Star Complex

By lurie18

93 1 1

More

Intro...
SINOPSIS
SCENE 1
SCENE 2
SCENE 3
SCENE 4
SCENE 5
SCENE 6
SCENE 7
SCENE 8
SCENE 9
SCENE 11
SCENE 12
SCENE 13
SCENE 14
SCENE 15
SCENE 16
SCENE 17
SCENE 18
SCENE 19

SCENE 10

6 0 0
By lurie18

*LIBRARY*

"Gosh! Ang daming libro!" Mangha si Dan sa madaming librong natatanaw na pumupuno ng 10 malalaking bookshelves. Kasama niyang namamangha sila Blake at Troy.

"Teka? Pero kung may 10 ring PC dito, ba't pa niya kakailanganin ng ganyan karaming mga libro?" Tanong ni Vonn kay Rei.

"Umm...may mga pagkakataon kasing di alam ni Lu ang ise-search niya sa net pag gusto niyang magpalipas ng oras, kaya sa mga librong 'yan siya tumitingin." Sagot naman ng isa.

"Teka? Si Shaun? Ba't di sumama?"

"Bad mood yun ngayon, kaya andun sa sala, nanonood."

"Ha? Ba't naman?"

"Gano'n talaga yun. Gusto niya kasing alam niya lahat tungkol kay Lu, kaya nung nagsinungaling si Lu kanina, ayun."

"Grabe naman, demanding siya masyado. Di naman sila ah." Singit ni Blake.

"May pagka-possessive talaga siya, kaya nga naiinis din si Lu sa kanya minsan eh." May ngiting sagot ni Rei.

Paglabas nila ng library ay nagsimula silang maglakad sa corridor. Sinalaysay ni Rei ang iba pang mga kwarto na nasa bahay na iyon.

Sa kanilang paglalakad ay nakapukaw ng pansin kay Blake ang isang kwartong walang label. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may pwersang nagsasabi sa kanya na tingnan ang loob ng nun. Lumapit siya at sinubukan itong buksan pero mukhang naka-lock ito.

"Di mo mabubuksan 'yan." Sabi ni Rei mula sa di kalayuan.

"Ah, pasensya na. Ano ba 'tong kwartong 'to. Wala kasi akong nakikitang label?"

"Private room 'yan ni Lu... Prohibited ang kahit sino sa pagpasok dyan."

"Bakit naman? Ano ba'ng nasa loob?"

" Confidential. Ang sabi niya, dyan daw nakalagay lahat ng may kaugnayan sa thoughts at feelings niya."

"So, walang pwedeng pumasok dito? Kahit si Shaun?"

"Yup. Ayaw ni Lu na malaman ng iba yung mga kahinaan at kalakasan niya, at lahat 'yon nakalagay dyan."

"Ah, gano'n ba."

Napaisip si Shaun, meron kayang mga bagay sa loob na tungkol sa kanya? Di rin niya maiwasang matuwa, kahit pa'no pala ay may limitasyon din ang pagiging close ni Shaun at ng ex.

"Tara." Imbita ni Rei.

"Dito naman sa basement makikita ang swimming pool." Salaysay ni Rei habang bumababa sila sa hagdan ng basement.

"Bakit dito sa basement? Pwede naman sa labas, o sa rooftop din kung gusto niyo." Pagtataka ni Dan.

"May mga pagkakataon kasing gustong mag-swimming ni Lu kahit umuulan. At least dito, anytime pwede."

"Woow! Ang lawak!" Muli ay namangha si Dan nang makita ang mala olympic-sized na pool.

"Oo. Minsan kasi nagre-race kami." Sagot ni Rei.

Minamasdan pa rin nila ang kabuuan ng pool, nang biglang may umahon mula sa gitna ng tubig- si Lurie. Nagulat sila, samantalang bahagya lang ang sa dalaga.

"Ginagawa niyo dito?" Natural na tanong ni Lurie.

"Umm...pinapasyal ko lang sila. Pasensya na, di ko alam na andito ka pala.

Di na siya muling pinansin ng dalaga at nag-butterfly stroke na papunta sa kinaroroonan ng hagdan paakyat.

"Oh, ba't andito kayo?" Dumating si Shaun dala ang isang blue na bathrobe.

"Ah, pinapasyal ko lang sila." Rei.

Pumunta si Shaun sa kinaroroonan ng dalaga at isinuot ang robe kay Lurie na kaaahon lang.

Asar! Naiinis na naman si Blake sa nakikita, pero mas pumukaw sa kanya ang magandang katawan ni Lu. Kelan pa siya naging ganito ka-sexy? He remembered na medjo chubby ito nung sila pa, and even so concervative. Ayaw nitong naihahayag ang katawan sa iba. But now, damn, she's gorgeously hot wearing a soaked ocean blue lingerie with a wet body.

Itinali ni Lurie ang robe at lumakad sila patungo sa kinaroroonan nila Rei, kung saan napansin niyang nakatitig ito sa kanya.

"What?" Tanong niya nang makalapit na.

"Ah...w-wala."

"Heh? Why, Rei? Are you starting to want me now?" Tuya niya sa binata, na halata ang pamumula ng pisngi. Gosh! Kinakabahan na si Rei, ano bang isasagot niya?

Nagsimula nang lumakad si Lurie paakyat.

"Rei, ha." May pagkainis na babala ni Shaun sa pinsan bago sumunod sa dalaga.

"I hate you, Lu!" Matapang na sigaw ni Rei.

"Yeah, right." Sarkastikong saad ng dalaga.

"Asar!" Inis na bulalas ni Rei.

"Lagi ba siyang gano'n?" Tanong ni Vonn.

"Oo. Kung sinu-sinong pinagtitripan nyan pag tinotopak siya. Ish!"

"Weiirrrd..." Dan.

"YOU should've not said that." Sabi ni Shaun kay Lurie habang nakaupo sa may gilid ng kama ng dalaga.

"Said what?" Inosenteng tanong naman ng isa, still wearing a robe, habang nagsusuklay sa harap ng salamin.

"Yung sinabi mo kay Rei."

"Why? You jealous? Tuya ng dalaga.

"Stop mocking me now, young lady. I'm dead serious here." May bahid ng inis si Shaun. "Pa'no nalang kung seryosohin niya yun?"

"That's not possible." Inilapag niya ang suklay, naglakad papunta sa kinaroroonan ni Shaun, at inilapit ang mukha rito.

"Because unlike you, darling, he's far stronger resisting my charm." Sabay ngiti with sarcasm. Matapos ay naglakad naman siya papunta sa kinaroroonan ng closet at kumuha ng damit pampalit.

Di naman nakaimik pa si Shaun at nakaramdam ng amusement at pagkainis sa isa. Damn this arrogant woman playing over his weakness. But it's true, parang ecstasy ang epekto sa kanya ni Lurie, sobrang lakas, at kahit ayaw niya, napapansin niya lahat ng mga maliliit na bagay na ginagawa ng dalaga.

"Magbibihis na ako, so if you don't mind, pwede ka nang lumabas." Sabi ni Lurie matapos ipatong ang mga damit pampalit sa kama.

"I actually don't mind being here. I'll stay." Tinuya niya si Lurie hoping na matatalo niya ito.

"Heh? Then you'd lose your control when you see me naked. I doubt that'd look cool..." Tinumbasan siya ni Lu ng sarcastic na titig at tono.

Lalong nainis ang binata at wala nang nagawa pa kundi maglakad palabas.

"I hate you." Inis niyang sabi nang buksan ang pinto.

"Tss... As if you mean it." Asar ulit ng dalaga.

Inis na inis na lumabas si Shaun at sinarado ang pinto. Asar talaga si Lu! So clever ang so confident. But it's fine, kasi kahit ganoon ay may mapagyayabang naman siya, kesa sa mga taong puro hangin lang ang sinasabi.

Napansin niya sila Rei at ang iba na nasa di kalayuan kaya't nilapitan niya ang mga ito.

"Galing ka sa kwarto ni Lu?" Rei.

"Yup."

"Anong ginagawa niya?"

"Nagbibihis."

Biglang nakaramdam si Blake ng pagka-inis sa lalaki.

"Nagbibihis? Nandun ka habang nagbibihis siya?" Pagtataka ni Rei.

"Err...sort of."

Tuluyan na ngang nagpuyos sa galit si Blake.

"Grabe ka, di ka manlang ba marunong magbigay ng privacy? Makaasta ka naman, parang strings attached kayo ah." Inis niyang sabi.

Nagulat ang lahat dahil sa saad ni Blake, lalo na si Shaun, ngunit mas nangibabaw sa kanya ang pagkainis dito. Sino ba 'to para pagsalitaan siya ng gano'n?

"And I should tell you the same thing. Kung makapagsalita ka, parang strings attached naman kayo. Ni di nga kayo close eh!" Sinabayan niya ang galit ng kausap. Like Lu, he doesn't want to be preached sa mga bagay na ginagawa niya.

"Too noisy." Biglang sabi ni Lurie na di nila namalayang kasama na pala nila. "Mind explaining what's going on here?"

 "Eto kasing lalaking 'to eh..." Saglitang dinuro ang kaaway." Preaching my actions! Akala mo naman kung sino, while he's no more than but a vis..."

"I'm her ex!" Natahimik ang lahat nang marinig ito mula kay Blake. Laking gulat naman nila Shaun at Rei, lalo na ang una na di makapagsalita.

"Oops." Muttered Dan.

"I know. Malaking gulo 'to." Saad ng katabing si Troy.

"A-ano? I-ikaw...ang..." Gulat pa din si Rei.

"Yes, I am." Matapang na sagot ni Blake, na napansin ang speechless at gulat na gulat na si Shaun. "Hah! Ano?! Sa'n na yung matabil mong dila ngayon, ha! Sige, magsalita ka pa!" Paghahamon niya dito.

"Shut up, Blake." May bahid na ng pagkainis kay Lurie nang sitahin ang ex.

"Why...Lu...didn't you tell me?!" Biglang galit na bumaling sa dalaga si Shaun.

"Coz I know that you'd act like that."

"And how am I supposed to act?! Haha! Andito yung ex ni Lu, let's party. Yehey! Gano'n ba?!.. And this is fine with you!"

"Of course, I don't mind. Why should I?"

"Well, I do! I mind it! The man who made your life like a living hell is here, on our home, and you just let it happen?! Are you crazy! Kung di mo kayang respetuhin ang bahay na 'to, respetuhin mo manlang kahit ako!"

"Stop it! Your being pathetic now." Inis na rin si Lurie. "Who the hell do you think you are para pagsalitaan ako ng ganyan. Aren't you forgetting something? This is my house, kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan."

Kumalma si Shaun dahil sa narinig. Why is he even acting like this, when in fact totoo naman ang sinabi ni Lurie, WALA SIYANG KARAPATAN.

"You..." Baling niya kay Blake. "You really never stop pissing me off, do you?"

Agad namang nakaramdam ng guilt si Blake. Bakit ba kasi niya pinatulan pa si Shaun, ayan tuloy, nakarinig pa siya ng masakit na salita.

"And you..." Si Shaun naman ang binalingan niya. "Your starting to annoy me already... Next time, know your place... I expected you to be more mature, how dissapointing." Diniinan pa ni Lurie ang huling salita bago umalis at pumasok na muli ng kanyang kwarto.

Sobrang nasaktan si Shaun dahil sa narinig. He never wanted, nor did he wish to dissapoint Lurie, lalo na't alam niya na ito ang klase ng babaeng pag na turn-off o na-dissapoint ay automatic lost your chance na. And the worst, second chances isn't even in her vocabulary.

Like him, sobra din ang dissapointment ni Blake sa sarili. How could he be so immature and so reckless doing that? Sana'y pinigilan na lamang niya ang galit nang di nakaabot sa puntong ito.

Malungkot na naglakad si Shaun palayo sa iba at pumasok na ng kanyang kwarto.

"Kuya? Alam mo din ba'ng tungkol dito?" Inis na tanong ni Rei kay Vonn. Di na sumagot pa ang kuya, ngunit halata ang guilt sa mukha nito.

Bumuntong hininga si Rei. "I guess it can't be helped. Umasa nalang tayo na magiging maayos ang lahat soon." Saad niya bago bumaba ng hagdan.

"Pasensya na. Di ko dapat ginawa yun. Kung naging mas pasensyoso lang sana ako..." Puno pa rin ng guilt ang mukha ni Blake habang humihingi ng tawad sa iba.

"Hayaan mo na, tapos na eh. Gaya nga ng sabi ni Rei, umasa na lang tayo that everything would be fine." Pinalalakas niya ang loob ng kaibigan, kahit ang totoo, maging siya ay nag-aalangan sa pagiging maayos ng sitwasyon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features