A night with my Cousin's Fian...

By immushroom

122K 1.5K 273

A NIGHT WITH MY COUSIN'S FIANCEE Synopsis Pumayag si Ayaka sa favor ng pinsan na si Aiko na magpanggap on beh... More

Synopsis
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
SIX
SEVEN
EIGHT
Nine
Ten
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FIVE
TWENTY FOUR
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
Update on me!
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT

SIXTEEN

1.6K 31 2
By immushroom

Di maibukas ni Ayaka ang mata niya pero gising na siya at sobrang sakit ng ulo at buong katawan niya.

Isang mata muna ang naibukas niya at ipinilit ibukas ang isa pang mata. Madilim sa loob ng kwarto. Sinubukan niyang umupo muna sa para i adjust ang sarili.

Hindi pa nag sisink in sa kanya kung nasaan at mga nangyari sa kanya.

Hinapo niya ang ulo dahil sa sobrang sakit nito.

"I'm never drinking again." bulong niya sa sarili.

Duon lang parang nag flashback sa isip niya ang mga nangyari kagabi.

Napahawak siya sa kumot na nakatapis sa kanya.

"Shit. Shit. Shit!" kinakabahang saad niya.

Naramdaman niyang may gumalaw sa tabi niya. Napatingin siya dito at nakita si Kionne na nakadapa sa kama.

"Oh my God. This isn't happening." hindi naniniwalang saad niya sa sarili.

Agad siyang tumayo at sinubukang hanapin ang mga damit na baka nasa sahig. She's naked. Buti na lang at madilim.

Shit Ayaka! Ano bang ginawa mo!!!!

Kinalimutan muna niya ang sakit ng ulo at burning sensation na nararamdaman niya down there.

Fuck, di siya makapaniwalang ginawa nila to. Why did she allow this to happen? Her virginity is gone. Hindi niya inimagine na sa ganitong paraan niya maibibigay ang pinakakaingatan.

Nang makuha niya ang ilan sa mga damit dahil di na niya alam kung saan napunta ang underwear. Ay dali dali na siyang lumabas ng kwarto. Nasa kwarto siya ni Kionne.

Kailangan niya ng umalis. This is wrong! Wala ito sa plano nila. Kakausapin na niya ang pinsang si Aiko na aayaw na siya. Magalit man ito sa kanya ay ok lang. Hindi niya kakayanin na harapin pa ang lalaking yun.

They crossed something they shouldn't have!

Damn! She just had sex with her cousin's fiancee!

'This is all wrong! I shouldn't have done it! Why did I let this happen? Why!!' inis na saad ni Ayaka sa sarili.

Dali dali siyang pumasok ng CR. Tiningnan ang sarili sa salamin. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. It was...good. So good.

Umiling iling si Ayaka at binuhusan ng tubig ang mukha niya.

How could she thought that this was all okay? This will never be ok. She's just pretending for fuck sake!

Matapos niyang maghilamos ay agad siyang pumasok ng kwarto para kuhanin ang mga gamit niya. Nagdecide siyang umalis na at di na magpapakita pa sa lalaking yun.

Tama na ang pagsisinungaling niya. Di na niya kaya pang sikmurain ang sarili lalo na sa nangyari sa kanilang dalawa. She knows that after this siguradong malalaman na ng lalaki ang totoo at kakamuhian siya nito.

After nun kakalimutan din siya nito at ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila habang magkasama ay mabubura na sa isipan nito.

Kinuha niya ang phone at tiningnan ang oras. 6am pa lang ng umaga. Kailangan na niyang magmadaling umalis at tuluyang maglahong parang bula sa buhay ng lalaking binigyan niya ng kanyang virginity.

*********

"Sorry Aiko. I- I don't want to do this anymore. I-I'm really sorry..."

Hindi alam ni Ayaka ang mga salitang dapat niyang sabihin sa pinsan. She never wanted to fail her. She's hopeless and needs Ayaka's help but the circumstances tangled up and Ayaka is caught up with lots of twist and pretentions that she didn't want to do it anymore.

She failed bigtime and she can't hide the fact that she fell in love with her cousin's fiancee.

Which is very wrong in every aspect. She supposed to make him hate her so no marriage will gonna happen. But she let him get through her.

Hindi kayang harapin ni Ayaka ang pinsang si Aiko kaya tinawagan na lang niya ito para sabihin ang kanyang desisyon.

"Ayaka..what happened?" tanging nasabi ni Aiko sa kabilang linya.

"N-nothing.. I just can't do this Aiko. I-'m really sorry...You can hate me. But please forgive me." malungkot na saad ni Ayaka. Gusto na niyang maiyak pero pinipigil niya ito.

"No..Ayaka. I can never hate you. I'm the one who needs to say sorry to you. For making you do this for me. You've been a great cousin bestfriend to me and I will never hate you. I understand. Sorry for forcing you to this mess." narinig na niyang humihikbi sa kabilang linya ang pinsang si Aiko.

"Aiko, no please. Don't cry."

"Ayaka, Thank you for your efforts. I really appreciate it."

"Don't say that pls. I failed you."

"No. Really." hindi na ito umiiyak at may ngiti sa tono ng boses. "Whatever is it that happened. It's fine. I will face dad and tell him everything. Don't worry I will not tell him the things we've planned out...and..for that man. I am planning to meet him soon and ako na magpapaliwanag ng lahat."

"You'll do that?" hindi makapaniwalang tanong ni Ayaka.

"Mmm... but not now. Mag iipon pa ko ng lakas ng loob." napangiti si Ayaka sa saad ng pinsan. For once in her life kung sakali ay tatayo ito sa sarili nitong paa at haharapin ang sungit ng dad nito.

"And Ayaka?"

"Mmm?"

"Can you come over? I miss my cousin."

Nagdalawang isip muna si Ayaka bago sumagot. Parang di pa niya kasi kaya harapin ang pinsan. Sa mga nangyari parang nahihiya pa siya dito.

"Please Ayaka. Let's hang out. Kahit tomorrow na lang?"

"S-sure." mahinang sagot niya.

Sooner or later kailangan din naman niya aminin sa pinsan ang mga nangyari.

***************

Kinabukasan nagkita sila ng pinsan sa isang korean resto.

Nagpahinga siya buong araw kahapon. Sobrang sakit ng ulo at buo niyang katawan. She feel sore down below and that memory is killing her. She can't forget it! She will not forget about him.

Naisip niya kung anong nangyari dito matapos niyang umalis ng di nagpapaalam.

Matapos niyang tawagan si Aiko ay pinatay niya ang phone niya para walang matanggap na tawag mula kanino.

Pinipilit niyang kalimutan lahat pero parang flashback itong bumabalik sa alaala niya. She still felt the warmth of his body to her. Unconsciously hinawakan niya ang labi niya dahil ramdam niya pa din dito ang mga labing lumapat sa kanya.

"Hi Ayaka. I'm trying to call you. Nakapatay phone mo?" bungad na bati ni Aiko ng makita siyang nagiintay na sa isang table.

Nag beso sila at umupo na.

"Ah. I forgot to turn it on. Nagcharge kasi ako." pagdadahilan niya sa pinsan.

Inopen niya ang phone niya. Habang kausap ni Aiko ang waiter para umorder ng kakainin nila.

Ilang saglit lang pumasok na ang sunod sunod na text messages.

Kumabog ang dibdib niya dahil lahat ng yun ay galing sa lalaking yun.

Minabuti niyang i-silent ang phone para di marinig ang tone. Pero di mapipigilan ang pag ilaw nito segu-segundo dahil sa sunod sunod na parating na text messages.

Naghihintay sila ng serving ng food ng mapansin ni Aiko ang non stop na pag ilaw ng phone ni Ayaka.

Na sesense niya na may nangyari dito at sa magiging fiancee niya. Ayaw niya namang pilitin si Ayaka na magkwento. Pinilit na nga niya ito gawin ang isang bagay kahit labag sa loob nito. Kaya hindi na niya pipilitin ang pinsang magsabi pa ng tungkol sa fiancee niya.

"Baka urgent matter kaya sunod sunod?" pahapyaw na tanong ni Aiko kay Ayaka.

Bahagyang nagulat naman ito sa sinabi ng pinsan.

"Ahh. Wala to. Baka wrong number lang." binaliktad niya ang phone sa mesa para di na maka istorbo sa kanilang magpinsan.

Ilang sandali lang ay naserve na ang pagkain nila. Triny ilayo ni Ayaka ang isip sa phone niya at sinubukang mag focus sa mga kwento ng pinsan niyang si Aiko.

"I thought summer class would be boring. But good thing I did it. Alam mo bang first day of it pumasok ako sa wrong classroom. Nakakahiya. May nakabangga pa kong guy. Ang clumsy ko." kwento nito kay Ayaka.

"Happy for you Aiko. You start doing what you want now."

"This is the first time I stood up for myself against Dad. I really wanted to pursue med school."

"I know you'll be one of the great doctors in the country." nakangiting saad ni Ayaka.

"Thanks Ayaka. Soon I'll stand up for my freedom na."

Napangiti na lang si Ayaka. She's happy for her cousin's milestone.

Natapos ang lunch nila na puro kwento ni Aiko lang ang narinig nila. Wala naman kasi siyang maikwekwento.

"Uhm..Ayaka."

"Mmm?"

Naglalakad sila papunta sa isang coffee shop.

"I don't know if I should tell you this but...he came last night looking for... actually he's looking for Aiko that is you.." nag aalangan pang pahayag ni Aiko.

No surprise for Ayaka. It will happen eventually.

"Our maids were the one to tell him that I'm not around, well I mean ikaw. Wala ka dun and I don't have anything to do with him so I told him not to come back anymore. Ok lang ba na pinasabi ko yun?" tanong ni Aiko.

"Of course! H-he's your fiancee...and I don't have a say on whatever you want to say to him. I mean. I don't want any connections with him anymore." mautal utal na paliwanag ni Ayaka.

"Oh...Good. So maybe I should brief the maids when he comes back? I think he will try to come back you know..?"

Di na nakapagsalita si Ayaka. Ang awkward para sa kanya ng usaping ito lalo na't fiancee ng pinsan niya ang usapan.

"Yah. Do whatever you think is ok with you. Don't think about me. Can we just drop the subject?"

"Sure. Uhm.. Sorry for bringing this up. I shouldn't have said it. I just thought you need to know."

Tumango tango lang si Ayaka pero nag wa-wander ang isipan niya sa ibang bagay.

Hawak niya sa kamay ang kanyang cellphone at sinubukang tingnan ang nasa screen.

"Can we talk please? Please talk to me. I need to talk to you. Please...answer me."

"Hey Ayaka, let's go." yaya ng pinsan niya papasok ng coffee shop.

She put her phone back inside her bag. She'll forget everything.

*************

Weeks passed.

Naging busy si Aiko sa summer school. Pero na enjoy niya ito. Makakatulong ito sa pag advance niya ng graduation.

Med school is hard. Sobrang sakit sa ulo pero ngayon lang niya na enjoy ang ginagawa niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng freedom iexpress ang sarili.

Naka adjust na din siya. May mga new found friends na hindi niya aakalain na magkakaroon siya. She's homeschooled till highschool. Mag 2nd year na siya pero ngayon lang siya nagkaron ng masasabing group of friends.

Soon mag rainy season na. Matatapos na din ang summer school. Then start na ulit ng first semester.

Naglalakad siya along corridor para magpunta sana sa library for research ng may makasalubong siyang lalaking nagmamadaling tumakbo papunta sa kanya. Hindi siya nito napansin kaya nabangga siya nito.

"Shit! Sorry Miss!" nagaalalang saad nito at tinulungan siyang tumayo.

"I'm fine. Next time be careful." nakangiti niyang sabi dito.

Nagtaka si Aiko ng hindi niya ito marinig sumagot dahil busy siya sa pagpagpag sa suot niyang uniform na puti.

Tiningnan niya ang lalaki at nagtaka siya ng makitang nakangiting nakatitig ito sa kanya.

"Hi." bati nito na animo'y kakilala siya ni Aiko.

"Ah? Do I know you?" nagtatakang tanong ni Aiko.

Duon lang natauhan ang lalaki. Biglang nag ring ang bell. "Shit! Late na ko. Uhm...I hope to see you again! I mean it's nice to see you again!" sigaw nito habang tumatakbo palayo hinahabol ang oras para di siya malate.

Natawa na lang si Aiko sa pinagsasabi ng lalaki. Weird, but he's cute.

*************

4 weeks passed.

Nagpalit na ng number si Ayaka. The memories still fresh pero unti unti na din niyang kinakalimutan ang mga bagay bagay.

Aiko never mentioned him again. Siguro nakikiramdam din ang pinsan niya.

Malapit na din ang pasukan kaya naging busy na din si Ayaka sa pag asikaso ng mga papers niya sa school. May mga araw na di siya ok. Bigla na lang siyang nahihilo.

"Ok na ang school requirements mo baby girl?" tanong ng Kuya niya habang sabay silang kumakain ng dinner.

"Yes Kuya." nakangiting sagot niya at patuloy sa pagkain. Napapansin niyang lumalakas ang kain niya nitong mga nakaraang araw. Parang duon niya binubuhos ang stress.

"I never see you eat this much. Ok ka lang ba?" natatawang tanong ng kuya niya.

"Of course. Masarap kasi ang luto ni Ate Mila."

Napangiti si Ate Mila na nagsasalin ng tubig sa mga baso nila.

"Totoo naman. Ate Mila walang kupas ang luto niyo." sabi ng Kuya ni Ayaka sa matanda.

"Thank you mam, sir. Nakakatuwa nga pong makita si Mam Ayaka na lumalakas ang kain. Akala ko kasi dati di po masarap ang luto ko at hindi niya nauubos." kwento ng matanda.

"Paboritong ulam po yan ng anak ko. Laging nirerequest sakin pag ako'y nauwi saamin. Ganyan din siya kalakas kumain dahil sa pagbubuntis niya." dugtong pa nito.

Napangiti lang ang magkapatid sa kwento ng maid nila. Nang matapos silang kumain ay nagpaalam si Ayaka na magpapahinga sa kwarto. Nakaramdam kasi siya agad ng antok.

Agad siyang humiga sa kama at inabot ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table niya. Napatingin siya sa nakapatong na kalendaryo at may bilog na pula ang numerong lumagpas na.

Napabalikwas siya sa pagkakahiga at kinuha ang kalendaryo. Tinitigan pa niya ito at tumingin sa petsang nakalagay sa cellphone niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng marealize niya...

'Fuck. I'm screwed.'

Agad siyang bumaba at nagpaalam na may pupuntahan lang. Nagdrive siya sa pinakamalapit na convenience store.

Agad siyang bumalik sa bahay at dumiretso sa kwarto niya. Nilock ang pinto at pumasok sa CR. Umupo siya sa toilet seat habang nasa kamay ang isang bagay na mag co-confirm ng hinala niya.

Binuksan niya ang packaging. Sinunod ang instructions at inabangan ang magiging resulta.

Halos tumigil ang tibok ng puso niya ng makita niya ang resulta.

Dalawang pulang guhit.

"Shit." ang tanging salitang nasabi ni Ayaka.

Continue Reading

You'll Also Like

53.4K 779 59
He chase her. He wants her, He chase the fire, and when he got her, He left. ©Girlgotseven.
7.7K 312 48
Love series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para...
113K 3.4K 41
***************** Tinawid ko ang pagitan naming dalawa wala pa akong first kiss pero willing kong ibigay sa kanya kaya binigay ko na sabay bulong ng...
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...