Nagulat ako akala ko hahalikan na nya ako kaso sobrang lapit na namin sa isa't isa
"May dumi ka sa mukha"sabi nya bago pinunasan ang sauce na nakadikit sa aking pisngi
"Ahh sorry"
"It's okay,ano uwi na tayo?"
"Hah uuwi?tayo?saan?"
Sa bahay namin ba?
"Oo naman, sa inyo,gabi na so mapanganib na ang daan para sa katulad mong babae"
Hindi na ako umimik pa,bagkus sumunod na lamang ako sa kanya habang nauuna siya sa paglakad.
Totoo ba to?Totoo ba na kami na parang ang bilis,pero di kasi siya marunong manligaw eh,pero rason na ba yun?Ahhh basta ang mahalaga nakakasama mo siya.
March 13?naging kame?totoo bang kame sa araw na ito hindi pa rin ako makapaniwala
Nang makalabas kami nang park,wala akong nakitang kotse na nakapark sa lahat nang parkibg lot doon kaya nagulat ako
"Pyan wait!"sabi ko bago hawakan ang braso nya
"Bakit?"sabi nya bago tuluyang humarap sakin
"Asan yung kotse mo?"tanong ko
"Pagod ka na ba maglakad?"biro nya sa akin
"Hindi,I mean okay lang ba sayo na maglakad?"
"Worried girlfriend?"
"Hindi naman masyado baka kasi hindi ka sanay maglakad?"
"Okay fine,gusto kong mas masulit ang oras na kasama kita,kaya mas gusto ko ang maglakad,pagod ka na ba?"
"Hindi naman,sigi maglakad na tayo"sabi ko bago tuluyang bitawan ang braso nya at nagpatuloy sa paglalakad
Kaso pinigilan nito ako,at hinawakan ang kamay ko
Hindi na ako umimik pa bagkus naglakad na lamang habang hawak nya ang kamay ko
Nang nasa harap na kami nang bahay ko papasok na sana ako kaso napigilan nya ako at tuluyang napalapit sa katawan nya at kinulong sa bisig nya
"Good night"sabi nya harap nang tainga ko
"Okay,good night rin"
"Hindi mo ba ako ipapakilala sa Lola mo?"
"Pyan baka tulog na yun kaya bukas na lang"
Akala ko bibitiwan na ako nito kaso hindi nya ako pinakawalan,at niyakap ako nito nang mahigpit at tsaka pinakawalan.Umalis na rin ito kalaunan.Pumasok ako sa loob nang bahay namin at nagpahinga na ako
May pasok na pala bukas,maaga akong nagising kaya maaga rin akong papasok medyo madilim dilim pa siguro dahil marso pa naman
Habang naglalakad ako papasok nakakita ako nang lalaki na papalapit sa akin nakacap lang ito,halata ko nang si Pyan iyun nasa buksa nang kanyang pants ang kanyang kamay
"Good Morning"bati ko
"Good Morning,susunduin palang kita,ang aga mo ngayon!"
"Aba siya ang sama sakin,dapat nagmask ka,okay para wala nalang issue ako na lang ang magmamask"
Isinuot ko ang mask ko at patuloy akong naglakad kaso hinaggit nito ang mask
"You don't need to cover your identity Lexine ,kung may makakita man satin,i don't care"
"Allergy ako sa amoy mo kaya akin na nga yan"sabi kk bago hanggitin yun sana kaso naitaas nya ito at hindi ko maabot
Sinamaan ko nang tingin si Pyan
"Okay fine,eto na oh"nang iabot na nya iyun ay tuluyan na kaming naglakad papasok
Nang makarating kami sa school dali dali akong humiwalay kay Pyan at dumiretso sa elevator hahabulin pa sana ako nito kaso sinarhan ko agad ang pinto nang elevator kaya di na siya nakasakay.Habol hininga akong bumaba sa elevator at nakarating sa room,wala pang ibang tao dun kundi ako at ilang kaklase na hindi ko naman masyadong kaclose
Nang dumami na ang mga estudyante na dumarating tsaka nabuksan ang pintuan nang room namin
Maya maya dumating na rin si Marga at si Kiana ako naman lumabas saglit sa corridor namin at pinagmasdan ang mga estudyanteng babae
Bakit ako?Bakit ako gayung marami pang iba na mas maganda kesa sa akin?
Ako ba talaga ang pinili nya over Angel?
Totoo bang gusto nya ako?kami na ba talaga?maniniwala na ba talaga ako?ibubuhos ko na ba yung natitira kong feelings sa kanya?
"Lexine!"nagulat ako nang tusukin ni Marga ang tagiliran ko
"Bakit?"tanong ko
"Tulala ka ano bang iniisip mo?"tanong naman nito sa akin
"Hah ako tulala?ahh wala akong iniisip na kung ano"
"Ahh okay"
"Look at this,tama ako si Angel Rivero ang dinedate ni Pyan this past few days"sabi nang babae sa tabi nang section namin
"Ahh tama ako si angel nga yung babae na yun"
"Anong pinagsasasabi mo,Marga?"
"As usual huli ka sa balita!may babae na kasama si Pyan sa park kahapon"
"Hah kasama?patingin nga"
"Ito oh"sabi nito bago ipakita sa akin ang picture.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang picture mabuti at hindi nakita ang mukha ko
"Oh bakit natameme ka?"
"Ahh wala,kilala ba nila kung sino yan?"
"Yung iba hindi,pero ako oo"
"Ikaw Marga?kilala mo kung sino yan?"
"Oo naman"
"Sino yan?"
"Si Angel!"
"Ahh siya ba yan?sigurado ka"
"Sa tingin ko lang,pero marami na rin kasi ang nagsasabi na si Angel daw yung nililigawan ni Pyan kasi ilang beses silang nakitang lumalabas labas,tsaka sbai rin nung babae kanina diba?"
"Ahh thank you sa info,pero di ako affected!"
"Bakit ka naman maapektuhan?diba wala namang kayo ni Pyan?tsaka di mo siya crush diba?"
"Your right!di ko nga siya crush!"sabi ko bago tumalikod at pumasok na sa loob nang room
Hindi ko nga siya crush kasi,gustong gusto ko na siya
Mabuti naman at kahit papaano hindi lumalabas ang katotohanan,ayoko naman na nasa sa akin nga siya naiissue naman kaming dalawa at yun ang ayokong mangyari ayokong bumaba yung career nya dahil lang sa isang babaeng gaya ko,kahit naman kami eh dapat alam ko pa rin yung pagitan sa career nya at relasyon namin,ayokong sa pagdating ko sa buhay nya yun pa ang maging mitsa nang kasiraan sa career nya
Nang matapos na ang maghapon umuwi na ako at dumiretso sa ihawan,nang matapos akong magtrabaho nakita ko si Marco na umiiyak.Kaya lumapit ulit ako kahit patuloy nya akong pinagtatabuyan tuwing lumalapit ako
"Marco gabi na!bakit di ka pa umuuwi?may problema ka ba?"
"Lexine"
"Ano yun?may problema ka ba?magsabi ka lang sakin makikinig ako"
"Lexine comatose yung nanay ko"
"Kaya mo yan,okay?gagaling pa yung nanay mo"
"Thank You Lexine sa pagpapalakas nang loob ko"
"Ikaw pa!"
"Pero pede bang magreque---"
"Lexine let's go!"nagulat ako nang si Pyan pala ang umimik
"Ahhh Pyan sigi,ahmm Pyan si Marco pala katrabaho ko,Marco si Pyan"
"Marco?But your Martin right?"
"Pyan kamukha lang ni Marco si Martin,hindi sila magkakilala"sabi ko
"But---"pagtataka ni Pyan
"Sigi Marco mauna na muna kami ha at gabi na rin,umuwi ka na rin,bye!"sabi ko habang higit higit si Pyan papalabas
"Lexine hindi pa ko tapos kausapin si Martin!"
"Pyan,he's not Martin he's Marco and he doesn't want to be compared to anyone"
"Hindi ko siya kinukumpara kung kani-kanino dahil siya talaga si Martin siyang siya yun"
"Nakausap ko na siya and hindi nya kilala si Martin,palagi lang siyang napapagkamalan"
"Okay fine,ayokong uminit payang ulo mo"
Hindi nya pa rin ako pinagbuksan nang pintuan nang kotse nya kaya ako na ang gumawa
Gwapo nga di naman gentleman pero malay mo matutunan naman nya yun pagdating nang araw.
Like my facebook page:QUEEN Felicity page