Saving The Governor-General (...

By blionsky

76.8K 3.2K 204

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... More

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA XIV

2K 99 2
By blionsky

Things now are getting messy than ever. Nasunog ang ilang parte ng simbahan. Tagilid ang kalagayan ni Emman. Puno ng pangamba ang mga tao. Lalong lumalakas ang banta sa buhay ni De la Vega at mas mahigpit ang seguridad kaysa dati. Nagsisimula na talaga sila. The real fight has begun. At hindi pwedeng wala akong gawin. Kahit wala pa si Carlos, kailangan ko nang kumilos. Let's start the plan smoothly.

Mula sa insidenteng nangyari ilang araw na ang nakakalipas, naging tahimik ang buong bayan. It was like a dull and dark day everyday I wake up. Parang nababalot ng madilim na kahapon ang bawat umaga. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao, that's natural to be afraid kung may ganitong pangyayari. Pero sa tulad kong sanay na ganitong uri ng pangyayari, there's no room for fear. Dapat wala. Yeah, I admit it. There's also fear here inside me. Pero kailangan talaga maging matapang ka.

THIRD PERSON'S POV

Nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ni Isabel ang labas ng hacienda na magkakrus ang mga braso. Nag-iisip ng maigi sa mga bagay-bagay. Hindi niya napansing kanina pa nagtataka ang mga kasama niya sa kaniya.

'Kakaiba talaga ang binibining ito.' sa isip ni Rafael. Hindi niya lubos maisip na may kagaya niyang binibining dinaig pa ang isang ginoo sa pakikipaglaban at katapangang taglay.

'Talagang bukod tangi ka, kaibigan kong Isabel.' di mapigilang mapangiti ni Rosa sa kaniyang kaibigan dahil talagang di siya pangkaraniwang binibini. Sa kaniyang tindig at kilos, siya ay bukod tanging babae. 

'Hindi nga ako nagkamali sa iyo, Isabel.' masayang pinagmamasdan ni Doña Celestina si Isabel na nalunod na sa pag-iisip. Natigil lamang sila ng bumukas ang pinto at punasok si Martin.

"Oo.. Martin anak." bungad ng kaniyang ina.

"Hinigpitan ko ang seguridad ng buong bayan. Bawat kanto ay pinadalhan ko ng guardia civil upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan." sabi niya sabay upo. Habang sila Rosa at Rafael ay sumunod rin sa upo ngunit nanatili lamang si Isabel sa kaniyang pwesto. Hindi na iba si Rafael at Rosa kay Martin dahil hindi lang tagapagsilbi ang turing niya sa mga ito kundi kaibigan. Simula nung sinabi iyon ni Martin sa kanila ay hindi nila maiwasang mamangha sa kabutihang loob nito. Kaya hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ito sa anumang bagay.

"Kailangan na nating mapigilan ang paglala ng mga pangyayari. Dapat na nating matugis ang ugat ng sigalot na ito." seryosong sabi ni Martin.

"Kung ganoon Gobernador-Heneral, kailangan natin bumuo nang mainam na plano." kusang pagbibigay ng solusyon ni Rafael.

"Humingi tayo ng tulong sa mga Hermañes o kay Fernando Ibañez. At sa iyo pang mga kaibigan anak." giit naman ni Doña Celestina.

"Hindi iyon maaari." biglang sabi ni Isabel at tumingin sa kanilang direksyon. Nagtataka naman sila sa kaniyang sinabi.

"Paumanhin sa inyo Doña Celestina at Martin. Ngunit wala akong tiwala sa mga iyon." direktang sabi niya na naglakad patungo sa kanila para umupo.

"Hindi mo sila lubusang kilala kaya't hindi mo maaaring husgahan sila." kontra naman ni Martin. Maging sila Rosa ay nagtataka sa sinabi ni Isabel. Ngunit batid nilang seryoso ito sa kaniyang sinabi.

"Kagaya ng sinabi ko noon De la Vega, maaaring nasa paligid mo lamang ang siyang nagtatangka sa iyo." seryosong sabi ni Isabel na ikinainis ng bahagya ni Martin. Hindi niya ito maintindihan kung bakit paiba-iba ang tawag nito sa kaniya.

'Sandali lamang! Ano ba ang iyong iniisip Martin! Maghunosdili ka nga!' sita niya sa sarili pagkat naiinis siya sa kaniyang sarili dahil naiisip niya ito sa gitna ng maapnganib na pangyayari sa kaniyang paligid.

"Sinasabi mo bang— sandali...pinagbibintangan mo ba sila?!" pasigaw na sabi ni Martin kaya maagap siyang pinigilan ng kaniyang ina.

"Martin anak, ikaw ay huminahon." sabi ng kaniyang ina habang hinihimas ang balikat nito.

Ngunit tila hindi nagbago ang ekspresyon ni Isabel sa sinabi ni Martin dahil seryoso pa rin ito.

"Aahh... Isabel, hindi ba napakalabo naman siguro nang iyong sinasabi." maingat na sabi ni Rosa. Bakas ang kaba at takot sa kaniya sa pag-aakalang magagalit sa kaniya si Isabel.

"Hindi ko iyan sinabi, De la Vega. Hindi ko kayo hinihikayat na paniwalaan ako. Nagsasabi lamang ako." kalmadong sabi ni Isabel. Ilang sandali pa at tumayo na ito.

"Sabihan niyo na lamang ako kung ano ang planong inyong nabuo." parang tamad na sabi niya. At naglakad na paalis.

"Sandali lama—

Hindi na niya nagawang matapos pa ang sasabihin pagkat lumabas na ito na tila ba parang walang narinig.

"Hindi ko talaga siya maintindihan." bulalas ni Rafael. Kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Natakot siya at humingi ng paumanhin.

"Ano ba ang mainam na plano para rito?" panimula ni De la Vega.

--

Sumapit ang Miyerkules at pinatawag ni Martin sila. Kalaunay dumating na ang lahat liban na lamang kay Isabel. Naghintay pa sila ng ilang saglit ngunit hindi pa rin ito dumadating.

"Nasaan na ba si Isabel?!" naiinis na tanong ni Martin. Kaya kahit natatakot ay sumagot si Rosa.

"Katunayan ho Gobernador-Heneral, hindi ko po nakitang lumabas si Isabel sa kaniyang silid mula kaninang umaga pa." kinakabahang sabi ni Rosa.

"Ano ang iyong sinabi?!" tila nag-aalala si Doña Celestina  kaya't napasigaw siya.

"Opo Doña Celestina. Hindi pa po siya lumalabas sa kaniyang silid. Nakasanayan ko na pong makasabay siya sa umagahan ngunit ngayon po ay kapani-panibago." sabi ni Rosa.

"Puntahan natin siya sa kaniyang silid." maglalakad na sana siya ngunit pinigilan siya ni Señorita Felicia.

"Maaari namang magpa-utos ka na lamang ng pupunta doon sa kaniyang silid, Doña Celestina." magalang na sabi ni Señorita Felicia ngunit mahihimigan ng pagkainis.

Hindi pinansin ni Martin ang sinabi ni Isabel kung kaya't humingi pa rin siya ng tulong sa mga Hermañes. Dahil alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang mga ito.

"Tama siya ina. Kaya Rafael puntahan mo ang kaniyang silid." utos ni Martin ngunit umalma si Rosa.

"Ako na lamang ang pupunta." sabi niya at agad na tinungo ang daan palabas.

Nakatayo siya ngayon sa labas ng silid ni Isabel. Kumatok siya ng tatlong beses at tinawag ang kaniyang pangalan.

"Isabel." tawag niya ngunit ilang sandali ay walang tumugon kaya mas nilakasan niya ang kaniyang tinig.

"Isabel, tayo ay ipinatatawag ng Gobernador-Heneral." ulit niya ngunit wala pa ring sumagot. Kaya lakas loob niyang binuksan ito. Napatigil siya at nanlalaki ang mga mata nang makitang nagkalat ang mga gamit sa loob. May nabasag at wala si Isabel sa kaniyang kama. Tumakbo siya patungo sa kama nito ngunit nabato na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. Nagkalat ang dugo sa kumot.

"Hindi...Isabel!" nanginginig na sambit ni Rosa.

Habang naiinip namang naghihintay si Martin sa kaniyang silid. Di nagtagal at dumating si Rosa.

"Rosa nasa—

"Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Rafael. Ngayon lamang niya nakitang ganito si Rosa at hindi niya nais iyong makita.

"Kailangan niyong pumunta sa kaniyang silid." nanginginig pa ring sabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?!" tanong ni De la Vega. Hindi pa man nakakasagot si Rosa ay may dumating na guardia civil.

"Paumanhin kung kayo ay aking naabala. Ngunit may ibabalita ako sa inyo Gobernador-Heneral." panimula ng guardia civil.

"Ano iyon?"

"Hindi namin napansin ang kaguluhan kagabi. At may napapabalitang may sumugod sa hacienda kagabi. May mga nawasak na—

Hindi na natapos ng guardia civil ang kaniyang sasabihin pagkat mabilis na nanglakad palabas si Martin. Sumunod ang kaniyang ina na kalaunay lumabas na silang lahat.

"Hindi.... Isabel." nagigimbal na sambit ni Martin. Anong nangyari sa iyo? Hindi ba't ikaw na ang nagsabing kaya mo ang iyong sarili? Bakit hinayaan mong masaktan ka nila? Wala nang mapaglagyan ang labis na pag-aalala ni Martin. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Nababalot siya ng takot at pangamba. Takot para kay Isabel at pangamba na baka hindi niya mailigtas ito tulad ng laging ginagawa ng binibini sa kaniya.

"Halughugin ang buong hacienda. Paaminin ang may kagagawan nito! Ngayon din!" galit na utos ni Doña Celestina. Mabilis na sumunod ang mga guardia civil sa utos at tanging sila na lamang ang natira sa loob ng silid ni Isabel.

"Ako ay humihingi ng paumanhin, Don Miguel, Señorita Felicia. Ngunit sa tingin ko'y sa susunod na araw na lamang natin ipagpapatuloy ang pagpaplano." paliwanag ni Doña Celestina.

"Lubos kong naiintindihan, Doña Celestina. Mukhang may kailangan kayong unahing asikasuhin. Maging ako'y nababahala rin para sa binibining iyon." sabi ni Don Miguel. Ngunit galit at pagkainis ang tunay niyang nararamdaman sapagkat sagabal ito sa kaniyang mga hakbang upang tuluyang bumagsak ang mga De la Vega. Siya ay nagpaalam na kasama ang kaniyang anak upang lumisan. Nang makalabas na sila sa hacienda ay hindi niya napigilang maglabas ng hinanakit.

"Talagang isang malaking balakid ang binibining iyon!" bulalas niya na talagang problemado.

"Siyang tunay ama! At sa akin ring palagay ay unti-unti na niyang nakukuha ang tiwala ni Martin. Unti-unti na niyang nakukuha sa akin si Martin." naiinis niyang sabi. Hindi siya makakapayag na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi niya hahayaang makuha ni Isabel na isa lamang tagapagsilbi, si Martin na kahit gagamitin niya ay tunay niyang iniibig.

Samantala, hindi makapagsalita si Martin. Nakatingin lamang ito sa duguang kama ni Isabel. Nagsimula nang manghalungkat ng mga guardia civil alinsunod sa utos niya upang makahanap ng ebidensya o mga bagay na makakapagbigay sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Inilibot niya ang paningin sa buong silid nang mapadako ang kaniyang paningin sa isang maliit na mesa. Lumalit pa siya rito para makita ng malapitan ang isang bagay na hugis parihaba. Kulay ginto ito at gawa sa metal. May nakaukit dito.

'Inspector Brave Anderson'

Ito ang nakaukit dito. Kinuha niya ito ng may nagtatanong na ekspresyon sa mukha. Nang makuha niya ito ay may isang papel na nahulog mula rito. Kinuha niya ito at binuklat para basahin ang nakasulat rito. Pero hindi na niya iyon nagawa dahil dumating na si Rafael.

"Nakuha na namin ang mga kailangan at ang mga kahina-hinala. Bukod sa rebolber na nakita namin sa ilalim ng kaniyang kama ay wala nang iba pang mga mas kahina-hinalang mga bagay." sambit ni Rafael.

Nabalik sa ulirat si Martin at dali-dali niyang itinago sa loob ng kaniyang suot na coat ang sulat ang ang metal na bagay. Umayos siya ng postura at tayo bago humarap kay Rafael.

"Sa ngayon, iyon lang muna at siguraduhin niyong kikilatisin at susuriin niyong mabuti ang mga bagay na inyong nakuha."

"Masusunod,  Gobernador-Heneral."

"Agad niyong sabihin sa akin kung may natuklasan kayo. " huling sabi niya bago lumabas si Rafael. Nag-iisa na lamang siya sa loob ng silid. Nagtagal pa siya ng ilang sandali bago pumanhik patungo sa kaniyang silid. Nakatitig lamang siya sa bagay na iyon at sa sulat. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Nagdadalawang isip siyang ituloy ang pagbasa sa sulat.

--

Ilang araw at gabi nang hindi makatulog ng maayos si Martin dahil sa mga pangyayari. Mag-aapat na linggo nang nawawala at hindi mahagilap si Isabel. Halos wala nang maisip na paraan si Martin upang mahanap siya. Madami na siyang kinunsulta ngunit sinisiguro niyang hindi ito makakarating sa iba. Dahil ayaw niyang mabigyan ito nang ibang kahulugan lalo na ni Don Miguel at Felicia. Mag-aapat na linggo na rin matapos ang kaguluhan sa simbahan at hindi na ito nasundan pa. Maayos na rin ang kalagayan ni Emman ngunit nasa panganib naman ai Isabel. Iisa lang ang hinala niya at malakas rin ang kutob niyang nasa kamay ng mga rebelde si Isabel. Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pa-iisip nang may gumambala sa kaniyang guardia civil. Inis siyang napatingin dito. Ngunit natigilan siya ng iba ang pumasok.

"Nasaan si Isabel?" agad na bungad nito sa kaniya na hinahabol ang hininga.

"Ano ang ginagawa ng isang magnanakaw dito??!!" galit na sigaw niya sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na pinasok siya ng lalaking nagnakaw sa salapi ni Rosa.

"Wala akong panahon para sagutin iyan, Gobernador-Heneral. Ang mahalaga ngayon ay ang makausap ko si Isabel." magsasalita na sana si Martin ng biglang pumasok si Rosa.

"Mario! Ano ang iyong ginagawa?!" nabibiglang sabi ni Rosa. Sa pagkakataong nalaman niyang sapilitang pumasok sa loob ng hancieda si Mario, agad siyang nagtungo dito sa silid ni Martin.

"Kailangan kong makausap si Isabel." walang paligoy-ligoy na sabi ni Mario.

"Nasaan ba siya?" dagdag ni Mario. Ngunit nagtaka siya nang mapagtanto niyang parang ayaw sumagot at may pumipigil kay Rosa.

"Ano ang nangyari?" malamig at seryosong sabi ni Mario. Natigilan naman si Rosa sa naging tanong ni Mario. Ngayon lamang niya ito nakitang ganito kaseryoso kaya kahit siya ay natatakot at nag-aalinlangan pa sumagot na lamang siya.

"Ang totoo'y nawawala si Isabel at mag-aapat na linggo na."

"ANO???!!" nagulat siya sa galit na sigaw ni Mario.

"Ano na naman ang iyong balak at hinahanap mo siya?" binasag na ni Martin ang kniyang pananahimik at hindi mapigilang mainis.

"Bakit mo siya hinayaang makuha ng mga kalaban?!" nagpipigil si Mario ng galit niya upang hindi magalit sa kaniya ito at paalisin siya. Nag-igting mga tenga ni Martin sa sinabi ni Mario. Tila sinasabi nito na siya ang may kasalanan kung bakit nawawala si Isabel.

"Hindi mo alam ang aking mga ginagawa. At paano mo natitiyak na siya ay nasa kamay ng mga kalaban?!" galit na ring sabi ni Martin. Bago paman tumaas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ay pumagitna na si Rosa.

"Huminahon kayo mga ginoo. Kailangan natin itong pag-usapan ng mabuti." takot niyang sabi. Huminahon naman ang dalawang ginoo. At namayani ang katahimikan. Ilang sandali lang ay binasag ito ni Mario.

"Humihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa kanina lamang." kalmadong sabi nito.

"Kalimutan na lamang natin iyon at hanapin natin si Isabel." tugon ni Martin.

"Mas mainam nga. Ngunit saan ba siya natin hahanapin?"

"Rosa kami muna ay iyong iwanan." utos niya kay Rosa na mabilis naman niyang sinunod.

"Huli naming pag-aakala ay nasa loob siya ng kaniyang silid. At noong araw na iyon ay hindi siya lumabas sa kaniyang silid kung kaya't pinasok namin ang kaniyang silid ngunit wala na siya roon. Tanging mga bakas na lamang at mga dugo ang aming nadatnan." paliwanag ni Martin.

"Kung ganoon, tama nga ang hinala ko." sabi ni Mario na nakatingin sa sahig habang magkahawak ang kaniyang mga kamay.

"Hinala? Iyong nasa kamay ng mga rebelde si Isabel?"

"Mismo."

"Kung ganoon, tamang-tama ang nabuo kong plano." sabi ni Martin habang nakatingin kay Mario tila ba nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.

"Nagagalak akong maging bahagi ng iyong plano."

--

End. Thank you for dropping by.
-blionsky

Continue Reading

You'll Also Like

50.4K 815 13
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
108K 5.4K 68
They say that if they drink my blood their life will be prolonged. If they eat my body- they will never get old and be immortal. And if he takes me a...
290K 16.7K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
93K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...