Loving him made me stupid

By JFloveee

4.5K 206 1

I love him very much and he feels the same way towards me, everything was just perfectly fine as long as we'r... More

PROLOGUE
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXIII
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XLIII
Chapter XLV
EPILOGUE

Chapter XXXII

96 6 0
By JFloveee

Gene's POV

Paalis na ako ng bahay para pumasok sa school ng makita ko si Carl sa labas ng bahay nila. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan niya at binuksan ang bintana. 1 week na din kasi simula ng umuwi ako dito pero ngayon ko pa lang siya nakita dahil hindi siya pumupunta sa bahay namin.

Hindi niya ako napansing tumigil dahil may kausap siya sa phone, ang lapad lapad pa ng ngiti niya.

"Carl pare!" pagtawag ko sa atensyon niya. Ng dumako ang mga mata niya sa akin ay nabura ang ngiti sa mga labi niya.

"I'll call you later baby, I need to hang up. I love you." sabi niya sa kausap niya bago niya pinutol ang tawag. Nginitian ko siya ng nakakaloko, nagbibinata na ang pare ko. Wala namang masyadong nagbago sa kanya, parang nagmatured lang ng konti ang dating.

Tinignan niya ako ng may pagtataka. "Sino ka?" I burst out laughing dahil sa tanong niya. Kumunot ang noo niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"Hindi mo na ako nakikilala? Nakakatampo ka naman pare." paggaya ko sa sinabi niya noong ako ang hindi nakakilala sa kanya, inilagay ko pa ang kamay ko sa dibdib ko pahiwatig na nasaktan ako ng sobra.

"Oliver?" nakakunot pa din ang noo niya.

"The one and only." pagmamayabang ko. Bumaba ako ng sasakyan and the moment I get out of my car, he checked me out.

"Alam kong gwapo ako pero wag kanaman sanang mabading sa akin." pang-iinsulto ko. Natatawa ako dahil nagkapalit kami ng sitwasyon ngayon.

He smirk. "Buti naisipan mo pang umuwi dito? Akala ko kasi wala ka ng balak umuwi." tinalikuran niya ako. "Sana noon ka pa bumalik, sana mas inagahan mo pa. Sige una na ako, malalate na ako." hindi na ako nakaimik pa dahil sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaharurot na yun palayo.

Sana mas inagahan ko pa? What does he mean by that?

Pati ba siya galit din sa akin? Napakalamig ng pakikitungo niya.

*****

Naghihintay ako sa labas ng classroom ni Ynna. May copy ako ng sched niya na binigay sa akin ni Ate. Saktong 12 noon ang labas niya at buti na lang 11:30 ang labas ko. May dala kasi akong lunch para sa kanya.

Nakita ko ng nagsilabasan ang mga kaklase niya at ilang saglit pa ay lumabas na din siya. Nakangiti ko siyang sinalubong. Nasa bulsa ko ang isa kong kamay. Sumabay ako sa paglalakad niya.

"Hi." nakita ko sa peripheral vision ko that she rolled her eyes heavenwards. I chuckled. Ang cute. Di siya sumagot, binilisan niya lang ang lakad niya pero sinabayan ko pa din siya. Kahit tumakbo siya ay mahahabol ko pa din siya.

"Wag mong masyadong bilisan ang paglalakad mo dahil ikaw lang din ang mapapagod, kahit tumakbo ka pa mahahabol pa rin kita at kahit patuloy kang lumayo, patuloy pa din kitang hahabulin. Kahit maraming beses mo akong itutulak palayo, lalapit pa din ako sa'yo dahil sobrang ma--" she cuts me.

"Ikaw ang lumayo." natahimik ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang sakit sa tono ng pananalita niya. I smiled bitterly. Ang kapal ng mukha kong sabihan siya ng ganun samantalang ako nga pala ang gagong lumayo.

Napayuko na lang ako. "I'm sorry, I'm sorry if I have the guts to tell you such things. I'm so sorry if I act like I was the one who's hurting where in fact it was you, not me." mapait na sabi ko. Tumingin ako sa taas para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"I'm used to it." she whispered. Napakahina lang pero rinig na rinig ko ang sinabi niya.

Tumigil ako sa paglalakad pero siya tuloy tuloy pa rin. Hinabol ko siya at mahigpit na niyakap patalikod. Walang ibang tao sa paligid dahil lunch time kaya siguradong nasa cafeteria lahat sila.

"I'm sorry Ynna. Patawarin mo ako kung iniwan kita. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako, lahat lahat. Kahit lumuhod ako sa harapan mo o kahit umiyak ako ng dugo, sabihin mo lang kung anong dapat kong gawin." I burst out crying. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat niya. "Tell me what do you want me to do for you to forgive me." bulong ko sa kanya.

"Get out of my life." matigas niyang sabi at pilit niyang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

"No please. No. Wag yun, iba na lang. Iba na lang please." I begged.

She laughed. "Sabi mo lahat gagawin mo, sinungaling ka talaga. Bakit nga ba hindi pa ako nasanay sa'yo? Ganyan ka na dati pa. Sabi mo noon hindi mo ako iiwan pero anong ginawa mo? Ngayon naman sabi mo lahat gagawin mo, simpleng bagay lang ang pinapagawa ko pero hindi mo magawa! Magpakalalaki ka naman! Hanggang salita ka lang eh!" tumigil siya at huminga ng malalim. "Wag kang magsasabi ng isang bagay na hindi mo kayang panindigan, nakakasakit ka lang." nanghina ako sa mga sinabi niya dahil lahat yun tagos sa buto. Ako na mismo ang napabitiw sa yakap. "Wag kang paasa Gene, hindi ka gwapo." umalis na siya pagkatapos. Gusto kong matawa sa huling sinabi niya pero sobrang sakit ng mga una niyang sinabi kaya wala ng paglalagyan ang pagtawa. Nanghihina akong napaupo sa daan.

Akala ko pinakamasakit na ang treatment niya sa akin pero mas masakit pala ang malaman mo kung gaano siya nasaktan at nasasaktan.

Kyla's POV

Ang bigat ng batang 'to, makukutusan ko talaga 'to bukas ng umaga. Iinom-inom hindi naman pala kaya. Gegewang-gewang tuloy kaming maglakad ngayon.

"Bakit ka ba kasi nagpakalasing?!" inis na tanong ko sa kapatid ko.

"Ynna... Ynna..." pagdating pa lang niya kanina ay yan na ang paulit-ulit niyang binubulong. Ibinagsak ko siya sa kama niya.

Tinignan ko siya't umiling-iling. "You look so pathetic Oliver." tinanggal ko ang suot niyang sapatos.

Pumunta ako sa baba para kumuha ng panghilamos sa kanya ng mahimasmasan siya.

"S-Sorry." bulong niya.

"Naku hindi mo ako madadaan sa ganyan Oliver, ayoko ng mauulit pa 'to dahil sa daan na talaga kita patutulugin sa susunod!" I rolled my eyes upward. As if naman nakikita niya eh nakapikit siya.

"S-Sorry kung iniwan kita... S-Sorry" may pumatak na luha sa mata niya kahit nakapikit siya.

Kaya naman pala eh, hindi naman pala sa akin nagpapasorry eh. Itinuloy ko na lang ang paghihilamos sa kanya.

Sobrang naawa na ako sa kapatid ko dahil araw-araw nakikita ko kung gaano siya nageeffort para kay Danielle. Ang aga niya kung gumising para lang magluto at bagsak ang balikat niyang uuwi dala ang pagkaing niluto niya. Alam ko masakit sa part ni Danielle ang nangyari pero sobra na, sobra na niyang nasasaktan ang kapatid ko. Alam ko ang kapatid ko ang nagkamali, nasaktan siya ni Oliver pero hindi naman yata tamang saktan niya din ang kapatid ko. Hindi ko na kayang nakikita siyang ganito. Kapatid ko siya, mahal ko siya kaya di ko na siya kayang nakikitang nasasaktan.

"Isa lang naman ang hinihiling ko sayo eh." tumingin ako sa kanya at ganun pa din ang posisyon niya. "Wag mo siyang sasaktan." sabi ko at tumungo.

Naramdaman ko siyang gumalaw pero nakapikit pa din siya. "I can't promise that." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nag-ayos ng upo at tumingin na sa akin. Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka. "But I can assure you one thing, hurting him will be the last thing I will do." ramdam ko ang sincerity sa tono ng pananalita niya. "I'd rather kill myself first before hurting him because just like you, seeing him hurt, hurts me more. It's better to die than to see him hurting because of me and I can kill anyone who will hurt him. I don't care if it'll bring me to hell."

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Danielle noon bago ako umalis. Unti-unti akong napangiti. Kailangan ko siyang makausap.

Gene's POV

Nagdadalawang-isip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell. Gusto ko siyang makita at makausap. Dalawang-araw na siyang hindi pumapasok. Alam ko iniiwasan niya ako kaya hindi siya pumapasok.

"Anong kailangan mo?" isang pamilyar na boses sa likuran ko ang narinig ko, hinarap ko siya. Naka blue long sleeve siya na nakatupi hanggang siko. Nakaparada din sa harapan ng gate ang gray na Lamborghini, mukhang bumaba siya doon para tanungin lang ako kung anong kailangan ko.

"K-Kuya Louie." nauutal ko pang sabi. Biglang tumigas ang ekspresyon sa mukha niya ng marecognize niya kung sino ako.

"Don't tell me ikaw si Oliver." nakita kong nagtagis ang bagang niya. Tumango ako.

Mabilis niya akong sinugod at pinaulanan ng suntok, sunod-sunod ang pagsuntok niya na parang gigil na gigil at kayang-kaya akong patayin ngayon din.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito pagkatapos ng ginawa mo!" halos wala akong sakit na maramdaman sa mga suntok niya dahil ang galit lang sa mukha niya ang nakikita ko. "Papatayin kitang gago ka!" malakas ang bawat suntok na binibitawan niya. Nakahiga na ako sa sahig pero di pa siya nakuntento at pumatong pa sa akin para patuloy akong paulanan ng suntok. "Ano ha?! Bakit hindi ka lumalaban?! Hanggang ngayon duwag ka pa din! Nagbago nga ang itsura mo pero duwag ka pa rin!" kayang-kaya ko siyang labanan pero hindi ko gagawin dahil bawat suntok na binibitawan niya ay nararapat lang na maramdaman ko.

"Tama na yan kuya." tumigil siya sa pagsuntok at pareho kaming tumingin sa nagsalita, si Ynna.

Pinapatigil niya ang kuya niya, ibig bang sabihin concern pa din siya sa akin.

"Bakit Danielle? Wag mong sabihin sa ak--" she cut him.

"Pagod ka na sa trabaho at hindi isang katulad niya lang ang dapat mong pag-aksayahan ng oras." lumapit siya sa kuya niya at hinawakan ang kamao nito. "Dinumihan mo pa ang sarili mo, bakit ka ba kasi humahawak ng basura?" sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa kamay ng kuya niya gamit ang damit niya. "Tara na sa loob, kanina pa ako nagugutom. Ang tagal mong umuwi kuya!" Louie patted her head and he kissed her forehead.

"Sorry naman baby ko, may tinapos lang akong trabaho." She pouted. Louie chuckled at hinila na siya papasok.

She's still my Ynna, the same Ynna I knew but she's so damn mad at me, basura nga ako para sa kanya eh.

Ynna's POV

"Mahal mo pa ba siya?" tanong agad ni kuya pagpasok namin sa bahay. "Bakit ko nga ba naman kailangan itanong yun eh halata naman kaya mo nga ako pinigilan sa pagbugbog sa kanya." he said.

"Baka mapatay mo siya." I replied. Umupo ako sa couch.

"Papatayin ko talaga siya, ang kapal ng mukha niya. After all these years ngayon lang siya lumabas sa lungga niya at dito pa siya pumunta. Tangina niya lang!" gigil na gigil na sabi ni kuya. Galit na galit siya kay Gene.

"Hayaan mo na lang siya, hindi naman siya nanggugulo eh." lalo siyang nagalit sa sinabi ko.

"Fvck Danielle! Hanggang ngayon mahal mo pa din ang gagong yun?! Danielle naman! Tanga ka ba talaga? Saan mo ba dinala ang utak mo?!" singhal niya sa akin. Kinuha ko ang magazine sa ibabaw ng glass table at binuklat.

"Kahit tanggalin mo ang utak ko, wala ng magbabago kuya. Siya pa din ang laman nito eh." turo ko sa dibdib ko.

Louie's POV

Nasa harapan ako ng bahay. Sinindihan ko ang sigarilyong hawak ko. Lumabas si Nadine, ang personal nurse ni Danielle.

"Kumusta ang kalagayan niya?" tanong ko saka hinithit ang sigarilyong sinindihan ko.

Kinuha niya ang sigarilyong hawak ko saka hinithit. Ibinuga niya muna ang usok bago ibinalik sa akin ang sigarilyo. "She's getting worse each day, kailangan na niyang magundergo ng operation as soon as possible." huminga siya ng malalim. "2 days na siyang hindi nakakapasok dahil parang binibiyak daw ang ulo niya sa sobrang sakit." malungkot na pahayag niya.

Madiin akong napapikit sa narinig ko. Hanggang ngayon hindi pa tapos ang paghihirap niya. Kung sanang pwede lang na kunin ko ang sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na pero hindi pwede dahil imposible.

"Kasalanan lahat 'to ng gagong yun eh! Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung di dahil sa kanya, kung alam ko lang na aabot sa ganito, sana pinaghiwalay ko na sila noon!" muli kong hinithit ang sigarilyo.

"Walang mangyayari kung magsisisihan pa tayo, dapat mapilit na natin si Danielle na magundergo ng operation dahil mas lalong lalala ang sakit niya at baka ikamatay niya pa na sana wag namang mangyari." nasabunutan ko ang sariling buhok ko because of frustation.

"Ano ba naman kasing klaseng doctor yun?! Nagundergo na siya ng operation 2 years ago pero bakit hindi pa siya gumaling?" paninisi ko sa doctor na daddy ni Calvin.

"Last year lang siya nadiagnose na may brain tumor, kahit si Dr. Ramos hindi inaasahang mangyayari yun. Tumubo yun dahil pinatagal niya pa ang pag-uundergo ng operation dati kaya naapektuhan ang ibang neurons niya na hindi mo talaga kaagad makikita dahil sorang liit lang kaya ngayon lang napansin, ngayong kumalat na at nagbunga ng mas malalang sakit. Nagfocus lang tayo sa damage." pagpapaliwanag niya.

"Bakit kailangan niyang maranasan 'to? Ilang beses na ba siya muntikang mawala sa amin? Kung pwede lang ayoko na din siyang magpa-opera dahil baka this time tuluyan na siyang mawala sa amin." hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. "Nasa between life and death situation nanaman siya at oras na pumayag na siyang mag-undergo ng operation hindi tayo nakakasiguro na magigising pa siya at wala man lang chance na makakasurvive siya. Pagod na akong nakikitang ganito ang kapatid ko." naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"Yan ang nakikita kong dahilan kung bakit dinedelay pa ni Danielle ang operasyon at dinahilan niya lang na gusto niya munang makatapos dahil ang totoo natatakot siya." natatakot? Matapang ang kapatid ko.

Hinarap ko siya. "Paano siyang matatakot eh matapang siya, siya ang pinakamatapang na taong kilala ko. Saan siya natatakot? Natatakot ba siyang mamatay?" o baka dahil nanaman kay Oliver?

"Hindi siya natatakot mamatay, natatakot siya para sa mga taong iiwanan niya. Natatakot siyang saktan kayo kaya hanggat kaya niyang tiisin ang sakit ay ginagawa niya at nagtitiyaga na lang siya sa radiation every month para hindi lumaki ang tumor niya kaysa ipatanggal  niya yun lalo na't wala namang kasiguraduhan kung gigising pa siya pagkatapos."

Naikuyom ko ang palad ko. It was all his fault. Damn him!

Kyla's POV

Pababa ako sa kusina para kumuha ng tubig ng halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang kapatid ko na nakahandusay sa sahig at duguan.

"Oh my! Shit Oliver what happened to you?" Tumakbo ako palapit sa kanya at iniunan ko siya sa lap ko.

"Ate Rita paabot naman po ng first aid kit! Saka po palanggana na may tubig at twalya. Pakibilisan!" hindi ko alam kung may nakarinig ba sa akin o wala.

"I deserved this." he said bago dumating si Ate Rita dala ang first aid kit at umalis ulit para sa palanggana.

"Gago ka ba? Eh halos hindi ka na makatayo diyan at konting pitik na lang sa'yo mamamatay ka na tapos sasabihin mo you deserved this?!" naghyhysterical na sabi ko.

"Kulang pa ang pambubugbog ni Kuya Louie sa akin dahil sa pananakit ko sa kapatid niya. Kulang pa 'to." he said before he end up crying. I expected this things pero iba pa rin pala kapag nangyari na.

"So ano pa lang gusto mong sabihin? Dapat pinatay ka na niya dahil baka sa paraang yun mapapatawad ka na ni Danielle sa ginawa mo sa kanya?" I sarcastically said. Sinimulan ko na ang panggagamot sa mga sugat niya.

Kakausapin ko si Danielle bukas na bukas din.

*****

Inaabangan ko si Danielle dito sa parking lot ng LU. If I'm not mistaken 3pm ang labas niya and it's exactly 3:05 pm.

May natanaw akong isang babae na kapostura ni Danielle. Ng medyo makalapit sa akin ang babae ay dun ko pa lang siya nakilala.

It's her. Hindi ko siya kaagad nakilala dahil sa buhok niya. Bumaba na ako ng kotse at mabilis siyang nilapitan.

Nagulat siyang makita ako at nakita ko ang uneasiness sa kilos niya, mukhang hindi niya alam kung paano ako pakikitunguhan.

"Ate Ky." yan lang ang salitang nabigkas niya.

"Yeah Danielle. Kumusta ka na? It's been 6 years since the last time I saw you. Ang laki na ng pinagbago mo ha? You're always gorgeous as ever but you are still madly in love with my brother." hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. I want to end the suffering of my brother.

"Excuse me?" I laugh.

"I know you clearly heard and understand what I said." hindi naman sa nagtataray. I just want to go straight to the point at hindi kung anu-ano pang kachenahan.

She smirked. "Oh sorry, you're so quick tempered." may bahid ng pag-iinsulto ang tono ng pananalita niya. "First of all, I'm fine and thank you for your compliments." tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago nasalita ulit. "You've change a lot too and speaking of change, as what you've said earlier it's been 6 years but why do you still think that I'm madly in love with your brother where in fact I never fall in love with him." I fake a laugh dahil sa sinabi niya.

"Oh please Danielle, you're not good at lying so why don't you just tell me the truth and stop holding back for what do you feel for my brother." Tinignan ko siya ng diretso sa mata at ganun din siya.

"The truth is I don't love your brother anymore, so get out of my way and get a life!" I don't know na may side na ganito si Danielle. Oh how I like this girl for being like this. She's getting into my nerves but I'm enjoying it so far.

"Liar! You do love him because you're hurting until now! I understand you for being so mad to him but it's enough, he already proved himself to you, he deserves your forgiveness and you both deserve a peace, so please give him another chance, please end up his suffering because you're just hurting him and if I'm not mistaken, 6 years ago you told me that hurting him will be the last thing you will do!" Oliver owe me so much for this.

She smiled bitterly. "I never hurt him, I never did. It was him whose hurting himself because until now I'd rather kill myself first before hurting him but I guessed I can't die twice. 5 years ago, the pain I felt when he left, killed me." then she left.


No doubt. She's hurt, broken and devastated.

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 700 53
If it's for your love, Can you gamble anything even it's dangerous? Can you risk your love as a Senator of the Philippines? Can you risk everything...
5.2K 220 42
"Why do I need to apologize to him when in the first place it was his fault? Hmm... Katangahan? Hindi ba dapat sya yung manghingi ng tawad sa akin?"...
487 65 7
"You only have Fourteen days to confess and it is up to you if you will not accept the once in a lifetime opportunity. Once you surrender, you loose...
117 4 6
Mauuwi kaya sa pagiibigan ang nagsimula lamang sa pagkakaibigan? Kilala mo nga ba talaga ang tunay mong minamahal o hindi mo lang talaga nakikit...
Wattpad App - Unlock exclusive features