Nagpaalam ako kay Pyan na may pupuntahan ako ngayon,dahil maghahanap pa ako nang isang trabaho na mas malaki yung sahod
Ilang bakery,ilang tindahan at ilang restaurant ang pinuntahan ko pero wala eh walang bakantang pedeng pagtrabahuhan susuko na sana ako kaso naisipan ko pang maghanap,kaso nagutom ako kaya kumain muna ako sa isang karehan at pagkakain ko nakita ko si Angel na papalapit sa akin,aalis na sana ako kaso hinawakan nito ang kamay ko
"Lexine gusto lang sana kitang makausap!"
Kaya umupo na ako dahil ayoko nang magmatigas pa,tutal mukhang totoo naman ang pagyayaya nya sa akin
"Lexine gusto ko lang sana sabihin na sorry,gusto ko lang sana na maayos na yung alitan natin"
"Angel okay na naman sa akin ang lahat"
"Kaya ka naman pala nagustuhan ni Pyan kasi mapagkumbaba ka"
"Ahh salamat!"
"Ano kumain ka na ba,gusto mo kain tayo dun sa isang restaurant na malapit dito,kasi hindi ako sanay sa lugar na ganito"
"Angel okay na sakin lahat,kaya hindi mo na kailangang bumawi,tsaka kumain na naman ako,kaya mauna na ako ha"
Pagkasabi ko noon umalis na ako,kahit naman hindi na sakin magsorry si Angel wala na yun sakin hindi ko na rin naman yun pinapakelaman,mas focus ako sa buhay ko,napatawad ko na rin naman talaga siya eh kaya wala na akong dapat pang gawin kung hindi magfocus na lamang sa buhay ko
Kinabukasan maaga ulit akong umalis kasi wala pa rin naman akong nahahanap na trabaho kaya kailangan kong maghanap pa nang maghanap,kasama ko rin si Marga na naghanap nang bagong trabaho
Kaso magugutumin si Marga kaya kumain rin agad kami tapos sumuko rin agad at iniwan na ako dun sa kainan kaso may nakita akong pamilyar na kotse kanino kaya yun?nakita ko na yun eh,kay Pyan tong kotse hindi ako nagkakamali kaso bakit nakatambay siya sa cafe?ano meron
Papasok na sana ako nang makita ko si Angel na papasok kaya dali dali akong tumago sa likod nang kotse ni Pyan at doon kita ko si Angel na papalapit sa pwesto ni Pyan at nang nasa tapat na ito ni Pyan tumayo si Pyan at nakipagbeso beso kay Angel
Nakita ko ulit na masaya si Pyan,masaya siya kasama si Angel kita ko nga na sobrang tuwang tuwa si Pyan pero never kong nakita yung ganung saya,sa lahat nang oras na nakakasama ko siya.
Baka may sila na ni Angel
Ano meron sa kanila?
Bakit ganun siya kasaya kasama si Angel?bakit?bakit?
Hindi na ba ako sapat?
Ahh Lexine maguguluhan ka lang sa mga iniisip mo kaya tigilan mo yung sarili mo na magisip nang magisip dahil walang mabuting maidudulot yun sa relasyon namin ni Pyan kung puro nalang ako selos
Kaya nung gabi niyaya ko agad siya na lumabas,para makausap siya,gusto ko rin marinig ang boses nya kaya tinawagan ko na siya
"Hello Lexine!"
"Pyan pede bang lumabas tayo ngayon?"
"Lexine di ako pede eh!"
"Ahh ganun ba!"
"Sorry next time na lang"
"Sigi I-I love----"
Pinatay na nya yun,kaya nagpahinga na lamang ako at nagbasa basa para malibang yung isip ko dahil napupuno na ako nang nga negative thoughts ko,pero di pa rin talaga ako nakatulog kaya tinawagan ko na lang si Marga
"Marga!"
"Oh bakit napatawag ka yata?"
"Ah pede gang magtanong?"
"Sigi ano ba yun?"
Kapag ba naglilihim na yung isang tao sayo dapat bang magduda?"
"Depende!"
"Pero kapag ba dati hindi nya tinatago yung kausap nya ,tapos biglang nililihim na nya dapat bang magduda?"
"Hindi rin!"
Gusto ko nang magalit kasi napakawalang kwentang kausap ni Marga mas lalo tuloy akong naguluhan,kaya pinatay ko na ang tawag at nahiga na nang tuluyan,ayoko nang magulo pa ang isip ko
Dapat baguhin ko yung mga iniisip ko,baka takagang mabuting magkaibigan lang sila ni Angel baka ako lang yung overthinker,baka talagang sobra lang yung iniisip ko sa kanya,kaya dapat ko siyang pagkatiwalaan,yun yung inisip ko para hindi ako ganitong naguguluhan sa mga ganitong sitwasyon
Sinanay nya ako dati na palaging ako lang yung nagpapasaya sa kanya,kaya dapat ko ring sanayin yung sarili ko na dapat matuto akong sanayin na minsan pareho ang trato nya sa iba,hindi lang sa akin,kasi hindi palaging saakin lang siya sasaya
Kaya nang magising ako itetext ko sana siya agad,kaso may text na itong hindi ko pa nababasa kaya tiningnan ko yun
Pyan
Let's eat?at my
house,sunduin
kita,9am
Pupunta ako,wag
mo na akong
sunduin.
Hindi na naman ito nagreply kaya nagbihis na agad ako at tumungo sa bahay nila,narinig ko ang huling mga sinabi nito sa kausap nya
"Don't worry about me,okay lang ako dito,sigi bye,I love you!"
Sabi nito sa kausap nya
"Pyan!"
"Kanina ka pa ba?"
"Ahh kararating ko lang,bakit moko pinapunta?"
"Gusto mo magpicnic tayo,anong gusto mong gawin?"
"Wala!pinuntahan lang kita,akala ko kasi may importante kang sasabihin"
"Ahh oo----"kaso biglang may tumawag sa kanya
"Lexine sagutin ko lang to!"
Lumabas ito at lumapit naman sakin si Manang Lolit
"May problema ba kayong dalawa?"
"Nang,wala naman po,bakit po?"
"Napapansin ko lang kasi na para kang malungkot,ganun rin naman si Pyan!may pinagawayan ba kayo?"
"Nang wala naman po,siguro medyo busy na rin po talaga kami pareho kaya di kami masyado nakakapagusap!"
"Hija ayusin nyo yan!"
"Salamat po Nang"umalis na rin ito nang papasok na si Pyan
"Ahmm Lexine tara kain muna tayo"alok sa akin ni Pyan
"Ahh sigi"sabay kaming umupo sa upuan sa may dining table nila habang inaabutan nya ako nang mga ulam biglang nagring na naman ang phone nya,Unknown number na naman yun
"Lexine sagutin ko lang to ha!"sabi nya bago umalis sakto namang matatapos na akong kumain nang dumating si Manang Lolit
"Nang palagi po ba siyang may kausap sa cellphone?"
"Oo,akala ko nga ikaw yun eh!"
"Kilala nyo po kung sino yung kausap nya?"
"Hah?hindi hindi!Naririnig ko lang na palagi siyang may kausap tapos palaging malayo sa mga tao"
Sasagot pa sana ako kaso dumating na si Pyan at saktong tapos na ako kumain
"Ano uwi ka na?"
"Uwi na agad?pede bang laro muna tayo nang video games?"
"Ahmm Lexine kailangan ko na kasing umalis,may kailangan kasi akong gawin"
"Gawin?"
"Oo sigi magbibihis lang ako then ihahatid na kita"
Hindi pa ako nakakaoo umalis na ito at nagpunta sa kanyang kwarto,parang waka siya sa sarili ibang tao ang kausap ko,hindi ko na nakikita sa kanya yung minahal kong lalaki,may nabago na,may nawala na siguro yung unang unang nawala yung sparks sa relasyon namin hindi na ako sanay sa ganito,iba na yung trato nya,he was really cold now,he was completely change hindi ko na maramdaman yung pagmamahal nya,nagdududa na ako,nawawala na yung saya!
Nawawala na lahat,lalong lalo na yung pagtingin nya sakin,pero ipinikit ko ang mata ko at sinabi sa sarili ko wala to,wala to,pagsubok lang to
Hindi ako pedeng magduda,wala daoat pagdududang mahalo sa relasyon natin Pyan,wala dapat,kaya i need to do everything para masalba tong relasyon na to
Like my facebook page:QUEEN Felicity page