FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 14

12.6K 506 99
By TitaAmor07

KABANATA 14

“Selena,” pagtawag ni Blue. Hinabol niya ang dalaga. Nang naabutan niya ito, agad niyang inakbayan. “Puwede ka ba mamaya?”

Mabilis pa sa kidlat na tumango ang dalaga. “Oo. Saan?”

“Motel. Isasama ko ang dalawa, ah? Miss ka na rin kasi nila.”

Napangiti si Selena. “Sure. No problem, basta ikaw, Blue.”

“Thank you. Susunduin ka namin mamayang gabi sa bahay niyo. Sige, mauna na ako.” Tinapik niya ito bago umalis. Pero napahinto ito at nilingon ang dalaga. “Mag shave ka, ah? Sige na, puntahan ko muna si Pula. Bye.”

Tumakbo na si Blue papunta sa classroom nila Katleya. Sigurado kasi siyang nandoon iyong kapatid niya. Pagdating ni Blue sa harapan ng elavator, pinindot niya na sa ika-anim na palapag. Naghihintay na lang siya na bumukas ito. Pero nang tumunog ito, senyales na bubukas, inihanda niya na ang kanyang sarili. Pero pagbukas ng pinto ng elevator, umiiyak niyang kambal ang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

“P-pula. Ano'ng nangyari sa iyo?” pag-aalala ni Blue.

Napailing lang ito. “Mauna na ako.”

Hinawakan niya ang braso ng kamay ng kapatid. “Tell me. What's your problem?”

Tiningnan ito ni Red nang masama. “Bitawan mo ako!”

Nakipagtigasan si Blue rito. “Kahit bugbugin mo ako, wala akong pakialam! Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin.”

“Isa,” pananakot ni Red.

“Wala akong pakialam, ’di ba?”

“Dalawa.”

“Bleh! Wala pa rin akong pakialam.”

“Tatlo.”

“Mahal mo ako, hindi mo ako kayang saktan,” paninigurado ni Blue.

“Buwesit!” sigaw ni Red . Ginulo pa niya ang kanyang buhok sa sobrang inis.

“Hoy! Sabihin mo sa akin. Ano ba ang problema mo?”

“Ang babaeng gusto ko, iba pala ang gusto.” Tiningnan niya si Blue. “Alam mo ano ang mas masakit? Ikaw ang kanyang gusto gamit ang pangalan ko.”

“W-wait. Si Katleya? Ako ang gusto? Paano mo nasabi?” takang tanong ni Blue.

“Sa pageant last year. Sa pagpanggap mo bilang ako. Iyong ibinalik mo raw sa kanya ang hikaw niya, hinaranahan mo siya, at nakuryente pa raw kayong dalawa. Doon niya napagtanto na gusto ka na niya. See? Ito iyong sinabi ko sa iyo, Asul. Sa akin ang credits, pero kailanman hindi ako magiging masaya kasi hindi ako iyon, ikaw ’yon.”

“Tapos sumuko ka na agad? Ang weak mo, e! Magkamatayan man, hinding-hindi ko magugustuhan si Katleya, I never see myself to be with her as my woman. Kaibigan lang talaga siya sa akin. Hindi rin naman niya ako magugustuhan lalo pa at alam niya na mahilig ako sa babae. Malay mo, ako lang ang dahilan para magustuhan ka niya. Ako ang inyong kupido. Kasi isipin mo, isang gabi lang iyon. Iyong Red na mas nakilala niya ay ikaw na iyon at hindi na ako.”

“Pero baka ikaw ang gusto niya talaga kasi ikaw iyong nauna.”

“Baka? Para mawala 'yang baka mo, tanungin mo siya. Tinanong mo na ba?”

Umiling si Red.

“Weaksh*t. Suko agad? Balikan mo.”

“Natatakot ako malaman na baka ikaw talaga ang mahal niya.”

“She's yours, okay? She just a ’lil sister to me.”

Napangiti si Red. “Salamat, Asul. Pinapalakas mo ang loob ko. Sige, babalikan ko na siya roon.”

“Sasamahan na kita. Sa palagay ko, after this, maging kayo na. Nakita ko na ito sa p*rnhub, e.”

“Bunganga mo talaga. Magpasalamat ka, sobrang mahal kita,” si Red.

“Mahal mo mukha mo. Tara na.”

Pagdating nina Blue at Red sa classroom nila Katleya, naabutan nila itong umiiyak na nakaharap sa bintana. Nakatayo ito habang yakap ang teddy bear na bigay ni Red. Pinatago ni Blue ang kambal niya sa kanyang likuran dahil may gagawin siyang ikatutuwa nito. Nakatitig lang si Katleya sa bintana at walang humpay sa pag-iyak.

“Kat, si Blue ito. Ako raw ang gusto mo?” tanong nito na nagpipigil sa pagtawa.

Pinunasan ni Katleya ang luha sa mga mata niya at hindi man lang nilingunan ang binata. “Walang rason para magustuhan kita.”

Lumingon si Blue kay Red, “One point.” Ibinaling niyang muli ang tingin kay Katleya. “Pero sabi ni Pula, kinilig ka raw sa akin noong hinaranahan kita, ’tapos iyong kuryente sa kamay, tapos iyong pagbalik ko sa iyo sa nawala mong hikaw?”

“Oo, totoo ’yon. Doon ko siya unang nagustuhan, ’tapos ikaw pala iyon.” Tumulo ang luha ni Red nang marinig iyong muli kay Katleya. “Pero mas nagustuhan ko na siya noong araw-araw ko siyang sinusundan dito sa school. Mas nakilala ko siya, kung sino siya talaga. At dahil doon, minahal ko na siya.”

Lumingon muli si Blue sa kambal niya. “Two points,” mahina niyang sabi. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Katleya. “So sino ang mas mahal mo? Ako o si Pula?”

“Wala ka sa pinagpipilian, okay? Si Red ang mahal ko, si Red, si Red, si Red at wala ng iba pa!” sigaw ni Katleya.

“Ako ang mahal mo, Kat?” tanong ni Red. Sumali na ito sa usapan.

Napalingon si Katleya. Nang makita niya ang lalaking mahal niya, agad niya itong niyakap nang sobrang higpit. Nagyakapan silang dalawa habang walang humpay na bumuhos ang luha sa kanilang mga mata.

Palihim naman silang kinunan ng litrato ni Blue na sobrang saya sa nasaksihan. Dalawang taong tunay na nagmamahalan.

Humiwalay na sina Katleya at Red sa pagyayakapan.

“Ikaw ang mahal ko, Red. Ikaw lang at wala ng iba pa,” sabi ni Katleya.

“Oo, pinatunayan mo iyon sa akin ngayon.” Hinawakan ni Red ang mukha ng dalaga. “Puwede ko na bang kunin ang matamis mong oo?”

“Oo. Sinasagot na kita, Redrigo! I love you.”

“French kiss na ’yan,” panunukso ni Blue na kinikilig sa dalawa.

Napalingon si Red dito. “Bibig mo.”

“Sorry. Wild lang.”

“Wild mo mukha mo!” panggagaya ni Red sa kambal niya.

Dinilaan naman ni Katleya si Blue. “Bleh!”

“Bleh mo mukha mo. Tsk! Gawa ng pamangkin na ’yan,” anito. Mabilisan itong tumakbo palabas dahil natakot siya sa gagawin ng kambal niya.

Nang wala ng tao, nagkaroon na ng oras ang bagong magkasintahan. Hindi naman nila mapigilan na mapatitig sa isa’t isa. Hindi nagtagal, ngumuso si Red at parang may hinihingi sa dalaga

“Ano?” tanong ni Katleya. Ngumuso muli si Red at agad iyon naintindihan ng dalaga. “Ah. Kiss?”

“Puwede?” pahiyang sagot ni Red.

Pagtango ng dalaga, agad inilapat ni Red ang kanyang labi rito. Ngunit nanlaki ang mga mata niya kasi hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Ito kasi ang kauna-unahang halik niya.

Bumuwag na si Red na may hiya sa mukha. “Hindi ko pala alam, Kat. Sorry.”

Kinurot ni Katleya ang pisngi nito. “Ang cute mo, Red. Better luck next time.”

“Sayang din.” Napakamot pa ito sa kanyang ulo.

Tumawa lang ang dalaga.

“Ipapaalam na natin kina Tita, Kat. Tapos bukas kina Mommy na naman,” si Red.

“Sige, tara na? I'm sure matutuwa ang mga iyon.”

“Wait, yayakapin na muna kita,” hiling ni Red.

Pumunta na si Red sa likuran ni Katleya at niyakap niya ito nang mahigpit. Pero habang ginagawa niya iyon, hindi niya sinadyang makaramdam ng pang-iinit. Tinigisan siya bigla. Nanlaki naman ang mata ni Katleya nang maramdaman na may gumalaw sa bandang likuran niya. Bumuwag agad si Red sa pagyakap at nagpakawala nang malalim na hininga.

“Ano’ng nangyari sa iyo, Red?” patay-maling tanong ni Katleya. Kahit alam niya kung ano iyon.

“W-wala? Wala ka bang naramdaman? Sorry,” anito.

“Huh? Ano?”

Ngumiti ang binata. “Salamat naman kung ganoon.” Kinuha niya ang mga gamit ni Katleya na nasa upuan. “Tara na.”

•••

Dumating na si Blue sa mansion ni Rosa at dumiretso agad siya sa kuwarto niya para magpahinga. Nang makarinig siya ng ingay na nagmula sa labas, napatakbo siya papunta sa balcony para susihin kung ano’t sino iyon. Nakita niya si Rosa sa pool area kasama ang mga pinsan at kamag-anak niya.

Pagtingin niya sa swimming pool, nagsitayuan ang mga balahibo niya. Napapikit din ang mga mata niya dahil parang may nakikita siya sa kanyang isipan. Madilim ito pero may mga boses siya ng bata na naririnig. Napailing-iling si Blue dahil sumakit bigla ang ulo niya. Pagkatapos, nakikita niya ang sarili na lumulutang sa tubig habang nahihirapan siyang huminga. May kasama rin siyang bata at dalawa silang lumulutang habang magkahawak ang mga kamay.

“Laaaaaaaaaa!” sigaw ni Blue bago tuluyan bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

•••

Gusto nang imulat ni Blue ang kanyang mga mata ngunit hindi niya ito mabuksan. Pero naririnig nito ang ingay sa paligid. Alam niyang nandito ang iilang tao na parte ng buhay niya.

“La, gumagalaw na po ang mata ni Asul,” anang Red.

“Tatawagin ko muna ang doctor,” pagrepresenta ni Green.

“Sasamahan na kita, Green. Red, kami na bahala. Diyan ka sa tabi ng kambal mo.”

“Sige, salamat sa inyo,” sagot ni Red.

Lumabas na ang dalawang binata para puntahan ang doctor.

“Bakit kaya nahimatay ang apo ko?” umiiyak na tanong ni Rosa. Nakaupo ito sa isang upuan.

“Mom, magpasalamat na lang tayo na hinimatay lang ’yan at hindi namatay,” sabi ni Belinda. Nakatayo ito sa gilid ni Rosa.

Tumayo si Rosa at sinampal ang anak. “Bakit ka nandito? Kung pagsasalitaan mo lang ng ganyan ang baby ko, umalis ka na rito. Hindi ka ba naaawa sa pamangkin mo?”

“Mas naawa ako sa isa kong—” si Belinda. Hindi niya ito natuloy sabihan dahil sinampal siyang muli ni Rosa.

“Tama na, La.” Tiningnan ni Red si Belinda. “Tita, ano ba?! Hindi ka pa rin ba tapos kay Blue? Kumupas na iyong scandal niya, oh? Hindi pa rin kayo naka-move on?” inis na sabi nito.

Napatawa bigla si Belinda...

Tiningnan ito ni Rosa, may pagbabanta sa titig nito. “Subukan mong magsalita, binabalaan kita!”

“Fine,” sagot nito sabay alis.

“La, ano po ba ang meron?” tanong ni Red.

“Wala baby, hayaan niya na lang iyon si Belinda,” wika ni Rosa sabay upo. Hinimas din nito ang dibdib niya dahil bumilis ang tibok ng puso niya sa nangyari.

Bumukas ang pinto at dumating na rin sina Crezelda at Zander. Nanggaling pa ito sa kanilang kumpanya at nagmamadaling sumugod sa hospital.

“Mom. What happened?” pag-aalalang tanong ni Crezelda. Makikita mo ito sa mga mata niya.

“Wala akong alam. Narinig ko na lang siyang sumisigaw mula roon sa balcony. Pagsilip ko, nakita ko siyang nakaratay na roon, kaya napatakbo ako,” litanya ni Rosa.

Lumapit si Crezelda kay Blue. “Nak? Okay ka lang?”

Kahit hindi mamulat ni Blue ang mga mata niya ay kusang tumulo ang luha niya. Ito ang kauna-unahang beses na kinamusta siya ng kanyang ina.

Dumating na ang doctor at sinuri na si Blue. Minuto ang lumipas, unti-unti nang dumilat ang mga mata nito.

“Ano’ng nangyari sa iyo, Mr. Montenegro?” tanong ng doctor.

“Nasa balcony po ako ng mga oras na iyon, nagsiyahan sila Lala sa baba, sinubukan ko naman na hindi tumingin doon dahil natatakot ako na makita ang pool, pero hindi ako makatiis kaya tiningnan ko sila. At nang makita ko silang nagsiyahan sa pool area, para ba akong hinila nito, sumakit bigla ang ulo ko, ang sakit! Tapos may nakikita ako, para akong nalulunod. May kasama akong bata at lumulutang kaming dalawa, hanggang sa nahirapan na akong huminga,” paliwanang ni Blue.

“May takot ka pa sa swimming pool o sa dagat? Sa mga malalim na tubig?”

Tumango ang binata.

Napalingon ang doctor kina Crezelda at Zander. “Mr. and Ms. Montenegro, may hindi ba siyang magandang karanasan tungkol sa tubig?”

“Yes, doc.”

“Mag-usap tayo roon sa opisina ko,” tugon nito.

“Okay, Doc.”

Lumabas na ang doctor.

“Mom, Dad,” umiiyak na sambit ni Blue.

Umupo si Crezelda sa tabi ni Blue. “Come back home, nak” hiling nito. Hinaplos pa niya ang mukha ng anak niyang lumuluha.

“Sorry na po,” si Blue. Tiningnan niya si Zander. “Dad, sorry po sa inasal ko.”

Tumango ang ama nito. “Bumalik ka na sa bahay. Miss ka na namin.”

“Hindi na po kayo galit sa akin? Papansinin niyo na po ba ako?” paninigurado ni Blue.

“Yes, nak,” ani Crezelda.

Napangiti si Blue habang walang humpay ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata. Masaya siya na marinig iyon mula sa ina niya.

Hinalikan ito ni Crezelda sa noo. “Sorry, nak. Sa mga pagkukulang namin ng daddy mo sa iyo at kailanman hindi kami naging magulang sa iyo, patawarin mo ang mommy at ang daddy, ha? Mahal ka namin. Babawi kami.”

Nagpipigil sa paghikbi si Blue dahil sa narinig. Sobrang saya niya at hindi makapaniwala sa nangyari.

“Salamat po.”

Lumapit si Zander kay Blue at niyakap ito. “Sorry, nak. Babawi kami ng mommy mo. Pangako namin ’yan. Masyado kami naging malupit sa iyo.”

“Asul,” sambit ni Red na may ngiti sa labi.

Tiningnan ito ni Blue. “Congrats pala sa inyo.”

“Salamat.”

“Puntahan ko muna si doc,” pagpapaalam ni Crezelda.

Pagdating ni Crezelda sa office ni Dr. Silva, agad siya nitong sinalubong ng tanong. Gusto nitong malaman kung ano nga ba ang nangyari sa pasyente niya. Para malaman nito kung ano ang dapat gawin dito.

“Tatlo silang magkapatid, triplets. Dalawang lalaki, isang babae. Noong nasa apat na taong gulang pa lang silang tatlo. Nagluluto ako noong panahong iyon at kasama ko sila, si Blue, iyong pasyenteng nandoon, si Redrigo, at si Pinkerlia. Habang busy ako sa pagluluto, hiniling ng tatlo na roon muna sila sa sala. Pumayag ako dahil may tiwala ako sa kanila, kami lang ang nasa bahay ng mga panahong iyon kasi hindi kami kumuha ng katulong. Sa mga sandaling nandoon sila sa sala...” Napatigil sa pagsasalita si Crezelda nang inalala ang nangyayari. May namumuong luha na rin sa mga mata niya. “Tumakbo ang anak kong si Red, hinihingal siya, sabi niya, isinakay raw ni Blue si Pink sa bisekleta nito papuntang pool.” Pinunasan nito ang luha sa mga mata niya. “Pinatay ko ang niluluto ko at tumakbo roon, pagdating ko...” Napahinto muli ito sa pagsasalita.

“Iiyak mo lang 'yan, Ms. Montenegro.”

“Pagdating ko roon.” Humagulgol na si Crezelda. Makikita mo sa mga mata niya ang sakit na inalala ang isa pang anak. “Dalawang anak ko ang lumulutang sa tubig. Tumalon ako para isalba sila, ginawa ko ang lahat para magising sila, mabuhay sila, pero sobrang sakit kasi isa lang ang nailigtas ko sa kanila, hindi ko na nasalba si Pinkerlia. Simula noong insidenteng iyon, natatakot nang makakita ng pool si Blue, na kung makakakita ito ng dagat natataranta ito. Ang ginawa namin ng asawa ko, tinanggal namin ang swimming pool sa bahay. Ginawa namin itong garden. Sa murang edad ni Blue, sinisi niya ang sarili niya, lagi na lang siyang tulala at hinahanap ang kapatid niya. Ang ginawa namin mag-asawa, tinanggal namin lahat na meron kaugnayan sa anak naming si Pinkerlia at bumisita kami sa isang psychiatrist at nagtanong kami kung ano ang dapat naming gawin para sa ikabubuti ng mga anak namin...” Humugot ito nang malalim na hininga. “Kahit si Red, naapektuhan din pero hindi gaano katulad sa sinapit ni Blue. Sinubukan naming mawala sa alaala nila ang kapatid nilang si Pinkerlia through Eye Movement Desensitization and Reprocessing o EDMR. Ito ay isang pyschotheraphy treatment. Dahil sa treatment na iyon, makakalimutan ng kambal ang mga hindi magandang alaala. Mga taon din ang lumipas, hindi na nila nabanggit at hinahanap at hinahanap ang kapatid nila. Sobrang thankful naming mag-asawa sa nangyari dahil naging okay na sila. Pero ngayon, hindi nila alam na may isa pa silang kapatid. Sobrang natatakot kami na kapag maalala nilang muli ay bumalik na naman sila sa dati.”

“Ang dapat niyong gawin ay ilayo sila sa mga bagay na nagpapaala sa kanila sa nakaraan, lalo na kay Blue na sangkot sa insidente. Kung maari ay umiwas kayo. May ibibigay akong suggestions.”

Nagpatuloy lang sa pag-uusap sina Crezelda at ang doktor. Sinabihan din ng doctor si Crezelda sa mga dapat na gawin. Naging klaro na rin kung bakit nagkaganoon si Blue. Minuto ang lumipas, nang matapos silang mag-uusap, aalis na si Crezelda.

“Salamat, doc,” pormal na pagpapaalam ni Crezelda.

Pagbukas nito ng pinto sa office ng doctor para lumabas, nanlaki ang mga mata niya kung sino ang bumungad sa kanya. Isang binatang umiiyak na narinig ang lahat ng pinag-uusapan nila.




~~~

Continue Reading

You'll Also Like

867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
214K 4.8K 67
In the same blood, We both ended, The Forbidden Love, We both started.
564K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...