Hinawakan ako ni Pyan at hinigit pabalik
"You win!"
"What do you mean?"
"Look at the target!"lumingon ako at nagulat ako dahil natamaan ko nga ang yellow na balloon so makakakuha ako nang isang teddy bear kaya dali dali akong bumalik at kinuha yun
Si Pyan ang naghawak nun dahil sobrang laki at diko kakayanin dalahin kaya naglakad lakad pa kami hanggang gumabi na napagisip isip nyang sa ferris wheel kami sumakay dahil gabi na rin at mamaya may fireworks display dun,kaya sunakay na kami ni Pyan
Malungkot ako pero dahil kasi yun sa pagdududa ko,bakit kasi hinayaan kong lasunin ako nang sarili kong isip,haysst nang nasa taas na kami oart tsaka nagkaroon nang fireworks kaya nagtanong na ako sa kanya
"Mahal mo pa ba ako?"
"Hah?Lexine what do you mean?"
"Answer me mahal mo pa ba ako?"
"Lexine mahal na mahal,kung nagdududa ka just because hindi ko napaparamdam sayo well im sorry for that!ikaw ba mahal mo ako,mahal mo pa ba ako?"
"Oo naman kaya nga nagkakaganito ako eh ,please Pyan sana wala nang mga lihim,pede ba?"
"Bakit may tinago ba akong lihim sayo?"
"Kung meron man sana wag ka maglihim sakin please!"
"Promise I would never do anything na ikalulungkot mo kasi ako yung magpapasaya sayo,so wala nang pagdududa ha"
Niyakap ko siya dapat nga wala nang pagdududa na maganap sa aming dalawa dahil dapat relasyon na lamang namin ang pakelaman namin,dapat ako yung magtali,yung magpatibay nung relasyon namin,dahil walang gagawa nun kundi kaming dalawa lang
At nang makababa kami sa ferris wheel umuwi na kami at habang nasa biyahe kami pinagiisipan ko kung ngayon ko na ba ibibigay yung bracelet na binili ko o saka nalang, kaso naisip kong pagbaba namin magandang ibigay yun sa kanya
Nang makarating kami sa bahay
"Salamat Pyan sa isang araw!"
"Wala yun bumabawi lang ako!"sabi nya bago ako yakapin
"Ito o isuot mo!"sabi ko bago iabot ang bracelet na binili ko kanina
"Para san to?"sabi nya bago kumalas sa pagkakayakap sa akin
"Para palagi mokong maalala!"
"Thank you,but don't worry hindi naman kita makakalimutan,mahal na mahal kita,kaya walang rason para kalimutan kita"
Sabi nya bago ako halikan sa noo,yun yung weakness ko yung mga galawamg ala Pyan,yun,yun yung talagang nakakawala nang pagdududa ko yun yung nagpapaalala na siya lang dapat ang pagkatiwalaan ko
Pagkarating ko sa bahay nagpahinga agad ako,kinabukasan maaga akong gumising para tawagan siya kasi di na naman siya sumasagot,kaya tinext ko na lamang siya pero hindi rin siya nagrereply kaya di ko na lamang siya pinansin,Pumunta na lamang ako sa bayan para maghanap nang trabaho at nakakita ako nang isang trabaho kaya pinatos ko na yun,malaki naman ang sahod kaya nagpasa agad ako nang bio data at iniintay ko na lamang ang interview ko
Nang magtext na si Pyan natuwa ako
Pyan
Let's meet at the
Via loco cafe.
Tomorrow 10am
Sure!
Maya maya may tumawag na hindi ko naman kilala
Unknown Number
"Hello sino po sila?"
"Ahh ako yung secretary ni Mr.Javier L. Yu yung mayari nung Luis de Cafe"
"Ahhh bakit po?"
"Bukas may interview ka 8am"
"Sigi po!"
Kaso nakapangako rin ako kay Pyan pero di naman siguro tatagal yung interview ko kay Mr.Yu
Kinabukasan...
Dumiretso na ako sa Cafe ni Mr.Yu marami silang tinanong sa akin kaya medyo matagal ang ginugol kong oras don at mahigit isang oras na akong late sa date namin ni Pyan kaya nang matapos yun dali dali akong umalis tumakbo na ako nang tumakbo para makarating doon
Nang papasok na sana ako nakita ko si Pyan na may kasama nang babae,sobrang saya nila at tawang tawa si Pyan habang hinahampas pa ang kamesa at nang tumingin ang babaeng ito sa may pintuan nakita ko na si Angel,mukhang nakita rin nya ako kaya umalis na lamang ako dahil ayoko na,ayoko nang sumugod pa dun.Pero Lexine kahit date nyo yun nalate ka diba kaya baka napadaan dun si Angel kaya hindi ikaw yung nakasama nya,gabi na nang magtext si Pyan
Pyan
Bakit hindi ka
pumunta?
Sorry!
It's okay bakit
di ka ba
nakapunta?
Meron kasing
emergency.
Ahh okay!
Parang ako na yata yung nagsisinungaling,ako na yata yung sovra kung magisip,siguro mali yung ginagawa ko ahhhhh gulong gulo na ako hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang mga pagsubok na to,unang beses ko palang magmahal,kailangan ko agad matuto
Kinabukasan kailangan ko agad magsimula nang trabaho kaso nakasalubong ko si Angel na ikinagulat ko,anong ginagawa dito ni Angel ngayong 10am nang umaga?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinadya talaga kita!"
"Bakit?"
"Lexine gusto ko lang sabihin na walang namamagitan sa amin ni Pyan"
"Wala naman akong sinabi na may relasyon kayo diba?"
"Wala nga pero,alam kong ikaw yung kadate nya kahapon"
"Pano mo naman nalaman?"
"Kausap ko kasi si Pyan,nagtanong siya sa akin kung saan may magandang cafe"
"Ahh okay"
"Bakit kaba umalis kaagad kahapon?"
"Hah?hindi ako nakapunta dun kahapon dahi may emergency sa bahay!"
"Lexine wag ako ang lokohin mo nakita kita noon sa may pintuan at papasok ka na sana kaso nakita mo kami na magkausap"
"Hindi ako nagseselos!"
"Ikaw na nauna sa salitang selos,so maybe nagseselos ka lang talaga!wala kabang tiwala kay Pyan?"
"Angel wag mo na akong guluhin,okay?"
"Lexine hindi kita ginugulo,hinintay ka nya ng matagal doon"
"Pano mo naman yun nalaman?"
"Kasi hinintay ka nya kasama ako kahapon,hanggang magsara yung cafe kasama ko siya,nakaubos nga kami nang mahigit sa 10cups of coffee"hindi ko na siya pinakinggan at umalis na ako palayo sa kanya
Ginugulo nya lang ang isip ko,pinipilit nya lang akong magselos para magalit ako kay Pyan,kaya di ko na lang pinansin yun at nagfocus nalang ako sa ibang bagay dumiretso ako sa cafe kung saan ako magtatrabaho
Unang araw ko late ako kaya binilisan ko agad ang kilos ko at nagsimula nang magserve nang mga kape na dapat nang maiserve at nang magseserve na ako sa dulong part nakita kosi Lerwin ang tagal ko siyang hindi nakita pati sa match ni Pyan wala siya,kaya nanibago ako sa buhok nya mahaba na yun at medyo may kulay na brown
"Lerwin?"
"Lexine?dito ka na nagtatrabaho?"
"Ahh oo,san ka galing ang tagal mong nawala!"
"Ahh sorry galing kasi ako nang states nagbakasyon lang"
"Ahh bakit?"
"may binisita lang!"pagkasbai nya nun bumalik na ako sa trabaho ko
Ang tagal kong hindi nakita si Lerwin kaya medyo sabik ako sa kanya ewan ko kung bakit,pero talagang nanibago ako sa kanya
Like my facebook page:QUEEN Felicity page