Mr. Baddest and Me

By PrincessChaii17

207 16 0

When two people meet and fall in love, there's a sudden rush of magic. Magic is just naturally present then... More

Author's Note
The Cast
Prologue
Chapter 2 Disaster Meetup
Chapter 3 Joey
Chapter 4 Sasha
Chapter 5 The Contract (Part 1)
Chapter 6 The Contract (Part 2)
Chapter 7 Finding Ashley
Chapter 8 The Truth Hurts

Chapter 1 Alastaire Brody Vaughn

22 2 0
By PrincessChaii17

Her POV

"Thank you for calling hotel reservation! My name is Joey Devera. How can I help?" Sabi ko sa kabilang linya.


"I'm going to New York this Tuesday, can you look for the cheapest room available?"


"That's great! I'll be more happy to help you find a room, let me go ahead and check real quick." Sagot ko.


Tumingin tingin ako sa mga files ko kung saan ko siya pwede i-reserve. Sana all nakakapunta ng ibang bansa.


At sa wakas may nakita na ako at inoffer ko na yun sa kanya.


"Alright! Please reserve it for me."


"Consider it done! Is there anything else that I can help you with Sir?"

"No. That's it."


"Thank you for choosing hotel reservation. Again, this is Joey Devera. Have a great day!"


Pagkatapos kong i-end yung tawag. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nag inat inat dahil kanina iniinda ang sakit ng balikat ko at balakang. Ang hirap kaya ng buhay ng isang Call Center Agent.


Yes! tama kayo ng basa isa nga akong Call Center Agent at bago palang ako dito siguro mga 3 Months.


This is my first Job at first time ko na matanggap ako dito.


Nakakatuwa na nakakapagod din pala no? kasi ang dami mong mga incoming calls. Mabuti nalang at sanay na akong makipagusap sa tao. Lalo na kapag may complaint yung costumer.


Yakang yaka to! Palaban kaya ako. Hehehe. Ilang minuto nalang at malapit na rin mag-uwian. Yes!


"Joey, sabay tayo umuwi mamaya." Sabi ng kaibigan ko na dito din nagtatrabaho.


Siya si Sasha Luis lopez. Ang nag-iisa kong bestfriend. Actually hindi lang bestfriend kababata ko din siya / katrabaho din.


"Sige ba, basta libre mo ko sa pamasahe." Sagot ko sa kanya na pabiro.


"Ikaw naman ang manlibre dyan! Ako na kaya nanlibre sayo kahapon." Apila ni Sasha


"Hahahaha! Ikaw na muna ilista mo nalang ulit yan, Yaan mo babawi nalang ako sa'yo kapag sumuweldo na tayo." Sagot ko pa sa kanya.


"Sus! saan ko ililista? sa hangin? Ikaw talaga napaka kuripot mo kung hindi lang kita dyan bestfriend eh." Pagmamaktol niya.


Natatawa ako sa itsura niya para kasi siyang bata na inagawan ng candy.


"Promise nga baba---"


"Ms. Ashanti Joeylyn Devera, please come to my office now."


Biglang naputol ang sinasabi ko kay Sasha nang biglang nagsalita si Boss.


"Oh! Bakit ka pinapatawag?" Tanong ni Sasha.


Nag kibit balikat na lamang ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang sagot kung bakit niya ako pinatawag.


Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba.

"Sasha mauna ka na muna umuwi huwag mo na ko hintayin." Sabi ko sa kanya.


"Okay! Ingat ka basta balitaan mo ako." Sabi niya


Dali- dali akong pumunta sa Opisina ni Sir, Pucha naman kinakabahan talaga ako. Bakit ba kasi ako pinatawag.


Nang nakapasok na ako sa kanyang opisina. Napansin kong tinanggal niya yung coat niya at tsaka niya palang sinabi sa akin na "Maupo ka."


Ano kaya ang sasabihin niya..

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?" Diretsong tanong ko sa kanya


"Ms. Devera hindi na ako mag papaliguy liguy pa, gusto ko lang naman sabihin sa'yo na mababa yung performance mo sa evaluation mo at kapag nalaman ito ng superior natin pwede ka nila tanggalin anytime."


"Po? Bakit po? Ano po bang kulang ko Sir?"


"Binigay ko naman po ang best ko." Dugtong ko pa

"I know, pero iyan kasi yung evaluation mo. Pero----"


"Pero ano po Sir?"


"Pwede naman natin iyan gawan ng paraan Ms. Devera." Sabi ni Sir


"Paano po?" Tanong ko sa kanya.


Hindi ako pwede mawalan ng trabaho, paano na si Mama? Ako lang naman ang inaasahan niya. Jusko po paano na ito.


Biglang tumayo si Sir at dahan dahang siyang lumapit sa akin.


Ano kaya gagawin nito?


Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at lumapit siya sa may bandang leeg ko at may binulong siya sa akin.


"Kaya kong gawan ng paraan yan basta ba pagbibigyan mo lang ako Ms. Devera." Sabay halik niya sa leeg ko


Anak ng Pucha naman!


Sa takot ko pumalag ako sa kanya at naitulak ko siya ng malakas.


"Bakit nagpapakipot ka pa alam ko naman na gusto mo naman yan." Sabay lapit niya ulit sakin.


This time mas lalo siyang naging mapangahas sa akin at muli niya akong hinawakan at hinalikan sa leeg.


Sobrang takot na takot ako sa ginagawa ni Sir.


Sinubukan kong pumalag pero mag lalo niyang hinihigpitan ang pagkaka kapit sa akin.


At muli akong pumalag sa kanya at sa pagkakataong ito nakawala ako sa kanyang pagkakayakap at naitulak ko siya palalayo sa akin pero sa pagkakatulak ko nahablot niya ng konti yung damit ko at bahagya itong nasira.


Kailangang lumaban ako sa manyak na 'to..


Sa sobrang galit ko sa ginawa niya nasampal ko siya ng malakas.


"ANG KAPAL NG MUKHA MONG MANYAK KA! DAPAT SAYO KINUKULONG." pagbabanta ko saknya at muli ko siyang sinugod para saktan siya.


Pinag susuntok ko siya at pinag sasampal kaya nakagawa kami ng ingay at doon na nag simulang pumunnta sa opisina yung iba pa naming mga kasamahan para awatin kami.


Nagtagumpay silang awatin kami at nagulat ako sa ginawa ni Sir.


"Hayop kang babae ka! Bigla mo akong sinugod at sinaktan ano bang ginawa ko sayo Ms. Devera." Pagsisinungaling niya at umarte na siya ang dehado.


"Napaka sinungaling mo! Muntik mo na akong pag samantalahan." Depensa ko sa kanya.


Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ko sa kanya.


"Pwede bang huwag kang mag ilusyon bakit kita pagsasamantalahan? Eh ikaw nga tong unang umaakit sa akin."


Ano sabi nya? Ako pa ang nang-aakit?


Muli ko siyang sinugod at nakasuntok muli ako ng isa sa kanyang mukha at muli kaming inawat ng mga kasamahan ko.


"Joey, tama na." Awat nila sa akin.


Nakita ni Sir na dumudugo ang kanyang labi.


"YOU'RE FIRED!" Sigaw niya sa akin.


"OO! MAS MABUTI PANG TANGGALIN MO NALANG AKO KESA PAGSAMAMTALAHAN MO AKO." Sagot ko sa kanya.


"Totoo ba yan Joey?" Tanong ng katrabho ko sa akin.


Nakatingin lang silang lahat sa akin at nakita kong ngumisi si Sir sa akin.


MUKHA BA  AKONG MANLOLOKO? KAYONG LAHAT MAKINIG KAYO SA AKIN! MANYAK YANG BOSS NIYO KAYA KUNG AYAW NIYO MATULAD SA AKIN UMALIS NA KAYO SA BULOK NA KOMPANYA NIYA!" Pag babala ko sa kanilang lahat.


"IDEDEMANDA KITA MS. DEVERA DAHIL SA MGA MALING PARATANG MO SA AKIN!" Pagbabanta niya sa akin.


"Sige, idemanda mo! Nang makulong ka ng hayup ka!" Sagot ko habang papalabas na ako ng kanyang opisina.


Pagbalik ko sa table ko wala na si Sasha. At napansin kong pinagtitinginan na ako ng iba ko pang kasama at naguumpisa na din silang mag bulungan.


"Sabi ni Joey pinagtangkaan daw siyang pag samantalahan ni Sir."


"Oo nga, at hindi naman magagawa ni Sir yun." Sabi ng kasama ko.


So mas naniniwala sila sa manyak na yun kesa sa akin? Tss! Kinuha ko ang gamit ko at tuluyan ko ng nilisan ang lugar na yun. Mabuti na lang at wala na si Sasha at hindi niya nakita yung nangyari sa akin. I'm sure irereport nya agad yun kay Mama.


Hay bwisit!

_________________

His POV

"100 Million pesos kay Mr. Heo, Is it higher or close nanatin ang bidding?" the host said.


"120" sabi ng lalaki sa kabilang table


"150" sabay taas ng kanyang numero


"150 Million pesos kay Mr. Shibata. wala na ba?"


At sandaling natahamik ang lahat.


"Okay since wala ng may gusto pang humabol pa I decided to close the Auction to Mr-----"


"200 Million pesos!" sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin.


At nagsimula na silang magbulungan at mag-ingay.



"Wow!"


"Alright! The bidding is over at sayo na ang Audi R8 Sypder 2018." sabi ng Host


"Napaka yaman talaga ni Mr. Vaughn." bulungan ng mga tao sa likod ko.


Nang matapos na ang auction agad kong kinuha sakanila yung yung susi at excited na akong gamitin yun.


Sa wakas makukumpleto na din ang collection ko.


"Mr. Vaughn, nasa basement po yung luxury car niyo by the way congratulations po." Bati ng lalaki sa akin.


Hindi ko na inalam kung sino siya. The hell I care! Ang mahalaga lang sa akin yung sasakyan na napanalunan ko sa Auction.



My name is Alastaire Brody Vaughn. 21 yrs old hilig ko talaga mangolekta ng mga Luxury at limited edition na sasakyan.


Agad akong nagtungo sa basement at nakita ko nga yung R8 na sasakyan ko.


Namangha ako sa kulay at mukhang maangas siya tignan.


"Damn!" Sambit ko sa sarili ko.


Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan ng sasakyan ko at mabilis akong pumasok sa loob nito and f*ck! Tuwang tuwa talaga ako sa nakikita ko.


Kinuha ang cellphone ko at idi-nial ko ang numero ni Sebastian


"Zup men." Sabi niya sa kabilang linya.

"Where are you moron?" Tanong ko sa kanya.


"Nandito sa bar chiks hunting." Sabi niya.


"Tss! Babae nanaman, pumunta ka sa opisina ko ngayon din." Utos ko sa kanya.


"At bakit naman ako pupun-----"


"Bilisan mo I'm on my way now." Sabay baba ko sa cellphone ko.


Pinaandar ko na ang aking R8 and viola! Ang ganda ng tunog..


Dahan dahan kong pinihit ang manibela at maingat kong inalis ito sa pagkaka park. Antayin mo ko kutong lupa ka at mainggit ka sa R8 ko.

Continue Reading

You'll Also Like

253K 5.8K 57
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
149K 4K 200
When Shi Qingluo, an agriculture expert, opened her eyes again after dying, she realised she had transmigrated as a farm girl in an ancient era. Her...
254K 1.4K 33
This is a mix of different animes that have smut in them
167K 347 19
Just a horny girl