Feel Me 2020

By Quicke_Ow

74.4K 2.9K 112

ORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyay... More

AUTHOR'S NOTE
CONFESSION
WARNING!
CASTS
PROLOGUE
FEEL ME 1: THE STRANGER
FEEL ME 2: THE MYSTERIOUS GUY
FEEL ME 3: EMPLOYEE
FEEL ME 4: MALL
FEEL ME 5: THE CEO
FEEL ME 7: THEY'RE BROTHERS
FEEL ME 8: COMPLIMENT
FEEL ME 9: CALLING CARD
FEEL ME 10: BULLET
FEEL ME 11: FAMILY DINNER
FEEL ME 12: NEGOTIATION
FEEL ME 13: MR. SALVIA
FEEL ME 14: WHAT'S GOING ON?
FEEL ME 15: AM I IN TROUBLE?
FEEL ME 16: JEALOUS
FEEL ME 17: LLANITA
FEEL ME 18: YOUR LOVE
FEEL ME 19: AT THE BAR
FEEL ME 20: YES!
FEEL ME 21: FIRE ON FIRE
FEEL ME 22: JOYFUL HEARTS
FEEL ME 23: THIS LOVE
FEEL ME 24: HE'S MY SLAVE
FEEL ME 25: BLISSFUL HEARTS
FEEL ME 26: FALSE HOPE
FEEL ME 27: LOVE IN SADNESS
FEEL ME 28: FEELS
FEEL ME 29: NIDDLE AND THREAD
FEEL ME 30: LOSE
FEEL ME 31: LOVIN' YOU HAD CONSEQUENCES
FEEL ME 32: SETTING HIM FREE
FEEL ME 33: STILL LEARNING
FEEL ME 34: THE CALL
FEEL ME 35: MISSING PEICE
FEEL ME 36: FOURTH ASPECT
FEEL ME 37: NEW LIFE BEGINS
FEEL ME 38: TREASURED
FEEL ME 39: HERE I AM AGAIN
FEEL ME 40: CHASED BY THE OLD MEMORIES
FEEL ME 41: LEAVING THEM
N O T E :
FEEL ME 42: BEGINNING
FEEL ME 43: SAME OLD FEELIMG
FEEL ME 44: I'M HOME
FEEL ME 45: BIRTHDAY PARTY
FEEL ME 46: I'M STILL INTO HIM
FEEL ME 47: IGNORING HIM
FEEL ME 48: REALIZATION
FEEL ME 49: TOGETHER AGAIN
FEEL ME 50: JOEVAN & LOUIS
FEEL ME 51: CONFUSION
FEEL ME 52: MOMENTOUS HAPPINESS
FEEL ME 53: ACCEPTANCE
FEEL ME 54: LETTING ME BE
FEEL ME 55: LOVING HIM HARDER
FEEL ME 56: REASON TO BREATHE
FEEL ME 57: YOU & ME
FEEL ME 58: TOUCH OF HIS ARMS
FEEL ME 59: SETTING THINGS UP
FEEL ME 60: MISSES HOME
FEEL ME 61: DOUBTS
FEEL ME 62: SECRETS
FEEL ME 63: WE'RE IN TROUBLE
FEEL ME 64: LIFE AND DEATH
FINALE
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENTS
PHOTO CREDITS

FEEL ME 6: UNKNOWN CALLER

1.3K 71 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfprtable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

"Ok. I gotta go now, I have my meeting to aatend to." Ang saad nito sabay tayo at nilagpasan niya ako at iniwang nangangatog ang aking mga tuhod.

Aba't napakayabang niya akala mo ikinagwapo niya iyan. Basta galit pa din ako sa kanya at siya pa talaga ang aking naging boss.

SI MR. RAYMOND CORTEZ AY ANG MAYABANG AT MALANDING NAKAAWAY KO SA ISANG FAST FOOD CHAIN.

"UNKNOWN CALLER"

Quicke_Ow

Part 6

12:03 pm

Inaantay ko yung boss kong mayabang na matapos sa kanyang meeting nang makaramdam ako ng gutom.

Napagpasyahan kong kumain muna at magtungo sa isang malapit na fast food chain.

Agad akong nagpaalam kay Ms. Suarez at ang sabi ay huwag daw ako magtagal dahil baka hanapin ako ng hunghang na yun. Nakarating naman ako kaagad doon.

Agad akong pumila sa counter station para makapag order at makakain na ako. Medyo may pagkamahaba ang pila dito sa loob sa kadahilanang rush hour ngayon at inaasahan ko ng may maraming tao talaga ang nandirito ngayon.

Bagama't napakatagal at napakahaba ng pila at ibayong gutom na ang aking nararamdaman ay tiniis kong maghintay.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay sa wakas nandito na ako sa counter area para umorder ng makakain. Isang meal and drinks lang ang inorder ko at agad na naghanap ng bakanteng mauupuan.

Ibayong gutom ang aking nararamdaman ngayon dahil sa mahabang pila. Agad akong naghanap ng pwesto at umupo, dito ako nakapwesto sa may salaming dingding nito at agad na nilantakan ang pagkaing inorder ko.

Kasalukuyan akong kumakain ng may mahagip ang aking malikot na mga mata sa di kalayuan. Isang lalaking nakahoody'ng itim ang nakatayo malapit sa isang kanto at diretsong nakatingin kung saan ako naroroon.

Nakipagtitigan ako dito at ganoon din siya. Tila walang gustong unang bumawi ng tingin sa aming dalawa. At maya maya'y unti unti ko itong nakikilala at dito ay nagimbal ako sa kanya. Siya lang naman yung lalaking laging nakamanman sa akin.

Ibayong kilabot ang lumukob sa aking pagkatao. At dahil sa siguro nakahalata na siya na nakikilala ko ang pigura nito ay agad itong nanakbo papasok sa isang kanto at naglaho na parang bula.

Sino kaya yun? At bakit parati ko siyang nahahagilap? Takang tanong ko sa aking sarili at labis na pagtataka.

"Hey." Mahinang turan ng lalaki sa aking likuran at dahil doon ay nagulat ako ng sobra. Agad akong napahawak sa aking dibdib at hindi muna nakasagot.

"Oh, ba't parang nakakita ka ng multo at gulat na gulat ka?" Takang tanong nito. Agad naman akong napahawak sa aking mukha at dito ay naramdaman ko ang panlalamig nito hudyat na nenenerbiyos ako.

"Ba't nanggugulat ka Dave?" Inis kong sagot dito at dali dali akong ngumiti baka magtaka siya kung bakit ganito ako kung kumilos.

"Anyways, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at tanging kibit balikat lang ang kanyang sagot. Obvious naman na kakain siya alangan namang magpagupit siya dito diba?.

Tahimik kaming dalawa...

Sumabay sa pagkain si Dave at ang loko maraming inorder na parang may papyesta, kainin ko daw yun lahat. Para naman akong kakatayin nito.

Nasa kalagitnan kami ng pagkain ng biglang tumunog yung telepono ko hudyat na may tumatawag sa akin.

Tinitigan ko muna ang aking telepono bago ko ito sagutin at tanging numero lang ang nakalagay dito.

Sinagot ko na ito. Pinakinggan ko muna ito ng ilang sandali.

"Hello?" Litanya sa kabilang linya. Hindi ko kilala kung sino itong tumatawag.

"Hel---" putol kong sagot dahil agad nitong pinatay ang tawag. Nagkibit balikat nalang ako bago ilapag sa mesa ang aking telepono at pinagpatuloy ko ang pagkain.

Sarap na sarap akong kumakain ng tumunog uli yung phone ko. Hindi ko ito pinansin baka yung unknown caller na naman yung tumatawag. Ilang beses itong tunog ng tunog ng mainis ako't sinagot ito.

"Ano ba? Sino kaba? Alam mo unang una hindi kita kilala naiistorbo mo na ako ng sobra alam mo bang kumakain ako at nakakaabala kana. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mona hindi yung pinapahulaan mo sa akin kung ano kailangan mo. Ano ba kasi kailanga----" inis kong saad dito e kasi ang kulit kanina pa tawag ng tawag. Putol ko ding litanya dahil sa agad itong sumagot.

"To my office now?" Galit nitong saad sa kabilang linya na sa pagkakaalam ko ay lalaki ito. Sino yun? Mukhang pamilyar yung boses niya.

"Hello Mr. Sandoval. This is Ms. Suarez, si Mr. Cortez ang kausap mo kanina. Pinapapunta ka niya dito sa office niya ngayon din. May mahalaga daw siyang sasabihin sa'yo." Wika nito sabay patay ng telepono.

Napanganga ako sa aking narinig. Si sir pala ang kausap ko kanina at galing sa kompanya ang numero na yun. Agad naman akong nahiya sa aking ginawa. Pinagalitan ko pa siya sa telepono sa pagaakalang siya yung unknown caller na tumawag sa akin kanina, hays ang tanga ko kasi.

Dali dali akong tumayo at nagpaalam kay dave na apura sa pagkain at tanging tango lang ang kanyang naisagot dahil sa puno ang bibig nito. May katakawang taglay pala ang isang ito.

Agad kong tinahak ang daan papuntang kompanya at ibayong kaba ang aking naramdaman dahil sa tagpong naganap sa pagitan naming dalawa ni Raymond. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakatapat sa pintuan at binuksan ito.


Isang nakabusangot na mukha ng mayabang na 'to ang aking nadatnan at parang galit.

"Where have you been?" Seryosong sagot nito.

Hindi ko siya mabasa dahil wala akong nakikitang emosyon sa kanya.

"Uhm, i'm just having my lunch...sir" tugon ko dito at maya maya ay bigla nalang itong ngumiti ng kay tamis.

"Sadya ka bang masungit talaga?" Ang natatawang sabi nito. Tanging irap lang ang aking tinugon sa kaniya at ang loko napahagalpak ng tawa. May sayad ata itong isang 'to. Hindi ko batid kung bakit ganito ito kumilos.

"Anyways, I will be having a party at my house with my friends, employees, and investors on saturday in the evening. Thus, I AM EXPECTING YOU TO BE THERE." Ang nakangiting wika nito.

"And wear this." Dagdag na saad pa nito sabay abot ng isang kahon. Ano 'to? Tanong ko sa aking sarili at hindi ko muna binuksan ito.

Nagpaalam na akong lalabas para umuwi sa bahay dahil ang sabi ni Ms. Suarez ay half day lang ako ngayon dahil daw sa marami pa ang aasikasuhin ni sir yabang at may lakad pa itong pupuntahan ngayon, si Ms. Suarez nalang daw ang bahala dito.

Kaya uuwi nalang muna ako para makapagpahinga at ikalma ang aking sarili sa aking malambot at maluwag na higaan doon sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong naglilinis ang mga kasambahay at ang sabi ay pumunta muna sila mama at papa sa hardware upang magmonitor. Hindi ko nga alam kung asawa ba talaga ni mama si papa or family driver namin dahil sa tuwing aalis o may lakad si mama ay palaging si papa ang nagmamaneho para dito.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto upang makapagpahinga ng maayos .

Pagkadating ko sa kwarto ay hinubad ko lahat ng suot ko at natagpuan ko nalang ang aking sarili na hubo't hubad at nakatapat sa salamin.

Habang nakatayo sa salamin ay pinagmasdan ko muna ang aking sarili bago magtungo sa banyo upang maligo. Napansin kong hindi naman pala ako payat medyo built ang aking katawan, may magandang facial features, maputi, at may masasabi ang aking alaga, at matangkad.


Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako't nagpatuyo ng buhok.

Sumampa ako sa aking kama at hinayaang magpaalipin sa antok dala ng pagod. Dito ay agad akong nakatulog. Wala na akong naalala pa.

Madilim na nang ako ay magising, mukhang napasarap yata ang aking pagtulog. Hindi muna ako bumangon at nakipagtitigan muna sa kisame. Naririnig ko sila mama, papa, at kuya na naguusap usap sa labas at nagtatawanan. Mula dito sa aking silid ay naririnig ko ang kanilang halakhakan at nagkakatuwaan.

Bumangon ako papuntang study table ko malapit sa may bintana ko upang kuhanin ang telepono kong nakapatong dito.

Nang kukunin ko na ang aking telepono ay nakita ko na naman ang lalaking naka itim na nakatayo malapit sa may bakuran namin.

May kinuha siya sa kanyang bulsa na sa tingin ko ay telepeno. Itinapat niya ito sa kanyang tainga na parang may tinatawagan.

Nagulantang ako ng biglang tumunog ang aking telepono hudyat na may tumatawag dito. Tanging unknown number lang ang nakalagay dito at alam ko na kung sino ito. Saan niya nakuha ang aking numero? Takang tanong ko sa aking sarili. Ni wala akong pinagbibigyan ng aking numero at tanging sina mama, papa, kuya, at Andrew lamang ang may alam sa aking numero.

Agad kong sinagot ang tawag at itinapat ito sa aking tainga sabay baling sa kanya. Nakatayo pa din ito at walang may gustong magsalita sa aming dalawa.

Tahimik...

Titig na titig ako sa kanya at sinusuring mabuti ang kanyang pigura. Tanging malalalim na paghinga lamang ang aking naririnig sa kaniya.


"You will know soon." Saad niya na labis kong ipinagtaka.

Kasabay nun ay ang pagpatay niya ng tawag at nagtatakbo paalis. Isang malaking katanungan ang mga naganap ngayon. Para akong isang asong nagbubungkal ng lupa makita lang ang boto na nandoon.

Paulit ulit na nagbabalik sa aking isipan ang kanyang sinabi. At dahil doon ay hindi ako mapakali ngayon.

Ikinalma ko muna ang aking sarili bago harapin sila mama sa baba at umakto na parang normal.

Nagtungo ako sa baba at sinalubong sila ng yakap at ganun din sila. Pinagsaluhan namin ang gabi ng punong puno ng pagmamahal. Nagkatuwaan muna kami bago magpasya sila mama na pupunta na ng kwarto upang makapagpahinga.


Naiwan kami ni kuya dito sa sala habang nanonood ng palabas.

Nasa ganoong panonood ako ng bigla akong yakapin ni kuya at maya maya'y kiniliti ako dahilan para magtawanan kami.

Nagkasiyahan muna kami ni kuya sa sala habang nanonood ng mapagpasyahan namin tumungo sa kaniya kaniya naming kwarto upang makapagpahinga na rin.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng may ngiti sa labi. At humilata ng nakadapa. Inaalala ko ang masasaya naming tagpo ng aking pamilya at habang nasa ganoong pagbabalik ako ng masasayang alaala naming pamilya nang bigla kong maalala ang sinabi ng misteryosong lalaki na yun.


"You will know soon." What do I not know? Tanong ko sa aking sarili.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
75.2K 2.6K 59
Book Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.
68.2K 2.6K 47
PROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmada...