Nagulat ako sa sinabi ni lola
"Apo punta ka dito sa ospital ngayon din,apo!"
Kaya dali dali kaming tumungo sa ospital na tinext ni lola
Nang makarating kami doon nakasalubong namin si Lerwin
"Bakit andito ka"tanong ni Pyan
"Ah ako yung nagdala sa kanila dito nang makita kong masaksak yung kasama nung Lola ni Lexine!"
"Lola Maring?siya nasaksak?ano na kalagayan nya?"tanong ko naman
"Lexine dun na tayo,tanungin nalang natin yung lola mo kung ano kalagayan nya"sabi ni Pyan bago dali dalin kaming pumunta sa pwesto ni Lola
Umiiyak at bakas sa kanya ang takot
"Lola Herms okay ka lang po ba?"alalang tanong ni Pyan habang hawak ang kamay ni Lola
May tama sa kaliwang braso si Lola
"Lola ano po bang nangyari?"
"Nasaksak si Maring,dahil may humoldap samin na dalawang lalaki eh ayaw ibigay ni Maring yung gamit nya kaya nasaksak siya ako naman tinulak ko yung isang lalaki kaya nahagip nya ako nang kanyang kutsilyo at mabuti nalang dumating yung lalaki na kilala ako at kilala ka rin Lexine"
"Kumusta po kaya si Lola Maring?"
"Apo hindi ko rin alam"sabi nito na talagang nagaalala na
Nakita ko naman si Rex na naroroon rin kinausap ko ito
"Rex kumusta na si Lola Maring?"
"Okay na naman stable na naman daw yung kalagayan nya at wala na namang komplikasyon"
"Ahmm Rex si Pyan boyfriend ko,Pyan si Rex pala kaibigan ko"
Nagkamay silang dalawa
"Ako na sasagot nang bills nung Lola mo"
"Ahh wag na bayad na lahat,sigi mauna na ako"paalam nito sa amin
Kami naman ni Lola inihatid na ni Pyan kasi sa isang araw may lakad pa si Lola
After nung pangyayari hindi ko na muna pinalalabas magisa si lola dahil mukhang na traumatised siya at natatakot ako na baka kung mapaano pa siya
Two days nalang at luluwas na dapat kami nina Pyan kaso may lakad si Lola papunta sa bicol at ayoko naman na magisa siya kaya sasama nalang ako kay lola hindi kay Pyan
Kaso hindi ko siya masusuportahan sa laban nya,kaya binisita ako ni Pyan sa bahay
"Lola okay lang po ba kayo?"tanong ni Pyan kay Lola Herms
"Okay lang naman ako"
"Lola napagpasiyahan ko po na hindi na lang isama si Lexine sa laban ko sainyo na po siya sasama para makapunta po kayo sa bicol"
"Hah?sino banh nagsabi na wala akong kasama papunta sa bicol?susunduin ako dito nang kapatid ko kaya isama mo na si Lexine,minsan ka lang nyan masamahan tutal sawa na naman yan sa bicol eh"
"Lola naman!"pagtatanggol ko sa sarili ko
Makakasama na ako kay Pyan,at napakasaya ko pero may malungkot pa rin sa akin na part hindi ako makakatulong para sa preparation namin sa nalalapit na reunion ,pero isang beses lang naman yun eh,at mas mahalaga yung gagawin ko ngayon makakasama ko si Pyan
Kaya ayun nauna nang sunduin ni Lolo Hermano si Lola Hermana kaya kinabukasan naghanda na rin kami nina Marga at Kiana kasi sasama rin sila sa lawn tennis match ni Pyan
Sinundo kami nang ni Pyan sa bahay namin at katabi ko sina Marga at Kiana kapag kasi ganitong galaan bihira akong sumama,madalas kasi tuwing bakasyon nasa Bicol ako nagliliwaliw lang ganoon kasama yung family pero ngayon ibang iba to kasama ko si Pyan at ang mga kaibigan ko,ito na ang pinakamagandang bakasyon na ikinatuwa ko
Nang makarating kami doon hahawakan na sana ni Pyan ang kamay ko nang hanggitin yun ni Kiana at Marga tigisa sila nang hinawakan kaya napangisi nalamang si Pyan at sinamaan nang tingin sina Kiana,hindi naman sila nagpadala bagkus hinigpitan pa nila ang kapit hanggang makarating kami kwarto namin kumain muna kaming lahat bago kami nagpasiya ni Pyan na lumabas muna nagpunta kami sa may pool sa baba nang hotel naupo kami doon at hinawakan na nya ang kamay ko
"Alam mo weakness kita!"sabi ni Pyan
"W-w-weakness?"
"Oo tuwing nakikita kita,mas nahihirapan akong kumawala,mas gusto kitang makasama at ayoko nang mawala ka pa"
"Ganun rin naman ako,ewan ko nga kung bakit ganoon rin yung nararamdaman ko sayo,soguro nga mahal na mahal na kita"
"Mahal rin kita"
"Good luck sa laban mo
Niyakap ako nito at nang maghahapon na umuwi na kami at inihatid na nito ako sa kwarto namin nina Marga at siya umalis na
Inilabas na namin nina Marga ang cartolina at mga materials nagagamitin namin sa paggagawa nang banner namin para kay Pyan
Go!!!Pyan
From Lexine!
Yun ang nakasulat sa banner na ginawa namin,kinabukasan
Lumabas kami ni Pyan,nagpunta kami kung saan pede magrenta nang bike gustong gusto kong sumakay kaya nauna na akong sumakay sa isang bike kaso nagulat ako dahil nakatingin lamang si Pyan doon,kaya tinanong ko siya
"Bakit hindi ka pa kumuha nang bike?"
"Ah kas---"
"Kasi ano,dalian muna kumuha kana,gusto ko nang maglibot!"
Sigaw ko sa kanya kaya ikinuha ko na siya ng bike pero hinawakan nya lamang ito
"Pyan tara na!"sigaw ko habang nakasakay na sa bike na nirent namin
"Huy ano ba?"tanong ko na medyo inis na
"Hi-hi-hindi kasi ako marunong magbike"sabi nya na ikinagulat ko
"Hah?"
"Oo hindi ako naturuan nina Mommy na magbike!"
"So ako nalang magtuturo sayo gusto mo?"
"Ha?"
"Bakit ayaw mo?"
"Hindi nagaral na rin kasi ako nito dati pero natumba lang ako"
"Nako naman trust me okay"
Hinawakan ko na ang manobela at doon ay g-in-uide ko siya kung paano
"Tingin ka lang sa malayo,then pipidal ka ha!"paulit ulit kong sabi habang hawak ang upuan at tinuturuan ko siya
Nang natututo na siya binitiwan ko na at natuto na nga siya hindi siya naaout of balance kaya nang pagikot nya bumalik ito sa akin at niyakap ako,habang nagbabike kami ramdam ko ang malakas na hangin na sumasampal sa aking mukha at buong katawan,tumigil muna kami sa isang pwesto kung saan nasa tapat nang dagat
"Palayuan tayo nang hagis nang bato!"
"Ako pa hinamon mo,Lexine!"
"Sigi game na!"sabi ko bago maghagis nang isang bato na ang layo nang pinuntahan kaso mas malayo ang kay Pyan kaya nilakasan ko pa ang bato,kaso naout of balance ako at matutumba na sana mabuti
Nalang at nahawakan ni Pyan ang kamay ko at nasalo nya ako sa muntik nang pagkahulog o pagkasubsub sa buhanginan
"Are you okay?"
"Hayst thank you!"
"Nako susunod don't try to beat me,para hindi ka napapahamak"sabi nito habang nakangiti
Like my facebook page:QUEEN Felicity page