Is This Love?

By Queen_Felicity_23

87 47 0

Tungkol ito sa babaeng nahulog at nagkagusto sa isang lalaking biglang nangiwan at naglaho nang biglaan,gaya... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFHTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FOURTY

CHAPTER ONE

3 2 0
By Queen_Felicity_23

Lexine's POV

Agad akong tinulungan nang kasama nya sa paglimot ng mga nahulog kong gamit,pero ang lalaking totoong may kasalanan nanatili lang na nakatayo

Tumayo ako nang dahan dahan sobra kasing sakit ng pagkakabagsak ko,ang laki laki ba namang tao nito mukhang kapre na higante tapos mukhang tukmol

"Sorry,Sorry!Miss?"...ang tono ng boses nya ay parang nagtatanong pa ng pangalan ko

"Sorry,Sorry din,salamat sa pagtulong mo sa akin"...sigaw ko bago mabilis na umalis sa lugar

Tumakbo ulit ako at dumiretso sa elevator

Pagkarating ko sa room dahan dahan akong sumilip,si Mrs.Gopez nakakahiya sa kanya,grabe kaya ko to,kaya ko to

"Good Morning po!"

"Why are you late Ms.Guevarra?"

"Maam may sinearch lang po ako sa library,sorry po"

"Dapat nagsearch ka pa maaga ka pa para sa second period eh"

"Sorry po Mrs Gopez"bulong ko

"Okay go to your seat"

Nakayuko akong dumiretso sa upuan ko,alam kong nakatingin lahat ng kaklase ko sa akin...

"Okay class,dismiss"

Sa sobrang late na ako tapos na pala ang klase

"Huy Lexie bakit na late ka?"

"Tinapos ko na yung assignment natin sa science doon sa library,wala naman kasi kaming internet sa bahay,diba?"...biro ko

"Mas inuna mo pa kasi yun kaya nalate ka"

sinamaan ko siya ng tingin habang nakataas ang kilay

"Hindi joke lang"...sabi nya habang naka peace sign

Naku sa una lang ako nito sesermonan kapag alam nyang may magagaya siya sa akin,kahit sampung oras ako sa library o di kaya'y di na pumasok basta may magaya siya ayus lang...Tsk! tsk! tsk!

Hindi na ako sumagot at nakinig na lang sa sumunod na teacher,sa sobrang seryoso ko sa pakikinig di ko namalayang tapos na pala ang oras

Favorite subject ko kasi ang science I want to explore everything even marami na akong nalalaman,kase once you explore science you would be amaze on the things that you don't know before,so let's explore science...

"Pass you're assignments"

Pagkatapos naming ipasa yung mga assignments namin umalis na si Mr.Agoncillo

Break time na,sabay kameng pumunta ni Marga sa cafeteria.Nakapila kame para bumili ng makakain

"Lexie,wala kanabang ibang pangarap,bukod sa pagiging doktor?"

"Wala na,tsaka ewan ko ba parang sobrang big deal ng pagdodoktor sa akin,ikaw tutuloy ka pa ba sa kursong HRM"

"Oo"tipid nyang sagot

Sabay kameng pumunta sa table 13,pagkaupo namin nagulat ako dahil nagsisigawan yung mga babae na sobrang nakakarindi sinusundan nila yung lalaki na mukhang pamilyar sa akin,pamilyar!

Sobrang pamilyar nya talaga sa akin...

Kung hindi ako nagkakamali...

Oo siya yun

Siya yung nabunggo ko nung tumatakbo ako but it's not my fault...

"Lexie,ang gwapo nya diba"Napatingin ako kay Marga na nakatitig dun sa lalaking hinahabol ng mga babae

"Saang banda?"bulong ko

Napatingin sa akin si Marga,na nakataas ang kilay

Magaguwapuhan lang ako sa kanya kapag marunong na siyang tumanggap ng pagkakasala,tsaka hindi ko na muna sasabihin kay Marga na siya yung dahilan kung bakit mas nalate ako

"Wala ka talagang alam pagdating sa mga ganito,sobrang bitter mo kase"

"Anong bitter dun eh sa ganung hindi ko talaga gusto yung itsura nya"bulong ko bago umirap

"Palibhasa hindi mo kilala yang si Pyan Rangelo Villavega"sabi nya habang itinuturo dun sa lalaki yung tinidor nya

"Hah?Pya---"

"I told you hindi mo nga kilala"

Minsan masungit talaga tong bruha na to mabuti pa si Kiana Querelo yung isa pa namin na kaibigan hindi moody na katulad netong si Marga

By the way bakit hindi pa pala nakakabalik si Kiana ang alam ko kasi nag out of town sila nung weekend kaya baka hanggang ngayon di pa sila nakakauwi

Mayaman sina Kiana kasi ang Dad nya sikat na Businesman at ang Mom nya Former Queen of The Ramp sa US kaya sikat siya sa school namin at sobra pang yaman.

"Margss wait!,hindi paba umuuwi si Kiana?"

"Sabi nya bukas pa daw sila aalis dun"

Tsaka ko lang napansin na wala na palang tao sa cafeteria marahil sumunod na yun dun sa lalaki na yun yung Pyam yata yun basta yun yun.

Naghiwalay na kame ni Marga kasi magkaiba na ang susunod na subject

Pagkatapos ng ilang oras,lunch na.Tutal hindi naman ako gutom dumiretso nalang ako sa library wala rin naman si Marga kasi mamaya pa ang lunch nila kung nandito lang si Kiana edi sana siya yung kasabay ko

Pagkarating ko dun hinanap ko agad yung libro na palagi kong binabasa makapal na libro at mukhang luma ang cover nito tungkol ito sa mga requirements sa pagiging doktor at ang mga pinagaaralan dito.

Pero nilibot ko na ang lahat ng shelves pero wala parin napapagod na ako kaya kukuha na ako ng iba...

Kukuha na sana ako ng ibang libro nang napatingin ako sa taas at tama ako ayun nga ang libro na gusto kong basahin ang pinakapaborito kong libro.

Kumuha ako ng isang upuan para maabot yun pero hindi ko parin talaga abot kaya tumiad ako at malapit ko nang maabot yung libro.

Nang biglang may dumating na lalaki at nagmamadali kaya nabangga yung upuan at napahiga,ako naman na out of balance,saktong dumagan ako sa kanya at nahulog ang libro sakto sa ulo ko marahil narinig ni Mrs Nelia yun,yun yung asawa ni Mr Benito na mataray tsk! lagot tuloy kame nito.

Marami ang nagkalat na libro kaya tumayo agad ako

"Sorry!"sabi ko pagkatayo ko

Pero nagulat ako si Pyam yun dapat hindi ako nagsosorry sa pesteng lalaki na ito

"Sorry?sorry,Is not enough!"sigaw nito

"What the--"

Naputol ang sinasabi ko.Nang dumating si Mrs.Nelia na nakahalukipkip

"Anong ginagawa nyong dalawa?bakit ginulo nyo lahat ng patas ng libro?"

"Mrs Nelia kas---"

"I dont need youre explanation"

Nagtatanong tapos,ahhh kasalanan talaga to nang lalaki na yun lagot talaga siya sa akin

"Per---"

"I said no excuses! Dahil sa ginawa nyo kayo ang maglilinis and magbabantay nitong library"

"What!"sigaw niya

"Kapag di nyo ginawa ang pinapagawa ko sa inyo lalong tatagal ang pananatili nyong dalawa dito,at simula bukas lahat ng free time na meron kayo,dito kayo didiretso"

Umalis si Mrs Nelia ang sama ng tingin sa akin ng lalaki na yun parang ako pa ang may kasalanan...

"It's all youre fault"sabi nya habang tinuturo ako

Ako pa talaga ang may kasalanan napaka kapal talaga nang mokong nato

"Its not my fault,dont blame me kung hindi ka sana tumakbo edi sana walang aksidente"

"Its not an accident,kasalanan mo lang to at hindi aksidente so ikaw lang ang maglilinis,and ahhh it is the second time,youre so annoying wag kang iimik nakakairita ka na!"

"So ako ang sinisisi mo,porke gwapo ka akala mo madadala mo ako sa mga ganyan,No hindi mo ako mauuto,sa ayaw at sa gusto mo maglilinis ka kasama ako or kahit hindi ako kasama dahil---"

"For two weeks na kasama ka,No hindi kita sasamahan,kayanin mo yan mag-isa,it's all your fault"

"Matuto kang tumanggap ng kamalian,hindi palaging tama ang pagsalungat sa totoong nangyari"

Tumalikod na siya at lumabas na.Kinuha ko na ang gamit ko at umalis na rin doon,pero inayos ko muna yung mga libro sa sahig habang nililimot ko yung mga libro tuluyan ng tumulo yung luha ko never pa akong nasisigawan ng isang tao

Nakakainis kang lalaki ka magintay ka lang talagang nakakahiya yung ginawa mo sa akin...

Nagpokus ako sa huling subject namin at nang matapos na ito umalis agad ako sa school at dumiretso sa ihawan na pagtatrabahuhan ko ngayon

Malapit lang yun sa school namin kaya pede kong lakarin araw-araw.Alas tres kasi ng hapon ang tapos ng klase ko at si Marga naman 3:30.

Grilled D'Funtastic

Sa likod ako dumaan kasi dun daw ang daanan ng mga staffs at dun din malapit yung office ni Mrs.Belen yung may-ari,si Ms.Jane siya lang yung secretary.

Pumasok ako sa loob ng office ni Mrs.Belen para maglog-in

"Good Afternoon po Mrs. Fely Belen"

"Youre so formal hija,you can call me Tita Fely"

"Sorry po Mrs---,Tita Fely"

"Ahmm,hindi ko kasi napatatakan yung t-shirt mo pedeng ito nalang muna"

"Okay lang po!"

"Sorry ha at lumang logo na yan ng Grilled D'Funtastic,pero bukas sure na meron ka nang t-shirt"

"Okay lang po,sigi po magsisimula na po ako"

"Sigi magpalit kana,ito pala yung susi ng locker mo 54 yung number nung locker mo"

Kinuha ko yung susi na hawak nya at lumabas na sa office nya dumiretso muna ako sa locker ko para iwanan yung bag ko,lumabas ako at naghanap ng mapapagtanungan kung saan yung CR kasi malaki itong place nato at kapag kung san san ka pumunta maliligaw ka.

Hindi ko alam kung nasan ang iba pang mga staff pero mukhang busy sila sa mga ginagawa nila kaya hindi ko napansin na dinala ako ng mga paa ko sa garden at nagulat ako na may paparating na naka topless na lalaki at nakababa ang apron nya...

Napaatras ako nang makitang papalapit siya

"P-p-puwede m-magtanong?"

"Sure ano bayon?"

"Ahmm,s-san yung CR?"

"Sumunod ka sakin"

Sumunod nalang ako sa kanya at nakita ko agad yung CR

Nang aktong aalis na sya sumigaw ako

"Salamat pala!"

"Welcome"sabi nya bago tipid na ngumiti

Umalis na siya at pumasok na rin ako sa loob

Infareness gwapo siya kaso medyo masungit...tsk!,pero mas okay siya kesa sa lintik na lalaking yun na sinabihan pa akong You were So Annoying...

Nakakainis talaga yung lalaking yun gaganti ako sa kanya...

Just wait for my revenge Mr.Peste!!!

Naka assign ako sa paglilinis ng CR kaya nagsimula na ako gusto ko agad matapos para magawa ko rin yung mga assignments ko

Makalipas ang ilang oras

Tapos na akong maglinis,kaya pumunta muna ako sa locker,pagkarating ko dun chineck ko agad yung cellphone ko may 10 missed calls si Papang at ilang text naman galing kay Marga

Marga

Intayin mo ako ha,
8pm pa labas ko.

9pm pala marami
pa kasing tao dito.

Wag na pala.

Siguro mas
matatagalan pa
ako kaya umuna
kana.

Baka iniintay kana
ni Lola mo.

Ingat ka,sabi pala
ni Kiana andito na
daw sila sa Pinas.

7:11pm

Okay,pauwi na ako
ngayon ingat ka
rin paguwi,nice to hear
na nandito na si Kianss.

Kaya nga,okay!
itatago ko na sana
yung phone ko,hahah
kaso narinig kong
may nagtext.
Ingats.

Ingat din babye.
Text ka kapag
naka uwi kana
loveyou.   

Papang

   7:25pm   

Papang hello po,sorry
po nakaoff po kase
ang phone ko kaya di ko
nasasagot ang tawag
nyo,sorry po ingat po
kayo jan,okay lang po
kami ni lola dito
nakuha ko napo yung
padala nyong allowance
   ko.               

Kahit nahihirapan kami ni Lola dito sa Pilipinas no choice,kapag sinabi ko kasi kay Papang na hindi ako binibigyan ni Tita Sabel ng kahit konting pera,uuwi agad yun at pati si Tita Sabel sasaktan si Lola at yun ang ayaw kong gawin ni Tita kay Lola.

Ginagawa nya yun kapag nalalasing at walang pera,minsan nga yung inipon ko na pera kinuha nya pinanginom nya lang,wala naman akong magawa hindi nya ako sinasaktan,si lola ang dinadamay nya.

Magisa akong naglakad pauwi sa bahay,amg gandang pagmasdan ng mga bituin kumikinang at kumukutitap tuwing gabi,konting tiis na lang malapit ko na rin namang matapos ang pagaaral ng high school.

Pagkarating ko sa bahay mabuti at wala pa si lola dahil kung nandiyan na yun mapapagalitan ako kase ginabi na naman ako at kapag nalaman nya na dahil sa trabaho yun pagagalitan ako,tsaka mas mabuti na lang muna na itago lahat kaysa naman isipin na naman ni lola ang kung ano ano.

Bago ako magpahinga nagluto muna ako ng makakain ni lola,pagkatapos kong magluto inihain ko na iyun sa lamesa nang may makita akong papel


Like my facebook page:QUEEN Felicity page

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.2K 55
"Go, I don't want to make you hate me for what I did." he says softly as a tear of drop dipped from his eyes. "What are you talking about?" I approac...
40.5K 1.7K 23
โ ๐ˆ ๐Š๐๐Ž๐– ๐‡๐Ž๐– ๐ˆ๐“ ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐‹๐„๐…๐“ ๐๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐‘๐’๐„๐‹๐… ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐‘๐€๐ˆ๐.. ๐–๐„ ๐€๐‹๐‹ ๐๐„๐„๐ƒ ๐’๐Ž๐Œ๐„๐Ž๐๐„ ๐“๐Ž ๐’๐“๐€...
Hum For Tum By sushi

Teen Fiction

181K 13.7K 34
โ™ก This is an Indian highschool lovestory, full of love, drama, comedy, romance and more; where two school toppers, Aarohi: the sweet and bubbly girl...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!