FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 13

12.9K 528 155
By TitaAmor07

KABANATA 13

YEAR 2018

Bumuhos ang luha ni Blue sa kanyang higaan nang maalala ang masakit na pinagdaanan niya sa kamay ng magulang niya. Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik na siya sa pagrerebelde dahil nawalan na siya ng gana. Para sa kanya, sapat na iyong napatunayan niyang hindi talaga siya kayang mahalin at maipagmamalaki ng magulang niya.

Ito ang kauna-unahang gabi ni Blue na hindi sila magkasama ng kambal niya sa pagtulog. Masakit ito para sa kanya pero kinakaya niya.

Sa mga oras na ito, sinusubukan na niyang makatulog kahit mabigat ang kanyang pakiramdam. Pagpikit ng kanyang mga mata, siya namang pagtunog ng cell phone nito. Nang makita niyang si Katleya, napangiti ito. Naalala iyong unang pagkakataon na nagtama ang kanilang mga kamay.

Sinagot na niya ang tawag nito. “Bakit?”

“Kinakamusta lang kita,” si Katleya.

“I'm sad. Send me nudes, dear.”

“Stupid!”

“Half joke.”

“Bibig mo.”

Tumawa si Blue at kinagat-kagat pa ang hinlalaki nito.

“Blue, kakatapos lang namin mag video call ng kambal mo. Naawa nga ako roon kasi sobrang miss ka na raw niya.”

Napangiti si Blue. “Ako rin naman, e. Miss ko na siyang yakapin.”

“Ahhh.”

Bumuntonghininga si Blue. “Pero wala na akong magagawa kasi pinalayas na nila ako.”

“Ahhhhh. Tapos?”

“Tapos ang boring mong kausap, buw*sit! Matulog na nga ako. I love you!” Ibinaba na ni Blue ang tawag. Napatawa siya kasi alam niyang umuusok ang ilong ni Katleya sa galit.

Tumawag muli si Katleya, pero hindi pa niya muna ito sinagot. Mga segundo rin ang dumaan. Gusto niya lang mang-inis dahil wala siyang mapagkalibangan.

Sinagot na niya ito...

“Oh!” singhal pa niya para lalo itong mainis.

“Bakit mo ako binabaan?!”

“Ang boring mo kasing kausap. Nakakaantok!” Humikab pa ito matapos masabi iyon.

“Grabe siya!”

“Totoo naman kasi, nagkukuwento ako ng drama ko sa buhay, ’tapos ikaw sige lang ng ah, ah, ah. Ano ka? Nakatikim ng langit?”

Napatawa na lang si Katleya dahil sa bunganga ng kausap niya.

“Pero ito seryoso. Nandito lang kami, ha? Mahal ka namin,” nakangiting sabi ni Katleya.

“Alam ko kaya salamat. Pero kailan mo sasagutin ang kambal ko?” tanong ni Blue. Inisip naman nito kung gaano kasaya ang kapatid niya kapag may kasintahan na ito. “’Wag mong tagalan, ah? I want to see him happy with the girl he loves.”

“Alam mo, sobrang nanginginig ang tuhod ko sa tuwing kasama ko siya.”

“Ano ka matanda?” Humalakhak ito. “Mag-flanax ka na kaya.”

“Sige, asarin mo pa ako! Kainis ka!”

“Gusto mo talaga?”

“Ewan ko sa iyo, matulog ka na. Good night!”

Napangiti si Blue. “Pero Kat, seryoso, ’wag na kayo mag-aalala sa akin. Magpakalakas na ako. Bukas, humanda si Selena.”

“Baliw! Ano ba 'yan, miss ko na ang boses ng kambal mo,” kinikilig na sabi ni Katleya nang maalala ang gabi ng pageant.

“Nakantahan ka na niya?” tanong ni Blue.”

“Oo, sa pa—”

“Wait Kat,” pagputol ni Blue sa sasabihin ni Katleya. May kumatok kasi sa pinto ng kuwarto niya. Nilingon niya ito. “La?”

“Yes, baby,” sagot ni Rosa.

“Pasok po.”

Pumasok na si Rosa na may dalang gatas na para sa mahal niyang apo. Umupo ito sa gilid ng apo niya at inilagay ang gatas sa tabi ng isang lampara.

Ibinaling na ni Blue ang tawag kay Katleya. “Bye na muna, Kat. Nandito si Lala. I love you.”

Ibanaba na ni Blue ang tawag at umayos muna ng upo. Kinuha niya ang gatas at ininom ito. Dahil hindi ito mainit kaya agad niya itong naubos.

“Salamat, La.”

“Welcome. Girlfriend mo ba iyong tumawag?” tanong ni Rosa.

“Hindi, ah.”

“Bakit may I love you?”

“La, ang salitang I love you ay hindi lang para sa magkasintahan, okay? Ang I love you ay para sa mga taong who understands, care, respect, accept, and love you undoubtedly at isa siya roon. Kaya I always say I love you to her. Katulad niyo po, I love you, La.”

“I love you too, apo.” Niyakap ito ni Rosa nang mahigpit. “Matutulog na ang lala.” Humiwalay na ito sa pagyakap at hinalikan sa pisngi ang apo. “Sleep well, baby.”

Gumanti ng halik si Blue. “Sleep well, oldy. A-aray!” reklamo nito. Hinahampas kasi ito sa ulo ni Rosa.

•••

Nakapaghanda na si Blue para pumasok sa paaralan. Paglabas niya sa kanyang kuwarto, pumunta siya sa kuwarto ni Rosa. Kinatok niya muna ito bago pumasok.

“La?” sambit ni Blue.

Nang hindi niya nakita si Rosa, pumunta siya sa higaan nito. Pagtingin niya sa sahig, may nakita siyang isang larawan. Isang batang babae at dalawang batang lalaki. Napangiti si Blue dahil sigurado siyang silang dalawa ni Red ang batang lalaki na nasa larawan. Ang pinagtataka niya kung sino ang batang babae na kasama nila sa larawan, kulay pink ang suot nito na may magandang mukha.

“Baby, nandito ka pala?” sambit ni Rosa.

Napalingon si Blue nang marinig ang boses ni Rosa. Ipinakita niya ang larawan. “Sino po ito, La? Mukhang kamukha namin. Ang weird.”

Nanlaki ang mga mata ni Rosa nang makita ang hawak ng apo niya. Tumakbo ito at daliang hinablot sa kamay ng apo niya.

“Labas na,” pagtaboy ni Rosa. May halong kaba sa boses nito.

“La, sino nga iyon?” pangungulit ni Blue.

“Sabing labas na!” buong lakas na sigaw ni Rosa. Nanlisik ang mga mata nito. Nataranta.

“Bakit niyo po ako pinapagalitan?” Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Blue. Ito ang unang beses na pinagalitan siya ni Rosa.

Nang makita ni Rosa ang nangingilid na luha ng apo niya. Nilapitan niya ito at pinunasan.

“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Rosa.

“Nagtatanong lang naman ako, e. Hindi naman ako magtatanong kung alam ko.”

“Ssshhh. Sorry na baby.” Huminga nang malalim si Rosa. “Anak iyon ng kaibigan ng daddy mo. Nasa...” Nag-iisip pa ito. “States! Sa States nakatira.”

“Pero bakit mo ako sinigawan kanina?” tanong muli ni Blue.

“Nabigla lang ako.”

“Pero bakit ka nabigla?”

“Dadagdagan ko ng 10K ang baon mo, ’wag ka ng magtanong,” anang Rosa.

Napangiti nang malapad si Blue. “Hindi na pala ako magtatanong. Naalala ko na.”

“Salamat kung ganoon.”

“Ang pera ko po?” Ibinuka ni Blue ang palad niya na parang wala lang nangyari.

“Kumuha ka sa pitaka.”

“Okay po.” Tumakbo agad si Blue papunta sa kung saan nakasabit ang bag ng lola niya. “Dagdagan ko pa po ng 10K, La?” nakangiting tanong nito habang hawak ang pitaka ni Rosa.

“Okay, basta ’wag mo lang ubusin.”

Kumuha na ng dalawampung libo si Blue at agad na lumapit pabalik kay Rosa. Niyakap niya ito nang mahigpit.

“Thank you po,” si Blue.

“Mag-almusal ka na,” ani Rosa.

“Sa school na po, La. Sige, mauna na ako. Bye!” Tumakbo na ito na parang isang bata. Masasalamuha niya ang Tita Belinda niya sa hagdan. “Morning po, Tita.”

Hindi siya nito pinansin, pero wala lang iyon sa kanya kasi sanay na siya. Nagpatuloy na siya sa pagtakbo papunta sa bago niyang sasakyan. Sports car ito at kulay asul kaya para siyang nasa langit nang pinayagan siya ni Rosa na ito ang bilhin kahit sobrang mahal.

“Sino kayang suwerteng babae ang unang makakatikim ng langit dito?" tanong pa niya sa kanyang sarili. “Tara na nga, self!”

•••

Pagpasok ni Blue sa classroom nila, napangiti ang mga kaibigan niya at lalo na ang pinakamamahal niyang kambal. Nakita kasi nila sa mga mata nito na masaya ito. May bitbit din itong pang almusal para sa kanila.

“Foods here.” Inabutan niya isa-isa ang mga kaibigan niya.

“May dalawa pa? Para kanino 'yan?” takang tanong ni Red.

“Itong isa ay para sa best friend ko na soon to be you girlfriend at ito namang isa ay para kay Selena.”

“Selena?” paninigurado ni Red.

“Oo, my s*x partner po. Hashtag heaven.”

“Ewan ko sa iyo!” inis na sabi ni Red sabay bukas sa pagkain na inabot ng kambal niya.

“Blue, isali mo naman kami. Ipinagdamot mo na si Selena,” si Grey.

“Kaya nga,” pagsang-ayon ni Green.

“Okay. Mamaya? Sharing is caring. Happy na?” ani Blue. Tumingin ito kay Red. “Wala kang narinig, okay?”

Hindi pinansin ni Red ang kambal niya at tahimik lang itong kumakain.

•••

Paglabas ng pinto ni Katleya sa classroom nila, isang kumpol ng bulaklak at teddy bear ang bumungad sa kanya. Ito ay hawak ng lalaking nagpapatibok ng puso niya. Naghiyawan ang lahat ng mga nakakita. Hindi nila maitago ang kilig na nararamdaman para sa dalawa.

“Hi, My Princess,” pagbati ni Red. Nakangiti itong tinititigan si Katleya.

“Red? Para sa akin ba 'yan?” pagpigil sa kilig na tanong ni Katleya.

“Para sa mahal ko,” sambit ni Red sabay hanap sa babaeng mahal niya sa loob ng classroom. Dinaanan niya lang si Katleya. Nanlaki ang mga mata ni Katleya, pero bumalik si Red at pumunta sa likuran ng dalaga para yakapain siya. “Ikaw pala ang babaeng mahal ko.”

Niyakap ni Katleya ang brasong nakagapos sa kanya. Ipinatong naman ni Red ang baba nito sa balikat niya. Amoy na amoy naman niya ang mainit at mabangong hininga ng binata. Bumilis ang pintig ng puso niya na parang sasabog na. Hindi na ito magkamayaw.

“Ang sweet ng prinsipe ko, ha?” si Katleya.

“Let me do this, ang sarap pala sa pakiramdam. I love you, Yellownora.”

Napangiti si Katleya nang marinig sa taong mahal niya ang pangalawang pangalan niya. Habang nakapatong ang baba ni Red sa balikat niya at nakayakap nang sobrang higpit. Hinaplos-haplos niya ang mga kamay nito.

“Alam kong sinusundan mo ako noon, Katleya,” panimula ni Red. Nanlaki ang mata ni Katleya at nakaramdam ng hiya. “Minsan, kapag hindi kita nakita, hinahanap talaga kita.” Napangiti si Katleya nang maalala iyong araw na sinusundan niya ang mahal na binata. Napangiti si Red at humugot pa ng lakas para ipagpatuloy ang sasabihin. “Iyong pagpunta mo sa garden halos araw-araw para makita lang ako, saludo na ako sa iyo ng panahong iyon. Kasi ang layo ng inyong department doon sa garden na malapit lang sa amin. Pero kahit ganoon, may pagdadalawang-isip ako kung gusto mo ba talaga ako o assuming lang, kaya noong sinabi ni Asul na gusto mo ako, naglakas-loob na ako at nagpakatapang para sa iyo. Ang sarap lang sa pakiramdam na totoo pala talaga ang naramdaman ko noon na gusto mo ako. Sorry kung hindi kita pinapansin, ha? Nahihiya kasi ako sa iyo. At iyong nangyari sa garden, nahulog iyong libro ko. Sobrang nahihiya talaga ako noong araw na iyon, hindi nga ako nakatulog dahil sa kaiisip na baka ano iisipin mo tungkol sa akin.”

“Hindi naman kita huhusgahan kasi kahit ako nagbabasa rin naman nang ganoon.”

“Salamat. Ikaw? Kailan mo ba ako nagustuhan?”

Napangiti si Katleya nang maalala ang gabi na iyon. “Sa pageant. Sa Miss Montenegro.”

“Huh? Wala naman akong ginawa sa iyo noon para magustuhan mo,” giit ni Red. Nag-iisip pa ito kung may nangyari ba noon na hindi niya maalala.

Humarap si Katleya kay Red. “Iyong inabot mo itong hikaw sa akin.” Hinawakan niya ito sa kanyang tenga. “Nakuryente pa nga tayo.” Natahimik si Red habang nagkukuwento ang dalaga. “Pagkatapos iyong kumanta ka, hinawakan mo pa ang kamay ko noon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga panahong iyon. Doon ko nasabing gusto na kita sa sandaling iyon.”

Natulala sandali si Red nang marinig ang sinabi ni Katleya. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon nito. Napatawa siya habang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Pumikit siya at bumuntonghininga nang mapagtanto ang katotohanan.

“Enough,” mahinang sambit nito.

“Huh? Bakit?” takang tanong ni Katleya.

Pagmulat ng mga mata niya, kasabay niyon ang luhang nagsipatakan sa mga mata niya.

Tiningnan niya si Katleya habang nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa luha sa mga mata niya. “Ibang lalaki ang minahal mo. Mauna na ako.” Inabot niya ang bitbit na teddy bear at flowers kay Katleya. “Pero para pa rin ’yan sa iyo kasi mahal kita kahit mahal mo ay iba.”

Umalis na si Red palabas ng classroom. Napanganga naman ang mga estudyanteng nakakita sa nangyari. Kahit wala silang narinig, alam nilang may nangyaring hindi maganda.

“Red!” sigaw ni Katleya. Tumakbo ito at hinawakan sa kamay ang binata. “Ano’ng nangyari sa iyo?”

Nagpupunas ng luha si Red sabay harap kay Katleya. “Iyong lalaking nagbigay ng hikaw sa iyo, iyong lalaking hinaranahan ka, iyong lalaking sinabi mo na sa mga oras na iyon ay napagtanto mong gusto mo. Hindi ako iyon, si Blue iyon.”

Napatulo ang luha ni Katleya habang papalayo sa paningin ang lalaking mahal niya. Sobrang naguluhan siya dahil dalawang tao pala ang minahal niya. Ang lalaking nasa pageant na bumihag sa puso niya at ang lalaking araw-araw na sinusundan niya.






~~~

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
9K 159 2
Polyamory Series #3 Mariella is the only woman among her friends. Her friends know how much she loves them, to the point that every problem she's fac...
1.5M 37.6K 51
One night that changed everything.
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...