Tassein Czar

By AntoKenn

95.4K 3.4K 948

To be revised. Visit Re:Czar. More

Foreword
Espy
TC#1 : Invitation
TC#3 : Oro
TC#4 : The Knight
TC#5 : The Rook
TC#6 : The Bishop and the King
TC#7 : Practice Match
TC#7 : Practice Match
TC#8 : Aphrodisiac
TC#9 : Check !
Extra Chapter
TC#10 : En Passant
TC#11 : Defensive Stance
TC#12 : Castling
TC#13 : Date
TC#14 : Skewer
TC#15 : Questions
TC#16 : Knight in love
TC#17 : Misapprehension
TC#18 : Rage
TC#19 : Curiosity Kills the Pawn ?
TC#20 : Untold
TC#21 : Constellar Beast
TC#22 : Checkmate
TC#23 : Ally
TC#24 : Begin
TC#25 : Ravine vs. Chess
Extra Chapter
TC#26 : Armour of gods
TC#27 : Cerberus
TC#28 : Bow of Eros
TC#29 : Trap
TC#30 : Rampage
TC#31 : Morphrealm
TC#32 : Wedding
TC#33 : First Kiss
TC#34 : Jealous
TC#35 : Fantoccio
TC#36 : Bloodshed
TC#37 : Sarcophagus
TC#38 : Sheol
TC#39 : Revelation
Extra Chapter
TC#40 : Piedras Platas
TC#41 : Symbiosis
TC#42 : Emotions
TC#43 : Time
TC#44 : Crimson
TC#45 : Nulled
TC#46 : Memories
TC#47 : Arise the new King
TC#48 : Tassein Czar
TC#49 : JL's Plan
TC#50 : Last
Epilogue
Trivia

TC#2 : Welcome

4.6K 139 25
By AntoKenn


TC#2 : Welcome

I

Dalawang lalaki ang nasa kalagitnaan ngayon ng disyerto. Galing sila sa bayan ng Mirage , ang lugar nang salamangka.

Balot na balot sila nang mga telang puti mula ulo hanggang paa, bilang proteksiyon sa init nang araw.

Umupo ang maliit na lalaki sa buhanginan. Dumakot siya nang buhangin tila di alintana ang init ng disyerto."We must hurry up Fantoccio, may klase pa ako" sabi niya sa kanyang kasamahan.

Walang naging tugon ang lalaking kasama niya. Bagkus ay nag-usal ito nang dasal.

Ilang sandali pa, may namuong presiyon nang hangin sa likuran nang lalaking matangkad.

"Einfreren Helada" usal nito.

Lumabas ang isang babaeng may napakaamong mukha sa likuran nang lalaki. May pakpak ito na kasing puti ng nyebe sa likuran at ang tanging suot lamang ay isang telang bumabalot sa kanyang dibdib at kaselanan.

"Haha! Magaling Fantoccio, mabilis tayong makakapunta sa Elementalika gamit ang espiritong iyan" he said after wearing his veil.

His mask covers his whole face. It's white in color and has a tribal design on the left side. Ang tanging makikita lamang dito ay ang ginintuang mata nang binatang nagsusuot nito.

Walang naging imik ang kasama niya. Ipinitik lamang nito ang kanyang mga daliri bilang senyas sa espiritong si Einfreren Helada.

Malakas na ipinagaspas ng espirito ang kanyang pakpak. Isang bagwis nang hangin ang nalikha nito. Niyakap ni Einfreren Helada ang dalawa at inilipad patungo sa pupuntahan nila.

---

Bumagsak ang huling lalaking nanlaban kina Fantoccio at kasama niya. Walang nagawa ang mga kumalaban sa kanila, ni hindi man lamang umabot sa sampung minuto ang kanilang laban.

"Haha!! Sinabi na kasing sampu lang ang kailangan namin sa angkan niyo tas buong angkan pa kayong sumugod. Pasalamat kayo hindi ko tinuluyan ang iba sainyo" usal nang maliit na lalaki.

"Eclipse" sabi ni Fantoccio.

Napatingin si Eclipse kay Fantoccio at sumimangot. "Oo na, maghaharvest na" sabi niya pa. Inilabas niya ang kanyang punyal na may mga nakaukit na kakatwang simbolo.

" Haha! Sorry!" sabi ni Eclipse sabay unday nang kanyang punyal.

II

"Xanadu Scolu" pagbabasa ni Arko sa napakalaking karatula na nakalagay sa may tarangkahan nang paaralang nasa harap niya.

Paghakbang niya nang isa ay siyang labas nang dalawang malalaking leyon, mga isang talampakan ang taas sa tantiya niya.

"Anong kailangan mo bata?" tanong nang puting leyon na may guhit nang itim sa likuran, isang Liger.

"Umalis ka na" usal naman nang leyon na may mahahabang pangil , isang saber-toothed.

"I-inimbitahan ako upang mag-aral dito" sagot ni Arko na nauutal..

"Ang imbitasiyon?" tanong naman ng Liger.

Dali-daling kinuha ni Arko sa kanyang bag ang imbitasiyon at nanginginig na ibinigay ang imbitasiyon sa liger.

Biglang humulma ang katawan nang Liger sa isang taong maitim at matangkad. Nakasuot ito nang balat nang isang hayop na tinatakpan lamang ang kanyang kaselanan.

Namangha si Arko sa kanyang nasaksihan.

"Woah. Astig!" bulalas niya.

Sa kapangyarihan pa lamang alam na niyang taga Morphrealm ang dalawa. Unang beses niyang makakita nang pagbabagong anyo nito.

"Sundan mo ako" anang nang lalaking maitim.

Agad tumugon si Arko.

Pagpasok nila sa loob nang tarangkahan siya. Base sa kanyang nakikita , parang isanh maliit na kumunidad ang Xanadu Scolu.

Mayroon itong anim na pangunahing gusali na may iba't-ibang bandila. Mayroon ding maliliit na establisimento sa gilid nang school.

Ngunit ang pinaka nakakuha nang atensiyon niya ay ang nasa gitna nang paaralan. Naroon ang isang napakataas na pader. Nagtaka siya kung ano ang meron sa likod nito ngunit nahihiya siyang magtanong.

Napansin niyang pinagtitinginan siya nang mga estudyante. Naisip niya marahil na ito ay dahil sa naiiba niyang kasuotan.

"Hay, kailangan ko pa lang masanay na magdamit nang tulad sa kanila" bulong ni Arko sa kanilang sarili.

Iginiya siya nang lalaking maitim sa unang establishemento.

Faculty Building.

Ang nakasulat sa embosed brass plate nang gusaling pinasukan nila. Pagpasok nila sa loob nang gusali ay namangha siya.

Engrandeng staircase agad ang bubungad sakanya pagpasok pa lamang sa gusali. May napakagandang 'chandelier' ang nakasabit sa kisame nang building. Naka red carpet ang hagdan samantalang napakakintab nang sahig na halos manalamin na ang titingin dito.

Nahiyang iapak ni Arko ang kanyang madungis na paa sa napakagarang sahig. Ngunit paano naman siya makakasunod sa lalaking maitim kung hindi siya hahakbang.

Nakarating sila sa opisina nang Headmaster. Ang headmaster ang namamahala sa buong paaralan nang Xanadu Scolu.

"Have a sit" ma-owtoridad nang isang lalaking nakaupo habang nakatalikod sa kanya pagkapasok niya sa pintuan.

Naupo siya. Kinakabahan siya sa presensiya ng Headmaster.

"Arko Void" sabi nang Headmaster sabay harap sa kanya. May ngisi itong nakakapagtataka.

"Mabuti at pinaanyayahan mo ang imbitasiyon ko Arko. Ako nga pala si Crimson Warlock, ang headmaster nang paaralang ito"

Nakipagkamay ang headmaster sa kanya na malugod niya namang tinanggap.

"Void means nothing, empty. Ano kayang mangyayari sa mundo kung wala nang tao? Anong mangyayari sa mga tao kung wala na silang kapangyarihan? Hahaha!" tila kinakausap ni Crimson ang kanyang sarili.

"P-po?!" gulantang na tanong ni Arko.

"Wala, Hahaha! Wag mo akong intindihin bata. Siya nga pala , ito ang susi nang kwarto mo sa dorm. Nasa kwarto mo na lahat nang kakailangin mo para sa pag-aaral na ito. Kung wala ka nang tatanungin ay maari ka nang makaalis" mahabang paliwanag ng headmaster.

Umalis si Arko nang nagtataka sa kwarto ni Crimson. Waring nagtataka kung ano ang ibig sabihin nang mga inusal niya. Isinawalang bahala na lamang niya ito at hinanap ang kanyang kwarto at dormitoryo.

Nagtanong-tanong siya sa mga mag-aaral na nakasalubong niya. Karamihan ay inignora lamang siya , ngunit isang babae na nagngangalang Lily Laverinth lamang ang tumugon sa kanyang tanong. Itinuro nang dalaga sa kanya ang kanyang silid.

"Salamat" sabi ni Arko sa dalaga bago ito umalis.

Pagkapasok niya sa kanyang silid ay agad siyang namangha. Napakalaki nang kanyang silid na kasing laki na halos nang kanilang bahay. Napansin niyang may mga gamit na nakasalansan sa kama. Agad niya itong nilapitan at kinuha.

Dalawang pares nang uniporme. Isang sapatos at isang libro. Ang libro ay ang student guidebooks kung saan nakasulat lahat nang alituntunin at patakaran nang paaralan.

Nang maitago niya ang mga ito sa kabinet ay agad siyang nahiga sa kama.

Napakalambot.

Waring lahat nang pagod niya ay nawala nang mahiga siya rito.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

III

"Kamusta Crimson ? Dala ko na ang sampung kaluluwa galing sa angkan Void" sabi nang lalaki na pumasok sa bintana ng opisina nang headmaster Crimson Warlock.

"Hmm, magaling Eclipse" sabi ng headmaster sabay ngisi.

"Maaari na ba ako magpahinga? Inaantok na ako" bagot na sabi ni Eclipse na palabas sa kwarto ng headmaster.

"Sige, ipapatawag na lang kita kung may kailangan ako sa'yo" sabi ng headmaster habang pinagmamasdan ang bote na may laman na sampung kaluluwa.

Nang makalabas si Eclipse ay biglang nagsalita si Crimson.

"Hahaha!! Kung walang kapangyarihan ang mga tao sa mundong ito, maaari silang alipinin nang angkan ko!"

Continue Reading

You'll Also Like

213K 5.7K 105
Meet Calli Nyx Dy Ventura, better known as Candy Ventura - a multi-topnotcher in the Civil Service, Napolcom, AFPSAT, and Fire Officer Examination. B...
9.2K 245 24
Clementine Rue Maphralia suffered a lot in her past life but now she's back for revenge. She's gonna do everything to get it, even if it means burnin...
11.8K 958 154
📜Isang Kwento sa Mundo ng NexMythos. Bago pa isinilang ang Dakilang Anak. Bago pa narinig ng daigdig ang unang tibok ng puso ng isang nilalang - may...
7K 445 82
"Ang ating mundo ang maituturing na isang malawak na hardin ng karunungan. Magmula sa maunlad na paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa mayabong...
Wattpad App - Unlock exclusive features