Dreaming Of You [On Going]

By jonjieramz123

16.7K 852 370

[UNDER REVISION] #Lucky More

WARNING/DISCLAIMER!!!
AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2: A Glance
Chapter 3: Aesthetic
Chapter 4: Paranoid
Chapter 6: Emotionally Drained
Chapter 7: Misinterpreted Date
Chapter 8: Unexpected Mood
Chapter 9: The Scene
Chapter 10: Naughtiness
Chapter 11: Getting Naughtier
Chapter 12: Territory
Chapter 13: Make You Feel Special
Chapter 14: Random
Chapter 15: Mood
Chapter 16: Jealous

Chapter 5: Meeting You

464 46 6
By jonjieramz123

Dreaming Of You
"Meeting You
<><><>
Luke Frederick Poblacion

NANG makarating na kami sa bahay, lahat ay nakahanda na. Tanging presensiya nalang talaga naming tatlo ang iniintay.

Agad ako lumapit sa kinarorounan ni Ellice at Joseph. Hindi nila ako napansin dahil mukhang abalang abala ang dalawa sa monitoring at scanning sa mga nakahubad na kalalakihan .

"Ellice,tignan mo nga kung andiyan pa panty ko.Feeling ko kasi nalaglag," punong pagkamanghang saad ni Joseph habang nakatingin ngayon kay... Teka, kay kuya.

"Gaga! Baka utak mo yong nalaglag .Wala ka kayang panty!"

"Wag ka ngang epal. Grabi! Pakiramdam ko sinusunog katawan ko sa sobrang hot ni kuya Timothy!"

"Oo, susunogin ka talagang bakla ka sa impiyerno. Grabi ka kung makapagpantasiya sa future husband ko. Homaygosh ! You're betraying me! How could you?"

"Sorry besssssssssssss! Para sa saan pa't naging magkaibigan tayo kung hindi ka marunong magshare ng blessings. My Ghad! Abs oh kita mo yon."

"Asan, teka patingin nga!" Si Ellice. Namilog pa ang mata nito at saglit na napatakip ng bibig," Ay grabi bes! Bless na bless. Nakakaloka! Bakat na bakat. I need some watah! I feel like I'm gonna be dehydrated seeing those  temples."

"Ahmm! Kamusta?"
Hindi ko na kinakaya pa ang pamumuri nila sa tukso, kaya naman
ginambala ko na sila.

"Ay! Andito kana pala Luke?" si Ellice na pilit ipinagsawalang bahala ang mga nangyare. Nangiwi pa ito pagkatapos ay pilit na pinirmi ang sarili. Nagmistula siyang salarin sa inaasta niya.

"What keeps you busy?" Tanong ko sa kanila. Bahagya pang nanlaki mata nila sa tanong ko. Parang napasailalim sila sa malalim na imbistigasyon. Gusto ko silang tawanan nang makitang nagkitinginan silang dalawa.

"Ahhh. Wala naman! hmmm. B-b-busy kami kaka observe sa bahay nyo. Grabi nuh malaki pala bahay nyo at maganda. Diba Ellice," si Joseph na siniko pa bahagya si Ellice.

"Huh? A-ay , oo! Hindi kami nanunuod ng katawan ng kuya Timothy mo dito ah. Yong bahay nyo kasi ang ganda . Swear! Grabi nuh! Anlaki pala ng ano ni kuya Timoth-----bahay niyo."

Napailing na lang ako sa mga pagpapalusot nila. Kung makapuri sila sa bahay namin parang first time nila makapasok, kahit ang totoo lagi silang naka-stand by dito dati. Nahiya pa silang umamin sa tunay nilang pakay.

"Oy Luke?" Natuon atensyon ko sa may ari ng boses, si Pia . 

"Asan na si Nicole?" tanong nito.

"Ah andoon siya sa loob ng kwarto ko nagbibihis."

"Ah ganun! Tara na it's swimming time!" Masaganang saad ni Pia .

At nagdiwang na nga kami dito sa bahay. Nakisabay na rin si kuya sa at hindi nagpahuli sa pagpapamalas ng kung anuman ang ipinagmamalaki ng iba. Habang si Ellice naman at Joseph ay nahihilo na raw. Nagpalibot libot at kung saan saan dumadapo mga mata nila dahil sa nakakalat umano na mga mapanuksong lalaki. Kami naman ni Pia ay napapailang at napapatawa sa reaction ng dalawa naming kaibigan.

"Beyb, Joseph halika na!" si Michael. Bigla namang sumilay ang ngiti sa mukha ni Joseph. Nagbiblink eyes pa ito pagkatapos ay nagkunwaring isinukbit sa tenga ang imaginary niyang buhok.

"Ah-eh. Heheleken me eke?hindi pe eke hende . Enebe!"

"Ays! Pabebe ka pa diyan. Lulunorin lang naman kita dali!"

"Punyeta ka!"

Bumanghalit ng tawa si
Michael." Biro lang! Sabi ko halika na. Hindi hahalikan! Linisan mo nga tenga mo,"agad namang hinila ni Michael si Joseph sa pool.   

Sa muli nabalot na naman ng katatawanan ang paligid dahil sa mga mapaglaro at makahulogang usapan nila. Naglaro at nagsabuyan pa sila ng tubig nang magkapikunan.

"Wooooooooooooow!"

"Witwew!"

"Grabi ang sexy ng pinsan ko . Whuaaaa!" 

Gusto kong magtaka kung bakit nagkaroon ng pagkamangha sa mukha nila ngayon pero nu'ng matukoy ko ang dahilan ay hindi ko din mahanap ang sarili kong sistema at biglang natulala.

"Ahmmm! Hi guys? Ok lang ba suot ko?"naiilang na tanong ni Nicole .

"Whuaaaaa! Ang sexy mo! Teka, alis nga muna Joseph," si Michael at madramang tinaboy si Joseph.

"Bwisit ka! Anlande mo!" Joseph tsaka binakon si Michael.

"Ayt! Napakaseloso ay este selosa mo talaga!"  Si Michael.

Hindi ko na narinig pa ang ilang bahagi ng usapan nila Joseph at Michael dahil nakandado na ang atensyon ko kay Nicole.

She's wearing a  one piece swimsuit colored pink . Her legs are long, kurbado ang beywang, hulmado ang dibdib at maganda ang tindig ng pangangatawan . I  can't help but to admire and adore her. 

"You look great, Nicole," simpleng tugon ko pero sa kabilang banda gustong gusto kumawala ng napakaraming salita sa isip ko para ilarawan siya. I was wrong. The term great is not enough!

"Ahmmm. Salamat, Luke,"bigla itong napangiti at hindi maitanggi ang hiyang nararamdaman dahil sa pamumula ng mukha niya.

Nanatiling nakakandado ang mata ko sa kanya.  Iginawi niya mata niya  direkta sa mata ko dahilan para magkatitigan kami. I was frozen . She's so beautiful. Parang hindi ata tumatakbo ang oras sa pagkakataon na ito. Bigla itong kumalas sa pagkatitig, kaya naman napatikhim ako at bahagyang napalunok . 
Naramdaman ko ang pagdaosdos ng munting butil mula sa'king noo.

"So you must be my brother's girlfriend huh?"

Nagsiklab ang mukha ko sa biglaang pagsulpot ni kuya. Nagkatinginan maman kami ni Nicole. Ramdam ko ang pagsakop ng ilang sa pagitan namin.

"Kuya, stop," tipid at cold kong sagot. Napatingin ang lahat sakin. Parang may bagay na nakita o narinig sila na bago .

"Whuaaa! Is that you Luke, you look even more handsome when you get mad,"si Ellice.

Tsaka ko lang napagtanto na iyon pala ang dahilan kung bakit sila napatingin sakin. Nakita nila akong nagsinuplado. Napangiwi ako sa'king isipan dahil sa pag iisip na malaking bagay pala talaga sa kanila 'yon

Pinilit kong ngumiti, umupo ng maayos at tsaka umakto ng naaayon.

"Ah. Hindi ko siya girlfriend kuya," simpleng sagot ko sabay pakawala ng matabang na ngiti. Hindi talaga nabibigo si kuya na palabasin sungay ko.

"Ano ka ba bunso, wag kana mahiya . Siya na ba syota . Grabi! Bagay na bagay kayo," panunukso ni kuya. Nagpakawala pa 'to na nakakalokong ngisi. Nagngingitngit ngipin ko sa inis pero nagsumikap akong pigilan magpakita ng indikasyon ng pamumuyos.

Umagaw ng pansin ko ang biglang pagyuko si Nicole. Nahihiya ata. Pati tuloy ako ay nahihiya na. 

"Kuya, may boyfriend si Nicole," dahilan ko .

Napalingon sakin si Nicole. Nakaimprinta sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya ata inaasahan yon. Sa isang iglap ay sumilay ang sakit sa kanyang mha mata. Nangunot noo ko sa inasata niya. May mali ba sa sinabi ko.

Mas umigting pagkabahala ko ng bigla itong yumuko. May mga likidong bumagsak sa malalambot niyang pisingi. Biglang rumehistro sa isip ko yong nangyare kagabi. My bad, I wasn't able to think well, maybe it has something to do with his real score sa karelasyon niya. Naging insensitive ako. Hindi ko inisip na hindi magiging magandang dulot yong dahilan ko . Wala na ba sila ng boyfriend niya?

"I'm sorry," sineserong paghingi ko ng paumanhin at hinawi ang luha sa pisngi niya.

"Ahm! Ayos lang ako. Napuwing lang," agap niya.

"Ahmm. Opo may boyfriend ako," marahan at magalang na tugon ni Nicole sa mapang asar at mapanghamon na ugali ni kuya Timothy.

"AHHHHH! Sabi nyo eh," sagot ni kuya pero mababakas parin sa pananalita niya na hindi siya kumbinsido.

Umiling ako at bumuntong hininga. Hindi na ako tumugon pa at baka madagdagan lang ang ilang na namamayani samin. Tumakas ako sa pilyong atensyon na binibigay sa'kin ni kuya at itinuon ang atensyon sa pool.

Napansin kong mariin akong tinititigan ni Ethan. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya pero nauwi sa pagkakagitla ang noo ko. Hindi ko inaasahan ang reaction niya. Ayokong isipin na galit siya pero nagkakabunggoan dalawang makakapal na kilay niya ngayon. Anong problema?

Agad din itong humayo sa pagkakababad sa pool at ibinalot ang basang katawan ng tuwalya. Sinundan ng mata ko ang tinatahak niyang landas hanggang sa tuluyan na nga siyang nakapasok sa loob ng bahay.

"Kanina pa nakadikit kilay nu'n. Umpisa nong nagkalagkitan kayo ng tingin ni Nicole. Nagseselos ata,"

Naalarma ako sa ibinulong sa'kin ni Pia. Itinuon ko atensyon ko sa kanya para tukoyin kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi. Base sa mukha niya ay  hindi siya nagsisinungaling. Nakukuha niya akong tignan ng deritso sa mata ng hindi man lang kumukurap.

Gaya ng lagi kong ginagawa. Hindi ako sumagot sa teorya niya.

Kung nagseselos man siya,bakit naman? Anong dahilan?

Sa mga inaasal niya parang unti unti akong nakokumbinsi at napapaniwala sa laging binabanggit sakin ni Pia,  na may gusto siya sakin.

Kung ipagpalagay ko na gusto niya ako? Ano kaya ang magiging tugon ko? I know lately I feel strange and unsual feelings whenever Ethan is near me. But there's no way to sure that I like him too. Crush on him could be, but liking him? I'm pretty sure that I'm not on the stage yet. The same thing goes to Nicole.

Sumapit na ang hapon at natapos na nga ang pagdidiwang namin. Nagsiuwian na rin sila sa kani kanilang tahanan. Masasabi kong naging masaya ang lahat kahit pa may mga pangyayare ang hindi inaasahan. Sariwa pa sakin ang pakiramdam kung pano ako naging rebolto ng magkapalitan kami ng tingin ni Nicole. I can't deny that fact I am admiring her. She's beautiful and soft. hindi ko maiwasang makaramdaman ng panghihinayang sa boyfriend niyang nag aksaya sa kanya.

Sa kabilang dako, parang may  gumagabagabag sa'kin. It's Ethan, who didn't bother to show up and join after he had left sa pool . Binalak kong puntahan siya kanina pero nahadlangan ang pagbabadiya ko ng mapansin ang nakakasindak na awra na bumalot sa kanya. Mukha talaga siyang galit. Iniwaglit ko ang mga bagay na iyon sa isipan ko. Lunes na bukas at may nakalimutan akong bilhin para sa project ko .

Alas sinko na ng hapon ng napagdesisyonan kung tumungo ng mall. Diniretso ko ang national bookstore para bilhin ang mga materials na kailangan ko para sa poster making. Nagmadali ako sa paglalakad. Halos patakbo na nga ang bawat hakbang ko dahil ayokong abotan ng dilim. May oras din ako na hinahabol.

Palinga linga pa ako sa bawat lugar ng mall. Habang matulin na naglalakad ay isang pangyayare ang hindi ko inaasahan.Nakabangga ako ng isang tao.Maiwaslik ko ang mga  bitbit kong materials dahil sa nangyare. I waste no time and gather all the flown and scattered things of mine.

"Fuck! Magdahan dahan ka naman!"bigla akong nanigas sa posisyon ko nang marinig ang maowtiridad na boses na iyon. Napakababa ng  tono ng boses at may bigat ang pagkakabigkas sa mga salita dahilan para makaramdam ako ng kilabot at pagkabahala.

I never felt tensed and terrified before . Hindi ko alam kung nagmamalabis lang ba ako pero natakot talaga ako bigla.

Kinakabahan man ay nagpursige akong iaangat ang mukha ko.

Ng sandaling makita ko ang mukha ng may ari ng baritinong boses na'yon ay tila mas nadepina aking pangamba, nagtayuan balahibo ko. Pakiramdam ko walang dumadaloy na hangin sa'king lalamunan. Tila hirap hininga.

Siya yong lalaki kagabi na nakita ko.

***

Lucas Tyler Valdro

Nag iinit ang ulo ko.

'Lagi naman mainit ulo mo. May bago ba don?'

Galing ako sa unit ni Nicole. Alam kong nandu'n siya dahil nakita ko ang pagpasok niya sa pasilyo papunta sa kanyang unit. Ilang bisis kong pinagdiskitihan at pinagbuntonan ng galit ang doorbell pero sa hindi malaman na dahilan ay hindi nito pinagbuksan. Sa iritasyon ay nagdesisyun na lamang akong umalis.

Bakit ba nagmamatigas ka pa, Nicole?

Patuloy na gumagabagabag sa'king kung anong nangyare kanina. Sino kaya ang lalaking kasama niya kanina ? Kaya ba siya nakipag hiwalay sa'kin dahil may bago na siya?

Puta! Nakakaparanoid.

Dagdagan pa 'yong mga pagbabanta sakin ng El durado gang. Buti na lang nagawa kong makapang laban. Ang akala ko malalakas sila pero nakuha kong patumbahin ang apat'na'pong katao sa kanila.  Napagtanto ko na medyo mahina sila sa opensa at malakas nila ang depensa. It's easy to beat them. Pero hindi parin ako nakakasigurado dahil maaaring pakana o taktika lang nila yon para basahin , analisahin, at kalkolahin ang kakayahan ko. Imposible na nasa ikalawang pwesto sila ng gangster word pero mahihina sila. I should think of alternative and worse case scenario.

Sa kalagitnaan ng mahaba haba kong pag iisip sa kung papano ko makokontak si Nicole at sa kung papano ko matatalo ang El durado gang ay may biglang nakabangga sa'kin.

Nagsiliparan mga gamit niya ng magkasapohan kami ng katawan. Gusto kong isipin na may kasalanan ako, pero bigla kong napagtanto na  nanggaling sa kanya ang mas malakas na pwersa nung magkabanggaan kami. Which means nagmamadali o aligaga siya. So siya dapat sisihin.

"Fuck! Magdahan dahan ka naman!" Maowtiridad ko na singhal sa kanya

Nakita kong natigilan siya sa pagpulot ng mga gamit niya . Hindi naglaon ay nabaling atensyon ko sa nanginginig niyang kamay.

Napabuntong hininga ako. Masyado atang hindi tama ang mga sinabi ko. Hindi ko makontrol ang galit ko e kung tutosin pwede kong wag pagtuonan ng pansin 'to at umalis na lang, pero ito ako. Hirap kontrolin ang sarili. Gusto kong isipin na kaya ako naiinis sa pipitsuging tagpo na'to ay dahil sa mga hindi magandang nangyare ngayong araw na'to, tapos dadagdag pa ang gan'tong eksena. Pinilig ko ang aking ulo pagkatapos ay mariing tinititigan ang nakabangga sa'kin. Ayaw parin mawala ng inis ko.

Dahan dahan itong tumingin sakin. Ng magtagpo mata namin ay nakita ko ang biglang paglakihan ng mga mata niya. Sa hindi malaman na dahilan ay bumaba ang presyur ng galit ko. Bigla akong napalunok.

"Alam kong gwapo ako! Kaya wag mo akong tignan ng ganyan!" kompiyansang pagkakasabi ko.

Teka? What the... Talaga bang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yon.

Napatiim-bagang ako. Hindi ko malaman kung para saan at kung anong gustong palabasin ng mga pinagsasabi ko na'yon pero parang pakiramdam ko tama ang ginawa ko.

'Naintriga  ka  siguro na mas good looking siya sa'yo Lucas?'

Pagkasabi na pagkasabi ko noon ay aligaga niyang pinagpupulot mga gamit na nahulog niya.  Hindi niya makuha ng maayos lahat ng ito dahil sobrang nanginginig kanyang kamay. Pag hinahawakan niya ay nabibitawan din niya agad. As for this moment, hindi ko alam kung maiinis ako. Anong problema niya at hindi siya magkandaugaga diyan?

"Tol, pwede maghunos dili ka? Masyado kang tensyunado. Tapos pasmado ka pa. Bawasan bawasan ang kalibogan, I mean masturbation to be exact."

I kneel down at nagbulontaryo na kunin mga gamit niya.  Inisip ko na naman ang walang katuturan at koneksyon na mga salita ko. Saan nanggaling 'tong kompiyansa kong magsalita ng ganito?

Sa halip na isipin at intindihin pa ang mga hindi makatwiran kong mga pinagsasabi ay pagtutuonan ko na lang ng pansin ang isang 'to.

"Oh ayan," sabi ko sabay bigay sa kanya ng mga gamit niya.

Tumingin ito sakin deritso sa mata, kaya hindi ko pinagkait na gantihan ng titig. Lalaki ako pero hindi ko maiwasang mamangha sa maamong mga mata niyang kulay abelyana. Hindi ko alam pero kumikinang at napakahiwaga ng dating nito sa'kin, parang napakaraming sinasabi at pinapahiwatig. Hindi pa ako nakuntento at dahan dahang pumasada ang atensyon ko sa matangos niyang ilong.
.
.
.
.
.
.
hanggang sa...
.
.
.
Napasinghap ako at napalunok. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon nang sandaling madungaw ng mata ko ang labi niya. Ang ganda ng korte ng kulay lusaw na pulang labi nito. Mukhang anlambot at manipis.

Biglang umawang ang kanyang labi kasabay nu'n ang pagpakawala niya ng munting hininga. Halos mapahalinghing ako sa bango at presko nun. Sa hindi mapangalanang dahilan ay naramdaman kong awtomatikong lumapit mukha ko sa kaniya. Ilang bisis na akong napapalunok, parang may kung anong nag uudyok sa'kin na damhin at kilalanin pa ang kanyang labi. Ano to?

Mas naging matunog at maugong ang sidhi ng damdamin ko ng sumambulat sakin ang inosente niyang reaksyon. Namimilog ang maamo niyang mata at mas lumakas na ang pagpapakawala niya ng mala-mint na hininga. Fuck!

I failed to find my conscious and discovered myself kissing this guy. Nabihag ako ng tuluyan sa hindi mapangalanang dahilan. I let my lips touch his. I gently bite his lips dahilan para magpakawala siya ng mahinang ungol. Yong munting boses niya ay naging musika ang dating sakin. He's enjoying this.  Patuloy kong kinakagat ang malambot niyang labi. Nawiwili ako at nahahayok. Para akong napasailalim ng hipnotismo pero sa kabilang dako ng kaisipan, pakiramdam ko kusang loob ang halikan siya. Nakakalasing at pakiramdam ko nag init dibdib ko paakyat sa mukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mala anghel na mukha. Mas umalsa ang tawag ng kalamnan ko nang makita siyang pikit na pikit at tila dinadama ang pamumuri ko sa kanyang labi.

Shit!

Abot tahip sa aking puso. Sobrang kahuramentadohan ang gumagamabala sa buong sistema ko. Nagpatuloy lang kami sa ganuong eksena hanggang sa...

"Huuy! Ano ba yan! PDA sa gitna ng mall?" Sigaw ng isang babae.

Kapwa kami napakalas sa pagkakadampi ng labi namin. Hingal na hingal at nangungulila pa sa mas maraming hangin.

Napansin kong maraming tao ang nakatingin samin pero hindi ko inalintana 'yon dahil nangingibabaw sa isip ko ang nangyare.

Fuck! What was that? Shit!

Gusto kong pagalitan sarili ko pero hindi ko mahanap ang dahilan .

' Humalik ka ng lalaki, hindi ba sapat na dahilan yon para magalit ka?'

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano magiging reaksyon ko, binabalot ako ng kalitohan.

Puta lalaki ako pero bat ako humalik ng kapwa ko lalaki!

Naputol ang linya ng kumosyon sa utak ko nang mamataang mabilis na tumayo ang lalaking hinali----kahalikan ko at matuling tumakbo palayo.

"Hoy teka!"tawag ko pero hindi ako nito pinansin. Tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Aakmang tatayo na sana ako para sundan siya ng bigla kong mahagip ang isang kayumangging pitaka. Kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay ari niya ang bagay na'to.

Pinulot ko ito at binuksan. May perang laman pero hindi ako interesado. Ang unang bagay na gusto kong mahanap ay ang Identification Card niya. At hindi nga ako nabigo dahil nakita ko ito.

"Luke Frederick Poblacion."
Bahagyang naningkit mata ko matapos ko mabasa nakaimprintang pangalan sa I.D. Pamilyar. S'an ko nga ba to narinig 'to?

Pinilig ko ang aking ulo at taimtim na nag isip. Inaalala ko kung kailan ko ba narinig o nabasa ang pangalan na 'yon.

Luke Frederick Poblacion.

Luke Frederick Poblacion.

Luke Frederick Poblacion.

Biglang nagliwanag mukha ko.
Siya 'yong kandidatang mariin kong tinitigan kagabi.

Pero akala ko ba transgender yon? Bakit kanina anlayo ng anyo niya sa katawan niya kagabi. Shit! I don't care anymore. I need to see him and return this .

At kailangan ko siyang kastigohin kung bakit ko siya nahalikan. Baka ginayoma niya ako o ano.

Pero bakit parang hindi pa din ako kumbinsido na may ginawa siya saking orasyon para maakit niya. Hipnotismo ba yon o ako mismo ang ...ARG! The fuck!

Napahagod ako sa'king sentido. Samot saring reakyong nagigingibabaw sa'kin. 

Hinalughog ko pang muli ang wallet niya at nakita doon ang isang calling card. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako.

"There's still a chance to meet you." Napakagat ako ng aking labi at pagkatapos ay umismid. Sa kahibangan ay napangisi ako
bigla," See you again, Luke Frederick Poblacion. You're going to pay."

 ***
To be continued...

                    

Continue Reading

You'll Also Like

867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...