The Bachelors|the story:Dange...

By Gelred

61.8K 1.6K 28

the third son of Ofelia, Apollo's story. More

Prologue
Chapter 1 (Bar is life)
Chapter 2 ( it's Quits)
Chapter 3 ( Dress )
Chapter 4 (Sorry)
Chapter 5 ( Bar Queen)
Chapter 6 ( Green Rose )
Chapter 7 ( Baguio )
Chapter 8 (Night gown)
Chapter 9 (Nightmare)
Chapter 10 (Hide and Seek)
Chapter 11 (Responsible)
Chapter 12 (Avoid)
Chapter 13 (Abduct)
Chapter 14 ( who are you? )
Chapter 15 (You'll be mine in 30 days)
Chapter 16 ( black Market )
Chapter 17 (Dangerous Trap)
Chapter 18 ( Failed )
Chapter 19 ( nurse? )
chapter 20 ( getting to know you )
Chapter 21 ( Trade )
Chapter 22( I will save you whatever it takes )
Chapter 23 ( Trekking )
Chapter 23 ( Boodle fight ) Part 2
Chapter 24 ( Vanish )
Chapter 24 ( Vanish ) Part 2
Chapter 25 ( The Bar Queen is back )
Chapter 26 ( Nostalgia )
Chapter 27 ( chat )
Chapter 28 ( team up )
Chapter 29 (closeness)
Chapter 30 (The return)
Chapter 31 ( From a Distance )
Chapter 32 ( a Pair of lenses )
Chapter 33 ( Chef Festival of the east )
Chapter 34( Betrayal )
Chapter 35 (case closed)
Chapter 36 ( Apologize )
chapter 37 ( Who are you? )
chapter 38 (Answer me)
Chapter 39 ( Truth )
chapter 40 (the sofa)
Chapter 41 ( Give it to you )
Chapter 42 ( Friends?" )
chapter 43 (Parenting)
Chapter 44 ( Family Picture )
chapter 45 (My Dream)
Epilogue

Chapter 23 ( Isda ) Part 3

982 33 1
By Gelred

Tinik na lang ng isda ang naiwan sa dahon ng saging. Sulit ang pqgod nila sa paghuli at pitas ng prutas ang ilang oras na paglalakad. Nagpunta sa tent si Val sa ilalim ng puno, inaantok ito sa sobrang pagod at kabusugan. Nakatulog ito agad dahil na rin sa sariwa ang hangin na pimapasok sa kanyang tent.

Hapon na ng maalimpungatan siya. May maingay siyang naririnig. Pag ahon niya sa kanyang higaan ay nakita niya ang dalawa sa gitna naka topless na nag aaway.

Tumayo siya agad at nilapitan niya. Aawat sana siya pero napansin niyang walang umaawat at tela pinapanood lang sila.

"Ang nanalo ay si" drum roll kunwari sa katawan ng puno"Ulesis" ani Ronaldo itinaas niya ang kamay nito

Napakamot ito ng ulo, akala niya nag aaway na ang dalawa. May sumunod pa sa kanila, mga ilan pang pair tapos ay lumipat sila sa bunong braso. Doon ay nakisali si Apollo.

Apollo vs Ronaldo.

Lumalit siya at nag squat sa harapan. Maya maya ay umalisbito ng pwesto, nasa likuran  na siya ni Apollo.

"Kaya mo yan" pag cheer niya kay Apollo sabay massage sa balikat nito

"Ronaldo give up na dali, huwag mo nang pahirapan sarili mo" kansyaw niya dito

"Huwag ka papatalo baka diyan mo madiscover may skill ka pala sa ganyan" ani Val

Sa sinabi nito ay natawa si apollo na ikinatalo niya.

"Ay wala pala, may next round pa ba?" tumigil siya sa pag masahe dito at lumamniya ang  kanina ay energetic nitong latawan at boses. "Parang nadaya kami sa part na tumawa si Apollo, parang kailangan ng rematch. Ani Val

"Rematch rematch rematch!" sigaw niya.  Lumapit siya sa mga kasama at nagpatulong siya na sabihin ang rematch.

"Rematch rematch rematch" sabay sabau nilang sabi.

Nagkaroon nga ng pangalawang bunong braso.

Talagang walang umiimik sa kanila kahit ang paligid ay walang nagsaslaita.

Pumatak na ang pawis ni Val sa noo sa tense, sa ikalawa ay natalo pa rin siya.

"Mag impake na kayo tara na uwi na tayo" pagbibiro ni Val.

Naglakad siya pabalik sa tent.

"Uy bakit ka biglang umalis doon" ani Apollo na sinundan oala siya nito

"galo ka eh, alangan naman na isigaw ko na TALO KA TALO KA TALO KO!" pagbibiro nito na seryoso ang mukha

"Laro lang naman iyon bat parang galit ka diyan, gusto mo lang ata ng ano eh" ani Apollo

"Ano yang ano, parang kinakabahan ako sa ano na yan" ani Val

"Yung ano.... Yung ganoon" dinemo niya sa kamay niya.

"Ang dugyot mo, kilabutan ka nga, andito tayo oh ilugar mo yang kahornihan mo" ani Val

" Ayaw pa kunwari pero gusto naman"  ani Apollo na tinitigan niya ito

"Magtigil ka, pwede ba.... Hindi ako natutuwa, namamanyakan ako sayo!" pagtataray niya na nag cross arms siya

" mabilisblang naman, hindi ka ba naaawa kay jun jun kumakaway na siya sa loob" ani Apollo na hahawakan niya sana ang harapan niya ng pinagpapalo siya ni Val sa kamay.

"Dugyot kainis ka!" inis niyang sabi

Tumawa ng mahina si Apollo. "Hindi ka mabiro" aniya na tumatawa pa rin

"biro ba yun, eh kilala kita pagdating diyan." ani Val

"Talaga kilala, sige nga alin ang madalas na postion natin?" pagbibiro nito

"Diyan ka na nga!" ani Val na inirapan niya ito bago umalis.

Nwgpunta siya sa may tubig. Linanonood niya ang mga isda sa ilalim. Ang linaw linaw ng tubig kaya kita niya hanggang sa ilalim. Maraming bato na iba't iba ang laki sa ilalim kaya delikado, madalas sa mga ganitong may mga bato matutulis at madulas.

Lumusong siya sa tubig at nagtamlisaw. Mababaw lang sa may malapit pero sa banda roon ay pailalim na ito.

Ang daming isda ang lumapit sa paa niya. Nakikiliti siya sa mga ito, para silang jelly ace na ang lalambot nila kapag dumidikit sa balat nita sa paa.

Enjoy na enjoy siya sa pakikipaglaro dito nang biglang may nag dive, sunod sunod ang mga ito sa pag dive,tumilamsik ang tubig sa mukha niya, nadulat siya sa may bato, napaupo siya sa tubig. Basang basa na ito dahil doon, paghaon niya any nakita niya ang mga ito na pasikatan sa paglangoy, para silang mga bagong laya, tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa.

"Gusto mo bang manghuli ng isda?" ani Apollo

Nang lingunin siya ni Val ay halos mamilipit ito sa kakatawa, itahura niya kasi parang lang tao, naka fold paitaas ang suot nitong manipis, nagmistulang parang brief iyon. Yung damit ay ipinalibot sa ulo niya.

"Ang saya saya honeybunch ah"

"Nakakatawa kasi yang suot mo" ani Val sa gitna ng pagtawa niya.

"Mayanghuhuli ba ng isda na naka tuxido full packs?"  ani Apollo na sumeryoso ang mukha

"wala pa pero kung itatry mo ikaw pa lang for the record" pagbibiro ni Val na tumawa ulit.

Napukaw ang atensyon nila sa pagtawa nito.

"Boss bagay ah" pagbibiro ni Diego

"Salamag, babagay din sayo ang kamao ko" sagot ni Apollo

"Hala ka, umuusok na butas ng ilong ni Apollo!" sigaw ni Val kay Diego

"Halikan kita diyan eh" pagbabanta ni Apollo

Tumigil ma nga si Val dahil sumasakit na ang tyan nito sa kakatawa.

May hawak si apollo na mahabang kawayan na may tulis sa dulo.

Tumingin siya sa ilalim at syenempuhan niya ang paglapit ng isda sa tabi niya, mabilis at malakas ang pagtarak niyon sa ilalim, hindi nakawala ang isda. Pag angat niya ay may isda na siyang nahuli.

Napa wowo look si Val sa nakita. "Ang galing " aniya na pumalakpak pa

"Want to try this?" tanong ni Apollo

"pwede?" tanong ni Val na makikita mong gusto nga niya. Inti unting nawawala ang kaartehan nito, mga bagay na hindi miya ginagawa at nakasanayan ay unti unti niyang nagugustuhan at pinakibabagayan.

Lumapit siya kay Apollo at hinawakan ang kawayan, nakaalalaubsa likod niya ito, tinuruan siya paano niya hawakan iyon. May mga isda na malalit sa kanila, masyado silang magalaw kaya hinintay nilang bumagal ang mga ito sa paglangoy.

Pag angat ni Apollo ng kawayan ay sumama ang kamay ni Val sabay tusok sa ilalim.

Madulas ang mfa ito kaya wala silang nahuli, trial and error ang nangyari, hindi sila sumuko sa paghuli hanggang hinayaan na niya si Val, pinagmamasdan lang niya ito habang hawak hawak amg kawayan. Kinuhanan niya ito ng larawan habwng seryoso itong nakatingin sa ilalim ng tubig. Maya maya ay itinusok niya ito sa ilalim, pag angat niya ay may nahuli siya.

Tuwang tuwa siya sa pagkakahuli niya sa isda. "May nahuli ako, tingin mo oh!" sigaw niya kay Apollo at ipinakita ang dulo ng kawayan

Pumalakpak si Apollo na tila proud na poud ito sa nagawa.

Kinuhanan niya ito ulit ng larawan habang nakaangat ang kawayan.

"Ang saya saya may nahuli ako, hoy kayo diyan tingin niyo to oh, ang galing ko diba?" sigaw niya sa mga ito

Makikita mo sa mukha nito ang kasiyahan. Napasayaw pa ito sa sobrang tuwa.

Nakahuli pa ulit siya, nasundan pa ng isa hanggang sa naging mailap na ang mga isda sa kanya, magdidilim na, umahon na sila para malinisan ang isda at dahil malamig na rin ang tubig.

"Gustomi ba linisan ang mfa iyan?" tanong ni Apollo habang naglalakad sila sa may tent na ginawang lutuan

"Ayoko ang lansa ng amoy" ani Val

"Nasa bundok tayo, aarte ka pa ba?" ani Apollo

"Kahit na, sa dami niyo pumili ka na lang sa kanila o ikaw na mismo" ani Val

"Ikaw na para matuto ka na, ang chef hindi dapat maarte sa isda, kayo nga dapat ang nakakaalam ng tapang paglinis at hiwa dahil sakop yan sa culinary courses." ani Apollo

Hindi na nga ito naka hindi, dinamay na kasi ang kurso niya. Baka isipin ni Apollo wala siyang ibang alam kung hindi baking.

Inilapag nilabiyon sa flat na kahoy at isa isang hinugasan. Tinuruan niya kung paano alisan hasang at laman loob. Nababauhan siya talaga sa amoy kaya naglagay ito ng panyo sa ilong.  Natawa si Apollo sa ginawa ni Val. Hinampas siya nito sa braso.

"tapusin mo na iyan, ihajanda ko lang yung pagiihawan niyan" ani Apollo

Diring diri siya sa ginagawa, gumahalaw pa yung iba, nang tumalon ay napatili siya " I am not a killer nor murderer!"

Sukang suka siya sa ginagawa pero kailangan niyang tapusin, kumakalam na ulit ang kanyang tyan.

Tinusok na isa isa ang mfa isda at inilagay sa tapat ng apoy.

Tag iisa isa ng isda habang nakaupo palibot sa  apoy na nagsisilbing ilaw nila.

Ang saya ng buong araw niya kahit hindi niya sabihin ay makikita sa kanyang mata.




Continue Reading

You'll Also Like

342K 1K 10
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
1.2M 29.1K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
524K 33.2K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
3.6M 151K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...