Still You, Only You

By miss_Kimzaira

7.7K 357 86

A bittersweet love story. "Still You, Only You" is a fictional Romantic Comedy-Drama that is dedicated to all... More

BASAHIN
PROLOGUE
CHAPTER 1: MY JOB
Chapter 2: Suddenly Remember You
Chapter 3B: THE TIME I FALL TO YOU
Chapter 3C: TOGETHER
Chapter 4: Ethan?
Chapter 5: ETHAN'S POV
Chapter 6: AWKWARD
Chapter 7: CONCERN
Chapter 8: FLUTTERED
Chapter 9: DUTY WITH YOU
Chapter 10: NEW GUY?
Chapter 11: BEER INTOLERANT
Chapter 12: BAKIT GALIT?
Chapter 13: CARE
Chapter 14: SELOS KA?
Chapter 15: KEI AND RONY'S FIRST DATE
Chapter 16: WAG MARUPOK KEI
Chapter 17: ETHAN, SELOSONG PA-FALL??
Chapter 18: PAREHONG MARUPOK, KEITHAN??
Chapter 19: TEMPER OF ETHAN
Chapter 20: ETHAN'S MOM MEETS KEI
Chapter 21: BABAWI NA BA, ETHAN?
Chapter 22: DAHAN DAHAN SA KARUPUKAN
Chapter 23: MAHAL MO PA KEI?
Chapter 24: ATTACK OF PAIN
Chapter 25: PAANO NA?
Chapter 26: TRUE STORY BEHIND OF OUR BREAKUP
Chapter 27: FORGIVENESS IS THE KEY
Chapter 28: KEITHAN'S NEW START
Chapter 29: GREAT PLAN
Chapter 30: ETHAN'S WAY
Chapter 31: PASADO BA?
Chapter 32: KEI BEING A FAN
Chapter 33: IDOL MO O AKO?
Chapter 34: THINGS BEING COMPLICATED
Chapter 35: PANINIRA NI ANDREA
Chapter 36: IS IT TOO LATE FOR US?
Chapter 37: WHAT SHOULD WE DO?
Chapter 38: ANDREA'S MESS
Chapter 39: MOVING ON?
Chapter 40: COMPLETING THE PROOFS
Chapter 41: I MISS YOU ETHAN...
CHAPTER 42: ATTORNEY KEI??
CHAPTER 43: HARD SIDES OF US

CHAPTER 3A: PINAGMULAN NG LAHAT

206 5 0
By miss_Kimzaira

!!DIRECTION FROM THE AUTHOR!!: ALL Chapter 3 from A-C shows the story of Ethan and Kei YEARS AGO. (Highschool days)

.       .      .       .     .       .

"Uyyy Kei!!"

Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko....

"Oh? nagulat naman ako sa'yo.. Hi Dominick" nakangiting sagot ko.

Well, Dominick Buenafe is my friend from Technology Program. Like me, hilig din nya ang music pero sa TP sya nag enroll dahil yun din ang gusto nyang course pagdating ng College. Kahit na nasa TP sya sumali parin sya sa Club namin, dati na daw kase syang nag jo-join sa mga Vocal Club, gusto pa daw nyang mapalawak ang mga kaalaman nya sa larangan ng musika.

By the way...sa school kase namin before section 1, we have 4 Top programs. Technology, History, Recreation and Arts Program. Hindi ko alam pero nakakatuwa kasi kahit highschool pa lang kami sobrang saya at thrilling din na mapasama sa acad program.

Medyo pressure kaya thrilling hehe kasi may maintaining grade, kaya kailangan talaga kaya mong ibalance ang acads sa extra essence ng program na pinili mo. Bukod sa nakatutulong ung program sa pag enhance ng skills namin pagdating sa larangan at passion na gusto namin, nakakatulong din ito para sa disiplina at pagbabalanse ng oras at effort namin sa academics.

Oh diba ang lakas maka College...

Nasa Arts program ako, and sa larangan ng Sining, pagkanta ang hilig ko. I belong to choir group or Vocal Club kasama ng mga kaibigan ko.

"Uhmm, by the way.... I have a little bad news..." seryosong wika ni Dominick.

Nagtaka ako "ay hala... Ano yun? Kinakabahan ako ha"

Bumuntong hininga si Dominick,
"Nakausap ko na si Neille kanina but unfortunately, ayaw niya sumali eh" ani nya.

"Hala, bakit daw?", nanghihinayang kong sagot.

"I hate to say this kaso... ayaw ka daw nyang makita eh, I think naiilang parin sya sayo" nahihiyang sabi nya.

Si Neille Claverde naman, sya yung lalaking gustong gusto ko since First year of highschool, but imagine kahit gusto ko lang sya grabe yung hugot ko ang lalim. Bare with me ganto ata magkacrush pag bata pa HAHAHA.

Ang problema kasi ayaw nya sakin eh, pero ganon naman talaga. Di naman sa lahat ng oras crush ka din ng crush mo. Paano ba naman, mataas ang standards nya sa babae. Oo pareho kaming nasa top program pero di pa din ako pasok sa standards nya, ewan ko ba. Feeling ko nga sa sobrang pagka crush ko don daig ko pang nanliligaw, lagi kong binibigyan ng regalo every holiday and occasions.

Ganun ako kadedicated kahit nauubos baon ko pambili ng materials na gagamitin. Sa 100 na baon ko sa isang araw, kahit di ako magrecess, makabuo lang ako ng mga arts craft na ipangreregalo ko for him.

Kaso kahit anong lambing at effort ang ipilit ayaw nya talaga sakin huhu, kaya pinipilit ko nalang na tanggalin yung nararamdaman ko sa kanya. Hahanap nalang ako ng ibang crush hmp.

Anyways, pina invite ko kay Dominick  si Neille sa Vocal club namin, kaklase at kaibigan kasi sya ni Dominick eh, he also belongs to Technology Program. Mahilig din kasi si Neille sa music and sabi din ni Dominick sa Arts Program daw dapat sasali si Neille nung nag eenroll siya kaso mas passion niya ng Technology kaya napunta siya sa TP.

Nanghihinayang ako kasi nga ayaw niyang sumali, ayaw nya daw akong makita eh. Grabe sa kaartehan ang lalaking toh. Gwapo din naman kasi sya, maputi at matangkad, matalino din. Pero yung ugali nya, talagang minsan napapatanong ako kung bakit ko siya nagustuhan. Ayaw nga ng mga kaibigan ko sa kanya eh, crush ko lang nman daw kaso yung effort ko daig ko pa daw ang girlfriend.

Masi-sisi ba nila ako, ultimate crush ko yun eh huhu.

"Ahh ganun ba? hayaan mo na di nman natin pinipilit eh" ani ko, kahit sa totoo lang ay nanghihinayang din ako.

"Sorry ha, I've tried to pleased him kaso ayaw niya talaga eh" ani nya.

"Sus, okay lang yun... Saka thank you Dominick ha, atleast nainvite ko siya because of your help, kahit.... alam mo na.... di siya pumayag" ani ko.

"Oh no worries Kei, for sure we'll find another artist na pwede mong iinvite" nakangiting tugon niya. "Uh, by the way," lumingon sya " Luigi!!... come here".

Tinawag nya si Luigi , si Luigi Geronimo nman yung kaibigan ni Dominick from History Program. Magaling nman si Luigi pagdating sa Piano and keyboards kaya gusto nya itry na sumali sa club namin at magjoin ngayon, pero nung dumating ang mga Vocal mates ko kanina... sabi nila absent daw si sir Lary, yung vocal coach namin.

"Ohh bakit Mr. Dominick??" , tanong ni Luigi.

"Diba may klase pa kayo mamaya after 1hour?? " ani Dominick.

"Oo bro , gusto nyo ba kong samahan dun bond tayo? " pang akit ni Luigi.

"Sure I'm in, ikaw ba Kei? " tanong ni Dominick sakin.

Napaisip ako sa tanong ni Dominick..

"Ayos nman but can I bring my girls with us? "tanong ko sa dalwa....

"Ofcourse, walang problema"  sagot ni Luigi.

Nagpunta kami nina Luigi at Dominick kasama si Fity, Cindy at Mary sa Sport Complex para tumambay don. Plano din kasi kaming turuan ni Dominick ng Algebra kasi advance silang mga TP students sa mathematics. Honestly, mahina din ako sa math so I need it HAHAHA.

"Uy tama ba yung sinusundan kong solution, parang mali eh" tanong ko kay ate Fity na nasa kaliwa ko.

"Di ko din alam eh, pacheck mo kaya kay Dominick" sagot niya habang nag sosolve.

Magkakaibang problems ang binigay samin ni Dominick para daw sure na di kami magkagayahang apat nina ate Fity. Oh diba, mautak tong tutor namin ngayon.

Lumapit sakin si Luigi at tiningnan ang papel ko, "Hmmm, tama naman ah.. tingnan mo Dominick diba tama?" Pagpapakita nito kay Dominick ng sagot.

Tiningnan ni Dominick ang papel ko at umiling, "Nah, dapat negative yung 7 na nilagay mo dito sa baba and kulang ka ng 2 hehe"

Inagaw uli ni Luigi ang papel ko, "No, Kei's answer is right, how can it be negative eh nauna yung positive, saka di siya kulang ng 2 kasi may remainder" depensa nito.

Napatingin si Dominick kay Luigi, "Ay nako kahit itanong niyo pa sa adviser namin, and anyways why am I arguing with you about basic algebra eh I'm from TP" ani Dominick.

"Pero I'm from HP, so ako tama" depensa ni Luigi.

Natatawa ako sa pagtatalo ng dalwang magbestfriend na toh. Di mo alam kung nag aaway o nag aasaran lang eh HAHAHA. Their friendship is cute anyways.

"And I'm from AP, kaya wag na kayo magtalo wala naman connect sa pagsasagot ng math kung TP, HP o AP students tayo eh, pare-pareho tayong asa Top Program kaya tayo nagtutulungan... Tinatanong ko lang naman kung tama sinundan kong solution HAHAHA" natatawang awat ko sa dalwa.

Tawang tawa naman pati ang tatlong Maria sa likuran ko. Ginawa ba naman akong referee eh nagtatanong lang ako HAHAHA pero alam kong nag lalambingan lang tong mag besprend na toh, cute nga eh.

"Nako, don't mind us Kei, ganto talaga kami mag asaran ni Luigi, masanay na kayo HAHAHA" natatawang sabi ni Dominick.

"I second to that, way din namin yan lagi to motivate each other sa acads, maybe it sounds arrogant and bad but it helps, honestly" nakangiting sang ayon ni Luigi.

Kinuha ko ang papel ko na hawak ni Dominick, "asus, alam ko naman yon... nakakatuwa nga kayong pagmasdan na nag aasaran para kasi kayong magkapatid" natatawang sabi ko.

Nagtatawanan lang kami nina Dominick at Luigi ng ilang minuto habang ang tatlong Maria ay busy at seryosong seryoso sa likuran ko at nagsasagot.

"Hay nako mamsh, feeling ko talaga ako yung mali mali ang sagot" ani Cindy.

"Ako nga nalilito din eh, pero sana tama kahit tyamba lang" ani Mary.

Habang si ate Fity naman ay tahimik lang na nagsasagot. 

After namin magsagot, napansin namin na halos 5 minutes nalang bago magsimula ang last subject nina Luigi.

"Lapit na kayo magtime Luigi ah, magready ka na sa report mo" ani Dominick.

"I don't know bruh, but I think absent ulit si sir Reyes.." sagot nito.

After a while nagulat kami at nagsidatingan na ang mga kaklase ni Luigi, all of students from History Program.

It's a bit awkward kasi napapaligiran kami ng section nila. Out of 4 top programs, sila kasi ang iniikutan ng karamihan sa mga upper class students. Honestly, di naman sa jinu-jidge ko sila pero kumakalat din kasi sa campus namin na wag daw basta- basta  makipag socialize sa mga HP students kasi hinuhusgahan na daw agad nila buong pagkatao mo sa isang titigan lang. Isa lang yan sa mga chismis na kumakalat. Natatawa na nga lang ako eh.

But anyways, kung si Luigi nga sobrang bait eh, I'm sure mali lang yung accuse ng karamihan sa mga students ng History Program.

Natahimik kami sa isang sulok nina ate Fity, Cindy at Mary. Parang pare-pareho kaming nahihiya eh. Kahit nasa Top Program din kami, parang hiyang hiya kami makipag socialize sa kanila.

"Hala mader.. andito pala mga HP, nagulat naman ako" wika ni Mary.

"Kaya nga eh, pero baka naman mababait sila... hehe" sagot ko.

Suddenly,  4 boys came near at us, isang matangkad, isang chubby, isang singkit, at isang cute.  Pagkalapit nila ay um-apir agad ang isang chubby na lalaki kay Luigi.

"Eyy, nauna ka na pala dito Mr. Je-ro-ni-mow.." natatawang sambit nito.

Tawang tawa naman si Luigi gayon din ang apat na lalaki. Siguro yun ang mga tropa ni Luigi sa mga kaklase niya at kaclose din ng mga ito si Dominick. 

Halos kalapit lang ng pwesto namin ng tatlong Maria ang pwesto ng apat na lalaki kasama sina Luigi at Dominick. Pinapanood lang namin ang asaran ng mga ito at nakikitawa lang kaming mga babae. 

"Diba Kei crush mo pa rin si Neille?" mapang asar na tanong ni Dominick.

Biglang nantaas isang kilay ko, "oh, bat naman bilang napunta si Neille sa usapan? kala ko kung ano sasabihin mo eh" natatawang ani ko.

Natatawa naman si Dominick sa sagot ko, "Alam mo ba, kilala din nina Luigi si Neille.." bigla nitong kinuwit si Luigi, "diba Luigi kilala nyo si Neille?" sabay tanong nito.

Di ako nakaimik sa kadaldalan ni Dominick, sadyang maboka ang koya mo. Parang ako tuloy yung nahihiya HAHAHA.

"Ah Neille? diba english yun ng luhod? ay hindi pala.. english pala yun ng pako"
nagbibirong sabi nung lalaking singkit. Hmmm.... he seems very familiar to me, I think I know him...

"Hindi baliw, diba kuko yun?" sabi nman ni Luigi.

Nagtatawanan silang mga lalaki habang kaming mga babae ay natatawa na rin dahil sa kalakasan mang asar ng mga ito. Di ko akalain na ganito din pala sila magbiruan, akala ko mga masyadong sersyoso lagi sa buhay eh.

Tawang tawa naman na bumulong saming mga babae si Dominick, "By the way girls, pagpasensyahan niyo na kami ng mga boys, ganyan kasi pag kasama ko mga yan eh tas malakas din kasi tama nila, mostly that chinito guy.."

Natatawa naman kami at totoong malalakas talaga ang mga tama nila, pero atleast their kind of friendship is a good type of guys' circle, di sila payabangan...

 "That guy's name is Ethorno Evan Castillo, but we call him Ethan for short, kaibigan din siya ni Luigi, wag niyo nalang ako ilalaglag kay Neille about sa sinabing pang aasar ni Ethan ha baka magalit sakin yun eh" natatawang wika ni Dominick.

Ahhhh.... so Ethan pala ang pangalan nung lalaking singkit na yon... familiar talaga siya sakin, I can't remember anything, alam ko talaga kilala ko ang lalaking yon.

Well si Dominick talaga yung tipong ipapakilala sa'yo kahit sino, kaya halos lahat ng makasama niya nakikilala namin nina Cindy eh. Friendly indeed. Napapaisip pa din talaga ako kung kailan ko unang nakita itong Ethan eh. Hindi ko talaga matandaan.

Habang nag aasaran ang mga boys ay napansin kong biglang tumahimik yung Ethan, tumingin ito sa cellphone nya at waring nagmamadali na tumayo, tingin ko pati parang may pupuntahan siyang emergency or something.

"Umh? wait Ethan san ka pupunta?" tanong nung lalaking matangkad.

Nananatili namang nakatingin si Ethan sa phone niya at halata talagang nagmamadali.

"Pupunta lang ako saglit sa library may pinapabasang libro si sir Reyes eh and urgent daw, so I need to be there, asap"  sagot nito.

And ayon, out of nowhere bigla kong naalala kung bakit familiar sakin tong lalaking toh. Kilala ko nga sya...

I have seen this guy already..... ka schoolmate ko sya nung elementary and may naalala akong moment na nagkita kami.

Ethan pala ang pangalan nya tsk, sya lang nman yung lalaking bumangga sakin sa may gate ng school namin noon at imbis na magsorry sakin sya pa ang  nagalit. Kapareho ng mukha niya ngayon, yung mukha niya noong nakabangga ko siya, mukhang papatay ng tao eh.

I don't mind naman kung masama siya makatingin eh, killer eyes din naman ako sa sobrang tapang ng mata ko. I just don't like the part na sinamaan na nga niya ako ng tingin di pa siya nagsorry, he didn't even help me to pick up those books that I accidently dropped. Naalala ko pang sobrang lakas ng pagkakadanggil nya sakin. 

Tskk what a shit  timing... dito ko pa talaga siya nakita ulit.

" Ohh bat naman biglang ganyan itsura mo? nagtatawanan lang tayo kanina tas ngayon magkasalubong  na kilay mo " tanong ni Mary sakin.

"Ahh wala may naalala lang akong hindi maganda at nanggigigil ako hmmp", sagot ko sa kanya.

"Bakit? gawa nanaman ba ni Neille? Naaalala mo nanaman yung maarte mong crush noh?" mapang asar na tanong nito.

"Hoy hindi ah, kung kailan nga di ko na nakikita at iniisip yung lalaking yon may bago namang nagpapalakas ng inis ko ngayon, hmp" surang sagot ko.

"Hmmm, parang alam ko na kung sino tinutukoy nito ah... yung Ethan ba yun? tinitigan niya ang mukha ko ... "Nagbibiro lang naman siguro siya about sa  name ni Neille, saka yaan mo na yun..."

Tumingin ako kay Mary, "Di naman connect kay Neille kung bakit naiinis ako dyan sa Ethan na yan eh..." ani ko.

Nagtaka siya, "Oh eh bakit naiinis ka kay Ethan? Akala ko kasi about sa sinabi niya kaninang biro sa pangalan ni Neille kaya ka nasusura sa kaniya... may nasabi ba siya sayong di maganda mader?" 

Bumuntong hininga ako, "Wala naman.... pero basta may naalala lang ako kaya ako naiinis" mahinang sagot ko.

"Ahh oki... pero alam mo mader.... di naman sa dinagdagdagan ko inis mo ngayon pero..." lumapit ng maigi si Mary sa akin at waring bubulong, "bagay kayo.. hehe"

Nanlaki mata ko ng marinig ko yon mula kay Mary, like wtf it's so ew.., kinaiinisan ko nga yun ibabagay pa nya sakin...

"Alam mo ikaw bata ka dami mong alam, di pati kami bagay nan noh ....." napabaling ang tingin ko kay ate Fity ... " mas bagay sya kay ate Fity HAHAHA" .

Napatingin si ate Fity samin ni Mary,
"Ano nanaman yon, pinagtritripan nyo nanaman ako",  ani ate Fity.

"Hahaha just kidding ate Fity, pero... hahahhah bagay talaga kayo", biro ko sa kanya.

"He's not my type" sagot nya samin.

After an hour.........

Habang nagkukwento si Luigi about sa Program nila, nararamdaman kong parang wala yung phone ko sa bulsa ng suot kong skirt uniform.... nagtaka ako at kinabahan, wala namang butas yung bulsa ng palda ko kaya hinalwat ko naman buong bag ko at nagbabakasakaling nailagay ko lang sa bag ko yun at natabunan lang ng mga gamit ko.  Nahalwat ko na't lahat ang buong bag ko, hindi ko pa din nakita ang phone ko, kaya agad akong nagpanic at di mapakaling tumayo para hanapin yon.

"Maryy ... I think nawawala ata phone ko" natataranta kong bulong kay Mary.

Agad akong tumayo para hanapin ang phone ko sa lahat ng lugar na pinuntahan ko. A'a hindi pwedeng mawala ang phone na yun, hindi ko pa mapapaltan yun, gipit kami ngayon eh, for sure mawawalan ako ng phone ng matagal pag nawala yun sakin. Sana talaga mahanap ko, nakakaiyak eh.

"Uyy mamsh san ka pupunta? " tanong ni Cindy.

"Hahanapin ko yung phone ko, nawawala eh " sagot ko.

Sobra na kong nagpapanic kaya agad akong tumakbo paalis.

Hinanap ko ang phone sa kada paligid ng lugar na dinaanan namin kanina sa sports complex, wala naman masyadong tao sa sport complex ng ganitong oras kasi rush hour na at last subjects na ng lahat. Hindi pa din ako mapakali kasi hindi ko matandaan kung saan ko huling nakita at inilagay yung phone ko.

Mula sa taas ng sports complex, habang pababa ng hagdan, sa sobrang taranta ko ay di ko napansin na basa pala sa bandang pababa nito..

Hindi na din ako mapakali kaya kahit mataas ang heels ng suot kong black shoes, aligaga ako at talagang nagpapanic na sa paghahanap. Hindi ko alam sa padalos dalos ko.....

"AHHHHHHH!!!"  

palakat kong sigaw nang dere-deretso akong dumulas pababa ng hagdan,

pero........

(sigh) "ayos ka lang ba?" , nagulat ako dahil may lalaking biglang sumambot sakin.

Halatang halata sa muka ng lalaking sumambot sakin na nagulat din siya sa pagdulas ko...

Pero wait, si Ethan? bat nya ko sinambot? nananaginip lng ba ko?  Tanong ko toh sa isip ko nang makitang sya ang lalaking sumambot sakin..

Nakakapagtaka, ang bait nya ngayon para sambutin ako ha... pero kung di naman nya ko sinambot malamang nabarog na ulo dito sa hagdan. 

"a- ayos lang ako" gulat kong sagot.

Itinayo nya ako ng maayos habang ako'y tulala sa harap nya dahil sa gulat. May hawak siyang libro at waring makapal yun pero nakakapagtaka kasi sinambot pa rin niya ako kahit na may hawak siya. Sana lang di ako pagtaniman ng galit nito. Baka kasi sisihin akong di ako nag iingat eh.

Bumuntong hininga ito, "Good to hear, hays, just remember the next time na aakyat or bababa ka dito sa hagdan, wag kang basta basta tatakbo dahil delikado" inilagay niya ang kanang kamay niya sa isang bulsa ng pants uniform niya. "If I didn't saw you, maybe mamaya may bago nanamang aksidenteng pagkakaguluhan dito dahil sa damusak na hagdan, so take care next time ok?",  malumanay niyang wika.

"S-sige salamat... pasensya na" nahihiyang sagot ko.

Agad na umakyat pataas si Ethan habang ako ay napahawak sa dibdib ko, dahil sa kamuntikan na kong mamatay sa hagdan na yon. Bukod don, halos mahihimatay din ata ako sa hiya at sinambot pa ako ng isa sa taga HP, at si Ethan pa talaga ha. Anyways, gumaan naman loob ko sa kanya kasi kung di niya ako sinambot baka pinaglalamayan na ko ng buong school dito sa baba.

"Hmmmhhh bat kaya nya ako sinambot? Ang pagkakaalam ko ang sama ng ugali nun, himala ah" salita kong mag isa sa kinatatayuan ko.

Dahil sa nangyari nawala na sa utak ko ang paghahanap sa nawawala kong cellphone. Nabigla din kasi ako, muntik na ko mamatay eh.

Paakyat na sana ako ng hagdan pero bigla kong nakasalubong  sina Cindy, Fity at Mary dala dala ang mga bag namin.

"Mamsh nasa bag ko pala yung phone mo, pinalagay mo nga pala sakin kanina nung recess, sabi mo kasi mababaw bulsa ng palda mo eh" sabi ni Cindy pagkatapos ay inabot sakin ang phone ko.

Hays, grabe gusto kong magmura, na kay Cindy lang pala.... pero mabuti at nahanap ko na din.

"Grabe mga teh, muntik na ko mamatay kakahanap sa letseng cellphone na yan hmpp" sagot ko habang inaayos ang buhok ko.

"Bakit ano ba nangyari? saan mo ba hinanap?" tanong ni ate Fity.

"Dito ko palang naman hinahanap, pero hayae na, atleast nasa akin na phone ko... Baka buong school year ako walang phone kung sakaling talagang nawala ito" ani ko.

Ngumiti lang ang tatlo sa akin.

"Oh mamsh, heto na pala bag mo"  ani Cindy sabay abot sakin ng bag ko. 

"Thank you baby, by the way bat nandto na kayo sa baba... aalis na ba tayo??" tanong ko kay Cindy.

"Oo Kei, 5:00 na din kasi eh baka hanapin na ko sa bahay, mayari nanaman ako sa dadi ko" , sagot ni ate Fity sa tanong ko.

"Sabagay, anong oras na din naman... pero sina Dominick ba, ano sabi nila?", nagtataka kong tanong.

"Ahh, sabi nya mader may pupuntahan daw sila nina Luigi, aakitin pa nga sana tayo kaso sabi namin pagabi na din masyado kaya ayon, mauna na daw tayo", sagot ni Mary.

...................................................

.........TWO DAYS LATER........

Naglalakad na kami ni ate Fity papuntang sakayan ng jeep. Hindi naman talaga ako sumasakay ng jeep pag pauwi na, kasi walking distance lang naman mula sa school ang kanto ng subdivision namin. Pero syempre, pagdating sa kanto nasakay pa din ako ng tricycle kasi malayo pa paloob ng subdivision bago makarating sa bahay namin.

Kami lang dalawa ang magkasabay ngayong sasakay pauwi, magkasama kasi sina Cindy at Mary papuntang Department Store may bibilhin lang daw silang dalawa para sa group project namin sa Math. Sakto naman kasi katapat lang ng sakayan ng jeep papunta kina ate Fity ang kanto ng subdivision namin. Kaya hihintayin ko na muna siya makasakay ng jeep bago ako tumawid sa kanto.

"Tagal naman ng jeep, excited na ko umuwi eh"  naiinip na wika ni ate Fity.

Napatingin ako kay ate Fity, at napansin ko iba ang awra nito for today... nakangiting nakangiti ito at nakakapanibago ha

" Bakit nman excited na excited ka umuwi? Last time I check tumatagal pa tayo dito sa sakayan para lang magchikahan eh ngayon parang.... asus", pang aasar kong tanong.

"Hehehe alam mo nman na tinetext ko si Rony diba" ani nya.

Well si Rony Orfanel, he's from History Program, kaklase sya at kaibigan ni Luigi at close din sila ni Dominick. Siya yung isa sa apat na lalaking katawanan namin noong nagpunta kami sa sport complex, 2 days ago. Siya yung pinakamatangkad na lalaki sa kanila.

And yes ate Fity has a little bit crush on him, 4 years classmate pala kasi ni ate Fity si Rony nung Elementary eh, kaya talagang magkakilala na sila noon pa.

"Hahahha oo nga pala noh , ang tanong nirereplyan ka ba?", pabiro kong tanong sa kanya.

"Oo nman, mabait din naman kasi si Rony.... And by the way may nalimutan nga pala akong sabihin sayo", natatawang sabi ni ate Fity.

Napatingin ako at nagtataka...
"Talaga? ano yun?"

"Katext ko nga rin pala yung isang kaibigan ni Rony HAHAHA", natatawang ani nya.

Napatingin ako bigla kay ate Fity "Huh? Naku ate don't tell me pati number nung tatlo pang kaibigan ni Rony hiningi mo kay Luigi" taas kilay kong sabi.

"di ko naman hiningi eh, kusang binigay ni Luigi  sakin para daw may iba pa akong mapagtanungan about kay Rony" nakangiting sambit nito.

Napailing ako at natatawa "Edi katext mo lahat ng mga kaibigan ni Rony? Grabe stalking skills natin daig si detective Conan ah" asar ko.

"Hindi gaga, syempre nakakahiya naman kung lahat silang circle ite-text ko dahil lang kay Rony" inayos ni ate Fity ang sakbit ng bag nya. "sabi kasi sakin ni Luigi, mas madami daw akong malalaman na info about kay Rony kung yung tsinoy na kaibigan nila ang makakausap ko, mas close daw sila nun eh" sagot nya.

"Huh tsinoy? Sinong tsinoy?" tanong ko.

"Si Ethan, yung gwapong singkit HAHAHA,  alam mo ba half chinese pala yun, pero infairness ang bait nya ha, lakas nga ng tama eh support daw niya ako para kay Rony" natatawang sabi nito.

Natahimik ako bigla, naalala ko nanaman kase yung nangyare samin nung Ethan na  yon nung nakaraang araw.... nahihiya pa din ako eh.

"Kilala mo rin yon, kung natatandaan mo yun yung pinakilala satin ni Dominick na nagbiro about sa pangalan ni Neille, lt nga yon eh HAHAHA", ani nya.

"Huh? a-ahh oo, pinakilala nga yun satin ni Dominick" nauutal kong sagot.

Bumaling ng tingin sakin si ate Fity, "Naalala ko pa nga non, sinabi mo kay Dominick na ireto ako dun kay Ethan eh tsk.... desisyon ka din eh ano" pailing iling na natatawang sabi nya.

(Chuckled) Bigla naman akong natawa sa sinabi ni ate. Naalala kong binulungan ko nga pala noon si Dominick na ireto si ate kay Ethan.

"Sorry naman HAHAHA, malay ko bang si Rony pala ang type mo" ani ko.

Ngumiti sya, "Hay nako Kei, natatawa nalang ako sa kalakasan ng tama mo" tumingin sya sa mukha ko "Pero alam mo ba? narealize ko lang.... kayo ang bagay ni Ethan HAHAHA" 

Nagsalubong bigla ang kilay ko at tinuro ko ang daliri ko sa sarili ko "Ha?? Ako?? Bagay don?? Tsk pano mo naman nasabi? Eh mukha ngang mayabang yon" 

Natawa si ate Fity, "Mukang mayabang ka dyan, mabait naman siya, gwapo din..." sabay lapit ni ate Fity ng muka niya sakin "saka bukod sa magkahawig kayo, pareho din kayong malakas ang tama kaya may chemistry talaga HAHAHA"

Natatawang napapailing na lang ako sa sinabi ni Fity, pero tama naman sya gwapo naman talaga si Ethan. Eh kaso ayon nga, kahit niligtas nya ko nung nakaraang araw inis parin ako sa kanya. Pinaka ayoko pamandin sa tao, di maalam humingi ng paumanhin tsk.

Napangiti nalang ako ng pilit, "Jusko, hindi ko sya type noh... gwapo siya kaso nayayabangan talaga ako sa presensya niya" ani ko.

"Sus, eh pano si Neille parin ang nasa isip mo tsk", taas kilay nyang sinabi sakin.

Well sa totoo lang hindi ako sure sa feelings ko kay Neille kung meron pa, inis nalang ata nararamdaman ko dun eh. 

"Hays ate I don't know about that guy anymore, naumay na siguro ako.." mahinang imik ko sa tabi. 

Ilang sandali lang ay biglang napabaling ang tingin ko sa may gilid ng highway. Nagulat ako nang may familiar na naaninag ang mata ko sa gawing kaliwa ng tinatayuan namin ni ate Fity. 

Alam kong kilala ko ang bag na iyon... and feeling ko siya nga yung nasa likuran namin.

At oo, si Neille ang tinutukoy ko. Nang malapit na samin ang yabag ng lalaking naglalakad ay saglitan at mabilisan kong sinulyapan kung tama nga ba ang hinala ko. At hindi nga ako nagkakamali, tumigil ito hindi kalayuan sa pwesto namin ni ate Fity sa likuran ng ilang estudyante na nasa likuran namin. 

Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong magpapansin, siguro pinanganak lang talaga akong eksenadora lalo pa pag naiinis ako sa isang tao HAHAHA...

Hmmm total nandito na rin naman na ako, wait makapag parinig nga.

"Pero totoo ba ate Fity? Bagay ba talaga kami ni Ethan?"
Medyo may kalakasan kong sabi para siguradong rinig ito ni Neille sa may likuran.

Natawa naman si ate Fity, "Oo nga, di ako nagbibiro.. bakit? gusto mo ba ipakilala kita?" ani nya.

"Alam mo ba ate crush ko yon si Ethan" at nilaksan ko pa ng sobra ang boses ko habang si Neille naman ay seryoso lang na nag aabang ng jeep at akmang walang kaalam alam na nasa unahan kami hindi kalayuan sa kanya.

Di sya kita ni ate Fity non, sa likuran kasi namin sya pumunta at maramirami ring nag aabang ng jeep kasabay namin.

Tumingin si ate Fity sakin "Seryoso ka ba? Sabi mo kanina di mo sya type? Ikaw ha"

Tsk anu ba yan, pano ko ba sasabihing sakyan lang muna ako ni ate Fity para kunwari wala na talaga akong pake sa Neille na toh "Di ah crush na crush ko nga sya eh, sabihin mo sa kanya ha na gusto ko sya... and yes please ipakilala mo ko" pagpaparinig ko ulit.

Napailing iling nalang si Fity at parang natatawa sakin
"Ahh sige , you said so itetext ko nalang sya mamaya for you HAHAHAH "

Narinig kaya ni Neille mga sinabi ko? hehe manigas sya ngayon hmp... kung tutuusin mas gwapo nga naman si Ethan kesa sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ko pa siya.

Bigla namang may dumating na jeep at papunta iyon sa lugar kung san nakatira si Fity at gayun din ay madadaanan ang lugar kung saan nakatira si Neille.

Yumapos si ate Fity sakin,
"Oh sige dito na ko Kei ha, sasakay na ko, mag iingat ka byebye"



......BAHAY..........

"Ma!! Nandto na maganda mong anak!!" , sigaw ko pagbungad ko sa pinto ng bahay.

Pagtingin ko sa loob nakita ko si mama, nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay na sinalubong ako

.
Nanlaki ang mata ko "luhh baka pagalitan nanaman ako nito ah", mahina kong bulong sa sarili ko.

"Bakit ngayon ka lang?!?! Alam mo bang kanina ko pa tinatawagan cellphone mo, bakit di mo sinasagot?!" , galit na galit na tanong ni mama.

Napanganga naman ako at waring di ata tanda ni mader yung paalam ko sa kanya kagabi, "Ma, nagbirthday yung teacher ko sa Vocal Club di mo ba tanda nanghingi pa nga ako ng pang ambag para sa pledge namin eh" katwiran ko.

"Oh eh bakit di ka manlang natext? kanina ka pa kaya hinahanap ng papa mo" medyo mahina na boses nya this time pero galit pa rin jusko, HAHAHA.

"Sorry na ma, inubos pa po namin yung pagkain eh ehe" natatawang sabi ko.

"Bat pati di ka manlang nagbalot? Wala ka manlang pasalubong"  ani mama. Natatawa ako, alam ko namang manghihingi ito sharon cuneta ko mula sa birthday ni ser kaso sakto lang yung handa sa pinag ambagan namin eh, para ngang bitin pa sa mga ka vocal mates ko.

"Hay nako ma, gustuhin man kita ipagbalot kaso bukod sa wala akong lalagyan kahit plastik, kulang pa sa mga kasama ko yung pinag ambagan namin" ani ko.

Binaba ko ang bag ko sa sofa, "magluluto nalang ako ma, don't worry hehe... nga pala asan si papa?" tanong ko.

Humiga si mama sa sofa namin at kinuha ang remote para manood ng paborito niyang teleserye, "Nasa kwarto na ama mo, natutulog... kung gising pa yun malamang namura ka na" ani mama.

Hayss buti nalang tulog na si papa kundi papagalitan nanaman ako nun. Honestly, normal naman sa pamilya namin na magmurahan HAHAHA, ugaling kanal yan? joke lang. Sa totoo lang istrikto kasi parents ko eh, pero hindi sila possessive ha, magkaiba yun. Ayaw kasi nila na ginagabi ako ng uwi mostly si papa, syempre nag iisa akong anak na babae. Dalawa lang kaming magkapatid ng kuya ko eh, kaya bine- baby parin ako non ni papa. Kaya ayon, kahit pagkakaroon ng bf bawal.

Dumeretso ako papuntang kwarto at nagbihis, pagkatapos ay humiga sa kama ko... then naalala ko yung sinabi ko kay Fity kanina bago kami umuwi....

At grabe para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, natauhan ako bigla...

"Seriously Kei? Sinabi mo yun? arghhhh" sabi ko sa sarili ko habang hinahampas yung unan sa mukha ko.

Di ko alam kung bakit ko ginawa yung kanina, alam kong para lang sa pagpaparinig ko kay Neille kaya ko ginawa yun pero shakks nadidiri ako sa sarili ko thinking I actually did that? like wtf ?  yun pa talaga ang napili kong ipang asar kay Neille? Si Ethan a'a what the heckarooni macaroniii...

"KEIII ANG BOBO MOOOOO!!!" sigaw ko sa kwarto ko.

Jusko, bakit ko ginawa yung bagay na nakakahiya, as if naman pati kung may pake yun sa mga pinagsasabi ko kanina eh wala ngang pake yung Neille na yun sa existence ko eh..

Pero I'm honest to myself na wala talaga akong gusto kay Ethan.... those words are just cover and clouting words...

*text message tone*

Natigil ang taranta ko ng biglang tumunog yung phone ko...  lumapit ako sa table katabi ng kama ko para kunin yung phone kong nakacharge at tingnan kung sino yung nagtext.... and it's ate Fity

........MESSAGE CONVO..........

Ate Fity : "hey Kei" text nito.

Wala pa namang sinasabing kung ano si ate Fity pero bakit parang feeling ko may sasabihin nga siyang kung ano... at for sure connect kay Ethan..

: "oh??"   reply ko na may halong kaba.

Ate Fity: "Alam na ni Ethan, sinabi ko na HAHAHA"

: "Huh?!? Alin?!? "  taranta kong tanong.

Ate Fity: "na crush mo sya hehe yiieeee"

AND ARGGGHHH WTF?!? Ito na nga yung kutob kong baka mangyare, "ARGHHHHH NAKAKAINIS DI KO NASABI KAY ATE FITY NA JOKE LANG YUNG MGA SINABI KO KANINAAAAA" gigil na gigil kong sigaw habang winawasiswas yung unan na hawak ko kanina pa.

: "Wtf ate?!? nagbibiro lang namn ako kanina eh bakit naman sinabi mo sa kanya??!"  mangiyak ngiyak kong reply kay ate Fity.

Ate Fity: "aba Kei, malay ko bang nagbibiro ka, saka sabi mo kanina seryoso ka, pinilit mo pa nga ako eh"

well alam kong kasalanan ko din naman, kaso sana tinanong niya uli ako ngayon bago nya kausapin yung Ethan, grabe nakakahiya a'a

: "Nu ka ba nman ate Fity, joke lang nman yon eh, pinaringgan ko lang naman si Neille kanina kasi nasa likod natin sya... nako nman juskopo nakakahiyaaaa!!"

Ate Fity: "Aba sinabi mo sakin kanina sabihin ko sa kanya at ipakilala kita, sinunod ko lang nman sinabi mo ah.. wag ka magagalit sakin, ikaw ang nagsabi hindi ako, sinunod lang kita"

tama naman si ate Fity, kasalanan ko din naman.. di naman ako galit sa kanya kasi sinunod niya nga lang naman yung lumabas sa bibig ko kanina... pero grabe naiinis ako sa sarili ko, minsan ang katangahan ko din eh di ko makontrol

ayan Kei ano ka ngayon? 

: "hayss di naman ako galit ate, siguro naiinis lang ako sa kagagahan ko kanina... sinunod mo lang naman sinabi ko, kaya kasalanan ko din.. pero hayae na nga, di nman nya ako alam kung anong itsura ko eh, atleast di niya ako makikilala"  pampaluwag loob kong sabi.

Medyo natagalan ng ilang minuto bago nagreply si ate Fity sa text ko...

Ate Fity: "Eh Kei sorry... alam na nya siguro kung sino ka, kasi di lang nman first name mo ang sinabi ko eh,  buong pangalan mo saka sinabi kong kaibigan at kaklase kita"

ARGHHH SERIOUSLY?!? grabe lunod na lunod na ko sa hiya jusko... shetttt.

: huh?! seryoso ba? eh ano sabi nya?nagalit ba sya ganun? o nainis??

Ate Fity: "Luh grabe naman sa galit at inis ha, di mo naman siya inaano. Honestly no, he's laughing out loud nga actually HAHAHA talagang malakas ang tama nito"

nagtaka naman ako sa sinabi ni ate, oo nga naman bakit siya magagalit? kung totoo naman pating may gusto ako sa kanya, wala namang dahilan kung magalit siya. Ako pa nga ata ang may gustong magalit ngayon sa sarili ko eh, pag kumalat sa buong HP students na may gusto ako kay Ethan for sure pagpe-pyestahan ako ng section nila, hayss.

: "Eh seryoso ba?? Di sya galit? Baka kasi mamaya pagpyestahan ako ng buong HP students eh, alam mo naman na ang bilis kumalat ng chismis sa section na yon" reply ko habang halata na sakin na nag iisip na ako ng kung ano ano.

Ate Fity: Hindi naman grabe ka HAHAHA at bakit nman pati magagalit si Ethan sa'yo? Mabait yon don't worry, maybe false accusations lang din yung mga kumakalat na rumors about HP students. 

May point naman si ate Fity kaso... di pa din atalaga ako mapalagay..

Nagtext ulit ito.. 

Ate Fity: Bakit ka pati nila iisuehan if ever? eh wala ka namang ginagawang masama. Kahit naman ipagpalagay na totong gusto mo si Ethan, it's non of their business na, and sabi mo nga di mo naman talaga siya gusto, then hindi hehe. By the way, bukas nalang ulit natin pag usapan yan pinapatulog na ko ni mommy eh... happy weekends & sweetdreams :>

: Hayss oki sige ate, sweetdreams din kahit mukang babangungutin ako dito kakaisip.. sige I'll text u nalang ulit tomorrow nighty! :>  reply ko.

Medyo kumalma nman ako nung sinabi ni ate Fity na di nagalit si Ethan pero syempre di ko din nman masasabi yon. He's from History Program, I'm sure he's so fame on our campus lalo na sa mga girls pero.... wala pa rin akong pake. Ang pake ko lang talaga ay baka nga maissue ako ng section nila but ate was right, wala nga naman akong ginagawang masama, kahit naman daw totoo o hindi na may gusto ako kay Ethan di rin naman daw big deal yon kasi wala din naman daw masama magkagusto.

And the truth is wala naman talaga akong gusto sa kanya so.. bakit nga ba ako matatakot na missue eh AP student ako noh.. hmp, subukan man nila akong issuehan, makikita nila.

 Niligtas ako last time nung Ethan na yon and to be honest natouch ako don pero... wala TALAGA akong gusto sa kanya, di pati mababago tingin kong mayabang siya, naalala ko pa ginawan nya dati noh.. hmmpp kainis... 

"I will fix this up, di ko nman talaga sya gusto eh kaya wala akong dapat ikabahala", sabi ko sa sarili ko habang sinusuklay yung buhok ko.

Pagkatapos ng mahaba habang pag iisip tungkol dun.... binalik ko uli yung phone ko sa table at sinaksak ko uli ito para  macharge at natulog na rin ako.







A/N: Nag-eenjoy ba kayo kimchiss? btw, this chapter has 5k+ words, bonus ko na dahil backstory ito ng main characters, I hope y'all like it. Thankuu mwa!!

Continue Reading

You'll Also Like

46.8K 1K 23
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...
23.3K 1.4K 30
แž–แŸ’แžšแŸ„แŸ‡แžแŸ‚แž€แžถแžšแž™แž›แŸ‹แž…แŸ’แžšแžกแŸ†แž˜แžฝแž™ แž‘แžพแž”แž’แŸ’แžœแžพแžขแŸ„แž™แž€แŸ’แž˜แŸแž„แž”แŸ’แžšแžปแžŸแžŸแŸ’แž›แžผแžแžแŸ’แžšแž„แŸ‹แž˜แŸ’แž“แžถแž€แŸ‹ แž แŸŠแžถแž“แž’แŸ’แžœแžพแž‚แŸ’แžšแž”แŸ‹แž™แŸ‰แžถแž„แžŠแžพแž˜แŸ’แž”แžธ แžŸแž„แžŸแžนแž€ แž‚แŸแžœแžทแž‰แžขแŸ„แž™แž”แžถแž“.....!!! แžแŸแž แŸ’แž™แžปแž„ แž‡แžปแž„แž แŸ’แž‚แžปแž€
71.5K 5.8K 16
๐—ฆ๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐˜€ ๐—ง๐—ผ๐—ผ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ฟ His ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ "Fuck, whenever you're in my arms, I feel like I might crush you. You're so delicate," he...
54.9K 2.6K 95
for everyone to know this story is just fiction and no truth