sasabihin ko pa rin," pagpapatuloy niya. "Wannie made me an accessory to make Kurt jealous. Una pa lang sinabi na niya sa 'kin na gusto niya ang kaibigan ko, but sad for her, hindi siya pinapansin."

"Sinabi mo kay Kurt? Na gusto siya ni Wannie?" I asked, now curious. Hindi naman pala niya kwento talaga 'yon, nadawit lang siya.

Sandali kong napansin ang mga kamay namin. Nakatuon ang pareho niyang kamay sa kanan kong kamay at minamasahe iyon. 'Yung left hand ko naman, wala, lonely.

Si Jerrick, parang hindi naman niya napapansin ang ginagawa niya sa akin... sa kamay ko. Kasi tuloy lang siya sa pagkwento.

"Oo, sinabi ko." He beamed, looking proud. "Ang kulit ni Wannie, e. Lagi akong niyayayang mag-picture tapos ipopost sa social media. Kaya 'yon, nagka-tsimis."

"Akala ko ba hindi ka affected sa rumors?" I asked.

"I'm not. It's just I don't want to add more to my list," he said. He raised my chin to look me in the eye, "especially now."

I couldn't tore my gaze off of him, too. My lips quivered as I asked, "B-bakit?"

His eyes made out a drowsy stare. Papalapit na lalo ang mukha niya sa akin. Sa dibdib ko, parang may mga nagwewelga na namang 'di ko kayang patigilin.

Hindi ako makahinga. Kailangan kong huminga! Kaya nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na inuubo.

I took my hand back to grip on the comforter tightly. Itinaas ko 'yon hanggang sa cheekbone ko. Kaya ngayon ay mata na lang niya ang kita ko. Marahan niya akong tinawanan at kagat-labing napailing.

"Sino naman iyong mga not rumor-wise?" tanong ko para malihis ang landas namin.

"Wala, kinalimutan ko na, e," he said. Hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako. "I have one. There's only one I can remember, and undeniably my last one."

Hinigit niya ang comforter para mailabas ako. "Jerrick!"

Napangisi siya. "Nilalamig ka ba? Hindi naman malamig..."

Iyong kamay ko kaya malamig! Kunwari pa siyang hindi niya alam. Pero iyong kamay niya rin, e, parang galing fridge.

"Malamig kay—"

Suddenly, he just roofed the comforter over our heads. Madilim, wala akong makita, but the rest of my senses went hyperactive.

My sense of smell, when I all I could smell was him, inside our blanket.

My sense of hearing, when he I heard him called, as softly as he could, "Viennica..."

My sense of touch, when his lips crashed on the side of my lips and stayed there for a moment. After it lingered, he finally found the way to my lips, right at the center, where his lips felt like it truly belonged. There was no movement from the both of us. I could only tell that our hearts were racing.

He tried to move, quietly and cautiously.

It's basic knowledge to people that we have five senses. But I know another one where I'm definitely isn't fully poor with right now.

My sense of space, because I finally had the courage to move my lips to answer Jerrick back.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
288K 11.1K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
1.2M 58.1K 48
Belaya Lawrence is the most sought-after actress of her time. She loves her job. She loves living different lives, even if she only has one. It's cha...