MAY 17, 2019
MESSENGER
SQUAD GOALS 💎💖
12:02 AM
Abby:
PAY UP BEACHES 😈
SABI SA INYO ILALAMPASO KO KAYO!!!
NO LIKE AND NO COMMENT FROM ENGR
HAHAHAHAHA
Cheantal:
Ugh, sabihan mo nga yang bata mo Jamie
Napaka-wrong timing magpakipot.
Talo tuloy tayo sa pustahan. 🙄
Jamie:
Hayaan mo, Chie.
Aayawin ko si Engr para sayo.
Abby:
Ayan, ang mamalisyosa niyo kasi.
Kung anu-ano iniisip niyo.
Sabing friends lang talaga kami
Hanggang dun na lang.
Cheantal:
May nakikipag friend bang ganyan
Obvious naman na he's making his presence felt.
Damang dama yung pagpapansin!
Jamie:
Humuhugot lang yan ng lakas ng loob
Hahahahahahaha
Abby:
Si Jace din naman lagi naglilike saka comment ah?
Cheantal:
Beach, known fact naman na may gusto sayo yung kaklase mo na yun. Nanligaw pa nga di ba?
Si Engr, simpleng paramdam na interesado.
Disguise pa syang gusto makipagkaibigan.
Buking ko na sya kamo!
Jamie:
Nagpapalipad hangin hihihi 🤭
Ang high school pero #kilig
Abby:
Di ko na talaga alam kung support nyo ko magmove on o pinagtutulakan nyo ko kay Miles 🙄🙄🙄
Jamie:
Syempre dun kami sa masaya ka 😘😘😘
At sa piling ni Miles yun
Abby:
MAS LALO NIYO LANG GINUGULO ISIP KOOOO!!!!
MGA BWISIT KAYO HMP!!!
Cheantal:
Sus, gusto mo rin naman 😏
Abby:
Nakakainis kayo, alam niyo yun?
Pero seryoso, ayoko umasa sa mga sinasabi niyo.
Nakakapagod nang masaktan, eh.
Kahit gusto ko yung idea na maging kami ulit
Ayoko na lang ipilit.
Move on na lang tayo, guys.
Cheantal:
Di ako magsasawang sabihin to sayo
Gawa, Abby. Wag puro salita.
----
#SIY2020