Saving The Governor-General (...

By blionsky

76.9K 3.2K 204

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... More

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA XIII

2.2K 116 8
By blionsky

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapalagay si Martin sa kaniyang kinauupuan habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama. Nag-iisip kung paano nangyari ang lahat. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang pag-aalalang umuusbong sa kaniyang kalooban. Hindi niya mawari kung bakit siya ay lubos na nag-aalala para sa binibining nagligtas sa kaniya mula sa kapahamakan. Sa sandaling nakita niyang duguan ito, tila ba parang nawasak ang kaniyang mundo. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig ng masaksihan niya iyon. At kusa na lamang gumalaw ang kaniyang katawan upang puntahan ito.

Kanina pa siya nag-iisip at nakatingin sa babaeng ilang araw ng walang malay. Maging si Doña Celestina at Rosa na tagapagsilbi ay lubhang nag-aalala sa kaniya. May mga pasa ang biglang makikita sa mga braso at leeg nito. Hindi agad nila ito napansin noong una ngunit lumipas ang mga araw ay nagtataka silang may mga pasang biglang nakita sa kaniyang braso. Noong una, malilit lamang ngunit sa pagdaan ng araw naging marami na ang mga ito. Kung kaya't hindi nagdalawang isip si Martin na magpatawag ng doktor.

Ilang sandali pa ay tapos ng suriin ng doktor si Isabel.

"Ano ang kaniyang kalagayan?" mabilis na tanong ni Martin. Kalmado man ngunit talagang mahihimigan ang kaniyang pag-aalala sa kaniyang pagsasalita.

"Sa ngayon ay mas naging mabuti na ang kaniyang kalagayan kung ihahalintulad sa mga nagdaang araw. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang mga pasa sa kaniyang braso at leeg pero hindi lang doon maging sa kaniyang mga hita at tiyan maging sa kaniyang likod ay mayroon ring mga pasa." mahabang paliwanag ng doktor.

"Ano ba ang ibig sabihin ng mga iyon? May malubha ba siyang sakit?" sunod-sunod na tanong ni Rosa. Dahil maging siya ay hindi mapalagay simula nang mangyari ito sa kaniyang kaibigan lalo pa't mag-iisang linggo na itong walang malay.

"Hindi ko pa batid sapagkat ngayon lamang ako nakasaksi at nakakita ng ganitong uri ng karamdaman. Sa aking palagay ito ay hindi pangkaraniwang sakit." tugon ng doktor.

Nakapikit man ngunit gising ang kaniyang diwa at nakikinig sa usapan ng mga tao sa kaniyang paligid. Alam niya namang may malubha siyang sakit ngunit wala siyang balak na sabihin ito kahit kanino. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nilibot ang paningin.

"Isabel! Salamat sa Dios at ikaw ay nagising na!" masayang sabi ni Rosa.

Bumangon naman si Isabel sa pagkakahiga na kaagad tinutylan ni Martin.

"Huwag ka munang bumangon sapagkat hindi pa iyon maaari." mahinahon niyang sabi ngunit sa kaloob-looban niya ay malubha siyang nag-aalala para sa kaniya.

"Tama si Martin, Isabel. Nararapat lamang na huwag ka munang bumagon para mabawi mo ang iyong lakas." dadag naman ni Doña Celestina na maging siya ay nabuhayan ng loob sa kaniyang paggising.

"Tsk! Ilang araw na ba akong walang malay?" walang gana niyang sabi na nakatingin sa doktor. Nagulat ang lahat sa inasal niya sapagkat parang may kakaiba sa kaniya. Hindi naman maintindihan ni Martin kung bakit naging ganito ang kaniyang pakikitungo sa kanila. Parang ang lamig ng kaniyang pakikitungo, bagay na kailan ma'y di nila inaasahan.

"Mag-iisang linggo na, iha." matipid na sagot ng doktor.

Eto ang pinakaayaw niya sa lahat, ang maging pabigat sa iba. Kaya ganito na lang ang pagiging malamig ng kaniyang pakikitungo dahil nagagalit siya. Nagagalit siya sa kaniyang sarili. Kaya ayaw niyang ipagsabi sa iba na may malubha siyang sakit dahil sa tingin niya ay magiging pabigat lang siya. Napapikit na lamang siya at ginulo ang kaniyang buhok dahil sa inis.

"Bakit? Ano ba ang problema Isabel?" lakas loob na tanong ni Rosa. Kahit naninibago siya sa inasta ng kaibigan, nag-aalala parin siya rito. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita at tiningnan sila.

"Pasensya na kung matagal akong nawalan ng malay. Pero ngayong gising na ako, magiging maayos na ako." sabi niya at tumayo na.

Hindi nagustuhan ni Martin ang kaniyang sinabi. Hindi siya makakapayag na maging ganito na lamang siya. Kailangan pa siyang magamot para makasiguro.

"Nguni—

"Hindi iyon maaari. Hangga't hindi ko sinasabi, magpapatuloy pa rin ang paggamot sa iyo ng doktor." matigas na sabi ni Martin na nakatingin sa mata niya.

Taimtim na tiningnan ni Doña Celestina ang kaniyang anak dahil ngayon lang niya nakitang ganito mag-aalala si Martin. Hindi niya lubos maisip kapag nagkataong tama ang nabubuo niyang konklusyon. Habang di naman maawat sa pagngiti si Rosa dahil sa pangyayari.

"De la Vega, sa akin na mismo nanggaling na maayos na ang pakiramdam ko. Kaya wala nang dahilan para magpatuloy pa 'yang gamot-gamot na 'yan." sabi niya na lalakad na sana pero napatigil siya sa sinabi nito.

"Baka nakakalimutan mo ang patakaran ko." matigas na sabi niya na nagpaharap ulit kay Isabel sa kaniya. Nakita niyang nangunot ang noo nito sa sinabi niya, kaya nagsalita siyang muli.

"Ang panghuling patakaran." may diing sabi niya. Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa siya at binara na ang anumang sasabihin niya.

"Tayo muna ay lumabas. Dahil sa aking palagay may dapat pa silang pag-usapan." basag ni Doña Celestina sa namumuong tensyon mula sa pagtitigan ng dalawa. Wala namang kontrang sumunod si Rosa at ang doktor. Sila ay tumungo na sa pintuan at nang makalabas ay doon na hindi naitago ni Rosa ang kniyang ngiti na may kasamang kilig. Kaya napatingin si Doña Celestina sa kaniya.

"Ano ang mayroon iha't tila napakasaya mo?" tanong ni Doña Celestina.

"Ahh.. wala po paumanhin po Doña." magalang niyang sabi. Nakalimutan niyang kasama niya pala ang Doña Celestina. Ngumiti lamang ang Doña.

"Ako po ay patutungo na sa kusina." paalam niya at mabilis na naglakad pabalik.

Nakangiti namang pinagmamasdan ni Doña Celestina si Rosa na bumabalik sa kusina na tila naintindihan niya kung bakit ito napakasaya na maging siya ay ganoon rin at sana ay totoo ang kanilang iniisip para sa kaniyang anak.

"Ang huling patakaran?" sabi ni Isabel na nagtatakang nakatingin kay Martin.

"Oo. Ang huling patakaran kung saan ako—

"At ang panghuli, ako lang ang susundin mo. Oo. At sa pagkakataong ito hindi ko na iyon nakakalimutan." pagpuputol niya kay Martin.

"Mabuti kung ganoon." maikli nitong sabi. Napa 'Tsk!' na lamang si Isabel.

"At hindi muna kailangang isali ang patakaran mo rito dahil kagaya ng sinabi ko, ayos na ang pakiramdam ko." matigas pa rin niyang sabi at naglakad na pero hinawakan ni Martin ang braso niya kaya napatigil siya na tumingin dito.

"Kapag aking sinabi na ikaw ay patuloy na lalapatan ng gamot, hindi ka maaaring umalma. Nagkakaintindihan ba tayo Isabel?" mawtoridad niyang sabi. Hindi makapaniwala si Isabel sa inasta nito.

Habang naguguluhan naman si Martin sa kaniyang sarili kung bakit niya ito ginagawa. At naging mapangahas pa siya sapagkat hinawakan niya si Isabel ngunit napagtanto niyang ganoon din ang binibini sa kaniya kaya kahit isang beses lamang ay susundin niya ang pagiging mapangas ng binibining ito dahil kay Isabel lamang siya ganito. Nagpakawala ng buntong hininga si Isabel at kahit mabigat sa kaniyang loob ay bumalik siya sa kama at naupo.

"Oh? Masaya ka na?" pilosopang sabi ni Isabel sa kaniya habang siya ay nakatingin lang sa kaniya. At pilit na hinahanap ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

--

Lumipas ang mga araw at natahimik ang mga rebeldeng grupo. Naging maayos na si Isabel at bumalik sa normal ang lahat. Ngunit nababahala siya dahil sa katahimikanng ito sa pagitan ng mga rebelde at ng pamahalaan. May kutob siyang may mangyayaring hindi maganda kaya hinahanda niya ang kaniyang sarili.  Habang sa kabilang banda naman ay pilit pa ring hinahanap ni Martin ang dahilan sa mga naging kilos niya. Talagang hindi na niya pa maintindihan ang kaniyang sarili, naninibagao siya ng husto sa kaniyang nararamdaman dahil sa buong buhay niya ngayon lamang siya makaramdam ng ganito. Hangga't maaari ay umiiwas siya. Lampas na sa daliri ang araw na ito ng kaniyang pag-iwas ibig sabihin halos dalawang linggo. Dalawang linggo ngunit iisa lang ang nasa isip niya kundi siya. At nagagalit siya nang dahil doon. Inabala na lamang niya ang kaniyang sarili sa pag-aasikaso ng suliranin na kaniyang hinaharap.

BRAVE'S POV

Ilang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang trahedyang iyon. And I'm really bothered by their silence, I mean they're must be plotting ways now. Linggo hanggang sa naging mga buwan na ito. Biglang pumasok sa isip ko si Carlos. How's he? Ano na kaya ang nangyari sa paghahanap niya? Pero ang ipinagtataka ko ng husto ay itong si De la Vega. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. I'm trying to figure it out why he's been avoiding me but I fail. Wala akong mahagilap na rason kung bakit. Sinunod ko naman siya kahit labag sa kalooban ko. Ano kayang problema nito? May sumapi na naman kaya sa kaniya? Sinumpong nang high level na kasungitan? Ayy.. Ewan bahala siya!

Patapos na ang misa nang mamalayan ko ang sarili kong nalunod sa pag-iisip ng malalim. Nagbatian pa ang mga tao pagkatapos ng misa. Nandoon pa rin sila sa loob habang ako ay naglalakad na papalabas. Ang aliwalas pa rin ng paligid kahit ang mga tao ay may may kaniya-kaniyang ginagawa. May naglalakad, tumatakbo, may binibitbit, may masayang nag-uusap at nagtatawanan at mayroon din namang abala sa kanilang mga ginagawa. Napatingin ako sa asul na kalangitan at bahagyang nakangiti. I wish mom is here with me. Kahit dito lang sa panahong ito pero alam kong imposible iyon kaya naging mapait ang ngiti ko at binalik ang tingin ko sa daan. Narinig ko ang boses ni Doña Celestina palatandaang nandito na sila sa labas. Magsasalita na sana ako nang biglang may parang sumabog. Naging mabilis ang mga pangyayari at bigla na lang nagkagulo ang mga tao. Nagliliparan ang mga pana na umaapoy patungo sa kinaroroonan namin. Sa harap ng malaking pintuang ito sa simbahan, inuulan kami ng mga nag-aapoy na mga pana mula sa mga rebelde; sino pa nga ba? Wala namang iba pang pwedeng gumawa nito. Rebeldeng grupo kung saan kasali ang ama ni De la Vega. Ito na ang inaasahan ko na sana hindi mangyayari.

Lahat ng tao ay nagtatakbo, pilit kumakawala at iniiwasan ang mga nagliliparang pana. Iisa lang ang layunin ngayon, ang makaiwas dito at iligtas ang mga sarili nila. Pero sa akin, kailangang mapanatili kong ligtas si De la Vega. Hindi ako nag-aksaya ng oras at mabilis na sinugod ang isa sa mga kalaban. Nakipaglaban ako at kinuha ang pana niya. Tamang-tama at wala itong nagbabagang apoy. Archery is my thing. Then this will be a blast.

"De la Vega, hangga't maaari huwag kang mawala sa tabi ko. Nagkakaintindihan ba tayo De la Vega?" sabi ko nang makalapit habang abala sa pag-set up ng pana para sapul ang tira ko. Natapos na ako pero wala akong nakuhang sagot kaya tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Binalik ko ang tingin sa paligid. Sinisipat kung sino ang patatamaan ko.

"Pati na rin po kayo Doña Celestina. Sigurado akong ikaw ang puntarya ng mga ito, De la Vega." dagdag ko.

I raise the bow with the arrow in it. Heads up and target identified. With a smile of victory, I release it. Pinatamaan ko ang binti niya iyun ang target ko sa kada taong patatamaan ko ngayon. Pinagpatuloy ko ang ginawa ko hanggang sa napatigil ako nang makitang nakikipaglaban na si De la Vega. Sa labanang ito, patas ang lahat pagdating sa mga armas dahil kagaya namin, may mga baril rin sila. Sigurado akong sponsored ito ng the one and only father niya.

"Rafael siguraduhin mo ang kaligtasan ni Doña Celestina." sabi ko sa kaniya ng hindi siya tinitingnan.

"Makakaasa ka, binibining Isabel. Ngunit hindi ba ikaw dapat ang mag-ingat?" alam ko ang pinupunto niya.

"Huwag kang mag-aalala, sa pagkakataong ito pangako mag-iingat ako." paniniguro ko sa kaniya.

Kahit di ko pa sinasabi, inihagis na niya ang baril sa akin. Kaya napangiti na lang ako. For the time being that I've been here, Rafael is one of those people that I can rely on. Hindi ko man masyadong nasasabi but we've been friends. Maasahan talaga siya kagaya ng pagtitiwala ni De la Vega sa kaniya. I made it clear to him that I can be his buddie. Kaya ganito ang naging turingan namin.

Mabilis akong humalo sa naglalabanan. I fight with all my  might. With the knowledge that I have in combats, nakakatulong ito sa pakikipaglaban ko. Hangga't maaari, ayaw kong gumamit ng armas o baril because I'm reserving it. Alam kong may mga pakulo pa itong mga ito kaya mas mabuti nang handa kaysa wala. Sinipa ko sa ulo ang isang nasa likod ko at mabilis na sinuntok ang isa pang paparating. Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa pagod at nang mapadako ang tingin ko sa isang kalaban, mabilis ko siyang sinugod na nagpaplanong hampasin si De la Vega sa ulo. Nakahandusay siya habang namimilipit sa sakit. Nakita kong may mga talsik na ng dugo ang damit niya. Napahakbang ako paabante ng mabangga ako ni De la Vega. Kaya nagkatinginan kami at ako ang unang kumalas. Nakatalikod kaming dalawa sa isa't-isa habang nakahawak ng mga armas.

"Siguraduhin mong makakaligtas ka, De la Vega." pagpapaala ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Aatake na sana ako nang matigilan ako sa nakita ko. Si Emman. Umiiyak. No no no... not him please..

"Hindi..." wala sa sarili kong sambit at naramdamang tumingin sa bahagi ko si De la Vega.

Mabilis akong tumakbo patungo kay Emman. A man is approaching him. No you bastard! Parang biglang bumagal ang paligid sa sandaling tumama sa ulo niya ang sandatang hawak ng lalaki. Napatigil ako sa pagtakbo. Nanlalaki ang mga mata at parang natigil ako sa paghinga. Unti-unting lumabas ang dugo at bumagsak siya sa lupa. No. Please not again. Ayoko nang makakita ulit ng ganito. Please... I already lost my mom in this kind of situation, doing nothing but froze.

"EMMAN!" malakas kong sigaw. Buong pwersa kong sinuntok ng sinuntok ang kalaban. Hindi ko siya pinigilan hangga't hindi ako na-sasatisfy. Hinugot ako ang baril na nasa tagiliran ko lang. I pulled the trigger pointing in his heart. Nanalalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ang mga taong katulad mo ay walang puwang sa mundo na nandadamay ng mga inosenteng tao." without hesitation I shot him directly in his heart. Naramdaman kong napatigil ang lahat sa narinig nilang putok ng baril. Dare to come near me, you will be shot dead.

"Isang hakbang pa, tapos ka." malamig na banta ko habang nakatutok sa kaniya ang baril diretso sa noo niya. Natigilan ako nang marinig ko si Emman. Dali-dali akong lumapit sa kaniya habang binibigyan siya ng punang lunas. Nahihirapan na siyang huminga. Please hold on.

"Emman, pakiusap 'wag kang tumigil sa paghinga!" nagsusumamo kong sabi.

"Emman...hindi.." napatingin ako sa nagsalita. Si Rosa na umiiyak ang papalapit sa amin. Nanginginig ang kaniyang kamay na pilit hinawakan si Emman.

"Mabubuhay ka Emman."  matigas kong sabi habang karga ko siya at tumatakbo.

"Isabel!" napatigil kami sa pagtakbo ni Rosa nang may tumawag sa akin.

"Sumakay na kayo dito." sabi ni Doña Celestina kaya hindi na ako nagdalawang isip at sumakay na.

"Emman..." umiiyak na sambit ni Rosa habang mahigpit na nakahawak sa kamay nito.

"Kasalanan ko ito. Kung hindi ko lamang siya nabitiwan at hindi kami nagkahiwalay, siguradong ligtas siya ngayon." rinig kong sabi ni Aling Lita. Hindi ko napansing nandito din siya. Napansin kong parang hindi na siya humihinga kaya inihiga ko sa sa mga bisig ko.

"Bakit Isabel?" nag-aalalang tanong ni Rosa.

I reach for his pulse. May pulso pa pero mahina na.

"Bilisan mo ang pagpapatakbo!" galit na sigaw ko. Kailangang bilisan niya ang pagpapatakbo kung hindi, baka hindi na makakaabot si Emman. If only I know the proper procedure of CPR kaso hindi ehh.. Kumapit ka Emman.

"Sabing bilisan mo!" galit na sabi ko. Kailangan ko nang umisip ng mainam na plano dahil hindi na pwedwng may madamay pa na inosenteng tao. Magbabayad ka talaga, walang hiyang ama!

"Talagang inubos niya ang pasensya ko!" mahina man ngunit puno galit kong sabi.

--

Hello po! Mas magiging madalas na po ang pag-uupdate ko. Yieee.. Haha!

BABALA: Ang storyang ito ay maikli lamang kung kaya't binabalaan ko na po kayo. Malapit na itong magwakas. Salamat po sa pagbabasa.

-blionsky

Continue Reading

You'll Also Like

71.5K 5.1K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...
153K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
93K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
361K 6.6K 80
Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination...