STS #2: Give Me More [COMPLET...

Da Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... Altro

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 1

60.4K 1.2K 97
Da Missflorendo

Kabanata 1

"Tapos ka na sa balita mo?"

Umupo si Kairo sa tapat ko at inilapag ang dala niyang dalawang kape sa lamesa. Nasa coffee shop ako sa tabi lang ng PBN News at nagtatapos ng mga script nang tumawag itong pinsan ko at gusto yatang chumika.

"Mukha bang tapos na 'ko? Edi sana hindi mo na 'ko inabutang nag-ta-type dito sa laptop ko." Inirapan ko siya at sumimsim sa kapeng binili niya.

"Dinudugo ka ba?"

"Punyeta ka rin eh, noh?" Binato ko siya ng nilamutak na tissue paper at tinawanan lang ako ng sira ulo. Halos araw araw kasi kung makapag-aya siyang gumimik kaya heto at naghahabol tuloy ako ng deadlines. Kasalanan niya 'to actually. Bad influence siya.

"Ayaw mo pa kasing lumipat sa condo ko. Di naman kita sisingilin ng renta."

"Sus. Baka malaman pa ng bruhilda mong ina at kung anu-ano na naman ang i-report no'n kay Daddy na kesyo naghihirap na 'ko at masyado akong ma-pride na spoiled brat."

Tumawa siya ng malakas. "Advance ka rin talagang mag-isip e, noh?"

"Naman! May fast forward button yata utak ko."

Binilisan ko ang pagta-type. Isang balita na lang ang kailangan kong ihabol para sa evening news. Mali yatang tinanggap kong maging head news writer. Naiipit tuloy ako sa dami ng kailangan kong isulat at i-check na mga balita imbes na kumekembot na 'ko ngayon at umiinom. Pero syempre joke lang. Hehe. Lalabs ko 'tong trabaho ko kaya kahit wala munang noms keri lang.

"Inom daw tayo sa Royal. Nagtext sina Dior."

"What time?" mabilis na sagot ko. Rupok shet.

"After mo d'yan sa sinusulat mo. Daanan din natin si Mona sa condo niya."

"Libre mo 'ko?"

"Kelan ka ba gumastos 'pag kasama mo 'ko?"

"Labyuuu." Ngumuso ako sa kanya at tinapos ko na itong ginagawa ko. Niligpit ko agad ang mga gamit ko at nilagay sa dala kong backpack.

Kapag nasa trabaho talaga ako ang hirap umawra. Kailangan kasi lagi akong naka backpack sa dami ng dala kong gamit. Di bale sana kung may car ako kaso sinurender ko rin kay Daddy para panindigan ang desisyon kong mamuhay ng simple at payapa. Nanghihiram na lang ako dito kay Kairo 'pag kailangan talaga kaso pahirapan dahil wala siyang tiwala sa driving skills ko.

"Wait! Bili akong fishball saglit," sigaw ko nang mahagip ko iyong suki ko.

"Subukan mo at sa gulong ka sasakay."

"Taragis ka talaga ang KJ mo!" Nagdadabog akong sumunod sa kanyang maglakad.

Di ba niya alam na minsan ko lang maabutan 'yong si Kuyang Fishballer?! Laging sold out 'yon sa kabilang street bago pa makarating sa street namin kaya swerte ko ng makita iyon kanina! Hindi pinansin ng walangya kong pinsan ang pagrereklamo ko at dere-derecho siya sa parking space. Hindi ko rin siya tinigilan sa kakareklamo ko hanggang sa napilitan siyang mag-drive thru at binilhan ako ng burger at fries. Korni.

Sinundo namin si Mona sa condo niya at nakiagaw pa sa pagkain ko ang bruha. Pinsan ko rin 'yan. Actually wala akong halos kasundo sa mga Tita at Tito ko, pero iyong barkada ko ay mga pinsan ko rin. Pasalamat na lang ako sa maykapal at hindi sila nagmana sa mga magulang nila. Hindi rin naman nila kasundo mga parents nila kaya nag-click kaming lahat. Tsaka magkaka-edaran lang kami.

"Hinahayaan mong mag-enjoy sa kayamanan natin 'yong Allyson na 'yon habang ikaw isang kahid isang tuka! That's kinda insulting, you know?" inis na singhal ni Mona pagkasakay niya habang nagtitingin ng posts ni Allyson sa socmed.

"Grabe ka. 3x a day pa naman ang kain ko," pagtatama ko kahit naman may point siya sa sinabi niya. "May bagong koleksyon na naman ba siya?"

"Oo!" nanlalaking mata na sagot niya. "Gagang 'yon! Hinihintay ko pa lang ang release ng bag dito sa Pinas, naunahan na niya 'kong bumili abroad! Kapal ampota kala mong nagtatrabaho! Bumubukangkang lang naman sa araw at gabi!" inis na inis na sigaw niya.

Humagalpak kaming tatlo sa kakatawa! Tanginang bibig iyan walang preno!

"Walangya talaga 'yang kabastusan ng bunganga mong gaga ka!" tumatawa kong inabot ang blonde niyang buhok sa backseat at hinila.

"Aray ko naman! Kaka-pa-salon ko lang n'yan!!" reklamo niya.

Nagtalo pa kami sa loob ng sasakyan at asar na asar si Kairo sa kaingayan namin ni Mona. Ginusto niyang daanan namin 'to e. Kaya magtiis siya. Pagdating namin ng Royal ay may tama na ang dalawa pa naming pinsan na sina Dior at Lyra. May mga alak na sa lamesa at nagpakuha pa ng marami si Dior dahil masaya raw siya today. Habang si Lyra ay abala na sa landi niya sa sulok. Grabe makipaglaplapan si gaga feeling nasa pelikula.

"Hoy bakit ba ngayon lang kayo?! Nakarami na 'yang si Lyra sa tagal niyo!" sigaw ni Dior dahil maingay sa paligid.

"Kelan ba bumagal 'yan sa lalake? Gahaman 'yan e!" sagot ko at inalis na ang tingin ko do'n sa dalawa. Inabutan ako ni Dior ng San Mig. Pang warm up. "May mga tinapos pa kase 'kong trabaho!"

"Ayaw mo kasi sa easy money. Tsk."

Napangisi na lang ako at uminom. Nakita kong may kinakausap ng chikas si Kairo do'n sa kabilang table. Napakabilis din talaga ng isang' to!

Gusto ko lang naman uminom kaya ako nandito. Pero wala ako sa mood lumandi. Di bale sana kung bet ko yung lalandiin ko kaso wala akong mapiling tatapat kay Fyuch. Isa lang ang isinisigaw ng maharot kong puso. Si Attorney lang! Nasaan kaya 'yon ngayon? Namimiss rin kaya niya' ko?

"Hi, cous!" Akmang lalapit pa lang si Lyra para humalik sa pisngi ko ay hinarang ko na ang palad ko sa mukha niya.

"Kadiri ka pagkatapos mong makipaglaplapan idadampi mo 'yang bibig mo sa mukha ko?"

"Arte ha! Eto flying kiss na lang. Catch!" Umakto akong hinuli ito at tawang tawa siyang tumabi sa' kin. "Ayaw mong magpadilig?"

"No thanks. My body has been reserved already by the almighty spirit of my future husband." Saka ako nag amen sign.

"Yuck. Boring! Practice lang ayaw mo? May rereto 'ko sa' yo magaling 'yon!"

"Tangina ka natikman mo na yata saka mo papasa sa' kin!" reklamo ko.

Pinaghahampas niya ko sa sobrang pagtawa niya. Makatawa wagas! Wala ng bukas? Feeling naman niya papatos ako sa pinaglumaan niya like, eeew! There's a brighter opportunity waiting for me. And he's a lawyer. Ahck!

Tumayo rin ulit si gaga at naghanap ng bagong kalaro. Mabilis niyang nahuli iyong bagong dating na pogi at hinatak ito kung saan. Hindi talaga mapakali ang gaga kung walang kiskis! Napatingin ako sa table namin at tangina ako na lang pala ang natira dito. Ginala ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan na 'yong mga mahaharot kong pinsan at pucha mukhang hindi ako pwedeng tamaan ngayong gabi. Si Mona ay nasa kabilang table na at lahat sila ay may mga kalandian na! Iiwan ko talaga 'tong mga 'to mamaya sa kalsada 'pag ako na lang ang natirang matino sa amin.

Tinungga ko ang ikalawang bote ko ng San Mig at napatingin ako sa apat na lalaking papasok sa may pintuan. Parang literal na nag-play sa pandinig ko ang almost paradise ng Boys Over Flowers habang papasok sila at inokupa ang table sa likod ko.

"Ang laway umaagos." Napatingin ako kay Dior na pabagsak tumabi sa 'kin sa couch. "Mukhang nakahagip ka na ng target ha? Sino d'yan?"

Sinundan niya ng tingin iyong direksyong tinitignan ko sa likuran namin. "Yung naka-navy blue na V-neck shirt," mahinang sambit ko.

Hinampas niya 'ko ng malakas na ikinagulat ko. "Shit ka! Si Atty. Smith?!"

Napaharap ako sa kanya. "Shit ka rin! Bakit kilala mo?!"

"Sino bang 'di nakakakilala d'yan?! Pantasya kaya ng lahat 'yan!"

Shit! Hindi ko mapapayagan 'yan!

"Do you know him personally?!"

"Hindi." Nakahinga ako ng maluwag. Muntikan na 'kong mag-selos do'n ah. "Pero yung isang kaibigan niyan kalandian ni Lyra."

Nilingon ulit namin iyong pwesto nila sa likod at itinuro niya yung boylet ni Lyra do'n na naka-black at naka cap. In fairness, may itsura silang lahat. Pero nangingibabaw talaga si Fyuch.

"Sana ako na lang 'yong shot glass."

"Tangina ka!" tawa ng tawa si Dior sa sinabi ko habang pinapanood namin itong si Attorner na dalhin ang baso nito sa mga labi niya. "Pakilala ka na kasi. Wag mong ipahiya ang lahi ni Lyra!"

Napasimangot ako. "Di pa pwede. Baka tuluyan na 'kong dalhin niyan sa korte 'pag nagpakita ako." Ayokong mainis siya lalo sa presensya ko. Kailangan ko munang pakalmahin ang bad records ko sa puso niya.

"Weak."

"Basta walang gagalaw niyan ah. Akin 'yan."

"K fine. Backup-an ka namin."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "You're the best!"

Umalis din si Dior nang may tumawag sa kanya doon sa isa pang table. Jusko lahat yata ng nandito kilala na niya. Basta ako nagkaro'n ako ng rason para mag-behave lang dito sa pwesto ko. Haay. So near, yet so far. Pero 'di bale, mapapasaakin ka rin balang araw. Pinapanako 'yan ng puso ko sa puso mo. Amp!

"Anak ng tokwa wala kayong kasamang driver?!" tinampal tampal ko ang mukha ng mga wala ng malay na sina Mona, Lyra, at Dior na nagsibalikan na rito sa couch namin. Mga malalanding 'to hindi man lang naisip na walang maghahatid sa kanila!

It's already 2am kaya hinanap ko na si Kairo para maiuwi na niya kami. Nakita kong lumalandi pa rin si gago kaya hinatak ko na siya pabalik sa pwesto namin.

"Are we going home?"

"You're reeking of alcohol, you idiot!" tinakpan ko ang ilong ko sa umaalingasaw niyang amoy. Tinuro ko ang mga pinsan naming passed out na. "Hatid mo mga 'yan!"

Tinignan lang niya ako at saka siya tumabi sa kanila at humilata. Wtf?

"I'm telling you, Kaiden Royce, babasagin ko ang sasakyan mo kapag hindi ka tumayo d'yan."

Mabilis pa sa alas-kwatro niyang binuhat isa isa iyong tatlo papuntang parking space. Hinanap ko si Sam, yes close kami first name basis na. Kaso umuwi na yata. Hindi man lang ako nakapag good night kiss. Kasalanan kasi ng tatlong 'yon kaya nawala sa paningin ko 'yong bebe boy ko e!

Nakasimangot akong naglakad papuntang parking. Napataas ang kilay ko nang nasa shotgun seat na ang walangyang Kairo at natutulog na. Taragis 'tong mga 'to ako pa yata ang gagawing driver! Punyemas wala naman na 'kong choice dahil baka ikamatay ko pa ng maaga kapag pinag-drive ko si Kairo. Kinuha ko ang susi niyang nakasabit sa kanyang tagiliran at pumwesto na 'ko sa driver's seat.

Akala ko ay wala ng pag-asang umayos 'tong gabing 'to subalit nagningning agad ang mga mata ko nang makita kong paalis pa lang din ang kulay pulang ferrari ni Fyuch. Destiny nga naman! Malapad ang ngiti kong sinundan siya. Sinulyapan ko 'tong mga kasama ko. Wala naman sigurong masama sa konting roadtrip baka sakaling malaman ko na kung saan ako susunod na uuwi.

Huminto siya sa tapat ng isang condominium building sa may Makati. Lumabas siya at binuksan niya ang backseat saka hinila iyong dalawa sa mga kasama niya kanina. Aww sweet. We share the same sentiment pala nakakatuwa naman. Talagang hinatid pa niya ang mga ito sa taas. Sinundan ko ulit siya, pero syempre maingat akong 'wag mabuking. Sunod siyang huminto sa isang condo sa Taguig at sakto the same condo nitong si Mona! Dali dali akong lumabas at hinila silang dalawa ni Dior. Kung kaya ko lang din akayin si Mona palabas isasama ko na siya para isang bagsakan na lang ang paghahatid ko! Buti na lang kahit susuray-suray ay kaya pa rin nilang makatayo. Napapailing kaming tinitignan ni kuyang guard habang papasok kaming tatlo.

"Wait!" sigaw ko sa papasarang elevator. Bumukas ulit ito at nakita ko agad ang kinabukasan ko sa kanya. Charot! Hirap na hirap kong inalalayan papasok 'tong dalawa kong kasama. "11th floor please," pakisuyo ko dahil hindi ko na maabot iyong pindutan sa bigat nitong mga akay-akay ko.

Pinindot naman niya at pagkasarado ng elevator ay nakita ko ang poging pogi pa rin niyang repleksyon. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang pag-ngiti ko dahil hindi ko ito matatakpan ng kamay ko. Ang hirap magpigil ng sigaw lalo na't naririnig ko ang pagwawala ng maharot kong kaluluwa so loob ko.

Nang bumukas ang 11th floor ay pahirapan na naman ako sa paglabas dahil sa mga bwiset na 'to. Pasalamat sila ay may idinulot na maganda itong kalasingan nila dahil kung hindi ay iiwan ko lang sila do'n sa gwardiya sa baba. Nakita kong inalalayan ni Attorney ang pagsasara ng elevator dahil baka maipit ako at masaktan ang babaeng mamahalin niya in the future.

"Thank you," mahinhin na sabi ko bago sumara ang elevator. Okay lang sige kahit hindi man lang niya 'ko tinignan.

"Ang bigat niyong mga bwiset kayo!" Humahangos ko silang binalibag pagkabukas ko sa unit ni Mona. Binuksan ko lang ang AC at saka ko na sila iniwan. Tumakbo ako ng mabilis pabalik ng elevator baka sakaling maabutan ko pa siya pababa kaso expired na yata ang swerte ko. Hindi ko na siyang nahabol. Huhu.

Laglag balikat akong bumalik sa kotse at nag-drive naman papunta sa condo nitong si Lyra. Nang maihatid ko na silang lahat, itong si Kairo na lang ang natira. At si gago pagka-park ko ng sasakyan niya ay biglang nagising ng matino!

Binatukan ko siya. "Walangya ka talaga! Sinadya mo sigurong magtulug-tulugan!"

"Aray ko! Hindi ah! Nalasing talaga 'ko," reklamo niya. Hinila niya 'ko papasok sa building. "Bukas ka na umuwi. Dito ka na muna matulog."

Hatak niya 'ko hanggang sa makarating kami sa unit niya. In the end ay pumayag rin ako dahil pagod na pagod na rin ang katawan ko. Napaka-sosyal lang talaga ng condo na 'to. Ang ganda ganda ng facilities mula labas hanggang loob. Maganda rin naman kasi ang presyo. Tsaka pahirapan ang pagkuha ng unit dito dahil mahal masyado.

Dere-derechong pumasok si Kairo sa kwarto niya at ako naman sa kabila. Malaki itong unit niya at may dalawang kwarto kaya pilit niya 'kong pinapalipat. Pero no way. Hinding hindi ako lilipat dito. Masaya naman ako do'n sa apartment ko kahit maliit. Tsaka mura lang ang renta ko do'n.

Naligo ako at kumuha ng pwede kong masuot na pantulog sa cabinet ni Kairo. Hindi na nagawang maligo ng loko at bagsak agad sa kama. Pagkabihis ko ay natulog na rin ako at baka hinihintay na 'ko ni Fyuch sa panaginip ko.

"Hoy gising."

"Portia, bangon na."

"Deanna, I'm warning you."

"Wait lang, Fyuch. 5 minutes," antok na antok ko pang sagot.

"5 more minutes and you won't be able to catch up with your pending news scripts."

Mabilis akong nagmulat at napatayo.

"Shit! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!" Dali dali akong bumaba sa kama at kinuha ang laptop ko sa bag. Nagmamadali akong nagbukas ng email at sunod sunod ang mga for writing and editing scripts na nakapending sa 'kin. "Pucha ang sakit ng ulo ko!" maiya-iyak na reklamo ko habang nag-ta-type. Heto na naman tayo sa gan'tong senaryo. Wala talaga akong kadala dala! Inom pa more!

"Kanina pa kita ginigising puro ka fyuch d'yan. Pagkain ba 'yon?"

Saglit na napaawang ang bibig ko sa kanya at agad rin akong napangiti. "Hmmm. Pwede!" Kyaaa! Napailing iling siyang lumabas ng kwarto nang bigla akong tumawa ng malakas. Umagang umaga naman kasi gano'n agad ang tanong! Nabibigla ang utak kong nilulumot.

Buti na lang at alam ni Kairo ang schedule ng trabaho ko. Siya lagi ang taga gising ko sa tuwing inuumaga kami sa inom. Bilib din naman ako sa body clock ng lalaking 'yon. Kahit anong oras yata kami makauwi ay awtomatiko pa rin siyang gigising ng before 7am para mag gym.

"Kai! Pabili naman akong kape sa baba!"

Nakatapos ako ng tatlong balita, pero walang kapeng dumarating. Lumabas ako ng kwarto at wala naman pala akong kausap kaya walang darating. Bwiset kasi 'yon wala man lang ka-stock stock dito sa condo niya. Nakatira pa talaga siya rito? Naghanap ako ng shorts sa kwarto niya at sinuot ito. Ako na nga lang ang bababa. People here won't mind me wearing this shit. Mga mayayaman kasi ay mas wapakels sa kasuotan kaysa sa mga nagfi-feeling mayaman.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa elevator habang hinihintay itong umakyat. Oversized ang suot kong T-shirt kasi nga kay Kairo 'to. Kumpara naman ang laki ng katawan no'n sa katawan ko kaya lubog na lubog ako sa damit niya. Humugot naman ako ng boxer shorts niya kaso mukha rin akong walang suot na shorts. Tapos naka slider lang ako. Buti na lang maganda ako kahit muntanga 'ko sa damit ko. Inayos ko ang suot kong salamin. Kapag nagsusulat lang naman ako nasasalamin. Tinaas ko ito at kinusot ang mata ko after kong maluha dahil sa paghikab. Bumukas na ang elevator. Sumakay ako tapos merong isa pang...sumakay.

Napakurap kurap ako. Nananaginip pa rin ba 'ko?

"Groud floor, Miss?" tanong niya nang mapansing hindi ako pumipindot.

Tumango ako. Putek kinausap niya 'ko. Ibig sabihin hindi ito panaginip. Ibig sabihin ay nakikita ako ngayon ng future husband ko na mukhang tanga ang itsura ko. What the fuck! Pinakayuko yuko ko para hindi niya 'ko makilala. Ngayon lang ako nagpapasalamat na hindi niya 'ko tinitignan. Bakit ba kasi siya nandito?! Nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko. Di kaya...dito siya nakatira?!

Pinauna ko siyang lumabas para ma-analyze ko kung taga rito ba siya. He's wearing a black hoodie and shorts. Tapos naka-slider din siya. Oh my god. Mabilis akong kumaripas ng takbo papunta kay kuyang guard.

"Kuya!"

"Yes po, ma'am?"

"Taga rito ba 'yon?" tinuro ko sa kanya si Attorney na pumasok sa katapat na coffee shop.

"Yes ma'am." Pagkumpirma niya. Oh my god! Oh my god! "Bagong lipat po ba kayo dito?"

Pinanood ko siyang pumila roon sa coffee shop habang nakapamulsa. Malapad ang ngiti kong sinulyapan si kuyang guard na tinitignan kung ano ang sinisipat sipat ko sa malayo.

"Oo kuya...bagong lipat ako rito."

Para akong tanga na tumakbo pabalik ng elevator at nagsisigaw na parang baliw sa loob pagkasarado nito. Nanginginig ang mga kamay kong hinanap ang contact number ni Kairo sa phone ko at tinawagan.

"Kai! Nasaan ka?!"

"Bumili ng breakfast. Why? May papabili ka pa?"

"I'm moving to your condo. Maglilipat na 'ko mamaya!"

"Okay."

I think the universe is currently on my side. *evil laugh*

***

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
6.3K 118 33
UAAP Series # 1 TO BE REVISE! She deemed to be loved, and she hoped to be loved for a long time. She envisioned a love that would last indefinitely...
134K 2.6K 39
[Completed] Will Khloe ever find a happiness for her child or will she also find a lifelong love that she's dreaming of? She was once made a mistake...
315 64 16
Mahirap ako... Mayaman siya. Kaya niyang kunin ang lahat ng nais niyang makuha... Ako kailangan ko pang paghirapan ang mga bagay bagay. Maraming mga...