Dreaming Of You [On Going]

Bởi jonjieramz123

16.7K 852 370

[UNDER REVISION] #Lucky Xem Thêm

WARNING/DISCLAIMER!!!
AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2: A Glance
Chapter 3: Aesthetic
Chapter 4: Paranoid
Chapter 5: Meeting You
Chapter 6: Emotionally Drained
Chapter 7: Misinterpreted Date
Chapter 9: The Scene
Chapter 10: Naughtiness
Chapter 11: Getting Naughtier
Chapter 12: Territory
Chapter 13: Make You Feel Special
Chapter 14: Random
Chapter 15: Mood
Chapter 16: Jealous

Chapter 8: Unexpected Mood

388 39 15
Bởi jonjieramz123

Dreaming Of You
"Unexpected Mood"
<><><>
Ethan Vintafolco

Ano na naman kaya ang nag udyok sa tatlong demonyo para pumunta sa lugar na ito? Mabilis kong inayos paraan ng pagkakaupo ko at matiyagang kinilatis bawat galaw nila.

Nanatili lang atensyon ko sa kanila na ngayon din mismo ay abala na inilibot ang paningin sa kabuohang dako ng restaurant, naghahanap ata ng pwedeng mapagpupuwestohan.

Nagpakawala ako muli ng ismid habang nakangiti nang magkasalubong nga nang tuluyan ang aming mga mata . Agad kaming nagpalitan ng matatalim na tingin at di kalaunan ay naglakad na ito papunta sa direksyon ko. Inihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na mangyayare. Alam kong paandaran na naman nila ako ng katarantadohan nila.

Mariin kong itinuon atensyon ko kay Luke na ngayon mismo ay nakafocus lang sa pagkain. Ni hindi man lang siya bumabaling ng atensyon kung saan o kahit sakin man lang. Napangiti ako ng mapait.

Tuluyang naagaw ng atensyon ko ang mga inaasahan kong nilalang. Buong tikas at matigas ang pagkakatindig nila. Na para bang sinasabi na sila ang nakakataas isa lamang akong hinahamak. Gaya nga nang inaasahan ko, sinusubukan na naman nila akong sindakin sa mga presensiya nila. Napaismid ako at napailing sa kawalang pag asa ng mga 'to. As if naman maaapektuhan ako sa kanila?

"This is my territory, so move!" Maowtiridad kong usal pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain para baliwalain sila. I know what I'm doing would trigger them. Ayaw na ayaw pa nilang pinaparamdam sa kanila na binabaliwala sila.

Sinipat ko ng tingin si Luke na ngayon mismo ay pabalik balik ang tingin sa'kin at sa lider ng grupo na'to. Nagitla lang ako nang magtagal tingin niya kay Lucas, ang lider.

"You're kidding , aren't you? Baka gusto mong sumabog sa mukha mo tong kamao ko!" Napukaw atensyon ko ni Covy na ngayon mismo ay mababanaagan mo ng kayabang. Enikis niya ang kanyang braso pagkatapos ay umismid. Still the same, too gay.

Napailing ako na lang ako.

"Grabi! Nakakakot naman!" sarkastiko kong sagot. Nilukot ko pa ang mukha tsaka itaas ang dalawang kamay para mukhang sumusuko.

Naagaw ng atensyon ko ang biglang pag abante ni Lucas. Nakasupot sa bulsa ng pantaloon niya ang kanyang mga kamay. Nagtagis-bagang pa siya pagkatapos ay pinilig ang ulo. Nawawalan na'to ng pasensiya. Panigurado,"Kung gusto niyo ng katahimikan at kapayapaan, umalis na lang kayo," maowtiridad na saad niya. Matalin at nanlilisik mga mata niya. Napangisi ako. Pikon na pikon. Wala pa nga ako masyadong nasasabi gan'tong reaksyon na agad ang meron siya.

"Wow!" Pambungad ko, " Talaga na pre? E pa'no kung sabihin ko sa'yo na ayaw ko? Alam mo kasi pre ay hindi talaga ako natatakot sa'yo. Like, natatawa ako kung bakit buntot nang buntot sa'yo dalawang kasamahan mo sa'yo. Kung tutoosin ay mukhang may mas binabatbat pa sila kaysa sa'yo. Tas, nagkataon naman na walang binatbat mga kasamahan mo sa'kin."

Tumawa pa ako na mas lalo namang ikinalukot ng mukha ng tatlo. I enjoy this.

"Kung ako sa inyo bumalik na lang kayo sa palda ng nanay nyo at magtago. Alam ko naman na wala naman talaga kayong binatbat at sa salita lang may maibubuga,"
sagot ko sabay pakawala ng nakakalokong ngiti. Ako talaga hinahamon mo ah.

"Aba! Tarantado ka ah!" Inilabas ni Lucas kamay niya sa kanyang bulsa at mabilis akong kwinelyohan. Ramdam na ramdam ko ang galit at panggigil niya. Pikon ang hayop?

Naramdaman ko ang pagkumpulan ng mga mata sa'min pero hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon. Pati ang mga bodyguards dito ay hindi rin makagalaw sa kinatatayuan nila. Wala silang magawa.

Nagbalak akong magpumiglas sa pagkakakuwilyo sa'kin pero bigla akong nagulat sa sumunod na eksena. Marahas na tumayo si Luke at walang pagdadalawang isip na hinawakan mga kamay ni Lucas
"Bitawan mo nga siya!" Buo at matigas na asik niya.

Hindi ko inasahan 'yon. Malamig at puno ng awtoridad. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay mas lumalalim ang kagustohan kong mas makilala si Luke .

Pinagmasdan ko bahagya reaksyon ni ni Lucas na magpahanggang ngayon nakahawak sa kwelyo ko. Bigla siyang napahinto at parang nagulat sa ginawa ni Luke . Maya maya pa ay bumalik ang matigas nitong awra. Naramdaman ko ang pag tindi nang pagkakakuwilyo sa'kin.

"Napaka cute naman ng tuta mo," pagtukoy niya kay Luke at nginisihan ito.

Napatiiim-bagang si Luke sa mga narinig. Hindi ko alam kung matatakot ako o masisiyahan dahil ngayon ko lang makita siyang ganito.

"Nakakahiya naman sa utak ipis na tulad mo," simple lang pagkakasagot ni Luke pero sa paraan ng pananalita o pagkakasabi niya ay insulto 'yon sa lalaking tinutukoy niya.

Nakita kong napahagikhik ang mga alipores ng lalaking ito . Tuluyang kumalas kamay ni Lucas sa kuwelyo ko. Tumuwid siya ng maayos, nag ekis ng braso at ibinaling ang atensyon kay Luke . Si Luke naman ay pinantayan ang intrigang pinupukol sa kanya ng katinginan.

Nanatili sila sa ganuong eksena hanggang sa...

"Oy awat na tol. Tapos na ang palabas . Baka mapikon ka ng tuloyan," natuldukan ni Covy ang sukatan at kompentesiya ng dalawa sa titigan. Pagak pa itong tumawa bago lumapit sa'kin at tapikin balikat ko.

"Galing mo tol!" pamumuri ni Covy sa'kin.

"Ako pa ba! Mga gago talaga kayo kahit kailan. Magsiupo na kayo!" sagot ko.

"Tol,"si Max na bahagya pang nakipagkamayan sakin.

Tinignan ko si Lucas, hanggang ngayon hindi parin inaalis ang tingin kay Luke. Hindi niya ata inaasahan na sasagotin siya ng basta basta . Napailing ako sa kawalang pag-asa nito.

Luke on the hand is cuter when he looks mad. Humupa na ang galit sa mukha at napalitan 'yon ng pagkagitla. Takang taka parin sa mga nangyayare. Hindi niya siguro inaasahan na isa lang palabas ang nangyare. That innocent look of him signifies that he's an angel.

Natawa ako sa pagkaaliw. "Umupo ka na Luke. Mga kaibigan ko tong mga demonyo nato. Ganun lang talaga kami magbatian,"tugon ko sa kalitohan niya. At dahil nga doon nabura ang pagtataka sa mukha niya at bumalik sa dating Luke na kalmado at kalkolado.

Itunuon ko atensyon ko kay Lucas na magpahanggang ngayon ayaw parin tantanan si Luke nang kakatingin.

"Tol Lucas, tama na yan. Masyado ka namang pikonin . Upo na," natatawang tawag pansin ni Covy kay Lucas .

"Tsk!" tugon nito. Hinila niya ang bakanteng upuan mula sa kabilang lamesa at isinetro malapit kay Luke.

Napataas naman kilay ni Luke sa inasta niya. Di kalaunan ay nagpalitan sila ng ismid nang maagaw atensyon ng isa't isa.

Ewan ko pero may bahagi sa'kin na ginustong putolin ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Parang may mali e."Ah siya nga pala guys, siya si Luke," pagpapakilala ko kay Luke sa kanilang tatlo.

"You mean Luke Frederick Poblacion?" Nagulat ako sa biglang paghiyaw ni Covy." Kaya pala parang pamilyar ka sakin eh. Grabi ang pogi at cute mo pala sa personal tol!" Ang daldal talaga ng lalaking 'to.

"Pano mo ako nakilala?" Malumanay at simpleng tanong ni Luke kay Covy.

Seriously, hindi alam ni Luke na hindi lang siya kilala sa school namin kundi pati rin sa ibang schools.

Namilog mata ni Covy. Hindi niya siguro inaasahan ang tanong na'yon. Believe me, Covy. He's very humble and interesting. " Kilala kita kasi maraming babae nagpapantansiya sayo sa school namin. Sama mo na yong pokpok kong ex na tinikman lang ako tapos iniwan din,"ani nito sabay tawa.

"AHH ganun. Sorry," tugon ni Luke .

"Hindi mo naman kasalanan eh. Pero grabi . Idol kita ! Siya nga pala ako si Covy Briqqs Salvador,"si Covy sabay lahad ng kamay. Nakipag shake hands naman si Luke sa kanya.

"Ito si Max Ramirez,"

Tinungaan naman ni Max si Luke .

"At si-----" naputol bigla dapat na sasabihin ni Covy ng magsalita si Lucas.

"Stop! I don't want him to know my name."

"Pero to----" Covy. Pero hindi na siya nakapalag pa ng sinamaan siya ni Lucas ng tingin .

Ano problema ng mokong nato. Hindi padin ba siya nakakamove on sa sagotan nila ni Luke?Pikon parin.

"Ayos lang. Hindi ako interesado."

Masyado lang ba akong nagmamalabis o sadiyang kagulat gulat at kamangha-mangha talaga si Luke pag gan'tong nagsisinuplado siya.

Muling bumaling nang matalim na atensyon si Lucas kay Luke. Habang si Luke naman nakatuon lang atensyon sa'kin . Hindi ko maiwasang mapalunok sa paraan ng pagtitig niya. He has this devil smile now. I'm surprised at the same time intimidated.

Gaya ng lagi naming ginagawa pag nagkikita kami ay puno ng tawanan , kalokohan at payabangan. Childhood friends ko tong tatlo na ito. Nadagdag lang sa grupo ng magkakaibigan si Michael at Alex. Kaya hindi kami gaano magkasama kasi magkaiba ng school ang tatlo. Lahat kami ay magkakasundo sa maraming bagay pero may mga pinagkakaiba din. Minsan nagkakasapakan at suntokan dahil hindi kami nagkakaintindihan pero nauuwi din sa pagbabati.

"Ethan?" Natuon ko atensyon ko kay Luke.

Tinignan ko si Lucas.
Wala ba siyang plano na tigilan si Luke sa kakatingin niya. Kanina pa siya panay titig kay Luke e.

"Ano yon Luke?"

"Uwi na ako, mauna na lang ako sa iny----"

Lumambitin sa ere dapat sasabihin ni Luke ng bilang sumapaw boses ni Lucas.

"Masyado ka namang atat umuwi,"

Napasinghap si Luke," Hindi ikaw ang kausap ko."

"Tsk! Hindi din ikaw kausap ko."
Sagot ni Lucas na ikinitaas ng kilay ni Luke.

"Gawin mo ng tanga lahat 'wag lang ako."

"Oh, talaga? Hindi ka tanga? Eh ano yong sa mall?"

Napaawang labi ni Luke. Sinamaan niya ng tingin si Lucas at pinaikotan ito ng mga mata.
Habang ako naman ay nagitla sa inasal ng dalawa. Magkakilala ba sila? Bakit parang mas malalim ang dahilan nang sagotan nila? At ano yong sa mall na sinasabi ni Lucas?

"Tsk! Duwag!" Si Lucas .

"Ikaw ang duwag!"

Nagpapalit palit lang ang atensyon naming tatlo sa dalawang nagkakasagotan ngayon. Lahat kami sinusubukang makinig ng mabuti sa mga lalabas pang salita sa kanila.

"Ikaw ang duwag . Hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko." kompiyansang untad ni Lucas,"Kasi alam mo na may mangyayare." Dagdag niya pa pagkatapos ay umismid.

Mas lalong nalukot ang malaanghel na mukha ni Luke. Lumitaw na ang galit sa kanyang mukha."Bakit anong meron sa mata mo? May pera ba diyan? Mapapakain ba ako ng mata mo? Mapag aaral ba ako niyan? Wag ka masyado magmalaki sa mata mo, dahil may mata rin ako," mahaba at nakakaintrigang sagot niya.

"Hindi ka mapapakain nito o mapag aaral pero sigurado akong mapapaligaya ka nito."

Natigilan ulit si Luke, mas lalo pa atang umalpas sa sukdolan galit at iritasyon niya.

"Kapal, parang baliktad ata mga pinagsasabi mo. Remember ikaw gumawa ng first move?" Si Luke na para bang hinahamon si Lucas. Ngayon si Lucas naman ang natigilan . Bigla itong tumayo at ipinatong mga kamay niya sa lamesa tsaka direkta ang atensyon kay Luke .

"Edi magkaalaman na . Tignan mo ako sa mata kung sino ang duwag!"

"Bakit ba?" Luke.

"Tignan mo na lang!" biglang naging maowtiridad boses ni Lucas dahilan para mapasunod niya si Luke.

At umayon na nga ang eksena sa gustong mangyare ni Lucas. Nagkatitigan silang dalawa. Kapwa nagkakabanggaan ang kilay nila habang nakikipagbatohan ng tensyunado at nakakaintrigang tingin. Masugid ko silang pinapanuod . Gusto ko silang awatin dahil mukhang gulo ang kalalabasan nito pero bahagyang naputol pagbabalak ko nang mapansin ang biglang pagnginig mga labi ni Luke. Parang nauwi sa pagtataka at pangangmba ang mukha niya. Nasisindak na ba siya ni Lucas?

Itinuon ko atensyon ko kay Lucas para alamin kung anong kagagohan ang ginagawa niya kay Luke only to find out na pareho na sila ng reaction na dalawa. Parang tumiklop na rin ang mapanindak niyang mukha. Napapalunok pa nga ito.

Gusto ko nang alamin kung nagkaroon ba ng interaction tong dalawa na ito DATI, malamang 'oo'. Mokokompirma 'yon base sa usapan nila. Napaisip ako anong posibleng ugnayan ng dalawa. Magkaibigan ba sila? Magkakilala? O magkarelasyon dati? Para kasi silang mag ex na nagkita sa hindi inaasahan na panahon.

Impossible! Wala pang nagbabanggit si Lucas na nagkaroon siya ng shota sa kapwa na lalaki, or pwedeng itinago't inilihim niya. Pero sa pagkakaalam ko galit siya sa konsepto ng kaklaan so hindi pwedeng mangyare 'yon.

"Teka nga! Huuy! Anong problema nyong dalawa!?" Pag awat ni Covy .

Naputol naman bigla ang tensyunadong tinginan ng dalawa . Kapwa sila biglang napabuntong hininga at napalunok . Pinagpapawisan pa noo nila, tila hingal na hingal. Something is off in here. I need to figure it out. Kung hindi sila mag ex, baka magkaaway. But thinking of Luke being involved in trouble, I doubt it he could.

"Magkakilala ba kayong dalaw---" bago pa man matapos sasabihin ko ay sabay silang sumagot.

"HINDI!"

"Eh bakit ganyan kayo magturingan? Ano yong sa mall na sinasabi nyo at yong first move?"si Max na hindi na rin kinaya ang kuryosidad.

"WALA!"sabay nilang sagot.

Nagkatinginan pa sila ng bahagya na parang hindi nila nagustohan ang ideyang nagkasabay sila. Umirap si Luke kay Lucas na ngayon mismo ay napatiim-bagang sa inaasta nang nakasagutan.

Nakakapanibago to. Gaya ng lagi kong sinasabi ngayon ko lang nakitang galit, inis, at suplado si Luke . Kasi kalmado, kalkulado at analisado niya ang mga pinaggagawa niya. Pero ngayon naipapakita nya ang ibang bahagi ng pagkatao niya. Hindi ko rin mawari si Lucas dahil nakuha niyang magtimpi. Kadalasan kasi kung sasagutin siya ng iba ay bugbug at halos patayin niya ang mga ito. Pero ngayon hindi ko nakita ang ganung katangian. Parang may kakayahan silang ipalabas sa isa't isa yong mga nakatagong ugali nila.

"Baka kasi mag ex kayong dalawa!"si Covy naman ngayon ang nagtanong. Nangibabaw ang kakaibang atmosphere sa paligid ng tanongin niya iyon. Mangin silang dalawa ay natahimik at tila hindi inaasahan ang tanong. Is that a sign na mag ex nga sila?

Napatikhim si Luke."Asa!"simpleng sagot.

Mas nadepina ang iritasyon sa mukha ni Lucas dahil sa mga narinig."Wow! Ikaw pa may ganang sabihin yan?Sa gwapo kong ito," kompiyansang deklara niya.

First time ko siyang narinig na magpahangin. Hindi siya 'yong tipo ng tao na nakikita ang mababaw na katangian niya. 'Yong magyayabang sa pisikal na anyo. Unless kung siya si Covy.

"Gwapo na pala yan sayo?" si Luke . Bigla kaming natawa sa sinabi niya.

Umawang labi ni Lucas at nagbalak na magsalita pero lumambitin 'yon sa ere dahil mabilis na tumayo at nagsalita si Luke.

"Cr lang muna ako "

***

Luke Frederick Poblacion

Tsk! Napakahangin at napakapresko! Sino ba siya sa inaakala niya?

Nakakainis! Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa kaisipan na nawawala ang linya ng katinuan ko pag siya ang kausap at kaharap ko.
Naiinis ako sa kanya dahil nakukuha niya akong galitin at inisin. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan kong magalit at mainis ang sarili.

Ano ba nangyayare sa'yo, Luke?

Mabilis at mabibigat ang bawat hakbang ko. Laking pasasalamat ko at nakatakas ako sa eksenang 'yon. Napagpasiyahan kong pumunta ng Cr para ayosin ang sarili. Hindi ko gusto ang tagpong 'yon. Hindi ko gusto ang pinapakita kong ugali. Hindi ako ito. Pero hindi ko lang mapigilan talaga ang inis dulot ng presensya niya. Pakiramdam ko mapipigtas litid ko sa kanya.

Nang makarating na ako sa cr agad ako pumasok. Unang bagay na hinanap ko ay salamin. Nang makaharap na ako sa nasabing bagay ay napaawang labi ko sa gulat. Pulang pula ang mukha ako. Geez!

Naningkit aking mga mata at umiling. Agad na akong naghim os, nagbabakasaling sa pamamagitan nito ay mawawala yong pamumula na meron saking mukha. Pagkatapos nu'n ay inayos ko ang tindig ko. Sinikap kong hanapin ang komposyur ko at nang matagpuan ko ay agad akong napabuntong hininga.

"Hindi dapat ako naging bastos. Hindi ko dapat siya sinagot. Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon. It's a sign of weakness,"bulong ko habang mariing nakapikit.

Idinilat ko aking mga mata.
Bigla ko na namang naalala yong titigan namin sa isa't isa kanina . Hindi ko kayang panatilihing galit ang sarili ko sa paraan ng kanyang titig. Mahirap salubongin ang nagdidilim niyang mga mata. Nagsusumigaw ang mga ito ng dahas at panganib.

Pagkatapos nga noon ay napagdesisyunan kong lumabas na ng Cr .

Palabas na ako sa loob ng banyo nang isang presensya ang bumungad sa harap ko. Nakapamulsa ito habang suot suot ang madilim na awra sa mukha. Nanginig ako at tuluyang nilukob ng kaba. Pinupukolan na naman niya ako ng nakakaalarmang ekspresyon. Ang malalalim niyang mga mata ay deritso at walang habas na tinitignan ang aking mga mata. Nakaawang ang mapulang labi niya habang dinidilaan nito ang ibabang bahagi ng kanyang lips. Nagsitayuan balahibo ko ng maalala ang paglapat ng aming labi.

Mariin akong napailing sa isipan ko.
Kailangan kong pakalmahin sarili ko. Hindi maganda kung hahantong na naman kami gaya ng nangyare kanina, kaya kailangan kong magsikap na makaahon mula sa kaba at epirmi ang sarili.

Lucas ang pangalan niya, narinig kong banggit kanina ni Covy.

Ayoko ng makulong pa sa mata niya. Kaya yumuko na lang ako.

Sinikap kong ihakbang ang mga paa ko. Sa kabutihang palad ay napagtagumpayan ko naman. Aakmang lalagpasan ko na siya nang bigla niya akong hinawakan sa braso at walang pasubaling isinandal bigla sa pader. Hindi ko pa man napoproseso ang pagiging dahas niya ay agad niyang nailapat dalawa niyang kamay sa pagitan ko para tuluyan akong ikulong. Mabilis akong sinakop at umalingasaw ang pabango niya.

Nag uumpisa na namang magkumahog ang hibang kong puso. Bakit ba napakahirap maging maayos sa harap ng nilalang nato?

Sinikap kong makapagsalita sa gitna nang mabagal at mabibigat kong paghinga.

"A-a-ahm. S-sorry kanina. Hindi ko intention na bastosin ka," nauutal kong saad. Aakmang aalis na ako sa posisyon ko ng bigla siyang magsalita.

"Who are you, ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Halos mawalan ako ng hininga sa paraan ng pananalita niya.

The way he speaks sent shiver down to my spine. Baritone and raspy. Hindi ko na nga lubos maintindihan sinabi niya dahil naiwan ako sa linya ng pagkamangha sa boses niya.

"A-ano?" Tanging naisatinig ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng kaalaman sa mga salita.

Namaataan ko ang pag awang ng mapula't nangingintab niyang labi. Nangatog ako dahil du'n. Inuyuko ang aking ulo. Ang tignan parteng mukha niya ay isang kataksilan para sa sarili ko. Naaakit at natutukso ako sa katangian niya.

"Look at me?" Utos niya sa pabulong naparaan.

Nagsitayuan balahibo ko ng wala sa oras. Napakahawak ako sa laylayan ng aking damit, doon ibinuhos ang kabang nararamdaman. Hindi ko nagawang sundin nais niya at manatiling nakayuko. Kung kailan umiiwas ako sa mata niya tsaka naman siya purisgido at ipinagtutulakan na gawin ang bagay na'yon. Ano gusto niyang patunayan?

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyare. Dahas niyang hinawakan ang panga ko at iniangat ito para magtagpo ang mga mukha namin. Mas matangkad siya sakin kaya bahagya siyang nakayuko habang ako nakatingala.

Sa muling pagkakataon ay napako ang atensyon ko sa mapupungay niyang mata. Dahan dahan kumalas ang tingin ko pababa sa ilong niya hanggang sa dumapo na nga ang atensyon ko sa kanyang labi na pinakaayaw kong madatnan ng atensyon ko kasi parang tinatawag ako nito. He's lips are tempting and luxurious. Mapula ito at halatang malambot. Parehong pareho ang pakiramdam na nabubuhay sakin ngayon gaya ng unang tagpo namin.

Halos mawala na ako sa katinuan nang kumawala sa'kin ang mainit init nitong hininga. Naaamoy ko ang pinaghalong mint at alak na dumagdag sa kalasingan ko. Nakakaadik ang amoy. Lalaking lalaki.

Ha? Bakit ko na naman siya inaalisa. Hindi tama 'to. Gustong gusto kong kumawala sa sitwasyon na kinakasadlakan ko ngayon.

"Ugh!" Impit niya. Halata sa boses niya yong pagpigigil ng pagnanais. Habang ang dating sa'kin nun ay sonata o tunog na hinihili ako sa temptasiyon.

Muli kong ibinaling atensyon ko sa makatawag pansin niyang mga mata. Kinakausap ako nito na para bang nais niyang malaman kung ano nangyayare sa kanya . Puno ng kalitohan at gulong gulo.

Kahit ako hindi ko rin alam. Pareho lang kami. Pareho lang kami naghahanap ng kasagotan.

Isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Mas naglambot bawat buto ko sa katawan nang sumasahay ang mainit niyang hininga sa mukha ko . Sunod sunod ang pagkakawala niya ng buntong hininga. Hindi ko inisip na magiging ganito hahantungan ko sa piling niya.

Umalis siya sa pagkakasandal ng noo niya sa noo ko at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko. Nagpukolan kami ng titig hanggang sa kapwa kami natukso sa apoy at kuryente na dumadaloy sa mata namin.

Maya maya pa ay dahan dahang lumapit mukha niya sa mukha ko. I can't protest. It seems like my body needs it too.

Namalayan ko na lang nagdampi na naman sa ikalawang pagkakataon labi namin sa isa't isa. He's gently pressing his lips to mine . I can hear my heart's pounding and screaming for air. Feeling uncertain and unconscious about this yet there's this part of me saying that I'm part of this, that I belong to this passionate kiss. There are vibrations operating and flowing over my body, electrifying my smallest to largest organs. I'm disabled . Can't contain myself. I replied to his mixed gentle and aggressive kiss. Marahan niyang kinagat kagat ang labi ko.

Hindi pa siya nakuntento at dahan dahang naglakbay ang labi niya pababa sa panga ko hanggang sa umabot na nga siya sa'king leeg. May kung anong init ang bawat dampi ng labi niya. Mas naging matunog ang sigaw ng aking damdamin . Dumadaloy ng kuryente at apoy bawat halik na pinupukol niya sa parte ng leeg ko.

"Ah!" I unconsciously utter.

Bumaba ang mga kamay niya para kunin ang mga palad ko at ipilupot sa batok niya . Nagkakaroon ng sariling buhay ang kamay ko dahil hinahatak siya nito patungo sa pagkatao ko. Ang mga sumunod na nangyare ay mas naging apoy sa pakiramdam. Inilapat niya ang naglalakihang kamay niya sa'king beywang at dahan dahang naglakbay ang mga ito sa likuran. Hindi namin mapigilan ang pag iisang init sa isa't isa.

Unti unting umaangat halik niya sa pisngi hanggang sa makarating siya sa tenga ko. Mangin ito ay hindi niya pinatakas at pinasadahan niya ng halik. Mas niyayanig na ako ng banyagang pakiramdam dahil ang bawat lapat ng halik niya ay may init na naiiwan. Hindi ito tama pero parang napakaperpekto sa pakiramdam.

"Ahh!"

This can't be happened? I can't stop moaning. Naging mitya ang mga tunog ko upang mas maging agresibo siya sa pagpapasada sa'kin ng halik. Huminto siya bahagya sa pagdampi sa tenga ko at nagsalita.

"Oh please, don't moan! Mas naaakit ako!" He said on his husky and seductive voice. Hindi ko kinakaya pa at natatangay na ako sa agos ng init.

"I-i - I can't help! " I replied. Hindi ko mapigilan ang gumawa ng mahinang tunog sa ginagawa niya. Masyado na akong nalulunod at nahihirapan na makaahon sa senaryong ito.

Kailangan kong magising! Kailangan kong pumalag! Pero pano kung parang hindi sinusunod ng katawan ko ang utos ng isip ko.

Mas naging taksil ang damdamin namin sa isa't isa dahil mas lumalalim ang ugnayan na komokenekta sa'min. Mas naging mapusok at mas naging mapanganib. Bumalik ang malalambot niyang labi sa leeg ko at mas naging madiin ang paghalik niya. Sinisipsip niya na ito para bang isa akong inumin na katakamtakam.

"Ugh!Please,"sabi niya.I want to curse him for keep talking. Doesn't he know that his voice adds fuel to the fire we have right now?

"Please stop me, bago ko makalimutan na nasa public place tayo," and with that, ako na ang unang kumalas sa makapagil hiningang halik namin.

Kapwa kami napasapo sa mukha. Hingal na hingal at nanghihingalo. Ang lakas parin ng kalabog ng damdamin ko.

Tinignan ko siya at nakitang hinahanap parin niya ang sarili sa katinuan. Grabi ang pag iipon niya ng hangin at iwawaldas ng pagkalakas lakas. Nang sa tingin niya ay naging mahinahon na siya ay tinignan ako nito. Lumapit ito sa'kin na suot ang galit na ekspresyon.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Galit at pasinghal niyang tanong.

"I did nothing. Ikaw ang una--" hindi ko nagawang patapusin sasabihin ko ng bigla siyang napasuntok sa left side ng pader na kinakasandalan ko ngayon. Napapikit ako sa takot. Ako ang nakaramdam ng sakit para sa kanya.

Narinig ko ang lutong ng pagkabiliko ng kanyang leeg."Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko noong unang nangyare sa'tin to! Halos mabaliw ako kakaisip kung paano o kung ano nangyare! Gulong gulo at litong lito ako. Puta! Lakas makagago!Ginayuma mo ba ako huh?!" Napadilat mata ko dahil du'n.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin. Ginayuma ko siya?Tingin niya inaakit ko siya? Parang lumalabas na kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito. Kahit ang totoo parehas lang kami ng nararamdaman pero hindi ko naman siya pinag isipan ng mga ganiyang bagay.

"Halos hindi na ako makatulog ng maayos. Sakop ng pangyayareng iyon ang isipan ko. Nababakla na ko puta! Hindi ko alam kung pano nangyare ito! Alam mo yong mas nakakainis huh! Yong kahit gulong gulo na ako I could not deny the fact that I am longing to you. I need answers! Putangina!" Tuluyan na akong nanigas sa mga isiniwalat niya.

Pinili kong iyuko ulo ko. Feeling ko kasi yon ang pinakanararapat na gawin. Natatakot na ako.

"Hindi lang naman ikaw nakaramdam niyan," panimula ko. "Kahit ako rin naman. Tingin mo ba ganun ako kapadesperado para gayumahin ka? Bakit parang lumalabas na kasalanan ko to? Sorry to disappoint you pero wala akong ginawa sa'yo para malito ka. At hindi kita pinag isipan ng masama kahit pa pareho tayong sitwasyon. I'm sorry kung wala akong maisasagot sa'yo kasi pareho lang tayo ng pinagdadaanan," tugon ko sa kanya.

Naghalo halo na lahat ng nararamdaman ko ngayon. Kaba, init, gulo, lito, at iba! Gusto kong tanggalin lahat ng ito. Nakakabobo!

Namayani ang ilang segundong katahimikan hanggang sa lumapit ito sakin,"Shit ! Why are you crying?I'm sorry, stop crying. Please!"
Tarantang anas nya. Tsaka ko lang namalayan na umiiyak pala ako.

Nag angat ako ng tingin sa kanya.
Nagulat ako sa paraan ng pagtingin niya. He looks worried and guilty. Agad niya naman hinawi ang luha sa mukha ko. Dahil sa ginawa niya mas nakadagdag yon sa pagsabaw ko ng luha.

My fragility and vulnerability dominated me once again. Nakakatuliro at nakakapanghina ang pinapakita niyang ugali.

"Tahan na,'wag na umiyak. I'm sorry," sinsero niyang pagkasabi. Bigla niya akong niyakap para aloin ako. Mas napahagulhol ako sa ginawa niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong bagay ulit. Ngayon lang ako napaiyak ulit. Ngayon lang ulit ako nagalit. Ngayon lang ulit ako kinabahan. Ngayon lang ako naging komportable na ipakita ang kahinaan ko.

Napapaisip ako kung bakit siya ganito. Pabago bago ugali niya. Hindi ko maunawaan at mabasa.
Ang hirap! Ganto ba siya sa lahat? Gusto kong isipin na sakin lang siya ganito pero wala akong sapat na kaalaman tungkol sa kanya.

I feel like, lumalabas ang kahinaan ko sa kanya. Napapalabas niya ang ilang bahagi ko.

"Do you find me attractive?" I ask him. Bigla siyang napatigil sa pagpunas at matiyagang nag isip.

"I don't attract to boys, at hindi ko alam kung attractive ako sayo pero nag-iiba huwisyo ko sa mata't labi mo,"buong pahayag niya. I ended up concluding na parehos kami ng nararamdaman sa isa't isa.

"Baka kasi nalilibogan lang tayo sa isa't isa,"siwalat ko sa kanya. Hindi ako sigurado sa mga naconclude ko. Nangunot naman noo niya.

"Huh,pano mo nasabi?"

I shrugged,"I don't know. Yon ang nahinuha ko. Kasi gaya ng sabi mo naaakit ako sa mata't labi mo. Pag pisikal ang basehan ng matinding emosyon, it's a lust."

"Pero I never felt lust sa kapwa ko lalaki?" Ani nito. Ngayon niya lang naramdaman ito sa kapwa lalaki? I thought he's a gay man.

"Kung libog ang pag uusapan, maraming babae diyan na mas madaling bumubuhay sa pagkalalaki ko. Alam ko sa sarili ko kung libog lang to o hindi. This is so different feeling. Parang may apoy sa loob ko. Fuck!" He's being rigid again.

Hindi ko na rin alam pa isasagot ko. He's not my first kiss pero kakaibang kakaiba ang dulot ng halik niya sakin. I don't know why I even thinking of this but I'd like to believe that this is more than lust.

"Let's go?" Bigla niyang pinagsalikop mga daliri namin. Saglit kong tinitignan 'yon at natigilan.

"H-huh?" Utal utal na sagot ko.

"Let's find out kung libog lang to o hindi."

***
To be continued...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...