Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 14

22 7 2
By iWonderLiah






THE THIRD ONE




ALEC




"Sandali lang!!" Napahinto kaming lahat at nagtago sa isang masulok na garahe nang hindi na namin makita ang mga humahabol.

Habang kami ay hirap sa paghabol sa sariling hininga, hindi ko maiwasang kabahan dahil nahiwalay kami sa hindi ko alam kung ilang parte. Fuck me! Hindi ko na alam kung buhay pa ba ang mga iyon! Tanging si Aliah, si Joudee at si Kiara lang ang kasama ko ngayon!


Naramdaman ko ang paghaplos ni Kiara sa balikan ko. "Chill, Alec. I's sure magkakasama sila Izele at ang iba pa."


Gusto ko mang mainis, tumahimik na lang ako. How would I fucking chill when there is a bunch of crazy walking dead outrage going on? Paano kung hindi na kami magkikita pa? Paano kung.. Paano kung namatay na ang mga gagong mga yun?


Umupo nalang ako sa sahig. Naligo na ako sa sarili kong pawis, namalayan ko rin na mayroon akong sugat sa paa. Hindi, it's not just a wound. Shit.


"Oh my god.." Aliah gasped heavily. Ngumiwi naman ako.

"You're acting like I got bitten. Stop that."

Tinignan ko nalang ang paa kong may nakatusok na pako. Buti nalang at hindi ito malalim, ayun nga lang, masyadong mabigat ang pagdanak ng dugo. Napapikit ako sa sakit nang biglaan ko itong hinugot. Agad namang kinuha ni Joudee ang panyo niya at binalot ito sa paa kong walang tigil ang paglabas ng dugo.


"Luckily, nasa atin ang mga pagkain. Malas nga lang dahil wala sa atin ang mga supplies and first aids." Tahimik na bulong ni Aliah.


"Pero paano sila? Shit. Hindi sila tatagal neto." Nag-aalala kong sambit.

"Alec, meron si Marga na nagtraining ng buong buhay niya ng martial arts. Meron si Ian na eksperto sa mga armas dahil sundalo ang daddy niya. Meron si kuya Edmar na halos sampu-sampo ang dalang baril kasama si Sam. Meron si Zach at Izele na dala-dala ang mga bomba. And we have you, you have us. Mabubuhay tayong lahat, just believe." Ani Joudee.



Aliah giggled. "Believe in her, Alec. She's actually a psychic, I swear." Ngumisi naman si Joudee.


"Wait a minute, hindi lang tayo nahiwalay sa dalawang grupo, guys. I saw with my both eyes na iba ang tinahak na daan nila Ian at iba rin kila Zach. Napansin ko iyon bago muntikan akong hablutin noong matanda kanina." Sambit ni Kiara.


And there we go again, we panicked more and more. Wait, no. Siguro nga kung mas kaunti ang magkakasama mas ligtas. Pero hindi eh! Kung sama-sama kami, we can more assure that we are all safe.



"Hindi na natin alam kung sino ang susunod na mawawala sa atin." Ani Aliah. I looked at her and I can see the torment in her eyes.


"Hey, don't talk about that." Kiara said. Psh. Why just can't she accept the fact na may susunod talagang mamamatay?

"I think you forgot about the possession, Kiara!" Joudee exclaimed quietly. "Hindi natin alam, pero baka mamaya ikaw na pala ang isusunod niya!"


Niya..


Who could that person be? I know I questioned this to myself already a million time but, why is that someone blaming us? What the fuck?




Sumandal ako sa dingding. Napaisip ako sa kalagayan nila Ian. Nila Izele. Nila Nicole. Basta, sila. Siguradong-sigurado ako na takot na takot na ang mga 'yon. They must be worried too! Baka nga may nahiwalay sa amin na mag-isa lang niya. Damn!








IAN'S POINT OF VIEW




"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"



Halos magpagulong-gulong na kaming tatlo nila Sam sa kakatawa kay Edmar habang sila Nicole at Xzannie naman ay pakain-kain lang sa tabi.


Nandito lang kami sa labas ng isang napakalawak na rice mill factory na may napakataas na gate at pader sapat para maprptektahan kami laban sa mga umaatakeng mga baliw.



Oo nga pala, kila Alec ang factory na ito. Minsan kasi medyo tanga 'yun at hindi naisipan na dito nalang magtago. Kumusta kaya mga 'yun?



Patuloy sa pagtawa si Sam na halos hindi na makahinga habang nakatingin sa nakabusangot na si Edmar. Paano ba naman kasi, etong si Edmar inutusan kami na kuhanan siya ng litrato kamasa ang hubo't hubad na zombie na tinali namin sa upuan. Akala nga namin patay na dahil pinagtulungan na namin kanina, ayun pala ang putotoy niya hindi pa. Ayan tuloy, naihian ang mukha ni Edmar. Kundi ba naman tanga.



Pumunta muna ako kila Xzan at Nicole na kumakain ng mga snack. Uminom muna ako at nagpalamig. Tinitigan ko ang mga zombie na pinagtripan namin kanina at muli akong natawa nang maalala ang nangyari kay Edmar.

"Uhm by the way, could you please cover those shitty vagina-headed zombies? It's nasty." Maarteng sambit ni Xzannie. Binato ko siya ng isang pirasong sweet corn.

"OA mo."


"Wala bang CR man lang dito? Tangina ang panghi ko na." Tinaboy namin paalis si Edmar nang akma siya lalapit sa amin. Sinamaan niya kami ng tingin. "Aba mga tarantado, kailangan ko lang ng alcohol. O basta kahit anong pamunas!"

Wala pang isang segundo ay binato na ni Xzannie ang wipes kay Edmar. Mas lalo akong natawa ng napakalakas nang maalala kung anong klaseng wipes ang dala namin.



"Seryoso? Clorox? Bathroom wipes? Nananadya kayo?"



"Nah, sadyang 'yan lang talaga ang nakuha namin. Hihi." Sambit ni Nicole.



Hays, sandali nga. Hindi naman yata pwedeng dito nalang kami porket safe dito? Welp, whatever. Magpakulo nalang kami ng bigas.






THIRD PERSON'S POINT OF VIEW



Tahimik na nakaupo sila Izele, Marga, Rizel at Zach sa madilim at abandonadong kainan. Walang umiimik. Si Zach ay nakatunganga, blanko ang isip. Si Izele naman ay nag-aalala sa mga kaibigan niyang nahiwalay. Si Marga ay nag-iisip kung paano makakalabas at mahahanap ang mga kaibigan habang si Rizel ay nagdarasal.



Ilang segundo pa lamang ang nakakalipas, kinilabutan ang dalagang si Rizel nang makaramdam siya ng lamig sa paligid at kirot sa kanyang loob-looban. Tinignan niya ang mga kasama niya ngunit para bang tumigil ang orasan. Sa isang iglap, napalitan ng seryosong mukha ang kaninang nahihirapan na si Rizel.


Tumayo ito at naghandang lumabas. Nagtaka naman sila Izele sa ikinikilos niya. "Riz, saan ka pupunta? Dito ka lang." Sambit ni Izele kay Rizel na nakahawak na sa pinto.


Ngumisi si Rizel at dahan-dahang lumingon sa tatlo. Parang biglang nabuhusan ng malamig na tumig si Izele nang nagkaroon na ito ng ideya kung anong nangyayari sa kanila ngayon. Ganoon din ang naisip ni Marga at Zach na sinimulan nang kabahan.


"Listen here, you bitch." Pumaharap si Marga ag tinitigan ang malalalim na mata ni Rizel. "Alam namin na hindi ka na si Rizel. Now tell us, who the fuck are you and why are you doing this?!"


Hindi umimik si Rizel at nanatili sa labi niya ang nakakaasar na ngisi. Dahil sa inis ni Marga ay sinapak niya ito ngunit wala itong kibo.

"Chill, Margarette. Tsk tsk." Tumawa si Rizel at tinignan ang tatlo isa-isa. "Pupuntahan ko lang ang mga kaibigan natin. Ayaw niyo 'yun? Hahanapin ko lang sila. Mukhang nagsasaya na kasi ang iba sa kanila."




Kumunot ang noo ni Izele sa sinabi niya. "W-what do you mean?"



Tumawa muli ng nakakaasar si Rizel. "Masyado silang nag-eenjoy porket nakahanap na sila ng maayos na pagtataguan eh. At syempre, ayaw ko yun!" Nag-kunwari pa itong isang baby na nagrereklamo. "Hindi pa naman kasi tapos ang laro. Hindi pa nga nag-uumpisa eh." Tumawa ito na para bang baliw.


Hinawakan ni Zach ng pasikreto ang kanyang baril ngunit agad itong napansin ni Rizel. Tumigil ito sa pagtawa.

"Sige, Zach. Ituloy mo." Nagpatuloy lang ito sa pagtawa.


"Rizel— or whoever the fuck you are!! Don't fucking mess with my friends! Fuck you!" Lumingon naman si Rizel kay Marga na mahigpit ang hawak sa kanyang baseball bat na duguan.


"Oh, ang tapang ah." Tumawa ito. Tumingin naman ito kay Izele. "Oh, sige. Pumili kayo, kayo ang mauuna, o sila?"


Napatahimik ang tatlo sa tanong nito at dahil doon at mas lalo itong natawa.


"Sabi ko nga."


Binuksan nito ang pinto at akmang sisigaw sana sila Marga at Izele ngunit hindi pwede. Napatadyak nalang sila sa inis. Kinuha ni Izele ang hawak ni Zach na baril at siya na mismo ang bumaril sa katawan ni Rizel na nasa malayo na.


Tumahimik ang paligid. Nanginig sa takot si Izele nang dahan-dahang lumingon si Rizel na may tama sa likod. Inaasahan ng tatlo na matutumba ito, ngunit nagpatuloy nalang ito sa paglalakad.


Habang naglalakad ang katawan ni Rizel papunta sa isang rice mill factory ay tinitignan lang siya ng mga bangkay na buhay at hindi ito hinahabol o kung ano pa man. Patuloy lang ito sa paglalakad habang nakangisi at malalalim ang mata.




Nang makarating na siya sa kanyang destinasyon, agad niyang narinig ang tawanan nila Ian at Sam.



"Ang sarap naman ng mga tawanan niyo. Tignan ko lang kung makakatawa pa kayo.."




Binuksan niya ang napakalaking gate at napatahimik sila Ian. Napatayo si Nicole at si Xzannie. Naging alerto naman si Sam at Edmar at hinablot ang mga baril.



"Relax lang.." Tumawa si Rizel.


"No shit.." Bulong ni Ian nang nagkaroon siya ng ideya sa kung anong anngyayari kay Rizel.


Nagtakha ang mga ito nang nakitang tila bang nag-freeze ang mga zombies sa labas at hindi gumagalaw na para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo at sila lang ang nakakagalaw.



"Sino ka?" Nanginginig na tanong ni Ian.


"Ano ba! Ako nga ito, si Rizel!" Sarkastiko nitong sambit.


"Hindi.. Hindi ikaw si Rizel.. Sino ka?" Muli nitong tanong. Napahinga na lamang si Rizel sa inis.


"Wala lang, gusto ko lang kayong bisitahin. Ang saya niyo kasi eh. Gusto niyo ng regalo?" Ngumiti ito na para bang bata.


"We don't want any of your bullshits." Tugon ni Xzannie habang nagbubuhat ng mga bags bilang paghahanda dahil alam niya na kung ano ang susunod na mangyayari. Ganoon din ang ginawa ni Nicole.




"Eh ako, gusto ko eh."



Sa isang iglap, nabuhay muli ang mga zombies sa labas at tumakbo sa gawi ng katawan ni Rizel. Napasigaw sila Xzannie at hindi na sila nagdalawang isip pa na tumakbo papasok sa loob mismo ng rice mill factory.


Sa sobrang dami ng mga humahabol ay dumating sa punti na yumanig na rin ang lupa. Tila bang sabay-sabay ang pagtakbo ng mga wala nang isip para lang makatikim ng karne ng tao.



Bago masawi ang katawan ni Rizel, ngumisi ito at bumulong.






"Fear me.."





END OF CHAPTER 14


a/n:
pooped my pants, took me very long to fix the issue. xd.

Continue Reading

You'll Also Like

202K 12.9K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
14.1K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
470K 29.3K 104
100 short horror stories. Best time to read? Bedtime...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...