I Love You Even If It's Wrong

By delszy

105 51 0

Nag mahal kanaba?kung "OO" hayaan mong ibahagi ko sayo ang storya ng dalawang taong nag mahalan pero mali sa... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT

CHAPTER SEVEN-The First Date

5 5 0
By delszy

HEATHER'S POV

Naglalakad na kami ngayon sa parking lot papuntang kotse ni kate, pupunta kami ngayon sa bahay nila para duon tumambay habang hinihintay mag alas tres ng hapon.

Ang usapan kasi namin ni oliver ay susunduin niya ko sa bahay nila kate dahil sabi ko sakanya ay bawal sa bahay namin.

"kwentuhan mo ko sa lunes ah" bilgang salita si kate kaya napa lingon ako sakanya.

"kwentuhan?" tanong ko sakanya kaya napa tingin rin siya sakin.

"minsan slow ka rin e no, sabi ko kwentuhan mo ko sa lunes kung anong ng yari sa date niyo ni oliver" usisa niya pa sakin na parang nawawalan na ng pasensiya.

"oo na" sagot ko nalang sakanya para matapos na ang usapan namin.

Lumipas ang mga ilang minuto ay naka rating narin kami sa bahay nila kate, hindi naman kalayuan at hindi rin naman kalapitan kaya agad kaming naka rating.

"manong paki bukas po ang gate!" sigaw na may paggalang ni kate sa isang guard, agad naman binuksan ng guard ang gate kaya mabilis kaming naka pasok ni kate.

Pag kababa namin sa kotse ay pumasok na kami sa luob ng mansion nila. Sobrang maliwalas at sobrang ganda nitong bahay nila, mukhang mamahalin ang mga gamit na naka display sa mga bahagi at sulok ng bahay.

"ang laki ng bahay niyo bee" sabi ko sakanya habang nakatingin parin sa luob ng malaking bahay nila.

"tsk. Tara dun tayo" turo niya pa sa isang bahagi ng bahay na nasisiguro kong terecita iyon.

Pumasok kami sa veranda at naupo sa isang maliwalas na couch na nanduon, may mesa na naka lagay sa harap ng couch at may bubog ang veranda nila kaya hindi kami nasisikatan ng araw.

"anong gusto mong inumin?" tanong sakin ni kate.

"hmm. Juice nalang" tugon ko sakanya.

"lira" may lumapit na isang babae na mukhang kasing edad lang namin.

"ano po yon mam kate?" tanong niya kay kate.

"magdala ka dito ng dalawang juice at dalawang chocolate at strawberry pancake" utos nito sa tinawag niyang lira,ng umalis na ito ay bumaling ako ka kate upang mag tanong.

"yaya niyo?" tanong ko sakanya.

"malamang gaga uutusan ko ba kung hindi" sagot niya sakin.

"ah ok" tipid na sagot ko nalang sakanya.

"by the way, ano pala yung sinasabi mo sakin kanina sa kotse bago tayo pumunta sa mall?" tanong niya sakin, tsk. Di pa nakalimutan ng loka loka.

"napuyat kasi ako kagabi dahil sa pagiisip, may tumawag sakin unknown number ng sagutin ko yon ng una ay hindi siya sumasagot pero hindi nagtagal ay sumagot rin siya at tinawag niya kong baby, at nagulat pako ng alam niya ang pangalan ko, tinanong ko naman siya kung sino siya pero sabi niya lang kilala ko daw siya pero wala akong idea kung sino siya, nagugulahan ako ng sobra kagabi at nag text pa siya na lalong nagpagulo sa isip ko"mahabang kwento ko kay kate habang siya ay nakikinig lang.

"ano naman ang tinext niya sayo?" may kuryosidad na tanong ni kate sakin.

"ang sabi niya sa text see you tomorrow daw, pero wala naman akong alam na makikipagkita ako sa ibang lalaki maliban kay oliver" sabi ko pa ulit dito.

"baka si oliver yon" umiling naman ako sakanya na nagsasabing hindi ako sangayon sa sinabi niya.

"inisip ko na rin yan, pero kung si oliver ngayon kate magpapakilala siya sakin" sabi ko pa sakanya.

"hmm. Hindi rin heather baka trip niya lang wag sabihin ang pangalan niya" usisa ni kate sakin kaya tumango nalang ako sakanya.

"sana nga si oliver nga yon" wala sa sariling sabi ko sakanya.

Hindi natuloy ang pag uusap namin ni kate ng biglang dumating si lira ang katulong nila,isa isang niyang nilagay ang pagkain sa mesa.

"salamat lira" sambit ko sa katulong nilang si lira, tumango lang ito at ngumiti sakit at umalis na pag katapos.

"may gagawin ka ba bukas?" pagbubuhay ulit ni kate sa usapan namin na naputol ng dumating si lira.

"wala bakit? Natapos ko narin naman lahat yung mga assignments natin" baling ko sakanya.

"gusto mo bang sumama sakin bukas?" ininom ko ang juice na binigay samin ni lira at pagkatapos ay Tumingin ulit ako kay kate.

"san naman tayo pupunta?" tanong ko ulit sakanya.

"may party akong pupuntahan bukas baka gusto mong sumama" napa buntong hininga naman ako sakanya.

"hindi na muna ako sasama kasi nung last na pumunta tayo sa bar ay napagalitan ako sa papa ko kaya may punishment ako ngayon" sambit ko sakanya.

"ano namang klaseng punishment yan?" tanong niya sakin.

"simula ng mapagalitan ako ay gusto ni papa na pagkatapos ng klase ko ay daretsong bahay ang uwi ko" sabi ko pa sa sinabi sakin ni papa non.

Hindi ko masyadong nakikita sina papa at kuya sa bahay dahil may sari sarili silang lakad. Si papa madalas na may racket sa maisan kaya palagi siyang wala, si kuya naman ay laging umaalis ng bahay pero hindi ko alam kung saan siya pumupunta,lagi nalang si mama ang nadadatnan ko sa bahay kaya lagi si mama ang napagsasabihin ko ng nararamdaman ko.

"duh. Sa ganong dahilan lang binigyan ka ni tito ng punishment?" tumango naman ako rito.

"hindi ko nga ba alam kung bakit sobrang higpit ng pamilya ko sakin kapag nagagabi ako,hindi naman ako napapahamak pero OA sila kung mag react" sabi ko pa sakanya.

"siguro nagaalala lang talaga sila sayo kaya ganon ang reaction nila" ngumiti naman ako kay kate bilang pagsangayo sa sinabi niya.

Lumipas ang oras at ngayon ay alas tres na ng hapon,pababa na kami sa bahay nila kate dahil nasa baba na daw si oliver.

"bee bakit hindi ko nakikita ang parents mo?" tanong ko rito habang pababa kami sa hagdan.

"nasa business trip sila ngayon at sa next month pa sila darating, kaya malaya ako kahit saan ako pumunta" sagot nito sakin.

"ready ka na ba honeybee?" ngumiti ako sa kanya.

"oo naman bee" ng makababa na kami ay agad na bumungad sakin si oliver.

Mas lalo siyang gwumapo ngayon dahil sa suot nitong polo na naka bukas ang isang pangitaas niyang butones na nagbibigay sa kanya ng atraksiyon kapag itoy tinignan. Naka black maong pants pa siya na kinabagay sa suot nito pangitaas.

"hi" panimulang bungad nito sakin kaya ngumiti ako sakanya.

"ang ganda mo" bulong niya sa tenga ko kaya agad na namula ang  pisngi ko at nag taasan ang mga balahibo ko.

"h-huh?" utal na tanong ko sakanya pero ngumiti lang ito sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"your blushing baby" sabay hawak niya pa sa kamay ko.

Ano yung narinig ko? Tinawag niya kong baby? Ghadd siya nga yung kausap ko sa telepono kagabi.

"ah kate mauuna na kami ni Heather" pag papaalam nito kay kate habang hawak hawak parin ang kamay ko.

"sige mag iingat kayo, honeybee kwentuhan mo ko ah" naka ngiti pang sabi nito sakin kaya tumango nalang ako sakanya.

Ng makalabas kami ng bahay nila kate ay agad akong kinausap ni oliver.

"bakit honeybee ang tawag sayo ni kate?" tanong niya sakin.

"a-ah hindi ko alam sakanya" sabi ko sakanya habang hindi parin tumitingin sa gawi niya dahil kapag tumingin ako siguradong mamumula nanaman ang pisngi ko sa harapan niya.

Pagkarating namin sa kotse ni oliver ay agad niyang binuksan ang pinto ng passager sit at pina upo ako ruon, at siya  naman ay sumakay sa driver sit para makaalis nakami.

"are you ok?" tanong niya sakin ng buhayin niya ang makina ng kotse.

"oo n-naman" utal pang sabi ko sakanya.

"hindi ka kasi nagsasalita eh" sabi niya sakin kaya ngumiti ako sakanya.

"ok lang talaga ko" pagkukunwari ko pa sakanya.

Ngumiti naman ito sakin at nagmaneho na papunta sa restaurant na pagkakainan namin,ng maka rating kami duon ay naunang bumaba si oliver sakin upang pag buksan ako ng pinto.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakalahad sakin at lumabas sa kotse,at ng makapasok kami sa luob ay hindi niya parin pinapakawalan ang kamay ko na magkahawak sa kamay niya.

Sa tingin ko namumula na naman ako dahil sa mag kahawak naming kamay, pero nagulat ako ng bigla niya kong tignan.

"bakit namumula ka?" lalo pa kong namula sa tanong niyang iyon pero imbis na sumagot ako ay tinignan ko ang kamay naming magkahawak.

Napangiti naman ito ng tignan rin niya ang kamay naming magkahawak hangga ngayon.

"sorry" binitawan niya na ang kamay ko at tumingin siya sakin na parang nahihiya sa ginawa niyang pag hawak sa kamay ko.

"its ok" simpleng sagot sakanya pero ang totoo ay nagustuhan ko ang paghawak niya sa kamay ko.

May lumapit samin na isang waiter na babae at tinanong ang order namin. Hinayaan ko lang si oliver na siyang pumili ng kakainin namin.

"im sure magugustuhan mo ang inorder kong pagkain para sating dalawa" naka ngiting baling nito sakin.

"bakit" sambit ko sa kanya na nakapag pakunot ng nuo niya.

"huh?" tanong niya sakin pero ngumiti lang ako dito.

"bakit mo ginagawa to?" tanong ko sakanya,pero makikita mo talaga sa mukha niya ang pagtataka.

"ang alin?" naguguluhang tanong niya sakin.

"eto" turo ko sa aming dalawa. "bakit ginagawa mo to?" tanong ko uli sakanya pero napa buntong hininga lang ito sakin.

"bawal na ba ang maki pag date sa taong gusto mong maging kaibigan?" pabalik na tanong niya sakin pero napa tikhim lang ako at kinain ko na ang pride ko.

"kung gusto mo kong maging kaibigan oliver bakit hindi mo na lang sabihin, papayag naman ako eh, hindi yung gagastos kapa ng ganito para makipag kaibigan sakin" usisa ko sakanya.

"heather baby ok lan--

"isa pa yan Oliver hindi normal ang tawagin mo kong baby" naka ngiti parin na tanong ko sakanya pero sa luob luob ko ay kinakain nako ng kaba.

"ok, g-gusto kita heather kaya g-ginagawa ko lahat ng to.h-hindi pa ko na torpe ng ganito, ikaw palang ang naka pag paramdam sakin ng ganito" namutawi ang katahimikan ng sabihin iyon ni oliver sakin.

Pinipilit kong wag kumawala ang ngiti sa aking labi at ng magtagupay ako ay tumingin ako sa mga mata niya.

" Hindi ako mayaman, hindi masyadong kagandahan, pangit kung manamit pero bakit ako? "tanong ko sakanya na nakapag pangiti sa kanya.

"hindi ko naman tinitignan ang panlabas na katangian mo heather kasi ang tinitignan ko ay yang kabutihan ng puso mo" hawak pa nito sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"thank you" naka ngiting sambit ko sakanya.

"para saan?" tanong niya sakin na naka ngiti na ring tingin niya sakin.

"dahil nagustuhan mo ko kahit ganito ang buhay ko" naka ngiti paring sabi ko rito.

"gusto kita heather at wala akong pakialam kung ano pa ang estado ng buhay ang meron ka basta ang mahalaga gusto kita, yun nayon wala ng iba" lalo akong napa ngiti sa sinabi niya na parang may pumipisil sa puso ko.

Naputol ang usapan namin ng dumating ang mga inorder ni oliver. Sobrang dami non at sa tingin ko hindi namin iyon mauubos.

"bakit ang dami?" tanong ko sakanya ng umalis na ang mga waiter na nag serve sa pagkain namin.

Ngumiti muna ito sakin "gusto kong mabusog ka,kaya sige na kumain kana" sabi niya pa sakin kaya ginawa ko naman ang sinabi niya.

Sa kalagitnaan ng pag kain namin ni oliver bigla siyang nagsalita at hindi ko inahasaan na yon ang lalabas sa bibig niya.

"heather can i court you?" tanong nito sakin kaya sunod sunod ang ginawa kong paglunok.

"h-huh?" tanong ko rito na parang hindi narinig ang sinabi niya kanina.

"gusto ko higit pa sa kaibigan ang relasyon ko sayo kaya kung papayagan mo ko... Pwedi ba kitang ligawan?" tanong niya sakin at ako naman ay hindi alam ang isasagot sakanya.

"s-seryoso ka l-liligawan mo ko?" tanong ko ulit rito kaya tumango naman ito sakin.

"yes" sabi niya pa sakin kaya namumulang tinititigan ko ulit siya pero lalo akong nagulat ng makita ko siyang namumutla habang naka tingin sakin.

"a-ahmm kasiii..... Hmm.... Sige" nahihiya pang pagpayag ko rito at sumilay naman ang mga ngiti nito sa labi niya kaya napa ngiti rin ako sa kagwapuhan niya..

"talaga!? Thank you heather!" malakas na sabi pa nito.

"shhh.. Wag kang mag iskandalo dito" biro ko pa sakanya.

Pero ang hindi ko inahasaan na gagawin niya ay tumayo ito sa upuan nito at mabilis akong niyakap,gulat na gulat ako sa ginawa niyang pagyakap sakin kaya napa tapik ako sa balikat niya at tinawag siya.

"oliver... Tumayo ka diyan ang daming tao" bulyaw ko rito kaya napapahiya siyang tumayo at bumalik sa upuan niya.

"sorry, nabigla lang ako" napapakamot nito sa sariling sintido,pero hindi ko nakuhang makasagot dahil may biglang lalaki ang lumapit samin.

"sac anong ginagawa mo dito?" tanong ni oliver kay sac, imbis na sumagot ito sa tanong ni oliver ay lumapit ito sakanya at may binulong na nakapag pabago sa itsura ni oliver.

"what?!" malakas na tanong ni oliver kay sac.

Hindi ko mahintindihan ang pinaguusapan nila dahil sobrang hina ng boses ni sac, pero nagtaka ako ng biglang tumayo si oliver at lumapit sakin.

"sorry Heather kailangan ko ng umalis may emergency kasi sa bahay, hindi na kita mahihahatid kaya si sac na lang muna ang maghahatid sayo sa bahay niyo, sorry talaga" hinalikan niya ko sa nuo,hindi ko na nakuhang makapag salita dahil agad ng tumalikod si oliver at mabilis na pinaharurot ang kotse paalis.

Nakita ko naman si sac na umupo sa kaninang kinauupuan ni oliver.

"anong nangyari sa bahay nila oliver?" tanong ko sakanya pero tamad lang itong tumingin sakin.

"i dont know" kibit balikat na sagot niya sakin.

"ginagago mo bako? Ikaw tong pumunta dito at may sinabi kay oliver kaya nagkaganon siya tapos sasabihin mo sakin hindi mo alam?" nangangailiting sambit ko sakanya.

"tsk.. Mine your own business heather" sabi niya pa sakin kaya wala na kong nagawa kung hindi kunin ang dala kong pouch at isinakbit iyon sa balikat ko.

"bahala ka diyan! Robot!" sigaw ko sakanya at mabilis na nag lakad palabas ng restaurant na yon.

Habang nag hihintay ng masasakyan sa labas ay may nagsalita sa likod ko na nasisiguro kong si pesteng robot nanaman yon.

"walang dumadaan na jeep dito" sabi niya pa sakin kaya napa lingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"edi taxi!" sigaw ko sakanya pero natawa lang iyon sa sagot ko.

"madalang lang ang mga dumadaan na taxi rito dahil madilim sa parteng yon pag gabi" turo niya pa sa kabilang kalsada na wala ngang poste kahit isa.

"pakialam ko! Maghihitay pa rin ako!" tapang tapangan pang sigaw ko rito pero ang totoo ay kinakabahan na ko.

"tara na, sumakay kana sa kotse ko" sabi niya pa sakin pero nag matigas parin ako sakanya.

"ayoko at kahit pa maglakad ako pauwi hindi ako sasakay sayong robot ka!" malakas na sigaw ko pa sakanya.

"ano ba, wag ka ngang mag inarte diyan, kung hindi lang humingi ng favor sakin si oliver hindi talaga kita isasabay sa kotse ko" sumbat niya pa sakin kaya lalo akong nainis. Hindi naman ako ganito kung magtrato sa mga tao pero dito sa lalaking to nagiiba ang ugali ko at nagiging dimonyo ako pagdating sakanya! Siguro dahil na rin sa masamang ugali nito kaya natratrato ko siya ng ganito.

"edi wag, sige umalis ka na dahil kahit anong gawin mo ay hindi ako sasabay sayo!" sigaw ko pa rito na sigurado akong nakatutok ang bibig ko sa tenga niya.

"hey! What's wrong with you?" naiiritang tanong niya sakin.

"hoy wag mo kong ma ingles ingles diyan baka upakan kita na wala sa oras!" galaiting sigaw ko na naman dito.

"napa ka iskandalosa mo! Hindi mo ba kayang magsalita ng mainahon!" bulyaw nito sakin kaya napa tahimik ako.

Hindi nako nagsalita at nagdisisyong maglakad lakad nalang para mag hanap ng taxi pero napa sigaw ako ng may kamay na humawak sa bewang ko at sa likod ng tuhod ko para buhatin ako.

" ano ba ibaba mo ko!!! "sigaw ko sakanya pero hindi niya iyon ginawa, dahil imbis na sundin niya ang sinabi ko ay naglakad pa ito papunta sa kotse niya.

"sabing ibaba mo ko eh!" sigaw ko ulit rito pero hindi parin ito nagpatinag.

Binuksan niya ang pinto ng passager sit gamit ang isa niyang kamay at dali dali niya kong linagay duon, ng makasakay siya sa driver sit ay akma akong lalabas ng kotse pero mabilis niya iyong linock para hindi ako makalabas.

"bakit mo ko binuhat?!" sigaw ko nanaman dito kaya napa buntong hininga naman siya sakin.

"dahil ayaw mong sumakay" sagot niya sakin.

"wag mo ng uulitin yon, lalo na kapag ganito kaikli ang suot ko" usisa ko sakanya habang naka tingin sa harap ng daan.

"hindi ko na talaga gagawin ulit sayo yon dahil hindi na kita papasakayin sa kotse ko uli" madiing sabi niya pa sakin.

"sa tingin mo sasakay pa ko ulit sa kotse mo? Hindi na! Hinding hindi na!" sigaw ko ulit dito.

"atsaka ibaba mo nako dito kung isusumbat mo lang naman sakin to!ang pangit talaga ng ugali mo kaya walang taong nagmamahal sayo eh!" patuloy ko pa sa pagsigaw sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa kung kayat binuhay niya nalang ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon ng sobrang bilis!

"nasisiraan ka naba ng ulong gago ka?!! Hihinto mo!!!" pero hindi niya ko pinansin kundi ay lalo niya pang binilisan ang pagmamaneho, sobrang laki ng pasasalamat ko ng walang mga sasakyan ang masyadong dumadaan sa lugar nato.

"kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay king ina ka! Hihinto mo ang sasakyan!!!!!" sobrang lakas ng tibok ng puso ko at ang dalawa kong kamay ay sobrang higpit na nakakapit sa ilalim ng upuan.

"hihinto mo na ang sasakyan may sakit ako sa puso!!! At kapag namatay ako kasalanan mo!!!!" sigaw ko ulit dito kaya agad niyang prineno ang kotse kaya napasubsob ang mukha ko sa bintana ng kotse.

"nahihibang kana ba?! Ha!" sigaw ko dito sabay hampas ko sa balikat niya.

"kung hindi pa ko nag panggap na may sakit sa puso hindi mo hihinto! Sa susunod na magpapakamatay ka wag mo kong idamay dahil gusto ko pang mabuhay!!" galaiting sigaw ko ulit dito.

Sinusumpa ko tong gagong robot na to, hinding hindi nako sasakay sa kotse niya kahit kailan!buysit siya!!!

"buksan mo ang pinto baba nako, baka mamatay pa ko sayo"sabi ko pa sakanya ng aakmang pipindutin ko na ang unlock ng kotse ay pinigilan niya ko sa kamay niya.

" babagalan ko nalang "sabi niya pa sakin, wala nakong magawa dahil pinaandar niya na muli ang makina at nagmaneho ng normal.

Hindi ako nag pahatid sa mismong bahay namin kundi pinahinto ko ito sa kanto na malapit sa bahay namin.

"salamat, muntik na kong mamatay" sarkastikong sabi ko pa sakanya.

Tinapik ko na ang bubong ng kotse niya na nagsasabing umalis na siya, kaya umalis naman siya na walang sinasabi kahit anong salita.

Nag lakad nako pauwi samin, at ng maka rating ako sa bahay ay wala kahit isang bumungan sakin.

"nasaan sila?" tanong ko pa sa sarili ko.

Pumunta ako sa kusina upang uminom dahil sumakit ang lalamunan ko sa kaka sigaw kanina,pag katapos ay umakyat na ko sa taas upang maligo.

Pagka tapos kong maligo ay naiga ako sa kama upang matulog ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.

"sino naman to,istorbo" bulong ko pa sa sarili.

Ng buksan ko iyon ay unknown number kaya binasa ko ang text nito.

Hi baby^_^ ang saya ng araw ko kasi nakita kita. See you again on monday baby!

Yan ang text na nabasa ko ngayon ngayon lang. Ang sweet talaga ni oliver kahit kailan,may i emergency na nga sa bahay nila hindi man niya ko nakalimutang i text.

(Composed message)
Masaya rin ako kasi nakita rin kita, thank you pala sa treat ah nabusog ako hehe,See you din sa monday...

*Send*

Pagkatapos kong i send ang message na yon ay binigyan ko muna ng pangalan ang number ng ginagamit ni oliver.

Name of contact:Olivsme 09677*****

*Save*

Ng matapos kong bigyan ng pangalan ang number na yon ay agad nakong natulog.

Author's Note

Eto yung unang storya na ginawa ko, sana soportahan ninyo guys!!

Don't forget to vote, comment, follow, and spread the story. Thanks a lot!!! ^_^

Please follow my social media accounts.

Facebook:Edel bautista
Twitter:@edelbautista3
IG:bautista.edel

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 298K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
1.2M 62.9K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...