The Camp: He's A Secret Agent...

By MsButterfly

8M 123K 4.9K

Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookst... More

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)
CHAPTER 1 ~ Coffee ~
CHAPTER 2 ~ Alien ~
CHAPTER 3 ~ Ang Planet Ni Craige ~
CHAPTER 4 ~ Never Fall ~
CHAPTER 5 ~ Humor ~
CHAPTER 6 ~ Planet Chumurereng ~
CHAPTER 7 ~ Tom Cruise ~
CHAPTER 8 ~ Mug ~
CHAPTER 9 ~ HD ~
CHAPTER 10 ~ Si Superman at Si Darna ~
CHAPTER 12 ~ Bite ~
CHAPTER 13 ~ Aff! ~
CHAPTER 14 ~ Aff Aff ~
CHAPTER 15 ~ Ignite ~
CHAPTER 16 ~ Protect ~
CHAPTER 17 ~ Peace Of Mind ~
CHAPTER 18 ~ SAVE ME FROM TEMPTATION~
CHAPTER 19 ~ OMHAYGOLAY! ~
CHAPTER 20 ~ His ~
CHAPTER 21 ~ Carbonara ng Distracted ~
CHAPTER 22 ~ Big Show ~
CHAPTER 23 ~ Sweet ~
CHAPTER 24 ~ Words I Can't Say ~
CHAPTER 25 ~ Ducky ~
CHAPTER 26 ~ Singko ~
CHAPTER 27 ~ I'm Not Done Yet ~
CHAPTER 28 ~ Baby ~
CHAPTER 29 ~ Cake ~
CHAPTER 30 ~ Soon ~
CHAPTER 31 ~ Mine ~
CHAPTER 32 ~ Uh Oh ~
CHAPTER 33 ~ Don't Disturb XD ~
CHAPTER 34 ~ Maybe ~
CHAPTER 35 ~ Threige ~
CHAPTER 36 ~ Jollibee ~
CHAPTER 37 ~ Surprises ~
CHAPTER 38 ~ The Obvious ~
CHAPTER 39 ~ Tracker ~
CHAPTER 40 ~ Ava's Mistake ~
CHAPTER 41 ~ Athena ~
CHAPTER 42 ~ Ooohlala! ~
CHAPTER 43 ~ Shadows ~
CHAPTER 44 ~ Don't Let Go ~
CHAPTER 45 ~ Later ~
CHAPTER 46 ~ Off Limits ~
CHAPTER 47 ~ Bonggacious! ~
CHAPTER 48 ~ Fish Cake? ~
CHAPTER 49 ~ Wedding ~
EPILOGUE

CHAPTER 11 ~ MABUHAY! ~

156K 2.5K 185
By MsButterfly

CHAPTER 11

ALTHEA'S POV

Kahit ata sabugan ako ng mga oras ng sandaling to hindi ko mapapansin. Nakatingin lang ako sa kawalan. Umalis si Craige kasama si Sir Mateo. Naiwan ako dahil sabi ko may kailangan akong tapusin.

Pero tinatamad lang talaga ako. Well..not really. Para kasing nawindang yung sistema ko don sa halik ni Craige kaninang umaga.

Hindi nagbabago ang kasungitan ni Craige pero ang sweet na niya..minsan. Sa tingin ko ganon na talaga siya..kumabaga pag naging puro sweet na lang siya ibig sabihin non my sakit siya or may problema.

Kumunot yung noo ko..parang may naririnig ako na kung ano.

Hindi ko na lang pinansin dahil wala ako sa real world sa ngayon. Kasalukuyan akong nasa time kung saan hinalikan niya ako kanina.

"Ang sarap..."

"Thea?"

"Parang heven sa sarap yum yum."

Napapitlag ako ng biglang may tumawa ng malakas. Napakurap-kurap ako at namula yung muka ko ng nasa harap ko si Sir Mateo na aliw na aliw na nakatingin sakin.

Minsan hindi talaga halata na may problema siya dahil palangiti siya. Siguro dahil kahit gaanong karami ang problema ng isang tao...nakakahanap parin ng paraan para maging masaya kahit sa maliliit na bagay.

"Ano ang masarap?"-mateo

"Ang labi- ang steak! ang sarap nung steak na...na kinain ko kahapon."

Tumango-tango siya. Halata sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sakin. Nangingiting tumingin siya sakin at guguluhin na sana niya yung buhok ko katulad ng ginawa niya dati ng biglang may tumikhim.

Napatingin kami at nandon si Craige na kasalukuyang walang emosyon na nakatingin samin. Nag peace sign ako sa kaniya. Hindi naman ako nag promise na hindi ako lalapit kay Sir Mateo..

saka haler? magkakasama kaya kami at boss namin si Sir Mateo. I-add pa don na talagang habulin ako ng mga hunkalicious, yummylicious, handsomelicious, at sexylicious.

"Maiwan ko muna kayo. Pumunta lang talaga ako dito dahil nakita kita sa siwang ng pinto na tulala. I'll see you both tomorrow."-mateo

 Ngumiti lang ako.

Nakahinga ako ng lumabas na siya na hindi na kinukuwento kung ano yung mga narinig at nakita niya. Baka lumaki bigla ang ulo ni Craige....sa taas.

O/////////////O

bat ang defensive ng utak ko?

...

...

hindi ako umiimik ng umupo na si Craige sa desk niya. Pasimpleng tinginan ko siya...mukang wala siya sa mood. Napakagat-labi ako.

Ano na namang ginawa ko?

Ang moody talaga ng taong yan. Parang weather lang. Tinalo niya pa nga ang weather sa pagpalit ng mood. Makatawag nga sa guiness book of record para isasali ko siya.

"Halika na."-Craige

Tahimik na sumunod ako sa kaniya. Dire-diretso siya at hindi ako tinitignan. Nakasimangot na sumunod ako..kung hindi ko lang alam kung ano ako sa buhay ng lalaking to baka akalain ko pang nag-seselos siya.

On the other hand..hindi ko naman talaga alam kung anong meron kami. Yes we do kiss...pero hinid pa namin napag-uusapan kung anong meron saming dalawa.

Hindi ko din alam kung kaya kong tanungin sa kaniya sa ngayon...pakiramdam ko kasi kapag pinag-usapan namin yon mawala pa kung ano man ang pinagsasaluhan namin.

...

...

napangiwi ako ng bigla siyang huminto at tumama yung muka ko sa likod niya. Masama ang tingin na tinignan ko si Craige na lumingon sakin.

hinawakan niya yung pisngi ko at ininspeksyon yung muka ko.

"Masakit?"-Craige

"Hindi, Boss, Sir, Among tunay..ang sarap nga eh!wew!"

Napailing siya at tinignan niya yung muka ko...ng makita niya namang okay na hinawakan niya yung kamay ko at hinila na ako papasok sa elevator.

Hinila ko yung kamay ko ng nasa loob na kami ng elevator. Pero hinawakan niya lang yon ng mahigpit at hinila para mapalapit ako sa kaniya.

"Ikaw naman Sir, ano pang trip mo ngayon? Sarah and John Loyd ba ang peg natin? 'Sir, gano ka close?'."-me

"What?"

"Saang panahon ka ba pinanganak Sir? Sa panahon ng mga dinosaurs? Ipapalagay na talaga kita sa guinness book of record. Hindi lang dahil ang bilis mong magpalit ng mood, isa ka pa pala sa endangered species ngayon sa mundo."

"Gutom lang yan. Papakainin na lang kita ng talong-"

"ANG BASTOS MOOOOO!"

nanglaki yung mga mata ni Craige. Mukang nawindang siya sa ginawa kong pag-sigaw. Kumunot yung noo ko ng inosenteng nakatingin siya sakin.

"Anong bastos? madali lutuin yon. O kaya itlog-"

"Stop! ako na lang ang mag luluto, okay?"

talong..

ang talong...at itlog..

O/////O

Ipinilig ko yung ulo ko para lumabas don ang mga lumot na matagal ng nag camping doon. Inikot-ikot pa yung ulo ko na parang sinasapian.

Nakatingin lang sakin si Craige habang nag o-orasyon ako na may ikot-ikot pa ng ulo. Nakahawak parin siya sa kamay ko..wala na akong pakialam.

Kailangan matanggal ang mga mga nainirahang masamang elemento sa utak ko na pumasok doon at gumawa na ng family kaya matindi na ang tama ko ngayon.

...

...

napahinto ako sa new version ko ng head bang ng biglang may pumasok na mga lalaki na naka-tux. Napaatras ako ng wala sa oras ang kaso late na ako dahil nabangga na ako nung isa.

Bago pa ako matumba sa kung saan may mga braso ng sumalo sakin at itinayo ako ng maayos. 

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ng mga mata ko ang tingin ni Craige. Hinawi niya yung buhok ko na kumawala na sa pagkakatali.

Lumingon siya don sa lalake.

"Ingat naman, pare."-craige

Tumingin samin yung lalake. Nang-uuri na tinignan niya si Craige bago siya tumingin sakin...humagod sa katawan ko yung tingin niya. Typical Male Horninest.

Inismiran ko siya. Kapag hindi ako makapagpigil baka drawingan ko siya gamit ng takong ng sapatos ko. Kaya bago pa ako makasuhan sa pag eliminate ng taong duda ako kung hahanapin sa mundo..tatahimik na lang ako.

"Nakaharang kasi kayo."

Abat! 

naramdaman ko na humigpit yung pagkakahawak sakin ni Craige para pigilan ako ng akmang kakalmutin ko na sa muka niyang hindi ko alam kung muka yung lalake.

"Not worth it."-Craige

"Sinisipag ako..bitawan mo ako at do-drawingan ko yang muka ng lalaking yan."

Umiling lang si Craige.

Tumingin siya don sa lalake at parang gusto kong manginig ng makitako kung gano kalamig yung tingin niya don sa lalake. Mukang may natatago pang extra terestrial power si Craige.

Huminto yung elevator pero wala pa kami sa basement. Muka kasing napansin na nung mga iba pang lalaki na may nangyayaring kakaiba kaya lumabas na sila.

Pero yung lalaking mukang pangkiskis ng kawali mukang walang balak umatras. Mayabang na humarap siya samin ng sumarado yung pinto.

"Nagta-trabaho ka ba dito?"-me

"Oo, miss beautiful. Pwede mo akong dalawin kapag type mo. Any time."

"Ganon ba? Hindi kasi halata."

"Pang-artista nga daw ang muka ko."

Parang gusto kong tumawa sa sinabi niya. Ang laki naman ng tiwala ng lalaki na to sa sarili niya. Minsan talaga may mga taong hindi marunong tumingin sa salamin.

Katulad ng taong to.

"Ah. Kasi parang kamuka mo yung magsasaka sa probinsiya namin."-me

Nanglaki yung mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumingin ako kay Craige at napangiti ako ng umangat yung gilid ng labi niya.

Good mood na siya ulit.

"Look at this face. Kamuka ni Chris Evans..ikaw...wala kang kamuka...na tao."-me

Lumapit siya sakin at tumaas yung kilay ko ng makita kong tumaas yung kamay niya na parang sasampalin ako. Handa na akong ilagan siya ng sa isang iglap na wala siya sa harapan ko.

Nalipat siya sa pintuan ng elevator kung saan inipit siya ni Craige.

"Look. Papatawarin kita sa hindi pag-hingi ng tawad ng mabangga mo ang girlfriend ko. Pero ang ambaan siya..hindi ko mapapatawad. If I were you..once the door opens I'm gonna run as far as I can. Dahil kapag hindi ka tumakbo at naabutan kita...hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."-Craige

tinulak niya yung lalake...saktong bumukas ang pintuan ng elevator kaya sumadsad siya sa labas. Nagmamadali na tumakbo siya paalis.

pero wala na don ang pansin ko. Narinig ko yung sinabi ni Craige kanina...girlfriend daw?

-___-

erase, erase!

walang ibig sabihin yon.

...

...

Naglakad na kami papunta sa kotse. Bumaba yung tingin ko sa kamay naming magkahawak parin. Bumili kaya ako ng mighty bond at idikit ko yung mga kamay namin.

tama...bibili ako mamaya.

Pinagbukas niya ako ng pinto at iminuwestra na pumasok na ako. Nakangiting pumasok na ako sa loob at pinanood ko siya ng umikot siya sa kabilang side at pumasok.

pagkaraan ay pinaandar na niya yung sasakyan.

"Mag grocery muna tayo. Wala na taong pagkain."-me

"Okay."

Nag-hanap kami ng pinakamalapit na grocery store. Huminto kami don sa may kalakihan na store. 'DEN'. Bumaba kami ni Craige habang palingon-lingon naman ako.

Ang cute ng lugar. May swing pa sa gilid na parang may mga bata na naglalaro dito. Pumasok kami sa loob at nginitian kami nung ka-shier.

"So..anong bibilin natin?"-craige

"Ano-"

"Syempre PO pagkain PO. Alangan naman Pong manood Po kayo ng movie Po dito Po diba Po?"

sabay na napatingin kami ni Craige don sa nagsalita. May batang maliit na siguro six years old na or seven. May suot siya na fake na eye glasses habang may hawak-hawak siya na libro.

parang mataray na teacher.

"Oo nga, sabi ko nga bibili kami ng pagkain. Ang slow mo talaga Craige."-me

"May kapatid PO ba yan Po? Ang gwapo."

Itapon ko kaya sa bulkang taal ang batang madaldal na to. Pero next time na lang since ang cute niya...siguraodng may maghahanap hindi katulad nung mukang aspalto na lalaki kanina.

Tinignan ko yung jumper niya...'Den'.

sa kaniya siguro pinangalan. So that means sila ang may ari nitong store. 

"May kapatid na yan. Taken na yung isa, babae naman yung isa, and the other one naman malapit ng maging taken."-me

"Eh siya PO?"-den

"TAKEN NA!"

"Makasigaw naman PO. Obvious ka na, Inday."

Kinurot ko siya sa pisngi. Siya yung tipo ng bata na sa sobrang ka-cute-an parang ang sarap ng paluin sa puwit. Kaso baka bigla akong kasuhan kaya wag na lang.

tinginan ko si Craige at mukang naaaliw siya don sa bata.

Kumuha na kami ng pwede naming iluto. Iniwasan namin yung talong at itlog dahil meron pa non sa bahay. Umikot pa kami ni Craige para maghanap pa ng iba.

tinignan ko yung bata ng bigla siyang kumuha ng chips at kinain yon. Hindi ko na siya sinaway dahil muka naman siya ang anak ng may-ari.

ang lakas ng loob eh.

Napangiti ako ng inalok niya ako. Kumuha naman ako at kumain na din since medyo gutom na nga ako. Ang hirap pala maging working girl.

"Ate sha! si ate ganda yung magbabayad nung chips."

muntik ko ng mailuwa yung kinakain ko. Nakuuu! sarap talagang kurutin ng batang to. Namigay nga magpapalibre naman. Nilingon ko si Craige.

may hawak siyang talong na tinakip niya sa muka niya..

O__O

tumatawa siya.

Napasimangot ako...naalala ko nung pinagbayad niya ako dati. Mukang taga iisang planeta ang tirahan ng dalawang to. O baka magkapitbahay.

Nag-appear pa sila nung bata.

"Ewan ko sa inyong dalawa..mag-sama kayo."-me

"Talaga PO? Mamang gwapo tayo na lang daw PO, mas maganda naman PO ako kesa kay ate ganda PO."

kinurot ko yung bata ulit sa pisngi na hindi naman sumigaw. Hinila ko na si Craige bago pa siya maagaw ng makulit na batang kalahi din si E.T. na yon.

"Pasensiya na ho kayo kay Den..iisang anak lang kasi yan eh."

Tinanguhan ko lang yung babae. Cute naman si Den...pero bilib din ako sa mga magulang niya at hindi nabaliw sa pag-alaga sa kaniya.

sangkatutak na kunsumisyon sigurado ang ibinibigay niya sa mga magulang niya.

...

...

nang mailagay na sa plastic bag yung mga binili namin..nagpaalam na kami sa kanila pati don sa batang cute na si Den na busy na sa pag re-rearrange ng mga bagay-bagay sa store nila. Katulad na lang ng napkins napunta na sa helera ng piatos.

goodluck talaga.

"Ang cute ng batang yon."-craige

"Alam mo pala ang salitang cute? astig!"

"Anong akala mo sakin alien-"

"YUP!"

kinunutan niya ako ng noo pagkatapos ay pinasakay na ako sa kotse. Nang makapasok na siya..ngumiti ako sa kaniya. Ang gwapo niya talaga...

kung sana hindi lang siya masungit baka matagal ko na siyang na-rape. Siguro yun yung exact reason kung bakit siya ginawang masungit...para hindi ako makagawa ng kahalayan-...kasalanan.

napatingin ako sa kabuan niya...

yum yummy.

wala sa sarili na umabot ako ng kung ano sa plastic bag at isinubo ko yon.

...

...

"AHHHHHHHHHHHHHH!"

napatili ako.

Nagulantang si Craige at bigla niyang itinigil yung sasakyan. Tili ako ng tili habang pinapaypayan ko yung bibig ko kung saan isinubo ko yung sili kanina..

hindi ko naman alam eh!

"hey, hey..relax."-craige

"Relax ka diyan! maanghang!"

Pumalatak siya. Nagulat ako ng walang babalang kinuha niya yung sili sa bibig ko at itinapon sa labas ng bintana. Kumuha siya ng tubig sa plastic bag at inabot sakin pero aprang mas lalong lumala yon. Inunti-unti ko..

"Ikaw kasi eh.."-craige

"hindi ko nga alam!"

"Gusto mo kasi ng hot..yan pa ang kinuha mo..

...

...

nandito naman ako."

napanganga ako...nakalimutan ko bigla yung sizzling feeling sa bibig ko. Nakatingin lang ako kay Craige na hindi naman nakangiti...pero puno ng amusement ang mga mata.

O__O

his second joke..

MABUHAY!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 95.3K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
5.8M 98.1K 52
(PUBLISHED BY LIB) Hius Secret Agent Bride To Be, now a published book under LIB creatives. Php 110. Available at all Precious Pages branches, Nation...
4.3M 69.6K 51
(PUBLISHED BY LIB) His Secret Agent Pretend Girlfriend, now a published book under LIB creatives. Php 129. Available at all Precious Pages branches...